Mga Sumasampalataya

Showing posts with label frustrated. Show all posts
Showing posts with label frustrated. Show all posts

Sep 5, 2013

ALAM KONG POGI AKO KASI

Simula nung nagboxing ako, medyo lumiit ang katawan ko...

Di na masyadong siopao ang mukha ko.

Kahit papaano medyo yummy na ako. (isang malaking echos)

Pero minsan talaga napapaniwala ako sa linya sa itaas.

Gaya kanina, papunta sa gym, humabol akong sumakay sa elevator.

At ako'y may nakasabay.

Isang tatay.

Ay hindi.

Isang lolo.

Na ang tingin sa akin ay pagkalagkit.

Nang-aakit.

Kaya biglang gusto kong manakit.

Mata niya sa akin ay hindi nawaglit.

Kahit habang ako'y nag-eehersisyo, si lolo'y nakaabang sa akin sa labas ng pinto.

Dun sa labas ng opisina nila, sa may waiting area dun lang siya nakaupo.

Hanggang matapos ako, andun si lolo ang paa'y nakapako.

Kaya pagbaba ko agad agad si lolo ay sumabay.

Agad agad ang wallet ay nilabas.

Kumuha ng 300 at sa akin ay nagyaya.

"Pogi, tara dun tayo sa CR... Sa'yo na to."

Ito na ang pinakamatagal na elevator ride sa buong buhay ko.

Apat na palapag lang... halos magunaw ang mundo ko.

Kaya paglabas ko ng pinto, biglang kumaripas ako ng takbo.

Hay lolo, nakakaloka ka!!!

Sa'yo na lang yang pensyon mo.

**************************************
Okay lang naman na may nagkakacrush sakin...

Pero sana lang yung mga taong yun ay crushable...

Hindi yung masarap i-crush sa ilalim ng pison.


Aug 7, 2013

ANONG KLASENG BADING KA

Dahil sa My Husband's Lover nagiging uso  ngayon ang mga bading (uso talaga). Sabihin na nating gumagawa ng ingay. At dahil wala pa akong Post ngayong Agosto, ito na lang ang isusulat ko. Hindi man hinihingi ng mga tao, hindi man tama pero nagclassify ako ng mga bading na kakilala/nakilala/naamoy/nabalitaan ko.

Kung bading ka, saan ka kaya nalilinya sa mga ito?

THE SPECIAL KIND

The Special Kind of gay. Sila na ang gifted. Sila na ang mga mabubuting ehemplo. Ang mga bading na ipagmamalaki mo. Sila yung bumuo ng stereotype na ang matinong bading ay matalino, witty at may silbi sa lipunan. Out and proud. At may dahilan para dito. Sila yung mga ipinaglalaban ang karapatan ng mga nabibilang sa LGBT community. Sila yung mga nakarating sa rurok ng kasikatan. Sila yung mga bading na naging boss mo. Sila yung mga bading na hindi lang nakakatawa, pero alam mong may laman din ang kukote nila.

THE PA-MACHO KIND

May iba-ibang uri ng mga macho. Ito ang una. Pa-macho dahil malalaki ang katawan. Sila yung araw-araw nakikita mo sa gym, nagbubuhat ng mga mabibigat na barbel. Sila yung nakikita mo yung mga profile pic ay katawan lang, walang ulo. Lalaking lalaki ang pangangatawan, pero pag nagsalita na... huli ka!!! Bading na bading pala. Maaaring out and proud. Pero kadalasan, sila yung in denial. Yung tipong alam na ng buong mundo na bading sila, pero di mo pa rin mapapaamin, at sa katawan itinatago ang pagka-pink ng dugo nila. Yung tipong pag tinanong mo, "are you gay?" ang sagot nila "I'm BI" (always bullshit BTW). Sila yung maaaring confused pa ang state of mind pagdating sa kanilang sekswalidad. Eto rin yung mga kaklase mo noong high school na noon ay nakikita mong lantarang ginagawang gown ang props ninyo na kumot na aakalain mong pagtanda eh yung magpapaputol ng ari nila at papalitan ng artificial pechay, pero ngayon ay kalbo na at mas malaki pa ang katawan sa bouncer o gym instructor.

THE ALMOST PARLOR KIND

Ang mga tunay na out and proud. Sila yung pinakacommon na bading. Yung alam ng lahat na gay sila. Na walang pakialam sa iisipin ng mga tao. The loud kind of gay. Yung paborito nating panoorin o kausapin dahil sila yung talagang nakakatawa kausap. Yung masarap kaibiganin dahil sila ang nagpapagaan ng araw mo sa kakulitan nila. Sa kanila mo natututunan yung gay lingo. Almost parlor, dahil sila yung tipong parang parlorista ang kilos pero matino ang hitsura. Maaaring parlorista rin naman ang hitsura, pero matitino naman sila.

THE DARAGISTA/PARLORISTA KIND

No offense meant, wala lang ako sigurong maisip na description para ganitong uri ng bading. Sila yung tipikal na makikita mo sa parlor. Sila rin minsan yung nakikita mo sa mga stand-up comedy bars. Yung mga bading na minsan ay laman ng dyaryo dahil sila yung napatay o nanakawan ng mga boylet nila. Ang mga drag queens na nagkalat noon sa Malate o gay bars.

THE STRAIGHT KIND

Hindi ito katulad ng mga pa-macho. Sila talagang macho. Lalakeng lalake ang tindig at pananalita. Maaaring sila yung mga nahihilig sa sports, may mga chicks sa side pero kung tatanungin mo sila aamin sila na bading sila.  Yung tipong kapag nalaman ng ibang tao ang totoo sa kanila babagsak ang panga nila. Hindi mo aakalaing bakla pala. Ika nga, sila ang straight man... who likes to sleep with other men. Hindi banidoso, naniniwalang ang tunay na lalake ay walang abs. Yung mga bading na seryoso, hindi madalas nakakatawa. May angking kakulitan, gaya ng sa mga tunay na lalake. Pwedeng mapagkamalang paminta, pero open naman sila sa sexuality nila. Yung tipong di mo na kailangan ipangalandakan sa lahat na bading ka dahil hindi naman ganun ang kilos mo pero kung tatanungin mo, aamin sila..

THE PANGET NA NGA PANGET PA ANG UGALI KIND

Iba iba ang ganitong klaseng bading. May mga tolerable. Meron din naman na offensive, at minsan kriminal. Sila yung mga tipong nagbabahid ng di magandang kulay sa LGBT community. Yung mga ginagamit ang charm ng isang bading para makapangutang sa mga kinaibigan, tapos bigla na lang mawawala pagkatapos makangulimbat ng maraming pera. Yung mahilig magkalat ng tsismis.  Yung mga bading na hindi masaya kausap dahil wala ng ibang sasabihin sayo kundi mga ka-negahan sa buhay. Yung mga nakukulong dahil nangrerape ng mga batang lalaki. Yung mga nanlalasing ng mga kabarkada para tsansingan/bosohan ang mga ito. Pwedeng hindi sila panget, kaya aahasin nila ang boypren mo. Basta lahat ng bading na masama ang ugali, dito nakaclassify.

