OPINYON KO LANG
Malamang sa pagsusulat ko nito, mayroong mga taong tatamaan. Opinyon ko lang naman ito. Yung mga napapansin ko. Wala akong masamang ibig sabihin kung may babanggitin ako sa mga napapansin ko. Hindi ko naman kayo papangalanan. At bago pa ako magsalita, oo alam ko rin kung ano ang mga pagkukulang ko at ng blog ko. Hindi ko ito sinulat para laitin ang mga blog ninyo, dahil alam ko namang yung mga sinusulat ninyo ay kung ano ang nararamdaman ninyo sa puso ninyo...
**********
Kung iikot ka sa blogosperyo, mapapansin mong parang mga kabuteng nagsusulputan ang mga bagong manunulat dito. Mayroong mga bata, mga disgruntled na empleyado ng call center, OFW, mayroong mga nanay, aktibista, mga single na frustrated sa buhay, photographer, mga keso, emo, komedyante at mga totoong nabiyayaan ng talento sa pagsusulat.
Uso na nga ngayon itong hobby na 'to. Bakit naman hindi, isa itong paraan para mailabas mo lahat ng problema mo sa mundo. Dito mo maaaring ikwento kung paano mo pinasagot yung matagal mo nang nililigawan. Yung mga sexcapades mo, pwede mo ditong ilathala. At higit sa lahat may mga pagkakataon na dito mo rin makikilala yung mga taong maaari mong maging tunay na mga kaibigan.
Naaalala ko noong nagsisimula pa lang ako, inggit na inggit ako sa mga nababasa kong blog dahil ang huhusay nilang magsulat. Malalim. Nakakatawa. Makabayan. Tapos yung iba, sa mga celebrity pa. Pero ngayon, kahit sino na lang maaaring gumawa ng sarili niyang talaarawan.
Nagbago na nga ang mukha ng pinagkakaabalahan kong ito. At kagaya ng mundong araw-araw na binibisita ko, nagbago na rin ang mga taong nagsusulat dito.
BUSINESS
Marami-rami na rin akong tinanggal sa aking links dito dahil yung dating kinaaaliwan kong basahin eh ginawa ng pangunahing source ng pagkakakitaan ang kanilang blog. Wala namang masama dun, at one point in time, ninais ko ring gawin yun dito sa blog ko.
Ang naging problema lang naman kasi dun, eh feeling ko nang magsimula nang diktahan ng kung sinuman yung manunulat na yun para ipromote yung binebenta nila, eh nawalan na ng saysay yung tahanan nila. Kung yung dati, isang magandang humor blog yung nababasa ko, ngayon puros pagpopromote na lang ng mga serbisyong di ko naman kailangan.
Paano ka namang gaganahang magbasa ng isang post tungkol sa security locks diba?
Mayroon din namang hindi nga post yung binebenta, pero tinadtad naman ng ads yung page. Yung tipong sampung minuto nang nagloload yung page, puros ads pa rin ang nakikita mo't hindi yung nais mong basahin. Nakakawalang-gana bumisita.
YUNG IBA NAMAN
Medyo mahirap na rin ngayon magbloghop, dahil hindi naman lahat ng nabibisita mong magandang blog, eh sigurado kang magtatagal. Marahil kasi kahit sino na lang ang maaaring gumawa ng sarili niyang post, at medyo madali na nga lang ito, maraming tao ang naeengganyo.
Maraming mahuhusay magsulat, kaya lang pagkatapos ng isang linggo, pagsasawaan na at hindi na babalikan. Nakakahinayang kasi nga magagaling silang magsulat.
Mayroon din naman na nagpopost nga, kaya lang minsan sa isang buwan lang. Ewan ko, kung wala lang ba talaga akong life kaya halos every other day akong magsulat habang yung iba eh minsanan lang.
Kung mayroong hindi madalas magsulat, meron namang sobrang sipag na ewan ko ba kung paanong hindi nauubusan ng ideya para sa kanilang blog. Gustuhin ko mang gawin yung ganyan, natatakot ako na baka kinabukasan, wala na akong maisulat pa saking munting tahanan. Pero hanga ako sa mga taong ganito.
