Apr 29, 2009

NAUNSYAMI

Noong Sabado, eh meron ako dapat lakad na hindi natuloy. In short naudlot na date.

Tawagin natin siyang Naunsyami...Itong si Naunsyami, matagal ko nang textmate at phone friend. Siguro, mga dalawang taon na. Pero sa buong panahon na kami eh magkakilala, ni minsan hindi pa kami nagkikita. Busy siya. Wala akong pera. Out-of-town siya. Naghihikahos ako sa hirap. Namatayan sila. May pera ako, pero tinatamad. Pwede na siya. May sakit ako. Malelate ako dumating. Nadukutan siya at di na matutuloy ang pagkikita. Wala siyang pasok sa trabaho. May iba ako kadate. Basta lahat na lang ng dahilan, para hindi lang kami magkita, nasabi na.

Iniisip ko din yung iniisip niyo. Senyales na yun na hindi talaga kami para sa isa't-isa kaya dapat tigilan na namin ang kahibangan namin na may pag-asa pa. Nakakasawa naman talaga. Pero kasi pag nag-uusap kami, nagkakagaanan kami ng loob. Marami kaming pagkakahalintulad. Mga pananaw sa buhay. Interes sa pelikula. Sa libro. Sa pagbablog. So kahit papaano, hindi mawala yung spark kumbaga.

Ayun, so hindi nga kami natuloy nung Sabado. Kaya nung Linggo, nag-usap kami. Siguro last ditch effort na. Kasi pareho naman kaming nakakahalata na na lagi na lang hindi natutuloy ang pagkikita namin. Nauubusan na rin ata kaming dalawa ng excuse para hindi magkita. Ayoko namang patayin pa yung mga nabubuhay kong kamag-anak magkaexcuse lang para di makipagkita. Karma ko na lang yun diba.

Hindi ko alam kung saan nagsimula yung usapan, pero nakarating kami sa topic ng kanyang ex. Apparently, meron siyang ex na mayaman. Gwapo. Mabait. Generous. Pinagpala. Anak ng Diyos. Kaperpektohan, ika nga. Ako naman, sige, mukhang gusto niyang pag-usapan so tahimik lang na nakikinig. Kinuwento niya kung paano sila nagkakilala. Paano niya sinagot si damuho. Ano tawagan nila sa isa't isa. Ano lagi nila pinag-aawayan. Bakit siya iniwan ng lalake. Kung paano nanuyo ulit yung gago. Buong history nila sa loob ng 45 minuto.

Okay lang sakin nung unang 5 minuto. Sa totoo lang. Nagtatanong pa nga ako eh. Pero parang suka na hindi mapigilan, kailangan niya talagang ilabas lahat. Sa isip-isip ko, hindi pa nakakamove-on itong si Naunsyami.

Kaya habang nagtatatalak siya, ako naman, nag-isip ng kung ano ang gagawin ko sa natitirang pera sa wallet ko. Bibili ba ako ng pizza? Idadagdag ko ba sa Emergency/Singapore fund ko? Yung cable bill ko ata di pa nababayaran? Napakain na ba yung aso? Bakit hindi na Linggo ang Private Practice sa Studio 23? In short ulit... hindi na ako interesado.

Gusto pa yata niya magkwento, pero nagutom ako. Kaya nagpaalam na ako. Iyon na yung sagot ko sa tanong ko sa loob ng dalawang taon. May pag-asa ba kaya na merong mas malalim na pagsasamahan kaming dalawa ni Naunsyami? Wala.

Mahirap makisiksik sa isang formula, kung kasali si x. Mahina pa naman ako sa Math. May punto sa relasyon na papasok talaga yon. Pero kung wala naman kayong relasyon, hindi worth ipaglaban, lalo na kung hindi pa kayo nagkikita, at alam mo nang wala kang laban.Matapos naming mag-usap ng gabing iyon. Binura ko yung numero niya. At nung huling nagtext siya, reply ko... "hu u?"

******

Emo ako ngayon... actually more like nababaliw. Minsan nakangiti. Minsan nakasimangot. Minsan naaasar. Ayos lang naman ako. Nothing to worry about... mental health ko lang siguro. Bilog ba ang buwan? Ewan ko, parang mas malala pa pakiramdam ko sa babaeng may tagos. Adik lang ako siguro. O dahil walang tulog.