Marami pang iba. Andyan yung mga dating lalaki, pero may pechay na. Yung mga bading lang kumilos pero lalaki talaga. Yung mga babae kumilos kahit mas mukha pa silang lalake sa tatay nila at marami pang iba.

So, sino ka sa kanila?

Apr 26, 2012

MASAMANG PANAGINIP

Nung isang gabi, ako'y binangungot

Sa totoo lang, isa yun sa pinakanakakatakot na panaginip ko.

Yung kapitbahay daw namin sa haunted house nakatira.

At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay kailangan naming tumira dun kahit isang gabi lang.

Kailangan yata naming patunayan na yung mga multong namamahay dun ay bayolente talaga gaya ng sinasabi nila.

Sa umpisa pa lang may kakaibang naramdaman na ako. May mga aninong dumadaan sa gilid ng mata ko. May mga bumubulong sa may tenga ko. Ang pinakakawawa ay yung pamangkin ko. Gusto daw nilang umiiyak ang mga bata kaya buong gabi sinasaktan nila ito.

Alam mo yung sa pelikula, yung pagbukas mo ng ilaw sa kwarto ay makikita mo ang isang multo sa may salamin. Nakita ko yun. Dalawang beses pa. Dahil paglabas ko, para patunayang totoo nga siya, bumalik ako at binuksan ulit yung ilaw. Parang tanga lang.

Pero sa totoo, kinabahan talaga ako. Dahil alam ko, di na kailangan mangapitbahay para makaramdam ng mga ganito. Sa bahay namin mayroon ka nang mararamdaman.

Ilang saglit pa, di ko na kinaya, gumising na ako.

Kailangan kong uminom, di magandang kumbinasyon ang init at bangungot.

Paglabas ko ng kwarto biglang kumabog ang dibdib ko.

May lalaking maitim na nakatingin sa akin.

Malaki ang mata at nakakatakot talaga.

Muntik na akong sumigaw.

Handa na akong sumigaw.

Di pa ako nakakakita ng multo sa buong buhay ko.

Pero yung katulong lang namin pala.

Oct 5, 2011

AKOOOOO NAAAAAAA

May mga araw talaga na napapatunayan ko sa sarili ko, na kahit na marami ang tumututol, tama akong gwapo ako.

Napatunayan ko rin na magnet talaga ako ng mga taong hindi ko tipo.

Kanina pauwi, pagod na pagod ako. As in nahaggard ako sa tatlong linggong siksik liglig ang trabaho. After eight years ng pagtatrabaho, ngayon lang ako napagod nang ganito. In short pag-uwi ko kanina di nako mukhang fresh. Di na mukhang bagong ligo. Pero mabango pa rin.

So sumakay ako ng bus, at dahil sobrang aga wala pang masyadong maraming tao. Lahat ng mukhang makikita mo, matatandaan mo. Pumwesto ako sa bandang gitna.

Pag-upo ko, sumakto ang mata ko dun sa lalakeng nasa harapan ko.  Ang mga mata niya ay nakatutok sa mukha ko. Sa katawan ko. Sa akin.

Eto nanaman, natipuhan ulit ako ng kuyang tirador ng mga pogi sa bus.

Shy type si kuya, nung napansin niyang nakita ko siya nakaharap na ang ulo niya sa tamang lugar. Palayo sa akin.

Pero sadyang malakas ang hila ng magnet ko. Sinisilip niya ang repleksyon ko sa salamin sa bintana. Nililingon niya ako sa likod niya. Hindi sa pagmamayabang, pero alam ko ako ang pinupunterya niya dahil ako lang ang tao sa likod niya. Ako lang ang tao sa gitna.

Kung ibang tao ako, papatulan ko siya. Pero sa totoo lang ang creepy ni kuya. Papatulan ko siya. Totoo. Sasapakin ko siya.

Hanggang sa pagbaba inabangan ako ni Kuya. Nang magkita kami sa mata, nakita ko ang dila niya. Yung parang nakatikim ng titing malinamnam.

Kahit nakatalikod ako, ramdam ko ang mga titig niya.

Nang-aakit.

Nanunukso.

Nakakadiri.

Oo. Ako na. Lecheng buhay to.

Sep 7, 2011

ANG MGA TAONG HINDI KO MALILIMUTAN 1

Alam naman nating lahat na mayroong mga tao sa buhay natin na kahit sa maliit na paraan ay mag-iiwan ng tatak sa ating puso na kahit hanggang pagtanda natin ay hindi natin makakalimutan. Mga taong naging malaking bahagi ng buhay natin. Maaaring nakasakit sa atin, o nakapagpatibok ng puso natin. Madalas, itong mga taong ito ay matatagal nating nakilala kaya hindi natin sila malilimot.

Pero hindi tungkol sa kanila ang post na ito. Para ito sa mga taong dumaan ng sobrang saglit lang, pero nag-iwan ng malaking tatak sa aking isipan.

MICRO MINISKIRT GIRL
May nakakaalala pa ba sa kanya? Sa totoo lang, siya ang dahilan kaya ko isinulat itong post na ito. Dahil nakasabay ko nanaman siya sa fx kanina. Si MMG ay yung dalagang sobrang ang ikli ng palda, pero gustung-gustong umupo sa likod ng fx. Hindi ko talaga siya makakalimutan, kasi unang-una maganda siya. Sexy. Kamukha ni Maja. Hindi mukhang pokpok. Pero parang. Tatlo kami kanina sa fx, at dun siya sa tapat ko umupo ulit. Sa tabi ni manong na mukhang manyak. Alam kong mukha siyang manya kasi nakikita ko ang tingin niya sa legs ni MMG. Alam kong balak niyang umupo sa aking tabi, kundi ko lang pinaupo yung bag ko sa tabi ko, malamang lumipat na siya. Paano ba naman, kanina ang ikli na nga ng suot niya, ang hilig pa niya bumukaka. Cream ang panty niya (oo sinilip ko, wala akong choice nakikita ko). Parang namamagnet ang mata ko. Yung tipong parang sinasadya niyang ipakita.

Pero sorry, kung alam niya lang... taken na ako. :P

SI PEKTO
Legend ito sa paaralan namin. Isa siyang taong grasa. Na  bakla. Tambayan niya ang eskwelahan namin dahil maraming pogi dun. Madami siyang namamanyak. Ang modus operandi niya ay manggulat ng estudyante, at hipuan ang mga ito. Take note, pag hinipuan ka niya pipigain niya ang bayag mo ng matagal. Pag babae naman, hinahabol niya o kinakagat ang mga ito. Parang allergic ba. Basta ang lahat ng tao, pag nakakasalubong ito ay dagling tumatakbo palayo.

