Pagpasensyahan niyo kung medyo mahaba itong ipopost ko ngayon. Wag kayo mag-alala, di ito madrama... susubukan kong gawin itong light... usually naman nagdadrama ako dito sa blog kapag nabasted ako.
Uso kasi sa mga kaibigan ko sa facebook yung magreminisce tungkol sa kumpanyang pinagtatrabahuan namin dati. Halos lahat kami ay matagal nang wala duon, pero ika nga hanggang ngayon hindi pa rin sila makamove on. Kaya ito, ikukwento ko ngayon ang buhay boss ko...
KWENTONG TL
Tarantado akong TL noon. Pasaway. Nauso ang sakit na UTI sa opisina dahil ata sa akin. Paano ba naman kasi, ang mga naglalakas loob noon na pumunta ng banyo eh pagbalik eh laging nagugulat... pagbalik nila, yung headset nila nakasawsaw na sa pulbos o sa tubig, yung tubig nila lasang C2 na... yung upuan nila nakabaligtad, tapos yung laman ng bag nila nakakalat sa floor. Tapos minsan yung sapatos nila nakatago sa ibabaw ng mga locker o kaya naman yung monitor nila di na nakakabit sa pc. Oo isa akong malaking brat!!!
Marami na rin akong napaiyak noon. Madalas naman hindi sinasadya. Nadadala lang sila madalas sa pressure, lalo na pag serious mode ako. Lagi ko hinihingan ng benta. Ayun, nagsisimula tumulo ang luha, pag di nakakayanan. At isa sa mga dahilan na hindi ako lumalapit sa mga buntis eh dahil nga muntik nako mapahamak dahil dun. Pano ba kasi, may nagpaalam sakin na magcr, eh nung nagsabi sakin halfway na siya mula sa station at banyo, nasabihan ko lang ng 'ano pa ba, andyan ka na' hayun, humagulgol. Simula nun, di na ko masyado nakikipag-usap sa buntis.
Madalas naman mga babae ang napapaiyak ko. Isa pa lang ata yung lalakeng umiyak sakin. Kinukwento niya kasi yung drama sa buhay niya. Nung mga panahong yon... naisip ko, wala ang Wowowee sa drama nitong batang ito.
EXCUSES EXCUSES
Bilang bisor naman, dami rin ako naging pasakit dun. Lahat na ata ng excuse para umabsent eh natanggap ko na...
"Sup Gil, di po ako papasok kasi naglayas yung pinsan ko."
Feb: di daw papasok kasi bday ng nanay... Abril: bday naman ng tatay... Hulyo: bertdey ulit ng nanay. Ilan ba ang magulang ng batang ito?
Meron ding mayroon ding nagsasakit sakitan... tapos biglang makakasalubong mo sa Glorietta.
Lahat yan, napagdaanan ko na... kasi nagamit ko na rin yan nung agent pa ako.
Nasabi ko na ba kung saan nanggaling ang pangalan ng blog na ito? Ang Gillboard kasi ang tawag sa board ng team ko noon. Opo, kahit ako na yung Operations Supervisor, may panahon na may hinawakan din akong mga tao. Tapos sa board na yun nakalagay yung mga benta ng mga tao ko. Kung absent sila... kawawa sila... dahil nakapost dun kung bakit sila nakaliban noong araw na yun. Nagmotmot mag-isa... Nabasted - hindi kinaya... Nirarayuma...
Pero wala namang na-offend. Alam naman nila na it's all for fun lang. Hindi naman ako sineseryoso ng mga tao dun. Kaya kapag may inaannounce akong importante, minsan hindi nila alam kung paniniwalaan ba nila ako o hindi. Ang maganda lang siguro, eh pag sobrang seryoso na ang usapan eh nakikinig naman sila.
DI NAMAN AKO GANUN KATERROR
Kung sa tingin niyo, eh napakasama kong boss, hindi naman. Kagaya ng isang nagpupumilit na maging isang mahusay na bisor, naaappreciate ko naman yung paghihirap ng mga tao ko para sa programa namin. Minsan nga, kapag walang ibinigay na budget sa amin ang kliyente namin bumubunot ako sa sarili kong bulsa ng funds para may maibigay sa mga bentador ko.
