Hindi sa nagiging mapanghusga ako, pero meron talagang mga tao na kahit anung gawin ko, eh alam kong hindi magiging malapit sa akin. Siguro naranasan niyo na rin yung sinasabi ko. Yung tipong sa unang tingin pa lang, kahit di niyo pa sila kilala eh kumukulo na ang dugo ninyo. Di ko alam kung dahil ba ito sa kanilang pananamit, o dahil matining ang boses nila, o talagang ang mga aura namin ay sadyang magkaiba kaya nahihirapan akong lumapit sa kanila.
Di ko alam kung bakit medyo sarado ang utak ko sa mga ganitong klaseng tao, na sa palagay ko eh tama na yung unang impresyon na nakuha ko sa kanila. Pero alam kong hindi ako nag-iisang ganito. Ayaw man nating aminin, may mga pagkakataon talaga na hindi nating maiiwasang mairita sa mga taong hindi natin kilala.
Lalo pa siguro kung nasusulsulan tayo ng iba nating kaibigan tungkol sa mga hindi nila kanais-nais na mga kaugalian. Ang mga sumusunod ay ang mga taong para sa akin ay mahirap pakibagayan. Opo, laitero po ako.
ASIN: Isang taong hindi marunong maglagay ng deodorant at madalas may ilog na gumuguhit sa may bahagi ng kilikili o kaya nama'y may lawa sa likurang bahagi ng kanilang kasuotan. Bakit asin, kasi feeling ko, na kapag ang pawis nila ay natuyo, ito ay nagiging asin. Wala akong balak na sila ay amuyin. pero para sa akin, tama lang na lumayo ako sa kanila.
NAGMAMARUNONG: In short, epal. Yung mga taong mahilig makisali sa mga diskusyon, at kadalasa'y nagbibigay ng opinyon na tila sila lamang ang nakakaintindi. Yung tipong, mga taong mahilig magtaas ng kamay para lang mapansin, kahit minsan yung mga tanong nila eh walang kinalaman sa inyong pinag-uusapan. Borderline ng pagiging sipsip. Siguro insecure lang ako, pero ang sa akin, kung gusto ko magpa-impress, eh dadaanin ko sa sipag at sa husay sa larangan na aking papasukin, at hindi sa pagtatanong ng mga bagay na hindi na kailangang ipaliwanag o kaya'y walang katuturan.
MS. KILAY: Para sa akin, kapag ako tiningnan mo mula ulo hanggang paa habang nakataas ang kilay mo eh wala ka na. Lalo pa kung cheesebread yung mukha mo. Mabait ka man o hindi, para sa akin di ka na karapatdapat pag-ukulan ng panahon, dahil sigurado akong hindi tayo magkakasundo. Medyo ganun ako, pero hindi halata. Di ko gawaing matahin ang isang tao kagaya ni Ms. Kilay. Nagagawa ko yun, oo. Pero hindi halata... discreet kumbaga.
AUTISTIC: Hindi yung mga may kapansanan. Kundi yung mga taong kahit matino ang pag-iisip eh mayroong sariling mundo. Yung kapag nagsusulat, ay may naririnig kang kasabay na mga sound effects. O kaya nama'y nagsasalita ng mag-isa. Kadalasa'y mahilig sila magdrawing ng anime at may pagka emo ang hitsura... o goth ba? Ewan. Hinahayaan ko na lang sila sa sariling mundo nila... tutal dun naman sila masaya.
LAKAS MO: Eto ang weirdo talaga. Sobrang paniwala siguro sila sa nanay nila noong panahon na sinasabihan silang guwapo sila, kahit alam ng lahat na kabaligtaran ito sa totoong buhay. Oo, hanga ako sa kanilang lakas ng loob, pero naiirita ako sa pagiging manhid nila. Hindi nila napapansin na pinagtatawanan sila ng lahat ng tao dahil parang palaging sila'y lakas-tama. Yun bang tipong, mas natututwa sila kapag pinapansin sila kahit na pinagtatawanan sila.
BOBO: Sa mga taong ito nauubos ang pasensya ko. Natural na mahaba ang pisi ko, pero kapag napagpaliwanagan ka na sa pinakasimpleng paraan eh hindi mo pa rin makuha... lumayo ka na. Ayoko talaga sa mga taong slow. Hindi ko alam kung bakit. Gusto ko na nagtuturo sa ibang tao, pero kung hindi ka marunong makinig at hindi ka madaling makaintindi, kawawa sila sa akin.
Hindi masama ang ugali ko. Kung alam kong hindi ko makakasundo ang isang tao, hindi ko na pipilitin ang sarili kong lumapit sa kanila, dahil alam kong hindi ko mapipigilan ang sarili ko na magsalita. Mas gugustuhin ko pang maging suplado kaysa maging plastic.
Hahahaha! Pare! Laitero ka ba talaga?! Comedyante ka talaga! Don ako nabilang sa huli!
ReplyDeleteagree ako dun sa mga epal!yun ang ayoko ang pa know it all! kunyari magtatanung pero in the end sila din angh sasagot sa tanung nila na magiging bida sila in the end!kairita
ReplyDeleteat lalo yung magsusuggest ng kung ano ano na kala mo e napakagaling
pero manlalait ka nga talaga hehehe
ReplyDeleteTama sila. Laitero ka. Nyahaha. Parang ayaw ko na tuloy magpakita sa 'yo. *LOLz*
ReplyDeleteHi Gilbert! im back!
ReplyDeleteron: talagang ibinilang mo yung sarili mo sa mga nasa listahan... hehehe
ReplyDeletemac: di naman garapal... pag sa totoong buhay naman, di mahahalata na kumukulo dugo ko sa isang tao... pero di ako plastik
gas dude: uy, mabait naman ako... tsaka madaling makasundo... hahaha
ReplyDeletechyng: welcome back!!! pasalubong?
