Jan 21, 2011

TSK TSK TSK

Wala sa akin kung hihiram kayo ng mga naisulat ko.

Pinost ko yan sa blog ko para mabasa ng karamihan. Di ko pinagdadamot ang mga sulat ko. Kung gusto ninyo ishare sa mga kakilala ninyo, ayos lang. Matutuwa pa ako. As in.

Pero sana, kung gagawin ninyo, ipaalam ninyo sa akin o kaya naman ikredito ninyo na nakuha ninyo sa blog ko yung post ko. Ang tawag kasi dun pag hindi ninyo binigyang kredito ang pinanggalingan ng sulat ninyo ay plagiarism. Pag-aangkin ng sulat ng iba.

Hindi ako madamot. Mangilan-ngilang beses kong nakita sa iba-ibang blogs ang ilan sa mga sinulat ko. At natutuwa ako na halos lahat sila nilink back sa akin yung original na post. Yung iba nagpapasalamat pa.

Sa totoo lang nakakataba ng puso kapag nangyayari yun. Ibig sabihin maganda yung pinupunto ko. O may sense yung sinasabi ko. At ibig sabihin din nun na binabasa ng mga tao yung mga lathala ko.

Uulitin ko, hindi ako madamot. Kung gusto ninyo ishare sa iba ang mga sulat ko. Malaya kayong gawin yun. Pero sana lang bigyan ninyo ng kredito yung orihinal na pinanggalingan ng pinopost ninyo.

Mano bang ilagay ninyo na nakuha ninyo yung post na yun kay gillboard. Kahit di na ninyo ilink back. Ayos lang sa akin.

Hindi po ako galit.

Disappointed lang.

Hay.

30 comments:

  1. Bad nga yon. Pede ba malaman kung san nakapaskil yung ninakaw sayu? Hehe

    -bulakbolero

    ReplyDelete
  2. intellectual property rights!

    ReplyDelete
  3. aw. nakakadisappoint nga.

    ReplyDelete
  4. weee... sino yan chong.. ang sasama.. weee...

    ReplyDelete
  5. nakupow...sino yan? hahampasin ko ng mahiwaga kong armas...ng matuto...

    ReplyDelete
  6. naku sa mga nagtatanong, eto lang...

    ako lang ang nag-iisang follower niya, medyo marami na nagsusumbong sakin tungkol sa kanya...

    tapos halos kapareho niya yung url ko... nagkamali ata nung ginagawa niya yun... tama na. ayoko ng blog war.

    nakakalungkot lang.

    ReplyDelete
  7. on a positive note, someone believed your work was really good that he decided to take credit for it

    ReplyDelete
  8. ps
    sorry, ha
    i-credit na kita
    di ko na uulitin
    hehe

    ReplyDelete
  9. That happened to me once too. It was a pinoy site (I will not name them so they won't get any traffic) who posted my review of BioShock and never gave me credit, link back, or even contacted me. So, I e-mailed their webmaster when I found out. So, he offered me a job. I didn't accept, of course. Their website died a few months later.

    ReplyDelete
  10. Eksaktong eksaktong ganito yung nangyari nang may nagnenok ng blog entry ko last August. Kinarma siya, naging national headline ang blog entry, hindi niya ni-credit sa akin kaya napunta sa kanya ang spotlight.

    ReplyDelete
  11. hmm,i wonder if thats me?!choz!

    ReplyDelete
  12. Wala pa akong nakikitang gawa ko na kinopya ng iba na walang credit. Badtrip yan sir.

    ReplyDelete
  13. hindi ako to promise ngaun lang ako nabisita dito..haha.. please add me to your blogroll.. thanks.. i added u up already..thanks.. visit me back

    ReplyDelete
  14. aww tama si CC..violation yun ng intellectual property rights..tsk

    ReplyDelete
  15. Hindi po ako galit.

    Disappointed lang.- gillboard


    ganyan ba dapat sir? hehehe. sikat nmn talga mga likha mo sir. astiig ^_^


    -kikilabotz

    ReplyDelete
  16. nakakatuwa na sana pag malaman mong may gumamit ng entry mo pero nakaka-disappoint kasi di ka pinakilala na ikaw ang gumawa. grrr

    ReplyDelete
  17. sa mundo ng blogging, napaka unethical ng ginawa nya. sobra. sana man lang kahit pangalan mo nakalagay doon.

    alam kong matagal ka na sa blogging. :) dalawang taon pa, maituturing ka nang institusyon. nasubaybayan ko ang ilang mga gawa mo.

    sana man lang nirespeto ka, bilang isang blogger na medyo matagal tagal na.

    hayaan mo na. maraming bilib sa talento mo at sa kakayahan mo. magpugay ka.

    :)
    -mang poldo

    ReplyDelete
  18. Awww.. Sino nanguha ng blog post mo? Grabe naman yun. Hindi marunong magbalik ng credit sa tunay na may gawa sila na nga nangunguha. Parang tumblr naman, nagrerepost. :|

    ReplyDelete
  19. grabe nga noh.. meron nga talagang ganyan..
    tamad ako maglink pero nilalagay ko naman kung kanino ko naharbat..
    tsk tsk nga talaga..

    ReplyDelete
  20. OMG!!!!! kilala ko yan!!!!

    may post ka dun? tsk tsk..

    if pareho tayo ng iniisip, feeling ko gusto lang nun nang exposure kaya nya ginagawa yung mga yan...kasi blog wars can do a lot sa kasikatan ng isang blog.. nabasa ko yun sayo dati hihi...

    wag mo sya pasikatin, definitely not deserving...

    ReplyDelete
  21. sino ba 'yang putanginang plagiarist na 'yan at nang makaliskisan na? tsk tsk. pareng gillboard, hindi naman ikaw ang aaway sakaling i-post mo ang url niya rito. kami na lang bahalang dumispatsa sa kaniya. haha!

    ReplyDelete
  22. malamang kailangan mo na rin i-compile at iplublish tong mga to in printed form.

    ReplyDelete
  23. hindi nya siguro na-take up yun ng HS or college. hihi :D

    tinuturo naman yun di ba?

    ReplyDelete
  24. Which is precisely why I've added a bit of code in my HTML to prevent copying of content. Protect yourself. If you want the code, or would like to know how to place this safeguard on your blog, just email me dude.

    ReplyDelete
  25. pwede mo siyang i-message o sabihan. nangyari na sa akin yan dati. ang hirap kaya mag-isip. makakarma din yun. :)

    ReplyDelete
  26. ano pangalan ng blog? gillboard grows down? hehe

    ReplyDelete
  27. oh well, di na ako nagtataka sir Gibo kung may gumaganyan sa iyo. Kahit naman ano gawin nila, they can never be you so relaks lang. Niloloko lang nila sarili nila. :D

    ReplyDelete