Mar 16, 2009

BAKIT KESO SI GILLBOARD

Kachat ko ang isang kaibigan kahapon. Mahaba-habang panahon na mula nang huli kaming dalawa nagkausap ng masinsinan. Marami-raming pinagkuwentuhan. Pero halos ang buod ng aming buong usapan eh ang aking pagiging single sa edad ko.

Itong kaibigan kong ito, eh malamang attached na. 8 taon. Sabi niya, masaya naman sila. May anak na sila, pero hanggang ngayon ay hindi pa mag-asawa. Sa dinami-dami ng pinagkakagastusan sa kasalukuyan, ang kasal nila ay huli muna sa listahan. Ang mahalaga naman daw eh alam nilang mahal nila ang isa't-isa.

Nang malaman niyang hanggang ngayon eh wala pa rin akong natatagpuang kapareha sa buhay ko, siya ay nagtaka. Noong mga panahon kasi na madalas pa kaming nagkikita, alam niya na ako ay isang taong romantiko. Naniniwala sa pag-ibig, sa kakesohan, at sa lahat ng kakornihan na kakabit ng salitang l-o-v-e. Sabi niya, sa lahat ng mga nakilala niya't naging mga kaibigan, ako yung hulig taong ineexpect niya na magiging single pa rin hanggang ngayon.

ANO NGA BA ANG NANGYARI DUN SA KESONG TAONG YUN?
Sa buong buhay ko, dalawang beses ako nakapagsulat ng tula. Dala yun ng sakit na kakornihan na dumadaloy sa dugo ko noong panahon na may teen ang numero ng edad ko. Dalawa ang pinag-alayan ko ng tulang yun. Ngunit sa kamalasan, ni isa sa kanila ay hindi ako sinagot. Nakatago pa rin yung dalawang tulang iyon, at nang mabasa ko ulit kanina, habang naghahalungkat ako ng mga gamit ko sa aking kwarto, natulala ako.

Ang corny!!! Gusto kong sunugin yung dalawang tulang iyon. Pucha, rhyme kung rhyme!!! Ewan ko ba kung anong klaseng engkanto sumapi sakin noong mga panahon na iyon, at ganito ang naisulat ko? At hindi na rin ako nagtataka kung bakit ako nabasted noon. Ikaw ba naman makabasa ng isang tulang baklang-bakla, eh matuturn-off ka rin.

Yung dalawang pinag-alayan ko ng tulang iyon, eh yun yung unang dalawang taong nagbigay ng mga unang sugat sa puso ko. Ngayon, hindi na ako gumagawa ng tula... pero nagsusulat pa rin ako. Alam ko, isa sa mga strengths ko iyon. Kahit nung nasa college ako, ako pinagagawa ng mga kaklase ko ng mga liham nila para sa mga nililigawan nila. Marketing Management student ako eh, likas na sakin ang pambobola. Tsaka syempre, noong mga panahon na yun, naniniwala ako sa mga kwento ng pag-ibig. Na may soulmate. May love-at-first-sight. Na totoo ang destiny. Pero kahit na yung mga panahon na iyon, wala akong nagtagal na relasyon. Buwan-buwan pa rin ang tinagal ng mga iyon.

NAUNTOG?
More like natuto. Sa dinami-dami ba naman ng kabiguang nadanasan ko sa ngalan ng pag-ibig, eh siguro naman eh natuto na ako. Hindi lahat ng kilig na mararamdaman mo sa umpisa ng isang ligawan eh madarama mo kapag naging kayo na. Pagkatapos maging kayo, doon mo mas lalong makikilala ang sinisinta mo. Doon lalabas ang ilang ugali, na hindi mo nakita noong panahong bituin pa ang hugis ng iyong mga mata. At marahil, yung babaeng kasama mo ngayon, ay hindi na katulad ng nililigawan mo noon.

Hindi na ako nagmamadali. Natutunan kong kilalanin muna nga ng mas mabuti kung sino yung kasama ko. Dahil sa totoo lang, ngayon ang nais ko sana eh, kung ako ay magbalak nang hanapin ang nawawalang piraso ng puso ko, eh gusto ko sana eh yung sakto na mismo ang pagkakalapat nito. Para wala na akong hahanapin pang iba.

Hindi pa nawawala yung kakesohan sakin. Di naman siguro mawawala talaga yun. Kahit pa kasingsama mo si Bella Flores, kung tamaan ka ng pana ni kupido, lalambot at lalambot din talaga yang puso mo. Pero ang sigurado ako ngayon...

Hinding-hindi na ako gagawa ng tula buong buhay ko!!!

