Feb 28, 2009

HINDI ITO TULA

May aaminin ako.

Hindi ko ito talaga ginusto.

Wala sa pagkatao ko ang magkaganito.

Nagawa ko na ito noon.

Di ko aakalaing matutuwa ako.

At ngayon may panibagong pagkakataon.

Nagawa ko nanaman ito.

Di ko aakalaing ito'y magugustuhan ko.

Nakakagulat, pero masarap pala.

Mali ang una kong inaakala.

Masarap panuorin silang dalawa.

Ang kulit, ang wild at ang ganda.

Ang saya panuorin ni John Lloyd at Sarah.

********

Oo na. Pinanuod ko kagabi ang You Changed My Life In A Moment. Di nako mahihiya. Alam niyo nanaman siguro na jologs ako. Aminado naman ako dito... Pero di ako nag-iisa. Andaming mga sosyalera sa Greenbelt 3 ang parang tangang kilig na kilig sa Power Hug, bebe ko ring tone at dun sa reaksyon ni John Lloyd sa power hug.

Feb 25, 2009

FLOR: WARFAIRY BLOGGER

It's that time of the month once again where I feature one of my friends in my blog. And finally, I'll be able to feature someone who actually has a blog. Although, she hasn't updated it in a few weeks.

But before I feature this friend of mine though, let me just plug her 'naghihikahos' blog. It kind of is having an identity crisis at the moment because initially when she started it, it was supposed to be about her hobby then, which was airsoft (hence it's name), but lately it's been more about her travels. So I don't really know what it's all about anymore... You can visit the blog HERE so she could have more hits. She promised to update that soon.


NOTHING IN COMMON
I met Florzelech or Flor after I graduated, during our training in my first job. At first we weren't really that close as she has her own clique and I had none (I wasn't a loner, I just hang around different people all the time). Anyway, she never really stood out for me because I thought she's really little. Plus, add the fact that I have a lady teammate who once made me touch her boob, so there you go.

But then one time, I found out that she graduated in the same class as my classmate from high school. Suddenly we have something we can talk about. It really didn't last long, as I'm not really that close with that classmate from high school. What I did find out though, is that where she lives is on the same way when I go home from work.
So we finally have something in common... I noticed that people who go home together or go to work together tend to become close, as they're always with each other at the start or at the end of the day. That's how we actually started to at first become acquaintances.

WHAT I KNOW AND HATE ABOUT WOMEN I FOUND OUT FROM HER
If you still don't know, I came from an all-boys school my entire life, with the exception of pre-school. So basically my first job was my initiation to a mixed sexes environment. And her being my friend back then and spending most of the day with her kinda taught me how to interact with a woman.
Unfortunately, I also learned some things that I really didn't like about the opposite sex. I really hated it when we're in the mall, she spends about an hour/ hour and a half just walking by the women's shoes section just to try some shoes, slip-ons or slippers that she has no plans of buying.
That's partly my fault, because I was the one who talks her into walking with me from PBComTower to Greenbelt then Landmark then Glorietta so we can buy my comics then before heading off to the MRT.

And through that, I actually learned the technique on how to stop women from lingering in one store longer than they should.

And she's a fierce competitor. I rarely win against her for most number of sales when we were teammates. Remember my comment about women being competitive, I had my initial impression about that from Flor. I think she's won a few spiffs from her being a seller, none of which she shared with us, her friends.

From her, I also learned that not all women are martyrs who men could just, you know... push around. She fights back. She's the only girl I know, whom I can throw insults at, but still win in the end. I'm not saying Flor's a warfreak, but if she knows she's right, she's going to fight for her beliefs. Even if it's her boyfriend she's having an argument with.

She was actually one half of one of the worst cat fights I've seen in the history of my life. Too bad, it wasn't physical.

BOX TYPE CAR
From what I remember, Flor is a daughter of a former model, and I think that's where she got her looks. Unfortunately, she didn't have the height to pursue that kind of career. The thing about her is that she doesn't let that get in the way of being a modern woman.

One of my fondest memories of Flor was when we weren't working anymore. One time I asked her to treat me out (which she never did... until now), so we went somewhere in Ortigas to have breakfast. She brought her ride which at that time I thought would be a very good candidate for the show 'Pimp My Ride.' It was an old box type car probably from the early 80's era, which in my opinion should've been banned by MMDA.

I heard that she's finally decided to replace her old car Ning Ning, with a newer one Vanni Avanzie. I can't really say anything about it, as it's been two years since I last saw her. Actually for two years, we worked in the same building, but only saw each other only about 5 or 6 times.

BUT IF SHE'S LIKE THAT...
Why stick with her, right? She's gnarly, overly competitive, she doesn't remember when my birthday is, and we don't really see each other anymore now that we're cities away.

See the thing is, she's my friend. Even if she's like that, I learned a lot of things from her about women. She always keeps my feet grounded. Flor always makes me laugh. And even if we don't work together anymore, she's one of a handful of people who kept me as a friend.

She's living proof of how two people, despite the distance and the absence from each other, could still keep a very good friendship.
I think it's only recently that we've been chatting quite regularly again. But still, it's like nothing's changed. I still throw in some quips about her being not gifted in the front and back, and she still gets back at me for still being single.

Six years, it's been that long since I first met her... And she still hasn't treated me out. But I'll never give up hope, all this waiting will eventually pay off, and it will be all worth it. One day she'll treat me out, for food or movie. It's not that I'm being a cheapskate, but she's earning WAY more than I am.
So yeah, I guess what I'm really trying to say here is that I miss this girl.

Feb 23, 2009

KAARAWAN

Ilang oras na lang berdey ko na... I'll be 27. At dahil dyan, ieevaluate ko yung mga goals ko noong isang taon, kung nasan na ba ako ngayon, at ang mga plano ko sa susunod na 365 araw.

Eto yung mga plano kong gawin noong nag 26 ako. Natupad nga ba?

- Go out of town at least once.
Noong isang taon, hindi man ako nakapagbeach, nakalabas naman ako ng Maynila... more on this mamaya.

- FInd a new job... a non-call center work
hmmm... medyo natupad naman ito. Ang trabaho ko ngayon maaari nating sabihin na call center work. Pero iba naman ito sa dati kong mga trabaho. Mas petiks ito ngayon... kaya mahal ko ito.

- But first resign from my latest work
Oo. Nilayasan ko yung trabahong iyon...

- Leave the country? (still in question)
Gaya ng sinabi ko sa una kong goal, umalis ako ng Maynila para magtraining sa New Zealand ng halos isang buwan. Hindi ko inaasahan na may ganung plano pala para sakin ang kung sino man ang nagpapatakbo ng buhay ko.

- Learn everything I need to learn about my pc (be more techie)
bobo pa rin ako sa pc.

- Join a game show on tv (high time people see me on screen again)
Hindi na ako umaasa dito.

- Save more money
Noong Pasko pa lang ako nakapagsimula dito. Pero at least naumpisahan ko na. At yun yung importante.

- As of writing, I really want to have a kid...
Nagbago na ang isip ko... Siguro pag trenta nako... syota muna hanapin ko.

- Write more interesting and entertaining entries
Kung ikukumpara ang dami ng mambabasa ko ngayon kesa sa 2 o 1 (na minsan pinipilit ko pa), siguro naman nakakapagsulat nako ng matitinong mga panulat.

- Date more... FInd a constant date
Once a month na date mula noong Disyembre... yay.

- Meet more new people...
Syempre natupad ito, kasi syempre nagsimula ako sa bago kong trabaho. At nagkaroon din ako ng maraming mga nakilalang mga banyaga.

- Spend less on comic books
Sa loob ng apat na buwan, noong mga panahong wala akong trabaho, hindi ako bumili ng kahit na anong comic books.

ANG MGA PLANO KO NGAYONG AKO'Y MAG-27
  • Makakilala ng mga kapwa ko mga may-ari at manunulat ng blog.
  • Makapag-ipon ng malaki.
  • Ituluy-tuloy ang pagbabawas ng timbang, at paghulma ng katawan.
  • Maging kapaki-pakinabang sa aking pinagtatrabahuan.
  • Palakasin ang pagkakaibigan sa lahat ng aking mga kabarkada.
  • Dalasan ang paglabas ng Maynila, at malibot ang bansa.
  • Gusto ko madagdagan ang mga tunay kong mga kaibigan.
  • Mag reconnect sa mga kaklase ko noon na sobrang tagal ko ng di nakikita.
Simple lang ang mga gusto ko ngayong taon. Pero ang tema eh mga kaibigan. Walang masama na madagdagan ang mga ito, kung maganda naman ang maidudulot sa buhay ng isang tao. Wag lang ako mapasama sa mga adik at basagulero. Sana magawa ko kahit kalahati lang ng mga ito.

