Ang keso no? Pero bago kayo mag-isip ng kung ano pa man... hindi po ako inlove... wala akong inspiration ngayon. Natanggap ko lang na nasa sistema ko na talaga na may pagkakeso talaga ang pagkatao ko. Wala naman masama, sabi nga ni Ate Utakmunggo, mas gusto ng mga babae ang mga taong keso sa mga taong emo.
Wala nanaman akong tulog. Dala lang lahat ito ng pagiging insomniac ko. Pero ayus na rin yun, at least kahit papaano eh bumabalik ang mojo ko sa pagsusulat.
Anyway, balik sa topic. Hindi naman, dahil sa nag-eenjoy ako sa pagiging single ko, eh ayaw ko na maging kalahati ng 2 pusong nagmamahalan. Time will come na iibig din ako, at may magmamahal din sa akin, might as well start na ipakita kung paano ako magmahal diba.
Again... sisihin ninyo ang pagiging insomniac ko.
- Pag nagmamahal ka hindi ka tatamarin magtrabaho. Instead, mas lalo kang magsisipag kasi nagpaplano ka na para sa kinabukasan niyo.
- Hindi kailangan na alam mo kung ano ginagawa niya sa kasalukuyan, kung kumain na siya o nasaan siya ngayon. Ang importante, malaman mo kung naging maganda ba ang araw niya. At kung hindi, eh ano ang magagawa mo para mapagaan ito.
- Tanggap mo na pango ang ilong niya, pike ang mga paa, mataba, kulot, bungi at wala kang hihilingin na baguhin sa kanya. Kasi hindi naman sa pisikal mo siya nagustuhan kundi sa maganda niyang kalooban.
- Pag may darating na pagsubok, hindi mo iisipin na bumigay kaagad. Siya ay lalo mo pang sasamahan at dadamayan. Hindi magbabago pagtingin mo sa kanya, bagkus pagkatapos ng lahat, lalo pa kayong magiging malapit sa isa't-isa.
- Kahit wala sa sistema mo ang mga hilig niya, aalamin mo, kasi alam mong iyon ang gusto niya. At mapapaligaya mo siya kapag magkasama kayong gagawin yung mga hilig niya.
- Alam mong hindi ka marunong magsayaw, pero pag magkasama kayo, makakapagsayaw ka, kahit walang musika kasi kasama mo siya.
- Kahit di kayo nag-uusap, basta magkahawak lang kayo ng kamay, kumpleto na ang araw mo, at sa gabi pipikit ka ng may ngiti sa'yong mukha.
may tunay na pag-ibig nga kaya?
ReplyDeleteyun ang napakalaking misteryo sa mundo... yung tipong kapag nawala yung mahal mo eh magpapakamatay ka..(tulad sa mga pelikula..lol)
pero yung mga binanggit mo parekoy eh parang napakairap i-sustain.. pwede siguro once inawhile pero kung palagi eh mababangenge ka... lalo na yung pangatlo....
wow, mahusay Gilbert! at mas nagusuhan ko nga tong basahin kesa ang mga emo post!
ReplyDelete@kosa, merong binigay na book ang siang blogger saken. "Para kay B" sa 5 iibig, 4 daw dun ay mabibigo. Binasa ko nga eh. hehe Patola!
kosa: meron naman siguro... di ako dapat sumagot niyan.. at wala pa akong nahahanap na ganun... lolz
ReplyDeletechyng: di ko pa yun nababasa.. pahiram!!!
galing nga pagkasulat. imposibleng walang inspirasyon ito. hehehe...
ReplyDeletedami tuloy maghahanap ng espesyal na kaibigan ang mga readers dito.
mas ok nga ang keso kaysa emo.
DISCLAIMER:
ReplyDeleteNakalimutan kong isulat sa post... hindi po ako nagfifeeling na kasinghusay ni Ginoong Ong sa pagsusulat. Nailagay ko lang yun, kasi medyo associated yung mga panulat niya sa mga kwentong keso... kaya yun yung naisip kong titulo. Alam ko sobrang dami ko pang kakaining gulay bago maihalintulad dun sa manunulat.
inlab ka nga! hahaha!
ReplyDeletethe dong: yung inspirasyon ko... insomnia!!!
ReplyDeletejoshmarie: hindi ako inlab... in hate nga ako ngayon eh... hehehe
inspired maging in-love? hindi..in-love ka talaga. ang kulit. hehe
ReplyDelete@chyng
nabasa ko rin yung 'para kay b'. nakaktuwa siya. dapat basahin din yun ng lahat.
Pare... tama sila inlove ka nga...hindi nga lang sa tao..baka sa ibang bagay. hehe!
ReplyDeletebadong: talagang mas kilala niyo pa talaga ako ha... hehehe... di ako in love!!!
ReplyDeletemokong: hala... sa engkanto?! lolz!!!
in short...mas ok pa rin maging single..hehe...
