Apr 29, 2009

NAUNSYAMI

Noong Sabado, eh meron ako dapat lakad na hindi natuloy. In short naudlot na date.

Tawagin natin siyang Naunsyami...Itong si Naunsyami, matagal ko nang textmate at phone friend. Siguro, mga dalawang taon na. Pero sa buong panahon na kami eh magkakilala, ni minsan hindi pa kami nagkikita. Busy siya. Wala akong pera. Out-of-town siya. Naghihikahos ako sa hirap. Namatayan sila. May pera ako, pero tinatamad. Pwede na siya. May sakit ako. Malelate ako dumating. Nadukutan siya at di na matutuloy ang pagkikita. Wala siyang pasok sa trabaho. May iba ako kadate. Basta lahat na lang ng dahilan, para hindi lang kami magkita, nasabi na.

Iniisip ko din yung iniisip niyo. Senyales na yun na hindi talaga kami para sa isa't-isa kaya dapat tigilan na namin ang kahibangan namin na may pag-asa pa. Nakakasawa naman talaga. Pero kasi pag nag-uusap kami, nagkakagaanan kami ng loob. Marami kaming pagkakahalintulad. Mga pananaw sa buhay. Interes sa pelikula. Sa libro. Sa pagbablog. So kahit papaano, hindi mawala yung spark kumbaga.

Ayun, so hindi nga kami natuloy nung Sabado. Kaya nung Linggo, nag-usap kami. Siguro last ditch effort na. Kasi pareho naman kaming nakakahalata na na lagi na lang hindi natutuloy ang pagkikita namin. Nauubusan na rin ata kaming dalawa ng excuse para hindi magkita. Ayoko namang patayin pa yung mga nabubuhay kong kamag-anak magkaexcuse lang para di makipagkita. Karma ko na lang yun diba.

Hindi ko alam kung saan nagsimula yung usapan, pero nakarating kami sa topic ng kanyang ex. Apparently, meron siyang ex na mayaman. Gwapo. Mabait. Generous. Pinagpala. Anak ng Diyos. Kaperpektohan, ika nga. Ako naman, sige, mukhang gusto niyang pag-usapan so tahimik lang na nakikinig. Kinuwento niya kung paano sila nagkakilala. Paano niya sinagot si damuho. Ano tawagan nila sa isa't isa. Ano lagi nila pinag-aawayan. Bakit siya iniwan ng lalake. Kung paano nanuyo ulit yung gago. Buong history nila sa loob ng 45 minuto.

Okay lang sakin nung unang 5 minuto. Sa totoo lang. Nagtatanong pa nga ako eh. Pero parang suka na hindi mapigilan, kailangan niya talagang ilabas lahat. Sa isip-isip ko, hindi pa nakakamove-on itong si Naunsyami.

Kaya habang nagtatatalak siya, ako naman, nag-isip ng kung ano ang gagawin ko sa natitirang pera sa wallet ko. Bibili ba ako ng pizza? Idadagdag ko ba sa Emergency/Singapore fund ko? Yung cable bill ko ata di pa nababayaran? Napakain na ba yung aso? Bakit hindi na Linggo ang Private Practice sa Studio 23? In short ulit... hindi na ako interesado.

Gusto pa yata niya magkwento, pero nagutom ako. Kaya nagpaalam na ako. Iyon na yung sagot ko sa tanong ko sa loob ng dalawang taon. May pag-asa ba kaya na merong mas malalim na pagsasamahan kaming dalawa ni Naunsyami? Wala.

Mahirap makisiksik sa isang formula, kung kasali si x. Mahina pa naman ako sa Math. May punto sa relasyon na papasok talaga yon. Pero kung wala naman kayong relasyon, hindi worth ipaglaban, lalo na kung hindi pa kayo nagkikita, at alam mo nang wala kang laban.Matapos naming mag-usap ng gabing iyon. Binura ko yung numero niya. At nung huling nagtext siya, reply ko... "hu u?"

******

Emo ako ngayon... actually more like nababaliw. Minsan nakangiti. Minsan nakasimangot. Minsan naaasar. Ayos lang naman ako. Nothing to worry about... mental health ko lang siguro. Bilog ba ang buwan? Ewan ko, parang mas malala pa pakiramdam ko sa babaeng may tagos. Adik lang ako siguro. O dahil walang tulog.

