Mar 31, 2009

MIGRAINE

Ano ba ang sinusulat ng mga taong may sakit? Madami akong nakaplanong isulat para sa mga susunod na araw, pero wala. Hindi ako makapagsulat ng matino. Masakit ang ulo ko. Nilalagnat ako. Di ako pumasok kanina. Dala na ito siguro ng panahon, at sa ikli ng tulog ko nitong mga nakaraang araw, siguro gumanti na yung katawan ko sa kapabayaan ko. Ang sakit ng ulo ko.

Sa kakabloghop ko kanina, nalaman kong meron palang pelikulang I Love You, Man... Ito'y kwento ni Paul Rudd, na ikakasal sa gelpren niya. Pero wala siyang best man, kaya ayun, naghahanap siya ng kanyang bebesprenin na lalake. At dahil comedy yung pelikula, riot yung mga mangyayari.

Dahil nga may sakit ako, medyo depress-depressan ang drama ng lolo niyo. Don't get me wrong, madami akong kaibigan, wala akong reklamo sa kanila. Kasama ko lang sila noong Biyernes. Maituturing ko sila na mga best friend ko. Pero, yung tipong bestest friend, na tipong araw-araw nakakausap mo. Kapag nabuburaot ka sa bahay mo, pupunta ka lang sa kanila, magvivideo games lang kayo buong araw. Tapos kasama mo maghanap ng makakana kapag weekend.

Yung tipong marami talaga kayong kapareho. Hindi syota ha. Kaibigan lang. Wala ata akong ganun.

Dala lang ito ng Tylenol siguro at Biogesic. Itutulog ko na lang ito. Mabuti na lang at matatapos na ang buwan ng Marso. Ang buwan ng pagpapakakeso. Pagpapakaemo. Pagiging sentimental.

Isip ko, baka kelangan ko muna ngayong mag reading mode... Andami kong gustong isulat na di ko magawa dahil walang inspirasyon... Hay.

Mar 28, 2009

TO MOMMY ROSE

Two days ago, I received an email from a friend to let us know of a great deed that one of my former colleagues did to a fellow Filipino. I thought that it was really something that's inspiring so I decided to just write about it here as well. I want the world to know about this, and I want to share this very inspiring story. This was from an email that was circulated in the office where I used to work.

***********

Rosemarie Cervantes an agent of Team Carlson was on her way to Philippine Charity Sweepstakes office last Monday, March 23 2009 to ask for financial assistance for her husbands’ scheduled exploratory colon surgery. The balance in his Prudential Life Card is not enough to cover the total cost of the surgery because it has already been used for a series of expensive laboratory tests and check ups. On her way to the PCSO office, she took a cab and found a pouch containing P 104,000 and $230 CAN. A total of P144,000.00 pesos more or less the amount she needs to fill the balance of her husbands health card. Her personal needs did not even hinder her from doing a good deed. She directly went to one of the most popular radio stations (DZMM) to ask for assistance in locating the owner since there is no contact number nor local address in the passports and IDs inside the pouch. DZMM then sought assistance from police and The National Press Club. The owner was located, and to cut the long story short, yesterday, Mar 25 2009 the lost pouch was returned to the owner with every penny intact.

The owner is Mr. Dexter Pablo Pasion a nurse and a naturalized Canadian Citizen, from Maple, Ontario . He is very grateful to our own Mommy Rose, as we call her in Carlson. The owner also returned monetary reward for her honesty and integrity.

**********

I have known Mommy Rose since she started working with us in ICT, and ever since, I have not seen bad blood run through her vains. She has been a mother not only to me, but to everyone of the people in our little program. It's really not that hard to believe that she could do something as noble as what she did.


The thing is though, her husband, Joselito "Bobot" Cervantes, had colon surgery this morning.
He has stage 4 colon cancer. The good thing is that it hasn't spread yet. He needs continuous chemo therapy, and that's where they need the support from PCSO. I know the internet is a powerful media, and that's why I wanted to post this.

I ask you now, my fellow bloggers to please pray with me that he will pull through this ordeal. I believe in good karma, but it would greatly help as well if you give Mommy Rose and her family your support, even if it's just by a simple prayer.
One good deed deserves another. Help me out. I rarely do this, and it's not only because it is the right thing, but because I love our Mommy Rose.

Mar 25, 2009

KWENTONG BISOR

Pagpasensyahan niyo kung medyo mahaba itong ipopost ko ngayon. Wag kayo mag-alala, di ito madrama... susubukan kong gawin itong light... usually naman nagdadrama ako dito sa blog kapag nabasted ako.

Uso kasi sa mga kaibigan ko sa facebook yung magreminisce tungkol sa kumpanyang pinagtatrabahuan namin dati. Halos lahat kami ay matagal nang wala duon, pero ika nga hanggang ngayon hindi pa rin sila makamove on. Kaya ito, ikukwento ko ngayon ang buhay boss ko...

KWENTONG TL
Tarantado akong TL noon. Pasaway. Nauso ang sakit na UTI sa opisina dahil ata sa akin. Paano ba naman kasi, ang mga naglalakas loob noon na pumunta ng banyo eh pagbalik eh laging nagugulat... pagbalik nila, yung headset nila nakasawsaw na sa pulbos o sa tubig, yung tubig nila lasang C2 na... yung upuan nila nakabaligtad, tapos yung laman ng bag nila nakakalat sa floor. Tapos minsan yung sapatos nila nakatago sa ibabaw ng mga locker o kaya naman yung monitor nila di na nakakabit sa pc. Oo isa akong malaking brat!!!

Marami na rin akong napaiyak noon. Madalas naman hindi sinasadya. Nadadala lang sila madalas sa pressure, lalo na pag serious mode ako. Lagi ko hinihingan ng benta. Ayun, nagsisimula tumulo ang luha, pag di nakakayanan. At isa sa mga dahilan na hindi ako lumalapit sa mga buntis eh dahil nga muntik nako mapahamak dahil dun. Pano ba kasi, may nagpaalam sakin na magcr, eh nung nagsabi sakin halfway na siya mula sa station at banyo, nasabihan ko lang ng 'ano pa ba, andyan ka na' hayun, humagulgol. Simula nun, di na ko masyado nakikipag-usap sa buntis.

Madalas naman mga babae ang napapaiyak ko. Isa pa lang ata yung lalakeng umiyak sakin. Kinukwento niya kasi yung drama sa buhay niya. Nung mga panahong yon... naisip ko, wala ang Wowowee sa drama nitong batang ito.

EXCUSES EXCUSES
Bilang bisor naman, dami rin ako naging pasakit dun. Lahat na ata ng excuse para umabsent eh natanggap ko na...
"Sup Gil, di po ako papasok kasi naglayas yung pinsan ko."
Feb: di daw papasok kasi bday ng nanay... Abril: bday naman ng tatay... Hulyo: bertdey ulit ng nanay. Ilan ba ang magulang ng batang ito?
Meron ding mayroon ding nagsasakit sakitan... tapos biglang makakasalubong mo sa Glorietta.
Lahat yan, napagdaanan ko na... kasi nagamit ko na rin yan nung agent pa ako.

Nasabi ko na ba kung saan nanggaling ang pangalan ng blog na ito? Ang Gillboard kasi ang tawag sa board ng team ko noon. Opo, kahit ako na yung Operations Supervisor, may panahon na may hinawakan din akong mga tao. Tapos sa board na yun nakalagay yung mga benta ng mga tao ko. Kung absent sila... kawawa sila... dahil nakapost dun kung bakit sila nakaliban noong araw na yun. Nagmotmot mag-isa... Nabasted - hindi kinaya... Nirarayuma...

Pero wala namang na-offend. Alam naman nila na it's all for fun lang. Hindi naman ako sineseryoso ng mga tao dun. Kaya kapag may inaannounce akong importante, minsan hindi nila alam kung paniniwalaan ba nila ako o hindi. Ang maganda lang siguro, eh pag sobrang seryoso na ang usapan eh nakikinig naman sila.

DI NAMAN AKO GANUN KATERROR
Kung sa tingin niyo, eh napakasama kong boss, hindi naman. Kagaya ng isang nagpupumilit na maging isang mahusay na bisor, naaappreciate ko naman yung paghihirap ng mga tao ko para sa programa namin. Minsan nga, kapag walang ibinigay na budget sa amin ang kliyente namin bumubunot ako sa sarili kong bulsa ng funds para may maibigay sa mga bentador ko.

At kung sa tingin niyo, eh walang gustong mapunta sa team ko noon, ang totoo niyan, maraming ahente dati ang lumalapit sakin at nagpapaampon. Kahit na may sira ang ulo ko, ako lang noon ang nagbibigay ng chocnut sa mga agents ko. Ang team ko lang ang may sariling pakontes. At kapag may kontes ang buong account, kadalasan team ko ang nananalo. Lahat ng taong humawak ng pinakamaraming benta sa buong programa ay nanggaling sa aking pangangalaga. At halos lahat ng napromote eh at one point or another eh naging agent ko.

Ang pinagmamalaki ko lang siguro aside dun sa mga naaccomplish ng account namin, eh ni minsan, hindi ako o ang support team ko naakusahan na namumulitika. Ewan ko, siguro dahil open ako sa lahat ng desisyon ko sa mga tao ko. Kung may mga hindi ako napagbibigyan, eh sinisigurado ko na naipapaliwanag ko kung bakit hindi ko maibibigay yung hinihingi nila. At sa kabila ng mga kagaguhan, kalokohan at katarantaduhan ko sa floor, sa totoo lang, mabait naman talaga ako.

