Hindi ko alam kung ano ang isusulat ko ngayon dito. Gumagana naman ang utak ko. Gusto ko sanang magpaliwanag kung bakit ako awkward dun sa date namin, kaya lang ayaw ko muna siyang pag-usapan. Baka isipin niyo in love ako at walang ibang iniisip kundi si Date. Tsaka, a gentleman never kiss and tell. So bibitinin ko muna kayo...
Kaya eto, habang nagbabasa ng mga lumang post, nakita ko isang lumang post na nagpapaliwanag kung bakit ako isang weirdo ngayon.
*****
Noong kabataan ko, madalas akong malink kung kani-kanino. Hindi ako artista, pero halos lahat ng tao, gusto ako ipareha ng mga kapitbahay, kaklase (pre-school) at kaibigan sa mga taong hindi ko gaano kakilala. Ang una ay sa kaklase ko noong Kinder at Prep... si Katrina (di ko na maalala yung apelyido niya). Crush ko din naman siya dati. Hindi ko na siya nakita mula noong nagtapos ako ng pre-school. Mga nanay nga naman. Siguro kung uso lang ang fixed marriage, 4 na napakasalan ko. Lolz.
*****
Ang una kong naging crush (as in patay-na-patay talaga) eh nung grade 2 ako. Ms. Marianne de Leon yung pangalan niya. Science and Math teacher ko siya dati. Hindi na ako dumadalaw sa paaralang pinasukan ko nung bata pa ako kaya hindi ko na alam kung Mrs. na siya ngayon. Pero maganda yun. Ngalang, hindi umuubra ang mga pagpapacute ko noon, palagi akong bagsak sa mga quiz niya. Addition at Subtraction lang ang Math noon, pero wala pa rin.
*****
Una kong girlfriend high school ako, Love ang pangalan niya. Uso pa noon ang mga phonepal kaya doon ko siya nakilala. Yung tipong magdadial ka ng random numbers, tapos pagboses katulong nakasagot, babagsakan mo ng telepono.
Mas matanda yun sa akin ng isang taon. Ilang buwan lang kami nagkasama dahil siyempre nagkolehiyo na siya. Siguro hindi kasi masyadong naging matatag yung pundasyon ng relasyon namin noon kaya hindi na kami nagkatuluyan. May asawa na siya ngayon. Panget na. Mukhang losyang. Hindi ako bitter.
*****
Noong bata ako, mayroon akong kaibigang dwende. Hindi siya talaga nag-eexist, pero yung mga kalaro ko noon, paniwalang-paniwala na totoo yun. Weirdo ako dati, pero hindi na masyado ngayon. Siguro, ano lang yun, dala ng pagiging nag-iisang anak ko. Nasa tamang katinuan naman ako kaya di na kailangang magpadala ng psychologist para tingnan kung maluwag ang turnilyo ko.
Dito yata napadpad yung nag-google ng kaibigang dwende. Hahaha.
*****
Noong bata kami, hinabol kami ng mga magsasaka na parang gusto kaming patayin sa galit nila. Sobrang sikat noong mga panahon na iyon ang pelikulang Home Alone. At dahil puros kami mga spoiled brat ng mga kapitbahay namin, naisip naming lagyan ng booby traps yung paligid ng bahay dun sa gitna ng bukid namin. Saktong isang beses, habang nagsusulat kami ng love letter namin sa mga magsasaka (puros mura), nahuli kami nila at hinabol kami. Hindi ako naabutan, dahil sobrang payat ko pa noon. Pero simula nun, binakuran na yung bukid sa amin, at di na kami nakapaglaro doon ulit.
Oo, aminado ako, tarantado na ako kahit nung bata pa.
*****
8 taong gulang. Yan ang edad ko noong una akong nakapanood ng porno. Naikwento ko na ata ito dati. Meron akong kapitbahay nun na iniiwanan ng mga magulang dahil parehong nagtatrabaho. So tuwing umaga, nireraid naming mga magkakapitbahay ang kwarto nila. Ayun, sandamakmak na mga betamax ng mga educational videos ang napanood namin.