Pagpasensyahan niyo na po. Pinanganak ako ng Pebrero. May kasabihan ang mga matatanda, ang mga taong pinanganak sa buwan na yon eh "kulang-kulang."

Iiwanan ko na lang kayo ng lyrics sa kantang Please Don't Stop The Rain ni James Morrison. Gusto ko sana ipost yung kanta. Wala lang ako mahanap online. Maganda yung message ng kanta. Basahin niyo na lang yung lyrics.

PLEASE DON'T STOP THE RAIN
James Morrison

I don't know where I crossed the line
Was it something that I said
Or didn't say this time

And I don't know if it's me or you
But I can see the skies are changing
In all the shades of blue
And I don't know which way it's gonna go

If it's gonna be a rainy day
There's nothing we can do to make it change
We can pray for sunny weather
But that won't stop the rain

Feeling like you got no place to run
I can be your shelter 'til it's done
We can make this last forever
So please don't stop the rain

(Let it fall, let it fall, let it fall)
Please don't stop the rain
(Let it fall, let it fall, let it fall)
Please don't stop the rain

I thought that time was on our side
I've put in far too many years
To let this pass us by

You see life is a crazy thing
There'll be good time and there'll be bad times
And everything in between
And I don't know which way it's gonna go

If it's gonna be a rainy day
There's nothing we can do to make it change
We can pray for sunny weather
But that won't stop the rain

Feeling like you got no place to run
I can be your shelter 'til it's done
We can make this last forever
So please don't stop the rain

(Let it fall, let it fall, let it fall)
Please don't stop the rain
(Let it fall, let it fall, let it fall)
Please don't stop the rain

Oh we're a little closer now
And finding what life's all about
Yeah I know you just can't stand it
When things don't go your way
But we've got no control over what happens anyway

If it's gonna be a rainy day
There's nothing we can do to make it change
We can pray for sunny weather
But that won't stop the rain

Feeling like you got no place to run
I can be your shelter 'til it's done
We can make this last forever
So please don't stop the rain

(Let it fall, let it fall, let it fall)
Please don't stop the rain
(Let it fall, let it fall, let it fall)
Please don't stop the rain
(Let it fall, let it fall, let it fall)

Can't stop it no, you can't stop it, just can't stop the rain
(Let it fall, let it fall, let it fall)
Let it fall, please don't stop the rain

Apr 27, 2009

BY THE NUMBERS

0 - bilang ng kapatid ni Gillboard
1 - bilang ng gintong medalyang napanalunan ni Gillboard sa contest noong kolehiyo
2 - bilang ng mga contestant na sumali dun sa contest kung saan nanalo ng medalya si Gil.
3 - mga kalaro niya sa bahay pag walang magawa... bilang ng mga aso niya...
4 - round sa The Weakest Link nang natanggal ako sa game... tarantadong Strongest Link yan.. threatened!!!
5 - bilang ng kras ni Gillboard sa kasalukuyan...
6 - bilang ng araw na tinagal niya sa isa sa naging trabaho niya.
8 - slice ng pizza na kayang ubusin ni Berto pag sobrang gutom na siya.
15 - bilang ng oras ng tulog ni Gil ngayong iniinsomnia siya... sa isang linggo!!!
16 - ang ranking ni Gilbert na may pinakamataas na IQ sa kanyang graduating class.
18 - bilang ng oras na kayang itagal ni Gilbert sa telepono pag gusto niya kausap niya.
27 - ang edad ni Gillboard ngayon
68 - bilang ng kaibigan niya sa Multiply
69 - ang paboritong numero ni Gillboard... joke lang
96 - pinakamataas na score na nakuha ni Gillboard sa Magic Sing (Goodnight Girl ng Wetwetwet)
99 - bilang ng kaibigan ni Gillboard sa Myspace.
100 -bilang ng oras na ng paglalaro ni Gil ng Grand Theft Auto IV at Elder Scrolls IV.
160 - ang binabayaran ni Gil sa taxi mula labasan nila hanggang opisina.
188 - bilang ng kaibigan ni Gill sa Facebook.
329 - bilang ng post ni Gillboard sa blog niya.
394 - bilang ng friends ni Gilbert sa Friendster.
1489 - bilang ng mga naisulat ni Gil sa kanyang journal bago naisip magblog na lang.
1982 - taon kung kailan pinanganak si Gillboard
2000 - nilalagay ni Gilbert sa kanyang Singapore fund buwan-buwan.
2000 - ang budget ni Berto sa isang buwan pambili ng comics.
16000 - ang budget ni Gil noong bisor pa siya pambili ng pabango.
50 - ang budget ni Gil ngayon pambili ng isang bote ng Green Cross Rain na cologne.