MAGBUBUHAT LANG NG BANGKO
Alam ko na hindi ako perpektong boss. Alam kong marami akong pagkukulang at maraming dapat pang matutunan. Hanggang ngayon tanggap ko yon. Gayunpaman, hindi maitatanggi ninuman na may mga nagawa akong maganda para sa account na yon.

Nang magsimula kami ng back up ko na hawakan yung account na yon, 50 lang ang tao namin at 3 lang ang TL noon. Pero noong umalis ako, 113 ang bilang ng ahente ko, 8 ang TL ko. At lahat ng taong dumaan sa account ko, kilala ko.

Noong ilipat ang account namin mula Ortigas papuntang Marikina, nung unang buwan namin, isa lang ang nawala sa mga tao ko. Ang programa ko ang nagpauso ng mga fun days sa office. At kahit mukha kaming tanga kapag naka sports costume, prom night, hiphop vs metal, geeks and nerds, santacruzan, 70's, 80's o kaya crossdress ang theme namin, game lahat ng tao.

AT SA PAGTATAPOS...
Siguro kaya halos lahat kami ay nahihirapang makamove-on pag-alis namin sa kumpanya, dahil sobra kaming naattach sa programa at sa mga tao nito. Lalo na ako, andun nako simula pa lang ng account. Magkakasama kami ng mga tao ko para palakihin yung account.

Andun yung halos mamalimos kami sa mga TL namin, QA, at sa boss ko para lang may maibigay na papremyo sa mga ahente namin pag tumaas yung benta ng account. At dahil lahat ng mga ahente dito ay magkakakilala, para na talaga kaming isang pamilya. Lalo na nung nasa Marikina na ang lahat. Minsan hindi lang kami magkakatrabaho, yung iba magkakapitbahay pa.

Di ako iyaking tao, pero nung huling araw ko sa trabaho, napaiyak nila ako. Syempre wala na masyadong maraming tao nung nangyari yun. Pero natouch lang ako sobra sa ginawa nila. Binigyan nila ako ng dvd ng mga mensahe para sakin ng mga iniwan ko. Nang matapos ang despedida party sa apartment, at bumalik na ang lahat sa trabaho, isang oras akong ngumangawa mag-isa noong pinapanuod ko sa bahay yun. Alam ko kasi na nagtapos na yung isa sa pinakamagandang kabanata sa buhay ko.

Pero nakamove on na ako...

Mar 24, 2009

ANG BLOGOSPERYO... BOW

OPINYON KO LANG
Malamang sa pagsusulat ko nito, mayroong mga taong tatamaan. Opinyon ko lang naman ito. Yung mga napapansin ko. Wala akong masamang ibig sabihin kung may babanggitin ako sa mga napapansin ko. Hindi ko naman kayo papangalanan. At bago pa ako magsalita, oo alam ko rin kung ano ang mga pagkukulang ko at ng blog ko. Hindi ko ito sinulat para laitin ang mga blog ninyo, dahil alam ko namang yung mga sinusulat ninyo ay kung ano ang nararamdaman ninyo sa puso ninyo...


**********

Kung iikot ka sa blogosperyo, mapapansin mong parang mga kabuteng nagsusulputan ang mga bagong manunulat dito. Mayroong mga bata, mga disgruntled na empleyado ng call center, OFW, mayroong mga nanay, aktibista, mga single na frustrated sa buhay, photographer, mga keso, emo, komedyante at mga totoong nabiyayaan ng talento sa pagsusulat.

Uso na nga ngayon itong hobby na 'to. Bakit naman hindi, isa itong paraan para mailabas mo lahat ng problema mo sa mundo. Dito mo maaaring ikwento kung paano mo pinasagot yung matagal mo nang nililigawan. Yung mga sexcapades mo, pwede mo ditong ilathala. At higit sa lahat may mga pagkakataon na dito mo rin makikilala yung mga taong maaari mong maging tunay na mga kaibigan.

Naaalala ko noong nagsisimula pa lang ako, inggit na inggit ako sa mga nababasa kong blog dahil ang huhusay nilang magsulat. Malalim. Nakakatawa. Makabayan. Tapos yung iba, sa mga celebrity pa. Pero ngayon, kahit sino na lang maaaring gumawa ng sarili niyang talaarawan.

Nagbago na nga ang mukha ng pinagkakaabalahan kong ito. At kagaya ng mundong araw-araw na binibisita ko, nagbago na rin ang mga taong nagsusulat dito.

BUSINESS
Marami-rami na rin akong tinanggal sa aking links dito dahil yung dating kinaaaliwan kong basahin eh ginawa ng pangunahing source ng pagkakakitaan ang kanilang blog. Wala namang masama dun, at one point in time, ninais ko ring gawin yun dito sa blog ko.

Ang naging problema lang naman kasi dun, eh feeling ko nang magsimula nang diktahan ng kung sinuman yung manunulat na yun para ipromote yung binebenta nila, eh nawalan na ng saysay yung tahanan nila. Kung yung dati, isang magandang humor blog yung nababasa ko, ngayon puros pagpopromote na lang ng mga serbisyong di ko naman kailangan.

Paano ka namang gaganahang magbasa ng isang post tungkol sa security locks diba?

Mayroon din namang hindi nga post yung binebenta, pero tinadtad naman ng ads yung page. Yung tipong sampung minuto nang nagloload yung page, puros ads pa rin ang nakikita mo't hindi yung nais mong basahin. Nakakawalang-gana bumisita.

YUNG IBA NAMAN
Medyo mahirap na rin ngayon magbloghop, dahil hindi naman lahat ng nabibisita mong magandang blog, eh sigurado kang magtatagal. Marahil kasi kahit sino na lang ang maaaring gumawa ng sarili niyang post, at medyo madali na nga lang ito, maraming tao ang naeengganyo.
Maraming mahuhusay magsulat, kaya lang pagkatapos ng isang linggo, pagsasawaan na at hindi na babalikan. Nakakahinayang kasi nga magagaling silang magsulat.

Mayroon din naman na nagpopost nga, kaya lang minsan sa isang buwan lang. Ewan ko, kung wala lang ba talaga akong life kaya halos every other day akong magsulat habang yung iba eh minsanan lang.

Kung mayroong hindi madalas magsulat, meron namang sobrang sipag na ewan ko ba kung paanong hindi nauubusan ng ideya para sa kanilang blog. Gustuhin ko mang gawin yung ganyan, natatakot ako na baka kinabukasan, wala na akong maisulat pa saking munting tahanan. Pero hanga ako sa mga taong ganito.

Karamihan sa mga bagong nagsusulputang mga blog eh mula sa mga kabataan. Mga teen-ager. Hindi ko madalas bisitahin yung mga ganun kasi hindi na ako makarelate sa kanila. Iba na ang lenggwahe nila. At minsan kaya ayaw ko eh dahil naiirita ako sa grammar nila. Hindi ako perpekto mag-inggles, pero medyo tama naman ang grammar ko. Kaya nga halos lahat na lang ng post ko ngayon ay sa Tagalog dahil ayakong nagkakamali sa inggles. Di nga lang ako mahusay sa grammar ng Pinoy. Tapos yung iba pa, kung paano sila magtext, ganun din sila magblog.

Alam mo rin kung sino yung nagboblog para lang sumikat. Bibisita sa blog mo, mag-iiwan ng mensaheng general ('nice blog.. visit me too' o kaya 'bloghopped'). Kaya ko tinanggal yung cbox ko, dahil naiinis ako sa mga ganung mensahe. Totoo na gawain ko yun noon. Pero sinisiguro ko naman na binabasa ko yung nakasulat sa blog nila bago ako mag-iwan ng mensahe. Tsaka ginagawa ko lang yun sa mga blog na totoong nag-eenjoy ako. Hindi para lang magpapansin.

Ganun din sa pagkumento. Alam mo kung sino ang hindi nagbabasa ng mga blog. Yung mga kumukumento for the sake of making a comment. Ganun din ako nyan pag minsan. Kapag di ko maintindihan yung post dahil sa sobrang lalim, binabasa ko yung mga kumento para mas maintindihan ko. Pero meron talagang mga tao, na magkukumento lang para ipromote yung blog nila. Madalas dyan mga Bumbay o Indonesian na ewan ko. Meron din namang mga tao dahil sa hindi ka sumasang-ayon sa opinyon nila, ay hindi na bumabalik sa blog mo. Masyadong maramdamin.

HAY BLOG
Mayroon din namang masasarap bisitahin. Lalo na kung yung nagsusulat eh kaedad mo, kasi talagang makakarelate ka sa mga sinusulat nila. Pare-pareho kayo ng problema.. sa trabaho.. sa babae.. sa lalake.. sa mga buhay pamilya.. tsaka kahit alam mong problemado, eh makukulit pa rin. Hindi nakakadepress. Nakakabawas ng stress, lalo na't madalas ginagawa ko ang bloghopping sa gitna ng trabaho.

Isa sa mga nakakatuwang bisitahin din eh ang mga blog ng mga babae. Mapapansin mo talaga na kung paano sila magkwento, eh ganun din sila magsulat. Siguro, bilang sa mga daliri ang mga blog ng babaeng nabibisita ko na nakakapagkwento o nakakapagpost ng maiikling mga kwento. Madalas talaga mahahaba ang mga sinusulat nila (lalo na kung lalake ang pinag-uusapan). Tapos may part 2 at part 3 pa yan. Wala lang... pansin ko lang.

