Hindi ako tinag nino man, at ayokong hintayin na maitag ako. Gusto ko lang makiuso sa blogosperyo dahil eto eh madalas ko nang nakikita at nakakaaliw talaga siyang basahin. Mas lalo mong nakikilala yung mga nagsusulat nito. Panandaliang aliw lang naman talaga itong mga ito, at gaya ng sinabi ng kaibigan ko sa facebook, makakalimutan niyo rin yung nabasa niyo, kasi sa totoo lang wala naman kasi talagang katuturan to. Unless siguro stalker ko kayo.
Medyo nauuso ito sa facebook ngayon '25 Random Things', at medyo matagal-tagal ko ring hinintay na may mag-tag sakin nito. At kahapon natupad ang pangarap ko. Pero hindi ko ipepaste dito yung ginawa ko, masyado akong conceited kaya may fresh batch of 25 random things about me akong isusulat dito.
1. Likas talaga akong mahiyain to the point na ang tingin sa akin ng mga tao ay suplado ako. Ito ang madalas na first impression sakin ng tao.
2. Hindi ako singer, pero pag nakahawak ako ng mikropono, walang hiya-hiya kakanta talaga ako. Sa totoo lang nalulungkot ako, kapag ipinapasa ko sa iba yung mic.
3. Kapag weekends, kung wala akong lakad, kaya kong matulog ng hanggang 18 hours. Bumabangon lang ako para kumain at magcheck ng email at blog, tapos balik tulog ulit. Oo na, tamad na ako kung tamad.
4. Hindi ako umiinom ng mainit na kape. Ayaw ko ng lasa kahit na sabihin natin na may cream at sugar pa ito. Pero gustung-gusto ko ng mga chilled at iced coffee.
5. Bago ako bumagsak sa call center, pinangarap ko noon na maging piloto, physical therapist, radio dj, manunulat at isang malaking artista sa Hollywood.
6. Kahit matagal na nung ipinalabas yung episode ng Weakest Link na sinalihan ko, hanggang ngayon eh magkakaibigan pa rin kami ng ilang contestant na nakalaban ko.
7. Masyadong seryoso ang tingin sa akin ng mga tao, na di nila alam kung tatawa sila tuwing nagbibiro ako. Isa rin ito sa paraan kung paano ko madaling nauuto ang mga tao na gawin ang mga bagay na wala namang katuturan. For my own pleasure.
8. Lalo akong nalito nang malaman ko na 29000 na lang ang PS3 na may 2 laro at 2 controller!!! Pero mas gusto ko pa rin ng XBox 360 kahit madali itong masira!!! I'm so confused...
9. Sa lahat ng nakalista dun sa exes ko ilang post na ang nakakaraan, isa lang doon ang nagpaiyak sakin. Pero 3 tao pa lang ang talagang nakabasag sa damdamin ko. Lahat sila graduate ng UP.
10. Yung dinedate ko ngayon graduate ng UP.
11. Hindi ako malakas uminom. Dalawang bote ng San Mig Light pa lang tipsy nako. Pero nakakatagal ako ng ilang rounds ng Gran Matador na beer ang chaser at Mindoro Sling.
12. Mahilig ako magblog-hop, at kung anu-anong mga site ang minsan binabagsakan ko ng di sinasadya. Marami palang blog na nagpopost ng porn!!! Pero syempre priority pa rin muna yung lahat ng nasa blog roll ko.
13. Nitong mga nakaraang linggo, napuputol ang tulog ko dahil ginigising ako ng nanay ko para lang manuod ng Tayong Dalawa kasama siya.
14. Madirihin akong tao... ayaw na ayaw kong nakakarinig ng mga kwentong tungkol sa sakit, dugo, sugat, ingrown o kahit anung may kinalaman sa ospital. Yiiii...
15. Hanggang ngayon, kapag napapanuod ko yung scene kung saan niyaya ni Richard Gere si Susan Sarandon na sumayaw sa pelikulang Shall We Dance, hindi ko talaga mapigilan ang lumuha.
16. Isa sa gusto kong maging trabaho nung wala pa akong ginagawa masyado eh maging isang barista. Pero ayaw ko sa Starbucks.
17. Meron akong litrato ng pinsan ko sa wallet ko. Kapag may nakakapansin sa litratong yun, lagi kong sinasabi na anak ko yun na dinala ng ex ko sa Amerika. Madami akong nauto, na hanggang ngayon ay naniniwala paring isa akong binatang ama.
