Mga Sumasampalataya

Showing posts with label kwento series. Show all posts
Showing posts with label kwento series. Show all posts

Aug 5, 2016

KWENTONG BACLARAN: A SHORT STORY

Eksena kahapon sa Baclaran habang naghihintay ng masasakyan pauwi.

May isang ate naglalakad pasugod papunta sakin.

Akala ko ako ang aawayin.

Nilampasan ako.

Tumungo sa lalaking nakatulala sa aking likod.

"Hinuhubaran mo ba ako with your mind?!" sigaw ni ate.

"Stop it! Manyak!!!" patuloy niya.

Nagulantang si kuya.

Nahimasmasan sa pagiging tulala.

Tiningnan si ate mula ulo hanggang paa.

Sabay sabi (in his most becky voice) "Excuuuse me beh."

"Hindi kita hinuhubaran... jinajudge kita.

"Imbyerna! Chaka ka beh! Chaka ka!!!"

Inirapan ng badet si ate sabay sakay ng fx.

The End.


*************************
Welcome back to me. 

Apr 8, 2014

KWENTONG BANGUNGOT

Sabado ng gabi, ako'y naalimpungatan sa aking pagkakatulog. May mga batang naglalaro sa labas ng aking bintana. Malinaw ang kanilang boses, sila'y naghahabulan. Sa una'y hindi ko siya pinansin pero nang maalala ko na ako'y natutulog sa ikalawang palapag ng aming bahay, ako'y naalimpungatan.

Biglang tumahimik na sinundan ng malakas na hiyaw ng isang pusa.

Bumalik ang mga boses ng mga bata. Tila sila'y nagtatakbuhan palayo. 

"Nandyan na ang maligno!" ang huli kong narinig.

Iminulat ko ang aking mga mata.

Isang masamang panaginip. 

Tumabi sa akin si Georges St-Pierre at tinanong ako kung ok lang ba ako. Ikinuwento ko ang masamang panaginip na gumising sakin. 

Napatitig siya sakin. Medyo may pag-aalala. Pero sabi niya, wag ako mangamba dahil nasa tabi ko lang siya at ako'y kanyang babantayan habang natutulog.

Ako'y napangiti. Pero ang ngiti ko'y di nagtagal. Nakakarinig ako ng isang malakas na hilik. Ito'y nakapagtataka dahil kaming dalawa lang naman ang nasa kwarto. 

Hinanap ko ang pinanggagalingan ng nakakabahalang tunog. Sumilip ako sa aking kanan. Wala. Sa aking kaliwa. Wala. Naririnig din ni GSP ang humihilik pero wala siyang nakita. Tiningnan ko ang ilalim ng aking kama, ngunit wala pa rin akong nakita.

Nagising akong bigla.

Isang nakakabahalang panaginip.

Tumingin ako sa aking tabi. Si Kasintahan ay natutulog ng mahimbing.

MALIGNO.

Yan ang salitang tumatak sa aking isipan. Ako'y nagsimulang magdasal.

"Ama namin sumasalingit ka, sambahin ang ngalan mo..."

Napatingin ako sa labas ng aking bintana. Nakita kong bilog ang buwan. Pero parang may kakaiba. 

"Mapasaamin ang kaharian mo sundin ang loob mo..."

Ang kabilugan ng buwan, unti unting nababalot ng kadiliman.

Muli ako ay nagising. Bangungot.

Tang ina, sa isip ko hindi ako magising. Kinurot ko ang sarili ko para siguradong gising na ako. Si Kasintahan nasa tabi ko, mahimbing pa rin ang tulog. 

Niyakap ko siya. Baka sakali matatapos na ang mga bangungot ko.

Pero biglang may humila sakin patalikod kay Kasintahan. 

Isang itim na nilalang. Pilit akong niyayakap. 

Ang maligno. 

Niyayakap niya ako ng mahigpit. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makahinga.

Pinipilit kong magising at makawala sa bangungot na ito. 

Bigla akong napaupo sa aking kama. Pawis na pawis at pilit hinahabol ang aking hininga.

Nagising si Kasintahan. 

Niyakap ko siya ng mahigpit. Kakaiba ang takot na aking nararamdaman sa di na natapos na bangungot. Walang bisa ang dasal. Pakiramdam ko'y ako'y mamamatay.

Hinalikan niya ako sa pisngi. Nananahan. 

"Matulog ka na ulit. Andito lang ako." sambit niya. Humiga kami parehong magkahawak ang kamay. 

Maya maya lang ay narinig ko ulit yung malakas na hilik.

Yung maligno.

Pilit kong ginigising si Kasintahan ngunit malalim na ang kanyang paghimbing. Naririnig kong lumalakas ang hilik. Sa aking likuran.

Nilingon ko ang pinanggagalingan ng tunog na aking kinatatakutan.

Isang itim na nilalang ang sa tabi ko'y natutulog. 

At ako ay nagising. 

Tunay na gising. 

Pinilit kong tumayo at uminom ng tubig.

11:49pm ang sabi ng orasan sa aking telepono.

Wala nang maligno.

Gising na ako.

Ang bilis ng pintig ng aking puso. 

Nagising si Kasintahan sa aking kalikutan.

Hindi ko na yata kayang bumalik pa at matulog.

Alas tres na nang muling pumikit ang aking mga mata.

Sep 5, 2013

ALAM KONG POGI AKO KASI

Simula nung nagboxing ako, medyo lumiit ang katawan ko...

Di na masyadong siopao ang mukha ko.

Kahit papaano medyo yummy na ako. (isang malaking echos)

Pero minsan talaga napapaniwala ako sa linya sa itaas.

Gaya kanina, papunta sa gym, humabol akong sumakay sa elevator.

At ako'y may nakasabay.

Isang tatay.

Ay hindi.

Isang lolo.

Na ang tingin sa akin ay pagkalagkit.

Nang-aakit.

Kaya biglang gusto kong manakit.

Mata niya sa akin ay hindi nawaglit.

Kahit habang ako'y nag-eehersisyo, si lolo'y nakaabang sa akin sa labas ng pinto.

Dun sa labas ng opisina nila, sa may waiting area dun lang siya nakaupo.

Hanggang matapos ako, andun si lolo ang paa'y nakapako.

Kaya pagbaba ko agad agad si lolo ay sumabay.

Agad agad ang wallet ay nilabas.

Kumuha ng 300 at sa akin ay nagyaya.

"Pogi, tara dun tayo sa CR... Sa'yo na to."

Ito na ang pinakamatagal na elevator ride sa buong buhay ko.

Apat na palapag lang... halos magunaw ang mundo ko.

Kaya paglabas ko ng pinto, biglang kumaripas ako ng takbo.

Hay lolo, nakakaloka ka!!!

Sa'yo na lang yang pensyon mo.

**************************************
Okay lang naman na may nagkakacrush sakin...

Pero sana lang yung mga taong yun ay crushable...

Hindi yung masarap i-crush sa ilalim ng pison.


Oct 27, 2012

SA MGA DI KO KA-TWITTER

Medyo after 10 years lumuwag ang oras ko ngayong gabi sa opisina kaya may pagkakataon akong magsulat. Nagbabackread ako ng mga blogs na sinusundan ko at napadpad ako sa isang post ni Mugen kaya may naisip tuloy akong ipost. Gaya gaya lang.

Dalhin minsan mas mahaba ang totoong kwento kesa sa mga nipopost natin sa twitter.

Oct 25: habang nakapila ako sa cr sa jollibee... lolo: halika na sabay na tayo sa CR... me: erm... ok lang po, kaya ko pa po. thank you po.

Hindi naman sa naghihinala ako kay lolo ano, pero hindi ko talaga mawari kung bakit ako ni-offeran ni lolo nito. Minsan kasi bago ako umuwi dumadaan muna ako sa Jollibee o McDo para magCR o kumain (madalas magCR). Eh nung umagang iyon medyo may kahabaan ang pila, jumejebs ata yung ale na gumagamit ng banyo bago kami kaya nagkaroon ng pila sa banyo. Hindi naman talaga ako ihing-ihi noong panahon na iyon, kaya nagulat ako nang biglaang nag-aya si Lolo na sabayan siya sa CR. At medyo may 20 segundo ata siya nakatayo sa may pintuan at niyayaya akong pumasok na din. Pareho nga naman daw naman kasi kaming lalake. Medyo nakakaloka lang ang offer ni Lolo. Nawindang ako.