Marami rin namang naglilipanang mga humor blog ngayon. Halos lahat nais na magpatawa. May nadapa sa MRT.. iboblog agad.. ganun din kung may narinig na chismis sa elevator.. may nahipuan sa jeep.. natalsikan ng laway sa restawran.. basta nakakatawa sulat agad. Kaya lang minsan ang problema dun eh, wala namang laman yung kwento nila. Wala lang... pagkatapos ng ilang minuto makakalimutan mo rin. Maganda sana kung kahit papaano, eh may marerealize ka na maganda mula sa mga kabulastugang nabasa mo.

Pero ang maganda sa mundong ito, kahit na hindi mo pa kilala ng personal ang may-ari ng mga binabasa mo, dahil sa mga nababasa mo eh parang matagal na kayong magkaibigan. Iba kasi yung koneksyong mabubuo mo pag may ibang taong nakakabasa ng mga bagay na mga kaibigan mong matalik lang ang nakakaalam. Masaya ring malaman mo na tuwing may problema ka, may mga taong handa kang tulungan, bigyan ng payo at pinagdarasal ka rin.

Kaya nga matapos ang halos apat na taon, eh hanggang ngayon buhay pa rin etong blog na ito. Nakakatuwa kasing isa-isang nakikilala ko rin ng personal yung mga bumibisita dito at binibisita ko.

Mar 22, 2009

MGA NATUTUNAN KO SA PAGTATRABAHO

Etong mga susunod na mga araw at linggo, sa pagkakaalam ko, sunud-sunod na ang mga paaralang magtatapos ng klase. Marami na namang gagraduate. Kaya ngayon pa lang, icocongratulate ko na lahat ng mga magtatapos sa kolehiyo. Congratulations! Simula ngayon, isa na kayo sa istatistika ng mga mamamayang walang trabaho!!!

Marami nanaman akong makikitang naglalakad sa kalsada ng Ayala na mga batang bitbit ang kanilang mga resume. Sama-sama ang kanilang mga ka-batch na makikipagkumpitensya para makuha ang trabahong inaasam nila.

Anim na taon na mula nang ako'y nagsimulang magtrabaho. Mangilan-ngilan na ring kumpanya ang napasukan ko. May nagtagal ng anim na araw. Meron din naman minahal ko't sinamahan ko ng tatlong taon. Etong huli, sana dito na talaga ako magtatagal, dahil ngayon, eh sobrang nag-eenjoy ako sa ginagawa ko.

Anim na taon na rin akong nagtatrabaho. Marami na rin akong natutunan dito.
  • The best way na magkaroon ng isang malaking sakit sa ulo sa trabaho eh ang makahanap ng syotang katrabaho.
  • Kapag workaholic ang drama mo sa buhay, darating ang panahon na makikita mo na lang ang sarili mong nag-iisa sa tuktok.
  • Pinakamadaling paraan para masisante ang pagdadala ng problema sa bahay pagpasok mo sa trabaho.
  • Isa sa pinakamabisang paraan para mapansin ka ng boss mo, eh ang pumasok sa trabaho ng maaga palagi.
  • Nasabi ko na ito dati, pero uulitin ko. Kahit saang parte ng mundo ka magtrabaho, hindi mawawala ang pulitika sa opisina.
  • Hindi sapat na mahusay ka sa ginagawa mo para makaangat ka sa trabaho. Kailangan marunong ka ring makibagay sa mga kinakasama mo.
  • Kung boss ka, huwag mong pipigilan ang mga nagnanais na umalis sa kumpanya niyo. Manghahawa lang yan sa pagiging di mabuting empleyado.
  • Huwag matakot sa mga pagbabago. Minsan mas nakakabuti ito para sa inyo.
  • Sa mga job interview, kung sasagot ka ng oo siguraduhin mong mapapangatawanan mo ito. Magsasayang ka lang ng oras kung sasabihin mong kaya mo mag graveyard shift, kung hindi naman totoo.
  • Masarap ang magtrabaho at pumasok kung gusto mo rin ang mga nakakasama mo.
  • Pero hindi ibig sabihin na dahil gusto mo silang kasama, at nag-eenjoy kapag kasama mo sila, eh magkaibigan na kayo. Pagdating sa trabaho, ang mga yan sarili din ang iniisip.
  • Hindi masama na alam mo ang gusto mo. Pero siguraduhin mo, kapag may hihingin ka sa iyong trabaho, eh nakakatiyak ka na karapag-dapat ka ngang pagbigyan nito.
  • Sa mga empleyado, naiintindihan ng mga boss ninyo na may pangangailangan din kayo. Intindihin niyo lang, na meron ding pangangailangan sa inyo ang kumpanya ninyo.
  • At totoo ang sinasabi nilang, gaano mo man kamahal ang kumpanya mo, minsan talaga hindi nila kayang suklian ito sa'yo.
Sa mga magtatapos ngayong buwan o sa Abril. Congratulations!!! Welcome to the jungle!!!

Mar 20, 2009

MODERN COMIC BOOK CLASSICS

I know alot (if not all) of the people who visit my page aren't interested in comic books. A lot of you can't relate to whatever it is I'm saying when I'm talking about super heroes and what have you. But please allow me to try and change your mind about it. I've been wanting to post this for like a month now, I just didn't have an idea of how to execute this. The thought came to me yesterday while I was trying to get some sleep, but earlier while I was taking a shower when I remembered this, I wasn't able to recall about half of the ideas I wanted to express. So while I still have the other half in tact right now, I decided to write this one out.

Plus, I've been wanting to write in English again. It's an itch I've been wanting to scratch for weeks now.

Going back to comic books, people immediately assume it's a kid thing... if not, a geek thing. Comic book collectors are usually stereotyped as nerds or people that bullies like to pick on. Well I don't think that it's entirely true. I've been buying comic books since I was a teen-ager, and I've never actually seen any kid in any of the comic book shops that I frequent. Not one child. Now as for the nerd thing... the late Francis Magalona is a comic book junkie. As well as Bobby Andrews. Do you actually think they'd be qualified as nerds? I don't think so.

I know collecting these things could be an expensive hobby, but believe it or not I'm willing to lend (NOT GIVE!!!) some of my collections to people who are interested in seeing what I see in these things.

Anyway, comics have matured alot these past few years. Gone are the black versus white, good versus evil ways of writing comic book heroes. Protagonists might step on the shades of gray. Villains have more complicated goals rather than just wanting to conquer the world. And heroism now isn't always perceived as it should be. Just like almost all of it's readers, comic books have grown up.

My intro's gone long enough. Here are some of the stories that I think could be considered Modern Classics.

ULTIMATES VOLUME 2 Mark Millar(w), Brian Hitch (a):
This is an alternate universe version of Marvel's Avengers. It's about thirteen issues, half of which seems not to be connected to each other. It shows us the flaws in the characters of each of the members of the team. The setting is just like the real world, where superheroes are not a common thing. Thor's perceived as a psycho who fancies himself as a god. The Hulk is a brainless monster with a lust for destroying things. And Captain America might just be fake. As the story goes on, we find out that there's actually a plot to take out all these supers so that America can be invaded to by a superpowered terrorist group. And they actually succeeded. This is actually an awesome story coupled by fantastic art. Just imagine if Michael Bay is given unlimited budget to do this story, it'd be an awesome movie. The eight page spread by Hitch by the end of the series is a work of art. During the time of it's original release, this title was plagued by delays so it's really difficult to follow this story. But if you read all 13 issues in one sitting, the only word that'll come out of your mouth will be 'wow'.

NEW X-MEN by Grant Morrison
The self-proclaimed God of all comics left a mark on X-Men when everyone thought that this title can't offer anymore new stories to tell. Gone are the colorful costumes and the superhero missions for the mutant team. You actually feel that Xavier's School for gifted youngsters is actually a school. Alot has happened in Morrison's run that made readers realize that this is not their father's X-Men. Cyclops is fooling around with Emma Frost when Jean Grey's not looking (or reading his thoughts). Beast turned from ape-like to catlike, Charles Xavier can walk again, a million mutants died in Genosha and the X-Men just became a great read again. The only thing that I didn't like is that the art in his whole run was inconsistent. There were issues with really gorgeous art (Phil Jimenez, Ethan Van Sciver), and there were really horrible ones(Igor Kordey). I think he had 6 artists throughout the entire run.

ASTONISHING X-MEN Joss Whedon(w), John Cassaday (a)
After Grant left the X-Men in 2004, the question was how to make the title still readable. Enter Buffy The Vampire Slayer creator Joss Whedon who completely abandoned what Grant established and brought the X-Men back to their basics. Which was basically soap opera with alot of action. This is 25 issues of awesome characterization and great banter. With the death of Jean by the end of Morrison's run, Joss worked on Scott and Emma's relationship and actually made me like what they had over Scott and Jean's. At one point, he turned Wolverine into a sissy girl which was hilarious. He brought Colossus back to life, and unfortunately ended Shadowcat's in one of the best death(?) in comics ever... I loved this run because 1) I'm a fan of Buffy when it was still airing 2) it has sweet sweet art from Cassaday and 3) it's just good. Problem, again with this run is that it was plagued with delays, but if you read this in one sitting, specially the entire run, it's more than satisfying.

CAPTAIN AMERICA by Ed Brubaker
The thing I loved about Ed Brubaker's Cap is that it reads like a good spy/action story. Prior to this, I hated the character as I see him only as one sanctimonious SOB. He's actually a boring character in my opinion. But Brubaker changed my mind. Now, this is the only title that I religiously follow. You see, in the 1940's Cap had a teen-age sidekick named Bucky. He was lost back then trying to stop a madman (which was actually a trap). The Russians got hold of his body, and turned it into one of the world's most effective assassins... The Winter Soldier. Captain America saved him. And now that Steve Rogers (Cap) is dead, it falls on the hands of Bucky to continue the legacy of the fallen soldier. It's 40+ issues of just great read. If you're into shows like 24 or Alias, Captain America reads something like it, only with more action and the sexy Black Widow.