Apr 25, 2009

PAANO BUKAS?

Mag-aalas onse nang isara ni Row ang pintuan. Umuwi na rin ang huling bisita ni Chris sa kanyang birthday party. Lasing lahat ng tao. Silang dalawa na lang ang naiwan sa bahay ng kasintahan at ang kaibigan nito mula pagkabata na si Maya.

26 na si Chris. Matipuno. Matalino. Natural na masayahin, at mabait. Maraming kaibigan ang binata, at maraming nagmamahal sa kanya. Matagumpay na arkitekto ang binata, at isa sa mga hinahanap-hanap ng mga mayayamang nagnanais na magpatayo ng bagong tahanan. Nagdidisenyo siya para sa mga mararangya, at kumikita ng malaki. Maaari nating sabihin na isa ngang "perfect catch" ang lalake. Ngunit isa lang ang napili nitong mahalin, si Row.

Maganda, sexy at matalino ang 25-anyos na si Row. Mula sa angkan ng mga mayayaman sa Cebu. Pinag-aral siya ng mga magulang sa Maynila, at dito na siya nagdesisyon na manirahan. Isang manunulat ang dalaga para sa isang sikat na pahayagan. Tungkol sa pagiging empowered na kababaihan ang karaniwang isinusulat ng kolumnista.

Magkasundo ang magkasintahan dahil pareho silang matalino. Nagkakasundo sila sa maraming bagay, at hindi sila nauubusan ng pag-uusapan. Masaya sila sa isa't-isa. At pag magkasama, nailalabas ang mga katangiang mas nagpapahusay sa kanila.

"Okay ka lang?" tanong ni Row sa kasintahan.
"Yeah. Tinitingnan lang namin ni Maya yung mga pictures namin nung College. Halika dito, tingnan mo, ang payat ko nun.."

Si Maya ang isa sa pinakamatagal nang kaibigan ni Chris. Pareho silang arkitekto, pero mas pinili ng dalaga maging isang interior designer. Ang mata ng dalaga ay para sa pagpapaganda ng tahanan. Anung bagay na kulay ng dingding, ano ang dapat na furniture sa ganitong istraktura ng kwarto. Iba ang talento ng dalaga, at madalas ay kumukumplemento sa mga ginagawa ng kaibigang arkitekto.

"Kayo ha, nagseselos na ako sa inyo." sabi ni Row.
"Suuus... naglalambing nanaman ang baby ko. Halika nga dito." hinila ni Chris ang girlfriend sa kanyang tabi at hinalikan. Medyo may tama pa ang lalake.
"Kaya mo pa ba, Chris? Kanina ka pang tanghali umiinom," sambit ng kaibigan.
"Oo naman. Hindi naman ako nalalasing. Alam mo yan."
"Kayong dalawa ha. Nagdududa nako sa inyo. Parang mas concerned ka pa Maya kay Chris." biro ni Row.

Ni minsan hindi sumagi sa isip ng magkaibigan ang magkaroon pa ng pagsasamang mas malalim pa sa pagkakaibigan. Nagtangka noon ang binata, pero pareho nilang napagdesisyunan na mas komportable sila sa kung anuman ang mayroon sila, at wag nang gawing kumplikado ang samahan nila. Kahit magkasundo, marami pa ring pagkakaiba ang magkaibigan.

"Curious lang ako..." biglang sambit ni Row.
"About what?" ani Chris.
"You two have been friends for a long time, right? Hindi niyo ba dalawa naisip na..."
"Si Maya? Row, we're just friends. Yeah, there was a time na niligawan ko siya, pero we decided it's not going to work out anyway."
"At di ko type si Chris no!" singit ni Maya. "Gusto ko sa lalake yung Pinoy na Pinoy yung hitsura. Di yung mukhang Amerikanong hilaw." Nagtawanan silang tatlo.
"Okay, prove it..." biglang nasabi ni Row.