Karamihan sa mga bagong nagsusulputang mga blog eh mula sa mga kabataan. Mga teen-ager. Hindi ko madalas bisitahin yung mga ganun kasi hindi na ako makarelate sa kanila. Iba na ang lenggwahe nila. At minsan kaya ayaw ko eh dahil naiirita ako sa grammar nila. Hindi ako perpekto mag-inggles, pero medyo tama naman ang grammar ko. Kaya nga halos lahat na lang ng post ko ngayon ay sa Tagalog dahil ayakong nagkakamali sa inggles. Di nga lang ako mahusay sa grammar ng Pinoy. Tapos yung iba pa, kung paano sila magtext, ganun din sila magblog.
Alam mo rin kung sino yung nagboblog para lang sumikat. Bibisita sa blog mo, mag-iiwan ng mensaheng general ('nice blog.. visit me too' o kaya 'bloghopped'). Kaya ko tinanggal yung cbox ko, dahil naiinis ako sa mga ganung mensahe. Totoo na gawain ko yun noon. Pero sinisiguro ko naman na binabasa ko yung nakasulat sa blog nila bago ako mag-iwan ng mensahe. Tsaka ginagawa ko lang yun sa mga blog na totoong nag-eenjoy ako. Hindi para lang magpapansin.
Ganun din sa pagkumento. Alam mo kung sino ang hindi nagbabasa ng mga blog. Yung mga kumukumento for the sake of making a comment. Ganun din ako nyan pag minsan. Kapag di ko maintindihan yung post dahil sa sobrang lalim, binabasa ko yung mga kumento para mas maintindihan ko. Pero meron talagang mga tao, na magkukumento lang para ipromote yung blog nila. Madalas dyan mga Bumbay o Indonesian na ewan ko. Meron din namang mga tao dahil sa hindi ka sumasang-ayon sa opinyon nila, ay hindi na bumabalik sa blog mo. Masyadong maramdamin.
HAY BLOG
Mayroon din namang masasarap bisitahin. Lalo na kung yung nagsusulat eh kaedad mo, kasi talagang makakarelate ka sa mga sinusulat nila. Pare-pareho kayo ng problema.. sa trabaho.. sa babae.. sa lalake.. sa mga buhay pamilya.. tsaka kahit alam mong problemado, eh makukulit pa rin. Hindi nakakadepress. Nakakabawas ng stress, lalo na't madalas ginagawa ko ang bloghopping sa gitna ng trabaho.
Isa sa mga nakakatuwang bisitahin din eh ang mga blog ng mga babae. Mapapansin mo talaga na kung paano sila magkwento, eh ganun din sila magsulat. Siguro, bilang sa mga daliri ang mga blog ng babaeng nabibisita ko na nakakapagkwento o nakakapagpost ng maiikling mga kwento. Madalas talaga mahahaba ang mga sinusulat nila (lalo na kung lalake ang pinag-uusapan). Tapos may part 2 at part 3 pa yan. Wala lang... pansin ko lang.
Marami rin namang naglilipanang mga humor blog ngayon. Halos lahat nais na magpatawa. May nadapa sa MRT.. iboblog agad.. ganun din kung may narinig na chismis sa elevator.. may nahipuan sa jeep.. natalsikan ng laway sa restawran.. basta nakakatawa sulat agad. Kaya lang minsan ang problema dun eh, wala namang laman yung kwento nila. Wala lang... pagkatapos ng ilang minuto makakalimutan mo rin. Maganda sana kung kahit papaano, eh may marerealize ka na maganda mula sa mga kabulastugang nabasa mo.
Pero ang maganda sa mundong ito, kahit na hindi mo pa kilala ng personal ang may-ari ng mga binabasa mo, dahil sa mga nababasa mo eh parang matagal na kayong magkaibigan. Iba kasi yung koneksyong mabubuo mo pag may ibang taong nakakabasa ng mga bagay na mga kaibigan mong matalik lang ang nakakaalam. Masaya ring malaman mo na tuwing may problema ka, may mga taong handa kang tulungan, bigyan ng payo at pinagdarasal ka rin.