DAREDEVIL (GUARDIAN DEVIL) Kevin Smith(w), Joe Quesada(a)
This is probably one of the best reads I've had in a long time. I just bought this 10 year old story a few weeks ago, and I remember not having slept because I can't stop turning the page until the end. You see, one night a woman gave Daredevil her baby because apparently, it was prophesied to eventually become the anti-christ. Of course, the forces of evil would want to get hold of the child, and it's up to the man without fear to protect it (regardless if she's the antichrist or not). What follows is one of the most tragic thing to happen in the life of our hero. It's really heart wrenching seeing the Daredevil tortured emotionally. I really liked the funeral in the end. Almost made me cry. The story and the art were fantastic in this 8-issue series that made the whole Daredevil franchise one of the most consistently acclaimed title in Marvel's roster.

IDENTITY CRISIS Brad Meltzer(w), Rags Morales(a)
One of DC's strongest suits is that it's heroes are some of the most powerful beings in the world. Unfortunately, that's also their crutch. Creating a problem for the heroes as powerful as Superman, as smart as Batman or as strong as Wonder Woman is something that's close to impossible to do. But what Brad Meltzer did with this 7-issue mini-series is something fans didn't expect to read in a DC comic. Ralph Dibny, The Elongated Man is a family man, his wife is one of the Justice League's best ally. She was loved by everyone. But she was killed by an unknown enemy. Her death not only crushed the league, it also opened some of the worst-kept secrets that the league kept from their own. A secret that will forever change the way the heroes see each other. I actually thought that this was a great story. Issues of rape, manipulation, and family were tackled and it all worked perfectly. I'm not a DC fan, but this story made me want to root for their lesser-known characters like Dibny.

I actually have more. Unfortunately, my job is getting in the way of my blogging. I'll post another one of these some other time. If it's only possible for me to upload the titles I mentioned above, I would've just so you'd see what makes me go crazy about comic books.

Mar 18, 2009

MASARAP DIN PALA ANG WALANG PERA

Dahil nga hindi normal na gaya ng regular na kumpanya magpasweldo ang mga amo ko, ngayong buwan na ito, ay madaling naubos ang kakarampot na sinuweldo ko. Hindi talaga ako masyadong magastos na tao, pero dahil maraming naganap sa buhay ko noong mga nakaraang mga linggo, kailangan kong humugot ng humugot ng pera sa aking ATM. Nandyan yung magpakain ako noong kaarawan ko, isa sa opisina, at isa para sa mga kaibigan ko. Tapos nandyang magshare ako ng panggastos para sa party ng nanay ko (kahit ako, walang party nung kaarawan ko). At syempre yung magdagdag sa pambayad kay Bebong (yung Xbox ko). Kaya isa't- kalahating linggo matapos ko makuha ang pinaghirapan ko, naubos agad ito.

Para sa tatlong linggo na ako'y naghihintay na magkaroon ng sasahurin muli, kailangan kong pagkasyahin ang dalawang libo na natira sa bulsa ko. Sasabihin ko sa inyo, ANG HIRAP ng ganito!!! Para sa isang taong magastos na kagaya ko, ang hirap pigilan ang sarili na bumili ng mga bagay na gusto ko.

Pero napagtanto ko na kahit ganun ang buhay, meron din namang mga advantage ang hindi pagkakaroon ng pera sa mga panahong ganito...

UNA: INSTANT DIET
Dahil nga wala akong pera, hindi na ako nakakabili ng pagkain sa labas sa tuwing mapagdesisyunan ng mga magulang ko na kamote lang ang kakainin nila sa bahay. Wala naman akong pera para umorder ng pagkain sa labas. Madalas ngayon, pag-uwi ko, imbis na Jollibee ang dinadaanan ko para bumili ng isang order ng burger o kaya Jolly Hotdog, yung tindahan ni Aling Ebang ang dinadaanan ko para bumili ng dalawang stick ng banana-que. Tapos pag tiyempong hindi pa sila nakakapagluto pag daan ko, natutulog na lang akong gutom. O diba, 5 pounds gone agad... Hahaha

PANGALAWA: FAMILY BONDING
At dahil wala akong panggastos para makagimik tuwing Biyernes o Sabado, tambay lang ako sa bahay. At dahil nakatambay lang ako sa bahay, syempre wala nang ibang pwedeng gawin kundi makipagbonding sa mga kasama ko doon. Si nanay at tatay. Nalaman kong patay na pala si Dave sa Tayong Dalawa at lumabas si Claudine sa May Bukas Pa. Kinuwento nila na tinanggap na ulit ng kapitbahay namin yung foreman na pinalayas nila. At saka yung nanay ng kababayan ng tatay ko eh pumanaw na rin. Hindi nga lang ako naambunan ng biyaya ng nanay ko, nung nanalo siya sa casino noong isang araw kasi pambayad daw ng utang yun.

PANGATLO: YOU GET SMARTER
Ulit, dahil nakakulong ka lang sa bahay kapag wala akong trabaho, madalas sa harap ng internet lang ako nakaharap. At minsan, dahil nakakasawa nang basahin lahat ng balita tungkol sa comics dahil wala namang bago, at madalas natapos ko nang basahin lahat ng blogs sa listahan ko, minsan napapadpad ako sa BBC news. Lumalawak kahit papaano ang nalalaman ko. Nakakakita ng mga site kung saan matatagpuan ang mga gadget na aking pag-iipunan. At may mga nabibisita rin akong mas maraming site kung saan nagpapakita sila ng mga educational videos ng human anatomy. At kung hindi ako naghahanap ng porn este magagandang website, eh nakakapagbasa ako ng libro.

PANG-APAT: SAVE MORE
Dahil nga nagtitipid ka, mas natututo akong magbudget ng pera ko ngayon. Biruin niyo, nakaya kong mapagkasya ang natitira kong pera sa loob ng halos isang buwan. Partida, bumibili pa ako ng comics niyan. Nakakahanap ako ng mga kainan na masarap kahit di kasingmahal. Narerealize ko ang mga bagay na hindi ko naman kailangan, at nababawasan ang buwanang pinagkakagastusan. Marahil hindi ako nakakasama sa gimikan ng aking mga kaibigan, pero mabuti na ngayong mas nalalaman ko kung paano magprioritize pagdating sa pera. Di man nadagdagan ngayong buwan ang emergency fund ko, di ko naman ito nagalaw.

PANGLIMA: LONG TRAVEL APPRECIATION
Dahil wala akong pantaxi sa gabi, bus lang ang sinasakyan ko. Nakakatipid ka na nga, maaappreciate mo naman ang mahabang biyahe. Lalo na kung type mo ang iyong katabi. Mas napapansin mo ang maniningning na ilaw ng Buendia at ng Roxas Boulevard. Minsan pa nga, mapapanuod mo yung mga pelikulang di mo pa nakikita. Bawal na ata ngayon ang mga pirated na pelikula sa bus, pero nakakaaliw lang, kasi kahapon napanuod ko yung The Hills Have Eyes 2. Astig yun, kahit walang kwenta yung storya. Napakagory. Pero di yun yung point, ang point eh masaya rin pala ang magcommute papasok.

**********
Nitong mga nakaraang linggo, simple lang ang pamumuhay ko. Walang gastos. Masaya naman pala. Mas kaunti ang pinoproblema. Actually, kung wala siguro akong ginastos noong isang buwan, tapos ganito lang ang pamumuhay ko, malaki tiyak ang maidadagdag ko sa emergency fund ko. Kung ganito lang ako mamuhay noon pa, baka malaki na ang ipon ko ngayon. Kaya ko naman, kelangan lang makapagpigil.

Ang plastic ng post na to no? Sa totoo lang, wala pa ring tatalo pag may pera ka. Mas malaya ka na gawin ang gusto mo. Wala namang masama sa simpleng pamumuhay, mas marami ka nga lang magagawa kapag may budget ka.

Mar 16, 2009

BAKIT KESO SI GILLBOARD

Kachat ko ang isang kaibigan kahapon. Mahaba-habang panahon na mula nang huli kaming dalawa nagkausap ng masinsinan. Marami-raming pinagkuwentuhan. Pero halos ang buod ng aming buong usapan eh ang aking pagiging single sa edad ko.

Itong kaibigan kong ito, eh malamang attached na. 8 taon. Sabi niya, masaya naman sila. May anak na sila, pero hanggang ngayon ay hindi pa mag-asawa. Sa dinami-dami ng pinagkakagastusan sa kasalukuyan, ang kasal nila ay huli muna sa listahan. Ang mahalaga naman daw eh alam nilang mahal nila ang isa't-isa.

Nang malaman niyang hanggang ngayon eh wala pa rin akong natatagpuang kapareha sa buhay ko, siya ay nagtaka. Noong mga panahon kasi na madalas pa kaming nagkikita, alam niya na ako ay isang taong romantiko. Naniniwala sa pag-ibig, sa kakesohan, at sa lahat ng kakornihan na kakabit ng salitang l-o-v-e. Sabi niya, sa lahat ng mga nakilala niya't naging mga kaibigan, ako yung hulig taong ineexpect niya na magiging single pa rin hanggang ngayon.