Feb 21, 2009

NAGBABAGANG MGA BALITA

Magandang araw, tanghali, hapon at gabi mga kababayan, nakatutok nanaman kayo sa isang nagbabagang edisyon ng GNN: Gillboard News Network. Pagkat si Gillboard ay di pa natutulog.

Sa ulo ng mga nagbabagang mga balita:

GILLBOARD PAPANSIN?
Hindi pa man tumutuntong ang buwan ng Pebrero hindi na tumigil tong batang(?) to sa kadadakdak tungkol sa kaarawan nito. Nakakairita na!!!

Hindi niya alam kung bakit nga ba ganun siya tuwing kaarawan niya. Sa kanyang pakikinayam sa sarili niya, nabanggit nito na hindi naman siya nag-eexpect ng regalo o pambati, dahil alam naman niya na may babati sa kanya. Pero gusto lang niyang dumarating ang araw ng kanyang kaarawan. Kahit wala namang espesyal na nagaganap sa araw na ito, natutuwa siya sa pagdating nito.

"Marahil kasi, ganitong araw ko lang nakakausap ang ilang kaibigan na bumabati sakin, na buong taon eh di ko nararamdaman," pahayag ng bata(?).

At bilang patunay, eto nanaman siya nagsusulat ng tungkol sa kanyang kaarawan.

GILLBOARD SUKO NA BILANG KUPIDO...
Marami-rami na rin ang mga binubugaw ni Gilberto, pero ni isa sa mga nirereto nito, wala pang nagtagumpay. Puros sablay.

Ang huling biktima, ang dalawang naging featured friends nito sa kanyang blog na sina Jaja at Francis. Todo effort ito sa ym sa kakakulit sa dalawa para lumabas kahit bilang magkaibigan. At kahapon, nakumbinsi ang isang binata na iadd sa ym yung dalaga.

Kaso nga lang, kahapon may napadala ng virus na di sinasadya si Francis kay Jaja... Heto yung parang ad na pag kinlick mo eh mahahack yung account mo... Hayun, mukhang malabo nanaman ata na matupad ang pangarap ng binatang maging kupido.

Ayon sa mga nakatatanda, kelangan siguro nitong ayusin ang sariling buhay pag-ibig bago makealam sa buhay pag-ibig ng iba.

AT SA KARUGTONG NA BALITA...
Bagong pasok lang na balita, si Gillboard, mukhang malabo nanaman ang buhay pag-ibig. Matapos ng pre-Valentine's date ng binata, ay mukhang naging matamlay ang pakikipag-usap at text nito sa itinatago sa pangalang "Date."

Nang tanungin ng binata kung bakit medyo nanamlay ata ang pakikipagkwentuhan sa kanyang 'kaibigan,' "busy daw siya sa trabaho ngayon eh. Hectic daw ang schedule ng dalaga nitong mga nakaraang mga araw."

"Hindi rin naman ako umaasa. Sa akin na rin nanggaling, na hanggang kaibigan lang naman muna kami." Ang plastik mga kababayan!!! Isang araw, pinapangako ng bata na ikukuwento niya ang naganap noong labas nila noong Pebrero 13, na sa tingin niya ay nakaapekto sa mga kaganapan ngayon.

AT SA ULAT PANAHON
Nagtataka si Gillboard kung bakit ambilis uminit ng panahon nitong mga nakaraang araw. Dapat ganitong mga araw eh medyo malamig pa ang panahon, pero sobrang taas at init ng sikat ng araw. Parang maaga darating ang tag-init.

"Ang sarap na sigurong magbeach?" wika ng batang tatlong beses na naliligo ngayong araw. "Sa mga ganitong panahon, kulang ang isang bentilador para sakin" dagdag niya.

**********

At nagdaan nanaman ang isang araw ng pagbabalita ukol sa buhay ni Gillboard. Alam niya namang wala kayong pakealam kaya titigil na ito. Hanggang sa susunod na edisyon (kung masusundan pa) ng GNN: Gillboard News Network.

Dahil inaantok na ang nagbabalita.

Feb 19, 2009

SMACK INTO YOU

Head down as I watch my feet take turns hitting the ground
eyes shut, I find myself in love racing the Earth
and I soaked in your love
and love is right in my path, in my grasp
and me and you belong
Eyes shut, and head down I muster the courage to tell her. I want her-no, I need her to be mine. As we walk down the path, like we always do, I gather enough courage to let her know. I reached out to hold her hand. To stop her. This is the right time.
"I like you," I said.
She stopped. Her back towards me, my hand still holding hers, she pulled away. I can still remember the way she smiled at she turned her face to me. She was smiling. I love the way the wind blows her hair, it's captivating. As she pulls the strands that cover her face. I see her eyes. It's smiling with her lips.
"You have no idea how long I've waited for you to say that."
I wanna run, run smack into you
I wanna run, run, smack into you
We've always had our fights. A lot of couples go through that. I fear that this time, she would want to give this up. To give US up.
She sat on one side of the table. I know she's crying, I hurt her again. Don't give up on us. Please.
She asked me, "if we're always like this, why do you still want us to be together?"
"Because I love you. I know we'll always have our disagreements, but believe me, I'll always fight to have you. And I want you to know, having your love is worth all the fighting and all the bickering we'll have."
I approached her. She's still beautiful even with her tears. I hugged her so tight, then she cried. And that's when I knew, she will stay.
ears closed, what I hear the world just has to know
cause’ I know that what we have is worth first place in gold
and I soaked in your love
and love is right in my path, in my grasp
and me and you belong
"Do you trust me?" I asked.
She did not answer me. But her eyes says it all. She does.
I kissed her. I felt her lips on mine, it was ecstasy. She touched my face as our lips felt each other's tenderness. I wrapped my arms around her waist. She stared at me for a second. Her eyes asking if we're ready for this. I gave her a kiss on her forehead and backed up a little.
She placed her arms on my shoulder and kissed me again, her hands slowly pushing my head to her face. Our love never felt so intense.
I slowly laid her on my bed... Tonight, we become one.
and I, I wanna run, run smack into you
I’m willing to run, run smack into you
Head down as I watch my feet take turns hitting the ground. This was where I told her I liked her. This is where we became us. Everything has come full circle.
"Here we are again." I said.
"Huh?" she asked.
"Don't you remember? This is the exact same spot where I told you I liked you. You were wearing your favorite blue dress. Your hair being blown by the wind. You were beautiful then. Much more now."
She looked confused. But she's blushing. She does that whenever she's happy. "What are you saying?" she asked me.
"All I'm saying... What I'm trying to say is..." here goes. "I belong to you. You own me. My heart. Everything about me, everything I am - it's because of you." I took out the ring and asked her, "marry me?"
Head down as I watch my feet take turns hitting the ground
eyes shut, I’m in love and I’m racing the Earth
and I soaked in your love
and love is right in my path, in my grasp
and me and you belong
Teary-eyed, but still smiling... she said "yes."
and I wanna run, run smack into you
I’m willing to run, run smack into you
I’m willing to run run run run run ooh ooh ooh ooh
I wanna run, run smack into you
I’m willing to run, run smack into you
**********
This song is the only song playing in my ear the whole day I'm in the office. I don't know why I like it, but I just do. I really wish I could have this song playing while you read this, because I think the song is beautiful. Nice song to play while you're cuddling with your loved one.
Unfortunately I'm not a techie, so the best I can do is just put the link HERE so you can listen to it.
Beyonce has a version of this only with a different title, but I think John McLaughlin's version is WAY better.
I'm feeling a bit cheesy today, so bear with me. And unfortunately, this is not my story. It's fiction. Okay? So don't get any idea about the status of my lovelife.

Feb 17, 2009

SALAMAT POST

Tatlong-daan na pala ang naipost ko sa loob ng lampas tatlong taon kong pananatili dito sa blogosperyo. Siguro, tama lang na dito ko gawin ang pagpapasalamat at pagpopromote na rin sa lahat ng mga nakilala ko dito sa tambayan ko.

Sa totoo lang, isa pa lang blogger ang talagang nakikilala ko sa personal, pero sabi ko nga, ngayong taon, pipilitin kong makakilala pa ng mas maraming kaibigan. Tutuparin ko yan, by hook or by crook.

Sa loob ng tatlong taon, marami na akong nabasang mga blog, merong malalaim mag-isip, merong sobrang nakakatawa, may baluktot at nakakaasar ang mga pananaw sa buhay, meron din namang nakakahulog ang kasweetan. Enjoy akong basahin lahat yun kasi marami akong natututunan, at higit sa lahat masayang pampalipas oras.