Kaya nga matapos ang halos apat na taon, eh hanggang ngayon buhay pa rin etong blog na ito. Nakakatuwa kasing isa-isang nakikilala ko rin ng personal yung mga bumibisita dito at binibisita ko.
4 years na tong blog mo? wow! minsan nahihirapan na din ako i-maintain yung akin, ayoko kasi ng "walang lang" post.
ReplyDeletegilbert, anong category ako sa blog? isa ba ako sa babaeng mahaba magsulat? hehe
di nga eh... puros pichur nga blog mo eh... hehehe
ReplyDeletebasta di ako magbibigay ng mga pangalan... hehehe
blogging has become a hobby to me too, i just follow what others said that if you want your grammar to improve then you have to use it as often as you can
ReplyDeletenaaliw akoh sa post moh ha kuya Gillboard... mejo natatawa habang binabasa itoh... langya takas lang akoh sa computer eh... may ginagawa akoh... pero etoh nakibasa.. sabi koh sisilip lang pero tinuloy koh na basahin... natawa akoh... ang mga babae ang haba mag post... lolz... parang akoh 'un minsan ahh.... 'la eh... dmeng tumatakbo sa yutakz minsan... kelangan ilabas... buti nga nde pa lahat 'un... eh pano na pag nilabas lahat... 'la na... one week kang magbabasa... lolz..ang korni... true merong mga blogs na nde moh na minsan trip puntahan.. pili na minsan ang pinupuntahan moh... and true kakatamad minsan 'ung once a month lang magsulat... 'ung iba naman kc nagiging hiatus mode... like sinabi moh nawawalan na i guess nang gana... akoh lately... wala ata akong ginawa kundi mag-post... aliw den kc tong blogs.... pampatanggal stressed den... and yeah if u got problems... madmeng willing makinig at magbigay nagn advice... and although mundong blogsphere lang... parang dme mong nakilalang kaibigan... at parang naging kapamilya na lang... naks... sige... essay na toh.... balik na akoh sa ginagawa koh... latez... GODBLESS! -di
ReplyDeleteHahahaha! Pareng Gilbert, totoo lahat sinasabi mo. E, ganyan talaga, lahat merong ibat ibang rason kung bakit nag-bo-blog. Natutunan ko na ring accept na kahit puro nalang commercial yung blogs nila, nagagawa ko pa ring basahin at mag comment kahit papano.
ReplyDeleteTwo months palang yung blog ko at medyo nahihirapan din akong i maintain dahil nga marami din tayong responsibilidad. Hopefully makakaya ko rin na umabot ng apat na taon.
nagtanong si ms. Chyng.. akoh den... akoh ano category koh sa blog? lolz... =)
ReplyDelete^
ReplyDeleteikaw ang babaeng mas mahaba pa sa entry ang comment! :D
wow... sobrang tagal na nga din yung 4 na taon...
ReplyDeletepero tama ka sa mga sinabi mo parekoy.. ako hindi ko na pinapangarap na pagkakakitaan ko pa yung blog ko kase hindi talaga yun ang linya ko...
pangalawa, sa ingglesan... kaya naman hindi ko na pinapangarap mag-ingles kase baka ako mismo indi ko maintindihan...wehehehe..
pero tatamaan sana ako ng ilan sa mga patutyada mo pero umilag ako..kaya hindi ako tinamaan..lol
parekoy, parang may hinanakit ka sa ibang mga astig writter dati ahhhh tapos eh naging pangkabuhayan na ang blog nila..
hehe.. yun siguro ang dulot ng global crisis..
Grammath: one more tip to improve grammar, is to read alot... la lang... hehehe
ReplyDeleteDhianz: tama si Chyng!!! hahahaha... pero appreciated namin ang mga kumento mong mala-telenobela sa haba!!! Kung walang ganun, lang kwenta yung post namin... hehehe
ron: sa pagbablog naman, basta may gusto kang sabihin, isulat mo.. kahit walang nagbabasa... basta mailabas mo lang. Kakayanin mo yan...
ReplyDeletekosa: wala namang hinanakit... panghihinayang lang. nang makita ko yung post nila eh iba na... wala na. nawala yung kung anuman na nagpapabalik sakin sa blog nila. oh well.
Huwaaaw! Four years! Congratz!