ANO NGA BA ANG NANGYARI DUN SA KESONG TAONG YUN?
Sa buong buhay ko, dalawang beses ako nakapagsulat ng tula. Dala yun ng sakit na kakornihan na dumadaloy sa dugo ko noong panahon na may teen ang numero ng edad ko. Dalawa ang pinag-alayan ko ng tulang yun. Ngunit sa kamalasan, ni isa sa kanila ay hindi ako sinagot. Nakatago pa rin yung dalawang tulang iyon, at nang mabasa ko ulit kanina, habang naghahalungkat ako ng mga gamit ko sa aking kwarto, natulala ako.

Ang corny!!! Gusto kong sunugin yung dalawang tulang iyon. Pucha, rhyme kung rhyme!!! Ewan ko ba kung anong klaseng engkanto sumapi sakin noong mga panahon na iyon, at ganito ang naisulat ko? At hindi na rin ako nagtataka kung bakit ako nabasted noon. Ikaw ba naman makabasa ng isang tulang baklang-bakla, eh matuturn-off ka rin.

Yung dalawang pinag-alayan ko ng tulang iyon, eh yun yung unang dalawang taong nagbigay ng mga unang sugat sa puso ko. Ngayon, hindi na ako gumagawa ng tula... pero nagsusulat pa rin ako. Alam ko, isa sa mga strengths ko iyon. Kahit nung nasa college ako, ako pinagagawa ng mga kaklase ko ng mga liham nila para sa mga nililigawan nila. Marketing Management student ako eh, likas na sakin ang pambobola. Tsaka syempre, noong mga panahon na yun, naniniwala ako sa mga kwento ng pag-ibig. Na may soulmate. May love-at-first-sight. Na totoo ang destiny. Pero kahit na yung mga panahon na iyon, wala akong nagtagal na relasyon. Buwan-buwan pa rin ang tinagal ng mga iyon.

NAUNTOG?
More like natuto. Sa dinami-dami ba naman ng kabiguang nadanasan ko sa ngalan ng pag-ibig, eh siguro naman eh natuto na ako. Hindi lahat ng kilig na mararamdaman mo sa umpisa ng isang ligawan eh madarama mo kapag naging kayo na. Pagkatapos maging kayo, doon mo mas lalong makikilala ang sinisinta mo. Doon lalabas ang ilang ugali, na hindi mo nakita noong panahong bituin pa ang hugis ng iyong mga mata. At marahil, yung babaeng kasama mo ngayon, ay hindi na katulad ng nililigawan mo noon.

Hindi na ako nagmamadali. Natutunan kong kilalanin muna nga ng mas mabuti kung sino yung kasama ko. Dahil sa totoo lang, ngayon ang nais ko sana eh, kung ako ay magbalak nang hanapin ang nawawalang piraso ng puso ko, eh gusto ko sana eh yung sakto na mismo ang pagkakalapat nito. Para wala na akong hahanapin pang iba.

Hindi pa nawawala yung kakesohan sakin. Di naman siguro mawawala talaga yun. Kahit pa kasingsama mo si Bella Flores, kung tamaan ka ng pana ni kupido, lalambot at lalambot din talaga yang puso mo. Pero ang sigurado ako ngayon...

Hinding-hindi na ako gagawa ng tula buong buhay ko!!!

CLOSURE
Ano ba talaga ang dahilan ng post na ito? Noong isang linggo, sumulat ako ng liham para sa isang taong nasabihaan ko ng nararamdaman ko. Maraming mambabasa ang nagsabi na ipadala ko na. Binigyan pa ako ng ilan ng tips kung paano mapapaganda pa lalo yung sinulat ko. Kaya ko sinulat itong post na ito, ay para lang ipaalam sa inyo ang naisip kong gawin.

Napagdesisyunan ko na huwag na lang ipadala sa kanya ang liham. Binura ko na sa drafts ko yung kopya ng liham na iyon.

Bakit kamo? Wala naman talaga akong dahilan para humingi ng sorry. Granted na in a way, nabigyan ko siguro ng mga senyales na maaaring may pag-asa na balang-araw maging kami, alam naman niya, na sa ngayon, hanggang kaibigan lang muna ang kaya kong ialay. Umoo naman siya dun. At hindi sapat na dahilan ang pagsasabi ko ng totoo para hindi ako pansinin o dedmahin lahat ng tawag at text ko.

Sa tingin ko naman, isa akong mabuting kaibigan. Kung hindi niya nakita yon sa loob ng tatlong buwan na kami'y naghaharutan, eh hindi ko na kasalanan yun. Hindi ako ang nawalan.

Marahil tama yung ibang nagkumento noon, na baka hindi ko siya talaga gusto. Na ang hinahanap ko lang talaga eh yung may nakakausap o kaya'y nakakalandian paminsan-minsan. Totoo na 'to, ito na talaga ang huling post ko tungkol kay Date. Hindi ako bitter.
NGAYON...
So bakit hanggang ngayon single pa rin ako? Mahirap masaktan, kaya kung maaari hangga't sigurado ako na Siya na yung nakilala ko, at alam kong handa na ako, eenjoyin ko muna kung ano ang meron ako. Hindi naman ibig sabihin, na dahil ganito na ang pananaw ko, eh hindi na ako naniniwala sa love-at-first-sight, soulmate o destiny. Kahit naman anong pagtanggi ko diyan, pag dumating na yung taong iyon babalik lahat ng kacornihan sa dugo ko.

Parang blogger lang yan, once a corny lovesick puppy, always a corny lovesick puppy.

Mar 13, 2009

UP AND COMING

I'm on a tight budget every month now since I have alot of things to pay, but there are just some things that regardless of my financial difficulties, I still can't find a way to resist it's calling. Obviously, comics is one of them... the other thing is movies. May it be an original DVD, or the ones playing in theatres. If there is a heavily hyped movie, expect me to join the bandwagon of zombies needing to see the movie. I'm gullible like that.

The thing though, for Watchmen, I'm just going to wait for the DVD so I could watch it while having my copy of the series on my lap.

Anyway, this post is just to let you know of the films coming out this year that I'm looking forward to see. They'll mostly come out this summer... so yeah it's almost all action-adventure films.
X-MEN ORIGINS: WOLVERINE
Just like Iron Man last year, Marvel will open the summer movie season with another of their popular creation. This time it's the X-Man/Avenger Wolverine. The film will show Logan's movie history (I don't expect this to be faithful to the comics anymore). Appearances from nerd favorites Deadpool, Gambit and Sabretooth are already in place, so I expect this to be a good one. I'm not that excited, but I like Wolverine, so we'll see how this one fares.
TRANSFORMERS: REVENGE OF THE FALLEN
I loved the original film. I loved the cartoon. I loved the toys. So I have high expectations on this movie. Details regarding the story of this film are scarce so I have no idea what it's going to be about. Michael Bay promises more action, alot of new robots and a more international approach as compared to the first film. I hear Soundwave'll make an appearance here... So yeah!!! I'm cool with that.
G I JOE: THE RISE OF COBRA
Yeah, another toy line that turned into a hit cartoon series is now a major motion picture. I've seen the trailer, and I'm not as hyped up here as say Transformers. But I'm an 80's baby, and I had these toys, and I watched the cartoons religiously, so I am waiting for this movie to come out. I want to see Snake Eyes vs Storm Shadow. I want to see Sienna Miller in the Baroness outfit. I want to see Duke, Scarlett, Destro and Cobra Commander. Call me a geek, but I don't care. I know deep inside, you want to see them too.. Now, if only Thundercats and Visionaries ever have a movie, hmmm...
DISNEY'S UP
Call me whatever you want, but Pixar's never failed me since Toy Story. So I have high hopes that this movie is going to make me giddy. This is the story of a balloon salesman who goes off and travel the world on his house that's carried by a gazillion balloons. Search google for the 2nd trailer of this film, and I swear you'll fall in love with this movie too. There's no adorable robot here, or funny monsters or little fishies... but there's a talking dog. And old man stories never failed to put a tear in my eye...
HARRY POTTER AND THE HALF BLOOD PRINCE
Now this isn't my favorite book in the series. It's actually slow, and there are no huge action scenes. Nevertheless, this is one of the most important chapters of the entire Harry Potter series. Here, we find out who is Voldemort, what his weakness is, and someone really important dies. I'm not sure how Harry'll be viewed now that videos of his nekkidness has spread all throughout the internet. But in any case, still looking forward to this movie as I am a big fan of Rowling's work. And this series is one of the rare films that stayed completely faithful to it's original written version.
ANGELS & DEMONS
I'll be honest, I was really REALLY disappointed when I saw The Davinci Code. It was a faithful adaptation from the book (well except for the ending), but my thought was that the excitement and awe I got from reading did not translate in the film version. I am hopeful that this one would be different, as this is a different story altogether. I didn't like the climax of the book, as it seemed unrealistic, but over-all I thought that the book was equally exciting. Ron Howard hopefully, took the criticisms from his original film and hopefully this'll be a better story. And Tom Hanks looks better with the shorter hair than what he sported in Davinci. So things are starting to look up.
LAND OF THE LOST
I have seen the trailer of this film, and it cracked me up (click here)I have not seen the original version, and am very unfamiliar with the story. This is actually a remake of a very old film. This movie stars Will Ferrell as an explorer who gets sucked into a world where dinosaurs and weird alien-like creatures still ruled the planet. Man, the interview with Matt Lauer and Will Ferrell... gold!!!