CLOSURE
Ano ba talaga ang dahilan ng post na ito? Noong isang linggo, sumulat ako ng liham para sa isang taong nasabihaan ko ng nararamdaman ko. Maraming mambabasa ang nagsabi na ipadala ko na. Binigyan pa ako ng ilan ng tips kung paano mapapaganda pa lalo yung sinulat ko. Kaya ko sinulat itong post na ito, ay para lang ipaalam sa inyo ang naisip kong gawin.

Napagdesisyunan ko na huwag na lang ipadala sa kanya ang liham. Binura ko na sa drafts ko yung kopya ng liham na iyon.

Bakit kamo? Wala naman talaga akong dahilan para humingi ng sorry. Granted na in a way, nabigyan ko siguro ng mga senyales na maaaring may pag-asa na balang-araw maging kami, alam naman niya, na sa ngayon, hanggang kaibigan lang muna ang kaya kong ialay. Umoo naman siya dun. At hindi sapat na dahilan ang pagsasabi ko ng totoo para hindi ako pansinin o dedmahin lahat ng tawag at text ko.

Sa tingin ko naman, isa akong mabuting kaibigan. Kung hindi niya nakita yon sa loob ng tatlong buwan na kami'y naghaharutan, eh hindi ko na kasalanan yun. Hindi ako ang nawalan.

Marahil tama yung ibang nagkumento noon, na baka hindi ko siya talaga gusto. Na ang hinahanap ko lang talaga eh yung may nakakausap o kaya'y nakakalandian paminsan-minsan. Totoo na 'to, ito na talaga ang huling post ko tungkol kay Date. Hindi ako bitter.
NGAYON...
So bakit hanggang ngayon single pa rin ako? Mahirap masaktan, kaya kung maaari hangga't sigurado ako na Siya na yung nakilala ko, at alam kong handa na ako, eenjoyin ko muna kung ano ang meron ako. Hindi naman ibig sabihin, na dahil ganito na ang pananaw ko, eh hindi na ako naniniwala sa love-at-first-sight, soulmate o destiny. Kahit naman anong pagtanggi ko diyan, pag dumating na yung taong iyon babalik lahat ng kacornihan sa dugo ko.

Parang blogger lang yan, once a corny lovesick puppy, always a corny lovesick puppy.

27 comments:

  1. Kailangan natin masaktan sa pag-ibig para matuto natin pahalagahan ang relasyong ating binuo. :) Makakahanap ka rin.

    ReplyDelete
  2. Darating din yong para sayo parekoy... ibibigay din Niya yon... :)

    ReplyDelete
  3. haha---wag kang mag-alala---lahat tayo dumadaan dyan sa CORNY STAGE na yan---keke....and take your time---wag lang masyadong matagal ha---baka mapakanta ka nung song ni Karen Carpenters na I know I need to be in love sige ka----peace

    ReplyDelete
  4. joms: thanks... ikaw din... pareho ata tayo ng dilemma ngayon... mas successful ka lang... hahaha

    ReplyDelete
  5. marco: di naman ako nawawalan ng pag-asa... although i think kelangan kong i reassess yung pagtingin ko sa love...

    ReplyDelete
  6. pusang-gala: anong kanta yan?! di ko ata alam yan... i think i need to get out there more now...

    ReplyDelete
  7. Pareko! huwag masyadong mag-alala sa pag-ibig!Ilang beses din ako nasaktan.I guess ilang beses din akong nakasakit. Ganyan talaga ang buhay, di mo maramdaman ang kagandahan ng pagmamahal kung di mo naramdaman ang sakit ng mawalan.

    Ay naku! Masyadong seryoso! Enjoy mo ang pagkabinata!

    ReplyDelete
  8. seryoso ba? di naman... tamang senti lang...

    ReplyDelete
  9. ang Pagiging single parekoy eh dapat ine-enjoy... at alam kong ginagawa mo yun!
    pero tulad ng kahit anung byahe, ang Buhay eh dapat umusad.. Hindi ko naman sinasabi na magasawa ka na o mag-gelpren...pero parang ganun na rin yun..lols
    hehehe.. wag na nga lang...

    Habang tumatanda(o should i say nagkakaedad?lols pareho lang)ang isang tao, natututo at tumataas yung pamantayan nya sa mga bagay bagay...

    di ko din alam ang sasabihin ko kase single din ako...
    pasensya na, wala pala akong karapatang maggaling-galingan...hehehe

    sige kitakits nalang muna..

    ReplyDelete
  10. nag-eenjoy naman ako... ewan ko ba, simula nang maisip ko na kalimutan na lang si Date, mas lalo akong nagnais ngayon na magkaroon ng sinisinta... ewan ko ba... adik ata ako... hehehe

    ReplyDelete
  11. Hi Gilbert!