Oct 14: Just learned yung puppy sana na kukunin ko... She's dead. :(

Dahil tumatanda na ako, at hindi ko talaga gustong maging corporate slave buong buhay ko, ngayon ay nagpaplano na ako ng maaari kong gawing business. Dog breeding / pet breeding ang napili ko. Mahilig talaga ako sa mga hayop, at minsan sinuswerte naman kami na mahaba ang buhay ng mga alaga namin, kaya naisip kong pwede ko itong gawing business. Nag-uumpisa pa lang ako. Meron nako 2 shih tzu puppies kaya lang pareho sila lalake. Noong isang linggo dapat magkakaroon na ako ng babaeng tuta, kaya lang bago ko pa siya nakuha ay inunahan ako ni Lord. Namatay siya. Kaya sa susunod na lang. May darating naman akong isang pares ng beagle sa Disyembre at Enero. :)

Oct 10: Tanggap ko na na ang twitter ay kung san ako magcomment sa mga palabas sa tv

Ang hobby ko ngayon, aside sa mga aso at video games ko ay ang magdownload ng mga tv series. At dahil kakasimula lang ng fall sa Amerika, ibig sabihin ay nagbabalik na lahat ng magagandang palabas sa telebisyon. Medyo marami akong dinadownload ngayon, siguro may 20 shows din ito. Dahil wala na talaga akong oras para magblog, sa twitter ko na lang tuloy nishishare ang mga opinyon ko tungkol sa mga palabas sa tv. Although ingat naman ako magbigay ng spoilers dahil ayoko rin naman na pagalitan ako pag sinabi ko kung sino ang namatay or nabuhay sa mga palabas. Kasi mahilig ako sumaway ng mga nagbibigay ng spoilers sa mga social networking sites.

Oct 04: May 3 nanaman kami na kasabay na mandurukot sa bus kanina. Hay

Ewan ko ba kung bakit suki ako ng mga ganito. Nakakatakot siya sa totoo lang. Pero maswerte pa rin ako dahil ni minsan ay hindi pa ako nabibiktima ng mga ito. Alam mong mandurukot sila dahil ang hilig nilang lumipat ng upuan. Uupo sa harap. Tapos lilipat sa likod. Tatabi sa mga pasaherong natutulog. Yung isa, tumabi pa sa akin. Agad ko niyakap ang bag ko at maingay akong kumanta sa bus. Buti na lang talaga mukha akong kasama nila kaya ako'y di pa nabibiktima.

Sep 17: Natuwa naman ako kasi may mabait na nagshare ng payong sakin kanina #GoodSamaritan nainspire tuloy ako ngayon. :D

Sa panahon ngayon na maraming tandem bikers, magnanakaw, mandurukot, masasama ang ugali, isa talagang malaking sorpresa yung mga taong kahit hindi mo kilala ay tutulong sa iyo. Lalo na yung may hitsura at yummy. Maulan noong gabing iyon at nakasabay ko siya sa pila sa 711. Sa totoo lang, kahit di pa niya ako pinayungan nakatutok na ang mata ko sa kanya dahil nga cute siya (oo na ako na ang malandi). Sabay din kaming lumabas nun. At dahil nasa building namin ang 711 at umaambon pa nang pumunta ako di na ako nagjacket at payong. Kamalasmalasan ay lumakas ang ulan at para makalabas ka ng tindahan na tuyo ay kailangan mong mapayungan. Paglabas ko, ay nandun siya parang hinintay ako. Sabi niya "lika sabay na tayo." Biglang tumugtog ang kantang "Sukob Na" sa utak ko. Sayang nga lang at hindi kami pareho ng pupuntahan kaya di ko siya nakapiling ng mas mahaba. Hindi ko man lang siya napasalamatan. Kinilig ako. Ay may Kasintahan nga pala ako.


Yan lang muna for now... maghahanap muna ako ng mga nitweet kong gusto kong ikwento.

Follow niyo ako sa twitter @gillboard.

Salamat!!!

Dec 21, 2011

KWENTONG BATANG PASLIT

Sana ang mga bata forever 4 years old na lang.

Yung edad na nag-eexplore sila at pilit iniintindi ang mga bagay na nakikita nila sa paligid. Nakakatuwa lang.

Kanina kasi, papasok may nakasabay akong maglola sa bus. Yung batang babae, feeling ko paglaki ay magiging isang napakahusay na komentarista. Kacute lang kasi. Eto ang mga eksena.

EKSENA 1:
Sa harap ng maglola ay magsyotang PDA. Naglalampungan sila sa bus at wala silang pakialam sa mga nakakakita sa kanila. Etong batang babae, nakatayo sa likod nila. Syempre nakikita niya ang mga kababalaghang ginagawa ng nasa harap niya.

Hindi niya siguro naiintindihan ang mga nangyayari sa harapan kaya hindi niya napigilan ang sarili, kinalabit niya yung lalake.

BATA: Pssst huy, anong ginagawa ninyo?

At hinila ni lola paupo ang apo.

EKSENA 2.
Dahil magpapasko na, nauuso nanaman yung mga taong nagpapanggap na pasahero ng bus pero ang totoo ay mangangaroling lang pala.

May ate na sumakay para mangaroling. Imperness kay Ate, may hitsura siya. May boses din kahit papaano. Pero may kasabihan nga, beauty is in the eye of the beholder.

ATE: Merry Christmas merry merry Christmas, Pasko'y anong saya... (di ko alam yung lyrics)

BATA: Lola wag mo bibigyan yung kumakanta ang panget ng boses!

Panalo yung bata. Gusto ko siyang kidnapin kanina.

*************
Dapat palitan ko na yung title ng blog ko. Napapadami ang kwentong commute ko.

Pipilitin kong magpost ulit bago magpasko, pero kung di ko na magawa, MALIGAYANG PASKO SA INYONG LAHAT SA BLOGOSPERYO!!!

Dec 5, 2011

NKKLK

Sa FX kanina

May tatlong nakasama

Dalawang babae at isang binabae

Masaya silang tatlong nagkukulitan

Nagtatawanan

Naghaharutan

Si Kuyang pusong ate biglang nagpatawa

Naaliw ang lahat lalo na yung isa

At sabi niya:

En - Kay - Kay - El - Kay (NKKLK)

Natahimik ang barkada

Pati ako nataranta...

Ano raw?!

"Gaga ka teh, nakakaloka lang!!! Di yun iniispell!!!"

At muling nagtawanan ang lahat sa barkada

Nakakaloka talaga

********************
Napapost lang bigla. Ayaw kong malimutan yung narinig ko kanina kaya post agad. Paalala lang may pakontes ako sa baba. Sali na!!!

May picture na yung jacket. See below.

Nov 17, 2011

KWENTONG LAITERO AKO

Gusto ko lang ilabas. Nag-init talaga ang ulo ko kanina.

I'm mean today.

Sa mga nag-follow sakin sa Twitter, medyo nabanggit ko na to kanina.

Anyway, kwentong commute nanaman ito.

Dahil kagagaling ko lang ng 2 hour overtime sa trabaho, ninais ko nang matulog habang bumibyahe.

Paidlip nako nun. Nakakatatlumpong puting tupa na ang nabibilang ko.

Biglang may nag-ingay sa harap ko.

Babae. Tumitili.

"Excited nako sa Breaking Dohwn (pronounced d-own)!!!"

Tas tumili din yung katabi niyang bading.

At sabay sabay nang umingay sa harap ko. Apat silang excited sa Twilight.

Kaya di nako nakatulog.

Nang tingnan ko yung pinakamaingay sa kanila, napatutok agad ang mata ko sa isang medyo kakaiba.

Sinipat ko si ate mula ulo hanggang paa.  

Ate naman siya. Pero shet, bakit ganun? May balbas siya.

Yung tingin kong iyon ay di pumigil sa kanilang pag-iingay.

Yung curiosity ko bumalik sa galit.

Tapos nakita ko yung katabi niyang bading. May goatee.

Pero shet, mas makapal yung goatee ni ate.

Lalong lumala ang pagiging laitero ko.