Mar 11, 2009

REPOST: TIL I GET MY MOJO BACK

Simula ng pumasok ang buwan ng Marso eh napansin kong napakakeso ng huling mga post ko... Ewan ko ba... Di ko gustong ipangalandakan sa buong blogosperyo ang lahat ng kabalbalan ko pagdating sa pagsira ng mga pagkakaibigan o kaya'y di sinasadyang pagpapaasa sa mga taong itinuturing na kaibigan. Kaya ngayon, habang hinahanap ko ang aking mojo, eh pagpasensyahan niyo na't magrerepost muna ako ng isang lumang panulat...

Hindi sa nagiging mapanghusga ako, pero meron talagang mga tao na kahit anung gawin ko, eh alam kong hindi magiging malapit sa akin. Siguro naranasan niyo na rin yung sinasabi ko. Yung tipong sa unang tingin pa lang, kahit di niyo pa sila kilala eh kumukulo na ang dugo ninyo. Di ko alam kung dahil ba ito sa kanilang pananamit, o dahil matining ang boses nila, o talagang ang mga aura namin ay sadyang magkaiba kaya nahihirapan akong lumapit sa kanila.


Di ko alam kung bakit medyo sarado ang utak ko sa mga ganitong klaseng tao, na sa palagay ko eh tama na yung unang impresyon na nakuha ko sa kanila. Pero alam kong hindi ako nag-iisang ganito. Ayaw man nating aminin, may mga pagkakataon talaga na hindi nating maiiwasang mairita sa mga taong hindi natin kilala.

Lalo pa siguro kung nasusulsulan tayo ng iba nating kaibigan tungkol sa mga hindi nila kanais-nais na mga kaugalian. Ang mga sumusunod ay ang mga taong para sa akin ay mahirap pakibagayan. Opo, laitero po ako.

ASIN: Isang taong hindi marunong maglagay ng deodorant at madalas may ilog na gumuguhit sa may bahagi ng kilikili o kaya nama'y may lawa sa likurang bahagi ng kanilang kasuotan. Bakit asin, kasi feeling ko, na kapag ang pawis nila ay natuyo, ito ay nagiging asin. Wala akong balak na sila ay amuyin. pero para sa akin, tama lang na lumayo ako sa kanila.

NAGMAMARUNONG: In short, epal. Yung mga taong mahilig makisali sa mga diskusyon, at kadalasa'y nagbibigay ng opinyon na tila sila lamang ang nakakaintindi. Yung tipong, mga taong mahilig magtaas ng kamay para lang mapansin, kahit minsan yung mga tanong nila eh walang kinalaman sa inyong pinag-uusapan. Borderline ng pagiging sipsip. Siguro insecure lang ako, pero ang sa akin, kung gusto ko magpa-impress, eh dadaanin ko sa sipag at sa husay sa larangan na aking papasukin, at hindi sa pagtatanong ng mga bagay na hindi na kailangang ipaliwanag o kaya'y walang katuturan.

MS. KILAY: Para sa akin, kapag ako tiningnan mo mula ulo hanggang paa habang nakataas ang kilay mo eh wala ka na. Lalo pa kung cheesebread yung mukha mo. Mabait ka man o hindi, para sa akin di ka na karapatdapat pag-ukulan ng panahon, dahil sigurado akong hindi tayo magkakasundo. Medyo ganun ako, pero hindi halata. Di ko gawaing matahin ang isang tao kagaya ni Ms. Kilay. Nagagawa ko yun, oo. Pero hindi halata... discreet kumbaga.

AUTISTIC: Hindi yung mga may kapansanan. Kundi yung mga taong kahit matino ang pag-iisip eh mayroong sariling mundo. Yung kapag nagsusulat, ay may naririnig kang kasabay na mga sound effects. O kaya nama'y nagsasalita ng mag-isa. Kadalasa'y mahilig sila magdrawing ng anime at may pagka emo ang hitsura... o goth ba? Ewan. Hinahayaan ko na lang sila sa sariling mundo nila... tutal dun naman sila masaya.

LAKAS MO: Eto ang weirdo talaga. Sobrang paniwala siguro sila sa nanay nila noong panahon na sinasabihan silang guwapo sila, kahit alam ng lahat na kabaligtaran ito sa totoong buhay. Oo, hanga ako sa kanilang lakas ng loob, pero naiirita ako sa pagiging manhid nila. Hindi nila napapansin na pinagtatawanan sila ng lahat ng tao dahil parang palaging sila'y lakas-tama. Yun bang tipong, mas natututwa sila kapag pinapansin sila kahit na pinagtatawanan sila.

BOBO: Sa mga taong ito nauubos ang pasensya ko. Natural na mahaba ang pisi ko, pero kapag napagpaliwanagan ka na sa pinakasimpleng paraan eh hindi mo pa rin makuha... lumayo ka na. Ayoko talaga sa mga taong slow. Hindi ko alam kung bakit. Gusto ko na nagtuturo sa ibang tao, pero kung hindi ka marunong makinig at hindi ka madaling makaintindi, kawawa sila sa akin.
Hindi masama ang ugali ko. Kung alam kong hindi ko makakasundo ang isang tao, hindi ko na pipilitin ang sarili kong lumapit sa kanila, dahil alam kong hindi ko mapipigilan ang sarili ko na magsalita. Mas gugustuhin ko pang maging suplado kaysa maging plastic.

SI PAPA JACK AT JAMES MORRISON

Kanina, habang bumibiyahe papasok, nag-iisip ako ng maisusulat para dito sa aking blog. Nakikinig si Manong Driver kanina sa 90.7 Love Radio, at mayroong caller si Papa Jack (shet ang jologs ko talaga!!!) na namomroblema sa boypren niya. Feeling niya kasi na hindi niya nakukuha yung dapat makuha niya sa isang relasyon. Yung lalaki kasi eh masyadong attached sa pamilya niya. Mama's boy. So itong si babae, dahil naghahanap ng lambing mula sa sinisinta niya, ay nakakaramdam ng pagkukulang. Sa tingin niya, eh hindi bumabalik yung binibigay niyang pag-ibig sa lalake.

Ang sagot naman ng DJ sa kanya, eh isa siyang malaking TANGA. Madamot daw yung babae. Kasi parang ang sabi eh nagbibigay siya kasi nag-eexpect siya ng kapalit mula dun sa lalake. Tapos madamot nga, kasi parang pinapapili niya yung guy sa kanila ng pamilya niya, na hindi naman dapat sa isang relationship. Parang mali daw, na dahil lang dun eh magkakaroon na siya ng duda kung mahal nga ba ito ng boypren niya, at medyo handa na siyang sumuko. Kung ganun daw ang pag-iisip niya, eh hindi pa siya handang magmahal (not exactly his words, pero parang ganun yung gusto niyang iparating).

Naisip ko, may point dun si Papa Jack. Kapag nagmahal ka nga ng isang tao dapat give lang ng give, kahit wala kang makuha, basta ang mahalaga eh maiparamdam mo sa mahal mo yung pag-ibig mo sa kanya. Kasi nga naman, kung nag-eexpect ka ng kapalit, ang ginagawa mo ay parang kinokontrata mo ang isang tao na mahalin ka dahil may ibinibigay ka at di dahil mahal mo siya. Pero syempre, kelangan maging matalino ka rin, kailangan mo ring maramdaman kung kailan inaabuso na yung pagbibigay mo. Wag kang maging martir, ikanga.

Hmm... para sa isang palabas sa radyo na kadalasan eh kwentong kabastusan na PG-13 ang naririnig ko, di ko inaasahang may matututunan ako dito.

Iiwan ko na lang muna kayo ng isang awitin mula kay James Morrison. Dinagdag ko na siya sa player sa kaliwa ninyo. Hopefully, tumugtog ito... Sobrang nakakarelate kasi ako ngayon dito...

SAY IT ALL OVER AGAIN
James Morrison

I’ve been a fool
I tripped and fell, there was nothing I could do
Forgot what I had, thought I had something to prove
Oh what a fool
I couldn’t change
Put my hand in the flame
That was the only way I ever see some light come back again
Whatever you’ve got for me, I take it completely

If it’s love if it’s hate give me more
I can take what you’re feeling
Oh what you’re feeling
Let me say it all over again
Give me fire give me rainI can take all the pain if I hurt you
I don’t wanna hurt you
Just wanna say it all over again

Oh and nowI think about the nights I let you down
I remember all the times you helped me out
I’m sorry now
You’re slipping away
as everything breaks
All I want to do is fix it up and hope it’s not too late
Whatever you got for me

If it’s love if it’s hate give me more
I can take what you’re feeling
Oh what you’re feeling
Let me say it all over again
Give me fire give me rain
I can take all the pain if I hurt you
I don’t wanna hurt you
Just let me say it all over again

Oh I couldn’t see it
No no no
That the only one I needed was there all along
Oh for the first time, I know it’s gonna be the last time
I’m gonna give you all I got to give and never hold it back

Oh if it’s love if it’s hate give me all
I can take what you’re feelingI know what you’re feeling
Just Let me say it all over again
Give me fire give me rain
I can take all the pain if I hurt you
I don’t wanna hurt youJust let me say it all over again
If it’s love if it’s hate give me moreI can take what you’re feeling
Oh what you’re feelingLet me say it all over again
If it’s fire if it’s rainI can take all the pain that you’re feeling
I don’t wanna hurt you
Just let me say it all over again and again and again

You gotta give me some love
You know give me some love
gimme some love
Know you've gotta me some love some love
gimme some love gimme some love gimme some love
gotta give me some love
I’m gonna give you all I got
Give you all I got to give
Give you all I got to give hmmmmm
You know I will

Mar 9, 2009

DEAR DATE

How are you? I haven't heard from you since Feb. 18. You may be busy with your work, or with your life, that's why I'm hesitating to give you another ring. I just want to let you know I realized what I said to you that other night. I've been naive... and quite frankly... I've been stupid. But I guess you already know that.