Siguro, uunahin ko na yung una kong nakilala sa blog, although hindi ko pa namimeet ng personal, si Kuya Aajao. Sa kanya ko natutunan yung ipinamamahagi ko sa ibang mga baguhan dito sa blog na "we write to express and not to impress." Almost three years ago na yan. Halos masubaybayan ko ang buhay niyan mula ng magpakasal, at ngayong malapit ng maging daddy. Kuya Jon, marami akong natutunan sa pagbabasa ng blog mo. Good luck senyo ni wifey!!!

Si Paper Tilapia, na una kong nakilala sa personal. Salamat sa pasalubong mo peanut kisses galing Cebu!!! Dahil sa'yo napatunayan kong totoong mga tao ang nasa likod ng mga blog. Lam ko busy ka masyado kaya di ka na madalas magsulat, pero ok lang, halos araw-araw naman kita nakikita dito sa opisina, kaya di rin ako nahuhuli sa balita tungkol sa'yo. Sa'yo ko nalalaman kung may sweldo na... Salamat din dun!!!

Si Joms... Ang husay nitong magsulat. Kahit di ako masyadong nakakarelate sa mga nilalathala niya, eh hanga pa rin ako, kasi nakakadala. Salamat, at kahit dito lang tayo sa blog magkakilala, eh tinuturing mo akong isang kaibigan.

Utakmunggo!!! Alam mo, pag binabasa ko ang mga blog mo, nabubuo ang araw ko... You never failed to make me laugh. Ang galing. Sabi nga ni Sarah Geronimo, 'siguro ang galing mo sa puzzles, kasi nabubuo mo ang araw ko' pag nakikita kong may bago kang update sa blog mo... hehehe.

Lavinia... ang tagal mo nang di bumibisita. Hanggang plurk na lang tayo nagkikita. Pero gayunpaman natutuwa akong nakilala kita. Ang kulit mo kasi, para lang meron akong nakababatang kapatid. Belated Happy Birthday!!!

Efbee... isa ito sa aking mga plurkbuddies. Nagkatrabaho ka lang, di ka na masyadong nagpaparamdam. Layasan mo na yang opisina niyo!!! Joke... Salamat parekoy at isa ka dun sa concerned nung dinala sa ospital yung tatay ko. Di ko malilimot yun.

Chyng!!! Buildingmate!!! One of these days... magkikita rin tayo!!! Isang floor lang ang pagitan natin, pero di talaga tayo magkita-kita... Siguro hindi pa napapanahon... Pero darating din yan.

Pareng Kosa... salamat sa patuloy na pagtatangkilik... ano ba ginawa mo sa blog mo at di ko na siya mabuksan dito sa opisina? Sa bahay ko na lang siya nabubuksan. Pero kahit ganun, napapabilib mo ako sa mga post mo. Madami akong narerealize dahil sa mga sinusulat mo.

Kay RonTuron... salamat sa pagkilala. Di man ako nanalo, okay lang. The fact na may pumansin dito is enough na para sakin na karangalan. Sa March na lang!!! (biro lang...)

Patty Laurel.. Thank you, dahil sa'yo maraming napapadpad sa blog ko galing google. Parang walang mintis, merong tatlo kada linggo. Salamat sa pag-add sakin sa ym kahit di mo ako kilala, siguro nalito ka lang before... pero okay lang.

Sa mga bago kong mga nakilala at nakakakulitan sa plurk, facebook or ym. Salamat din at kahit papaano eh binuksan niyo ang mga private na buhay niyo para mabasa ko. Doc Ced, Gas Dude, Dong-Ho, Meryl, Yoshke, Kuya Kuri, Skron, Teresa, Mikko, Pusang-gala, Dylan, Eben, Dhianz (salamat sa mga comment na kasing-haba ng mga posts ko... I appreciate it!!!), Miong at Dave.

Sa mga bagong kakilala... paano man kayo napadpad dito, eh salamat at naisipan ninyong bumalik-balik kahit minsan walang kwenta mga pinagsususulat ko dito... Mrksurf8, Gravity, Manikang Papel, Scud, Andy Briones, Ron Centeno (salamat sa award/tag one day I'll do it...) Orakulo, PaJay (astig yung caricature mo ng lahat ng bloggers, sana mangyari yun, kahit kalahati man lang ng andun sa drawing mo), Yanah (lapit ka nang umuwi!!!), Mys Lyk Meeh, at Makmak. At syempre sa lahat ng mga nasa blogroll ko.

Salamat din pala sa ibang nakipag ex-link, yung iba sa inyo andito pa rin yung link kahit hanggang ngayon wala pa rin ako sa mga links niyo. Di ako bitter, kasi minsan ginagawa ko rin ito.. hehehe. Pasensya na dun sa di ko nililink... may dahilan yun, pero saka ko na isusulat.

Hindi pa naman ako mawawala sa blogosperyo, sa dami ba naman ng nakikilala ko araw-araw sa tingin ko, lalo pa akong matatagalan sa pagsusulat at pagbabasa ng mga ipopost ng mga tao dito. Hindi nakakasawa. Siguro hindi ako magtatagal ng 3 taon at 300 posts kung wala akong nakikitang bago.

Ang mga tao sa blogosperyo ang mga taong kakulitan ko... at sana'y maging habang buhay na mga kaibigan!!!

Feb 15, 2009

REPOST: BREAK-UP BOY

Counting down the days before I turn 27, I thought about posting one of the things I wrote about a year ago that gave this blogs it's first few readers. I wanted to post about my Valentine's Eve date, but thought otherwise because I might incur the wrath of those without one yesterday (joke!!!).

And no, I did not get dumped... For one, I'm not courting my date. I'm just enjoying what I have right now.

This is my looking back post.

Honestly, I just don't have anything to write today.

***********

Now I was watching the second season of "How I Met Your Mother" last night and it got me thinking of how us guys usually deal with break ups. What normal guy hasn't been in that situation? Oh yeah, those people who've been single since birth. So anyway, I want to write something today so I guess I'll just list down what I've seen us guys do to cope with ending a relationship. This may apply to girls too... I think.

  • AN UNEXPECTED DIET: When guys break up with someone they love, there's only two outcomes: you lose weight or you gain weight. Let's deal with the first one. THere are guys who lose their appetites. I guess depression overpowers their need to feed. In some ways it turns out good for us, as we become more attractive with less fats. But that only applies to overweight people. Now if a guy already has a thin frame, and then lose weight (like someone I know), there is a possibility he'd look like he'd done drugs.
  • BEER BELLY BOY: The opposite also applies to other dumpees. This is a result of being a patron to beer houses, bars, friend's homes, and/or soaking the sorrow at home. I unfortunately became a victim of this. As depression actually makes me want to eat more (not necessarily drink though, I don't like drinking more than 3 bottles of beer). THis sucks, but we have to suck it in, I guess.
  • DENIAL IS NOT JUST A RIVER IN EGYPT: This is not just for guys, it's irritating when girls do this. How in the world are you ever going to move on if three months into the break up the guy/girl still sms you to know how you are, as if nothing happened. While there's a chance that you'll be friends with your ex, it does not and SHOULD NOT be forced at once. Otherwise you're just giving mixed messages. I don't do this, I know people who do (guys AND girls).
  • THE GIFTED ONE: There are guys who find it easy moving on. He gets dumped today, tonight he's already out in the ocean searching for his next prospect. I guess it's the attitude but I notice that guys who do this, are the physically gifted. I'd really like to be like this, but seeing as I don't have a social life, it might take time for me to be like this.
  • THE INDIANA JONES EFFECT: This guy, after ending a relationship starts searching to find his true self. The treasure hunter whose search leads him to becoming a better person. This may actually be the reason for the break up. This makes the next girlfriend really lucky.
  • PRIEST/MONK... SINGLE: This could be me, a guy who realize that being single is actually great. Unlike women, I never met a guy who after a break up turned into a woman hater. A jerk to women, maybe... but a woman hater? Unless he became gay, I don't think this would be an option. We have certain needs that should be fulfilled that only a woman could give. While a relationship is not a must, we just enjoy the status of our lives right now. Yeah, I think this is where I was, and where I am right now.

This was supposed to be an entry about that show, as I really loved it, but I thought that this could be more interesting than a silly little tv show, don't you think?

**********

Oo nga pala, sasagutin ko na yung tanong dun sa huling post... napakawalang-kwenta ng sagot:

6. Kahit matagal na nung ipinalabas yung episode ng Weakest Link na sinalihan ko, hanggang ngayon eh magkakaibigan pa rin kami ng ilang contestant na nakalaban ko.

