Mar 22, 2009

MGA NATUTUNAN KO SA PAGTATRABAHO

Etong mga susunod na mga araw at linggo, sa pagkakaalam ko, sunud-sunod na ang mga paaralang magtatapos ng klase. Marami na namang gagraduate. Kaya ngayon pa lang, icocongratulate ko na lahat ng mga magtatapos sa kolehiyo. Congratulations! Simula ngayon, isa na kayo sa istatistika ng mga mamamayang walang trabaho!!!

Marami nanaman akong makikitang naglalakad sa kalsada ng Ayala na mga batang bitbit ang kanilang mga resume. Sama-sama ang kanilang mga ka-batch na makikipagkumpitensya para makuha ang trabahong inaasam nila.

Anim na taon na mula nang ako'y nagsimulang magtrabaho. Mangilan-ngilan na ring kumpanya ang napasukan ko. May nagtagal ng anim na araw. Meron din naman minahal ko't sinamahan ko ng tatlong taon. Etong huli, sana dito na talaga ako magtatagal, dahil ngayon, eh sobrang nag-eenjoy ako sa ginagawa ko.

Anim na taon na rin akong nagtatrabaho. Marami na rin akong natutunan dito.
  • The best way na magkaroon ng isang malaking sakit sa ulo sa trabaho eh ang makahanap ng syotang katrabaho.
  • Kapag workaholic ang drama mo sa buhay, darating ang panahon na makikita mo na lang ang sarili mong nag-iisa sa tuktok.
  • Pinakamadaling paraan para masisante ang pagdadala ng problema sa bahay pagpasok mo sa trabaho.
  • Isa sa pinakamabisang paraan para mapansin ka ng boss mo, eh ang pumasok sa trabaho ng maaga palagi.
  • Nasabi ko na ito dati, pero uulitin ko. Kahit saang parte ng mundo ka magtrabaho, hindi mawawala ang pulitika sa opisina.
  • Hindi sapat na mahusay ka sa ginagawa mo para makaangat ka sa trabaho. Kailangan marunong ka ring makibagay sa mga kinakasama mo.
  • Kung boss ka, huwag mong pipigilan ang mga nagnanais na umalis sa kumpanya niyo. Manghahawa lang yan sa pagiging di mabuting empleyado.
  • Huwag matakot sa mga pagbabago. Minsan mas nakakabuti ito para sa inyo.
  • Sa mga job interview, kung sasagot ka ng oo siguraduhin mong mapapangatawanan mo ito. Magsasayang ka lang ng oras kung sasabihin mong kaya mo mag graveyard shift, kung hindi naman totoo.
  • Masarap ang magtrabaho at pumasok kung gusto mo rin ang mga nakakasama mo.
  • Pero hindi ibig sabihin na dahil gusto mo silang kasama, at nag-eenjoy kapag kasama mo sila, eh magkaibigan na kayo. Pagdating sa trabaho, ang mga yan sarili din ang iniisip.
  • Hindi masama na alam mo ang gusto mo. Pero siguraduhin mo, kapag may hihingin ka sa iyong trabaho, eh nakakatiyak ka na karapag-dapat ka ngang pagbigyan nito.
  • Sa mga empleyado, naiintindihan ng mga boss ninyo na may pangangailangan din kayo. Intindihin niyo lang, na meron ding pangangailangan sa inyo ang kumpanya ninyo.
  • At totoo ang sinasabi nilang, gaano mo man kamahal ang kumpanya mo, minsan talaga hindi nila kayang suklian ito sa'yo.
Sa mga magtatapos ngayong buwan o sa Abril. Congratulations!!! Welcome to the jungle!!!

26 comments:

  1. nice post.highly recomendale sa mga job hunter ngayon. ako share ko din ang motto ko when it comes to work:

    "dapat masaya ka sa ginagawa mong work dahil magiging productive ka, kung hindi kana masaya sa work mo better to change/shift career/company kasi di kana magiging productive".