I just want to let you know that lately, I've been thinking of you. I think I miss you. For the last few months that we've known each other you've been a really good friend. My constant afternoon phonepal. And for 3 months a very diligent textmate.

The purpose of this letter, really is to say I'm sorry. I may have said things that I shouldn' t have. I apologize if I have mislead you into thinking that there's something. There MAY BE something. I mean I wouldn't ask you out if there's nothing, right? It's just I think it's not yet the right time. Please don't mistake that for me not liking you, because it's just not true. I enjoy every minute that I am with you. All the times I hear your smile on the phone. All the silent moments in the restaurant. I also like the fact that you let me enjoy my sleep while you watched Benjamin Buttons. Even the time that you dragged me with your friends to visit a bar that straight men dare not enter. Believe it or not, those awkward moments on our dates have been fun for me. I enjoy - no - I LOVE your company.

I'm not perfect, and I may not be the right guy for you. You certainly deserve someone better. But for a few months, you stuck with me. I guess all I'm asking is to at least spare the friendship. Let's start there. It may work out, and things could go forward. Or it may not. Just don't let this end. Not this way. I have a list of people that I've met throughout this lifetime that I can do without, and your name is not there. Yours is something that I hold dear.

I hope you change your mind about us. But if it doesn't...

Thank you... for letting me get to know you.

Gillboard

**********
This letter I wrote with the sole intention of winning back date (or ex-date) after I totally screwed up our friendship. I have not sent it yet. For now it'll just sit on my drafts inbox. Wish me luck.

Anything you think I should add to this?!

BTW, this will be the last time I'll be posting about Date. But you will know if there is a need to move on.

Mar 8, 2009

KWENTONG NANAY

So I was watching television with my mum last night, and on ABS-CBN, they showed this teaser for the show XXX. It was about I think a maid being maltreated by her employers. Apparently, she was forced to wed or have sex with a dog. I'm not really sure as I didn't see the show.

Mum: Ano yun, nabuntis ba? (Did she get pregnat?)
Me: Huwaaaat?!
Mum: Pinaasawa sa aso di ba, nagbuntis ba? (She was forced to marry the dog right, did she get pregnant?)
Me: ?! (speechless)

WHat can I say, really?
April 18, 2008

***********

Laking hirap si Nanay. Sa probinsya lagi niyang kuwento yung mga nangyayari sa kanila nung araw na namatay ang lolo ko. Dahil nga naghihikahos silang pamilya noon. Para lang maiuwi sa bahay ang bangkay, pinalabas nilang pasahero ito't sinakay dun sa hinihila ng kalabaw. Di sila umiiyak kasi baka mahalata nung bumibiyahe... ang kabaong ginawa mula sa kahoy na sahig ng bahay nila. Hindi naman seryoso kapag kinukuwento ni Nanay ito... Laging pabiro pa nga. Malungkot yung pangyayari, pero dahil alam niyang nakalipas na ito at iba na ang kalagayan nila sa buhay, isa na lang itong chapter sa kanyang makulay na buhay.

*****

Hindi ko makuhang magtampo ng matagal sa nanay ko kahit namiss niyang sunduin ako nung unang araw ko noong grade 1. O kaya nung pinagdesisyunan niyang ibigay sa mga kapitbahay na hindi man lang ako binati noong isang kaarawan ko, yung inihandang pagkain para sa akin. O kaya nung makalimutan niyang padalhan ako ng liham sa retreat namin nung kolehiyo ako, na ako lang ang walang nakuha (in fairness meron naman... galing kay Super Friend... si Jesus).
Hindi ko kaya talaga, kasi alam ko lahat ng sakripisyo at pagtitiis na ginawa niya para lang ako'y maitaguyod ng matino at nang hindi ko maranasan ang mga naranasan niya.

*****

Di kami masyadong close ng pareho kong magulang noong mas bata pa ako, kasi lagi silang nakatutok sa aming business, at nagkaroon ng pagkakataon na pareho silang nakatira sa ibang tahanan kesa sa akin. Para lang mapagtapos ako ng pag-aaral. Okay lang sa akin, naiintindihan ko. Di ako matututong maging independent kung hindi dahil dun.

Pero ngayon naman, bumabawi sila pareho. Lagi na silang nakikibonding sakin pagdating ko galing trabaho. Kaya ngayon, hindi ako huli sa mga balita (tsismis) tungkol sa mga kapitbahay namin. Alam ko kung sino ang naghiwalay, sino ang buntis, sino ang pinalayas at kung ano ang nangyayari sa Tayong Dalawa kapag hindi ako nagigising pag gusto niya ng kasama manuod nito madalas.

*****

Alam ko at naaappreciate ko lahat ng paghihirap niya para palakihin ako dati, at kahit hindi ko sinasabi o pinaparamdam ito... mahal na mahal ko siya.

Happy Birthday Mommy!!!

Mar 6, 2009

DAPAT MALAMAN MO

May isang taon na ang nakakalipas, naisulat ko sa blog na ito, kung bakit ako'y magiging isang mabuting boypren sa kung sino man ang magkamaling pumatol sakin (i-click ito). Tapos, noong nakaraang buwan, nangyare ang mga di dapat mangyari sakin at sa aking mabuting date.


Malamang sa malamang, malabo nang may puntahan ang kung ano man ang meron kaming dalawa. Pagkakamali ko yun. Siguro subconsciously, iniisip ko na hindi siya yung nararapat para sa akin. Totoo din naman yung sinabi ko na hindi pa talaga ako handa na pumasok sa isang relasyon.


Kanina, habang pinipilit kong patulugin ang aking sarili, napaisip ako... Sabi ko sa sarili ko, kung saka-sakaling may makilala akong magpapatibok ng tiyan ko, dapat malaman niya rin ang mga pagkukulang ko. Kaya naisip kong ilaglag ang sarili ko dito sa blog ko.


WHY I WON'T MAKE A GOOD BOYFRIEND
  • MAY MGA INSECURITIES PA AKO. Alam ko naman na hindi ako naknakan ng pogi, mga apat na ligo lang ang lamang sakin ni Dingdong. Kaya di mawawala na minsan eh may pagkaseloso ako. Maaaring kulitin kita kung may makikita ako na lumalapit sayo na ibang lalake. O kaya naman ay kung mas magaling ka sakin eh umiral ang pagiging mapride ko.

  • MALILIMUTIN AKO. Kung ikaw yung tipo ng tao na maaalala ang lahat ng birthday o special na okasyon sa buhay ng isang pares, ako hindi. May mga araw na malilimutan ko ang monthsary or anniversary natin. Tapos minsan, pag busy talaga ako, baka di ko maalala na birthday mo. Wala talaga akong kusa, kaya dapat laging pinariringgan mo ako.

  • MASYADO KONG INEENJOY ANG PAGIGING SINGLE KO. Late bloomer ako. Siguro di pa umaabot ng taon, nang maenjoy ko ang pagiging single. Simula nang magtapos ako ng pag-aaral, puros bahay, trabaho at pagmumukmok dahil mag-isa ako ang inaatupag ko. Ngayon lang ako nakakalabas-labas, at hindi pa ako nagsasawa. Kung papasukin ko man ang isang relasyon ngayon (as in ngayon na...), baka isipin mo na pinapabayaan kita. Hayaan mo lang ako, dahil magsasawa din ako.

  • MAS MAHUSAY AKONG MAGSULAT KESA MAGSALITA. Kung mahulog ka man sa mga text at email ko, tapos maninibago ka pag magkaharap na tayo, ito ay dahil hindi talaga ako makwentong tao. Lumaki ako na mag-isa sa bahay, kaya di ako sanay na makipag-usap sa ibang tao. Hindi ko alam kung ano ang ikukwento ko. Kaya kung gusto mo akong mag-open up wag kang mahihiyang magtanong. Sasagutin ko naman yun.

  • MAY PAGKATACTLESS AKO. Hindi ako barumbado, hindi rin ako bastos. Pero dahil noong bata ako, di ako sanay makisalamuha sa ibang tao, minsan eh hindi napipigilan ang bibig ko ang magkumento. May pagkamanhid ako. Kung di mo sasabihin, di ko malalaman na mali ako. Kaya hindi uubra sa akin yung silent type, dahil hangga't di ko narerealize na may mali ako, hindi kita papansinin.

Hindi ko dinadown yung sarili ko. Alam ko yan ang mga pagkukulang ko. Sinasabi ko lang, para alam mo ang papasukin mo. I'm just laying down my cards for you. Nasa sa iyo kung pano mo idedeal 'to.

Hindi rin ibig sabihin na dahil tinatanggap mo ang mga pagkukulang ko eh hindi ko babaguhin ang mga ito. Ngayon pa lang, tinatry ko nang baguhin yun. Pero dahil nga single pa ako, hanggang listahan na muna. Pero pag may nakilala naman ako na sa tingi ko ay the one na... sigurado akong mag-eeffort na akong magbago. Yung tipong alam ko na maipagmamalaki rin ako.

Mar 4, 2009

HOW TO HAVE A SEX LIFE

So napatingin kayo ngayon. Mapaghahalata kung sino ang mga malilibog dito sa blogosperyo. Sa totoo lang hindi talaga ito tungkol sa sex. Ito'y tungkol talaga sa relihiyong Muslim. Biro lang ulit. Wala lang talaga ako maisip na titulo para sa post na ito. Wala nga akong maisip na maisulat ngayon. Hindi ko nga alam kung bakit ako nagsusulat ngayon.

