Sila ang mga humubog sa pagkatao ko. Ang nagturo sakin kung paano ba ang maging kalahati sa isang pares. Ang mga minahal ko... at sa huli, ang nagpasakit sa ulo ko.
Hindi ako nagdaramdam at syempre sa tagal na ng panahon nang huli akong pumasok sa isang relasyon, malamang nakamove-on na ako. Ikukuwento ko lang... Tutal sa Sabado Valentine's Day na... Kasi sa panahong yun, gusto ko magsulat ng something na katatakutan!
SI UNA
Nabanggit ko siya sa isa sa mga posts ko ngayong taon. Si Una, o si Love ang pinakauna ko. 3rd year hayskul ako noon, at ilang buwan lang kami nagkasama.
Alala ko, una naming LQ ay dahil sa payong. Tatanga-tanga talaga ako dun sa mga kumplikadong payong, yung tinitiklop at maliliit. Hanggang ngayon, di talaga ako marunong mag-ayos ng ganoong klase ng payong. Sanay ako dun sa isang pindutan lang bumubukas na. Anyway, one time lumabas kami on a date na tag-ulan. Dahil nga di ako marunong gumamit ng payong, nasira ko yung dala-dala niya. Syempre dahil kasalanan ko kaya wala kaming payong, bumili ako ng bago para palitan ito.
Inaway niya ako kasi yung binili ko eh yung parang sa mga bumbay. Yung mahabang itim na payong na hindi natitiklop. Galit na galit si Love nun kasi nga nakakahiyang dalhin yung payong na yun, kikay pa man din siya. 3 araw niyang di sinasagot yung telepono nun pag numero ko ang lumalabas sa caller id nila.
Hindi iyon ang dahilan ng paghihiwalay namin. Nag-college na siya nung sumunod na taon, kaya naisip niya na mas makakabuti sa amin na iexplore pa ang mundo ng hindi magkasama.
YUNG DALAWANG BUWAN LANG...
Etong pangalawa eh kaibigan ng kaklase ko sa kolehiyo. Naging kami sa telepono din. Maganda daw kasi boses ko. Akala niya it will translate pati sa totoong buhay... joke.
Sa dalawang buwan na naging kami. 2 beses lang kami lumabas. Text at usapan sa telepono lang kami palagi. Yung una naming pagkikita, para lalo naming makilala yun isa't-isa. Yung pangalawa, eh para tapusin na yung relasyon namin sa telepono.
Sweet naman siya. Matalino. Marami akong natutunan. Kaya lang masyadong seryoso sa buhay. Puros aral lang ang ginagawa kaya nga dalawang beses lang kami nagkita. Tapos tuwing weekend lagi pa siyang umuuwi sa probinsya para makasama yung pamilya niya. Kaya siguro napagod din ako, dahil nga parang wala namang patutunguhan yung kung ano man meron kami kasi di naman kami nagkikita.
YUNG BATA
Ewan ko ba kung bakit ako pumatol sa sobrang mas bata pa sakin. Feeling ko kung hindi ko tinapos yung 1 buwan naming relasyon eh ginawa akong sugar daddy nito.
Mantakin mo, di ko lang nabigyan ng regalo nung monthsary namin, eh sinabihan ba naman akong hindi ako marunong magmahal!!! Tama ba yon? Siya ang dahilan kaya ayaw ko ng mga mas bata sakin. Ayaw ko ng mga masyadong nagpapababy. Nakakainis. May pinagbabagayan yan. Di nagwowork sakin yung nagpapouty lips para lang pagbigyan sa mga gusto. At ayaw ko yung laging nagtatantrums pag di nasusunod ang gusto.
SI DUKTORA
Isang linggo lang naging kami ni duktora. Ang hirap kasi pag wala talagang oras para sa isa't-isa. Si Doktora laging on call. Yung nag-iisang date namin, kelangan pang maputol kasi nakalimutan niya meron pala siyang buntis na pasyente na magpapacheck-up.
