Apr 14, 2009

DOWNER

I'm not writing again as much as I want because this time, I feel I'm too much of a downer. Ironic, because my previous post, I said that I am happy. Masaya naman ako ngayon, it's just that feeling ko may kulang. Di ako nagpapakaemo, at hindi ako naghahanap ng syota. That's not the reason I'm feeling sad at the moment.

The truth is, hindi ko talaga alam. Di ko mapinpoint kung ano yung problema. HIndi ako lonely. Di rin ako longing na magkasyota. My job is all fine. Marami nang ginagawa, pero ayos lang.. it's work.

I spoke with a friend the other day, tapos may nasabi siya sa akin that made me realize something. It could be the reason. Actually, marami akong naisip na dahilan kung bakit hindi tama pakiramdam ko ngayon... Bare with me...

  1. Mainit masyado. Naaapektuhan katinuan ng pag-iisip ko ng sobrang init.
  2. Nalulungkot ako't patapos na ang 5-day vacation ko, at wala akong masyadong nagawang exciting.
  3. Bored na bored ako sa buhay ko...
  4. Sabi ng kaibigan ko, I'm a nice guy... it might mean that I'm a doormat.
  5. Nahawahan ako ng depression ng nabanggit na kaibigan dahil hindi sila nagkatuluyan nung babaeng inireto ko sa kanya.
  6. Isa lang ang set of friends ko.
  7. 17 episodes lang yung binili kong DVD ng season 2 ng Gossip Girl.
  8. 3 araw na akong hindi nakakapaglaro ng Pet Society at Restaurant City.
  9. Babalik na ako sa trabaho mamaya.
  10. Tumataba ako.
  11. Nanuod ako ng T2 at hindi ako masyadong natakot dun sa pelikula.
  12. Hindi ako nakapag-out-of-town noong long weekend.
  13. Maaaring dahil wala akong masyadong ginagawa nung nakalipas na mga araw, kaya nakapag-isip ako.
Ang babaw noh? Hindi naman talaga ako sobrang depressed. Ok naman ako. Medyo feeling ko lang na parang may kulang. Hindi ko alam. Hay. Lilipas din ito.

32 comments:

  1. hmmmmm..
    may time talaga na dumarating sa isang tao ang ganyang feeling nasa tingin ntin halos ok nman na ang lahat wala ng dahilan pra maging sad or empty yung life, pero minsan feel pa rin ntin na di tyo kontento, di masaya, na para laging me kulang.. kung ano man yon alam ntin na sarili lng ntin ang makahanap ng sagot.

    have a good day :)

    ReplyDelete
  2. Hays, sayang naman yung bakasyon mo, well at least nakapag pahinga ka ng ilang araw sa trabaho.. Hehe

    Ok lang yan lilipas din yan.. Pero dapat bang nakakatakot yung T2?
    lolz

    Dylan D

    ReplyDelete
  3. dapat ma-overcome mo yan... sigurado after that sudden emptiness... eh magiging ok ang lahat...

    i suggest, mag-out of town ka kaya... para masaya....

    ReplyDelete
  4. 14. kulang sa tulog
    15. kulang sa sex
    16. kulang sa toma

    hehe....chill ka lang. may katapusan ang lahat! ;-)

    verif: baren
    (tigang daw!)

    ReplyDelete
  5. Hahahahhaha ayos yung 4 ah! Jijijijiji anong gossip girl?! Tamang tama yun comment ni MkSurf8...Sang-ayon ako dun! jijijijiji


    Word verif: Buchi---> baka din gutom lang yan...kain tayo! jijijijij

    ReplyDelete
  6. Pare...isang malamig na san mig light, tamang tulog at panglipas ng init at li*** ng katawan... hehe

    Minsan ganyan din ako, hindi naman ako kulang sa tulog, nasobrahan pa nga sa alak kaya nagka-gallstone..jijijiji..at lalo namang hindi kulang sa sex.

    Minsan talaga ganyan ang mood ng tao. Yaan mo..tama nga sila lilipas din yan.

    Maganda pare yung gossip girl..favorite yun ni misis ng 2 kong kapatid na babae, wala pang complete season nun kaya hindi ko pa rin napapanood yung season 2 nyan. Ako naman nabwisit sa nabili kong 24 season 7 dahil 6 episodes lang ang laman nadaya ako pare, 24 episodes yun kaso per episodes hinati sa apat na chapter sa menu... mas badtrip ako tol kaya tahan na...inuman na lang tayo pag magaling na ako..okay ba? jiijiji

    ReplyDelete
  7. kulang sa musika lang yan pre..hehehehehe


    soundtrip mo lang yan....lolz..

    ReplyDelete
  8. angel: i think lilipas din to. the good thing now is i'm occupied with work again. so may distraction.

    dylan: akala ko kasi horror na hardcore siya. Maganda naman, inexpect ko lang na matakot ako... di lang nangyari.

    ReplyDelete
  9. azel: sasama na nga lang ako next week sa team outing eh.. mapipilitan, pero okay lang...

    mksurf8: di ko problema ang 14 at 16. at yung 15 hindi pinuproblema yan!!! hahahaha

    at di ako baren!!! lolz

    ReplyDelete
  10. xprosiac: palabas lang sa tv na pangteen-ager. Guilty pleasure ko lang yun... hehehe

    mokong: hindi ako tigang!!! hay... tsaka kaya lang ako bumili ng dvd nun, kasi medyo nabored ako nung lunes... nabitin lang ako..

    pajay: maaari... di rin ako nakakapagsoundtrip buong bakasyon ko...