Isang hapon, galing ako ng Mcdo pabalik sa eskwela, tahimik akong naglalakad. Nagpapantasya ng pinagnanasahan ko noong panahon na iyon. Hindi ko napansin na wala na palang mga tao sa paligid ko. Lahat kumaripas na ng takbo.

Ilang sandali pa ay may narinig akong parang umuungol. Alam niyo yung sa Resident Evil na mga laro pag may zombie sa likod mo. May ganung tunog kang maririnig pag malapit na si Pekto. At ayun na nga, pagtingin ko sa likod ko nakatayo sa likod ko si Pekto. Agad niyang sinunggaban ang bayag ko at pinisil pisil. Napaluhod ako, kasi ang sakit.

Looking back, nakakatakot yung experience ko sa kanya. Pero ngayong inaalala ko, nakakatuwa pala. Di ko kasi nasabi, ang mga tinatarget niya mga pogi sa school namin. Pag panget, kinakagat din niya.

Kaya di ko siya malilimutan ay dahil sa kanya, narealize kong pogi din pala ako.

Choz (Di talaga bagay sakin mag gay lingo).

Jun 1, 2011

KUNG NASA BORACAY KA...

- Wag makakalimot uminom ng Jonah's fruit shake. Sikat sa kanila yung Choco Banana.
- Namnamin ang ang bulalo sa Smoke's sa may D'Mall.
- Manuod ng show ng Phoenix Fire Dancers sa harap ng Beach Bum Club (ata yun).
- Wag kalimutang magpapicture sa harap ng grotto.
- Wag magpanic kapag nag helmet diving ka.
- Wag magpawax ng dibdib kung wala ka balak magtanggal ng t-shirt sa beach.
- Mag advance order ng calamansi muffin dahil hindi ka pagbibilhan ni Ate sa araw ng pag-alis mo. Ayaw nila kumita.
- Wag ka maglakad sa beach ng alas tres ng madaling araw, mapagkakamalan kang emo.
- Wag mong kakalimutang batiin ang Kasintahan mo sa araw ng inyong anibersaryo.
- Magpapicture kasama ng mga sexy na Russian bebots.
- Magpakalasing ka at pumarty buong gabi.
- Wag labanan ang agos ng dagat pag nagsnorkling, sasakit lang ang katawan mo at di ka makakasama sa lasingan at party buong gabi.
- Bawal magkasakit.
- Wag magsama ng sexy pag naghelmet diving, dahil siya lang palagi ang bibigyan ng mga diver ng starfish at laging kukunan ng picture. Apat kami nun no!!! Apat!!!
- Umattend sa kasal dahil aasahan mong laging bongga ang kinakasal sa Boracay!!!
- Higit sa lahat wag kalimutang mag-enjoy!!!

Feb 12, 2011

DESPERATE MUCH (EDITED)

Taong 2000.

Bago lang ako nagkacellphone.

Walang katext. At adik sa text channel sa cable.

At ilang araw bago mag araw ng mga puso may nakilala.

Kakulitan sa text. Kalandian. Kapalitan ng mga pangarap. Mga pangako.

Tapos isang araw bago magValentine's Day, nagyaya siya makipagdate.

Magkita na raw kami nang matuloy na ang mga nabitawang salita.

Na makapagyakapan.

Makapaghalikan.

Makapagniig.

At dahil bata. Desperado. At gustong makilala ang taong kalandian.

Ako'y umoo.

Araw ng mga puso.

Galing kolehiyo.

Pormang porma.

Nagspray ng paboritong pabango.

Handa na.

Naghihintay na daw siya sa 711 sa kanto ng katabi naming village.

Umalis nako.

Pagdating ko siya'y aking nakita.

Nakapula. Tight fit jeans.

May hearts sa t-shirt.

At ang kapal kapal ng foundation.

Natakot ako.

Nagkita kami sa mata.

Nginitian niya ako.

Nginitian ko siya.

Tapos...

Nilagpasan siya.

Pinatay ang cellphone.

Sumakay ng jeep. Bumaba sa kabilang kanto.

Tumawid at sumakay ulit ng jeep pauwi.

Puchang balentayms yan.

Ang sakit sa singit.

********************
Hindi ko alam kung nahack yung account ko. Kanina hindi ko mabuksan yung blog ko. Nawala daw siya. Ayos na naman. Nakakalog-in na ako. Nagpalit ng password.

Pero ang problema ngayon, hindi ako makapasok ng dashboard ko. So hindi ko mabuksan yung links ng mga sinusundan kong blog na hindi ko nilink.

May makakatulong kaya sa akin?

Dec 29, 2010

LAGLAGAN NA

Tutal naman hindi lahat ng nagbabasa nito ay nakakakilala sa akin sa personal, naisip kong ilaglag ang sarili ko. Wala lang. Tutal kilala niyo na naman halos ang buong pagkatao ko, at malamang nabasa na ninyo halos lahat ng ililista ko. Isang bagsakan na lang, ilalaglag ko na ang sarili ko dito.

Tamad kasi ako magcompose ng post, kaya pinagtiyagaan kong magbackread at kunin lahat ng kalaglag-laglag na mga rebelasyon ko sa blog na ito.
  • Noong bata ako, boses babae akong kumanta. Children's Choir ako at soprano noon. Pero nakick-out ako pagdating ng Grade 5, kasi naging baritone na.
  • Sinubukan ko makipagflirt sa babae nitong taon sa may Starbucks. Nilayuan niya ako, di pa man din ako nagsisimula.
  • Minsan na akong inindian ng mga kadate ko. Ang sakit sa ego.
  • Na-ban ako sa isang building sa Makati. Meron kasi akong naapplyan dati na Marketing job daw (pero ang trabaho talaga ay maglibot sa mga building sa Makati para mag-offer ng discount cards sa isang kainan). Nahuli kami ng guard, kaya kinunan kami ng pichur at naban doon. Di ko tinanggap yung trabaho.
  • Para magpa-impress sa mga kaibigan noon, sinabi kong pinsan ko si Carlos Agassi. Looking back, bad decision kasi jologs siya. Kahit ngayon pag naaalala ko, nandidiri ako sa pinaggagagawa ko.
  • Noong bata ulit ako, may pagkapatay-gutom at klepto ako. Ninanakawan ko ng tikim yung ulam ng kapitbahay ko pag hindi sila nakatingin.
  • Noong single pa ako, pag wala talaga akong magawa, nagdadial pa rin ako ng random numbers sa telepono (hindi cellphone). Umaasang magkakaroon ng kaphonepal. One time, may nadial akong may caller id. Tinawagan ako't nagbantang isusumbong daw ako sa tito niyang NBI.
  • Bobo talaga ako sa Math. Noong Grade 5 ako, kailangan ko pa ng tutor para maintindihan kung paano magconvert ng fraction sa decimals. Hanggang ngayon di ko pa rin naiintindihan.
  • Noong bata pa ako, may pagbabadya na ako sa aking preference. Naaalala kong nagkukwento ang nanay ko na hilig ko daw isuot noon ang bra niya.
  • Nasipa ko yung nurse ko noong nagpatuli ako.