Totoong sumali ako sa The Weakest Link noong 2002. Pero di ko naging kaibigan ni isa dun sa mga contestants dun dahil bitter ako't binoto nila ako dahil ako pinakamatalino sa grupo!!! Nyahahahaha!!!

Nahulaan ni peripheralviews yung sagot, kaya dahil dun... nanalo ka ng no-prize!!! Hindi ko ipapadala yung prize na yan dahil wala akong pera... Imaginin mo na lang... hehehe

Feb 13, 2009

25 BAGAY NA BABAGO SA MUNDO MO

Hindi ako tinag nino man, at ayokong hintayin na maitag ako. Gusto ko lang makiuso sa blogosperyo dahil eto eh madalas ko nang nakikita at nakakaaliw talaga siyang basahin. Mas lalo mong nakikilala yung mga nagsusulat nito. Panandaliang aliw lang naman talaga itong mga ito, at gaya ng sinabi ng kaibigan ko sa facebook, makakalimutan niyo rin yung nabasa niyo, kasi sa totoo lang wala naman kasi talagang katuturan to. Unless siguro stalker ko kayo.

Medyo nauuso ito sa facebook ngayon '25 Random Things', at medyo matagal-tagal ko ring hinintay na may mag-tag sakin nito. At kahapon natupad ang pangarap ko. Pero hindi ko ipepaste dito yung ginawa ko, masyado akong conceited kaya may fresh batch of 25 random things about me akong isusulat dito.

1. Likas talaga akong mahiyain to the point na ang tingin sa akin ng mga tao ay suplado ako. Ito ang madalas na first impression sakin ng tao.

2. Hindi ako singer, pero pag nakahawak ako ng mikropono, walang hiya-hiya kakanta talaga ako. Sa totoo lang nalulungkot ako, kapag ipinapasa ko sa iba yung mic.

3. Kapag weekends, kung wala akong lakad, kaya kong matulog ng hanggang 18 hours. Bumabangon lang ako para kumain at magcheck ng email at blog, tapos balik tulog ulit. Oo na, tamad na ako kung tamad.

4. Hindi ako umiinom ng mainit na kape. Ayaw ko ng lasa kahit na sabihin natin na may cream at sugar pa ito. Pero gustung-gusto ko ng mga chilled at iced coffee.

5. Bago ako bumagsak sa call center, pinangarap ko noon na maging piloto, physical therapist, radio dj, manunulat at isang malaking artista sa Hollywood.

6. Kahit matagal na nung ipinalabas yung episode ng Weakest Link na sinalihan ko, hanggang ngayon eh magkakaibigan pa rin kami ng ilang contestant na nakalaban ko.

7. Masyadong seryoso ang tingin sa akin ng mga tao, na di nila alam kung tatawa sila tuwing nagbibiro ako. Isa rin ito sa paraan kung paano ko madaling nauuto ang mga tao na gawin ang mga bagay na wala namang katuturan. For my own pleasure.

8. Lalo akong nalito nang malaman ko na 29000 na lang ang PS3 na may 2 laro at 2 controller!!! Pero mas gusto ko pa rin ng XBox 360 kahit madali itong masira!!! I'm so confused...

9. Sa lahat ng nakalista dun sa exes ko ilang post na ang nakakaraan, isa lang doon ang nagpaiyak sakin. Pero 3 tao pa lang ang talagang nakabasag sa damdamin ko. Lahat sila graduate ng UP.

10. Yung dinedate ko ngayon graduate ng UP.

11. Hindi ako malakas uminom. Dalawang bote ng San Mig Light pa lang tipsy nako. Pero nakakatagal ako ng ilang rounds ng Gran Matador na beer ang chaser at Mindoro Sling.

12. Mahilig ako magblog-hop, at kung anu-anong mga site ang minsan binabagsakan ko ng di sinasadya. Marami palang blog na nagpopost ng porn!!! Pero syempre priority pa rin muna yung lahat ng nasa blog roll ko.

13. Nitong mga nakaraang linggo, napuputol ang tulog ko dahil ginigising ako ng nanay ko para lang manuod ng Tayong Dalawa kasama siya.

14. Madirihin akong tao... ayaw na ayaw kong nakakarinig ng mga kwentong tungkol sa sakit, dugo, sugat, ingrown o kahit anung may kinalaman sa ospital. Yiiii...

15. Hanggang ngayon, kapag napapanuod ko yung scene kung saan niyaya ni Richard Gere si Susan Sarandon na sumayaw sa pelikulang Shall We Dance, hindi ko talaga mapigilan ang lumuha.

16. Isa sa gusto kong maging trabaho nung wala pa akong ginagawa masyado eh maging isang barista. Pero ayaw ko sa Starbucks.

17. Meron akong litrato ng pinsan ko sa wallet ko. Kapag may nakakapansin sa litratong yun, lagi kong sinasabi na anak ko yun na dinala ng ex ko sa Amerika. Madami akong nauto, na hanggang ngayon ay naniniwala paring isa akong binatang ama.

18. Hindi ako palasimba. Pero madalas akong nagnonovena sa St. Jude.

19. Simula nang nagtapos ako ng hayskul, ni minsan di pa ako nakakapasok sa loob ng paaralang pinagtapusan ko.

20. Naging guest speaker ako one time para sa isang graduating class sa San Beda ilang taon na ang nakakaraan. Nagsalita ako tungkol sa lagay ng mga call centers noong panahon na yon. Wala akong naengganyong estudyante na magtrabaho sa larangan na yun.

21. 6 na buwan din akong nanirahan sa Marikina. Sa apartment na tinirahan namin, 2 lang ang kwarto. Lima kami, dalawang magsyota at ako, ang boss nung apat. Ako yung natutulog sa sopa.

22. Malapit nang pumatak ang edad ko sa trenta. Pero hanggang ngayon pumipiyok pa rin ako pag nagsasalita.

23. Hindi ako natatakot na maging 30. Nalulungkot ako na di na ako bata, pero parang excited pa ako na umabot sa edad na yun. FYI mag-27 pa lang ako.

24. Mahilig akong mangulekta ng kung anu-ano. Meron akong koleksyon ng comics, pabango, stamps, alagang hayop, laruang kotse, FHM, at sa maniwala kayo't hindi ballpen.

25. May 1 factoid dyan sa 24 na nakasulat na yan ang hindi totoo. Hulaan niyo kung ano yun!!!

Feb 11, 2009

TRABAHO

Ngayong panahon ng mga krisis at tanggalan ng trabaho sa buong mundo, siguro tama lang na magsulat ako ng tungkol sa dito. Hindi ako nakakapanuod ng mga balita kaya wala akong sasabihin tungkol sa ekonomiya. Tsaka di ako eksperto sa mga balitang ganun, kaya di na rin ako magpapanggap.

Pero nga dahil krisis, at medyo mahirap maghanap ng trabaho, kelangan nating magtiyaga sa kung nasaan tayo ngayon. Hindi sa nagrereklamo ako, gaya ng pinapaulit-ulit ko sa loob ng anim na buwan, mahal na mahal ko ang trabaho ko. Sabihin na nating demotion ito kumpara sa huling ginawa ko, eh hindi naman ako stressed at nakapag-iipon ako ng pera ngayon.

Tama na muna ang tungkol sakin... balik tayo sa dapat na punto ng post na ito. Siguro napapanahon din, kasi alam ko ngayon halos tapos na ang klase ng mga gagraduate ngayong Marso. Siguro naghahanda na lang sila ngayon para sa Finals nila, o ang iba ay tapos na rin dito. Ito rin ay para sa mga taong nagtatrabaho ngayon na gustuhin mang lumipat eh hindi magawa dahil nga mahirap ang panahon ngayon. Gusto ko lang naman talakayin kung paano mo matututunang mahalin ang trabaho mo ngayon.