18. Hindi ako palasimba. Pero madalas akong nagnonovena sa St. Jude.
19. Simula nang nagtapos ako ng hayskul, ni minsan di pa ako nakakapasok sa loob ng paaralang pinagtapusan ko.
20. Naging guest speaker ako one time para sa isang graduating class sa San Beda ilang taon na ang nakakaraan. Nagsalita ako tungkol sa lagay ng mga call centers noong panahon na yon. Wala akong naengganyong estudyante na magtrabaho sa larangan na yun.
21. 6 na buwan din akong nanirahan sa Marikina. Sa apartment na tinirahan namin, 2 lang ang kwarto. Lima kami, dalawang magsyota at ako, ang boss nung apat. Ako yung natutulog sa sopa.
22. Malapit nang pumatak ang edad ko sa trenta. Pero hanggang ngayon pumipiyok pa rin ako pag nagsasalita.
23. Hindi ako natatakot na maging 30. Nalulungkot ako na di na ako bata, pero parang excited pa ako na umabot sa edad na yun. FYI mag-27 pa lang ako.
24. Mahilig akong mangulekta ng kung anu-ano. Meron akong koleksyon ng comics, pabango, stamps, alagang hayop, laruang kotse, FHM, at sa maniwala kayo't hindi ballpen.
25. May 1 factoid dyan sa 24 na nakasulat na yan ang hindi totoo. Hulaan niyo kung ano yun!!!
wild guess, yung #14?
ReplyDeleteHi Gilbert!
ReplyDeleteThanks for sharing... Uber nagkalat yan sa facebook so kelangan ko kopyahin yung weird things ko sa blog to facebook! hehe
Hula ko din sana yung #14 kaso naunahan nako ni Aajao... Uhm #13 nalang, kasi di ka kelangan gisingin ng nanay mo dahil pasok time naten ay ganung oras tlga! ;)
#1 --- pareho tayo...unang expression sa kin...suplado!
ReplyDeletekuya jon: hehe... di po.
ReplyDeletechyng: as unbelievable as it sounds, nope.. that is true
marco: minsan hinahayaan ko lang na ganun impression nila sakin... para di na nila ako iapproach... hahaha
haha! videoke monster ka pala. sakim. hehehe...
ReplyDeletehmmm... palagay ko #5 ang di totoo...
Nag guest speaker ka kasi eh.
ayuz yan! suplado facade. ako din ganun. yun ang akala nila... hehe
=)
wow.. barista?
ReplyDeletetaena.. malufeeet na trabaho yun!
kikita ka ng masmalaki pa sa sahod mo.
Hula ko, yung 21 ang sagot sa Number 25..hehehe
mejo mahirap to ah. . teka. . pwede kasing ung #1. . hindi ka naman talaga mahiyain diba? kapalamukz ka? hahaha. . joke. . lol
ReplyDeletepwede din ung nilalagay mo ung pic ng pinsan mo. . hmmm nakalimutan co anong # un. . kasi ang totoo anak mo talga un at hindi mo lang talaga sila niloloko. . dikaya? lol
ewan co ba. . duda din kasi aco dun sa 27yrs old ka lang eh. . hahahaha. . lol
kaya co rin matulog ng 18hrs eh, , kahit 20 pa! kaya posibleng totoo un:D
ang sweet ng ermatz mo at ginigising ka pa paramood ng tayong dalawa:D
Nice, I collect stamps and coins. =)
ReplyDeleteoracle: oo, tapos yung ibang tao, naiinggit kasi ako friend nila na cool, tsaka nanlilibre daw... hahaha
ReplyDeletekosa: saka ko na sasabihin yung tamang sagot... pero nabawasan na yung choices ninyo... 3 maling sagot na.
manika: parang ayaw ko magcomment sa mga hinala mo... hahahaha
ReplyDeletescheez: coins dati, i collect kaya lang nawala eh...
showdown nga tayo sa videoke minsan. hehehe..
ReplyDeletehula ko din..#14
at tumira ka pala sa marikina? saan dun?
Ang kool ng number 6. Yun ang all time favorite gameshow ko...
ReplyDeletedahil dun, sige yung number 6 na din ang hula ko.
eben: di naman ako magaling kumanta... bigay ko na sayo ang trono... gusto ko lang magfeeling... hehehe
ReplyDeleteperipheralviews: ako rin... astig nung palabas na yun... magaling din si Edu maghost nun...