Tama na yan. Wala na talaga akong kahihiyan. Pero, nakakahiya man, lahat yan kailangan pagdaanan para makarating kung nasaan ako ngayon. Kung alam niyo lang kung gaano kataas ang balahibo ko habang sinusulat ang post na ito. Wala na ata akong maipapamukha dito.

Kayo naman, may ilalaglag ba kayo sa sarili niyo?

Dec 27, 2010

MAIIKLING KWENTO NOONG PASKO

Q&A portion ng aking mga kamag-anak over the years.

Late 80's - Ano ang gusto mo maging paglaki mo?
1994 - Kelan ka gagraduate ng high school?
1997 - May girlfriend ka na?
1999 - Anong kukunin mong course sa college?
2003 - Saan ka magtatrabaho?
2005 - Magkano ang sweldo mo?
2006 - Kailan mo ipapakilala yung girlfriend mo?
2007 - Kailan ka mag-aasawa?
2008 - Kailan ka mag-aasawa?
2009 - Kailan ka mag-aasawa?
2010 - Kailan mo bibigyan ng apo yang nanay at tatay mo?

***************
Ngayon lang yata ako naging masaya dahil Pasko. I mean yung talagang masaya. Syempre kasi I spent Christmas Day kasama si Kasintahan.

Nagmall-hopping kami para manuod ng pelikula ni AiAi. Kaya lang either puno, sarado or hindi palabas sa sinehan. Nakalimang mall din yata kami nun. Glorietta at Greenbelt (puno), Robinson's Galleria (di kasali sa MMFF), Shangr La (sarado) at nag-end up kami sa SM Sucat (di palabas). Nag-aksaya lang ng pantaxi.

Nanood naman kami ng Dalaw. Predictable. Pero okay naman siya.

***************
Noong isang araw, kachat ko ang Tita ko sa Facebook.

Tita: O Gillboard, kelan ka mag-aasawa?
Gillboard: Naku, matagal pa po.
Tita: Wag ganyan, baka mapag-iwanan ka niyan.
GB: Tita, lalake naman po ako, wala akong hinahabol na oras.
GB: Tsaka masaya naman po ako ngayon.
Tita: Kailan ka pa magkakaanak niyan?
Tita: Gusto mo pag-40 ka na?
Tita: Paano pag 20 na yung anak mo, ilang taon ka na nun?
Tita: 60?
Tita: Baka di mo na maalagaan yang anak mo. Sige ka.
GB: Eh tita, kayo po, kailan kayo mag-aasawa? :)
Tita: is offline

Ang saya lang. Nakalimutan niya atang wala din siyang asawa. Well, nagmana lang ata ako sa kanya. Lesbian kasi siya.

***************
Oo nga pala, sa Jan. 6-11 wala akong magulang (magbabakasyon sila ng Lola ko sa Bohol at Cebu). Gusto ni Kasintahan magparty ako sa bahay sa January 8 Saturday. Sa Parañaque. May sasama kaya sa inyo? SSF at Jayvie, automatically invited kayo!!! Mandatory ang pagsama!!!

Nov 24, 2010

BY THE NUMBERS 3

1 - ang binili kong pabango ngayong taon (huhuhu)
2 - ang natitirang active blog ko
4 - episodes na ang pinapalabas sa The Walking Dead (6 episodes lang yun... nood na kayo!!!)
5 - taon ng blogging ni Gillboard
6 - ang bilang ng buwan nina Gibo at Kasintahan (happy monthsary today!!!)
8 - ang bilang ng agwat ng edad namin ni Kasintahan
15 - bilang ng aking mga inaanak ko (8 lang ang makakakuha ng regalo sa Pasko)
16 - titles ng comics na binibili ko buwan-buwan (kelangang bawasan)
20 - edad ni Kasintahan
28 - edad ko
173 - bilang ng nakarating sa blog ko sa pagsearch ng free sex video of tita at pamangking lalaki
220 - bilang ng pera na laman ng wallet ni Gibo
500 - bilang ng post dito sa blog ko
1384 - ang napunta sa blog ko galing sa Asian Porn DVD site
5000 - budget ko para sa mga nanalo sa pacontest ko (kaya sumipot kayo!!! oo ikaw yun Boris :p)
7500 - ginastos ko para makahabol sa The Walking Dead comics
13566 - ang profile views ni gibo
69191 - page views ng gillboard (kalahati nun sa akin)

**********
500 posts. Dapat natutuwa ako. Well, masaya naman ako ngayon. Lalo pa't monthsary namin ngayon (ayaw nga lang icelebrate ni kasintahan... di daw dapat kami nagbibilang).

Nabuburaot lang ako, dahil yung mga pinamili kong panregalo, pinamigay ng nanay ko kung kani-kanino. Bwiset... So yung walong inaanak kong makakatanggap ng regalo sa pasko, anim na lang.

Nov 9, 2010

ANTUKIN

Posting in under ten minutes:

Hindi ko alam pero antukin ako these days. Pag inaantok ako, minsan wala na akong pakialam kung may kausap ako o wala. Ganito ata talaga. Puyat kasi ako tuwing may pasok kaya bumabawi lang ang katawan ko.

Pero minsan apektado si Kasintahan sa pagiging antukin ko. Kung anu-ano kasi ang nasasabi ko tuwing nag-uusap kami at natataong naglalaro na ang diwa ko sa lalaland.

Gaya nito…
Kasintahan: Hon, sino nga yung kontrabida dun sa Betty La Fea?
Ako: Si Marcella.
K: Sino nga si Marcella?
A: Si Stella Yulo (HR Manager sa kumpanya namin).
K: Sino si Stella Yulo?
A: Yung kasabayan ni Hopia.
K: Huh, sino si Hopia?
A: Yung sa Going Bulilit.
K: Hon, parang di naman ata magka-age si Hopia tsaka si Stella Yulo.
A: (naalimpungatan)

Meron pa isang beses nag-uusap kami ng kung anu-ano lang nang bigla akong sumingit ng…
A: Hon, teka lang ha mag-iigib lang ako ng tubig.

At nung Biyernes, naasar na ata si Kasintahan sa mga hirit ko kasi habang nag-uusap kami..
K: blah blah blah (wala na talaga akong alam kung ano ang pinag-uusapan namin)
A: Teka lang hon, three minutes, magsusulat lang ako ng short story (hilik)
K: (natulog na lang din)

Eto pa pala yung isa, last Friday lahat yan.

K: Hon, bakit hindi pa kinakasal sina Morris and Maybe (mga barkada ko)
A: Kasi magpapalit pa sila ng pangalan.
K: Bakit nila kailangan magpalit ng pangalan?
A: Syempre kasi natatakot sila.
K: Saan naman sila natatakot?
A: Ano ba, e di sa mga terorista.

Thirteen minutes. Not bad. Not bad at all.

