Mar 8, 2009

KWENTONG NANAY

So I was watching television with my mum last night, and on ABS-CBN, they showed this teaser for the show XXX. It was about I think a maid being maltreated by her employers. Apparently, she was forced to wed or have sex with a dog. I'm not really sure as I didn't see the show.

Mum: Ano yun, nabuntis ba? (Did she get pregnat?)
Me: Huwaaaat?!
Mum: Pinaasawa sa aso di ba, nagbuntis ba? (She was forced to marry the dog right, did she get pregnant?)
Me: ?! (speechless)

WHat can I say, really?
April 18, 2008

***********

Laking hirap si Nanay. Sa probinsya lagi niyang kuwento yung mga nangyayari sa kanila nung araw na namatay ang lolo ko. Dahil nga naghihikahos silang pamilya noon. Para lang maiuwi sa bahay ang bangkay, pinalabas nilang pasahero ito't sinakay dun sa hinihila ng kalabaw. Di sila umiiyak kasi baka mahalata nung bumibiyahe... ang kabaong ginawa mula sa kahoy na sahig ng bahay nila. Hindi naman seryoso kapag kinukuwento ni Nanay ito... Laging pabiro pa nga. Malungkot yung pangyayari, pero dahil alam niyang nakalipas na ito at iba na ang kalagayan nila sa buhay, isa na lang itong chapter sa kanyang makulay na buhay.

*****

Hindi ko makuhang magtampo ng matagal sa nanay ko kahit namiss niyang sunduin ako nung unang araw ko noong grade 1. O kaya nung pinagdesisyunan niyang ibigay sa mga kapitbahay na hindi man lang ako binati noong isang kaarawan ko, yung inihandang pagkain para sa akin. O kaya nung makalimutan niyang padalhan ako ng liham sa retreat namin nung kolehiyo ako, na ako lang ang walang nakuha (in fairness meron naman... galing kay Super Friend... si Jesus).
Hindi ko kaya talaga, kasi alam ko lahat ng sakripisyo at pagtitiis na ginawa niya para lang ako'y maitaguyod ng matino at nang hindi ko maranasan ang mga naranasan niya.

*****

Di kami masyadong close ng pareho kong magulang noong mas bata pa ako, kasi lagi silang nakatutok sa aming business, at nagkaroon ng pagkakataon na pareho silang nakatira sa ibang tahanan kesa sa akin. Para lang mapagtapos ako ng pag-aaral. Okay lang sa akin, naiintindihan ko. Di ako matututong maging independent kung hindi dahil dun.

Pero ngayon naman, bumabawi sila pareho. Lagi na silang nakikibonding sakin pagdating ko galing trabaho. Kaya ngayon, hindi ako huli sa mga balita (tsismis) tungkol sa mga kapitbahay namin. Alam ko kung sino ang naghiwalay, sino ang buntis, sino ang pinalayas at kung ano ang nangyayari sa Tayong Dalawa kapag hindi ako nagigising pag gusto niya ng kasama manuod nito madalas.

*****

Alam ko at naaappreciate ko lahat ng paghihirap niya para palakihin ako dati, at kahit hindi ko sinasabi o pinaparamdam ito... mahal na mahal ko siya.

Happy Birthday Mommy!!!

20 comments:

  1. happy happy birthday to your mom!

    ReplyDelete
  2. So... nabuntis nga ba??? Nyahahaha! = P

    Heberdei sa Mom mo! Mabuhay ang mga March Babies! Woot! = D

    ReplyDelete
  3. Nakakatuwa naman ang Nanay mo....

    Hapi birthday sa Nanay! =)

    ReplyDelete
  4. been a while. haha, nakibasa ulit. cheers! :D

    ReplyDelete
  5. weeeeee happy birthday sa mami mo.

    ang kulit naman ng kwento tungkol lolo mo. nakaka-sad na nakaka-loka. :(

    at kawawa naman yung kwento ng pinakasal sa aso... eeck.

    ReplyDelete
  6. Pakipaabot ang aking pagbati ng maligayang kaarawan sa iyong nanay.

    ReplyDelete
  7. huwawwww...
    kahit saan talaga, Hindi nawawala ang Super Nanay...

    Happy birthday sa iyung nanay parekoy!

    ReplyDelete
  8. "Para lang maiuwi sa bahay ang bangkay, pinalabas nilang pasahero ito't sinakay dun sa hinihila ng kalabaw.">>> talaga? hirap nga talaga. may mga ganung nagyayari pala.

    pero kahanga hanga ang mga nanay. dami nilang pinagdaanan na hindi alam ng mga anak.

    happy birthday sa nanay mo.

    ReplyDelete
  9. Bro akalain mong halos pareho pa tayo ng topic ngayon about sa ating mag nanay!! Happy Birthday sa yung nanay!!

    ReplyDelete
  10. happy birthday sa mom mo...

    pero teka... nabuntis nga ba ung pinapanood nyo????

    ReplyDelete
  11. Ang chweet naman! I never had the chance to experience that since my mom died when I was 7. Pero in fairness, parang ganyan daddy ko, kahit hindi sya showy, i know na lahat ginawa nya para saming magkakapatid.

    Anyways, Happy birthday sa mom mo! :)

    ReplyDelete
  12. Teka, parang gusto ko yata mapanood yang XXX na yan. Sa channel 2 ba yun? Ehehe.

    ReplyDelete
  13. Must have been weird na pinapanood mo yun na katabi mo nanay mo. She's cool man! Happy birthday sa Nanay mo!

    ReplyDelete
  14. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  15. yahooo....

    happy birthday kay mother dear mo pre!

    ilang taon na siya?

    ReplyDelete
  16. Maraming maraming salamat po sa lahat ng bumati sa nanay ko sa kanyang kaarawan!!!

    At hindi ko po napanuod yung episode na yun ng XXX... so di ko alam kung nabuntis nga ba yung babaeng pinapapatol sa aso!!! hehehe...

    ReplyDelete
  17. tisay: ganyan talaga daw ang buhay sa probinsya... madami pang kwentong ganyan na riot sa katatawanan yung sa pagkamatay ng lolo ko... minsan ikukuwento ko.. as in!!!

    drake: onga no... belated happy birthday sa nanay mo!!!

    ReplyDelete
  18. edsie: sorry to hear bout your mom. at least your dad's with you, and you know he's trying his best to fill your mum's shoes...

    andy: yep... kaya lang parang last year pa yung episode na yun...

    ilocano: she just turned 55... kung di ako nagkakamali...

    ReplyDelete
  19. sa totoo lang napaluha ako sa kwento mong ito. napaka-vivid ng iyong paglalahad. at naiyak/naenjoy ako sa mga banat mo.

    siguro nga mas nagiging close ang mga anak sa kanilang mga magulang kapag nasa certain age na ang mga ito. siguro kasi mas madaling masakyan yung mga trip ng isa't isa sa buhay.

    walang perpektong magulang. at ito ang lagi kong sinasabi sa sarili ko tuwing ako'y sumasablay sa napakapalpak kong role bilang ilaw (bumbilya) ng tahanan.

    aba kinarir ko raw ang comment. sori naman.

    happy belated birthday sa mommy mo. God bless her.

    ReplyDelete
  20. awww... yaan mo, darating din yung time na makakabasa ka ng ganyan mula sa mga inakay mo.. hehehe

    salamat sa belated bati!!!

    ReplyDelete