    ReplyDelete
  2. Syotang katrabaho? Hmmm... ako hinintay ko muna siyang mag-resign bago ko shinota. *LOLz*

    Pero ewan ko ba, sumakit pa din ang ulo ko. Nyahaha! = P

    ReplyDelete
  3. Pare sang-ayon ako sa isa sa mga sinabi mo... tama ka mas mag-eenjoy nga tayo kahit mahirap yung trabahong napasukan mo, kahit tambak ang duties & responsibilities mo...basta't masaya ka sa ginagawa mo at nag-eenjoy ka sa trabaho mo. Lalo na kung ang mga katrabaho mo masayang kasama at parang naglalaro lang kayo. Ganyan pare inaasam kong tranaho, yung nag-eenjoy ka lang tapos kumikita ka. Mas mag-eexcel ka kasi sa career mo kung masaya ka at nag-eenjoy di ba bro?

    NGa pala it was Kris Allen yung isang gusto mo sa American Idol...
    Pare register ka naman sa gueastbook ko minsan kung type mo lang...hehe

    ReplyDelete
  4. taMa ka dun sa politika issue parekoy!
    may mga feeling talaga e sobrang galing pero kapag nagkamali e ituturo ka para sayu macredit yung kapalpakan... taena.. kapag ganito ang usapan eh nag-iinit ako.. taena..
    pero pampasarap lang siguro yun!
    hehehe..

    wow, amin na taon ka ng hinog... ako nagsimula akong magtrabaho, 18 ako, so medyo ganun na din ako katagal nagbabanat ng buto...

    so, paanu ba yan, kitakits sa finished line..

    ReplyDelete
  5. agree akoh sa ibang sinabi moh... haha.. isa bang pinakamabisa eh always come early sa work... parang opposite akoh ah?.. but hey lately nde akoh nalalate... kc... basta... lolz... pero i agree sa siabi na itz not all about bein' hardworker... kelangan yeah marunong kang makisama sa mga co-workers moh... dapat itong message na toh eh sinasabi koh sa isang co-worker kong napaka-moody... lolz... nde koh na nga pinapatulan minsan eh... sarap tarayan buti nalang mabait na akoh... tsk!.. lolz... hmmm... usapang boss... dapat sinabi moh ang mga boss lume-level den minsan sa mga employee... at prina-praise silah sa mga hardwork nilah at nde lang puro mali ang nakikita at pinupunta palagi... abah!...ba't nde akoh mag-complain sa presinto noh... lolz... hayz... may mga ganong boss lang tlgah minsan... but nirerespect koh sya dahil boss sya so 'unz... sige i guess 'un lang ang hirit koh... gusto koh ang work koh ngaun nde koh lang minsan ma-take eh 'ung boss... but awa ni God i'm lookin' forward of gettin' a new job diz year... para somethin' new naman... so yeah.. ingatz lagi Kuya Gillboard.... Godbless! -di

    ReplyDelete
  6. eto pa Gillboard..

    "gaano ka man kaaga, kung mas maagang pumasok ang boss mo... late ka pa rin!"

    No. 1 talaga ang syotang katrabahao... aheks! hindi mawala sa isip mo!

    ReplyDelete
  7. Sir ni tagged po kita s post ko.sana mabasa mo po. thanks.

    ReplyDelete
  8. tama! minsan ndi naman talaga yung mismong trabaho ang nakakapagpasaya sayo, kundi yung mga taong nakakasama mo. pero gaya ng sabi mo, never mawawala ung pulitika. =)

    ReplyDelete
  9. I will keep your lessons in mind. Yun eh kung maisipan kong humanap ng ibang trabaho. Hehe.

    ReplyDelete
  10. Grabe madadagdagan na naman ang unemployment rate ng bansang Pilipinas, pwera pa ang tinatawag na underemployed. Kaya wala kaming magawa kundi lumabas ng bansa natin kasi kung dyan ako baka basurero o callboy ang trabaho ko. hehehe

    ReplyDelete
  11. ayos ang mga tip ah.. kelan ko kaya ito mai-aapply.. hehe..