Nov 1, 2010

QUICKIES ULIT

May bisita kami kani-kanina lang. Di ko siya kilala. Pero buwiset na buwiset nako sa kanya.

Nanay: Ay, eto nga pala ang anak ko si Gillboard.
Bisita: Bakit, andito ka pa? (tanong sa akin)
Ako: (Tahimik lang)
Bisita: Bakit hindi ka pa nag-aasawa? Ilang taon ka na ba?
Ako: (ngiti lang, sa loob loob ko gusto kong sabunutan si ate. Feeling close ang potah!!!)

**************
Noong weekend, nagpagawa ako kay kasintahan ng isang sulat para sakin na ipopost ko sana dito o sa isang bahay ko.

Naghahanap ako ng something sweet. Tipong kwento ng lablayp namin pero sa kanyang point of view.

Kaninang umaga, nagtext siya. Tapos na daw. Kaya lang, umamin siya. Iba yung naisulat niya. Philosophical side ng pagiging isang tao. Natural Law. Mga bagay na ni minsan ay hindi ko naiintindihan.

Kasintahan: Blah blah blah… existentialism… blah blah blah… natural law… blah blah blah… the point of being human…blah blah blah…
Ako: Hon, nasaan ako sa sinulat mo?
Kasintahan: Ay oo, ilalagay ko sa dulo. Isusulat ko dun, ikaw ang inspiration ng essay ko.
Ako: Ang nasa isip ko kasi sana yung tungkol sa love story natin isusulat mo.
Kasintahan: Ganun nga dapat, kaya lang nung nasimulan ko, nagtuluy-tuloy na eh. Ilalagay naman kita sa dulo eh.
Ako: Ermmm. Okay. I love you?

Ang sweet niya no?

**************
Noong isang araw…

Nanay: Anak, halika nga dito at tandaan mo ang sinulat ni Kuya ano mo. Di ko kasi maintindihan.
Ako: Ano yan? Tungkol saan?
Nanay: Sa Skype.
Ako: Ha? Wala nga akong Skype!
Nanay: Hindi. Ako meron na. Dinownload kagabi. Hindi ko lang alam kung paano tumawag.
Ako: Tambling!!!

Mas techie na ang nanay ko sa akin. Feeling ko, mauuna pa siya sakin matuto magphotoshop.

Sep 18, 2010

TYPE MO AKO

Pagdating sa standard ng kagwapuhan, walang sinabi sakin si Bentong. Di hamak naman na mas gwapo ako sa kanya. Kahit pa si Bayani Agbayani. O kahit si Dexter Doria (ay babae pala yun).

Pero seryoso, pagdating sa hitsura, ang kagwapuhan ko di masyadong stand-out (oo paninindigan kong pogi ako). Ako yung “pero guy”. Yung tipong sasabihin nila, ‘pogi siya pero…’ ‘may hitsura siya… pero’. Meaning kagaya ng pagiging low profile blogger ko, low profile pogi din ako.

Paninindigan kong hindi ako panget kasi alam kong kahit ganito ako, merong mga nilalang na nagkakagusto sakin. Meron namang mga taong natitipuhan ako. Siguro ikaw, gusto mo din ako, di mo lang maamin. Sige na wag ka nang mahiya, aminin mo na.

Kaya lang dahil nga low-profile pogi lang ako, pati ang mga nagkakagusto sakin, low profile din. Mga tipong, di mo lilingunin pag nabangga mo sa kalsada. Mga commoners. Kagaya nila:

INDAY
Ilang taon na ang nakakaraan, yung kapitbahay naming, may katulong. Malandi siya. Pokpokish. Medyo ambisyosa din ng kaunti, kasi ang mga natatypean niya eh mga sir sa kalye namin. Unfortunately, isa ako sa mga sir nay un. Sa una kong trabahong call center, madalas umaga ako umuuwi, saktong kakagising lang niya at nagdidilig. Tuwing dumarating ako, lagi siyang kumakaway sakin at bumabati ng ‘good morning!’ Pero isang umaga, pagdating ko ng bahay, ayun na siya sa labas. Nakangiti. Kumakaway. “Kuya, gusto mo ng monay ko? Spanish bread?” Syempre ngumiti lang ako, kahit gusto ko ng spanish bread, baka ginayuma pa niya yun. Di siya masyado nagtagal sa kapitbahay namin, dahil makalipas ang ilang buwan, nakipagtanan siya sa construction worker sa kabilang kalsada. Ang landi lang.

SI ATENG
Di ko alam, kung pinagtitripan nila ako, dahil naaamoy nilang kagaya nila ako, pero noon, ay sa tingin ko pinagnasahan ako ng isang parlorista sa amin. Di ko alam ang pangalan ni Ateng, pero noon, tuwing nag-aabang ako sa kanto para sumakay ng traysikel, eh palagi siyang lumalabas at nagbu beautiful eyes sa akin. Minsan pa nga, nahuli ko siyang nag flying kiss sakin. Nakakaloka!!! Never kong nakita ang sarili ko na pumapatol sa parlorista (no offense meant), pero medyo natakot ako nun. Baka bigla na lang isang madaling araw ay rapein nila ako. Buti na lang 2 buwan lang nagtagal yung parlor sa kanto samin.

SI DABYANA
Siguro dahil medyo malaman din ako, kaya nakakaattract din ako ng mga malalamang kababaihan. Walang masama dun. Pero kakaunti na nga lang ang mga babaeng nagkakagusto sakin, di pa yung mga kagandahan (feeling pogi talaga). Meron akong katrabaho noon, na slight lang na obsessed sakin. Tipong kinakandong ako sa opisina (ako yung umuupo sa kanya), tapos ibe-bear hug. Medyo payat pa ako nun, pero dinadalhan niya ako ng pagkain, dahil gusto niyang tumaba din ako gaya niya. Nagtagumpay naman siya, actually. Natutuwa ako sa atensyon, noon, pero sana naman yung pwedeng kumandong sakin nang hindi nadudurog yung buto ko. Again, no offense meant, tsaka gusto ko, yung magkakagusto sakin yung mas hahaba pa yung buhay sakin at di yung iiwan ako dahil naimpatso.

SI GEEK
Malamang dahil geek din ako kaya ako nagugustuhan ng kapwa ko geek. Pero that one time talaga, nahulog ako sa silya. Gago kasi ako. Mahilig mangulit ng mga ahente ko noon, so meron akong bagong ahente na tuwang-tuwa akong ibully. Mukha kasi siya talagang nerd (with matching glasses and BO). So palagi ko siyang inaaligaga. Kinukulit ko kung sino crush niya. May nagtsismis kasi sakin na may crush siya sa department naming. So ayun, ilang linggo ko siyang kinulit. Mantakin mo, bumigay!!! Sinabing ako!!! AT kinarir ito!!! Tuwing may benta siya, tumatayo at hinahanap ako para lang sabihin meron siya nito. Tas nung pasko, niregaluhan ako ng pabango. Sa lahat ng manliligaw ko, siya pinakasweet, kaya di ko siya malilimutan. Sarap talaga magmahal ng mga geek, kaya lang sayang at babae si ate.