Nakapanood kami ng pelikula ni George Estregan Sr., mga kakaibang posisyon, na sa katagala'y malalaman kong tinatawag na helicopter. Merong mga pelikulang may kwento, tapos meron ding wala. Tapos, niyayaya namin yung iba pang kapitbahay na 5 at 3 years old pa lang. Wala lang. Pero never naming ginaya yung mga pinanuod namin. Nandidiri pa kami nun.
Ngayon... di na ako magkukumento sa ngayon...
Gilbert, magwork ka naman jan. Blog ng blog! hehe
ReplyDeletenagtatrabaho ako ah... kaya nga ngayon lang nakapagpost eh... natambakan ako trabaho kanina... tsaka sulat ko siya nung lunch break ko...
ReplyDeletehehehe... di ako kumakain pag lunch
hahaha ang aga na-pollute ng utak mo ah
ReplyDeleteganyan talaga, bata pa lang liberated na!!! harharhar
ReplyDeletelols
ReplyDeleteanak ka ng...!
ang saya pala sana kung nagkasamabay tayong naging bata..lols
ikaw kase nauna ka eh!
taena sigesige lasapin mo nman ngayun ang pagiging matanda..
ako kase bata pa..hehe
peace
di pa ako matanda!!! isip bata pa rin ako... bwahahaha
ReplyDeletena-enjoy naman akoh pagbabasa nang kwento moh... ang saya noh na marami pa tayong naremember sa mga nakaraan naten... mga masasayang memories, kulitanz, kaepalan at kung ano ano lang... kaya take good care of ur health... para dehinz magka-alzheimer's disease... advice lang.. i had fun readin' ur post... ingatz lagi po... GODBLESS! -di
ReplyDeletebtw... birthday moh ren nang feb?... happy birthday po... =)
Only child din naman ako ah bakit wala akong kaibigang duwende? Ahuhuhu. =_ C
ReplyDeletedhianz: dhianz, salamat po... pero mas gusto ko na post na dedicated sakin sa blog mo... hahahaha... joke!!!
ReplyDeleteGas Dude: weirdo nga ako!!! bata pa lang nakatikim na ng shabu... hahaha
lolz...
ReplyDeletethis made my day.
ganyan talaga ang tumatanda, laging nagbabalik-tanaw!
hehehehe!
magaling.. magaling...
lols.. di pa ba matanda yun?
ReplyDeletesabagay.. kalabaw lang daw ang tumatanda.. at hindi ka nman siguro kalabaw..hehehe
peace
azel: sinog tumatanda? ako? kung paurong... oo ako nga yun... lolz
ReplyDeletekosa: di pa ko tumatanda... at di ako kalabaw... hahaha
Pano ba yung helicopter position? Ehehehe.
ReplyDeleteaga mo namulat sa ka-L-an.
ReplyDeleteako mga ganyang edad din eh. pinapalitan p nga ng tito ko ung tag ng mga porn betamax nya.kala naman nya di nmin matutuklasang ang jaws4 at oh god book2 e bold pala. :p
andy: interesado ka ha?! hehehe
ReplyDeletekuri: di ko na maalala yung title ng betamax tape na yun... yung laman kasi yung importante samin.. hahaha
Hindi naman, curious lang. lulz, lulz, lulz.
ReplyDeleteSeryoso, hindi ko talaga alam kung ano yang helicopter position na yan.
Teka, bigla ko tuloy naalala yung Charlie's Angels: Full Throttle. Yung nag-tatambling-tambling at kumakarate-karate sina Cameron Diaz, Lucy Liu, at Drew Barrymore sa ere. Yun ba yung tinatawag na helicopter position? Ehehehe.
ahihihihihi
ReplyDeletemaaga pa lang nacorrupt ung pag-iisip mo.. hahahaha
hmmmm sabi mo,"Tsaka, a gentleman never kiss and tell. So bibitinin ko muna kayo..."
ibig sabihin next time pag niwento mon,hindi ka na gentleman? hahaha
haha. ayos ang mga pinag gagawa mo ah. keep on blogging!
ReplyDeletenaalala ko pinsan ko more than a decade ago. pinaglaruan ang rubber. akala baloon. haha.
A TRUE Gentleman never Kiss and Tell... Hayaan mo na mga babae sa matter na iyan....
ReplyDeleteHambog lang mga ganun? It's not a pogi points...
hahaha! brat ka din pala!