Ang mga sumusunod eh aking paniniwala lamang. Aking opinyon at suhestiyon. Kung hindi kayo naniniwala, okay lang. Sa huli rin naman kasi, nasa sa inyo yan kung paano ninyo mamahalin ang trabaho ninyo.
  1. UMIWAS KAYO SA MGA TAONG NEGA. Ito ang uunahin ko, dahil ito ang sa tingin ko ang pinakamahalaga. Ang pagiging pessimistic ng isang tao ay sadyang nakakahawa. Umiiwas talaga ako sa mga taong reklamador, dahil gaano man kaganda ang araw ko, pag nakakausap ko sila eh medyo wala akong magawa kundi malungkot na rin. Medyo makikitid minsan ang isip ng mga taong ito, puros pangangailangan lang nila ang dapat napupunan kahit wala silang naibibigay sa kumpanya. Reklamo sila ng reklamo, pero hindi naman umaalis ng kumpanya!!! Ewan ko, basta iniiwasan ko tong mga ganitong tao.
  2. ILISTA AT TANDAAN ANG NAIBIBIGAY SA'YO NG KUMPANYANG PINAGSISILBIHAN MO. Kung wala kang trabaho, hindi ka susuweldo. Hindi ka makakaipon. Kung wala kang ipon, di ka makakabili ng kung anumang luho ang gusto mong bilhin. Kung wala kang trabaho, nakaburo ka lang sa bahay ninyo. Nakakabato yun, tapos gagawin ka lang utusan ng mga magulang o kapatid mo. Madami ang dapat ipagpasalamat dahil may trabaho tayo. Yun lang ang dapat tandaan mo, mamahalin mo na talaga trabaho mo. Magpasalamat ka at hindi ikaw yung tipong nagbababad sa ilalim ng araw na nagbebenta ng encyclopedia sa mga taong wala namang interes.
  3. TANGGAPIN MONG DI MAWAWALA ANG PULITIKA SA OPISINA. Hindi mawawalan ng sipsip, favoritism, at inggitan sa opisina. It's either makisali ka sa higopan o wag mo na lang itong pansinin. Ang importante lang naman eh ginagawa mo yung trabaho mo, at ginagawa mo ito ng matino. Kung isa ka namang huwarang empleyado, darating ang panahon na mapapansin din lahat ng ginagawa mo. Pero kung di ka talaga makapaghintay, join the club, ikanga. Kasi pag magpapadala ka ng emosyon mo, lalo ka lang maiinis dun sa mga taong kinaaasaran mo. Sa huli ikaw din ang talo.
  4. HUWAG KA MAGSET NG MALALAKING EXPECTATIONS PARA SA SARILI MO. Hindi ko sinasabing wag kang mangarap. Walang masama doon. Pero kung nag-uumpisa ka pa lang, wag mo agad hangarin na ikawa ang pumalit sa boss ng boss mo. Hindi yun ganun kadaling gawin, unless ikaw ang anak ng may-ari ng pinagtatrabahuan mo. Kung sales ang trabaho mo, at wala ka pang experience, 1 benta sa isang araw muna ang pagtrabahuan mo. Pag nagagawa mo na, dagdagan mo ng isa pa, tapos dalawa, tapos kapag kaya mo na saka ka mangarap maging top seller o kaya ng promotion. Siguro, iset mo dun sa kakayahan mo yung expectations mo muna. Wag kang magset agad ng mataas, dahil madidisappoint ka lang pag di mo to naabot.
  5. COMPETE. Para naman maging exciting yung trabaho mo, maghanap ka sa opisina ninyo ng magiging kumpitensya mo. Paramihan ng benta. Padamihan ng nakuhang tawag. Pagandahan ng presentation. Pagandahan ng naisip na kunsepto. Pataasan ng ihi. Lagyan mo ng spice yung trabaho mo para naman hindi na lang pare-pareho na lang ang iniisip at ginagawa mo sa opisina. Pero sarilinin mo lang yung kumpetisyon ninyo, wag mo siyang harap-harapang hahamunin. Tandaan mo, katrabaho mo yan, at balang araw eh hihingan mo ng tulong yan, kaya dapat maging friendly ka pa rin. Syempre pag halata ka, magtataka yung tao kung bakit nanlilisik yung tingin mo sa kanya tuwing natatalo ka niya, diba.
  6. PAG NAHIHIRAPAN KA HUMINGI KA NG TULONG. Huwag mong sarilinin yung mga problema mo. Hindi kawalan para sa isang tao ang humingi ng tulong kung kinakailangan. Isa itong pagpapakita ng pagiging team player ng isang tao. Plus pogi points din yan, para sa mga sipsip pag nakikita ng boss nilang tumutulong sila sa may kailangan nito. Pag may hindi ka naiintindihan, itanong mo. Mas mabuti pang malaman mo yung sagot kahit na isipin nilang wala kang alam, kesa trabahuin mo agad at magbigay ng hindi magandang resulta dahil nga di mo nakuha yung kailangan. Pampagaan din ng trabaho yung may katulong.

Mahirap talaga maghanap ng trabaho ngayon. Ang daming kumpanyang nagtatanggal ng mga tao. Kaya gaano man kahirap yung ginagawa mo, o gaano katagal ang oras na malayo ka sa minamahal mo, at least may pinagkakakitaan ka. Regular kang sumasahod at nakakakuha ng mga benepisyo. Kaya mahalin mo ito.

Subukan niyo kayang maghanap ng trabaho sa mga panahong ganito.

Feb 9, 2009

BIG FAT LIAR

Sa puntong ito ng buhay ko, hindi na ako masyadong nagsisinungaling. At least hindi na yung malalaking mga kwentong wala namang katotohanan. Kung di man ako magsabi ng totoo, eto yung mga tinatawag nating little white lies. Yung tipong makakatulong para mapagaan yung loob ng isang tao, kagaya ng "parang bumabata ka ngayon ah" o kaya "bagay sa'yo yang gupit mo ngayon."

Hindi sa sinasabi kong sinungaling ako dati, dahil wala namang katotohanan yun. Siguro sabihin na nating medyo malawak lang talaga ang imahinasyon ko noong bata pa ako. Noon kasi, gumagawa ako ng mga kwento na at pinagkakalat ko sa mga kapitbahay, kaibigan at kaklase na para bang totoo ito.

Di ko alam kung bakit ko ginagawa yun noon... Siguro nagpapapansin lang ako, kasi wala naman talagang espesyal na nangyayari sakin noong bata ako, di katulad ng mga kaklase ko. Syempre kasi diba, minsan pag nagkukwentuhan kayo, lalo na pag puros kayo lalake, ayaw mo na magpapatalo ka. Ganun ako noon. Ngayon kasi, alam ko kapag di nagsasabi ng totoo ang isang tao, tsaka obvious kapag ako eh nagsisinungaling kaya di ko na to masyadong gawain.

Bakit ko ba ito kailangang gawin, bakit di ko na lang sarilinin? Blog ko to!!! Isusulat ko ang anumang gusto kong isulat. Walang pakialaman... Di ko kayo pinakikialaman kung anuman ang sinusulat ninyo. Hehehe... Pero seryoso, siguro gusto ko ng clean slate. Gaya nga ng sinasabi ni Papa Jack sa kanyang 'wild confessions' na programa sa radyo (yak jologs talaga!!!), kinukwento ko ito kasi wala na akong balak gawin ito ngayon.
  • Noong pre-school ako, napaniwala ko ang buong klase namin na bunso ako sa tatlong magkakapatid. Tuwing matatapos ang weekend, lagi nilang kinukumusta ang kuya at ate ko, na non-existent. Lagi kasi ako noong maraming kwento tungkol sa kanila, kung gaano sila kacool. Nagtapos kaming lahat ng preschool na hindi nalaman ang totoo. Except dun sa mga nakasama ko sa grade school na kaklase ko noon.
  • Para lang maging cool nung high school, pinagkalat ko noon na nasa front row ako nang nagconcert si Alanis Morrisette dito sa Pilipinas. Sa totoo lang, wala nga akong album niya. Ewan ko, naasar lang siguro ako kasi nakakainis yung kaklase ko na ang yabang-yabang, kaya ayun nagpapansin ako.
  • Noong grade school ako, meron akong imaginary na barkada. Di na kaibigang dwende. Pero mga kaibigang rich kids na sinasamahan ko tuwing weekend pag tinatamad akong sumama sa labas ng mga kaklase ko. Masyado na kasing sadsad para sakin yung di pinayagan na excuse, kaya ginawan ko ng kwento. Hanggang bawat imaginary friend ko eh nagkaroon na ng sarili niyang personality. Sa kwento lang naman. Ni minsan, eh hindi ako nakipag-usap sa mga imaginary people.
  • Eto, nakakahiya... di ko na lang papangalanan kasi sobrang jologs talaga. Noong high school ako, kwento ko sa mga kaklase namin na may pinsan akong artista. Meron talaga akong mga pinsan na mga modelo noon, pero yung ikinakalat kong pinsan ko... eh isa talagang showbiz personality. Yung katulong namin dati eh fan na fan niya, kaya lahat ng magasing nandun siya eh nabasa ko. Tapos yung factoids dun yung kinukwento kong pagkakakilala ko sa kanya. Sa tuwing naaalala ko yun, lalo akong namumuhi ako sa sarili ko... Napakajologs ko noong high school ako!!!