    Pag naexperienced mo na masaktan, di ba mas masarap mainlove the next time?

    Andameng nagpapanic ngayon. hehe Sa palagay ko naman namimiss mo lang magkaron ng someone yours.

    It will come...

    ReplyDelete
  12. or... di, wag na lang... hahaha!!!

    ReplyDelete
  13. pumasok ba ung una kong comment? hmmm

    pero, sabi ko nga...


    boy keso... hehehhe
    biro lang!


    darating din yun. at panigurado pag time to she shine mo na e di mo na yun papakwalan.


    ingats palagi at salamat sa pagreet! ehehhe

    ReplyDelete
  14. So birthday mo nga ngayon?! Hehehe.. Maligayang bati Ced!!

    ReplyDelete
  15. Na ang hinahanap ko lang talaga eh yung may nakakausap >>> nangyayari talaga to. kaya hirap pag nag aassume ang isang tao. kaya kung minsan dapat din siguro magtapat ang katotohanan. daling sabihin hirap nga lang gawin. hehehe...

    ReplyDelete
  16. ^ companionship ang tawag diyan. you're dating pero walang commitment. pero sabi nga nila kawawa daw sa ganyang set-up ang babae.

    anyway, ayos yan gillboard. huwag magmadali. enjoy single life.

    ReplyDelete
  17. I have already KNOwn you for quite sometime and I guess you are no longer a stranger----

    mind if I open my door to you?
    I wanna be a friend---if you don't mind you can add me in your YM or simply send me an email---

    pakaleklalawak@yahoo.com

    c u around gillboard~~

    ReplyDelete
  18. Bro hindi naman kasalanan kung single ka pa ngayon. Eh ano magagawa mo kung hindi mo pa nararamdaman yung TRULAB na tinatawag. Hindi kawalan bilang lalaki o bilang tao kung wla ka pang GF.
    Bro darating din yun ika nga "Don't look for love, love will find you when you least expect it" (tama ba yan???). Kusang darating yun. Ienjoy mo muna ang pagiging single at malandi mo, hahahah!! At tama ka sa hindi mo pagsend ng letter. Nice man, nagmamature ka na (hindi lang sa itsura kundi pati sa isip, heheh)
    Ingat

    ReplyDelete
  19. medyo hopeless romantic ka ba? hehe.

    ay, ndi mo pala sinend yung email kay date!

    post mo naman yung tala hihi Ü

    ReplyDelete
  20. i mean tula, hahaha

    ReplyDelete
  21. isipin na lang natin 'to pre... "just because you're half of a couple doesn't mean your half of a person". aminin na natin may mga lonely nights (eto na corny na) kaya nga talga mahalaga na makakita ng taong makikinig sayo at magbabasa ng mga tula mo kahit rhyme kung rhyme pa yan. pero may mga bagay na di pwedeng pilitin, yung para bang pinagkakasya mo ung elepante sa elevator, ang panget diba? enjoy single. darating din yan! pag dumating magcelebrate tayo! ok.

    ReplyDelete
  22. sabi nga sa ploning,


    matakot ka kapag hindi ka nasasaktan, baka kasi hindi ka na nagmamahal...

    ReplyDelete
  23. Mabuhay ang mga SINGLE!


    Hehe :)

    Uso naman iyon e....

    ReplyDelete
  24. i couldnt agree more. tama yan. kilalanin mo munang mabuti ang apple of your eyes dahil baka malaman-laman mo na lang na lasang sinigwelas sya nung kinagat mo. hehehe. actually masarap din naman ang sinigwelas.

    at yang mga tula na yan na dinadaig pa ang mga nursery rhymes, lisensyado kang maging korni at lumaban sa chiz curls ng kakesohan dahil inlab ka.

    imposibleng sa dinami dami ng tao dito sa mundo ay hindi mo makikita ang true lab mo. good luck parekoy!

    ReplyDelete
  25. the dong: ermmm... agree... may mga araw na ganyan ako... pero ok nako ngayon.

    scud: i will... i am, actually, dumaan lang sa loneliness days... dala ata yun ng walang pera.. hehe

    pusang-gala: niadd na kita sa ym.. drop me a message pag nakita mo ako online... hehehe

    ReplyDelete
  26. drake: salamat... maturity nga ba talaga yun? hehehe...

    gravity: hinding HINDI mangyayari yun EVER!!! bwahahaha

    iriz: hey, welcome back... tagal mo ring nawala ah...

    ReplyDelete
  27. ewwik: iniisip ko tuloy kung nasasaktan pa ba ako ngayon? hmmm...

    richard: yeah, mabuhay ang mga single!!! down with relationships!!!

    ronan: lam mo, ganda ng huling linya mo... hehehe... salamat!!!

    ReplyDelete