Apr 7, 2009

DID YOU MISS ME?!

Nagbabalik ang inyong lingkod mula sa isang linggong self-imposed blog break. Medyo naghahanap lang ng inspirasyon para magsulat. Masyado na kasing napapadalas ang pagsusulat ko ngayon na nauubusan ako ng topic na ikukwento.

So kumusta naman ako? Eto, ayus lang, tumataba ulit. Napapasarap ang kain madalas, pero sabi ko dahil Holy Week ngayon, eh diet muna ako. Medyo matagal-tagal na rin akong natigil sa paggym. Lagi kasing puyat, kakagaling ko nga lang sa sakit, tama na muna yung pagurin yung sarili ko. Tsaka mainit... Dami ko excuses. Basta balik ehersisyo ako, paglipat namin ng building, kasi mas malaki gym dun.

Anyway, marami-rami rin akong ikukwento sa inyo, pero ayokong isang bagsakan lang syang isulat dito, dahil baka maubusan nanaman ako ng maibablog. Uunti-untiin natin. Sa ngayon, siguro ikukwento ko na lang ang mga pinaggagagawa ko habang ako'y naka break. Medyo marami rin kasi yun. Di mo aakalain na ako'y magiging productive na tao kapag walang pinoproblemang blog. Di ko kailangan mag multi-task. Mas focused sa trabaho. Masaya. May kulang, pero ayus naman.

So ano nga ba ang ginagawa ng mga taong naghahiatus? Isa-isahin natin:
  • Nagtatrabaho.
  • Isang buong araw na nagmovie-marathon.
  • Nagpakaadik sa Pet Society sa Facebook.
  • Nagreconnect sa mga dating kaibigan.
  • Nagtatrabaho.
  • Di sinipot ang paanyaya na makipag-inuman sa kaibigang matagal na di nakita.
  • Sumakit ang ulo kakapayo sa mga nagliligawan.
  • Nakakita ng bagong pagpapantasyahan... yiii kilig... hehehe
  • Telebabad.
  • Nagtatrabaho.
  • Buong araw nag Facebook.
  • Kumain ng kumain... ang sarap kumain.
  • Nag-iisip ng dahilan para hindi makasama sa company outing.
  • Gumawa ng paraan para maging aktibo ang sex life.
  • Naglaro ng Xbox.
  • Nagplano para sa Singapore trip next year.
  • Nagbabasa pa rin ng blog ng ibang mga tao.
  • Kinilala ang ilang mga kablog sa pamamagitan ng IM.
  • Nagtatrabaho.

Kitams, napakaproductive ko nitong nakaraang linggo. Pero syempre, dahil siguro naging parte ng sistema ko ang pagsusulat, medyo naramdaman kong parang may kulang. Kung alam niyo lang kung ilang beses ko ninais na magsulat ulit dito... Mahirap siya alisin eh. Therapy ko na ito. Pantanggal ng stress. Medyo masaya nga lang, kasi nitong linggo, nalaman kong meron din naman palang ibang magandang paraan para maglabas ng mga problema, di lang sa blog.

31 comments:

  1. ahhhh
    ganun pala ang ginagawa ng mga taong naghahiatus..lols
    nagtatrabaho...
    nagtatrabaho...
    nagtatrabaho...
    at
    madami pa..lol

    pero astig..

    ReplyDelete
  2. oo nga noh.. nakageneralize siya... hahahah... sa mundo ni gillboard lang naman yan...

    ReplyDelete
  3. Hey Gilbert!

    Namiss ka namen dito ha. Sabe ko nga, di ako makapaniwalang busy ka jan! May pasok ka din ba?

    ReplyDelete
  4. oo til thursday... pero lang pasok hopefully (pag pinayagan leave ko) til tuesday!!! hehehe... di ko nga lang alam pa gagawin ko... hehehe

    ReplyDelete
  5. ang dami palang ginagawa pag naghahiatus... ganon pala yon...

    ReplyDelete
  6. Good fo you pareng Gilbert. Paminsanminsan kailangan nating mag recharge. Ako nga, hectic, napapabayaan ko yung blogs ko and have not been blog hopping as much.

    May you have a blessed Holy Week and a Happy Easter!

    ReplyDelete
  7. marco: actually, depende sa naghahiatus yan... pero generally, oo... hehehe

    ron: siguro, di mawawala sakin pagbloghop... yun lang ang paraan para makakita ng mga interesanteng panulat eh... hehehe

    Blessed Holy Week and Happy Easter to you too...

    ReplyDelete
  8. Napaka-productive nga. Sobra. Wahahah!

    Excuses excuses...

    ReplyDelete
  9. "Nagplano para sa Singapore trip next year."

    exciting 'to! hehehe.