ReplyDeleteWell ganun siguro talaga. Pakiwari ko ang anumang blog, o paraan ng pag mamaintain nito ay repleksyon ng ating sarili, mga minimithi o buhay mismo. Bagamat hindi sa lahat ng oras ay masasakyan ng iba, ang importante buhay ka. ;)
galing naman.4 years in the making na pala ang blog mo!I believe blogging is a of expressing yourself without being ridiculed.bahala na ang mga readers whether to love it or hate it.
ReplyDeleteBasta ang prinsipyo ko sa pagsusulat: Sulat lang ng sulat. Kung may bumasa edi masaya, kung wala, playground ko pa rin ang blog ko. Kita mo, yung last entry ko eh lumitaw ang geek side ko. Hehehe.
ReplyDeleteGaya mo, irita rin ako sa blogs na sangkatutak ang ads. Minsan lang ako gumawa ng promotion sa blog ko pero di naman lumabas na lantarang nagbebenta ako.
Sang ayon ako sa mga puntos mo.
Sa oras na mawalan ka ng idea kung ano ang isusulat, hindi masama ang magpost ng "wala lang" entry. Nakita mo sana kung paano ako nag-free writing last year. Hehehe.
ReplyDeleteoracle: ang lalim... hehehe... pero naintindihan ko, at tama ka sa point mo...
ReplyDeletetheonoski: sang-ayon ako sa sinabi mo.. ang akin lang, dahil publiko yung blog mo, dapat tanggap mo rin kung may hindi sang-ayon sa sasabihin mo.
joms: tinry ko gawin yung ginawa mo... di ko tinuloy ang post... sobrang gulo... alam ko na dapat ganun nga... pero sobrang scattered yung pagkakasulat from lovelife to afterlife ata yun... saka ko na iaattempt muli.
Wow, this is probably the best non-comics/non-gaming post I've read from you. At hindi ako nahilo sa kakabasa ng tagalog.
ReplyDeleteAnyways, what's up with those business blogs? They're sprouting like weeds everywhere lately.
di ako maka-relate. LOLOLOL! blogging has come a long way. nag evolve na rin ang blogging. actually sa tingin ko, konti lang talaga nakakasurvive sa blogging. sabihin nating nagba-blog pa rin ang isang tao, pero yung ma-maintain nya ang content ng blog nya na merong "consistency", ibang usapan na yun. ;)
ReplyDeletemabuhay ang mga low-profile-personal bloggers!
wow! 4 years ka na pala..ako buwan pa lang..hehehe...naging hoby ko na rin ang bloging. nakakawala ng stress at lungkot lalo na sa amin na malalayo sa pamilya.....hindi ako magaling magsulat. inggles man o tagalog pero sinusubukan ko na ilabas kung ano man ang nasa utak ko..
ReplyDeleteBloghopping is my stress buster.
ReplyDeleteIt's a confirmation that each of us has stories to tell. Iyon nga lang mayroon talagang blogs na babalik-balikan mo, mayroon din namang mga sablay.
Basta ako iyong mga blogs na gusto ko, naka-bookmark sa computer.
I've bookmarked yours. :p
hahaha..
ReplyDeletenatawa ko dun ah..
parang guilty ako sa lahat ng kategorya, pwera na lang dun sa nangangalakal sa pamamagitan ng blog nila.
galing naman 4 yrs..eh ako..kakalipat-lipat ko, ndi ko na alam kung gano katagal?...
pero infairness totoo lahat ng napapansin mo..:)
skron: naks... salamat... coming from you.. complement talaga to.. sana di ka magsawa magbasa ng mga tagalog na post ko... hehehe
ReplyDeletekuya jon: oo nga, mabuhay tayong mga low-profile bloggers!!! i agree sa sinabi mo... dati siguro sa dami ng mga kasabay mo na binabasa ko nang matuklasan ko ang blog, ikaw lang ang natira.. hehe
ilocano: ang blog kasi pwede na ring sulat sa pamilya mo kung may internet sila... pwede mo dun ibalita kung ano na ginagawa mo...
len: naku, salamat... hope next time kung may blog ka, ilink mo para maibookmark ko rin... or mailink ko sa blog ko...