Laitero ka nga... hehehe PEACE!!!
ReplyDeleteHaha..kakatawa parekoy...
ReplyDeletenga pala add kita sa link ko! Para updated ako sa blog mo!
Hindi sa nagiging mapanghusga ako, pero meron talagang mga tao na kahit anung gawin ko, eh alam kong hindi magiging malapit sa akin. Siguro naranasan niyo na rin yung sinasabi ko. Yung tipong sa unang tingin pa lang, kahit di niyo pa sila kilala eh kumukulo na ang dugo ninyo.
ReplyDeleteNormal lang yan parekoy. May mga taong hindi talaga natin magiging close anuman ang gawin natin para mapalapit. Talk about chemistry.
... yeah nde kme puwede mag-violent reaction sau.. kc opinion moh yan.. kaw yan.. at nagpapakatotoo ka lamang... but u have a point there.. may mga tao tlgah na walah tlgah kayong connection.... kahit ano gawin moh nde kayo magkonek-konek... may mga tao naman na u juz met pero feelin moh years na kayo magkakilala and you been friends for like forever.. pero there are times den na mali ang impression naten sa mga tao.. pag nakausap na eh magkakasundo palah kayoh... or vice versa... akoh sa ibang tao i tried not to judge them... 'un ang feel nilah gawin eh... 'ung ang feel nilah i-act eh... datz their life... and i'm not perfect myself so i try not to judge them...same sau.. we can't judge you... yan ang opinion moh eh.. we respect dat... sendali.. parang seryoso akoh?.. lolz.. ingatz kuya Gillboard.. Godbless! -di
ReplyDeletesalamat at ginawa mo tong post na to. ayoko talaga sa mga epal! hahay! ewan ko ba kung anu nakain ng mga yun.
ReplyDeleteoo na magaling na sila, pero wala akong pakialam! hahaha
pero teka ayaw mo sa amin?
sa aming mga autistic? hihihi
idol! gusto ko yang ugaling ganyan. You know what you want and what you don't want....
ReplyDeleteSalamat sa re-post. Natawa ko dito! =)
awtzzz...ganito din ako sa tunay na buhay.nyahahah...pinagkaiba lang tahasan kong sinasabi yung mga gusto kong punahin sa kanila (makapal muka ko eh!)--joke
ReplyDeletenakakarelate ako sa mga terms mo..
minsan ko na din nagamit yan sa mga taong hindi ko maintindihan kung bakit nalikha pa sa mundo..haha
aba! suplado talaga...
ReplyDeletebuti na lang wala sa listahan mo ung singkit, maliit, payatot!
atleast kahit pano pwede mo pala akong makasundo! hehehehe!
I want to get along with people so much, pero sadya talagang may mga tao na aayaw sa'yo kahit mag-effort ka.
ReplyDeleteThanks for this post, first time ko sa site mo. Sa totoo lang, ayoko din ng mga epal. Haha. Yung epal na sumisipsip na ewan.
There's a thin line between being honest and being laitero. Hehhehe palagay ko honest ka lang. Akala ko rin dati laitero din ako, yun pala observant lang pala ako. Eh tingin ko observant ka lang bro at sinasabi mo lang ang nasa utak mo. Kaya observant at honest ang tawag dun.
ReplyDeletei think we all have that little laitero inside us hehe...
ReplyDeleteokay ang categories mo dito ah, hindi ko rin kinakaya yung mga epal at nagmamarunong, pero kaya kong pagpasensyahan yung mga bobits o slow ewan ko, i have a soft spot for them
ahhhh
ReplyDeletenakakatakot ka naman pala..lols
eh paanu naman yung mga kagaya kong Bobo na Hindi naman halata? joke
lols
taena..
kitakits
wag ka---mag-alala---dika nag-iisa---magkapareho tayo---actually dropped a few acquaintances these days e----coz I can't force myself to be with people I don't like. I sometimes ask myself---is it just me----well, I cannot compromise my personal values just to please everybody.
ReplyDeletenakakatakot naman magpakita sayo.. saan kaya ako mapupunta sa mga kategoryang yan pag nagkita tayo? ahihihihihi...
ReplyDeleteganun naman talaga eh... sa laaht ng tao may mapipintas talaga tayo.. pero etong mga kapintas-pintas na mga taong toh may nagagawa din sila para sa atin.. tinutulungan din nila tayong map[ractice ung virtue of patience natin ahihihihi
salamt nga pala kanina... :D
may mga taong ganyan talaga. siguro yung iba hindi rin natin masisisi kasi depende rin kung paano ka pinalaki ng iyong mga magulang.
ReplyDeleteasa punto ka naman, gillyweed. kung tutuusin mabait ka pa nga eh.
ReplyDeletena-encounter ko na ang lahat ng klaseng mga taong yan at sasabihin ko rin sa iyong lumalabas ang angas ko kapag nasa paligid sila.
palagay ko may taytol rin tayo para sa kanila. ano sa tingin mo? ano kayang category ang mga tulad mo at tulad ko? ahaha
Nakakatuwang basahin....na may punto din...
ReplyDeletetagal ko nang hindi nag visit dito ah...marami siguro akong na miss...
Anyway...i thought i'm one of those autistic...hahahha!
to all na nagsasabi, nakakatako makipagkita sakin... di naman ako ganun kasamang tao... madali naman ako ma win-over... hehehe
ReplyDeleteparang punong-puno ng galit ang post na ito ah. heheh joke lang.
ReplyDeletetotoo yan. hindi lahat ng tao e pwedeng pakibagayan. kumabaga, kung wala silang mabuting idudulot sayo, wag mo nang isama sa mga plano mo hehehe