    ReplyDelete
  12. hehehe..nakakatawa yung unang number
    masakit nga sa ulo yan..
    tsktsk..nakakainis kasi pag naghiwalay kayo..prang kelangan mo na din lisanin yung trabaho mo dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakakairita na magtrabaho dun..!:))

    ako eh ilang taon pa lang na nagbabanat ng ugat, este buto..madami pang bubunuin.hehe

    ReplyDelete
  13. haha nambati ka nga e tinakot mo naman yun mga gagagraduate hehe sabagay totoo naman yun,mapalad ako noon na nakahanap agad ako ng work after college.

    i totally agree sa mga sinabi mo.lalo yun kelangan makibagay ka sa mga kasama mo,at may pulitika talaga,kahit san,i've seen those.

    ReplyDelete
  14. para sa mga bagong graduate, congrats! welcome sa inyo ang trabaho! wag lang kayong mamili...

    korek ka sa sinabi mo parekoy, san parte ka man ng mundo magtrabaho, para ka ring nasa pinas...puno ng pulitika...lolz..

    ReplyDelete
  15. Great post. Newly grads should read this. Ang dami mo nang natututunan, and thanks for sharing.

    I couldn't agree more, all are true. Astig ka Gill!

    ReplyDelete
  16. tugmang-tugma lahat.. tama nga ito.
    naku, kung nalaman ko lang lahat ng ito bago ako nagtrabaho, eh di sana nangarir na lang ako mag-asawa ng mayaman. hahaha..

    pero ganun talaga, at least, may mga natututunan tayo sa laro ng buhay. at saka natututo tayo magpahalaga sa mga bagay-bagay.

    ayos to gillboard. nice nice!

    ReplyDelete
  17. Ganyan talaga ang buhay walang madali. Kuminsan mapipilitan kang magtrabaho kahit di mo gusto para lang maka-suweldo. Konting tiis lang,makikita mo rin ang position na magiging masaya ka.

    Galing pare! Excellent post!

    ReplyDelete
  18. Nasabi ko na ito dati, pero uulitin ko. Kahit saang parte ng mundo ka magtrabaho, hindi mawawala ang pulitika sa opisina.

    ---> Agree ako dito parekoy.... :)

    ReplyDelete
  19. sang-ayon ako sa lahat ng sinabi mo. lalo na yung tungkol sa pakikisama at pulitika.

    dito sa opisina namin mas lalong kailangan ko mag-effort na makisama dahil una sa lahat hindi ko sila kalahi. At ang pulitika, dito ko lang yan naranasan.

    ReplyDelete
  20. maganda ngang mabasa ito ng mga bagong graduate. ibang iba kasi sa school at sa trabaho.

    "Huwag matakot sa mga pagbabago. Minsan mas nakakabuti ito para sa inyo.">>> i agree.

    ReplyDelete
  21. Ang ganda ng sounds mo, gusto ko tuloy sumayaw, ahaha! Kaya lang...



    Parehong kaliwa ang paa ko! ;D

    ReplyDelete
  22. Huwaaaaw! Sobrang laking tulong ito sa mga gragraduate pati narin sa mga nagtratrabaho. Mga praktikal at totoong realidad sa opisina...

    Ang galing! Kudos to you gillboard! :)

    ReplyDelete
  23. ATTENTION TO ALL PINOY BLOGGERS: The 'Puerto Princesa Subterranean River National Park' needs our help. With the power of writing vested in you, spread the word to the rest of the world. By doing this, WE CAN MAKE A DIFFERENCE.
    --- :|.poOt!

    ReplyDelete
  24. na-inspire ako sa post na ito. kaya natapos ko yung blog post ko na "tribute to the graduates" :D

    ReplyDelete
  25. marunong makibagay pero dapat di rin mawala ang sariling paninindigan. dito mo makamit ang respeto sa opisina.

    higit sa lahat, enjoyin mo lang para di bibigat ang trabaho.

    ReplyDelete
  26. Agree ako sa sinabi mo na mas masarap magtrabahao kung gusto mo rin ang mga katrabaho mo.

    I also learned that it's not proper to bad mouth your previous employer/company.

    ReplyDelete