At kung sa tingin niyo, eh walang gustong mapunta sa team ko noon, ang totoo niyan, maraming ahente dati ang lumalapit sakin at nagpapaampon. Kahit na may sira ang ulo ko, ako lang noon ang nagbibigay ng chocnut sa mga agents ko. Ang team ko lang ang may sariling pakontes. At kapag may kontes ang buong account, kadalasan team ko ang nananalo. Lahat ng taong humawak ng pinakamaraming benta sa buong programa ay nanggaling sa aking pangangalaga. At halos lahat ng napromote eh at one point or another eh naging agent ko.
Ang pinagmamalaki ko lang siguro aside dun sa mga naaccomplish ng account namin, eh ni minsan, hindi ako o ang support team ko naakusahan na namumulitika. Ewan ko, siguro dahil open ako sa lahat ng desisyon ko sa mga tao ko. Kung may mga hindi ako napagbibigyan, eh sinisigurado ko na naipapaliwanag ko kung bakit hindi ko maibibigay yung hinihingi nila. At sa kabila ng mga kagaguhan, kalokohan at katarantaduhan ko sa floor, sa totoo lang, mabait naman talaga ako.
MAGBUBUHAT LANG NG BANGKO
Alam ko na hindi ako perpektong boss. Alam kong marami akong pagkukulang at maraming dapat pang matutunan. Hanggang ngayon tanggap ko yon. Gayunpaman, hindi maitatanggi ninuman na may mga nagawa akong maganda para sa account na yon.
Nang magsimula kami ng back up ko na hawakan yung account na yon, 50 lang ang tao namin at 3 lang ang TL noon. Pero noong umalis ako, 113 ang bilang ng ahente ko, 8 ang TL ko. At lahat ng taong dumaan sa account ko, kilala ko.
Noong ilipat ang account namin mula Ortigas papuntang Marikina, nung unang buwan namin, isa lang ang nawala sa mga tao ko. Ang programa ko ang nagpauso ng mga fun days sa office. At kahit mukha kaming tanga kapag naka sports costume, prom night, hiphop vs metal, geeks and nerds, santacruzan, 70's, 80's o kaya crossdress ang theme namin, game lahat ng tao.
AT SA PAGTATAPOS...
Siguro kaya halos lahat kami ay nahihirapang makamove-on pag-alis namin sa kumpanya, dahil sobra kaming naattach sa programa at sa mga tao nito. Lalo na ako, andun nako simula pa lang ng account. Magkakasama kami ng mga tao ko para palakihin yung account.
Andun yung halos mamalimos kami sa mga TL namin, QA, at sa boss ko para lang may maibigay na papremyo sa mga ahente namin pag tumaas yung benta ng account. At dahil lahat ng mga ahente dito ay magkakakilala, para na talaga kaming isang pamilya. Lalo na nung nasa Marikina na ang lahat. Minsan hindi lang kami magkakatrabaho, yung iba magkakapitbahay pa.
Di ako iyaking tao, pero nung huling araw ko sa trabaho, napaiyak nila ako. Syempre wala na masyadong maraming tao nung nangyari yun. Pero natouch lang ako sobra sa ginawa nila. Binigyan nila ako ng dvd ng mga mensahe para sakin ng mga iniwan ko. Nang matapos ang despedida party sa apartment, at bumalik na ang lahat sa trabaho, isang oras akong ngumangawa mag-isa noong pinapanuod ko sa bahay yun. Alam ko kasi na nagtapos na yung isa sa pinakamagandang kabanata sa buhay ko.
Pero nakamove on na ako...
i agree!