Habang tumitindi ang asar ko sa kanya, ganun din ang level ng ingay niya.

Sabay tawa pa.

Kaya pala minsan pasusyal ang salita niya, may braces siya.

Tanginaaaaaaaa!!!



Ate may pang braces ka, pero pangwax ng balbas mo di mo magawa!!!!

********************
Inhale. Exhale.

Yun lang. I'm okay now.

Aug 18, 2011

MAY MAIKUWENTO LANG

Dahil malapit nang umalis ng bansa si Paris Hilton, naisip kong magsulat ng something na may kinalaman sa kanya. Kaya ang post na ito ay tungkol sa mga bus. Sa pagcocommute ko.

Nung huling post ko naikwento ko si Ateng "What's the fuck?!" Nagulat lang ako't mabilis akong nakaencounter ulit ng kwentong bus. Yung iba dito repost ko na lang, mula sa kaluma-lumaang mga post ko pandagdag lang.

Kelangan ko lang itong isulat ngayon kasi baka makalimutan ko, magandang mailathala na siya ngayon habang fresh pa sa isip ko yung mga nangyari kanina habang papauwi ako.

***********************
Kanina pauwi ako ay napasakay ako sa bus. Dahil medyo puno na ito, sa may bandang likuran na ako umupo. Dalawa lang kami ni kuya ang nakaupo dun.

Si kuya, mukhang galing construction lang. Medyo nanlilimahid. May konting amoy, pero tolerable naman. Sa totoo lang, wala naman talagang pakialaman pagdating sa biyahe. As long as hindi ako naiistorbo, okay lang ako.

Habang binabaybay namin ang Buendia, dumating si Manong Konduktor (MK) para maningil ng pamasahe. Buo ang pera ko, kaya wala na akong sukli habang si Kuyang Construction (KC) naman ay bente ang binayad.

Sosyalin yung bus, EFTPOS yung ticket, di na nila kelangan magsuot ng condom sa daliri para mapunit ang mga ito. Demakina na siya. Ang siste nga lang, kulang ang sukli ni MK kay KC. Kung sasakay ka ng Ayala pa-Baclaran dose lang ang isisingil sa'yo.

Medyo nahirapan ata magbilang si KC kasi medyo matagal niya narealize na apat na piso lang yung sukli sa kanya (oo nakialam ako, binilang ko yung barya niya). Dahil nga slow, medyo nakalayo na si MK samin. Kaya tawag naman si KC.

"Kuya."

Dedma.

"Kuya!"

Wala pa rin.

"KUYA!!!"

Di pa rin pinanain.

Nafrustrate na si KC, kaya bigla itong nagsabi. "Eeewww!! Eeewww!! Eeeww!!" na para bang tumatawag ng ibon o diwata.

Eto ang punchline, saka lang lumingon si MK sa kanya. Bigla akong lipat ng upuan dahil di kinaya ng powers ko. Kung nakainom ako ng tubig nung panahong iyon, malamang lumabas na sa ilong ko iyon.

***********************
Noong panahong sa Ortigas pa ako nagtatrabaho, may mga araw na inaabot ng dalawang oras ang byahe ko pauwi. Minsan dahil sa  pagod o kaya'y sa stress, imbis na magngitngit ako sa galit dahil sa trapik, ay natutulog na lang ako.

Summer nun Ate Charo. Tanghaling tapat. Mainit. Matao. Kaya namili ako ng bus na sasakyan ko. Gusto ko yung medyo bago dahil malakas ang aircon nito.

Malas ko lang at di lang ako ang nakaisip ng ganun. Dun sa nasakyan kong bus, medyo punuan. Swerte naman dahil nakaupo pa rin ako.

Dala na siguro ng pagod Ate Charo, nakatulog ako. Ng Mahimbing. Yung tipong tulo laway. Di katagalan may kumalabit sa akin.

Iritable, tiningnan ko ng masama yung gumising sakin. Yung konduktor. Naniningil. "May tiket na kayo ng boypren mo?" sabi sakin ni Manong Konduktor. Ang bilis ng pangyayari Charo, naramdaman ko na lang may tumulak sa ulo ko paitaas. Nakasandal pa pala ang ulo ko sa balikat ng katabi ko.

Hiyang-hiya ako nun, pinagtitinginan kami ng mga katabi namin. Pinagchichismisan. Napalingon ako sa katabi ko, at nagsorry. Okay lang daw. Alam ko nakatulog din yun dahil ramdam kong nakapatong ang ulo niya sa ulo ko. Para lang talaga kaming magsyota.

Ngayong naaalala ko yung nangyari, naisip ko mukhang bagay din naman kami nung katabi ko. Tisoy siya, gwapo naman ako. Kaya siguro kami napagkamalan ni Manong Konduktor.

***********************
Huli na 'to.

Meron talagang mga tao na insensitive pagdating sa bus. Yung tipong alam mo nang mataba si Ate pero sa di siya umuusog sa upuan. Gusto niyang yung huling uupo ay dun sa gitna (pag tatluhan) o sa may bintana (pag dalawahan) ang pupuwestuhan.

Isang gabi, may nakasabay akong Ms. Insensitive (MI) na nakakilala ng katapat niya.

Sa Baclaran, may mga bus na masiba at naghihintay na mapuno ang sasakyan bago lumarga. Maarte nga ako pagdating sa mga bus, at dahil maaga naman  ako pumapasok, ayos lang na maghintay ako basta kompurtable ang nasakyan ko. Sa may dalawahan ako palagi umuupo.

Sa tapat ko ay isang dambuhalang MI. As in may katabaan talaga si Ate. Mga tipong babaeng kasize ni Chokoleit. At dahil feeling ko ay call center girl si ate, may pagkamaarte din ito. Dahil siguro mukhang nakakatakot si MI at hindi siya talaga gumagalaw sa pwesto niya sa dulo ng tatluhang upuan (di sa bintana, sa may gitna) walang naglalakas loob na tumabi sa kanya.

Sakto nung mapupuno na ang bus, may dumating na magkasintahan. Dahil gusto siguro nilang magkatabi at halos puno na yung sasakyan, wala na silang choice kundi tabihan si MI. Eh nagmamatigas ang hitad, di gumagalaw, sumideview lang para makadaan yung babae.

Eh hindi kasya si girlfriend, nagtitinginan lang sila, si girlfriend hoping na umusog si MI. Pero matigas pa rin. Ayaw gumalaw. Napikon si boyfriend at biglang sumigaw "EH TANGINA AYAW MO UMUSOG ANG TABA MO NAMAN!!!" sabay hila sa kasintahan at bumaba sila sa sasakyan.

Ikaw ba naman, makarinig ka ng ganyan, hindi ka ba matatawa? Ako mababaw lang ako kaya di ko talaga napigilan. Pagtingin ko  sa tabi ko kay MI. Nakatingin ito ng masama sakin. Nanlilisik ang mata. Napikon siya dun sa sinabi ni kuya, pero mas napikon ata siya kasi natawa ako.

Napatingin ako bigla sa bintana nun. Takot ko lang baka upuan ako nun. Payat pa naman ako noong mga panahon na iyon.

Ang uncomfortable nung ride na yun. Feeling ko naririnig ko si ate bumubulong ng mga dasal ng mga mangkukulam sa tabi ko.

***********************
Sa mga naliligaw sa tahanan kong ito, kung nagugustuhan niyo po ang mga kwento ko, paki-like naman yung Facebook Page ko. Di ako normally magrerequest sa inyo, pero natutuwa lang talaga ako dahil ngayon lampas 100 na ang mga kasapi nito.

Salamat pala sa mga sumali at nag-like na! Nakakapagpataba kayo ng pumapayat kong puso.


Aug 3, 2011

KWENTONG MRT

Isang gabi, pauwi ako sa bahay namin sa katimugan ng syudad, sumakay ako sa huling byahe ng MRT. Ayokong magbus dahil nakakatakot maglakad sa Cubao. Mga mandurukot dun kahit mukhang dukha na gaya ko ay pinapatulan at ninanakawan. At ang tagal ng byahe. Mabilis at safe sa MRT para sakin.

Maluwag ang mga huling byahe. Tuwang tuwa ako nun dahil maraming bakanteng upuan. Hindi siksikan. Hindi ako mahihipuan.