Ang pathetic!!! Sa totoo lang. Aminado ako. Napakajologs ko noon. Siguro nga, gusto ko noong magpapansin. O kaya'y magpa-impress sa mga kakilala, mga kaibigan. Maling-mali talaga iyong mga pinaggagawa ko noon.

Ang hirap kayang magsinungaling. Kasi minsan, para mapatunayang totoo yung sinasabi ko, kelangan kong magsabi o gumawa pa ng ibang bagay na wala talagang katotohanan, kasi nakakahiyang mabuko ka na di nagsasabi ng totoo. Lalo na dun sa huli.

Syempre nagbago na ako ngayon. Naisip ko kasi na hindi mo kelangang gumawa ng isang malaking kwento tungkol sa sarili mo para magustuhan ka ng isang tao. Isa akong mabait at matinong tao, at kung di yun nakikita ng iba, bahala sila, di ko naman kawalan yun. At saka, yung mga taong tumatanggap sa'yo despite sa mga kahinaan mo, yun yung mga taong dapat sinasamahan mo. Kasi wala namang sense yung magsinungaling ka, tapos di ka rin sasamahan pag nalaman nila na wala sa iyo yung hinahanap nila.

Para sa akin, mas mabuti pang ipakita mo yung totoong ikaw, at hayaan mong tanggapin ka nila. Kasi yun yung mga tipo ng taong hindi ka iiwan sa huli, kahit ano pa man ang mangyari.

Feb 7, 2009

SILA

Sila ang mga humubog sa pagkatao ko. Ang nagturo sakin kung paano ba ang maging kalahati sa isang pares. Ang mga minahal ko... at sa huli, ang nagpasakit sa ulo ko.

Hindi ako nagdaramdam at syempre sa tagal na ng panahon nang huli akong pumasok sa isang relasyon, malamang nakamove-on na ako. Ikukuwento ko lang... Tutal sa Sabado Valentine's Day na... Kasi sa panahong yun, gusto ko magsulat ng something na katatakutan!

SI UNA
Nabanggit ko siya sa isa sa mga posts ko ngayong taon. Si Una, o si Love ang pinakauna ko. 3rd year hayskul ako noon, at ilang buwan lang kami nagkasama.

Alala ko, una naming LQ ay dahil sa payong. Tatanga-tanga talaga ako dun sa mga kumplikadong payong, yung tinitiklop at maliliit. Hanggang ngayon, di talaga ako marunong mag-ayos ng ganoong klase ng payong. Sanay ako dun sa isang pindutan lang bumubukas na. Anyway, one time lumabas kami on a date na tag-ulan. Dahil nga di ako marunong gumamit ng payong, nasira ko yung dala-dala niya. Syempre dahil kasalanan ko kaya wala kaming payong, bumili ako ng bago para palitan ito.

Inaway niya ako kasi yung binili ko eh yung parang sa mga bumbay. Yung mahabang itim na payong na hindi natitiklop. Galit na galit si Love nun kasi nga nakakahiyang dalhin yung payong na yun, kikay pa man din siya. 3 araw niyang di sinasagot yung telepono nun pag numero ko ang lumalabas sa caller id nila.

Hindi iyon ang dahilan ng paghihiwalay namin. Nag-college na siya nung sumunod na taon, kaya naisip niya na mas makakabuti sa amin na iexplore pa ang mundo ng hindi magkasama.

YUNG DALAWANG BUWAN LANG...
Etong pangalawa eh kaibigan ng kaklase ko sa kolehiyo. Naging kami sa telepono din. Maganda daw kasi boses ko. Akala niya it will translate pati sa totoong buhay... joke.

Sa dalawang buwan na naging kami. 2 beses lang kami lumabas. Text at usapan sa telepono lang kami palagi. Yung una naming pagkikita, para lalo naming makilala yun isa't-isa. Yung pangalawa, eh para tapusin na yung relasyon namin sa telepono.

Sweet naman siya. Matalino. Marami akong natutunan. Kaya lang masyadong seryoso sa buhay. Puros aral lang ang ginagawa kaya nga dalawang beses lang kami nagkita. Tapos tuwing weekend lagi pa siyang umuuwi sa probinsya para makasama yung pamilya niya. Kaya siguro napagod din ako, dahil nga parang wala namang patutunguhan yung kung ano man meron kami kasi di naman kami nagkikita.

YUNG BATA
Ewan ko ba kung bakit ako pumatol sa sobrang mas bata pa sakin. Feeling ko kung hindi ko tinapos yung 1 buwan naming relasyon eh ginawa akong sugar daddy nito.

Mantakin mo, di ko lang nabigyan ng regalo nung monthsary namin, eh sinabihan ba naman akong hindi ako marunong magmahal!!! Tama ba yon? Siya ang dahilan kaya ayaw ko ng mga mas bata sakin. Ayaw ko ng mga masyadong nagpapababy. Nakakainis. May pinagbabagayan yan. Di nagwowork sakin yung nagpapouty lips para lang pagbigyan sa mga gusto. At ayaw ko yung laging nagtatantrums pag di nasusunod ang gusto.

SI DUKTORA
Isang linggo lang naging kami ni duktora. Ang hirap kasi pag wala talagang oras para sa isa't-isa. Si Doktora laging on call. Yung nag-iisang date namin, kelangan pang maputol kasi nakalimutan niya meron pala siyang buntis na pasyente na magpapacheck-up.

Masaya sana yun kung nagkatuluyan kami kasi pwede nakong hindi magtrabaho nun!!! Kaya lang, di talaga pwede eh. Feeling ko lagi ko lang siyang aawayin dahil wala siyang magiging oras para sa akin. Parang mas malala pa yun sa long distance relationship kasi alam mong nandyan lang siya pero hindi pa kami nagkikita.

Ang gusto pa niya sana eh pupuntahan ko siya palagi sa ospital. Di ko gusto yun. Gaya ng sabi ko, ayaw kong nagpupunta ng mga ospital, dahil nadedepress ako. Tsaka madirihin ako... Pero ibang kwento naman iyon.

SI OPISMEYT
Siya ang dahilan kung bakit hinding-hindi ako sa ngayon maghahanap ng gf na katrabaho ko. Isang malaking sakit sa ulo ang magkaroon ng karelasyon na katrabaho mo.

Masaya kasi merong mga moments na nakakatakot, at ayaw mong mahuli kayo dahil baka pareho kayong masesante. Medyo malambing siya at makulit.

Ang problema lang, grabe magselos. Pinagseselosan lahat ng nilalapitan ko. Laging naghihinala pag nagiging mabait ako sa isang tao. Laging nagsasabi na katawan lang niya ang hinahabol ko (in fairness sa kanya sexy siya).

Isa't kalahating buwan lang kami. Pero parang ayaw ko nang gumawa ng ganyan ulit. Nakakatakot. Masaya, pero malaking sakit talaga sa ulo.

SI JOY
Ahh... si Joy. Hindi naging kami. Pero siya yung nag-iisang tao na hanggang ngayon siguro eh hindi mawala-wala sa isip ko. Siya yung taong sinulatan ko ng Goodbye Letter.

Talagang halos mabaliw ako dahil nadepress ako nung aminin ko sa kanya yung gusto ko sa kanya, tapos hanggang kaibigan lang daw talaga ang kaya niyang ituring sa akin. Tapos tuwing nawawala siya sa isip ko, nagtetext siya. O kaya nagsesend ng message sa ym.

Siya lang yung talagang iniyakan ko. Hanggang ngayon siguro, kahit sabihin ko pang okay na ako, eh paminsan-minsan sumasagi pa rin siya sa isip ko. At naglalaro sa utak ko kung ano kaya ang mangyayari sa amin kung sakali mang naging kami. O kaya kung nakipagkita ako, noong araw na niyaya niya akong makipag-date.

**********

Wala talaga akong maisip na ikwento sa inyo nitong mga nakaraang araw. Hindi naman ako busy. Siguro napapagod din ang utak ko minsan. Masyadong hindi nagagamit sa opisina eh...

Feb 5, 2009

MY TOP FILMS: PINOY FLICKS

Normally, pag ang sinusulat ko eh yung My Top Films na post kung saan ko nililista lahat ng paborito kong pelikula, eh nakalathala ito sa ingles. Iibahin ko ngayon kasi, ang gusto ko namang isulat ay ang aking mga paboritong pelikulang Pilipino.

Hindi ako normally cheesy, at nanunuod ng mga chick flicks pero aaminin ko, karamihan ng mga nandito sa listahan na ito eh mga ganung klase ng pelikula. Dun yata tayong mga Pilipino mahusay sa paggawa, pagdating sa mga palabas sa pinilakang tabing.

