Oo na. May double meaning ang title. Hindi ako chickboy dahil lang ako’y matinik sa chicks pero dahil pwede ako sa chick at pwede din sa boy.
Hayaan niyo muna akong magbuhat ng bangko ng sandali. Ang inyong lingkod kasi ay nakatanggap ng isang liham sa facebook noong isang araw. Nominado daw ako sa isang patimpalak kung saan nililista ang 100 sa pinakapoging blogger sa blogosperyo.
Pwede ba magwithdraw? Ako na mismo ang magsasabi, hindi ako gwapo!
Anyway, syempre dun sa nakaisip na ilista ang pangalan ko. Maraming salamat, pero kailangan mo yata ng salamin. Marunong lang ako magsulat. Period.
At dahil sa nominasyon na iyon, naisip ko tuloy na isulat ang lahat ng mga nakadate, naligawan, naging syota, nabasted at kung anu-ano ni Gillboard simula nang magsulat siya sa blog na ito (5 years of whatevers). Ieexempt ko muna si Kasintahan dito, baka magsawa na kayo sa mga kwentong Kasintahan ko.
Oo na. Ako na talaga!!!
SI MONDAYSi Monday yung aking nakakasabay sa fx sa pagpasok mga dalawang taon na ang nakakaraan. Sa mga nagbabasa ng blog ko noon pa, sorry, pero ang totoo lalaki po si Monday. Nagtatrabaho siya sa may PBCom Tower noon (di ko alam kung hanggang ngayon). Tinawag ko siyang Monday dahil nagkakasabay kami tuwing Lunes lang. Di ko alam kung bakit, pero Lunes lang talaga kami nagkikita. Walang namagitan samin. Puros titigan. Sulyapan. Ngitian. Dikitan ng braso at tuhod. At napakaraming awkward silences. Huling nakita ko siya, nag babye siya sa akin sa fx paglabas ko. Looking back, sign na yata yun na wala talaga kaming pag-asa. Not meant to be ang drama.
SI DATESi Date eh unintentionally, nabasted ko kasi wala akong kwentang kausap. Sinong mag-aakala, pero girl naman ito. Hindi ko alam kung anong sumanib sa akin at nageksperimento akong maging straight noong mga panahong iyon. Dahil siguro nagsisimula na ang summer nun at gusto kong mag-init. Hindi ko talaga alam. Mabait si Date. Maganda. Nadevelop sa akin. Pero noong nagsimula na siyang magparamdam na may pag-asa ako pag niligawan ko siya. Ako yung umatras. Binasted ko siya. Nang hindi sinasadya. Nasabi ko lang naman na hindi pa ako handa na pumasok sa relasyon. Hindi na kami nag-usap after nun.
SI DESPERATE TEXTMATESiya ang dahilan kaya ayaw ko ng mga textmate. Magpapasko noon. At syempre dahil ilang taon din akong kasapi ng SMP, gumawa ako ng paraan para maging excluded nun. Unfortunately, nakilala ko si DT. Lahat ng senyales na di ko siya dapat patulan ay nakita ko. Jejemon siya magtext. Ang panget ng boses niya. Isa siyang malaking negastar. Pero mas malakas ang hatak na ayaw kong maging depressed sa Pasko kaya di ako tumigil. Kaya nung araw na nagkita kami, hindi na ako nagulat sa nakita ko. Oo, panget ako, pero siya… Medyo nasuka ako ng konti, at nalunok ko ulit ito. At ang nakakaloka, gusto pa niya maghalikan kami sa harap ng fountain sa MOA. Hindi ko yun kinaya. Tumakbo talaga ako nung nagpaalamanan na kami. Di ko siya kiniss.
SI SINGERSaglit lang ito. Isang date. Nanood kami ng Villa Estrella kasi walang masyadong tao. Akala niya pwede ako gumawa ng milagro sa sinehan. Hindi no. Binatang Pilipino kaya ito. Sa CR ako gumagawa ng milagro at hindi sa sinehan (isang malaking JOKE). Aaminin ko, kamunduhan lang talaga ang habol naming sa isa’t isa pero ayaw ng kapalaran na maging makamundo kami. Tuwing may nagyayaya sa amin na lumabas, palaging hindi pwede ang isa. Hanggang sa nagkasawaan na lang.
SI INDIE ACTOREx ko siya. Hindi siya sikat. At isa pa lang ang pelikula niya. Pero may hitsura siya tsaka fan page. Maliit nga lang (ang height). Eto katawang lupa lang talaga ang habol naming sa isa’t isa. Dahil may chemistry kami sa kwarto. Pero pag nagaattempt kami na kilalanin ang isa’t isa laging sa away nauuwi ang usapan namin. At saka nakunsensya ako. Subordinate ko siya sa opisina ko dati. Sobrang bad ko nung kami pa. Di bagay sa akin.