ReplyDeletemay konek ba ito dun sa hinihintay mo na hindi naman dapat hintayin? hehehe.
ReplyDeletelove knows no reason...
ReplyDeletesabi nga diba pag nagkaron ka ng isang sagot sa tanong na "bakit mo sya mahal"... ang kakulangan sa sagot mo ang magiging dahilan naman kung bakit ayaw mo na syang mahalin...
kaya mabuti pang hindi mo alam ang reason bakit ka nagmamahal!
keso time na naman... tulog mo yan uy!
keep on writing... and inspiring...
jen: korek!!! di naman tayo sounding bitter? hehehe
ReplyDeleteeben: joke lang yun... hahaha... sikreto...
azel: kung kaya ko lang itulog... gagawin ko!!! inaantok na ako!!!
love will always be the most compelling of all human emotions. :p
ReplyDeleteNice post Gillboard, napatunayan mong may magandang dulot din ang pagiging insomniac.
ReplyDeleteTotoo 'tong mga nasa listahan mo. Tama ka. Nakalimutan mo lang isaad ang pagkakaroon ng tigyawat sa ilong at ganun din ang pananatiling gising buong magdamag (yun ba yung tinatawag na insomniac?).Hehe.Huwag kang mag-alala naniniwala akong hindi ka inlove. Sabi mo e...
Nice post! Get enough sleep. ;)
err hindi mo naman kailangang magpa-impress sa iba when it comes to blogging basta kung ano ang nasa puso mo iyon ang isulat mo. ^^;
ReplyDeletewahaha. tama na nga yang entry na yan. president na ako ng singles club sa chapter namin.
len: amen.
ReplyDeleteiriz: salamat at may naniwala din... hahaha..
jin: wala lang.. la kasi ako maisip na isulat.. hehe
Talaga bang di ka in love???
ReplyDeleteHAng sweat naman..ahaha!
Ibang klase dala ng insomnia sa'yo ah.. Parang di halatang in hate ka! lolz
Ako may times feeling ko in love ako, pero di sa tao, sa kanta siguro o sa isang sitwasyon na nakita ko o nakapag inspire sa kin para magmukhang in love, nyahahaha!
Kung pupunta ka sa Summit malamang magkita tayo, sana makapag -invite ka ng ilang blogger na parehong nasa list natin na nandito.. Well, kung sigurado tayo.. wehehehe
Cheers Gill!
wow inlab!
ReplyDeleteNice naman Gill...
ReplyDeleteHehe :) Sana naman ay hindi na mawala iyang nasa utak mo.
Hehe :)
mushy but cool :)
ReplyDeleteang sarap pakinggan yung mga ganitong usapin pag guys na ang nagsasalita. di kasi lahat ng lalaki eh expressive. ewan ko ba kung bakit parang may fear sila na i-express ang kanilang emosyon.
this is nice :)
gusto ko yung huli. :-) nag uusap sa katahimikan. tama ba communicate in silence?
ReplyDelete"Alam mong hindi ka marunong magsayaw, pero pag magkasama kayo, makakapagsayaw ka, kahit walang musika kasi kasama mo siya."
ReplyDeleteayos to...ang kanyang tinig ang nagsisilbing musila XD LOL
dylan: siguro ganyan din ang feeling ko... in love sa kanta... hehehe... pero di talaga eh...
ReplyDeleteallen: again... hindi po..
richard: sana rin... kahit yung insomnia lang yung mawala... pwede na...
ReplyDeleteenjoy: kasi takot kami mabasted!!!
mksurf8: yes. naisip ko yan last sunday. nung nakita namin yung mag-asawa na nagbabasa ng dyaryo habang nagkakape. la lang.. kakatuwa.
ReplyDeleteled: why not...
Tama ka Gillboard, you love a person for what she is and not for what you want her to be, kaya nga favorite ko ang kanta ni Billy Joel na "The Way You Are".
ReplyDeletePurihin ka kaibigan.
Ang keso-keso nga. Ingat baka matunaw ka!
ReplyDeletemay quote din ako... "gusto ko din kung pano nya ko tingnan, parang kinakain nya ko"
ReplyDelete--ced
hihihi!
malapit ko na ulit maramdaman ang mga yan! hihihi.
at hopeless romantic... masama ba yun?
Magandang umaga, may hatid ko ay isang munting award, pakikuha na lang accross the Arabian Gulf, nawa'y pagdamutan mo ito.
ReplyDelete"Kahit di kayo nag-uusap, basta magkahawak lang kayo ng kamay, kumpleto na ang araw mo, at sa gabi pipikit ka ng may ngiti sa'yong mukha."
ReplyDelete--> ang keso nito pero totoo...
pre add mo ko sa link mo..tnx...
ReplyDeletemasarap ma-inlab gillboard. kahit may mga LQ paminsan-minsan ayos pa din. isang smile lang. o isang smack. o squeeze ng kamay while holding hands. sapat na ang isa sa mga yun to make your day worthwhile.
ReplyDelete