Hindi ako umiinom ng mainit na kape. Ayaw ko ng lasa kahit na sabihin natin na may cream at sugar pa ito.>>> hehehe...
ReplyDeleteMay 1 factoid dyan sa 24 na nakasulat na yan ang hindi totoo. Hulaan niyo kung ano yun!!! >>> malamang 24.
"9. Sa lahat ng nakalista dun sa exes ko ilang post na ang nakakaraan, isa lang doon ang nagpaiyak sakin. Pero 3 tao pa lang ang talagang nakabasag sa damdamin ko. Lahat sila graduate ng UP.
ReplyDelete10. Yung dinedate ko ngayon graduate ng UP."
Nakow. sana naman ay hindi na mabasag ang damdamin mo!
the dong: is that your final answer? lolz
ReplyDeleteyoshke: i hope not... friends lang naman kami na lumalabas.. hehehe
haha. mahilig ka talaga gumawa ng storya. i'm guessing #19. gagayahin ko din 'to sa blog ko. :-)
ReplyDeleteShall we dance... I love this movie. Kakatouch, hehe. Tska crush ko si Richard Gere.
ReplyDeleteSiguro mga half nito similarities natin pero nurse ako so di ako madirihin, ahaha.
Masyadong marami ang 24 facts kung manghuhula ako ng factoid sa mga yan.. Pero thanks for sharing this, sa ganitong paraan kasi mas lalong nakikilala ang blogger..
Hihintayin ko nalang na sagutin yung tanong mo... ehehe
cheers!
Buti kapa di takot na maging 30---I turned 28 last mont at takot nako na maging 30---keke
ReplyDeletekudos! you're really one of the best bloggers ever. na-aamuse lagi ako sa mga posts mo. this post is most fave so far =)
ReplyDeletehula ko yung 18!
Hindi rin ako mahilig sa mainit na kape. Impatient kasi ako; gusto ko pagdating sa inumin, ay yung puwedeng inumin agad. Inis na inis ako pag mainit na kape kasi kailangan pang hipan-hipan para lumamig bago inumin. Atsaka sobrang init na nga dito sa Pinas, tapos iinom pa ko ng kape, o di lalong uminit ulo ko. Ehehehe.
ReplyDeleteTeka, nagkokolect ka ba talaga ng stamps? Collector din ako.
the scud: sige ok lang, tag naman yan... ako nga inunahan ko pa yung nagtag sakin na gumawa nito... hehehe
ReplyDeletedylan: malapit ko nang ibunyag ang sagot.. hahaha... konting hintay na lang.
pusang gala: 30's daw kasi is the new 20's. tsaka marami akong kilala na nasa ganung edad na mas nag-eenjoy sa kanilang buhay.
ReplyDeletegravity: uy, maraming salamat sa magagandang salita... fave ko rin tong blog kong ito... lolz
andy: yep... medyo matagal-tagal na nga lang siyang di nadadagdagan... la na kasing mga liham na dumarating. hehehe.. pinakaluma ko is a Norwegian stamp noong 1941.
maligayang puso sayo ;)
ReplyDeletehulaan ko ung pang-13 ang di totoo... hula-hula...
21. 6 na buwan din akong nanirahan sa Marikina. Sa apartment na tinirahan namin, 2 lang ang kwarto. Lima kami, dalawang magsyota at ako, ang boss nung apat. Ako yung natutulog sa sopa.
ReplyDeleteStir to! Ikaw papayag na ganun? Tatawagin kitang St. Gillboard pag sinabi mong totoo ito.
Hey....how to join ou follwer? walang icon to click para maging follwer... thanks!
ReplyDeleteazel: lapit ko ng sagutin yan... hehehe
ReplyDeletejoms: unfortunately, totoo yan... pwede naman kasi ako dun sa kwarto matulog... ayaw ko lang
mokong: sa dashboard mo ata yan magagawa...
anu bang meron sa araw na'to???
ReplyDeletebakit nagiging sweet ata ang mga blogero?
teka, birthday? mo? tama ba basa ko sa comment mo sa post ko?...
anu na kaya sagot? ehehe, curious eh noh..
I have some stamps from Netherlands. Let me know if you're interested.
ReplyDeletepa-react ha.. lolz... hmmnnzz...
ReplyDelete#1. abah mahiyain... hmmnnzz.. i guess yeah sometimes may correlation ang pagiging mahiyain at pagiging mukhang suplado...gaya ni marco paolo...