Madami pa akong naging mga pagkakamali na kulang ang dalawang blog para ilista. Pero dun ako natuto. Sa kanila ako nagmature. At sila ang naging dahilan kung bakit, kahit papaano ay nagiging mabuti akong kasintahan ngayon.
Pero hindi talaga ako pogi. Promise. May appeal lang.

*****************
PS: Meron po akong ginawang Facebook Page para sa blog na ito. Ilike niyo naman. Parang awa niyo na.
Click niyo lang ito...
Thank you.
oh haha langya, ang new post ko, about KAPOGIAN din ahahhaha ching!
ReplyDeleteikaw na-- ang super honest! saludo!
ReplyDeletecommercial (di ba may common friend tayo), he asked about you before, sabi ko may GF ka (bilang wala naman akong alam kyeme). sagot nya: really? malambot kasi yun nung HS.. ^_^
ako na ang slowvakia!
shinare ko lang..
wahahahaha! si Monday! sinasabi ko na nga ba eh hihihi
ReplyDeletenung una, akala ko si Moret yung si Date kasi bandang summer ko sya nireto sayo hahahaha :D
ang pogi mo! ikaw na! sige na ikaw na ang chickboy! haha nakakatuwa ang paliwanag mo sa chickboy.
ReplyDeleteNYAHAHAHAHA! Hulaan mo kung sino nag-nominate sa 'yo. Ninominate din niya sina Jepoy, Glentot... *evilsmirk*
ReplyDeletebumawi kapa talaga sa closing sentence mo ha. hahaha
ReplyDeletehahaha ok CHIKBOY ka na talaga... wahehehe..
ReplyDeletehaha, honestly ngayon ko lang nalaman na chickboy ka pala, kala ko naman arrow ka! buti ka pa nga me nakakasabay palagi hehe
ReplyDeleteIKAW NA! hahaha.
ReplyDeletePS. hindi kaya si gasul ang salarin dyan? :P
You had me at "Medyo nasuka ako ng konti, at nalunok ko ulit ito". Major ewwwwwnnessss! LOL! At napakabakya naman at gusto pa nia magkiss kayo sa tapat ng fountain. Like THE! Hahahahahaha!
ReplyDeleteIkaw na!
Iboboto kita! LOL! :)
iboboto rin kita . huwag k n magback out. nyahahaha
ReplyDelete-kikilabotz
well, if you had K at "Medyo nasuka ako ng konti, at nalunok ko ulit ito", she had me at "like THE!" hahaha!
ReplyDeletetawa ako ng tawa sa DT. panget man at jejemon magtext, gusto rin kumiss. at of all places, sa tapat pa ng fountain. baket? commercial ng close up? umeeksena? lol
gusto ko ang honesty mo. nakakalurkey. gusto ko yung may appeal. nagiistand out.
at dahil jan, may ngtext. chos.
iboboto kita! =D
Ngayon pa lang ako nag-uumpisa na magbasa kaya wala akong alam tungkol sayo..akala ko straight ka..di ko alam..sorry walang alam.. pero saluds naman ako sa lahat ng mga sinabi mo.. wala akong power na ganyan.
ReplyDeleteikaw na nga ang chickboy! hahaha sarap balik-balikan ang mga nakaraan :P
ReplyDeletelalake si monday?!?
ReplyDeletehehe
wow! lalake pala itong si Monday hehehe kinikilig pa man din ako nung kinekwento mo hehe
ReplyDeleteat may artistahin ka pang naging ex. idol!!! XD
Ituloy mo lang yan... wag na magbackout... hehehe!
ReplyDeleteikaw na talaga tsong panalo ka na hehehe :D
ReplyDeletego lang.. wag umayaw... :D
you're making yourself more mysterious, come on Gilbert, do not be too humble. haha...
ReplyDeleteat nakaka-trauma si Desperate Textmate, do not ever date a girl like that anymore. hahaha, laughtrip!
natawa ako ng sobra kay desperate texmate, haha. at talagang gusto pang kumiss in public at marunong sya ha - gusto pa talaga sa fountain sa MOA. LOL XD
ReplyDeletenakita ko ang fb fanpage mo thru jepoy, suportahan kita. XD
This comment has been removed by the author.
ReplyDeletehahaha! kawawa naman si desperate textmate tinakbuhan mo chong hahaha!
ReplyDeleteandami...
ReplyDeletehehe. nakakatuwa.
madaming ibig sabihin ang Pogi sir! kaya oks lang yan... iboboto kita:D
(paano ba bumoto?.lol)

ReplyDelete