Sa mga nakaraang mga post ko, may mga lumabas nang mga pelikulang pinoy, kaya kung nagtataka kayo kung bakit wala yung pelikulang gusto niyo, malamang nandun yun sa mga luma kong post... iklik niyo na lang yung tag na link sa baba nitong post na ito, kung gusto niyong malaman yung iba kong mga napiling pelikula.

Kung naghahanap kayo ng aksyon na pelikula dito, madidisappoint kayo. Kakaunti lang ang napanuod kong aksyon, dahil bata pa lang ako, memorized ko na ang magiging takbo ng kwentong ganun... may isang pulis na babaero, mamamatay yung asawa, maghihiganti, kung hindi siya mamamatay, yung kontrabida yung matetepok. Tapos.

Pasensya na, at karamihan sa mga nasa listahang ito eh mga bagong pelikula. Sa totoo lang, hindi talaga ako mahilig manuod sa mga pelikulang pinoy, pero simula ng nagkaroon kami ng Cinema One na channel, eh medyo nakakapanuod na ako ng mga ito... Naaappreciate ko yung iba, pero iba talaga eh.. ang corny ng karamihan. Hala, simulan na natin ito...

MAGIC TEMPLE
Eto yata yung nag-iisang fantasy movie na talagang nagustuhan ko ng todo. Kwento ito nina Jubal, Sambag at Omar at ang kanilang pakikipagsapalaran upang maging mga mahuhusay na mga mandirigma. Sa totoo lang, nakalimutan ko na yung kwento nito, basta alam ko aliw na aliw ako sa pelikulang ito. Ang galing kasi ng pagkakagawa noon, tapos ang ganda pa ng kwento. Talagang kakaiba, at masasabi mong pwedeng maihalintulad sa isang pelikulang banyaga.




HOME SIC HOME
Mawawala ba naman si Dolphy pagdating sa listahan ko ng paborito kong mga pelikula? Syempre hindi. Paborito kong komedyante si Pidol, kasi di ka lang niya mapapatawa, kapag may eksena na siyang iiyak, medyo makukurot din nito yung damdamin mo. Sa lahat siguro ng pelikula ni Dolphy, eto yung pinakagusto ko. Kwento ito ng mga karakter nina Dolphy at Babalu at ang naging buhay nila sa Amerika. Sabi ng Tita ko, totoong nangyayari yung mga pinapalabas nila dun, kahit yung mga exaggerated na eksena. Bata pa ako nung una ko tong napanuod, pero hanggang ngayon, pag nakikita ko siya, di pa rin ako nagsasawang pagtawanan yung eksena nung naligaw si Babalu sa Los Angeles.


ANG SYOTA KONG BALIKBAYAN
It's either ito o Dito Sa Pitong Gatang ang paborito kong pelikula ni FPJ. Parehong uber-hot ang mga leading ladies niya dito. Pareho ng setting ang dalawang pelikula. At halos pareho ng kwento yung dalawa. Feeling ko nga, remake itong Ang Syota Kong Balikbayan ng Dito Sa Pitong Gatang. Pero, nagkaroon ito ng edge, kasi nung pinanuod ko ito, kalahati ng buong angkan namin ang kasama ko. Ang saya ng alaala ng pagpanuod ko ng pelikulang ito kaya siya memorable para sa akin. Minsan talaga, nagiging paborito mo ang pelikula hindi dahil sa kwento o artista, kundi dahil sa kung paano at sino ang kasama mo nang napanuod mo ang pelikulang ito.

KASAL, KASALI, KASALO
Ang kwento ni Jed at ni Anggie siguro ang kwentong natatakot akong mangyari sa buhay ko. Magkaroon ka ba naman ng mga manugang na tulad ni Gloria Diaz o kaya ni Gina PareƱo, di ka ba matatakot?! Pero seryoso, nung una kong napanuod to, tawa ako ng tawa. Di naman pala sobrang jologs ni Judy Ann, minsan pala, kaya niyang gumanap ng medyo hindi jologs na karakter. May pagkabungangera man siya dun sa pelikula, eh parang matino pa rin at di parang palengkera yung dating. Paborito ko itong pelikula na to, kasi kahit papaano alam kong nangyayari yung mga napanuod ko sa totoong buhay. Ikaw ba naman, maging housemate mo dalawang magsyota. Pero panalo talaga tong pelikulang to.

TANGING YAMAN
Matagal ko nang napanuod tong pelikulang ito, pero noong isang buwan ko lang naintindihan yung kwento niya. Akala ko kasi dati parang wala lang... pero maganda pala siya. Ang galing ng pagganap ni Gloria Romero dito bilang isang nanay na nagkaroon ng alzheimer's disease. Actually, lahat ng artista dito, mahusay. Maiinis ka sa pagiging mapanghusga ni Edu Manzano, maaawa ka kay Johnny Delgado, tsaka parang nainggit ako, kasi kahit ganun ka screwed up yung pamilya nila, eh malaki pa rin ito. Ako kasi, sanay na 3 lang kami sa bahay. Naiisip ko, paano kaya kung may mga kapatid ako.

PARE KO
Unang pinalabas ito, trese anyos pa lang ako. Nagbibinata. Sa totoo lang, naging excited akong tumanda dahil sa pelikulang ito. Although pinapakita nitong pelikulang ito ang mga negative na ugali ng ilang mga kabataan, noong panahon na iyon, medyo naging excited ako na makaranas ng mga ganoong mga pangyayari. Pero karamihan ng mga kakilala kong nakapanuod nito, paborito ito kasi kinikilig pa sila kina Jomari, Mark Anthony, Claudine at Jao Mapa. Hindi nangyari sa akin ang mga nangyari dun sa pelikulang ito.

A VERY SPECIAL LOVE
Oo na, jologs na kung jologs. Bakit ba, mababaw lang ako?! Sa totoo lang, sadsad na at napakasimple ng kwento nito. Walang bago. Walang nangingibabaw. Pero, nasa listahan ko itong pelikulang ito kasi kinilig ako. Ang sarap niyang panuorin sa sinehan kasi lahat ng tao sa paligid mo nag 'yiiiii'. Nadadala sila ng kanilang mga emosyon. At ang mga kasama ko noon, hindi sila jologs, pero paglabas ng sinehan, parang mga hayskul na babaeng kilig na kilig. Kwento ito ni Layda at ni Miggy, 2 taong magkaiba ng mundo, pero nahulog sila sa isa't-isa sa gitna ng pagpapatakbo ng isang magasin.

SANA MAULIT MULI
Ito ang kwento ng magsingirog na sina Agnes at Jerry, at kung paano naapektuhan ang relasyon nila nang mangibangbansa ang isa. Aaminin ko, medyo (medyo lang!!!) naiyak ako sa kwentong ito. Pero ang nanay at biyenang hilaw ng pinsan ko, todo ngawa noong napanuod nila ito. Sobra kasing nakakarelate sila sa kwentong ito. Parang ganun kasi ang istorya ng lovelife ng pinsan ko tsaka ng syota nito. Eventually naghiwalay ang pinsan ko tsaka yung girl. Pero halos ganung ganun daw ang kwento nilang dalawa.



BATA, BATA, PAANO KA GINAWA?
Ang kwento ni Lea, ng kanyang dalawang anak at lahat ng naging lalake nito. Sobrang aliw na aliw ako kay Serena Dalrymple nun, kasi ang galing niyang barahin yung nanay niya. Napanuod ko yung ilang parte nito kahapon, kaya medyo sariwa pa yung kwento niya sa alaala ko. Siguro, sa lahat ng ginawa ni Vilma Santos, ito lang yung talagang tinutukan ko. Ang galing ng pag-arte nilang lahat, at saka ang talino ng pagkakasulat. Mula ito sa aklat na sinulat ni Lualhati Bautista. Isa sa mga Pinoy na awtor na hinahangaan ko. Natatawa ako, kasi nga, napanuod ko siya kahapon, tapos napansin ko, kung ano yung hitsura ni Carlo Aquino noon, ganun pa rin hanggang ngayon. Parang di siya lumaki.


GOT TO BELIEVE
Ang isa sa mga paborito kong pelikula of all time eh itong pelikulang ito nina Claudine Baretto at ang namayapa nang si Rico Yan. Kwento ni Toni, isang wedding planner na gustong planuhin ang kanyang kasal pero walang lalakeng nakakatagal, at ni Lorenz na isang wedding photographer na walang ibang magawang matino kundi asarin si Toni. Maganda kasi yung kwento nito, tsaka eto lang yung pelikulang di ako nagsasawang ulit-ulitin. Noong panahon na pinalabas ito, hindi pa uso ipalabas yung mga feel-good na romantic comedies kaya ibang-iba siya. Eto rin yung tipo ng pelikula na lahat ng tao sa sinehan kilig na kilig habang pinapanuod ng mga tao.