ReplyDeletejen: hehe.. malungkot man, pero ganun talaga ang buhay.. lahat naman ata ng blogero at one point in time naging ganun din.. ako rin guilty sa lahat ng nakasulat dyan...
to each its own lang yan. it might not be ok with you, pero ok naman sa iba.
ReplyDeletehahahaha... so talagang ang babae eh mahaba ba talagang magsulat ... sna nilagyan mo pa na ung daliri namin sa keyboard eh kasing bilis ng bibig namin! aheks!
ReplyDeletepero tama ka.. kakainis pag matagal magload ang page, parang ayaw mo ng hintayin na mabuksan... lipat na lang sa ibang bahay. o kaya pag puro ads... halos di na mkita ang sinulat! aheks!
kaya pala walang cbox.. suplado!!!
sa hirap ng buhay ngayon, lahat na pwedeng pagkikitaan, gagawin. pati blogging.
ReplyDeletemukhang guilty ako dun sa konting posts. hayaan mo dalas-dalasan ko mga entries next time. hehe
nagpost din ako ng ganitong entry before ang natandaan ko lang at pinakakainisan ko sa lahat ay yung mag ass kisser at mga ad bloggers!!!
ReplyDeletehaay yun lang bow!
Ito yung naisulat ko na noon sa blogsite ko at napapanahon ito dito, heto sya:
ReplyDeleteBasta sa akin, gusto ko lang ipahayag ang dadamdamin ko. Kumbaga kung di ko sasabihin ito sa pamamagitan ng pagsusulat baka maging “Taong Grasa” na ako, kasi nololoko na (pero mukhang nagbabadya na). Siguro para sa akin, masarap balik balikan yung mga naisulat ko, nagugulat na lang ako minsan na naisulat ko pala ang mga bagay na yun, o naisip ko pala yun. At kung sakaling magkaanak ako ipapababasa ko sa knya ang lahat ng ito. Tapos sa aking pagtanda magandang balikan ang mga bagay na naiisip ko noon.
Ito na siguro ang paraan ko na kahit papaano naibahagi ko ang sarili ko sa iba kahit hindi man nila ako kakilala ng lubusan. Masaya ako kahit walang gustong bumasa nito, maisiwalat lang ang mga naiisip at naisasaloob ko sa pamamagitan ng pagsusulat ay sapat na yun.
___________________________
Iyan ang masasabi ko!hehhe
Slamat bro
in-depth analysis to ah
ReplyDeletei guess i belong to the crappy category ^^
i think that's one of the beauties of blogging, kanya kanya yan walang pakialamanan
"Ganun din sa pagkumento. Alam mo kung sino ang hindi nagbabasa ng mga blog. Yung mga kumukumento for the sake of making a comment."
ReplyDelete- High five! :P
Dagdag ko lang sa mga obserbasyon mo. Madalas, nagkakataon na magkaka-ugnay ang mga nagiging entry ng tao na napapabilang sa isang network. Minsan sadya, minsan hindi. Pero nakakatuwa lang. Parang collective consciousness lang ba. :)
y ang blogging... ganda pare ng post mo nakarelate ako dun ah...tama ka dami ngang blog na naglipana sa ngayon..isa pang related yung cbox tinanggal ko din yung akin kasi pudpod ng ads at promotion.
ReplyDeleteInaantay ko nagang mabasa ko kung tatamaan ako ng blog mo..hehe konti lang naman...
nga pala pare tag kita "handwriting tag" ewan ko lang kung na-tag ka na nito...check mo na lang blog ko for instructions..
goodday my blogkada...
I have a blog but it's in Multiply. ;p
ReplyDeleteagree.
ReplyDeleteafter all, the blogosphere is a free world. Nobody can tell us what and what not to write about, or how and how not to express our ideas, emotions, whatever.
keep blogging.
enhenyero: yeah... actually, wala namang masama.. it's just that nakakadisappoint lang...
ReplyDeleteazel: di naman suplado.. kaunti lang... hehehe
mksurf8: tinamaan ba? la naman akong pinapangalanan... hehehe..
pero maganda yang plano mong gawin..
ewwik: nabasa ko nga yun... naghintay lang ako ng medyo matagal-tagal bago ko to pinost... kasi baka sabihin mo ginaya ko.. pero tagal ko na gusto ipost to.
