Hindi sa sinasabi kong sinungaling ako dati, dahil wala namang katotohanan yun. Siguro sabihin na nating medyo malawak lang talaga ang imahinasyon ko noong bata pa ako. Noon kasi, gumagawa ako ng mga kwento na at pinagkakalat ko sa mga kapitbahay, kaibigan at kaklase na para bang totoo ito.
Di ko alam kung bakit ko ginagawa yun noon... Siguro nagpapapansin lang ako, kasi wala naman talagang espesyal na nangyayari sakin noong bata ako, di katulad ng mga kaklase ko. Syempre kasi diba, minsan pag nagkukwentuhan kayo, lalo na pag puros kayo lalake, ayaw mo na magpapatalo ka. Ganun ako noon. Ngayon kasi, alam ko kapag di nagsasabi ng totoo ang isang tao, tsaka obvious kapag ako eh nagsisinungaling kaya di ko na to masyadong gawain.
Bakit ko ba ito kailangang gawin, bakit di ko na lang sarilinin? Blog ko to!!! Isusulat ko ang anumang gusto kong isulat. Walang pakialaman... Di ko kayo pinakikialaman kung anuman ang sinusulat ninyo. Hehehe... Pero seryoso, siguro gusto ko ng clean slate. Gaya nga ng sinasabi ni Papa Jack sa kanyang 'wild confessions' na programa sa radyo (yak jologs talaga!!!), kinukwento ko ito kasi wala na akong balak gawin ito ngayon.
- Noong pre-school ako, napaniwala ko ang buong klase namin na bunso ako sa tatlong magkakapatid. Tuwing matatapos ang weekend, lagi nilang kinukumusta ang kuya at ate ko, na non-existent. Lagi kasi ako noong maraming kwento tungkol sa kanila, kung gaano sila kacool. Nagtapos kaming lahat ng preschool na hindi nalaman ang totoo. Except dun sa mga nakasama ko sa grade school na kaklase ko noon.
- Para lang maging cool nung high school, pinagkalat ko noon na nasa front row ako nang nagconcert si Alanis Morrisette dito sa Pilipinas. Sa totoo lang, wala nga akong album niya. Ewan ko, naasar lang siguro ako kasi nakakainis yung kaklase ko na ang yabang-yabang, kaya ayun nagpapansin ako.
- Noong grade school ako, meron akong imaginary na barkada. Di na kaibigang dwende. Pero mga kaibigang rich kids na sinasamahan ko tuwing weekend pag tinatamad akong sumama sa labas ng mga kaklase ko. Masyado na kasing sadsad para sakin yung di pinayagan na excuse, kaya ginawan ko ng kwento. Hanggang bawat imaginary friend ko eh nagkaroon na ng sarili niyang personality. Sa kwento lang naman. Ni minsan, eh hindi ako nakipag-usap sa mga imaginary people.
- Eto, nakakahiya... di ko na lang papangalanan kasi sobrang jologs talaga. Noong high school ako, kwento ko sa mga kaklase namin na may pinsan akong artista. Meron talaga akong mga pinsan na mga modelo noon, pero yung ikinakalat kong pinsan ko... eh isa talagang showbiz personality. Yung katulong namin dati eh fan na fan niya, kaya lahat ng magasing nandun siya eh nabasa ko. Tapos yung factoids dun yung kinukwento kong pagkakakilala ko sa kanya. Sa tuwing naaalala ko yun, lalo akong namumuhi ako sa sarili ko... Napakajologs ko noong high school ako!!!
Ang pathetic!!! Sa totoo lang. Aminado ako. Napakajologs ko noon. Siguro nga, gusto ko noong magpapansin. O kaya'y magpa-impress sa mga kakilala, mga kaibigan. Maling-mali talaga iyong mga pinaggagawa ko noon.
Ang hirap kayang magsinungaling. Kasi minsan, para mapatunayang totoo yung sinasabi ko, kelangan kong magsabi o gumawa pa ng ibang bagay na wala talagang katotohanan, kasi nakakahiyang mabuko ka na di nagsasabi ng totoo. Lalo na dun sa huli.
Syempre nagbago na ako ngayon. Naisip ko kasi na hindi mo kelangang gumawa ng isang malaking kwento tungkol sa sarili mo para magustuhan ka ng isang tao. Isa akong mabait at matinong tao, at kung di yun nakikita ng iba, bahala sila, di ko naman kawalan yun. At saka, yung mga taong tumatanggap sa'yo despite sa mga kahinaan mo, yun yung mga taong dapat sinasamahan mo. Kasi wala namang sense yung magsinungaling ka, tapos di ka rin sasamahan pag nalaman nila na wala sa iyo yung hinahanap nila.
Para sa akin, mas mabuti pang ipakita mo yung totoong ikaw, at hayaan mong tanggapin ka nila. Kasi yun yung mga tipo ng taong hindi ka iiwan sa huli, kahit ano pa man ang mangyari.













CHARMER
SORRY GIRLS
RANDOM STUFF