Di ako nagrereklamo. Ang kapal naman ng mukha ko, pasalamat nga ako at may nagkakagusto pa sakin. Sinaniban lang ako ng espiritu ng mga maldito.

Masaya sana kung yung mga nagkakagusto satin eh gusto din natin diba? Wala lang.

Buti na lang nakatyamba ako’t gusto ako ng gusto ko.

Yiiiiiiiiiiiiiiiii.

Happy Weekend Everyone!!!

Sep 15, 2010

GILLBOARD BAGO MAGLUNCH

Ano ang iniisip ko?

Nagugutom ako

Gusto ko nang bumili ng cd ng Halo Reach sa Xbox 360

Medyo Masaya ang sweldo ko ngayon, bibili ba ako ng Move sa PS3?

Ang sakit sa tenga pakinggan ng boses ni Richard Gutierrez sa Survivor.

Kumakalam na sikmura ko

Ang tagal ng break… wait break na pala… pero di pa kami pwede umalis kasi di pa tapos yung order.

Nasa isip ko si kasintahan.

Yiiiiiiiiii

Magkikita kami sa Sabado… yata.

Date namin… sa lamay ng tatay ng kaibigan niya.

Ang sweet.

Gutom ba ‘to o natatae ako? Masakit ang tyan ko.

Saan ko kaya gagastusin ang pera ko?

Mag-out-of-town kami next month. Mag-Baguio din kami ng barkada ko.

Teka, may mga bills din pala ako. Shet.

Ang tagal mag-12:30. Gusto ko na maglunch.

Teka, tingnan ko muna kung may pumasok akong trabaho…


















Wala.

Balik blogging.

Ang dumi ng lamesa ko.

Inaalikabok.

Parang hindi nililinis kapag weekend.

Nauuhaw ako.

Ahhhhhhhh.

Ang haba na nito. May magbabasa kaya ng post ko?

Sensya na, walang kwenta.

O siya, lunch ko na.

Yellow Cab. Tara kain tayo.

Sep 9, 2010

MULA SA YEARBOOK

Noong high school ako, ang hula sa akin sa yearbook, ay magiging sikat na author ako. Nakapagsulat daw ako ng best selling novel na pinamagatang “Alikabok sa Ilalim ng Karagatan” (di ko maalala yung English title, pero ganyan yung idea). Sino ba mag-aakalang pagkatapos ng labing-isang taon ay magkakatotoo yung isang bahagi ng hula sa akin noong high school. Na magiging sikat ako!!!










Pasensya na, tinamaan lang ng kidlat.

Hindi ko naman pinangarap na maging sikat na manunulat noon. Yun lang yung hula nila sa akin kasi noon, ginawan ko ng epiko yung buong klase namin. Sumikat yung kwento ng isang linggo kasi medyo nakakatawa naman ito kahit papaano.

Bakit ba ako napapaisip ng ganito? Medyo matanda nako para dumaan sa quarter life crisis at ang bata ko pa para magkaroon ng mid-life crisis. Sumagi lang ito sa isip ko dahil sa Disyembre ay magkakaroon ang batch naming ng high school reunion.

Wala sa plano kong sumali dito dahil nung huling pumunta ako, na out-of-place talaga ako. Hindi ko close kasi yung mga sumipot at yung mga kaibigan ko naman, umuwi nang maaga. Napachip-in pa ako ng 500, eh isang bote ng beer lang naman yung tinira sa akin. Kaya ayoko na. Hindi rin naman talaga ako nag-enjoy noong high school ako. Hindi masyado.
  • Wala akong masyadong mga kaibigan noon. Konti lang, nilalapastangan pa ako.
  • Hindi ako sikat noon. Hindi ako matalino. Hindi ako gwapo. Hindi ako star.
  • Puros Math and subject namin noong high school. At kung di Math ang homework, History naman kung saan kelangan i-rewrite yung buong History book with matching colors at drawings.
  • Noong mga panahon na natututo na sa mga makamundong Gawain ang mga kaklase ko, ayun nasa kwarto pa rin ako’t nagsasariling sikap (except nung 3rd year noong nagka gelpren ako).
  • Matatalino man ang mga katabi ko, ang damot ng marami sa kanila pagdating ng mga test. Ayaw magpakopya.
  • Halos lahat ng mga kaklase ko, may computer na noon, tapos ako nagsisimula pa lang mag-aral gumamit ng typewriter (at least dun ako natutong magtype ng mabilis).
  • Nabarkada ako noon sa mga emo.
  • Tapos sabayan mo pang magkaroon ng mga aktibistang guro bawat taon. Yung mga nang-aaway talaga. Yung ibabagsak ka dahil trip niya lang. Yung mga sikat ang caricature (sinungayan o nagbubuga ng apoy) sa yearbook.
  • Puros Math ang mga subject namin noong high school.
  • At di ka makasali sa mga sikat na clubs gaya ng Math Club, Teatro, Speech Club dahil may mga admission exam o audition. Mapipilitan ka tuloy sumali sa Eucharistic Chrusade (religion club).
Natatawa lang ako nang maalala ko yung isinulat na write-up sa akin sa yearbook na magiging manunulat daw ako. Siguro nga, noon pa lang ito na ang nakahiligan ko. Pero paano kaya kung talagang yun yung hinabol kong larangan noong nagkolehiyo ako? Magiging sikat na manunulat kaya talaga ako, o sadyang sikat lang?

Jul 31, 2010

GILLBOARD VS FACEBOOK VS NANAY

Tanong: Anong mas nakakainis sa hindi pagkakaroon ng access sa internet sa opisina?

Sagot: Hindi pagkakaroon ng pagkakataong mag-internet sa bahay.

Medyo mainit ang ulo ko thesse days lalo na sa bahay. Dahil hindi ko magamit ang computer ko.

Si nanay kasi. Adik na adik na sa facebook.

CASE 1:

Umuuwi ako ng bahay alas syete ng umaga. Tulog pa ang mga magulang ko. Bubuksan ko ang computer para magcheck ng email ng saglit.

Pahinga lang ng konti.

Pagkatapos ng isang oras, naliligo na ako para masarap matulog. Pero di pa ako tapos magnet nun.

Paglabas ko ng kwarto, ayun absorbed na absorbed na sa kakatingin ng pictures sa facebook si nanay.

Wala nang naririnig.

CASE 2:

Dahil nga panggabi ako, medyo kahit weekend ang weekday schedule pa rin ang sinusundan ng body clock ko.

Kapag Sabado, usually natutulog ako ng hapon at nagigising ng hatinggabi. Doon ako nag-iinternet. Ilang linggo ang nakakaraan, bumangon ako ng ala-una para subukang mag-internet.

Madilim na ang bahay, akala ko ako na lang ang gising pero laking gulat ko at andun pa rin sa harap ng pc si nanay at nag-iinternet.