Pagpasensyahan niyo na po. Pinanganak ako ng Pebrero. May kasabihan ang mga matatanda, ang mga taong pinanganak sa buwan na yon eh "kulang-kulang."

Iiwanan ko na lang kayo ng lyrics sa kantang Please Don't Stop The Rain ni James Morrison. Gusto ko sana ipost yung kanta. Wala lang ako mahanap online. Maganda yung message ng kanta. Basahin niyo na lang yung lyrics.

PLEASE DON'T STOP THE RAIN
James Morrison

I don't know where I crossed the line
Was it something that I said
Or didn't say this time

And I don't know if it's me or you
But I can see the skies are changing
In all the shades of blue
And I don't know which way it's gonna go

If it's gonna be a rainy day
There's nothing we can do to make it change
We can pray for sunny weather
But that won't stop the rain

Feeling like you got no place to run
I can be your shelter 'til it's done
We can make this last forever
So please don't stop the rain

(Let it fall, let it fall, let it fall)
Please don't stop the rain
(Let it fall, let it fall, let it fall)
Please don't stop the rain

I thought that time was on our side
I've put in far too many years
To let this pass us by

You see life is a crazy thing
There'll be good time and there'll be bad times
And everything in between
And I don't know which way it's gonna go

If it's gonna be a rainy day
There's nothing we can do to make it change
We can pray for sunny weather
But that won't stop the rain

Feeling like you got no place to run
I can be your shelter 'til it's done
We can make this last forever
So please don't stop the rain

(Let it fall, let it fall, let it fall)
Please don't stop the rain
(Let it fall, let it fall, let it fall)
Please don't stop the rain

Oh we're a little closer now
And finding what life's all about
Yeah I know you just can't stand it
When things don't go your way
But we've got no control over what happens anyway

If it's gonna be a rainy day
There's nothing we can do to make it change
We can pray for sunny weather
But that won't stop the rain

Feeling like you got no place to run
I can be your shelter 'til it's done
We can make this last forever
So please don't stop the rain

(Let it fall, let it fall, let it fall)
Please don't stop the rain
(Let it fall, let it fall, let it fall)
Please don't stop the rain
(Let it fall, let it fall, let it fall)

Can't stop it no, you can't stop it, just can't stop the rain
(Let it fall, let it fall, let it fall)
Let it fall, please don't stop the rain

33 comments:

  1. nakaka adik ka talaga gillboard..pero sa totoo lng, mahirap talagang yung relasyon ganyan..been there and done that na ako nyan..

    ReplyDelete
  2. Pagpasensyahan niyo na po. Pinanganak ako ng Pebrero. May kasabihan ang mga matatanda, ang mga taong pinanganak sa buwan na yon eh "kulang-kulang."***parekoy natawa ako dyan sa sinabi mo dahil PEBRERO din ako... hahaha medyo nakarelate ako sa post mong to... kulang2x? ang sagot ko lagi... moody lang... hahaha!

    ipasyal mo lang yan parekoy tanggal yan sigurado ako... :)

    ReplyDelete
  3. oh well, alam mo na kugn ano ang gusto kong sabihin.... napagusapan na natin toh kanina diba? hehehe
    basta kapit alng.. and kee bein positive..
    lam mo na un...
    ingat-ingats
    at next time ha...
    lam mo na yun

    ReplyDelete
  4. krisler: parang drugs lang ba? hehehe.. salamat sa iyong kumento..

    marco: hmmmm... di naman ako ganun kamoody... may topak lang talaga ako..

    yanah: opo... opo... at OPO!!!

    ReplyDelete
  5. Sa pagkakataong ito parekoy, sang-ayon ako sa desisyon mo. SOBRANG insensitive sa babae ang ginawa niya sa iyo.

    :)

    It's not worth it, and I'm glad you set yourself free.