ReplyDeletemhusay c gil na bisor! kya ako tumagal ng 3yrs dun eh dhil din sa knya.. kc tinatanggap nya ang laspag na dysmenorhea,wlang mskyan at ang generic na msma ang pkiramdam as excuses pti na din hndi ngcng dhil gumimik!
pero nung ngtakeover xa,3rd na sup xa na humandle skin,infairness s kanya pnkamsya at nafifeel mo ung growth tlga ng account.
at korek, pg kmi galing gmik bgo pumasok, tnatangal nya upuan nmin at pinagcocols ng nktyo at bka daw kmi mkatulog!
ah bsta mgling xa na sup! at xempre mgling dn na fren..
pero teka nkamoveon na nga b tlga?! hehe! weh hndi din! wag kng denial jan.. kmi pa din ang mhal mo at namimis mo ang carlson!
dmi ko gus2 coment..pero kitakits na lng sa friday..reunion! o yan ba nkamoveon?! hehe!
gusto kitang maging boss. fun! pero kaya kitang sabayan sa pagkatarantado. ;-)
ReplyDeletena miss ko tuloy yung ex-officemates ko sa Pinas. dito kasi ang bo-boring. di ko pa rin masakyan ang humor. kaya minsan tumatawa na lang akong mag-isa.
wow bosing ka pala gillboss...hehehe
ReplyDeleteminsan mahirap tlgang iwan ang isang kompanya na napamahal na syo..
shamito: hehehe see ya friday!!! at di reunion yun... multiple celebration lang... once a year lang reunion...
ReplyDeletemksurf8: hirap talaga mga foreigner na katrabaho... ganun din mga tao sa new zealand, may sariling humor. buti na lang may kasabay ako samin na pinoy...
ilocano: totoo, pero minsan kelangan mag move on para mag grow.
pwede ka bang mag apply din sa amin at kunin mo ako as your sub ordinate?
ReplyDeletekelan namin ang katulad mo sa ofis!
hehehe.. naku, ayoko muna kumuha ng ganung posisyon... medyo masaya ako ngayon na tagasinghot ng gasolina... hehehe
ReplyDeletethis shocked (and scared) me a bit. haha at ngayon ko lang nalaman san galingang gillboard.
ReplyDeletetingin ko nga ok kang bisor! yaman naman...
dati pa yun... isa na lang akong hamak na tagasinghot ng gasolina ngayon... pero enjoy naman, walang stress at petiks...
ReplyDeletehahahaha
Yari pala ako sayo kung tao mo ako. Buwan, buwan hindi ako nawawalan ng dahilan sa pag-aabsent. Hehehe.
ReplyDeleteLupit mo parekoy ha. Tsk! Nararamdaman ko sa work ethic at enthusiasm mo sa isang tabaho, malayo ang mararating mo. Basta tuloy tuloy lang.
ReplyDeleteGo! Go! Go! Galing! :)
joms: hehe.. kung valid naman yung dahilan bakit naman malalagot. basta ba may med cert... ok lang sakin.. hehehe... utu-uto ako noon eh.
ReplyDeleteoracle: actually, nakarating nako sa new zealand dahil dun... joke!!! pero yup, ang sakin lang basta gusto ko ginagawa ko, tuloy lang... everything will fall into place.
seryoso, taga-singhot ka ng gasolina ngayon? baka mas trip mo ang biogas, marami akong stock nun. hehe
ReplyDeleteayos pala bossing na bossing ka nun, career growth/move? ok ka rin, di ka natakot sa recession, sana tulad mo ako. hehe
sana nga naka-move on ka na.. kase parang hindi pa.... hehehehe...
ReplyDeleteminsan talaga may mga bagay na kailangang iwanan dahil hindi naman habambuhay eh dapat pana-panalubong at dikit-dikit kayo!
kailangan nyo ding maghiwa-hiwalay para matuto at para umunlad...
naku. kung ikaw ang naging bisor ko nag-away, nagsigawan, at nagsuntukan na tayo. hehe. juk! magkaiba naman tayo ng career. :-D
ReplyDelete48 reaksyon nah? nde pa akoh nakakahirit... tsk!... magkokoment as i read...