Nakita daw niya yung kaklase niya noong elementary.

Nung hihiramin ko yung computer, sabi niya at mamaya na daw at may kachat pa siya.

CASE 3:

Kahapon habang tahimik akong nagcocomputer mag-isa nilapitan ako ni nanay.

"Anak, meron akong nakitang website kagabi puros hubad na lalaki. Di ko na makita ulit, pakihanap nga."

Errrr...

Hindi ko siya hinanap.

"Tsaka nga pala, meron kaming nahanap ni Daddy na video ng nanganganak sa youtube, gusto mo makita?"

Nagkamot na lang ako ng ulo.

***********

Eto pa, minsan habang nag-iinternet ako, nakikita ko si nanay na umaaligid sa likod ko. Nag-aabang na matapos ako para makapagfacebook ulit siya. Ang sakit sa ulo.

Minsan pakiramdam ko, kapag wala ako, nanunuod na ng mga makamundong mga videos yung mag-asawa.

Hay.

Gusto ko nang makahawak ulit ng computer ng malaya.

Ang hirap magpalaki ng mga magulang.

Jul 10, 2010

PINAKATAGU-TAGONG LIHIM

Kapag ako'y nagsabi sa inyo ng sikreto ko, mapagkakatiwalaan ko ba kayo? Mahirap magkwento ng todo dito dahil masyado nang publiko ang pagkatao ko. Marami sa inyo ay kaibigan ko sa facebook, o kaya'y nakilala ko na ng personal. Baka madulas kayo. Ang bagay na sasabihin ko'y di dapat malaman ng lahat.

Gayunpaman, dahil matagal ko nang gustong ilabas itong lihim ko, pagbibigyan ko ang sarili ko. Kailangan kong ilabas ito. Para rin naman siya sa akin. Kaya eto't aamin na ako.

Kung akala niyo ay swabeng swabe ako pagdating sa 'dating', nagkakamali kayo. Hindi ako ipinanganak na matinik. Hanggang ngayon nga ay hindi ako ganun. Yung tinik ko hindi matalas. Pudpod. Sa tanang buhay ko, dalawang beses na akong na-indian ng mga ka-eyeball ko.

********************
Yung una, excited siyang makilala ako. Alam niyo yung kapag makikipag eyeball, itetext mo suot mo. Honest pa ako noon, ganun ginagawa ko. Sinabi ko yung totoo. Sabi niya noon, malapit na siya, at magkikita kami dapat sa Sbarro. Sinabi ko kung saan ako nakaupo at kung ano ang suot ko. Ganun din siya. Sabi niya limang minuto darating na siya. Sa mall na daw kasi. Kelandi at may pa message message pa na sobrang excited daw siya sa date namin dahil tagal na daw niyang di lumalabas. Tagal na daw niyang walang boyfriend. So ako itong si teen-ager na malibog naexcite din.

Tatlong minuto. Dalawa. Isa. Wala pa ring pumapasok ng kainan. Dalawang minuto. Limang minuto. Sampung minuto. Wala pa rin. Nagtext na ako. Aba ang walang hiya, hindi na nagreply. Nagpamiss call pa ako nun, tapos out of reach na ang lecheng number niya. Sabi ko sa sarili ko, baka andun siya sa may arcade sa may lower ground floor ng megamall. Walang signal dun.

Tatlumpung minuto ang lumipas at walang dumating na date. Galit na galit na may halong kalungkutan at inis sa sarili, sumuko ako. Inindian ako ng date ko.

********************
Mas malala ang ikalawang pagkakataon.

Siguro'y dumaan din naman ang iba sa inyo sa pagkabinata. Alam niyo na, yung panahon na tayo'y mapusok. Madaling madala sa bugso ng damdamin. Hinahayaan ang maliit na ulo ang mag-isip.

Ikalawang taon sa kolehiyo. Adik sa #Ateneo chatroom sa Mirc. Dun ko nakilala si Ivy. Witty magpost ng mga mensahe. Mukhang Atenista. So ako itong si excited, ni-PM kaagad siya.

Mabait naman, friendly, madaldal. Naging interesado ako, kaya't hiningi ko ang kanyang numero, binigay naman ni Ivy. At dun kami nagsimulang maging textmates/phonepals. Ang saya niyang kausap sa telepono. Di nauubusan ng kwento. Medyo malandi, parang kolehiyala/sosyalera talaga, kahit sa La Salle Dasma lang siya nag-aaral.

Syempre tuwang tuwa din siya sakin dahil Bedista nga ako. May accent mag-ingles. Kahit papaano marunong din naman akong makipagflirt. In short, nadevelop kami sa isa't-isa sa telepono.

Oo. Naging mag-on kami sa text!!! Nakakahiya.

So sa ikalawang linggo naming mag-on nagdecide kami pareho na sa wakas ay mag-eyeball na. So eto ako, si excited nagahanda. Pagwapo. Nag-ehersisyo ng dalawang araw. Pampatigas ng muscles. Nagpagupit.

Imperness sa kanya, sumipot siya. May hitsura siya. Maputi. At hindi siya pandak. May pagkamalaman siya, pero hindi mataba. May boobs. At higit sa lahat ang sarap kagatin ng leeg niya.

Kumain kami sa Wendy's. Nag-usap naman kami. Pero napansin kong ang bilis niyang kumain. Habang ako itong binabagalan ang pagnguya dahil gusto ko pa siya makasama. Yung tipong nakakadalawang kagat pa lang ako sa burger ko, siya ubos na.

Fast forward, so natapos na kaming kumain. Sabi niya lakad lakad muna kami. Lam niyo naman ang mga babae at ang mall diba. Dahil eto't patay na patay ako sa girlfriend ko, sige sinamahan ko. Habang naglalakad lakad kami, pinapauna niya ako. Sa harap lang daw ako dahil mas kabisado ko ang Glorietta kesa sa kanya (palibhasa taga Dasma Cavite).

So ayun nga, ako itong utu-uto nauna. So tinanong ko siya kung saan niya gusto pumunta. Naghahanap ba siya ng sapatos. Damit. Bag. Make-up. Hindi sumasagot. Nung medyo napansin kong matagal tagal nang walang pumapansin sa akin, lumingon ako. Wala ng babaeng sumusunod sa akin.

Binalikan ko ang mga dinaanan ko, baka may nakita lang siyang something shiny sa mga dinaanan namin, pero hindi ko nakita si Ivy. Dinial ko ang phone niya. Cannot be reached na.

Hindi niya nga ako inindian. Tinakasan naman ako. Ng putang inang girlfriend ko!!!

Andami kong text sa kanya. Hinahanap ko siya. Pero nung sumuko na ako, tinext ko siya.

"Break na tayo?"

********************
Kayo ba, na-indian na kayo?

May 27, 2010

ANG KESO KO

Kung napapansin ninyo... sa mga pinagsususulat ko sa buong pamamalagi ko dito sa blogosperyo eh medyo mahilig ako sa keso. Actually, hindi medyo... mahilig talaga ako sa keso.