Feb 3, 2009

SARI SARING KWENTONG GILLBOARD

Hindi ko alam kung ano ang isusulat ko ngayon dito. Gumagana naman ang utak ko. Gusto ko sanang magpaliwanag kung bakit ako awkward dun sa date namin, kaya lang ayaw ko muna siyang pag-usapan. Baka isipin niyo in love ako at walang ibang iniisip kundi si Date. Tsaka, a gentleman never kiss and tell. So bibitinin ko muna kayo...

Kaya eto, habang nagbabasa ng mga lumang post, nakita ko isang lumang post na nagpapaliwanag kung bakit ako isang weirdo ngayon.

*****
Noong kabataan ko, madalas akong malink kung kani-kanino. Hindi ako artista, pero halos lahat ng tao, gusto ako ipareha ng mga kapitbahay, kaklase (pre-school) at kaibigan sa mga taong hindi ko gaano kakilala. Ang una ay sa kaklase ko noong Kinder at Prep... si Katrina (di ko na maalala yung apelyido niya). Crush ko din naman siya dati. Hindi ko na siya nakita mula noong nagtapos ako ng pre-school. Mga nanay nga naman. Siguro kung uso lang ang fixed marriage, 4 na napakasalan ko. Lolz.

*****
Ang una kong naging crush (as in patay-na-patay talaga) eh nung grade 2 ako. Ms. Marianne de Leon yung pangalan niya. Science and Math teacher ko siya dati. Hindi na ako dumadalaw sa paaralang pinasukan ko nung bata pa ako kaya hindi ko na alam kung Mrs. na siya ngayon. Pero maganda yun. Ngalang, hindi umuubra ang mga pagpapacute ko noon, palagi akong bagsak sa mga quiz niya. Addition at Subtraction lang ang Math noon, pero wala pa rin.

*****
Una kong girlfriend high school ako, Love ang pangalan niya. Uso pa noon ang mga phonepal kaya doon ko siya nakilala. Yung tipong magdadial ka ng random numbers, tapos pagboses katulong nakasagot, babagsakan mo ng telepono.

Mas matanda yun sa akin ng isang taon. Ilang buwan lang kami nagkasama dahil siyempre nagkolehiyo na siya. Siguro hindi kasi masyadong naging matatag yung pundasyon ng relasyon namin noon kaya hindi na kami nagkatuluyan. May asawa na siya ngayon. Panget na. Mukhang losyang. Hindi ako bitter.

*****
Noong bata ako, mayroon akong kaibigang dwende. Hindi siya talaga nag-eexist, pero yung mga kalaro ko noon, paniwalang-paniwala na totoo yun. Weirdo ako dati, pero hindi na masyado ngayon. Siguro, ano lang yun, dala ng pagiging nag-iisang anak ko. Nasa tamang katinuan naman ako kaya di na kailangang magpadala ng psychologist para tingnan kung maluwag ang turnilyo ko.

Dito yata napadpad yung nag-google ng kaibigang dwende. Hahaha.

*****
Noong bata kami, hinabol kami ng mga magsasaka na parang gusto kaming patayin sa galit nila. Sobrang sikat noong mga panahon na iyon ang pelikulang Home Alone. At dahil puros kami mga spoiled brat ng mga kapitbahay namin, naisip naming lagyan ng booby traps yung paligid ng bahay dun sa gitna ng bukid namin. Saktong isang beses, habang nagsusulat kami ng love letter namin sa mga magsasaka (puros mura), nahuli kami nila at hinabol kami. Hindi ako naabutan, dahil sobrang payat ko pa noon. Pero simula nun, binakuran na yung bukid sa amin, at di na kami nakapaglaro doon ulit.

Oo, aminado ako, tarantado na ako kahit nung bata pa.

*****
8 taong gulang. Yan ang edad ko noong una akong nakapanood ng porno. Naikwento ko na ata ito dati. Meron akong kapitbahay nun na iniiwanan ng mga magulang dahil parehong nagtatrabaho. So tuwing umaga, nireraid naming mga magkakapitbahay ang kwarto nila. Ayun, sandamakmak na mga betamax ng mga educational videos ang napanood namin.

Nakapanood kami ng pelikula ni George Estregan Sr., mga kakaibang posisyon, na sa katagala'y malalaman kong tinatawag na helicopter. Merong mga pelikulang may kwento, tapos meron ding wala. Tapos, niyayaya namin yung iba pang kapitbahay na 5 at 3 years old pa lang. Wala lang. Pero never naming ginaya yung mga pinanuod namin. Nandidiri pa kami nun.

Ngayon... di na ako magkukumento sa ngayon...

Feb 1, 2009

THE CURIOUS CASE OF THE SECOND DATE

Dahil magaling na ang tatay ko, naisip kong mag-inuman kami buong araw!!! Joke. But since wala na akong alalahanin ngayong araw na ito, naisip kong ituloy ang date kong naputol kahapon. Buti na lang wala ring ginagawa ngayon si date kaya lumabas kami.

Dahil impromptu nga itong date na ito, kaya nanuod na lang kami ng sine. The Curious Case of Benjamin Button. Gusto ko sana sabihin na nagustuhan ko yung pelikula, pero tinulugan ko ang siguro halos kalahati ng pelikula. So obviously slightly medyo di maganda ang umpisa nitong date na ito.

Di ko masasabing disaster itong labas na ito dahil hindi naman talaga. Mukha namang nag-enjoy si date sa pinanuod niya. Marami naman kaming napag-usapan. Tsaka ang pinakaimportante eh hindi siya nagshopping, at di ako napagod.

Kaya ngayon, habang fresh pa sa utak ko ang mga pinag-usapan naming dalawa, isusulat ko na.

Gillboard: Sorry ha, di ko alam bakit ako nakatulog kanina.
Date: Yeah, ang sarap nga ng tulog mo eh. kulang na lang magsnore ka.
Gillboard: Di naman ako humilik?
Date: Hindi naman, haha... di na kita masyado pinansin kanina, ang ganda ng story... sayang namiss mo.
Gillboard: Di ako mahilig talaga sa mga movies ni Brad Pitt.
Date: Hindi obvious. Hindi ka mahilig manuod ng sine noh?
Gillboard: Di naman. Mahilig naman... siguro di lang sa mga ganyang klase ng movies.
Date: Aaaah... how's your dad?
Gillboard: Okay na naman siya. Umuwi din siya kagabi. Kelangan lang daw rest, tsaka di na muna siya pinag-eexercise. Ikaw, kumusta naman yung work mo? Pumapayat ka...
Date: Hmmm... next question. Hahaha. Don't make me say bad words.
Gillboard: Toxic, huh? Okay...

Awkward silence siguro ng mga 2 minutes. Tinatapos yung kinakain. Pangiti-ngiti pag nagkakakitaan sa mata. Pero walang mga salitang lumalabas. Lilingon sa kaliwa. Sa kanan. Titingnan yung ibang mga kumakain sa loob ng restaurant (hindi Jollibee o McDonald's, okay?).

Date: Hmmm...
Gillboard: Huh?
Date: Huh, nothing. Didn't say anything. (sabay ngiti)
Gillboard: Okay.
Date: Di ka talaga madaldal noh?
Gillboard: Di ko lang siguro alam sasabihin sa mga ganito. Di sanay makipag-date.
Date: (funny face)
Gillboard: Or... di ko alam ang sasabihin ko, whenever I'm with you.
Date: Is that a pick-up line, Gil?
Gillboard: No-no-no. No-no-no.
Date: Gil, okay lang naman. I'm your friend, right. You can tell me anything.
Gillboard: Haha... Ang awkward... Di ko alam...
Date: Bakit naman awkward? Come on, we're two friends eating out. Isipin mo na lang kabarkada mo ako. What do you usually talk about?
Gillboard: Huh. Stuff.
Date: Yeah? We can talk about stuff (sabay ngiti)...

Marami kaming napag-usapan. Trabaho ko. Trabaho niya. Family niya. Friends niya. Friends ko. Blog ko (na ililihim ko muna ang url, unless magoogle niya).

And then we had to end the date. Kiniss niya ako sa cheek. Hindi yung besong magkaibigan. Yung pinatong yung labi sa cheek. Ganun din ako. Tapos hinatid ko siya sa sakayan ng taxi.

So this is how a date goes? A real one. Too bad it's just as friends. Or is it? Ang gulo no? Let's see where this goes.