Masaya sana yun kung nagkatuluyan kami kasi pwede nakong hindi magtrabaho nun!!! Kaya lang, di talaga pwede eh. Feeling ko lagi ko lang siyang aawayin dahil wala siyang magiging oras para sa akin. Parang mas malala pa yun sa long distance relationship kasi alam mong nandyan lang siya pero hindi pa kami nagkikita.
Ang gusto pa niya sana eh pupuntahan ko siya palagi sa ospital. Di ko gusto yun. Gaya ng sabi ko, ayaw kong nagpupunta ng mga ospital, dahil nadedepress ako. Tsaka madirihin ako... Pero ibang kwento naman iyon.
SI OPISMEYT
Siya ang dahilan kung bakit hinding-hindi ako sa ngayon maghahanap ng gf na katrabaho ko. Isang malaking sakit sa ulo ang magkaroon ng karelasyon na katrabaho mo.
Masaya kasi merong mga moments na nakakatakot, at ayaw mong mahuli kayo dahil baka pareho kayong masesante. Medyo malambing siya at makulit.
Ang problema lang, grabe magselos. Pinagseselosan lahat ng nilalapitan ko. Laging naghihinala pag nagiging mabait ako sa isang tao. Laging nagsasabi na katawan lang niya ang hinahabol ko (in fairness sa kanya sexy siya).
Isa't kalahating buwan lang kami. Pero parang ayaw ko nang gumawa ng ganyan ulit. Nakakatakot. Masaya, pero malaking sakit talaga sa ulo.
SI JOY
Ahh... si Joy. Hindi naging kami. Pero siya yung nag-iisang tao na hanggang ngayon siguro eh hindi mawala-wala sa isip ko. Siya yung taong sinulatan ko ng Goodbye Letter.
Talagang halos mabaliw ako dahil nadepress ako nung aminin ko sa kanya yung gusto ko sa kanya, tapos hanggang kaibigan lang daw talaga ang kaya niyang ituring sa akin. Tapos tuwing nawawala siya sa isip ko, nagtetext siya. O kaya nagsesend ng message sa ym.
Siya lang yung talagang iniyakan ko. Hanggang ngayon siguro, kahit sabihin ko pang okay na ako, eh paminsan-minsan sumasagi pa rin siya sa isip ko. At naglalaro sa utak ko kung ano kaya ang mangyayari sa amin kung sakali mang naging kami. O kaya kung nakipagkita ako, noong araw na niyaya niya akong makipag-date.
**********
Wala talaga akong maisip na ikwento sa inyo nitong mga nakaraang araw. Hindi naman ako busy. Siguro napapagod din ang utak ko minsan. Masyadong hindi nagagamit sa opisina eh...
Sobran naman Yung Bata. Buti naka-tagal ka pa sa kanya ng isang buwan. Ilang taon na ba yun? Ehehe.
ReplyDelete23 ako nun, siya 18... kaya ayoko na ng mas bata sakin dahil sa kanya...
ReplyDeletekakatrauma.
asan na ba ang batang yan?...at nang madisiplina ....lolz....
ReplyDeleteang ramee pala parekoy....iba ka!...panalo!...hirap talaga maging gwapo parekoy....ehem...lolz...
onga, ilabas ang sinturon!!! bwahahaha
ReplyDeletemadami ba yan? la naman seryoso... tapos ngayon, matagal namang single.
Sayang si doktora? Okay ba? Kung ako yun sasamahan ko siya sa clinic. Kahit dun na kami mag date sa ER. Hehehe.
ReplyDeletesarap magreminisce lalo na twing february. madadagdagan pa tyak yan at sana annual post na ito lol.
ReplyDeleteLawstude's Latest Post: White Water Rafting @ Cagayan De Oro.
mugen: di ko talaga bumisita sa mga ospital... last week nga, dun lang ako sa lobby naghintay ng balita sa tatay ko. di ko kaya tambay sa ER...