    ReplyDelete
  6. mahirap tlga kaagaw ang x...
    mahirap idefine ang variable na x kya i think tma lang yung ginawa mo...

    better prevent the feelings than waste your time and cure it pag nagfall ka na ng todo....:)

    ReplyDelete
  7. "Mahirap makisiksik sa isang formula, kung kasali si x."

    tama ka gillboard... sana lang makamove-on na sya... besides.. madami kayong bagay na pinagkakasunduan... pano nyo i-cocompliment ang isa't isa eh perfect match ang dating nyo?

    mas ok siguro ung opposite poles... parang mas exciting ung ganun...

    ikain mo na lng ng pizza yan! lolz!

    ReplyDelete
  8. hindi ko alam na may mga ibig sabihin pa lang pag pinanganak ka sa isang buwan. hehehe...

    iniisip ko tuloy kung sino ang mga kaibigan kong pinanganak sa pebrero.

    relax lang gillboard. byahe kaya muna. ito lang lagi payo ko.

    ReplyDelete
  9. bat may kanta pa? haha ang emo..... sorry!!!! wala lang. medyo kakaiba e

    ReplyDelete
  10. ah ok. February ka RIN pala. kaya pala emo ka rin.

    ReplyDelete
  11. Laman tiyan din yun!
    lols

    hehehe..

    kahit kelan talaga parekoy, ganun na ganun ang mga babaeng nagpapapansin...

    baka nman may topak yun!?

    dapat alam nya na past is past at hindi na talaga dapat binubuhay ang mga kwentong patay...lols

    mabuti yun!
    wala na si naunsyami...

    hanap ka ulit ng iba parekoy...

    ReplyDelete
  12. inabot kayo ng dalawang taon na hindi pa nagkikita....tagal naman yan...cgro nga hindi tlga kayo para sa isat isa...

    ReplyDelete
  13. wala napasanadal at napangiti ako dito..from an OUTSIDE point of view- pareho ko kayong naintindihan..i could just imagine how hard to be in both situations:

    gillboard- Mahirap makisiksik sa isang formula, kung kasali si x..

    naunsyami- At nung huling nagtext siya, reply ko... "hu u?"

    Looking at it, siguro nga it's not meant to be..the turn of events could have brought the two of you to another version of ending:

    gillboard- Mahirap makisiksik sa isang formula, kung kasali si x..
    (pero sobrang importante siya so let me help her get out of that situation..i want to be there for her, she needs me..)

    naunsyami- At nung huling nagtext siya, reply ko... "hu u?"(what went wrong? bakit kaya ganito reply niya, i should apologize i might have been insensitive)

    Pero hindi naging ganito so malamang you two are better off without each other..

    sana kay naunsyami she''ll be able to free herself from the past..at sana na the next time you'll invest your time for a girl, mas maganda ang maging resulta :)

    ingat lagi.. :)

    ReplyDelete
  14. ayay. some things are not even worth the effort. ganun yata talaga minsan. LOL

    ReplyDelete
  15. joms: yep... 2 years din yun.. nakakapanghinayang lang kasi sayang yung load... hehehe

    jen: di naman siguro aabot dun... the fact na di kami nagkikita, malabo na mafall ako dun..

    ReplyDelete
  16. azel: even if makamove on si Naunsyami, i doubt na may pag-asa pa kami...

    the dong: di naman ako malungkot dahil sa nangyari.. inis pa nga ako.. hehehe..

    ReplyDelete
  17. flor: not related, right... gusto ko lang binabasa yung lyrics... maganda yung song eh..

    jin: di naman ako emo masyado... may topak lang siguro...

    ReplyDelete
  18. kosa: lamang tyan sana kung nagkita kami diba... eh wala eh... oh well...

    ilocano: yup... not meant to be...

    ReplyDelete
  19. elaine: ayako isipin na yun.. tapos na. move on na...iba naman.. hehehe

    tomato cafe: yeah... life sucks that way..

