Feb 1, 2009

THE CURIOUS CASE OF THE SECOND DATE

Dahil magaling na ang tatay ko, naisip kong mag-inuman kami buong araw!!! Joke. But since wala na akong alalahanin ngayong araw na ito, naisip kong ituloy ang date kong naputol kahapon. Buti na lang wala ring ginagawa ngayon si date kaya lumabas kami.

Dahil impromptu nga itong date na ito, kaya nanuod na lang kami ng sine. The Curious Case of Benjamin Button. Gusto ko sana sabihin na nagustuhan ko yung pelikula, pero tinulugan ko ang siguro halos kalahati ng pelikula. So obviously slightly medyo di maganda ang umpisa nitong date na ito.

Di ko masasabing disaster itong labas na ito dahil hindi naman talaga. Mukha namang nag-enjoy si date sa pinanuod niya. Marami naman kaming napag-usapan. Tsaka ang pinakaimportante eh hindi siya nagshopping, at di ako napagod.

Kaya ngayon, habang fresh pa sa utak ko ang mga pinag-usapan naming dalawa, isusulat ko na.

Gillboard: Sorry ha, di ko alam bakit ako nakatulog kanina.
Date: Yeah, ang sarap nga ng tulog mo eh. kulang na lang magsnore ka.
Gillboard: Di naman ako humilik?
Date: Hindi naman, haha... di na kita masyado pinansin kanina, ang ganda ng story... sayang namiss mo.
Gillboard: Di ako mahilig talaga sa mga movies ni Brad Pitt.
Date: Hindi obvious. Hindi ka mahilig manuod ng sine noh?
Gillboard: Di naman. Mahilig naman... siguro di lang sa mga ganyang klase ng movies.
Date: Aaaah... how's your dad?
Gillboard: Okay na naman siya. Umuwi din siya kagabi. Kelangan lang daw rest, tsaka di na muna siya pinag-eexercise. Ikaw, kumusta naman yung work mo? Pumapayat ka...
Date: Hmmm... next question. Hahaha. Don't make me say bad words.
Gillboard: Toxic, huh? Okay...

Awkward silence siguro ng mga 2 minutes. Tinatapos yung kinakain. Pangiti-ngiti pag nagkakakitaan sa mata. Pero walang mga salitang lumalabas. Lilingon sa kaliwa. Sa kanan. Titingnan yung ibang mga kumakain sa loob ng restaurant (hindi Jollibee o McDonald's, okay?).

Date: Hmmm...
Gillboard: Huh?
Date: Huh, nothing. Didn't say anything. (sabay ngiti)
Gillboard: Okay.
Date: Di ka talaga madaldal noh?
Gillboard: Di ko lang siguro alam sasabihin sa mga ganito. Di sanay makipag-date.
Date: (funny face)
Gillboard: Or... di ko alam ang sasabihin ko, whenever I'm with you.
Date: Is that a pick-up line, Gil?
Gillboard: No-no-no. No-no-no.
Date: Gil, okay lang naman. I'm your friend, right. You can tell me anything.
Gillboard: Haha... Ang awkward... Di ko alam...
Date: Bakit naman awkward? Come on, we're two friends eating out. Isipin mo na lang kabarkada mo ako. What do you usually talk about?
Gillboard: Huh. Stuff.
Date: Yeah? We can talk about stuff (sabay ngiti)...

Marami kaming napag-usapan. Trabaho ko. Trabaho niya. Family niya. Friends niya. Friends ko. Blog ko (na ililihim ko muna ang url, unless magoogle niya).

And then we had to end the date. Kiniss niya ako sa cheek. Hindi yung besong magkaibigan. Yung pinatong yung labi sa cheek. Ganun din ako. Tapos hinatid ko siya sa sakayan ng taxi.

So this is how a date goes? A real one. Too bad it's just as friends. Or is it? Ang gulo no? Let's see where this goes.