Natulala ang dalawa. Mahilig paglaruan ang dalawa ng kasintahan ng binata. Pinaliwanag ni Row ang gusto niyang mangyari at kung bakit.

"You want us to kiss?" tanong ng lalaki.
"Yeah, I mean friends lang naman kayo diba? I just want to make sure na hanggang ngayon ganun pa rin."
"Believe me, Row... I want nothing more to be just friends dito kay Crisostomo!" sabi ni Maya.
"Then, it shouldn't be an issue. Kung wala lang talaga, eh di wala."
"Sigurado ka sa gusto mo?" tanong ni Chris.
"Oo."

Pumayag ang dalawa nang matahimik si Row.

Humarap si Chris kay Maya, tiningnan ito, at tinanong kung ayus lang ba sa kanya. Hindi kumportable ang babae, sa gagawin, pero para sa katahimikan ng kaibigan, pumayag siya.

Nagdampi ang mga labi nila nang una. Wala lang. Smack lang. Pero dala na siguro ng espiritu ng kanilang nainom, hinalikan ni Maya si Chris. Napahinto ang dalaga at pilit na inilayo ang ulo niya ngunit nilapat ni Chris ang kamay sa likod ng kanyang leeg at tinulak pabalik ang labi sa binata.

Isang mainit na halikan ang naganap. Matagal. Parang inilabas lahat na naitatago na emosyon na nararamdaman nila simula nang mapagdesisyunan nila na sila'y magkaibigan lang talaga. Matapos ng ilang segundo, natauhan si Chris. Nakaharap pala sa kanila ang girlfriend nito.

Pagharap ni Chris sa kanyang nobya, nakita nitong tinatago ang kanyang luha. Pinunasan ang mata at biglang tumayo.

"I remember, may- may-... I have to finish my column tomorrow... I have to go..." dagling umalis ang dalaga.

Hinabol ni Chris ang kasintahan ngunit sinarahan ito ng pinto. Bumalik si Chris sa kaibigan.

"I'm sorry, I didn't know what happened." sabi ni Chris.
"I think it's the beer." wika ni Maya.
"Could be..."
"So anong mangyayari satin bukas?"

Apr 22, 2009

UMAAPAW SA KA BOB ONG -AN

"Hindi na niya kailangan sabihin mahal niya ako, okay lang kasi nararamdaman ko naman yun sa tuwing tumitingin siya sa akin."

Ang keso no? Pero bago kayo mag-isip ng kung ano pa man... hindi po ako inlove... wala akong inspiration ngayon. Natanggap ko lang na nasa sistema ko na talaga na may pagkakeso talaga ang pagkatao ko. Wala naman masama, sabi nga ni Ate Utakmunggo, mas gusto ng mga babae ang mga taong keso sa mga taong emo.

Wala nanaman akong tulog. Dala lang lahat ito ng pagiging insomniac ko. Pero ayus na rin yun, at least kahit papaano eh bumabalik ang mojo ko sa pagsusulat.

Anyway, balik sa topic. Hindi naman, dahil sa nag-eenjoy ako sa pagiging single ko, eh ayaw ko na maging kalahati ng 2 pusong nagmamahalan. Time will come na iibig din ako, at may magmamahal din sa akin, might as well start na ipakita kung paano ako magmahal diba.