ReplyDeleteay mali! naduling akoh... 'ung isa palah 'un... ok akoh atah ang pang-14th koments... unless may mauna saken mag-post... eniweiz...
kwentong TL: well 'ung about sa buntis u kinda have a point there.... oo nga naman she's there nah ano pa bah magagawa moh... kaso maling timing lang... since buntis at minsan ang buntis napaka-sensitive... so 'unz... kaya naiyak... kaso supposedly kapag regular na tao lang hiniritan moh... siguro kung akoh... baka matawa lang akoh...hihirit koh lang... oo nga noh... lolz... naalala koh lang... isang bagong co-worker koh... nagpaalam sya sa manager... mag-start na po akong mag-work ahh... 'la lang... parang batang nagpaaalam lang... natawa lang akoh... so humiritz den akoh... mag-ccr lang po akoh ha... wehe... oh yeah graveh ang trippingz moh non w/ ur co-worker ahh... eniweiz next...
excuses excuses: natawa naman akohhh... haha... mga alibi kapag nag-call in... alam moh bah... watz so funny... nakakarelate akoh kc gawain koh.... ang mga tao... nagcacall-in kapag walang saken.... kapag may sakit... pumapasok... wahaha... 'la lang... natawa lang akoh... pero dehinz puwede samen yang mga bday excuses... 'usually 'un... pagkagising moh nang umaga... mejo malat kah pah... tumawag kah sa work... sabihin moh... "im sick..." weheheh... 'la lang...gawain koh... lolz... nd ahh... don palah galing 'ung gillboard... eh ano bah name moh kuya?...
di naman akoh ganun katerror: at least 'ur a nice boss.. at lumelevel kah sa employee moh at iniintindi moh silah... hayz... 'la... kelangan koh pumunta sa presinto at magreklamo about sa boss namen... hayz!... graveh.. 'la lang... gusto nyah gusto nyah... tapos request shedule aasarin ka pa nyah... and gusto nyo pag sinabi nya sinabi nyah.. basta ang gulo koh... eniweiz... kung complains lang about her eh baka abutin akoh nang bukas ditoh... so hwag nah... but i respect her cuz she's d' boss... kaya ayaw koh nagn mga babaeng boss eh...topakz... i like ang mga guyz na boss... at least ang mga lalake eh mas neutral... eh sya sobrah pa sa moody... hayz... but i don't hate her... asar lang tlgah minsan... bahala na si God... ang work naman kc minsan kayah eh... kahit pagpawisan kme okz lang... ang nde lang tlgah ma-take eh 'ung boss.... 'la na tuloy joy sa work minsan... eniweiz... enough w/ dat...
magbubuhat lang sariling bangko: well it juz means na magaling kah mag-handle nang employee moh... and dat 'ur a really good boss... and okz ahh... parang ang saya sa office nyoh ahh... kakatuwa naman ang mga theme... saya...
pagtatapos: yeah ang hirap tlgah minsan 'ung goodbye sa trabaho lalo na sa tipo nang naging work moh... napamahal ka na ren kc at sa mga tao ditoh.... i experienced dat one time... well somethin' happened... nde koh na ieelaborate... eniweiz pag-alis koh sa work nah 'un... naiyak akoh... graveh... i was sad for few days... then new job came along... pero ngaun i want a new job again... wehe... the end... lolz
GODBLESS! -di
"Alam naman nila na it's all for fun lang. Hindi naman ako sineseryoso ng mga tao dun. Kaya kapag may inaannounce akong importante, minsan hindi nila alam kung paniniwalaan ba nila ako o hindi.">>> naku mahirap ito. hehehe...
ReplyDeleteGwabe, isa ka palang BIGATIN, nice!! Well, nakakatuwa yung kwento mo at mukhang marami kayong napagdaan ng mga tao mo. Teka bat aalis ka sa kumpanya Gill?Sayang naman, sabi nga nila walang permante d2 s mundo, kahit nakakalungkot pero kailangan ntin umayon sa tkbo ng mundo.
ReplyDeleteBasta bro alam kong magiging mabuti kang bisor/manager sa mga susunod na kumpnya pa. At least umalis ka ng masya ang mga tao mo (dahil wala ka na, hahhha joke!!) masaya sila kasi naging bahagi ka ng buhay nila.
Ikampay mo bok!!
Mahirap maging isang leader lalo na kung may quota ng pinag-uusapan.
ReplyDeleteBut once you've proven to be an effective leader, the perks and the rewards are overwhelming.