30 comments:

  1. You guys didn't talk about comics or games? Dude, you need to get rid of that chick, right away.

    Although, you can apply the pygmalion effect on her and turn her into your "My Geeky Lady" or something.

    ReplyDelete
  2. You fell asleep while watching Benjamin Button? Perfectly understandable, I mean I can't even force myself to watch that thing. I'm not exactly a big fan of Brad Pitt either, ehehe.

    ReplyDelete
  3. Gillboard: Okay na naman siya. Umuwi din siya kagabi. Kelangan lang daw rest, tsaka di na muna siya pinag-eexercise. Ikaw, kumusta naman yung work mo? Pumapayat ka.

    100 pogi points to ah!

    Alam mo gusto ka niya. Interesado siya sa iyo eh. :) Make a move Gil.

    ReplyDelete
  4. awww... ang sweet naman nang date nilah... hmmm... friend nga lang bah.... walah lang... cuz if ur single and she's single... and u guyz luv to hang out w/ each other... eh di may chance na maging kayoh... at nakakatuwa naman si date moh... inintindi nyah na natulugan moh syah... pero kahit mejo may mga quiet moments kayo eh sya ang humirit at pina-feel sau nah parah nde kah ma-feel awkward eh juz treat her like a friend... at abah... may kiss pa sa cheek... pero ba't cheek lang?.. lolz... eniweiz... ang sayah... ingatz lagi kuya gillboard... GODBLESS! -di

    ReplyDelete
  5. ahihhihi... wala na si date.
    so, tell us...

    was that a pick up line? ahihih
    kyuryus cat here.. ahihihihi

    it went well naman pala.. am sure masusundan pa yan..

    hmmm, i wonder kung sang resto mo sya dinala.. hahaha

    sorry..

    echosera signing out... hahaha

    ReplyDelete
  6. anyway, i was reading this at bloglines and in the middle of the text, i channeled the inner coniotic in me and i said to myself, "OMG! it's so nakakakilig naman! this Gilbert he's mahiyain pala."

    nakakatuwa ang date mo, it's like something out of a teeny-bopper movie. yung mga kwentong first date ng dalawang hs student tapos ang tahimik, pero pag-uwi super kilig naman at hindi makatulog. whahaha. ayiiiiii!

    i don't want to watch TCCBB either, trailer pa lang it looks like it's already going to go on forever. i keep telling people that he's going to die as a dried up sperm. wahahha. an 80yo sperm... yeck.

    ReplyDelete
  7. skron: she has a psp... di nga lang siya hardcore gamer. tsaka di rin naman ako naglalaro ngayon... hehehe

    andy: only film i liked with Pitt in it is Fight Club. Have yet to see Seven again.

    ReplyDelete
  8. mugen: ganun ba yun? hahaha... no moves from me.. friends muna... ilang weeks ko pa lang siya kilala. at pareho naming ayaw pa pumasok sa relationship.

    dhianz: take it slow muna... mas masaya kung friends muna saka na yung like like.

    ReplyDelete
  9. yanah: sa sbarro. para pareho kaming busog!!! kung may susunod pa? hmmm... siguro. sana. hehe

    lavinia: di ko nga alam kung pano namatay si Benjamin... hehehe... ayaw niya ikwento, panuorin ko daw ulit. parang high school lang ba? hahaha... siguro kasi ngayon lang ako ulit nakipag date date after a VERY long time, kaya di pa sanay...

    What a loser!!! lolz

    ReplyDelete
  10. naalala ko bigla yung ex-GF ko. blind date yun nag-umpisa. awkward moments pero may halong kilig

    haay noon yun nung di ko pa naaninag ang makulay na bahaghari.. LOL ;-)

    pero good luck bro!