Pagdating namin ng Santolan, may isang mama ang pumasok. At sa hindi maipaliwanag na dahilan, sa kabila ng kaluwagan ng tren at dami ng bakanteng upuan, si kuya ay tumayo sa harap ko.  Mukha siyang macho dancer. Naaalala ko nakaitim na see-through na sleeveless shirt siya. Amoy pinaghalong Safeguard at baby powder. Oo, ako na ang judgemental.

Natatakot akong tingnan siya. Baka ano ang gawin sakin. Sino ba namang matinong tao ang tatayo sa harap mo kahit na maluwag ang tren? Yung mga may masasamang intensyon lang, sa isip-isip ko.

Dumaan ang Ortigas, ang EDSA Central, maraming nagbababaan. Lalong lumuluwag, pero si Kuya di natitinag, parang rebultong nakatayo sa aking harapan. Natatakot akong tingnan siya baka kung ano ang isipin ni Kuya.

Pero isang saglit ay ako'y napasulyap sa kanya. Nagkita kami ng mata sa mata.

Mukhang may balak nga si kuya, dahil hindi niyia pinalampas ang pagkakataong iyon. Nang ako'y nakita niyang tumingin sa kanya, ako'y nginusuan niya. Shet, gusto niya ba akong halikan?! Mukha ba akong bading? Mukha ba akong pumapatol sa mga nakikilala ko sa tren na amoy Safeguard at baby powder?!

Walang takot, pinakita ng mukha kong nandidiri ako sa ginagawa niya.  Pero matigas si Kuya, nginusuan niya ako ulit. At sa pagkakataong ito, nakaturo ang nguso niya sa pagkalalaki ko.

Kahit anong angas mo, gawan ka ng ganun ni kuya, at hindi ka lasing, matatakot ka. Mabilis na lumipat ako ng upuan. Nakakakilabot na.

Pagdating ng Ayala Station, halos wala na talagang mga tao. Sampu na lang siguro kami dun. Tumabi sa akin si Kuya.

Pinagpapawisan ako. Gusto ko magwala sa loob ng tren. Pero natatakot ako, mas malaki katawan niya.

Linapit niya ang mukha niya sakin at bumulong, "bukas zipper mo at butas brief mo."

Nginitian niya ako at bumaba ng Magallanes.

Ahhhh yun pala ang tinuturo ni Kuya.

Akala ko pa naman ang pogi ko na.

Yun lang pala.

Jun 15, 2011

KWENTONG TATAY KO

Dahil nalalapit na ang Araw ng mga Ama, eh nais ko nang maunang magpost tungkol dito. Tsaka baka mawala pa yung mga naiisip kong isulat kapag pinatagal ko pa ito.


Hindi ako masyadong close sa tatay ko dahil lumaki ako na ang nanay ko madalas ang kasama ko, dahil labingdalawang taon din siya sa Saudi nagluluto bilang isang cook. Wala ako masyadong alaala sa kanya noong bata pa ako, dahil kadalasan nga eh nasa ibang bansa siya, at kung andito naman siya sa Pilipinas, kadalasan ay dun siya sa probinsya namamalagi. Sa tingin ko, alam naman niya ang mga pagkukulang niya kaya nung nagdesisyon siyang magretiro, eh bumawi naman siya sa akin. Siya ang naging tagahatid ko sa eskwela buong high school ko, at tuwing meron kaming di pagkakasundo ng nanay ko, sa akin siya kumakampi. Wala lang... Pero ang tatay ko, mas nakikilala ko ngayon...

*************
Frustrated singer yang tatay ko. Gabi-gabi nagcoconcert yan. Tipong mula alas onse hanggang ala-una ng madaling araw. Ewan ko, kaming 3rd generation sa angkan namin eh halos lahat marunong kumanta, hindi nga lang namin alam kung saan namin nakuha yung talentong iyon, kasi judging sa boses ng mga magulang ko... wala talaga. Ang tatay ko boses syokoy na paos!!! Basta masakit sa tenga pakinggan boses nun, pero pag nagcoconcert siya kelangan talaga nakafull speaker. Kaya minsan putol ang tulog ko. Mahilig pa yan, pag may bisita, siya mamimili ng ipapakanta sa mga pinsan/pamangkin ko, pero pag ayaw nila siya kakanta... kesehodang Strangers In the Night pa yan o kaya'y Hit Me Baby One More Time ni Britney. Buti na lang mababait mga bisita... at mga kapitbahay namin.

**************
Ang tatay ko, siguro nasa Top 100 na fans ni Manny Pacquiao. Meron siya lahat na pirated na DVD ng lahat ng laban ni Pacquiao, kahit simula pa nang mukhang uhuging bata pa si Manny, meron siya. Hindi talaga siya papatalo sa mga pumupuna sa kanya. Muntik na nga niyang isumpa yung pinsan ko dati nang sabihin ng pinsan ko na luto ang laban ni Pacquiao at ni dela Hoya. Palagi pag may bisita kami, kung hindi nakasaksak yung Magic Sing, ang dibidi ng huling laban ni Pacquiao ang palabas sa tv namin. Kahit pa puros babae ang bisita. Noon pa ngang hindi pa ako bumibili ng sarili kong dvd player eh lagi kami nag-aagawan ng ipapalabas. Naaalala ko pa nga na inggit na inggit siya nang malaman niyang nakapasok yung nanay ko sa mansyon ni Pacquiao sa Mindanao. Nakaframe yata yung pichur ng bahay ni Manny sa wallet niya.

***************
Ang tatay ko, lagi akong sinesermonan kapag may binibili akong bago. Matuto daw akong mag-ipon. Malapit na yata akong palayasin sa bahay, dahil madalas na itong magparinig kung bakit dun pa rin ako sa bahay namin nakatira. Anyway, pero kahit ganun lagi ang sinasabi sa akin ng aking ama, pag nakikita niya yung mga pinamimili ko, pagkatapos lumamig ang ulo niya, namamangha siya. Kagaya na lang nung bumili ako ng Xbox 360 ulit, pinagalitan ako tapos ng makitang kamukha talaga ni Pacquiao yung sa Fight Night... ako pa nagsara ng bibig niya. O kaya nung bumili ako ng MP3 player, pagkatapos litanyahan ng tungkol sa krisis, hiniram ito't tinanong kung mas marami pang lamang kanta yung player kesa dun sa binili niyang 100 in 1 cd ng chacha.

***************
Si tatay eh madalas din akong litanyahan tungkol sa pagmamaneho ng tama. Mapabisikleta, scooter o kotse. Ang ratio ng aksidente naming dalawa sa mga sasakyan... 10:1. Sampung beses na siyang nabangga, tumilapon sa sasakyan at naaksidente, habang ako eh isa. Actually 1/2 nga lang yung sa akin kasi muntik lang ako bumangga nun sa rumaragasang sasakyan.

****************
Noong mga araw naman na wala akong trabaho, dalawang beses sa isang buwan niya ako kung lecturan sa pagmamahal sa trabaho. Medyo kapag ganito na ang usapan, nagbibingi-bingihan ako. Paano ba naman labingdalawang taon lang siya nagtrabaho sa Saudi. Labinganim na taon na siyang tambay sa amin. So... nakikita niyo naman siguro kung ano yung di tama dun sa pangungusap na yon, di ba? Hindi ko nga alam kung san niya nakukuha yung mga pinambibili niya ng mga pinamimili niya eh... Sa tingin ko, may nakatagong kayamanan yang tatay ko eh..

*****************
Isa pa, yang tatay ko lagi akong pinapagalitan pag hindi ako humaharap sa mga bisita. Kung nagkukulong ako sa kwarto, talagang hihilahin ako niyan palabas para ientertain ang mga bisita nila. Tapos pag baba ko, mga ilang saglit lang, pagtingin ko sa likod ko wala na siya. Ang tatay ko na ang nagtago!!! Lilitaw lang yan ulit pag gusto na niyang isaksak yung Magic Sing o kaya yung mga dibidi niya ng mga laban ni Pacquiao.

Marami pa akong mga kwento dyan. May pagkapasaway talaga yang tatay ko. Buti na lang di ako masyado nagmana sa kanya...

HAPPY FATHER'S DAY sa lahat ng mga tatay diyan!!! Sa mga magiging tatay!!! At sa mga tatay ng mga wala pang anak!!!