"dahil nakapost dun kung bakit sila nakaliban noong araw na yun. Nagmotmot mag-isa... Nabasted - hindi kinaya... Nirarayuma..." -- natawa ako rito. astig! :p
mukhang masarap maging boss ito ah, baka lang mainis ako pag tinago nya sapatos ko, baka di na sya abutin ng dilim hehe joke!
ReplyDeleteYay! Katakot ka palang Boss. Hehe jowk lang. Penge na lang chocnut. *LOLz*
ReplyDeleteSalamat pala sa picture greeting. Andami mong chicks! Hahaha. = P
anna: hindi career growth.. umalis ako kasi di nako masaya dun, tsaka nung panahon na yun, nag US mga magulang ko.. hehehe
ReplyDeleteazel:uy syempre naka move on nako... matagal na... nung mapunta ako ng NZ nakalimutan ko na yung pinanggalingan ko.. lolz
scud:di naman ako nakikipag-away... pero baka nasisante kita kung inaway mo ko.. hahaha
dhianz: gilbert po pangalan ko... ang haba ng comment... hehehe... wala lang.. natuwa lang ako..
ReplyDeletethe dong: generally, naniniwala naman sila sakin. lalo na pag usapang walang pasok inaannounce ko.
drake: Kuya Drake, matagal na akong umalis dun.. mag 2 years na ata akong wala dun sa kumpanyang iyon. wala na kasi yung puso ko dun.
len: mahirap talaga.. buti may mga kasama ako.. kung ako lang mag-isa, siguro, matagal nako nagpakamatay.. hehehe
ReplyDeletekalyo galera: yan ang paborito kong gawin... tsaka yung paglaruan yung screen ng mga agent ko...
gas dude: di naman... yang 2 yan yung kasama ko sa team namin... 3 lang kasi kami.. saya no?!
naks,
ReplyDeleteboss ka pala..ako mabait akong alila. hahaha
Ganyan talaga pag mabuti kang tao. Mamahalin ka talaga ka ng mga tauhan mo.
ReplyDeleteOn the part ng excuses, ganon din ako kuminsan. Magiisip ako ng kung anong rason para di makapasok. Hehehehe!
Pare dahil mabuti kang boss and blogger friend you deserve the Uber Amazing Award!
Parang nakakatakot ka ngang maging Boss...pero astig yun ahhhh... boss na boss tapos napaiyak dahil lang sa isang mensahe sa DVd? lols
ReplyDeletesabagay.. ganun talaga ang buhay.
first Job?
oo naman napakamemorable pa sa akin yung pinaka-una kong naging trabaho.. enjoy din at hanggang ngayun eh kilala at in touch pa rin ako sa mga katrabaho ko nun..pero hindi ako ang Boss..hehe ahente lang ako..joke!
Pare sana pala kaw na lang boss ko... medyo strict kasi boss ko...hehehe... mabuti ka pa kaya mong i-handle yung pressure ng pagigigng bossing.. ako wala yata akong tiwala sa sarili ko sa ganyan responsibilities...
ReplyDeleteBy the way pare...alam ko nai-tag ka na ni pareng Ron about UBER AMAZING BLOG AWARD... the best din kasi yung blog mo...kaya gusto kong isama yung site mo sa pagbibigyan ko ng award...it deserving tong site mo pare...
at isa ka sa top 10 commenter ko kaya bilang tanaw ng utang na loob...i give you this blog award...
yayks! ang galing naman!!! ::)
ReplyDeletecare for exlinks then!?!??i would be glad to..
should you add lah two blogs eh: pinoymedicaldoctor
walkingnewspaper
ping me then,,so can add you!! :) TC!
onat: di na naman ngayon... isa rin akong mabuting alila ngayon.. isang hamak ng hithitero ng gasolina...
ReplyDeleteron: minsan pag tinatamad talaga, kahit anong excuse gagawin, makaliban lang... marami akong alam na di gasgas na paalam.. hehehe
kosa: naku, dalawa lang ata yung mga kaibigan kong natira mula sa una kong trabaho...
mokong: strikto din naman ako... medyo nung panahon ko, marami-rami na rin ang napatalsik ko... anyway, salamat sa tag/award!!!
ReplyDeletegagay: ok