    ReplyDelete
  20. ano ba ang sasabihin ko...

    kasi naman eh pinipilit...baga dumugo hehehe

    mauubusan n nga kayo ng dahilan

    ReplyDelete
  21. Sa tingin ko hindi dapat ‘naunsyami’ ang pangalan nia. pag sinabi kasing naunsyami, may posibilidad na mangyari, kaso nga hindi. E sa situwasyon niyo, malayong magkaroon ng posibilidad na maging kayo. Kaya mabuti na nga at nag-move on ka na.hehe

    ReplyDelete
  22. mulongkis: kaya tinigilan na... hehehe... baka maging sakit sa ulo lang yun...

    badong: di rin naman kasi dapat magdwell sa kanya... la naman nabuo na foundation.. hehehe

    ReplyDelete
  23. natawa ako dun sa hu u. ang lupit mo! di ko ata kaya yun.

    ang dami pala talaga brokenhearted ngayon. sasama ka ba sa samahan?

    btw, meron ako mp3 ng please stop the rain. gusto mo?

    ReplyDelete
  24. grabe!!!

    kainsensitive na babae!!!

    sundo na reaksyon, paano kayo nagtagal ng 2 taong textmate!

    ReplyDelete
  25. Haha..nakarelate ako pare..yung tipong bored ka na sa pinagsasasabi nya..kung anu anu naiisip mo, wala ka manag maidahilan para pigilan ang napasarap nyang kwento...mabuti na lang pare at hindi kayo nagkatuluyan, dahil sa tingin ko hindi pa sya nakakarecover sa hiwalayan nila ng x nya. Kung interesado sya sa iyo..hindi sya paguusapan nyo..kung hindi ikaw, ikaw ang magkukwento ng buhay mo sa kanya..hindi yun gbuhay nila ng x nya...
    Pero ganda pare ng kwento mo..saludo talaga ako sa style mo ng pagkukwento, may drama, comedy at medyo may halong alam mo na...

    ReplyDelete
  26. Di nga siguro dapat kayong magkita...

    Di ko makita kung bilog na ang buwan, di ka rin naman mukhang kulang-kulang... para magka ganyan ka. Nasa sistema mo na talaga siguro, hahahaha! joke!

    "Hu u?" nyaaaaah! Ang lupit mo naman.

    ReplyDelete
  27. ay nako, as if you wanna know their love story!

    good job sa pagbura ng number nya! haha

    ReplyDelete
  28. the scud: di naman ako broken hearted... yep.. meron din ako sa mp3.. gusto ko sana ikabit sa blog ko yung kanta... la lang..

    ewwik: on and off na textmate lang.. tipong kada 3 mos... pag walang magawa, alala mo siya... di naman ako nagbubura ng number eh... hehehe

    ReplyDelete
  29. mokong: i don't know... siguro kahit magkita kami hindi rin kami magkakatuluyan.. salamat... i'll take that as a compliment..

    dylan: should've read the signs ika nga... siguro nga nasa sistema ko na to... sana matanggal na siya.. hehe

    chyng: exactly... nung una, kasi la naman mapagusapan, ok lang. pero oa na yung ikwento yung buong lab story na nila.. hay..

    ReplyDelete
  30. hanep na post to. sinabayan pa ng BG music.

    me kaibigan din ako sa txt. mahigit 2 yrs na actually, pero hanggang ngaun hindi pa din kami nagkikita.

    ReplyDelete
  31. Pinabilib mo ako kaibigan sa 2 taong pagtitiis sa pag-asang magkakatuluyan ang pag-ibig na pinangarap. subali't minsan ang pag-ibig ay mailap, at kadalasan kung saan saan natin hinahanap, na di natin alintana ay nasa ating harapan. Iyan ang hiwaga ng pag-ibig.

    ReplyDelete
  32. May kaganyanan din ako. Kachat naman. Halos isang taon pero sabi nga sa kasabihan at kanta ni Rico Blanco "Kung gusto, may paraan. Kung ayaw ay palaging merong dahilan"
    Siguro nga talagang di ka na interesado at mukha ngang into her X pa si Naunsyami. :)

    ReplyDelete
  33. sa tingin ko lang, kung inilaan kayo sa isa't isa o kung sadyang nasa kapalaran mo na magkaroon kayo ng relasyon noon pa nangyari yun. halos dalawang taon na rin kayo nagkakausap at marahil ay mas mganda kung friendship na lang ang nabuo. hehehe!

    may plano kang pumunta ng Singapore? pag need mo ng travel tip timbrehan mo ko. resident na ko dito :D

    ReplyDelete