***********
Ah, ikukuwento ko na lang yung nangyari samin ni Date. Kung napapansin niyo, huli kong sulat tungkol sa kanya eh noon pang balentayms. Lately ko lang narealize na meron palang nangyari dun na sa tingin ko eh hindi maganda para sa kanya.

Noong huli kasi naming date, bago kami makipagkita sa mga kaibigan niya, nakapagbonding kami na kaming dalawa lang. Hindi sex ha!!! Nakapag-usap ng masinsinan. Di ko na maalala yung mga salita ver batim pero may pagkaganito yung takbo ng aming usapan...

DATE: Gillboard, feeling ko nagtrip ikaw sakin.
AKO: Huh?
DATE: Lam mo kasi, I feel na I'm talking to 2 different people. Iba yung Gillboard na nakakausap ko sa phone or sa text, and iba rin yung nakakaharap ko.
AKO: Dahil ba tahimik ako pag kasama kita, ganun ba yun?
DATE: Exactly! Sa phone, ang kulit kulit mo, and sa text ang bilis mo magjoke. Pero ngayon, I don't know, you seem aloof. Yun nga, you're like a totally different person.
AKO: Mas boring ba? (awkward na ngiti)
DATE: I'm not saying that... I guess I'm just not used to it. Alam mo yun?
AKO: Sobrang polar opposite ba?
DATE: Yeah, di naman kaya may split personality ka?
AKO: Uy, hindi ah!!! Last time I checked, matino pa naman katauhan ko...
DATE: (ngiti lang)

Nuod lang kaming dalawa ng mga nagdedate sa Harbour Square. Yung mga ayaw makisali sa mga taong lumalabas kapag Balentayms.

DATE: You know, I really don't feel yung mga couples na PDA masyado. Parang they should just get a room or something...
AKO: Yeah? Ako din, tapos ayaw ko pa na pumupunta dun sa mga hang-outan ng mga magsyota. Pwede namang sa bahay lang. Pinoproblema ko pa kung san ko ilalabas yung date ko. Tapos gagastos pa ako. Hay.
DATE: (nakatingin lang sakin)
AKO: (narealize na date nga pala yung labas namin)
DATE: So you can say at this point in your life, you're not ready for a relationship?
AKO: (matagal na nag-iisiip... sa totoo lang gusto ko sabihin na hindi.. pero) Yes.
DATE: Yes... you're ready or -
AKO: Yes dun sa tanong mo - na di pa ako ready for that. I mean ngayon pa lang ako talaga nag-eenjoy. Alam mo yun? The last three or four years, puros trabaho lang inaatupag ko. No social life, work at bahay lang. Tapos ngayon lang ako nakakalabas-labas. Gusto ko muna ienjoy yun before magpatali ulit... sa isang tao.
DATE: Mmmmmm... okay.. If you say so (sabay higop sa lemonade)

Tingin-tingin ulit sa mga nagdedate. Ilang minuto after nagtext na yung friends niya na imimeet namin. Umalis kami agad.

**********

Ngayong binabalikan ko yung nangyari, sa tingin ko may nasabi akong di maganda kaya't medyo naging busy sa trabaho si date. Di sa nagiging assumptive ako, pero baka nagpaparamdam na siya nun, tapos binara ko agad with my statement.

In my defense, usapan naman namin talaga eh friends lang. Di naman ako nagpapasweet pag nag-uusap or text kami... nangungulit lang. Malay ko ba, na nakakahulog ng loob yun diba? May balak ba akong habulin siya? Hindi ko alam. Nagtetext pa rin naman ako. Pero sa totoo lang, kung di ako nag-iisip ng maisusulat kanina, di ko siguro siya maaalala. Ang sama ko ba?

Pakisapak na lang ako pag may mababasa kayo dito na naghahanap ako ng love life.

Dapat palang title nito... HOW TO NOT HAVE A SEX LIFE!!!

Mar 3, 2009

BUHAY ONE HOUSE

"It is confirmed, Carlson will be moving to Marikina."

Noong mga oras na yun, parang biglang nadurog ang mundo ko. Naging sobrang kumportable ko sa Ortigas noong mga panahong iyon, na di ko alam kung paano mamumuhay kung sakaling lumipat ako ng Marikina. Doon nabuo ang desisyon ko na magresign sa pinagtatrabahuan ko. Pareho kami ng sentimyento ng halos kalahati ng hinahawakan kong programa. Nang panahon na malapit na ngang matuloy ang paglipat, nakumbinse akong samahan ang aking barkada na maghanap ng malilipatan at matitirahan sa lugar na yon para pansamantalang hindi ako lumayas sa kumpanyang iyon. At dun nabuo ang samahang One House...

ONE HOUSE
Ang One House ang pinangalan namin sa apartment na tinirahan ko sa loob ng apat na buwan na mamalagi ko sa Marikina. Malaki siya, at sa halagang 7500 kada buwan na hahatiin sa lima, at minsan 6, eh sobrang sulit yun. Limang minutong lakaran mula sa aming pinagtatrabahuan. Katabi ng sementeryo. Sobrang lapit sa mga kainan at sinehan. Location-wise wala ka talagang irereklamo. Medyo malayo nga lang sa Makati na aking madalas na tambayan, pero ayus lang. Sabi ko sa sarili ko, minsan dapat matuto akong umikot sa kalakhang Maynila. Kasama na riyan ang Marikina.

Apat na buwan man ang opisyal na pamamalagi ko sa One House, eh buong taon naman akong madalas doon tumambay. Minsan, tuwing weekend, eh dun ako nakikitira. Lalo na noong mga panahon na mahina ang tubig. Doon ako nakikiligo paminsan.

ONE HOUSEMATES
Nakilala niyo na ang isa sa aking mga housemates at naifeature ko na siya dito nung isang buwan. Lima kaming opisyal na nakatira sa One House. Ako at dalawang magsyota: sina Shamai at Hansi, at Morris at Maybe. At dahil yung bahay na yun eh dalawa lang ang kwarto, gaya ng naibahagi ko noon, eh ako ang natutulog sa sala.

Si Shamito, gaya ng sabi ko, eh ipinakilala ko na noong isang buwan. Kung gusto niyong marefresh ang inyong mga alaala, iclick niyo yung featured friend na label sa inyong kaliwa. Si Hansi ang resident kuya ng grupo. Ang lider noong panahon ng mga kidnapping at inuman. Sa kanya ang pakanang magsama-sama kami sa iisang tahanan.

Si Morris naman ang aking partner noon sa opisina. Ang aking kanang kamay at noong palapit na ang araw ng aking pag-alis ng kumpanyang aking pinagtatrabahuan, ang taong responsable sa aming tahanan.

Si Maybe naman, na bagamat ate na ng samahan ay parang bunso namin. Isa kasi siyang malaking iyakin. Sabihin na nating siya ang pinakaclose ko sa aking mga kaibigan. Ang aking nahihingahan ng problema at laging biktima ng aking pang-aasar.

Sila ang opisyal kong mga housemates. Pero dahil malaki nga ang aming bahay, paminsan eh merong mga nakikitira saming mga iba pang kaibigan. Kasama na rito sina Lester, Jaja, Balu, Cajo, Padz at kung sinu-sino pa.

GIMIKAN
Simula nang tumira kami dun, siguro masasabi kong naging mas mature kaming lahat. Nabawasan at tuluyang nawala ang mga araw na nangingidnap ang grupo ng mga tao para gumimik at pumarty kung saan saan. Dahil madalas sa One House na kami nag-iinuman.

Isang hapon kasi, bigla na lang akong ginising nina Cajo at Hansi. Umpisa yun ng tag-araw. Mainit. At dahil napagtripan nila, sabi sakin gusto nilang bumili ng swimming pool. At kahit lahat kami eh hindi pa sumusweldo noon, hinakot ng dalawa lahat ng barya na nakuha nila, at lahat ng spare change ko sa bintana para lang makabili ng pool. Nagawa nila yun, at dun nagsimulang kami'y magkaroon ng pool party halos linggo-linggo.

Ang mga events na ganun sa One House eh laging blockbuster, maraming tao, palaging masaya, at nag-eenjoy lahat ng tao. Mapa-inuman, birthday, labasan ng sama ng loob, team meeting o kaya'y simpleng makikitulog lang sa apartment, eh lahat memorable. Minsan nga, kahit di namin housemate, samin gusto magcelebrate ng kanilang kaarawan.

MATAPOS ANG LAHAT
Ang maganda sa aming samahan, kahit na ngayon ay may sari-sarili na kaming mga buhay. Yung isa ay nasa probinsya na namamalagi, dalawa na lang ang naiwan sa dati naming kumpanya. At sadyang malalayo na sa isa't-isa, eh matatag pa rin ang aming samahan.

Nakita namin noon, yung mga magkakasama sa apartment, pagkatapos iwan ng isa ang tahanan, lahat eh naging kaaway na niya. Sabi namin noon, na di samin dapat mangyari yung ganun. Sa awa ng Diyos, wala namang ganung katinding away ang nangyari. Di maiiwasan na minsa'y may mga tampuhan sa isa't-isa, pero mas malakas pa rin yung pagmamahal namin sa aming mga kaibigan.

Noong Linggo, matapos ang halos tatlong buwan, eh nagkasama-sama kami ulit. Hindi man kami kumpleto, eh masaya pa rin. Lalo pa't nabalitaan naming on-the-way na ang isa. Pero mas lalo dahil sa bahay eh 2 na yung controller ng xbox ko!!!

Hay, madadagdagan nanaman ang aking magiging inaanak.