May 20, 2011

KWENTONG TORTURE

Kaninang umaga ay sumailalim ako sa pinakatorturous na activity na ginawa ko sa buhay ko. Pinatunayan ko na isa talaga akong masokista. Ang hilig kong saktan ang sarili ko. Shit lang.

Nagpawax ako ng dibdib at likod.

At tang ina lang ang sakit sakit niya!!!

Hindi exaggeration yung mga napapanuod natin sa mga pelikula at telebisyon. Mapapasigaw at mapapaiyak ka talaga sa sakit. Parang feeling mo kasabay ng balahibo, tinatanggal din ang balat mo.

*************************
Biglaan lang, dahil nga pupunta ako sa Boracay sa Lunes, naisip ko kung magtatanggal naman ako ng shirt sa beach dapat medyo kaaya-aya naman yung magiging sight ng mga papansin sakin.

Matagal ko nang alam na masakit ang magpawax. Napanuod ko ang The 40 Year Old Virgin at huling episode ng The Amazing Race. Pero dahil nakasinghot ako ng usok mula sa kumukulong tubig, naisipan kong magpawax.

Well, suggestion yun ng officemate ko. Sinunod ko lang dahil uto-uto ako.

Tumungo ako sa Let's Face It sa amin at pinakilala ako kay Vicky.

*************************
Ito ang ilang kwento ko nang magpatanggal ako ng balahibo sa dibdib, tyan at likod:




  • Natutunan kong posible pala ang back kick lalo na pag hindi nabunot ng matino yung cloth ni ateng waxer. May ilang beses ko rin siyang ninais sipain nun.


  • Ang masakit na part sa waxing ay tuwing bubunutin na yung mababalahibong part ng iyong katawan at yung may maninipis na balahibo. Iyon yung mga parte na mapapahiyaw ka at mapapaiyak.


  • Ang kinis pala ng katawan kung hindi ako balbon.


  • Pagkatapos ng session namin ni Vicky, hapong hapo siya. Napagod dahil ang balbon ko daw.


  • Sa isip ko gusto kong murahin yung Arabong nilahian ako ng balbonic genes niya. Leche siya. Sana maranasan niya ang mawax ang buo niyang katawan. Bwiset!!!


  • Hindi na mauulit ang mga ganitong kaganapan. Bibili na lang ako ng hair removal cream. Mas madali pa yun gawin. Tsaka hindi masakit.
Handa na ako magBoracay!!!

Mar 3, 2011

KWENTONG BAD DAYS

Mag-eemote lang ako ng konti. Di naman talaga ako emo ngayon. Marami naman magagandang nangyayari sa buhay ko ngayon pero gusto ko lang alalahanin ang mga araw na hindi ko makakalimutan. Hindi ito yung mga araw na sobrang saya ko. Eto yung mga sinasabi nating ‘worst days of our lives.’

Naisulat ko na ang ilang sa mga pinakananlulumong araw ng buhay ko. Gaya nung tinakbuhan ako ng date ko. Well, basically lahat ng disaster dates ko eh worst days of my life. Pero yung ilan sa ilalathala ko ngayon eh yung mga nakapagpa-emo sa akin ng sobrang tindi.

*************
UP DREAM
Filingero ako noong bata ako. At kahit na bagsak-bagsakan ako sa mga grades ko noong high school eh feeling matalino ako. Akala ko noon sisiw lang yung UPCAT. Yung kursong kinuha ko pa ay journalism. At dahil manunulat ako sa aming dyaryo sa paaralan, akala ko kaya kong ipasa ang test ng unibersidad na ito.

Akala ko’y nagsakripisyo din ako noong nilakad ko mula Ateneo sa Katipunan pabalik ng UP dahil naligaw ako at dahil sa sakripisyong iyon ay matatanggap ako. Ang lakas ng loob ko na matatanggap ako dun at hindi man lang ako nag-apply sa ibang pamantasan, doon lang at sa La Salle.

Pero mali lahat ng akala ko. Hindi pala ako matalino. Konti lang. Bumagsak ako. Hindi ako natanggap.

Ang sakit sakit sa ego. Feeling ko gumuho ang mga pangarap ko. Inisip ko baka maging isa akong tambay at palamunin sa kanto. Sobrang nadepress ako nang malaman ko ito. Kulang na lang maging suicidal ako.

Sa sobrang panlulumo ko nilagnat ako ng isang linggo. Namayat ako noong mga panahong iyon. Nilayo ng nanay ko ang kumot sa takot na ako’y magbigti bigla. Bawal ang kutsilyo sa bahay. Ewan ko ba, hindi naman nag-eexpect ang magulang ko na makakapasok ako dun, pero sobrang apektado ako.

Natakot lang siguro na hindi ako makakapagkolehiyo.

*************
NANG MAGPAALAM SI JOY
Ilang beses ko nang nabanggit sa blog na ito si Joy. Siya yung akala ko noon na the one. Siya yung nakawala. Yung kaibigang di pwedeng mahalin.

Noong mga panahong iyon patay na patay ako kay Joy. As in wala na akong ibang iniisip kundi siya. Walang ibang inaalala kundi siya. Walang ibang pinapansin kundi siya. At ang malala pa, eh sobrang close namin na magkaibigan. Bunso siya at only child ako, kaya parang kapatid na ang turing namin sa isa’t-isa.

Humingi ako kay Lord noon ng sign kung magiging kami ba. Sinagot naman niya kaagad. As in kinabukasan. At ang sagot niya ay isang malaking hindi.

Lumapit sa akin si Joy nun, excited na ibinalita sa akin na lilipat na siya ng programa sa kumpanya, at magiging pang-umaga na siya. Sobrang nawasak ang puso ko nun. Tag-ulan.

Sobrang emo ko noong araw na iyon. Yung tipong hinahayaan kong itago ng mga patak ng ulan ang luhang dumadaloy s aking mga mata. Iniyakan ko talaga siya ng sobra.

At kamalas-malasan pa eh nung itinulog ko sa fx ang aking kalungkutan, sinira ng ale ang moment ko. Ginising ako ng atribida dahil napapasandal na ang ulo ko sa balikat niya. Bwiset siya. Insensitive. Gurang.

*************
Hindi ko talaga malilimutan yung mga araw na iyon. Minsan pag inaalala ko siya, iniiyakan ko, pero madalas tinatawanan ko na lang.

Naaamaze lang ako, kasi tuwing binabalikan ko siya, naaalala ko na noong mga panahon na iyon, sobrang nag-aalala ako dahil pakiramdam ko ay hindi ako makakamove-on sa mga nangyayari sa akin. Akala ko dun matatapos ang buhay ko. Akala ko dun na nagtatapos ang lahat.

And then narerealize ko, nakamove-on ako. At nagpapasalamat ako, dahil kung gaano kabigat sa dibdib nung mga naranasan ko, mas marami pa rin ang mga maliligayang araw sa buhay ko.

Kayo, anong nangyari sa mga bad days ninyo?

Feb 10, 2011

KWENTONG COMMUTE

May nangyari kanina sa aking pagcocommute kaya medyo nabasag yung pagkakaroon ko ng writer’s block. Okay naman ako. Hindi ako napahamak. Hindi naman masama yung nasaksihan ko kanina. Pero karapatdapat lang siyang ikwento.

Tahimik yung fx na sinasakyan ko. Halos lahat ng pasahero maliban sa akin tulog. Sinusulyap sulyap ko kasi yung nasa harap ko. Cute kasi. Pero hindi siya yung kwento.

Yung ikukwento ko eh tungkol dun sa mamang nakasakay sa gitna.

Ang himbing himbing ng tulog ni kuya. Sa sobrang lalim, eh feeling ko lumampas siya dahil nung naalimpungatan siya bigla itong napasigaw.

“Baragadumbadumbum!!”

Nagulat kami lahat. Pero si manong fx driver hindi, “bababa?”

“Para!” sabi ulit nung mama.

Wala lang. Weird.

**********
Napareminisce tuloy ako sa lahat ng epic fails ko sa buhay commute.

Sigurado ako, nakasakay na kayo sa fx driver na lahat na lang ng taong madadaanan hinihintuan, kahit di pinapara.