ReplyDeletedrake: yun naman talaga ang dapat na silbi ng blog eh... di ko alam kung paano nauso na gawing business 'to.
alex: di naman crappy... natutuwa ngako sa blog mo... kasi dun ko una nakikita yung mga nakakaaliw na pics and videos...
makmak: lam mo, totoo yun... pansin ko rin yun... minsan o kadalasan, pare-pareho ang pinopost ng mga blogero... lalo na kung may tag... hehehe...
ReplyDeletemokong: gudlak sa tag.. pero salamat na rin sa pagbanggit sakin... ang panget kaya ng sulat ko...
len: ok. ako din meron... hehehe
ayel: true.
lolz..
ReplyDeletetama tong ginawa mo dre...sana mabasa ng maramee to para matauhan...lolz....
di ko na tatanong sayo kung anong kategorya ako para sayo....basta alam ko halos magkaedad tayo...lolz..kahit papano atleast alam ko nakakarelate ka sa mga poste ko...lolz....
ayos dre!..patagalin mo muna tong entry na'to dito sa bahay mo...hehehehe
ay naku tamad akong mag comment sa ibang mga blog. hanga nga ako sa iyo at nagagawa mo iyon sa kanila. ako kasi pag nakakakuha ng interest ko ang isang post eh lalagyan ko ito ng comment kagaya nitong post na ito. happy bday sa bloglife. ako mag-3 palang sa June. sana nga magkaroon ng isang bloggers EB na organize ni gillboard. bow!
ReplyDeletepajay: hehe.. pajay sana eh magaling na pakiramdam mo!!! yaan mo, bukas pa ko magsusulat ulit... may isang buong araw pa bago mapalitan tong post na to...
ReplyDeletejin: di pa anniv ng blog.. matagal pa yun... november pa.. now bout sa EB... ganda sana idea yan, la lang budget para dyan.. pero one time gusto ko gawin yan...
huli na pala ako...
ReplyDeleteito na yata ang pinaka totoong blog review(?) na nabasa ko, nakakatuwa at hindi rin siya offensive.
depende na lang siguro kung paano tatanggapin ng mga taong tatamaan nung review mo di ba?
pero sabi nga bato bato sa langit...ang tamaan MASAKIT!
Nakakatuwa naman 'tong post na woh. Hindi ko alam kung isa ako sa mga babaeng mahahaba ang post, pero madalang lang ata akong magpost ng nobela - ang comment, nyahaha!
ReplyDeleteAnyways ito ang seryosong totoo, I'd have to agree with Mulong.
Ang alam ko halos magkaedad lang tayo pero di ko alam kung nakaka-relate ka sa mga post ko, ako kasi madalas maka-relate sa pinagsususulat mo, kaya isa itong blog mo sa binabalik-balikan ko. Wala kasing halong kaplastikan at buhatan ng upuan.
one thing for sure--marami natamaan pero marami din agree sayo---tama ang mga observations mo.....at inis din ako sa mga negosyante sa blog. ewan ko ba---siguro iba iba lang talaga tayo ng dahilan sa pag-bo-blog at pera lang talaga habol ng iba----wl namang masama---just not me. so I also drop them out of my list.....
ReplyDeletesobrang dami na ngang blogs. buti na rin ito kaya lang yung iba medyo walang control kaya kung minsan isang buwan lang patay na ang blog. ang iba naman puro problema lang sinusulat. yung iba naman once a month ang update. hehehe... so 12posts a year lang.
ReplyDeletemulongkis: ok lang yan... sabi nila.. better late than absent...
ReplyDeletedylan: di naman... minsan lang... hehehe... nakakarelate naman ako sa mga post mo... pag naiintindihan ko... hahaha
pusanggala: yeah... ngapala... may ibinebenta ako na... joke lang... hehehe
ReplyDeletethe dong: yung iba kasi, gumagawa lang for the sake of magin in... or sa una lang maaaliw, tapos wala na.. tatamarin na, pag wala na maisip isulat.