Again... sisihin ninyo ang pagiging insomniac ko.
  • Pag nagmamahal ka hindi ka tatamarin magtrabaho. Instead, mas lalo kang magsisipag kasi nagpaplano ka na para sa kinabukasan niyo.
  • Hindi kailangan na alam mo kung ano ginagawa niya sa kasalukuyan, kung kumain na siya o nasaan siya ngayon. Ang importante, malaman mo kung naging maganda ba ang araw niya. At kung hindi, eh ano ang magagawa mo para mapagaan ito.
  • Tanggap mo na pango ang ilong niya, pike ang mga paa, mataba, kulot, bungi at wala kang hihilingin na baguhin sa kanya. Kasi hindi naman sa pisikal mo siya nagustuhan kundi sa maganda niyang kalooban.
  • Pag may darating na pagsubok, hindi mo iisipin na bumigay kaagad. Siya ay lalo mo pang sasamahan at dadamayan. Hindi magbabago pagtingin mo sa kanya, bagkus pagkatapos ng lahat, lalo pa kayong magiging malapit sa isa't-isa.
  • Kahit wala sa sistema mo ang mga hilig niya, aalamin mo, kasi alam mong iyon ang gusto niya. At mapapaligaya mo siya kapag magkasama kayong gagawin yung mga hilig niya.
  • Alam mong hindi ka marunong magsayaw, pero pag magkasama kayo, makakapagsayaw ka, kahit walang musika kasi kasama mo siya.
  • Kahit di kayo nag-uusap, basta magkahawak lang kayo ng kamay, kumpleto na ang araw mo, at sa gabi pipikit ka ng may ngiti sa'yong mukha.
Hopefully, tuluy-tuloy na 'tong pagkawala ng writer's block ko (parang ang galing-galing magsulat no?).

Apr 20, 2009

WALANG PAHINGA

Walang pahinga itong weekend na lumipas.

BIYERNES
Pagkagaling ko sa 13-hour na shift ko sa trabaho nitong araw na ito, eh naisipan kong sumama sa aking kaibigan sa trabaho na kumain sa Sakura sa Glorietta nung hapon. Kung hindi lang medyo ginto ang pagkain dun, siguro sobra akong matutuwa. Masarap yung pagkain nila. Di ako mahilig kumain sa mga Japanese restaurants, pero yung lugar na yon, panalo ang pagkain. Hindi ako adventurous pagdating sa pagkain, kaya Katsudon lang kinain ko, pero masarap naman siya. Pero yung talagang masarap eh yung tuna sashimi nila. Maanghang siya, pero mmmmmm... sarap!!!

Gabi na ako umuwi noon, napadaan ako sa tindahan ng dibidi, naghahanap ako ng Season 3 ng Ghost Whisperer, kasi naadik ako sa palabas na yun, at yun na lang yung hindi ko pa pinapanuod. At dahil wala yung hinahanap ko na series, naisipan kong bumili ng piratang dibidi (wag niyo akong gagayahin... di ko to gawain). Bumili ako ng Marley & Me, dahil mahilig ako sa mga pelikulang tungkol sa mga hayop (animals ha).

Putang-ina!!! Comedy yung pelikula, pero nung huli umiiyak talaga ako. As in!!! Yung tipong parang gripo yung mata ko sa luhang umaagos, sabay may hikbi-hikbi pa!!! Hindi ko gawain yun sa mga pelikula, pinagtatawanan ko pa yung mga taong ganun, pero shet!!! Umiiyak talaga ako. Matatanggap ko yung maluluha, yun pwede pa, pero hindi eh. Iyak talaga. Bwiset!! Ayaw ko siyang panuorin ulit... nakakadepress!!! Pero in fairness, maganda naman siya.

SABADO
Umaga ng Sabado lang ata talaga ako nakapagpahinga nitong lumipas na dalawang araw. Wala lang tunganga lang. Naghahanda para sa get-together na inorganize ko para sa isang katrabaho na galing sa Japan sa gabi. Text brigade... ganun.

Kinagabihan, pumunta kami sa Metrowalk sa Ortigas, nagdinner sa Yoohoos, nakipagkita sa mga dating kaibigan. Hindi kami sinipot ng taong pinag-organizan namin ng get-together, pero hindi namin yun inalintana. Bakit ba, pwede naman kami mag-enjoy ng wala siya.

At nag-enjoy talaga kami. Hindi sila yung karaniwang kasama ko kapag lumalabas ako, kaya enjoy. Kumustahan, inuman, mahaba-habang kwentuhan. May nakilala kaming mga bagong kaibigan mula sa mundong ginagalawan ng dati kong katrabaho. Nanghila ng mga kaibigang kaladkarin.

Dun lang kami tumambay sa Bargos sa Julia Vargas. Hanggang alas-kwatro ng madaling araw. Sobrang ang saya nung gabing yun. Ang kulit!!!

