Apr 10, 2009

REPLEKSYON

This day is meant to be a day for reflection. Panahon para magnilay-nilay at alalahanin lahat ng ginawa para sa atin ng Panginoon. Di ako magsusulat ng kahit ano tungkol sa religion, kasi sa tingin ko, it's just hypocritical. Hindi ako nagsisimba tuwing linggo. Nagdadasal lang ako kapag may kailangan ako at pagkatapos kong makuha ito. Kaya kung anumang lalabas sa bibig ko, pawang kasinungalingan at kaplastikan.

Pero, totoong nakapag-isip ako. Mayroong nagsasabing maganda ang paningin ko sa buhay. Optimistic. Maaaring totoo. Pero mayroon din kasing mga araw na nabubuwisit ako sa buhay ko. Hindi ako perpekto. At hindi ko lahat kinukwento dito.

Hindi ito madramang post. Promise. Gusto ko lang magsulat ng something na reflective. Bakit nga ba ako positibo sa pagtingin ko sa buhay? Dahil ba mahilig ako sa mga pelikula, na baka sakali magkakaroon din ako ng sarili kong happy ending. Maaari ngang keso ako. Pero, matanda na ako para malaman na ang kwento sa pelikula, ay hindi sa lahat ng tao nangyayari.

Pero ang di nawawala sa akin eh pag-asa. Kaya hindi ko nakakalimutan ang St. Jude, kasi kahit gaano ako kasuwail na anak, kagago na tao, at katarantadong Pilipino, binibless pa rin ako. Maganda ang trabaho ko. Mababait ang mga kaibigan ko. Hindi ako naghihirap. Hindi ako malungkot, at wala akong dahilan para malungkot.

May panahon na emo ako, at ang mga kasaama ko eh mga taong depressing kasama. Yung tipong walang ibang ikukwento sayo eh mga problema nila sa buhay. Hindi sila matutuwa sayo kung wala kang kinukuwentong nakakadepress. Hindi ka "in" kung hindi ka malungkot. Hindi ko na nakakausap ang mga taong iyon.

Ngayon, sumusunod na lang ako sa ihip ng hangin. Kung may problema, harapin. Ang mga yan dumarating para tayo ay matuto. At para tayo ay maging mas mabuting tao. May mga bagay na kahit siguro hanggang huli, eh uulit-ulitin ko. At merong mga taong darating na gagawin akong tanga. Pero ayus lang, dahil ang importante, sa huli pag babalikan ko na yung mga nangyari sa buhay ko... masasabi ko na naging makabuluhan ito.

Masaya ako.

15 comments:

  1. Galing na post pareng Gilbert. Magaling na attitude ang maging positive thinker. Lahat ng problema ay may solution, so dapat lang nating harapin ito at gaya ng sabi mo, dumarating ang mga ito para matuto tayo.

    ReplyDelete
  2. Susubukan kong magkaroon ng ganyang pananaw sa buhay. Madalas kapag reflection ang pag-uusapan, lagi kong naiisip ang mga missed opportunities na dumaan sa buhay ko. :)

    ReplyDelete
  3. Pare ito lang masasabi ko..pareho tayo ng pag-iisip at pananaw sa buhay!!!

    ReplyDelete
  4. minsan talaga kelangan nating mag-reflect. para malaman natin ang importance ng mga bagay sa paligid natin at mga bagay na ginawa natin noong nakaraang panahon.

    good thing, hindi ka nakakalimot magdasal... malaking factor un sa buhay ng tao.. ang power ng prayers!

    happy easter!

    ReplyDelete
  5. Maging ano man ang mga pangyayaring dumadaan sa ating buhay, lagi lang nating iisipin na may idudulot itong maganda sa atin.

    ReplyDelete
  6. ganyan dapat pananaw natin sa buhay. be positive. think of the glass alway as half-full and not half-empty.

    at dapat maging maligaya tayo kasi we get to live only once. im also going through tough times but i wont blog about it. hehe.

    happy easter!

    ReplyDelete
  7. ang sa'kin naman don't look at the glass either half full or half empty but rather an opportunity to fill.

    tama yan mga sandaling pagninilay nilay. maraming babalikan at maraming natututunan.

    nice way of thinking!

    good day!

    ReplyDelete
  8. Hello Gilbert dito naman ako. Alam ko di ka mahilig sa tag pero you're always remembered. :-)

    Visit this link: http://roncentenowordstoremember.blogspot.com/2009/04/thank-you-david-funk.html

    ReplyDelete
  9. Ito ang magandang repleksyon.. Nakakainis lang may mga taong nabubuhay ng matindi sa kalungkutan dala ng problema sa buhay. Anu naman mapapala nila dun di ba? Bukod sa papangit sila eh mas lalo pang tatanda ang hitsura. Nyahaha!

    Kung ihahalintulad natin ang buhay natin sa isang pelikula siguraduhin natin kung sino ang nagpapatakbo ng buhay natin, ang DIREKTOR. ;)

    Cheers Gill!

    ReplyDelete
  10. happy easter na lang dude. tulog mo na lang yan.

    hehe. good post. tambay ka naman sa blog ko.

    ReplyDelete
  11. sapul na sapol. Swak tayo dito. Hindi tayo dapat malungkot dahil walang dahilan para malungkot. God is great! di Niya tayo pinababayaan.
    Happy Easter Monday!

    ReplyDelete
  12. we should really be thankful for each day that we're given, both the easy and the hard ones.

    happy easter kuya gillboard. :D

    ReplyDelete
  13. May I share something, related naman sa post mo pareng Gilbert.

    As long as there is a meaning sa buhay mo, you will want to live. And that meaning is rooted in your relationship.

    See, madame ka nyan. Ang gaganda pa nga ng pamilya mo eh! :D

    ReplyDelete
  14. bait nga ng panginoon. kahit kung minsan daming mong pagkakamali pero nandyan pa rin siya.

    happy easter!

    ReplyDelete