One time last year, napasakay ako sa ganun. E hindi yata napansin ni manong drayber na yung hinintuan niya, special child na naging taong grasa. At sakto dun siya umupo sa likuran kung saan ako nakaupo tsaka yung cute na kasabay ko.

Nung una, sakin siya tumabi. Pero dahil madirihin ako, lumalayo talaga ako sa kanya sabay may pandidiring face. Dahil nakakatakot naman talaga si ate. Madaming galis, tapos gustong kunin yung ear phones ko. Kaya kahit malaki akong tao, nagsusumiksik ako dun sa gilid ko.

Nagsawa siya sa akin, dahil mas cute sa akin yung katapat ko kaya dun naman siya tumabi. Hindi naman siya lumalandi, pero kinakalabit niya si kuya. Sabay bukaka. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang ipahiwatig, pero pag bumubukaka siya ng legs, nakikita ko kuyukot niya.

Pag may pumapara sa fx namin at sakto sa likod uupo, pag bukas niya ng pinto at nakita si ateng special child, nagmamadali itong umalis at lumipat ng sasakyan. Hindi rin naman kami makalipat dahil puno yung sinakyan namin, at di kami makaalis dahil nakapagbayad na kami.

Yun ang pinakamahabang 30 minuto sa buong buhay ko.

**********
Sa bus hindi talaga maiiwasan na may makasabay kang weirdo. May lasing. May nagpepray-over. May namamalimos. May magnanakaw. At merong nananantsing.

Hindi ako gwapo. Hindi rin ako obvious na kakaiba. Pero one time talaga, pinursue ako ng isang bading sa bus. Nung una kinalabit niya ako, so okay naman. Friendly naman ako so pinansin ko. Tsaka kahit papano naman di naman mukhang holdaper si kuya. Mas mukha pa akong mandurukot sa kanya.

Kinakausap niya talaga ako with matching touch touch sa braso. Ang cute ko daw. Sarap yakapin. So ako naman medyo nagpauto. Tinanong niya kung bababa ako sa binababaan niya. Sabi ko hindi. Sa Baclaran ako, sa LRT siya. Niyaya niya akong magbreakfast, pero tumanggi ako. Hindi ako cheap na pumapatol sa nangangalabit sa bus. Hiningi niya number at pangalan ko. Nanghula ako ng mga number. Ibibigay ko sana number ng kinaasaran kong tao, kaya lang di ko memorize eh.

**********
Nakasabay ko siya ulit noong isang linggo. At kahit may balbas na ako at kamukha ko si Grissom ng CSI, namukhaan pa rin niya ako. Pagpasok ko ng bus at pagkita sa kanya ay mega ngiti siya sa akin. Hindi ko pinansin.

At talagang tinabihan niya ako. Pero dahil nasa tamang katinuan ako, wala lang. Alam ko tinititigan niya ako, kasi sa gilid ng mata ko nakikita ko yung ulo niya nakaanggulo sa akin. Kinalabit niya ako one time sa aking love handle. Tiningnan ko siya ng masama. Sabay growl parang aso.

Pero hindi parin lumipat ang beauty ni kuya. Persistent. Talagang tinititigan lang ako. Buti na lang may music ako. Kanta kanta lang hanggang bumaba siya sa may LRT.

Ang creepy ni kuya sa totoo lang. Parang loser. Pero ang lakas ng loob niya ha. Pano pa kaya kung naging basag-ulo ako. Baka nasaksak ko yun. O kaya nagkaroon ng bus bombing part 3.

**********
O siya, yan na muna ang kwento ko. Kayo, ano mga weird o unforgettable moments niyo sa pagcocommute?

Dec 27, 2010

MAIIKLING KWENTO NOONG PASKO

Q&A portion ng aking mga kamag-anak over the years.

Late 80's - Ano ang gusto mo maging paglaki mo?
1994 - Kelan ka gagraduate ng high school?
1997 - May girlfriend ka na?
1999 - Anong kukunin mong course sa college?
2003 - Saan ka magtatrabaho?
2005 - Magkano ang sweldo mo?
2006 - Kailan mo ipapakilala yung girlfriend mo?
2007 - Kailan ka mag-aasawa?
2008 - Kailan ka mag-aasawa?
2009 - Kailan ka mag-aasawa?
2010 - Kailan mo bibigyan ng apo yang nanay at tatay mo?

***************
Ngayon lang yata ako naging masaya dahil Pasko. I mean yung talagang masaya. Syempre kasi I spent Christmas Day kasama si Kasintahan.

Nagmall-hopping kami para manuod ng pelikula ni AiAi. Kaya lang either puno, sarado or hindi palabas sa sinehan. Nakalimang mall din yata kami nun. Glorietta at Greenbelt (puno), Robinson's Galleria (di kasali sa MMFF), Shangr La (sarado) at nag-end up kami sa SM Sucat (di palabas). Nag-aksaya lang ng pantaxi.

Nanood naman kami ng Dalaw. Predictable. Pero okay naman siya.

***************
Noong isang araw, kachat ko ang Tita ko sa Facebook.

Tita: O Gillboard, kelan ka mag-aasawa?
Gillboard: Naku, matagal pa po.
Tita: Wag ganyan, baka mapag-iwanan ka niyan.
GB: Tita, lalake naman po ako, wala akong hinahabol na oras.
GB: Tsaka masaya naman po ako ngayon.
Tita: Kailan ka pa magkakaanak niyan?
Tita: Gusto mo pag-40 ka na?
Tita: Paano pag 20 na yung anak mo, ilang taon ka na nun?
Tita: 60?
Tita: Baka di mo na maalagaan yang anak mo. Sige ka.
GB: Eh tita, kayo po, kailan kayo mag-aasawa? :)
Tita: is offline

Ang saya lang. Nakalimutan niya atang wala din siyang asawa. Well, nagmana lang ata ako sa kanya. Lesbian kasi siya.

***************
Oo nga pala, sa Jan. 6-11 wala akong magulang (magbabakasyon sila ng Lola ko sa Bohol at Cebu). Gusto ni Kasintahan magparty ako sa bahay sa January 8 Saturday. Sa Parañaque. May sasama kaya sa inyo? SSF at Jayvie, automatically invited kayo!!! Mandatory ang pagsama!!!

Nov 30, 2010

MAIIKLING MGA KWENTO

Dahil medyo nabawasan ang pagkalalake ko dun sa huling post (na hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako), medyo ililihis ko muna ang aking mga kwento ngayon.

Mabilisan lang. Walang kilig-kilig muna. Baka isipin niyo bading ako. Hehehehe

***********
Noong nakaraang linggo ay anim na araw ang bakasyon ko.

Akala ko makakatipid ako, isang malaking pagkakamali. Mas lalo akong napagastos. Yung akala kong matitipid ko sa isang linggong pahinga, eh ang ginastos ko ay parang nagtrabaho ako ng tatlong linggo.

Madami naman akong napanuod. Eto ang pellet reviews ko.

Saw VII: Bayolente sana, kaya lang di naman pinakita yung mga nakakadiring part. Nambitin lang. Walang kwenta. 6/10

My Amnesia Girl: Maganda sana. Kung hindi lang dinagdagan ng sampung minuto yung ending. Pero nakakakilig siya. Nakakatuwa si JLC at Toni. 8.5/10

Unstoppable: Maingay. Isa lang yung namatay. Pero medyo maganda naman siya kesa Saw. 7.5/10

Takers: The best movie… para matulog. 5.5/10

***********
Noong nakaraang weekend din, ay may nameet akong dalawang low profile bloggers. Wala lang.

Si RF, na balikbayan mula Amerika. Natutuwa ako sa mga kwento niya, at bilib ako sa kanya dahil kinaya niyang mamuhay ng mag-isa malayo sa mga kamag-anak, mga kaibigan, at sa sibilisasyon.

Nakakatuwa dahil ang aliw ng mga kwento niya. Mantakin mong, dun pa siya natutong magbisikleta. Tinuruan siya ng asawa ng boss niya. At pumunta siya sa Amerika para magtrabaho ng night shift. Kunsabagay, kung dito sa Pilipinas yun, malamang dayshift ang trabaho niya.

At ang pinakagusto ko sa meet-up na iyon, ay dahil binigay niya sa akin yung hiningi kong pasalubong sa kanya mula Amerika. Hehehe. Thank you RF sa maagang pamasko!!!