    ReplyDelete
  11. gustong gusto kong ideny na hindi ako nakakarelate, pero pwamis hindi ako makailag! tsktsk!

    relate na relate ako! huhuhu

    ReplyDelete
  12. anu ba sinabi ni Kaibigan at anu yung narealize mo? lols
    pasensya na...epal lang...

    teka, alam ko to parekoy, baka naman SIGN OF AGING na to? lols joke...
    cool ka lang....

    ReplyDelete
  13. ako din bored na bored. weird kasi gala naman ako ng gala.. haaay!

    huy, naninibago ako ah, di ka dumadalaw sa blog ko.)

    ReplyDelete
  14. ewwik: depressed ka din... sabi ng iba dito, tigang lang daw yan.. hehehe

    kosa: #4. Wala lang, baka sa sobrang kabaitan ko, eh nagiging doormat na ako... pushover baga...

    chyng: pasensya naman, di talaga ako nakakapagbloghop sa bahay... sa office ko gawain yun ngayon...uncomfortable yung upuan ko sa bahay kaya di ako makatagal sa internet...

    ReplyDelete
  15. hala, lituhin ka na. magulo ba pagkakawento ko sa singsing? haha

    ReplyDelete
  16. ahhhh yun ba? lols
    sinungaling yung kaibigan mo(joke joke!)
    tapos ano ang narealize?

    ehehe.. oks lang yan parekoy..sabi nga ni Pajay, i-soundtrip mo!
    sabayan mo ng SML at iyak sabay lupasay..lols

    ReplyDelete
  17. Ganon din ako minsan pero ang ginagawa ko umaalis ako ng bahay at lilibangin ang sarili... tama ka nga, lilipas din yan Gillboard!

    ReplyDelete
  18. tingin ko dahil lang yan sa hindi ka natakot sa T2. hehehe... cheer up gillboard.

    biyahe muna.

    ReplyDelete
  19. Normal lang paminsan minsan ang makaramdam ng panadaliang depression, pero ang mag-stay sa ganyang sitwasyon - hindi na healthy. Baka matulad ka sa isang blogger dito na super emo at parang suicidal...Ahahaha! Palagay ko hindi ka naman ganun..

    Iwasan mo lang ang mga taong pessimist.. Nakakahawa sila.

    Mas maganda sigurong i overcome mo ang feeling na yan kasi may tendency na magtagal yan, mahirap yun.. Galing na kasi ako sa situation ganyan. Ang bigat. Parang walang kwenta buhay.. But, life is too short to feel miserable..

    Enjoy! ;D

    Dimaubusang Dylan

    ReplyDelete
  20. hindi ako makailag, tinamaan ako sa post mo kuya gillboard. hehehe.

    yaan mo't lilipas din yan.

    ReplyDelete
  21. sayang naman 5-day vacation leave mo. Sana nag out of town trip ka.hehehe.

    Update mo kami kapag masaya ka na uli. hehehe

    Be happy!

    ReplyDelete
  22. baka overthinking lang yan...
    kaya mukhang may kulang ang wala naman talaga...
    pati tuloy ako napaisip kung may kulang din sa buhay ko...
    sana lumipas na yan...
    be contented...!
    be satisfied...
    less is more...
    be happy...
    hope that helps!

    ReplyDelete
  23. kung kulang nga ang DVD ng Gossip Girl kakalungkot nga yun! hehehe!
    cheer up bro, life is fun, tama na emo.

    ReplyDelete
  24. Huling beses kong sinabi na bored ako sa buhay ko, bumuhos ang todo todong problema na muntikan ko na hindi malusutan. After nun, never ko na inadmit na bored ako sa buhay. :)

    ReplyDelete
  25. how about trying yoga or going out for an exercise? it helps you know

    ReplyDelete
  26. Pare ko I hope by now ok na pakiramdam mo.

    Halos lahat tayo may times na nagiging depressed. Yes pare lilipas din yan.

    Kayang kaya mo yan, you are one of the stronger blogger friends I've known.

    ReplyDelete
  27. buti ka pa tumataba..

    ako gustong tumaba pero d ko magawa..

    ReplyDelete
  28. Thanks for trying to cheer me up guys... Appreicate it... I'm not feeling really low right now.. Just a tad bit disappointed lang siguro. But I'm okay now... Madami nang distractions.

    Joms: Tama ka... That happened to me already before. Not going to want that to happen again.

    ReplyDelete
  29. hay naku gillboard. ako ganyan din ang feeling, add mo pa na nagkasakit ako ngayon. lentsak talaga. ur still lucky than some of us. :)

    ReplyDelete
  30. may mga pagkakataon talagang ganyan. malamang bored ka lang siguro. okaya dahil baka sadya lang talagang nakaka-depress yung gossip girl.hehe

    ReplyDelete
  31. awww. hindi kaya madami ka nga naiisip kaya ka nalolongkot?

    the best ang numbern 7! hehe. download ka na lang sa limewire! sana bumalik na si georgina! hihih

    wag na masyado magisip. how about try to be optimistic? hmmm... o kaya magbakasyon. o kaya maggym, remember endorphins! hehe

    ReplyDelete