ReplyDeleteyou have a thing din o older women! haha
at ang aga mo nakapanuod ng porn! wahaha. akala ko weirdo na ko nung nanunuod ako ng melrose place @ 11-12 y/o. mas malala ka pala! ehehhe
ang suerte mo naman, hindi ka na masyadong weirdo ngaun. ^_0
ReplyDeleteHa? Really? Oh my?---Childhood, u know?
ReplyDeleteMga nanay nga naman oh..
ReplyDeleteTalaga! Hahaha!
Yan ang nagagawa ng curiousity sa mga bata.. Imbes na naglalaro ng syatong o taguan, kung anu-ano napapanood eh..
bwahahahaha! dyan pa lang nanggaling yung kaibigang dwende.
ReplyDeletephonepal! haha. siguro kaedad kita. uso talaga yun nung high school ako/tayo. hahaha.
I think a weirdo will always be a weirdo all his life. He-he-he...
ReplyDeletecrush ko rin ang teacher namin nung grade 6 ako.
ReplyDeletepero una ko nagkacrush ng kinder. kaso wala na yung muka nya sa class picture namin. ginupit ko kasi muka nya at ginawa kong 1x1. ayun, nawala.
andy: oo, yun yon!!! lolz
ReplyDeleteYanah: it's either that, o bitter na ko!!!
The Scud: nung una ko rin nakita yun, kala ko din lobo. high school nako non... iniisip ko, napakachildish mag-isip ng kaklase ko... tanda na, naglalaro pa ng lobo.
Richard: yep, bawas pogi points nga yun.. kaya quiet muna ako... hahaha
ReplyDeleteCed: sus, melrose, place, napakalight na nun, nung napanuod ko yun... lang dating.. lolz
Anna: konti lang... di masyado... narehab ako eh.. hehehe
Lyk Meeh: yeah
dylan: kami kasi, 3 yrs old pa lang kaming lahat, yun na laro namin... kaya nung 8 na kami iba na ineexplore!!! joke.
ReplyDeletegravity: 26 lang ako... ikaw?
grace: okay... thanks for the words of encouragement.
ardyey: sayang naman.. ako, lahat ng class picture ko nawala, kaya di ko na maalala mga hitsura ng mga kaklase ko noon.
aliw tong post mo bro.
ReplyDeletemay napanood din ako george estregan movie dati.
;-)
yung napanood namin, bisaya yung kapartner niya.. na mukhang nanay na... hehe
ReplyDeleteAsus may kaibigang duwende daw siya o. Hahah. Kung magkatropa tayo nun, sasabihin ko sayo, may besprend akong tikbalang. Ahahaha.
ReplyDeleteAliw na post!
nyahahaha. nakarelate ako sa nililink kahit kanino. kahit hanggang ngayon ganun pa rin ako.
ReplyDelete24 =)
ReplyDeletenagiisang anak din ako at may kaibigang dwende dati. yung rason ko naman noon ay hindi pawang kawirdohan lamang kundi isang napaka-elaborate na plano para magluto ang katulong ng maggi na good for two. yeah, i'm masiba like that noon pa man.
ReplyDeleteahm ang maikukomento ko lang tungkol sa helicopter ay gusto ko siyang subukan pero saka na kapag tsiksi na ako.. baka kasi kapag ngayon ako sumubok eh mag-crash ang helicopter ni sarge.
hello. *wave, wave*
ReplyDeletenapadaan lang ako while blog-surfing. ang kewl ng blog mo.
myembro rin ako ng henerasyon na nag-didial sa telepono at naghihintay ng boses na cute. dial lang ng dial... ng dial.
sayang wala nang ganun ngayon masyado, ano?
nga pala, pwedeng mag-exchange tayo ng link? gusto ko ring makibalita pag me ikatlong date na. kakainggit. samantalang ako, dial pa rin ng dial...
ayun sa libro (na hinalungkat ko pa sa nat'l library), ang ganun age bracket ng bata ay normal na nagkakaroon ng "world of fantasy" kun saan nakakabuo siya ng mga kathang isip na fren. nasa parents/guardians niya nakasalalay kun maseseperate ng bata ang reality from fantasy pagkatapos ng age bracket na iyon. hehe:D
ReplyDeleteako dn eh sb ko pa nga nun eh may powers aq, naniwla nmn un mga kaibgan ko.haha.