    ReplyDelete
  10. dylan: uy accomplishment yan.. on a normal week, trabaho lang laman ng listahan na yan.. hehee

    eben: yep... pagnakarating ako dun... papalibre ako sa'yo... hahaha... tsaka sa lahat ng kilala kong blogger sa Sing...

    ReplyDelete
  11. kaya dapat talagang balansehin ang trabaho at blog. kakatuwa yung listahan dahil makikita mong dami ka din pala talagang magagawa.

    have a blessed week ahead.

    ReplyDelete
  12. Pare nakakarelate ako sa iyo...lalo na yung pet sociaty s afacebook...libangan ko rin yan sa bahay pag wala ng mabasang blog.
    Have a blessed holy week sa iyo pareng gillboard!!!

    ReplyDelete
  13. the dong: actually, i think kahit may blog, kaya ko gawin.. hehehe.. medyo nataon lang na maraming activities last week... summer na kasi

    mokong: onga eh... yaman mo na dun... laki na ng bahay mo tsaka dami gamit... di halatang adik ka dun

    ReplyDelete
  14. ahhh..
    kala ko kasi pag nagha-hiatus nagtutulog lang maghapon...nyahahha..joke

    pero infainess,.
    nagawa mong maging productive sa loob ng isang linggo..isa itong ACCOMPLISHMENT..:)

    ReplyDelete
  15. maligayang pagbabalik sa atin..hehehehe!

    kumusta naman ang pagpapataba mo?

    oo nah.. namiss ka namin! sulat lng ng sulat... sana this time may inspiration na.

    ReplyDelete
  16. jen: sabi ng kaibigan ko... kaya daw sa isang araw lahat ng ginawa ko... tablado nanaman ako.. waaaah...

    azel: meron na naman... konti.. hahaha... di, hindi na siguro kasing dalas na katulad ng dati, pero regular pa rin akong magsusulat... kelangan ng utak ng pahinga...

    ReplyDelete
  17. buti ka nga nakakapag unwind ka. ako sobrang burnt na dito hindi ko naman alam mga paglilibangan ko dahil boring akong tao. kasi ba naman mag organize ka ng meet-ups natin. ehhe!

    ReplyDelete
  18. jin: sumama ka na lang sa iblog5 next month.. join ako dun.. tas may 2 pa akong kilala dun na sama rin..

    ReplyDelete
  19. ang sipag ha.. ang tumatak lang sa isip ko ay ung "Nagtrabaho." 4 na beses mo ba namang banggitin.
    Oo na.. magtatrabaho na din ako, parang pinaringgan mo lang ako.

    ReplyDelete
  20. edsie: uy... wala naman ako pinariringgan... hehehe... yun lang talaga ginawa ko nung buong linggo...

    ReplyDelete
  21. don't ever stop writing ur thoughts..if you will, who will record the event of yesterday?

    I'm back. Read ulit ako post mo!

    ReplyDelete
  22. wow.productive nga! at least nkahanap ka ng oras para gumawa ng ibang bagay bukod sa pagtatrabaho. hehe.

    ReplyDelete
  23. adik rin kapatid ko sa pet society!! ano kayang meron, ma-try nga

    ReplyDelete
  24. Hahahahhahaha haba! hmmm pero mas ineresado ako kung ano pa yung ibang magandang paraan para maglabas ng mga problema... jejejejejjeje

    ReplyDelete
  25. ei kuya gill. baka mamaya na offend ka sa comment ko ah. wala po iyon.

    ReplyDelete
  26. lyk meeh: errr.. welcome back na lang... hehehe

    badong: ganyan talaga pag walang pera.. hanap ng ibang magagawa nang di gumagastos.

    kcatwoman: wala lang.. natutuwa lang ako sa alaga ko dun.. kahit la sya kwenta..

    ReplyDelete
  27. xprosaic: magblog ng magblog... nakakalabas ng tensyon yun... tsaka magsisigaw sa bukid habang tumatakbo sa gitna ng hatinggabi.. nakakabawas ng problema yun ;p

    jinjiruks: di naman ako naooffend kahit san.. ok lang ako.. busy lang talaga.. tsaka la time and resources para mag-organize ng kahit ano...

    ReplyDelete
  28. hahaha! at ano yung mga naisip mong paraan para maging aktibo ang sex life? ibang post ba yun? =)

    ReplyDelete
  29. gaya ng fasting na nakakaboost pala ng immune system... sa hiatus may matutuklasan ka din... theres more to life than blogging... hindi lang nga kasing dami ng trabaho mo... pahinga ka naman talaga... payaman ka ng payaman...

    ReplyDelete
  30. gravity: nakapost na yun... sa ibang blog... hahahaha

    rens: buti sana kung yumayaman ako kakakayod...

    ReplyDelete
  31. buong araw nag facebook? lupit ah. ako hindi ko pa yan nasusubukan. kakatuwang malaman na nakabalik ka na.

    ReplyDelete