Pero nga dahil krisis, at medyo mahirap maghanap ng trabaho, kelangan nating magtiyaga sa kung nasaan tayo ngayon. Hindi sa nagrereklamo ako, gaya ng pinapaulit-ulit ko sa loob ng anim na buwan, mahal na mahal ko ang trabaho ko. Sabihin na nating demotion ito kumpara sa huling ginawa ko, eh hindi naman ako stressed at nakapag-iipon ako ng pera ngayon.
Tama na muna ang tungkol sakin... balik tayo sa dapat na punto ng post na ito. Siguro napapanahon din, kasi alam ko ngayon halos tapos na ang klase ng mga gagraduate ngayong Marso. Siguro naghahanda na lang sila ngayon para sa Finals nila, o ang iba ay tapos na rin dito. Ito rin ay para sa mga taong nagtatrabaho ngayon na gustuhin mang lumipat eh hindi magawa dahil nga mahirap ang panahon ngayon. Gusto ko lang naman talakayin kung paano mo matututunang mahalin ang trabaho mo ngayon.
Ang mga sumusunod eh aking paniniwala lamang. Aking opinyon at suhestiyon. Kung hindi kayo naniniwala, okay lang. Sa huli rin naman kasi, nasa sa inyo yan kung paano ninyo mamahalin ang trabaho ninyo.
- UMIWAS KAYO SA MGA TAONG NEGA. Ito ang uunahin ko, dahil ito ang sa tingin ko ang pinakamahalaga. Ang pagiging pessimistic ng isang tao ay sadyang nakakahawa. Umiiwas talaga ako sa mga taong reklamador, dahil gaano man kaganda ang araw ko, pag nakakausap ko sila eh medyo wala akong magawa kundi malungkot na rin. Medyo makikitid minsan ang isip ng mga taong ito, puros pangangailangan lang nila ang dapat napupunan kahit wala silang naibibigay sa kumpanya. Reklamo sila ng reklamo, pero hindi naman umaalis ng kumpanya!!! Ewan ko, basta iniiwasan ko tong mga ganitong tao.
- ILISTA AT TANDAAN ANG NAIBIBIGAY SA'YO NG KUMPANYANG PINAGSISILBIHAN MO. Kung wala kang trabaho, hindi ka susuweldo. Hindi ka makakaipon. Kung wala kang ipon, di ka makakabili ng kung anumang luho ang gusto mong bilhin. Kung wala kang trabaho, nakaburo ka lang sa bahay ninyo. Nakakabato yun, tapos gagawin ka lang utusan ng mga magulang o kapatid mo. Madami ang dapat ipagpasalamat dahil may trabaho tayo. Yun lang ang dapat tandaan mo, mamahalin mo na talaga trabaho mo. Magpasalamat ka at hindi ikaw yung tipong nagbababad sa ilalim ng araw na nagbebenta ng encyclopedia sa mga taong wala namang interes.
- TANGGAPIN MONG DI MAWAWALA ANG PULITIKA SA OPISINA. Hindi mawawalan ng sipsip, favoritism, at inggitan sa opisina. It's either makisali ka sa higopan o wag mo na lang itong pansinin. Ang importante lang naman eh ginagawa mo yung trabaho mo, at ginagawa mo ito ng matino. Kung isa ka namang huwarang empleyado, darating ang panahon na mapapansin din lahat ng ginagawa mo. Pero kung di ka talaga makapaghintay, join the club, ikanga. Kasi pag magpapadala ka ng emosyon mo, lalo ka lang maiinis dun sa mga taong kinaaasaran mo. Sa huli ikaw din ang talo.