"Alam mo rin kung sino yung nagboblog para lang sumikat. Bibisita sa blog mo, mag-iiwan ng mensaheng general ('nice blog.. visit me too' o kaya 'bloghopped')."
ReplyDeleteHaha. Nakakinis nga yan. Pero parang mapapatawa ka na lang din after.
Tsaka wag mo isipin na mag madalas kang mag-blog ay wala ka nang social life. haha. Pede kasi na kaya ka madalas magblog ay dahil madami nangyayari sa buhay mo. :P
And oh, ikaw, hindi pa kita nakilala ng personal. hahaha.
bow ako sayo! super keen observant ka haha. nakakatawa yung tungkol sa mga nagcocomment ng nice blog, pls visit mine. haha.
ReplyDeletebasta ako, super favorite ko blog mo. bukod sa halos magkaedad tayo, eh super idol kita sa lawak at astig mong mag-isip. Ü
write on Ü
@dong sobrang dami na ngang blogs. buti na rin ito kaya lang yung iba medyo walang control kaya kung minsan isang buwan lang patay na ang blog. ang iba naman puro problema lang sinusulat. yung iba naman once a month ang update. hehehe... so 12posts a year lang.
ReplyDeletearay naman. hehe. eh kasi yung blog ko, ginagawa kong outlet ng mga problema at frustrations kaya pasensya na po kung ganun lagi nababasa niyo.. gomen!
yoshke: dapat nagkita na tayo... kaso di ako sumipot dun sa event niyo... sensya naman...
ReplyDeletegravity: tama na... baka lumaki ulo ko!!! hahaha.. lolz, but seriously, salamat...
jin: talagang umamin daw siya... hahahaha.. la naman pinapangalanan.. hehehe
This comment has been removed by the author.
ReplyDeletewaaaah! naunahan mo ko mag-post sa ganyang topic. pero wala pa ako sa kalingkingan ng 4 years mo para siguro makapuna ng ganyang mga obserbasyon. kakaunti lang ang mga sinusubaybayan ko na mga blogs kasi. bihira din ako mag-comment. bosero lang hehehe.
ReplyDeleteblogging na nga siguro ang makabagong friendster wheee!
ronan: di kaya... isang buwan lang ang tanda ng blog ko sayo...
ReplyDeletei never thought that your blog is 4 years old already!its really a suprised!galing sana tumagal; din ako ng ganyn katagal hehe
ReplyDeletemay mga blog nga na nakakainis sa tagal mag load ng page hayyyy kaya minsan tatamadin ka na mag visit kahit gano pa kagaling yun author
i like funny blogs too..ayoko ng masyadong emo..nakakahawa ang depression kasi nila i avoid them.
at nakakaturete din yun masyadong masipag magsulat na sa isang araw e apat n story its like im drowning i avoid it na din
lht ng gs2 kng sbhn e n2mbok mu d2 s post m n 2 pards. lalo dun s mga teenagers n ndi n yta tau mkksbay s lnguage nla. prng gnwng kikay kit ang blog nla.
ReplyDeletebt b k nkkialam e blog nga nla un.
Isa akong blog hopper. nakarelate ako sa feedback mo sa nangyayari sa blog commnunity.Nakakalungkot nga lang na naging marka ng pagiging maganda ng isang blog and dami nu lurkers nito o mga taong nag-abala para magcomment.
ReplyDeleteSanalang hindi ka mapagod sa pagsulat!
wow, first time kong mabasa ang blog mo.. tama naman ang mga sinabi mo pero ika nga e, kanya-kanyang diskarte yan.. you cannot please everybody.. sa anumang gusto mo. marami na akong nagawang blog bura dito gawa ulit.. may hinahanap akong formula e na tila dko matumbok.. Ingatz
ReplyDeleteDi ako nagboblog-hop napadaan ako dito kasi may dumaan lang sa blog ko tapos nakita ko ito sa result page ng google.
ReplyDeleteNinanamnam ko ang post mo yun nga lang nagulat ako...biglang may tumugtog! weheheh
Maganda ang sinulat mo. May punto ka. Ilan kasi nainggit lang kaya talagang nagblog sila tapos di rin pala nila kaya.
Keep it up! Mabuhay ang mga Pinoy Bloggers!