ReplyDeletelawstude: feeling ko nga puros reminiscing lang pinaggagagawa ko lately... kelangan ko magsulat ng matinong post...
yffar: ok.
5 ex-girlfiends at isang "hindi naging kayo pero may goodbye letter ka"... sana naman as of now alam mo na ang gusto mo... mahirap hanapin lhat ng positive traits sa iisang tao lng. kailangan mo ding mahalin ang kanilang mga kahinaan...
ReplyDeleteastig si JOy ahhhh...
ReplyDeleteparang bangus..sobrang tinik..
hindi naging kayo pero may babye letter?
hanggulo.. bakit may babye? hehehe
iniyakan talaga ahhh...
naglupasay ka ba?
hehehe
peace
short-live romance(s) lahat yan ah. mahirap talaga pag-kaopisina. madaming spies! hehe.
ReplyDeletemalamang si joy ang "the one who got away" sa buhay mo...
most of the times, unrequited love is the most painful of them all.
ReplyDeleteanyway, i wish you love and happiness! sana makilala mo na yung tipong makakatapat mo =)
aaaah ang mga ex. ang mga taong nagmarka at naghubog kung ano tayo sa ngayon. part na lang sila ng alaala. you know, alaala. hehehe. naughty.
ReplyDeleteazel: alam ko gusto ko sa ngayon... katahimikan!!! hehehe
ReplyDeletekosa: kasi isa siyang kaibigan na talagang pinagnasahan ko... kaya lang di nagkatuluyan...
the scud: ganun na nga... kung naging kami siguro ni joy, baka hanggang ngayon di single ang status ko.. hahaha
gravity: salamat... sana nga.
ReplyDeleteardyey: onga, hanggang ngayon nasa alaala ko pa rin sila... yung mga gabing... joke!!!
Holy crowww--ini-isa isa mo yata yung mga gf mo ah? wow--kung sino pa ba naman ung sensoryoso at iniyakan---, Hmn, ganyan talaga puso--sometimes Blind---eh?
ReplyDeleteWow, nabasa ko na yung Goodbye Letter mo nung ipinost mo yun.. Sayang naman si Joy.. Nakakasama mo pa ba sya? Malay mo. Fate comes with a twist.:D
ReplyDeleteOras sa isa't isa mahalaga yun, kaya kung kay Duktora eh, mahirap nga yun.. Laging on-call.tsk
Azel is right.. sabi nga nila eh, It takes two to tango.. Ang matibay na rel'p needs time, effort, etc.. kung anu pang requirement ng isang matibay na rel'p..
Kung serious relp' kasi ang gustio mo ibang usapan na yun.. Eto siguro training mo, hehe.. Ang mahalaga may natutunan ka sa knila..Meron naman di ba?..:D
lyk meeh: ganun naman ata talaga maglaro ang buhay... ok lang yan.
ReplyDeletedylan: meron naman ata... kaya nga di ako nagmamadali na maghanap ngayon. ineenjoy ko lahat ng kung ano man ang dumarating ngayon... kasi at least pagdating ng panahon, hindi na SILA madadagdagan... kasi SIYA na lang.
kung sino pa yung ndi naging sau, yun pa pinaka iniyakan mo,tsk!
ReplyDeletemay text kowts ako dati abt jan eh..kaso nalimutan ko na hehe,basta sabi dun, its har to let go of the person you never had yet changed ur life most, something like dat,hehe!
impernes ha, nagbilang ka din ng EX's.
btw..dahil layas ako,may bago ko ulet blog,hihi!
http://emoterangpromdi.idlip.net
yoko din sa ospital. pero kinky yung doctor-patient or doctor-nurse fantasies...hahaha
ReplyDeleteteresa: lumipat ka nanaman?!
ReplyDeletemksurf8: we've tried that playing doctor and patient!!! saya nun!!! lolz
uu, sensya naman,hahaha!
ReplyDeletekita ko na link na yung bago ko.
salamuch!
^__*