Paano ba naman, masarap naman talaga ang keso diba. Nakakagaan ng loob. Nakakatuwa. Minsan pa nga, pagkatapos mong magkeso, nagiging masaya ka.

Ewan ko sa inyo, pero ako gusto ko ang keso. Minsan nga, pag nakikita ko ang ibang tao na may keso, naiinggit ako. Sinasabi ko, gusto ko rin ng keso.

Ayoko nang magpatumpik-tumpik pa sa post na ito. Alam ninyong lahat, sa simula pa lang na tungkol sa keso itong isusulat ko. Kaya eto ako, isusulat ang mga paborito kong keso.

MOZZARELLA
Mahilig ako sa pizza, at ito ang pinakagusto kong parte ng pizza. Masarap siya. Malagkit. At kapag niluto mo ng tama, matibay ang kapit. Hindi bibitaw hangga't hindi pinipilit. Madalas nga, yun ang iniiwan ko sa pizza ko, kasi ang sarap niyang nguyain. Yung tipong manghihinayang ka kapag naubos na ito. Maaaring pangkaraniwan na siya, pero para sakin hindi rin. Mahal kasi. So parang sayang kapag nawala na. Di ba?

PARMESAN
Paborito ko rin ito. Medyo maalat siya, pero pag hinahalo mo sa ibang putahe, lalong nagpapasarap sa lasa ng pagkain. Meron talagang mga ganun siguro, kapag mag-isa lang, hindi mo matitipuhan, pero pag hinalo na sa iba, dun mo makikita, o malalaman na masarap naman pala. May chemistry baga. Ang galing kasi, kahit pangkaraniwan lang, gaya ng kanin ay nagagawa niyang ito'y pasarapin.

BLUE CHEESE
Sa una medyo mag-aalangan ka. Mukhang napanis na keso. Mukhang may amag pa. Kung titikman mo, kailangang isara ang iyong mga mata, kasi nga medyo nakakatakot. Kahit pa sabihin ng iba na masarap siya, dahil sa hitsura mag-aalangan ka. Sa unang kagat, manginginig ka. Medyo may maasim. May iba sa panlasa. Pero habang ito'y iyong nginunguya, magugulat ka, ay masarap pala. Acquired taste ika nga. Unfair sa blue cheese minsan kasi nahuhusgahan dahil sa hitsura, pero pag natikman, sobrang sarap naman pala.

CHEESE SPREAD
Eto masarap piliin kasi alam mong gagawin niya ang lahat masarapan ka lang. Payag siyang ipalaman sa tinapay. Ihalo sa ulam. Pangsabaw sa kanin at kung anu-ano pa. Mamahalin mo siya kasi nga alam mo na laging andyan lang siya pag iyong kailangan. Dahil nakaproseso na, di ka matatakot na ito'y mapanis at ito'y amagin. Kaya lang kasi minsan pag palaman, maghahanap ka ng iba. Peanut butter. Strawberry jam. Nutella. Kaya minsan, si cheese spread iyong nakakalimutan. Pero pag nagsawa ka na sa iba, pag naalala mo siya makikita mo, yung bote may laman pa. Pag masyadong natagalan ka nga lang, baka pagbukas mo ito'y panis na.

CHEDDAR CHEESE
Ito yung mga pangkaraniwan. Masarap siya, kaya lang walang something na espesyal. Lagi mo siyang pipiliin kasi nga mura lang. Pero madali rin namang maubos. Madaling pagsawaan. Madaling palitan. Paminsan may dadaang quickmelt. Sa una matutuwa ka, kasi nga madaling matunaw, pero pag tinikman mo, yun din naman pala yung lasa. Magsasawa ka. Mabilis mo siyang uubusin, kasi alam mong madali siyang palitan. Minsan maghahanap ka ng ibang brand pero alam mo na ganun pa rin ang lasa at maghahanap ka ng iba.

Alam ko marami pang ibang klase ng keso. May mahal. May mura. May malaki. May maliit. May mabaho. May maraming mapaggagamitan. Kung ikaw ang tatanungin, anong keso ang paborito mo?

Mar 11, 2010

REST IN PEACE

Paalam sa anim na taon nating pagkakaibigan.

Aaminin ko, hindi ikaw ang first choice kong kaibiganin dahil mas sikat noon yung friend mo.

Pero kahit pinagtyagaan lang kita, naging mas masaya ako sa'yo.

Ikaw na ang dami-daming sinabing magaganda tungkol sa akin.

Ikaw na naging saksi sa ilang paghihimutok ko sa trabaho.

Ikaw na nagpapaalala na marami akong kaibigan.

Naaalala ko pa nga, basta may magbibirthday, lagi mo akong sinasabihan.

Kaya lang may pagkapasaway ka rin eh.

Ang kulit mo sa email.

Mas malala ka pa sa spammer.

Kung di pa kita pagsasabihan, di mo ako titigilan.

Ang laki na ng pinagbago mo, bago ka nawala.

Parang hindi na kita kilala.

Gayunpaman, namimiss kita.

Sana masaya ka pa sa mga bago mong kaibigan.

Rest In Peace.




Friendster Account.
March 2004 - March 2010.

Jan 28, 2010

TANONG SA MGA BABAE

Maaaring iilang taon palang nang tuluyan akong matutong makisalamuha sa mga babae araw-araw, pero sa mga panahong iyon (mula nang grumaduate ako sa kolehiyo noong 2003) marami akong napansin tungkol sa kanila.

Kaya naisip kong isulat ito, para tanungin ang mga babae, kung bakit sila ganun.
  • Bakit sa bus, kahit nasa likod kayo at walang nakakarinig sa inyo, imbis na lumapit kayo para pumara ay tatayo lang kayo sa upuan tapos sisigaw ng para? Tapos magagalit kayo sa driver at kunduktor kung lumampas kayo sa bababaan ninyo.
  • Bakit kapag may kinuwento ako sa inyong kakaiba ngayon, bukas makalawa yung best friend ninyo iba na ang tingin at tawag sa akin?
  • Bakit merong iba sa inyo, na ang hilig hilig sumiksik sa masikip? Kahit may ibang lugar na pwede niyong upuan na maluwag.
  • Bakit hindi kayo makuntento sa maikling sagot? Bakit kailangan lahat ng sagot sa tanong ninyo, kailangan mahaba ang sagot?
  • Bakit masyado kayo pademure? Kahit na alam naman naming lahat na meron kayong itinatagong libog!!!
  • Bakit ang hilig ninyong makipagkumpitensya sa aming mga lalake, pero napipikon kayo pag natatalo namin kayo?
  • Bakit kayo pikon?

Hindi ako naiinis, o naaasar sa ilang ugaling nasa taas ng mga babae, nagtataka lang ako.

Sana may sumagot sa mga tanong ko...

PS:

Dahil yata sa mg tanong na ito, kaya wala akong girlfriend!!!