- HUWAG KA MAGSET NG MALALAKING EXPECTATIONS PARA SA SARILI MO. Hindi ko sinasabing wag kang mangarap. Walang masama doon. Pero kung nag-uumpisa ka pa lang, wag mo agad hangarin na ikawa ang pumalit sa boss ng boss mo. Hindi yun ganun kadaling gawin, unless ikaw ang anak ng may-ari ng pinagtatrabahuan mo. Kung sales ang trabaho mo, at wala ka pang experience, 1 benta sa isang araw muna ang pagtrabahuan mo. Pag nagagawa mo na, dagdagan mo ng isa pa, tapos dalawa, tapos kapag kaya mo na saka ka mangarap maging top seller o kaya ng promotion. Siguro, iset mo dun sa kakayahan mo yung expectations mo muna. Wag kang magset agad ng mataas, dahil madidisappoint ka lang pag di mo to naabot.
- COMPETE. Para naman maging exciting yung trabaho mo, maghanap ka sa opisina ninyo ng magiging kumpitensya mo. Paramihan ng benta. Padamihan ng nakuhang tawag. Pagandahan ng presentation. Pagandahan ng naisip na kunsepto. Pataasan ng ihi. Lagyan mo ng spice yung trabaho mo para naman hindi na lang pare-pareho na lang ang iniisip at ginagawa mo sa opisina. Pero sarilinin mo lang yung kumpetisyon ninyo, wag mo siyang harap-harapang hahamunin. Tandaan mo, katrabaho mo yan, at balang araw eh hihingan mo ng tulong yan, kaya dapat maging friendly ka pa rin. Syempre pag halata ka, magtataka yung tao kung bakit nanlilisik yung tingin mo sa kanya tuwing natatalo ka niya, diba.
- PAG NAHIHIRAPAN KA HUMINGI KA NG TULONG. Huwag mong sarilinin yung mga problema mo. Hindi kawalan para sa isang tao ang humingi ng tulong kung kinakailangan. Isa itong pagpapakita ng pagiging team player ng isang tao. Plus pogi points din yan, para sa mga sipsip pag nakikita ng boss nilang tumutulong sila sa may kailangan nito. Pag may hindi ka naiintindihan, itanong mo. Mas mabuti pang malaman mo yung sagot kahit na isipin nilang wala kang alam, kesa trabahuin mo agad at magbigay ng hindi magandang resulta dahil nga di mo nakuha yung kailangan. Pampagaan din ng trabaho yung may katulong.
Mahirap talaga maghanap ng trabaho ngayon. Ang daming kumpanyang nagtatanggal ng mga tao. Kaya gaano man kahirap yung ginagawa mo, o gaano katagal ang oras na malayo ka sa minamahal mo, at least may pinagkakakitaan ka. Regular kang sumasahod at nakakakuha ng mga benepisyo. Kaya mahalin mo ito.
Subukan niyo kayang maghanap ng trabaho sa mga panahong ganito.
Agree, di ko feel yung kateam kong ma-emote at mareklamo sa trabaho. Naiisp ko naghahanap lang siya ng audience para sa mga rants nily. Eeww. Di naman magawa magresign. Papansin! haha
ReplyDeleteWell, ok na din cia kesa yung isa kong teammate na may dalang deadly weapon! (iskeri)
oo naman, anyone's better than yung nagdadala ng mga armas sa trabaho...
ReplyDeletehahaha..
ReplyDeleteganun?
may natutunan ako dito ahhhh..
nakaambang kase yung pagsisante sa akin sa mga panahong ito eh..
pero sige masubukan nga yan..
teka.. gagana kaya sa akin to?
eh paanu yan eh puro, may sakit... lalatoy latuy.. bangag.. ulyanin at alapit ng kunin ni lord ang karamihan?hehehe peace
oo nga. nauudlot nga ang job hunting ko eh dahil sa sitwasyon ng buong mundo. gusto ko ng bagong trabaho pero di yata tama na makipagsapalaran sa ganitong mga panahon ng krisis.
ReplyDeletekaya ang motto nating lahat sa ngayon: "mahalin ang kinasusuklamang trabaho!"
haha.. no choice eh. :p
kosa: di ko alam, kasi nung iniisip ko to, puros trabahong colcenter lang nasa utak ko. Palibhasa yun lang halos alam ko gawin. hehe
ReplyDeletekuya aajao: onga, mahirap makipagsapalaran lalo na ikaw ngayon, at meron kayong on the way ni Mrs... okay na yung palabas-labas ka na lang sa tv!!! hehehe
magtipid!