#2. abaaahhh... sendali napa-skip akoh kanina sa huling part nang post... baka etoh 'ung factoid out of 24... naks... ibig sabihin... singer kah pero nde kah mahilig kumanta in public... hula lang... hehe...
#3. 18 hours of sleep... hmmnzz... tlgah ha... wala lang i remember noon pa 'un... one time when i was so tired... i think i slept for more than 24 hours... yeah.. that was really weird... natuloy akoh non mga 3 pm. then paggising koh next day na nang mga about 4 pm... funny thing was walang nanggising saken... i didn't even eat at all non.. graveh...
#4 wat ayaw moh nang kape... i luv coffee... nde kumpleto araw koh kapag walang kape... dat completes my day... ahh... nag-react akoh... gusto moh naman palah nang ice coffee... ayaw moh lang tlgah nang mainit... yeah i guess may mga taong ganon... parang akoh i preferred ice coffee than blended one...
#6 abah may sinalihan kang contest na weakest link... saya naman... malufet...how was d' experience?... feeling koh sasagot kah noh... lolz... saya naman...
#7. hehe... nde nilah alam kung tatawa silah... yeah hirap nga minsan kc pag seryoso ang tao... may mga tao naman na likas na funny... eventhough they weren't sayin' anythin'... tatawa ka nah... hinirit koh lang po...
nilagpasan koh na 'ung ibang number.. =)
#10. abahh... UP graduate.. malufet...
#12. yeah kaya nga po salamat kapag napapa-blog hop kah sa page koh... =)
#13. nakakaaliw naman ang nanay moh...
#16. ehem... part barista akoh sa work.. pero nde starbucks.. nde automatic ang espresso maker namen though... itz manual... since itz manual nde moh sometimes ma-perfect ang shot... pero itz pretty good.. i like it... basta kape... =)
#17. hehe... meron tlgang mga tao... na kapag nagsasalitah eh kapanipaniwalah... kahit mina-make up na sinasabi eh parang totoong totoo... depende tlgah yan sa nagsasalitah... pero syempre pag listener kah at sometimes mejo walang alam eh sang-ayon na lang all d' time.. that reminds me of my bro in law... kaya madalas namen binabara eh... we were like... "nde kayah.... " pero others eh sobrang paniwala sa kanyah... napakoment lang... ahh... meron naman deng mga tao.. na totoo ang sinasabi nilah pero nde kapanipaniwalah... kelangan pa ang confirmation sa iba para maniwalah.. lolz
#18. i do believe itz not really about goin' to church.. itz about our relationship in Him.. datz wat matters d' most... basta juz always trust Him, talk to Him, pray to Him... =) at tsaka anytime u can talk to Him naman eh... never have a bz line and He's available 24/7 =)
#19. yeah same here...
#30. oh yeah bday moh palah diz month noh... Happy Birthday Kuya Gillboard... age is juz a number lang naman eh... my ate is she 30 na bah?... i think... but she still looks like she's 18... and sometimes pag nag-act eh parang nde age nyah.. not all d' time though.. syempre pagdating sa family...gotta act more mature... but funny thing is... when i was a kid... i thought when u reach dat age eh parang ang tanda tanda moh nah... but i was wrong... and again itz just a number... gotta be thankful na umabot kah pa dyan... and awa ni God eh u may have more birthdayz to come and more additional numbers on top of ur age... of course nde naman naten masabi ang buhay nde bah.. enjoy while u still have it... enjoy every moment of it =)
#23 yeah again syempre number lang naman yan... we all gonna go there... una unahan lang... =)
#25. 'un nga hula koh.. number 2.. lolz.. so yeah... post koh bah to?.. wehe... minsanan lang toh...
again, Happy Birthday Kuya Gillboard!... Godbless! -di
dylan: di pa naman... next week pa... pinapaalam ko lang sa lahat para may bumati sakin!!! hehehe
ReplyDeleteandy: bigay ba yan? hehehe
dhianz: ang haba... thank you na lang... hehehe
tsaka mali yung hula mo... lolz
Of course, I'll be sending you stamps for free. But if you want to pay for them, that's fine with me. Ehehehe. Just kidding!
ReplyDeleteSeriously, I'm doing this pro bono.
What's your mailing address?
Aye, hindi ka pala puedeng mag-nurse or doctor!
ReplyDelete