LINGGO
Hindi ako normally lumalabas kapag Linggo, dahil araw ng pahinga ko yun. Dapat nakahiga lang ako buong araw, lalo pa't alas-singko na ako umuwi kanina. At medyo may hang-over pa rin ako't nasobrahan ako sa quota ko sa beer nung gabi.

Pero tinawagan ako ng kaibigan ko't gusto niyang tumambay lang. So ayun, nagpasundo ako sa kanya't tumambay kami sa Starbucks sa SM Sucat. Mula alas-tres ng hapon hanggang alas-otso ng gabi andun lang kami. Nagkukwentuhan.

Enlightening yung pagkikitang iyon. Medyo matagal-tagal na rin nung huli kaming nagkita. Dalawang taon siguro. Mas lalo kong nakilala yung tao, at natutuwa ako na ang laki na ng pinagbago niya. Dati kasi, noong nagkikita kami, puros problema lang niya yung napag-uusapan namin. Pero ngayon, nakakatuwa na malalaman mo yung ibang side ng pagkatao niya. May pagkapraning din pala. Wise na. Naisip ko, dapat lang at matanda na 'tong taong to.

Pero naappreciate ko yun. Taga Pasig yung tao, pero dinayo niya ang ParaƱaque para lang tumambay. Considering na merong tampuhan samin noon dahil na rin sa kagaguhan ko. At tsaka, yun ngang reto ko sa kanya ngayon, eh medyo sumablay. Pag magkaibigan talaga ang dalawang tao, kahit ano pang mangyari sa inyo dati, mas malakas pa rin yung pagsasamahan kesa mga kababawang di pinagkasunduan noong nakaraan.

Pinahiram ko sa kanya yung dibidi ng Marley and Me, dahil alam ko mas mababaw ang luha nun. Tingnan ko mamaya kung humagulgol ba yun.

**********

Natutuwa ako sa weekend na 'to. Kung matatandaan niyo, nasabi ko na isa sa dahilan ng pagkalungkot ko, eh iisa lang ang set of friends ko. Well, hindi naman talaga totoo yun, pero kasi minsan naiisip ko, iisa lang yung palagi kong sinasamahan madalas. Hindi sa nagsasawa ako, pero maganda ring malaman na kapag hindi sila available, meron kang ibang mayayaya.

Malamang, tumaba nanaman ako nitong weekend na 'to. Pero para sakin sulit naman kasi kasama ko mga taong gusto kong kasama. Yung tipong walang dinadalang mabigat na problema. Nakakagaan ng loob.

Wala man akong pahinga, nitong nakalipas na mga araw, pero hindi ko nararamdaman na napapagod ako. Ganyan talaga pag nag-eenjoy ka.

Apr 17, 2009

I LOVE YOU, MAN


Peter Klaven just got engaged to be married. Now planning the wedding, he realized that for most of his life, he's been friends mostly with women. And with the wedding coming soon, Peter needs to find a guy best friend so he'll have a best man.

That's the premise of the movie I Love You, Man. My second favorite film of 2009 (Slumdog's first). Anyway, just like the title, I love this movie. It's funny, touching and it's the male equivalent of a chick flick. Yeah it's kinda mushy when it comes to the scenes between Peter and his girlfriend Zooey, but you get alot of insights about being a man as well during scenes where Peter hangs out with Sidney (Jason Segel). I know it kinda sounds like a gay film, but it's not. It may be awkward if you're going to watch this movie with a guy because of the title, but it's kinda like Fight Club only it's not an action film... it's a comedy. And guy-on-guy kissing aside, it's really a macho film.

I really liked this movie, first of all because I kind of can relate to Peter's character wherein I'm closer to women than men. I'm not sporty, more like geeky in a way and I don't have a best friend. Well, that's voluntary. I mean I have a lot of close friends, but I don't want to brand just one person as a best friend. It's kind of unfair to the others who in one point or another shared a good/awesome memory with me. The point is, I see myself in some of the characters in the movie.

It's a very relatable movie because I know everyone goes through this at one point or another wherein a friendship affects the relationship between a guy and his girlfriend. It rings true to a lot of us. Doing some research on the film, I found out that this is from the writer of some of my favorite movies like Meet The Parents and Meet the Fockers. So it kind of is a quality movie.