ReplyDeleteNega? Mahirap yang mga ganyang tao---nakakadiscourage!
ReplyDeleteSa panahon ngayon kailangan talagang positive! Take care!
UMIWAS KAYO SA MGA TAONG NEGA.
ReplyDeletehehe, ganyan ako DATI, pero nagbago na ako,haha! nakaka pagod din mag self-pity at mag-rant ( rant-minsan minsan na lang,di naman maiwasan.hihihi)
ganda ng post.
p.s- ang daya,di nag aappear yung last post ko sa blogroll mo.
marco: tama
ReplyDeletelyk meeh: yep, lang space sa circle of friends ko ang mga reklamador. hehe
teresa: sorry naman, ganyan talaga yung blogroll ko, late mag-update.
Mukhang naguilty ako dito ah. Wala pa naman akong ginagawa sa trabaho madalas. :(
ReplyDeleteAt least hindi ako nagrereklamo. Lol.
Korek!
ReplyDeleteSometimes we often take for granted kung anung meron tayo. Na rerealize lang natin ito pagdumadating ang krisis...
Nakakapanghinayang ngunit may iba na imbess bilangin ang grasya nila mas nag coconcentrate sa mga problema sa paligid nila...
Sa mga ganitong panahon, matira ang matibay. At magiging matibay lang tayo kung pag iigihin at mamahalin natin kung ano na ang meron tayo...
sa panahong ito, tama ka.. magtyaga na lang sa kung asan ka. at magpasalamat na hindi ka pa nalilibak! hehehehe... tsaka mas okna rin 'to.. pwedeng mag-blog! kitakits...
ReplyDeleteMaraming salamat sa post mo at na-realize ko kung gaano ako kasuwerte at sumasahod pa ko maski papano ngayong nagtatangalan na ng empleyado ang ibang kumpanya.
ReplyDeleteDito kasi sa department naman, isa ako sa mga reklamador (well, lahat naman kami mahilig umangal, palibasa may pagka brats kami, ehehe). Pero pilit kong binabago ang pagiging pala-angal ko. Mahirap na, baka masisante pa ko at pag gising ko bukas makalawa ay nasa kangkongan na ko. Ehehehehe.
true. pero i love no.1 (umiwas sa nega) and no. 3 (politika) the most. hay, hindi talaga nawawala ang mga nega sa opisina. there were times in the past halos wala akong nakakausap kc parang puro nega mga tao sa opisina. gusto lahat magresign sa sobrang imbyerna. ung politika, wala na atang solusyon jan. nakailang trabaho na rin ako kaya napatunayan ko na to...wala akong work ngayon, pero pag nagkaron ako, tatandaan ko lahat ng sinabi mo dito. salamat sa pagpapaalala!!!
ReplyDeleteUMIWAS SA TAONG NEGA!
ReplyDeletehaha. coool!
joms: san ka naman naguilty? hehehe
ReplyDeleteoracle: yep, siguro dapat matutong makuntento ang ibang tao. i think that's the point of this.. ewan ko lang.
azel: korek, pwedeng iblog ang mga hinaing mo... or ilagay sa facebook gaya ng ilang kilala ko.
ReplyDeleteandy: wala namang masamang umangal, kung naaapakan yung karapatan ninyo, pero daanin lang sa tamang paraan at wag itong paapektuhan ang inyong productivity sa trabaho.
rej: totoo yan, kahit saan merong reklamador. Sa dati kong trabaho, meron kaming tinatawag na desperate housewives, isang grupo ng mga nanay na walang ibang ginagawa kundi magreklamo. Although may point naman sila, pero hanggang ngayon, andun pa rin sila nagtatrabaho... at parepareho pa rin ang reklamo nila.
ReplyDeletejeszieboy: salamat po.
great insights gilbert! pwede ka na maging speaker sa isang workshop on work attitudes!