Si Boris naman yung isang nakilala ko noong Sabado na nanggaling pa ng Quezon. Niclaim niya yung kalahati ng napanalunan niya sa pacontest ko (kasi di pa dumarating yung order ko na power balance) kaya free lunch muna. Yung sa ibang mga nanalo, iemail ko kayo or imessage ko sa facebook kung kelan.

Naaliw din ako sa kanya dahil ang pino niyang magtagalog. Yung tipong, ako’y nagagayak na ika’y makilala. Wala nang nagsasalita ng ganyan ngayon. Tapos pinakita niya ang kanyang mga doodles. Pero mas naging interesado ako sa mga kumento sa mga doodles na yun. Sino si monkey?! Yiiiiiiiii.

***********
Tapos kahapon, habang nag-iinternet ako. Lumapit ang nanay ko.

Nanay: Anak, ano yung twitter. Meron daw kasi si Ate ano mo…
Ako: Wag mo sabihin gusto mong mag-open ng twitter?
Nanay: Di naman. Gusto ko lang makita kung ano yun.
Ako: Weh, pasimple ka pa. Wala nga ako nun. Baka bukas lang malaman ko meron ka na niyan.
Nanay: Parang facebook ba yan? Kasi, kung ganun, iopen mo naman ako…
Ako: Ayoko. Wala nga ako nun.
Nanay: Sige na nga, kay ate ano mo na lang ako magpapaturo.

UPDATE:
Kinamusta ko kanina si nanay tungkol sa twitter. Ayaw na daw niya. Di siya natuwa dahil wala naman daw mga pictures gaya ng sa facebook. Tamad kasi yun magbasa. Puros pictures lang tinitingnan.

***********
Magpapasko na pala.

Disyembre na bukas.

May regalo na ba kayo sa akin? :P

Nov 4, 2010

BLAST FROM THE PAST

Wala pa ako sa wisyo magsulat, kaya pagtiyagaan niyo muna ang isang kwentong nakaraan ko. 2 years ago ko pa ito nilathala, wala lang.

Enjoy.

*********************
Di ako sigurado kung alam ninyong lahat, pero hindi ko talaga nagustuhan ang hayskul life ko. Noong college talaga ako sobrang nag-enjoy. Pero sa aking pagbabalik-tanaw, naisip ko na mas gusto ko pa ang elementary days ko kesa nung high school ako. Alam ko mas maraming nangyari sa apat na taon ko dun, kesa sa anim na taon sa elementarya, pero para sakin mas masaya ang aking kabataan.

Yung panahon na totoy na totoy pa ako at lahat ng mga kasama ko. Walang inggitan. Puros laro lang inaatupag. Hindi ako stressed. Hindi ako pulubi. Namimiss ko yun, lalo na ngayon pang nagsisimula na akong tambakan ng trabaho.

Nanggaling ako sa all-boys school buong buhay ko, at masaya don. Enjoy, at maagang natuto ng kalokohan. Kaya ngayon, bilang tribute (at dahil wala akong maisip na maaaring isulat na may kabuluhang post) eh ilalathala ko lahat ng highlights na maaalala ko noong grade school ako.

GRADE 1
Unang taon kong mag-aral sa isang malaking paaralang katoliko. Naaalala kong pinaiyak ako ng aming guro dahil nung school fair eh hindi ako sumama na ihatid ang tatay ko sa airport. Nagstay lang ako sa school at hindi bumaba sa Ferris Wheel. Nagsayaw kami noon ng ati-atihan, at doon ako natutong maglaro ng teks, sipa, yung mga trading cards ng mga kotse, eroplano, tangke at racing cars.

GRADE 2
Ito ang taon na una akong sobrang nahumaling sa babaeng matanda pa sa akin. Ang guro kong si Ms. Marianne. Eto rin ang taon na sobrang dumami ang Marvel cards ko sa teks, tipong limang dangkal. Tapos sinunog lang ng nanay ko kasi ang grade ko sa periodical test ko sa Math ay 8/70. Ito rin ang taon na una kong narinig ang salitang jakol. Siyempre, iba ang pagkakaintindi namin dito. Ganito pa ang gamit namin dun... "Ah, si Jeffrey mukhang jakol!!!" Tapos eto rin yung panahon na tuwing lunch, nagtatago kami sa barkada nina Gio Alvarez (na model pa lang ng Safeguard noon), Grade 6 sila, kami Grade 2, tapos pag nahabol nila kami, nilalagay kami sa loob ng basurahan.

GRADE 3
Dito ako unang natuto magbasa ng comics. Yung una kong nakuha eh XMen 3. First appearance ata yun ni Omega Red. Dinala ko lang sa klase isang araw, pagdating ng lunch, nawala na. Ninakaw ng isa kong kaklase (feeling ko si Rogelio yun). Naging best friend ko si Mikko, kasi napansin naming madalas kaming magkasunod sa class number, di namin alam kung bakit (alphabetical order O ako P siya). Nagtataka na lang kami, sa loob ng 3 taon eh tuwing first quarter, kami palagi ang magkatabi. Naban ang eskwelahan namin sa isang museo sa Maynila dahil ang kaklase kong si Reimann eh umebak sa loob, at nagiwan ng dilaw na trail sa pula nitong karpet. Naging kalove team ko ang kaschoolbus kong si Mimi... pero mas gusto ko yung kapatid niyang si Peanut. Walang nangyari, kasi simula nang tuksuhin kami sa isa't-isa, lumipat siya ng ibang schoolbus.

GRADE 4
Unang taon na ako'y naging isang teacher's pet. Dito ko narealize, na magaling pala ako magbasa ng ingles. At dito rin nagsimulang lumalim ang galit ko sa Math. Muntik nakong bumagsak kung di lang ako natuto magbasa ng oras (ang basa ko pag ang maliit na kamay ng orasan ay nasa 3 at ang mahaba ay nasa 9 ay 3:9). Sensya naman at digital watch lang ang kaya ko basahin noon. Paglunch, sina Moses, Shierwin at ako ay madalas maglaro ng drain (imbento naming laro na habulan tapos pag nahuli mo yung hinahabol mo, eh pipisilin mo ang bayag, leeg o braso nito)... bading na ngayon si Shierwin. Kras ko noon ang ka schoolbus kong si Gracielle. Ako ang nabunot niya sa monito monita, at niregaluhan niya ako ng planner. Nakalagay dun ang number niya, pero di ko kayang tawagan. Shy type ako eh. 2 years later, nalaman kong, tibo na siya ngayon.

GRADE 5
Nagsisimula nang lumabas ang pagiging rebelde ng klase namin. Si John Michael na kaklase kong pilosopo eh madalas makipagdebate sa guro naming si Mrs. Andrade, para lang sirain ang araw nito. Ang subject namin sa kanya ay Math. Si Moses ay nagsisimula na ring bumuo ng sarili niyang kulto. Inimbento namin ang iba't ibang lebel ng satanismo... tiyanak ang pinakamababang lebel, at Mephisto, Supreme Lord of the Underworld ang pinakamataas na lebel. Dalawa lang kami sa kulto, at dahil siya nag-imbento noon, tiyanak lang ako.

GRADE 6
Hmmm... Naging over-all officer ako ng BSP (Boy Scout of the Philippines), sa paaralan namin. Dahil huli akong dumating at wala ng team na paglalagyan sakin. Galing noh?! Nakarating ako ng Baguio dahil dun. Si Moses, napili ng team nila para isali sa Mr. & Ms. Scout dun sa Baguio. Pero, dahil may pagkasosyal yung tao (at wala masyadong talent), eh inindian lahat ng competition sa pageant. Dito rin nag-umpisang magkalamat ang pagkakaibigan namin ni Mikko. Nag-away kami dahil matagal na niyang kras si Claudine, at sinabihan kong wala siyang pag-asang maging gelpren ito. Nagalit ang loko... kadalasan, pag may nagkamali sa amin, nagsosorry kami sa isa't-isa. Pero yung away na yun, wala. Mataas pride namin pareho... Tapos ito din yung taon na nanlibre ako nung birthday ko. Sumama lahat ng kaibigan kong matalik (7 sila) at saka si Ricardo, na walang maski isa samin ay kaclose niya. Di ko nga alam kung pano napasama yun, sa Parañaque ako nanlibre, sa Cavite siya nakatira.