And one more thing, it's not really boring. It's not a slapstick comedy type of film, and I'd say that this is the type of movie that not everyone will appreciate or like, but it's really funny. It's a guy film but it's not offensive to women. And it stars Paul Rudd and Jason Segel, two really likeable comedians. And then of course there's Rashida Jones and Jaime Pressly which are both eye candies.

I like movies that made me realize things. And this movie made me realize that just like Peter, I don't have that many guy friends. Maybe I need to start going on man-dates to find my BFF (Shet, that's so gay!!!).

Yeah... I love this movie.

Rating: 9/10

Apr 14, 2009

DOWNER

I'm not writing again as much as I want because this time, I feel I'm too much of a downer. Ironic, because my previous post, I said that I am happy. Masaya naman ako ngayon, it's just that feeling ko may kulang. Di ako nagpapakaemo, at hindi ako naghahanap ng syota. That's not the reason I'm feeling sad at the moment.

The truth is, hindi ko talaga alam. Di ko mapinpoint kung ano yung problema. HIndi ako lonely. Di rin ako longing na magkasyota. My job is all fine. Marami nang ginagawa, pero ayos lang.. it's work.

I spoke with a friend the other day, tapos may nasabi siya sa akin that made me realize something. It could be the reason. Actually, marami akong naisip na dahilan kung bakit hindi tama pakiramdam ko ngayon... Bare with me...

  1. Mainit masyado. Naaapektuhan katinuan ng pag-iisip ko ng sobrang init.
  2. Nalulungkot ako't patapos na ang 5-day vacation ko, at wala akong masyadong nagawang exciting.
  3. Bored na bored ako sa buhay ko...
  4. Sabi ng kaibigan ko, I'm a nice guy... it might mean that I'm a doormat.
  5. Nahawahan ako ng depression ng nabanggit na kaibigan dahil hindi sila nagkatuluyan nung babaeng inireto ko sa kanya.
  6. Isa lang ang set of friends ko.
  7. 17 episodes lang yung binili kong DVD ng season 2 ng Gossip Girl.
  8. 3 araw na akong hindi nakakapaglaro ng Pet Society at Restaurant City.
  9. Babalik na ako sa trabaho mamaya.
  10. Tumataba ako.
  11. Nanuod ako ng T2 at hindi ako masyadong natakot dun sa pelikula.
  12. Hindi ako nakapag-out-of-town noong long weekend.
  13. Maaaring dahil wala akong masyadong ginagawa nung nakalipas na mga araw, kaya nakapag-isip ako.
Ang babaw noh? Hindi naman talaga ako sobrang depressed. Ok naman ako. Medyo feeling ko lang na parang may kulang. Hindi ko alam. Hay. Lilipas din ito.

Apr 10, 2009

REPLEKSYON

This day is meant to be a day for reflection. Panahon para magnilay-nilay at alalahanin lahat ng ginawa para sa atin ng Panginoon. Di ako magsusulat ng kahit ano tungkol sa religion, kasi sa tingin ko, it's just hypocritical. Hindi ako nagsisimba tuwing linggo. Nagdadasal lang ako kapag may kailangan ako at pagkatapos kong makuha ito. Kaya kung anumang lalabas sa bibig ko, pawang kasinungalingan at kaplastikan.

Pero, totoong nakapag-isip ako. Mayroong nagsasabing maganda ang paningin ko sa buhay. Optimistic. Maaaring totoo. Pero mayroon din kasing mga araw na nabubuwisit ako sa buhay ko. Hindi ako perpekto. At hindi ko lahat kinukwento dito.

Hindi ito madramang post. Promise. Gusto ko lang magsulat ng something na reflective. Bakit nga ba ako positibo sa pagtingin ko sa buhay? Dahil ba mahilig ako sa mga pelikula, na baka sakali magkakaroon din ako ng sarili kong happy ending. Maaari ngang keso ako. Pero, matanda na ako para malaman na ang kwento sa pelikula, ay hindi sa lahat ng tao nangyayari.