ReplyDeletetama.tama lahat ng sinabi mo. galing ng post na to. sakto! =)
a very nice post, gillboard! ]masipag ako ngayn mag-comment kaya eto mga comments ko. hehe...
ReplyDelete1. nega na tao ako. reklamador. pero i dont rub it to other people. sa sarili ko lang. at naisip ko. ala naman mapapala sa pagdadamog at pagrereklamo.
2. tama ka dyan! walang kumpanya na perpekto. tulad din yan ng mga minahal natin - di sila perpekto pero natutunan din natin mahalin sila. haha. ayos ba ang analogy?
3. sa team namin walang politika. walang sipsip. team player kami lahat. siguro dahil ang promotion/evaluation ay di nakadepende kung gaano kami kagaling against our teammates. ito ang mamimiss ko sa team na lilisanin ko sa katapusan.
4. ayos nga lang ang mangarap. ang dapat lang tandaan ay huwag kang mang-apak ng tao sa pag-abot mo sa mga pangarap na yun.the smell of success won't smell as sweet.
5. di ako maka-relate dito. haha. pero ayos naman ang competition. it brings out the best and the worst of people. :-)
6. ang paghingi ng tulong ay hindi nagpapahiwatig na mahina ang isang tao. bobo. walang silbi. ang mga taong nagtatanong ay seryoso sa kanilang ginagawa. gustong matuto. at gustong galingan pa ang trabaho nila.
pwede ko na pala ito gawing post sa blog ko. nyahaha...
dapat din wag bibigyan ng kahit na katiting na rason ang kumpanya para ilet-go ka. kahit na simpleng tardiness eh pwede pang mauwi sa laglagan.
ReplyDeletemaganda kang magisip, gill. kung ganyan lahat ng tao sa gobyerno,.. fill in the blanks.
iboboto kita sa eleksiyon. hihi
Yes, boss! hehe
ReplyDeleteVery nice, speech mo ba ito sa seminar mo? Pwede!!!
Agree ako sa lahat pwera sa pataasan ng ihi. lolz
Mahirap nga humanap nang trabaho sa panahon ngayon, pero mas mahirap matanggal sa trabaho. Although di ko pa naman naranasan ma-terminate (wag naman sana).
Gawain kong humingi ng tulong nun lalo na nung newbie pa ko sa trabaho, kailangan yun, kesa mamatayan ako ng pasyente (nurse po ako). Peo panu kung yung mga superior mo eh kundi busy sa pakikipag chismaxan eh nagtatago o kaya busy busyhan, o sadyang walang pakialam??? Nakakainis!!!
gravity: hehe... salamat po.. i've done it already before... years ago sa isang class sa Beda.
ReplyDeleteThe scud: yep, pwede na ngang gawing post yung comment mo, I'll be looking forward to your writing one.
munggo: totoo, may mga tao kasing hindi sineseryoso ang lates. akala di yun nakakacause ng termination. thanks for that.
ReplyDeletedylan: totoo yan, much better na humingi ng tulong lalo na sa line of work mo kasi buhay na talaga ang nakataya dyan.
wala nga acong trabaho eh, . haha. . pero kung sakaling magkakaron kukunin co tong mga tips mo. .
ReplyDeleteganito pa namang wala cong pasensya at bigla na lang acong nagququit. .
dagdag lang. . diba kailangan gusto mo rin ung ginagawa mo? kasi kung pipilitin mong mahalin ung trabahong hindi mo naman talaga gusto, anong mangyayare? ewan co. . hehe
iiwas na co sa mga negro este nega:Dmonias
oo nga no... nakalimutan ko rin yan.. pero kadalasan kasi sa mga tao, napupunta sila sa mga trabaho na ayaw na ayaw na ginagawa.. gaya ko dati.. ayaw ko ng sales, nagustuhan ko lang sya nung nalaman ko na magaling pala ako bumenta. hehehe
ReplyDeleteThe Philippine government has just announced that 60% of companies in Manila are hiring. This means that our economy is still doing good and work is still abundant in the Philippines.
ReplyDelete