    ReplyDelete
  11. wow..hanglufeet..lols
    date na ba yun? sine.. kainkain.. kwentuhan? dapat naglakad lakad din kayo habang nagkukwentuhan...

    taena.. suggestion lang.
    peace

    ReplyDelete
  12. yaan mo, pag may next time... gagawin ko yang suggestion mo... harhar

    ReplyDelete
  13. susyal! kala co ba jollibee lang? hahaha. . tameme ka pala eh. . pero nakakaimpress naman kasi gentleman ka. . akalain mong tulugan mo sa sinehan? haha. . sige gil. . aabangan co ang susunod na kabanata ng inyong friendship o whatsoever na story. . hahaha

    ReplyDelete
  14. sure... balitaan ko kayo, kung meron mang kasunod... kung masusundan pa... hehehe

    tsaka sa pagtulog sa sinehan, di ko gawain yun talaga... nagkataon lang siguro.

    ReplyDelete
  15. HUWAW!

    Nikikilig ako sa mga ganitong scene, lalo na pag mahiyain yung guy! ehehe.

    Di mo napigilang makatulog noh.. Ayus lang yan... Pag palagi mo siguro syang kasama di ka masyadong maiilang na.

    You must've really really like her.

    GO GILL!
    cheers!

    ReplyDelete
  16. malabo yung palagi kaming magkasama... regular ang mundo nun.. ako baligtad.. ok lang yung may naiilang factor.. method ko yun ng pagpapakyut!!! lolz!!!

    -ang sagwa hehe

    ReplyDelete
  17. waaaah! nice and cute.=)
    friendship is really a good starting point. =)

    ReplyDelete
  18. Ah. I see. Pa-cute style. Hokey lang yan. Basta natutuwa ko sa date nyo, kaya aabangan ko yung second date?.....

    (Fingers crossed)
    wahehehehe

    ReplyDelete
  19. next time... sa mala-island naman kayo magdate... para mas romantic... abangan ko un ha?

    ReplyDelete
  20. i think this normally happens lalo na sa mga bago pa sa relasyon.

    good luck gill!

    ReplyDelete
  21. go with the flow ka na lang. huwag magmadali. take it slowly. build the friendship muna.

    ReplyDelete
  22. next time---don't---or say---never mess up with your date---keke---gawin bang motel ang sinehan----


    then again---k lang yan. kahit friends lang---tandaan mo---all great relationships start with friendship~~~~

    ReplyDelete
  23. gravity: true... true... thanks

    yffar: ok

    dylan: technically 3rd date yung susunod... kung may susunod pa. hehehe

    ReplyDelete
  24. azel: di ko pa ata kaya lumabas out of town... tipid mode ako ngayon. pero pag-iisipan ko yan. thanks

    the dong: i dont think 'relasyon' is a term we should be using right away... lolz

    scud: yep... that's what i have in mind.

    pusang-gala: la tayo magagawa, nabore ako sa pelikula... yaan mo di nako papayag manuod ng drama pag lalabas kami... lolz

    ReplyDelete
  25. There's no such thing as a "friendly" date!!!!

    Kaya matuwa ka. K? Haha.

    "hindi Jollibee o McDonald's, okay?"

    Natawa ako dito, defensive!!!! Haha. Joke lang.

    ReplyDelete
  26. hindi naman ako malungkot, tsaka di ako defensive.. di noh... la naman ako sinabi ah... nagpapaliwanag lang ako noh... masama ba yun...

    lolz

    ReplyDelete
  27. Hmnn---The Case Of Speechless Gillboard Date!

    ---Next Attraction----

    Abangan ko

    ReplyDelete
  28. ang detalye ng kwento.... para akong nagbalik sa college :D
    (yeah... college, hindi highschool kase late bloomer ako) hahaha!

    ReplyDelete
  29. Make a move man! Heheh! Good sign na hindi ka niya iniwan sa loob ng sinehan nung tulog ka. It happened to me once. Ang kaibahan nga lang, nakitulog ang date ko sa balikat ko -- saya, diba?

    ReplyDelete