Pero ang di nawawala sa akin eh pag-asa. Kaya hindi ko nakakalimutan ang St. Jude, kasi kahit gaano ako kasuwail na anak, kagago na tao, at katarantadong Pilipino, binibless pa rin ako. Maganda ang trabaho ko. Mababait ang mga kaibigan ko. Hindi ako naghihirap. Hindi ako malungkot, at wala akong dahilan para malungkot.

May panahon na emo ako, at ang mga kasaama ko eh mga taong depressing kasama. Yung tipong walang ibang ikukwento sayo eh mga problema nila sa buhay. Hindi sila matutuwa sayo kung wala kang kinukuwentong nakakadepress. Hindi ka "in" kung hindi ka malungkot. Hindi ko na nakakausap ang mga taong iyon.

Ngayon, sumusunod na lang ako sa ihip ng hangin. Kung may problema, harapin. Ang mga yan dumarating para tayo ay matuto. At para tayo ay maging mas mabuting tao. May mga bagay na kahit siguro hanggang huli, eh uulit-ulitin ko. At merong mga taong darating na gagawin akong tanga. Pero ayus lang, dahil ang importante, sa huli pag babalikan ko na yung mga nangyari sa buhay ko... masasabi ko na naging makabuluhan ito.

Masaya ako.

Apr 7, 2009

DID YOU MISS ME?!

Nagbabalik ang inyong lingkod mula sa isang linggong self-imposed blog break. Medyo naghahanap lang ng inspirasyon para magsulat. Masyado na kasing napapadalas ang pagsusulat ko ngayon na nauubusan ako ng topic na ikukwento.

So kumusta naman ako? Eto, ayus lang, tumataba ulit. Napapasarap ang kain madalas, pero sabi ko dahil Holy Week ngayon, eh diet muna ako. Medyo matagal-tagal na rin akong natigil sa paggym. Lagi kasing puyat, kakagaling ko nga lang sa sakit, tama na muna yung pagurin yung sarili ko. Tsaka mainit... Dami ko excuses. Basta balik ehersisyo ako, paglipat namin ng building, kasi mas malaki gym dun.

Anyway, marami-rami rin akong ikukwento sa inyo, pero ayokong isang bagsakan lang syang isulat dito, dahil baka maubusan nanaman ako ng maibablog. Uunti-untiin natin. Sa ngayon, siguro ikukwento ko na lang ang mga pinaggagagawa ko habang ako'y naka break. Medyo marami rin kasi yun. Di mo aakalain na ako'y magiging productive na tao kapag walang pinoproblemang blog. Di ko kailangan mag multi-task. Mas focused sa trabaho. Masaya. May kulang, pero ayus naman.

So ano nga ba ang ginagawa ng mga taong naghahiatus? Isa-isahin natin:
  • Nagtatrabaho.
  • Isang buong araw na nagmovie-marathon.
  • Nagpakaadik sa Pet Society sa Facebook.
  • Nagreconnect sa mga dating kaibigan.
  • Nagtatrabaho.
  • Di sinipot ang paanyaya na makipag-inuman sa kaibigang matagal na di nakita.
  • Sumakit ang ulo kakapayo sa mga nagliligawan.
  • Nakakita ng bagong pagpapantasyahan... yiii kilig... hehehe
  • Telebabad.
  • Nagtatrabaho.
  • Buong araw nag Facebook.
  • Kumain ng kumain... ang sarap kumain.
  • Nag-iisip ng dahilan para hindi makasama sa company outing.
  • Gumawa ng paraan para maging aktibo ang sex life.
  • Naglaro ng Xbox.
  • Nagplano para sa Singapore trip next year.
  • Nagbabasa pa rin ng blog ng ibang mga tao.
  • Kinilala ang ilang mga kablog sa pamamagitan ng IM.
  • Nagtatrabaho.

Kitams, napakaproductive ko nitong nakaraang linggo. Pero syempre, dahil siguro naging parte ng sistema ko ang pagsusulat, medyo naramdaman kong parang may kulang. Kung alam niyo lang kung ilang beses ko ninais na magsulat ulit dito... Mahirap siya alisin eh. Therapy ko na ito. Pantanggal ng stress. Medyo masaya nga lang, kasi nitong linggo, nalaman kong meron din naman palang ibang magandang paraan para maglabas ng mga problema, di lang sa blog.