Hay, grade school life. Namiss kita ng sobra!!!

Aug 23, 2010

KWENTONG FOREIGNER

Laging tinatanong sa akin ng aking kasintahan kung bakit daw ang bahay namin eh laging may bisita. Palagi ko kasing nakukwento na meron mga balikbayan na nakikitira samin paminsan minsan (lately parang once a month).

Ewan ko ba, yung bahay namin, medyo nagiging transient house ng mga Amerikano, balikbayan, galing probinsya at kung sinu-sino pa. Hindi naman siya kalakihan, ngalang, malapit sa airport.

So naisip ko magkwento ng mga kwentong transient house ngayong post na ito. Mga paborito kong bisita.

OLA
Si Ola ang pinakahuli naming bisita. Kaninang umaga lang siya bumalik. Sa pagkakaalam ko, galing siyang North Carolina. Isa siyang itim, na may nakitang Pilipinang mapapangasawa.

Ang masuwerteng nilalang na iyon, ay papangalanan nating si Rodora (her real name). Maliit siya, maganda, mukhang disente.

Nagkakilala sila sa isang online dating site yata. Hindi ko alam, at kaya pumunta dito si Ola ay para makilala ang kanyang nobya. Dumating siya noong isang linggo.

Wala akong masyadong kwento sa kanya kasi di ko siya nakakausap. Lagi lang silang nagkukulong sa kwarto.

Eto lang, noong unang gabi nila sa bahay namin. Mga hatinggabi o madaling-araw ata yun. Kwento sakin ng nanay ko, nagising daw siya kasi medyo maingay sa taas. Parang may bukas na gripo. nang inakyat ng nanay ko, ayun yung dalawa sa banyo. Naglalaba.

Namantsahan daw ng dugo yung aming bed sheet.

Di na kami nagtanong. Pero feeling namin, di kinaya ni Rodora si Ola.
***************

CLAYTON
Naisulat ko na siya noon. Isang Featured Friend. Kamukha kasi ni Zac Efron.

Ganun din yung kwento, although hindi siya yung naghahanap ng mapapangasawa kundi yung tatay niya.

Malas lang nila, yung nakilala nila, eh yung renter namin dati na hustler na si Rowena. (Ang daming nabiktimang foreigner nun, sayang at yung iba ay may hitsura pa naman).

Anyway, kaya memorable sakin yung pagbisita nila sa ating bansa ay dahil, naging tourist guide nila ako.

At dahil all boys kami noong nagguide ako, eh hiniling nilang dalhin ko sila sa isang bar na may nagsasayaw na mga babae... na nakahubad!!!

Syempte, medyo nahirapan ako dun dahil ano ba naman ang interes ko sa mga babaeng nakahubad, diba?! Buti na lang, yung kapitbahay ko, sanay sa mga ganun.

Dinala ko sila sa Binibini sa Baclaran. Dun namin nakilala si Ana... Margaritahhhhh (kelangan may pause at h talaga pag sinasabi ang pangalan niya) na kamukha ni Mystica. Tapos naglaplapan sila ng tatay sa harap ko. Pinapahawak pa sakin ni Ana Margarita yung dibdib niya. Medyo nawala ako sa sarili ko. Hindi ko kinaya!!! Umalis na kami nung may mga jejemon nang nagsayaw (nagulat ako dahil may mga lalake ding sumasayaw sa bar na yun... hiphop nga lang).
***************

CANTRELL FAMILY
Merong kasabihan 'everything is bigger in Texas', at pagdating sa Cantrell Family, totoong totoo yang kasabihan na yan.

Isang pamilya sila na puros bigatin. Sa sobrang bigatin yung tatay at yung uncle, hindi kasya sa pintuan namin.

Sila na yata ang pinakamalalaking taong nakilala ko sa buong buhay ko. Six footer at siguro nasa 400 lbs sila. Tatlo ata yung ganun, sa pagkakaalala ko. Hindi nga sila nagkasya sa kama namin. Sa sahig sila lahat natulog.

Ang malala pa nun, pag gabi, parang may bapor at tren na nagbanggaan sa sobrang lakas ng hilik nila. Sarado na ang pinto at bintana ko nun, pero kahit anong lakas ng ulan sa labas, dinig na dinig ko pa din ang hilik nila.

Nasa kolehiyo pa lang ako nun. Dun ko ata unang naranasan ang insomnia.
***************

UNCLE FRANK
Medyo madrama ang kwento ng buhay nito. Sa tingin ko patay na siya, kasi dumating siya sa amin mga 80's pa ata. Noong panahon na yun eh nasa 70's na ang edad niya.

Dumating siya para pakasalan yung katulong namin. Eh yung katulong na iyon, medyo playgirl. Pinagsasabay niya si Uncle Frank atsaka yung isang tricycle driver sa village namin.

Eto naman si matanda aanga anga. Niloloko na siya, wala pa ring pakialam. Siguro ganun din kasi siya.

Paano kasi, noong bata ako, yung mga katulong namin puros magaganda. Hayun, lahat minamanyak. Kinukunan ng picture. Hinahalikan. Dinadakma ang pwet. Yung mga dalaga naman, makire, pinagsasamantalahan na, kinikilig pa rin. Kunsabagay, marami ding nabigay samin yung matandang iyon.

Pero ang di ko makakalimutan, may dala siyang harmonica noon. Tapos gusto niya akong turuan, pero nilalayo ako ng tito ko, kasi daw baka magka-AIDS ako. Pag hihiramin ko daw yung silindro niya, hugasan ko muna ng mabuti.

Ako naman, dahil bata, at nauuso pa lang noon ang AIDS, syempre natakot ako.
***************

Hay, ang dami pang kwentong ganyan. Ang dami pang naging bisita. May Hapon. May Koreanong retarded (as in mentally challenged). May dalawang kyut na Pranses. Tsaka yung mga naloko ng renter namin na si Rowena.

Pag may pagkakataon, ikukwento ko lahat iyon.

Jul 31, 2010

GILLBOARD VS FACEBOOK VS NANAY

Tanong: Anong mas nakakainis sa hindi pagkakaroon ng access sa internet sa opisina?

Sagot: Hindi pagkakaroon ng pagkakataong mag-internet sa bahay.

Medyo mainit ang ulo ko thesse days lalo na sa bahay. Dahil hindi ko magamit ang computer ko.

Si nanay kasi. Adik na adik na sa facebook.

CASE 1:

Umuuwi ako ng bahay alas syete ng umaga. Tulog pa ang mga magulang ko. Bubuksan ko ang computer para magcheck ng email ng saglit.

Pahinga lang ng konti.

Pagkatapos ng isang oras, naliligo na ako para masarap matulog. Pero di pa ako tapos magnet nun.

Paglabas ko ng kwarto, ayun absorbed na absorbed na sa kakatingin ng pictures sa facebook si nanay.

Wala nang naririnig.

CASE 2:

Dahil nga panggabi ako, medyo kahit weekend ang weekday schedule pa rin ang sinusundan ng body clock ko.

Kapag Sabado, usually natutulog ako ng hapon at nagigising ng hatinggabi. Doon ako nag-iinternet. Ilang linggo ang nakakaraan, bumangon ako ng ala-una para subukang mag-internet.

Madilim na ang bahay, akala ko ako na lang ang gising pero laking gulat ko at andun pa rin sa harap ng pc si nanay at nag-iinternet.

Nakita daw niya yung kaklase niya noong elementary.

Nung hihiramin ko yung computer, sabi niya at mamaya na daw at may kachat pa siya.

CASE 3:

Kahapon habang tahimik akong nagcocomputer mag-isa nilapitan ako ni nanay.

"Anak, meron akong nakitang website kagabi puros hubad na lalaki. Di ko na makita ulit, pakihanap nga."

Errrr...

Hindi ko siya hinanap.

"Tsaka nga pala, meron kaming nahanap ni Daddy na video ng nanganganak sa youtube, gusto mo makita?"

Nagkamot na lang ako ng ulo.

***********

Eto pa, minsan habang nag-iinternet ako, nakikita ko si nanay na umaaligid sa likod ko. Nag-aabang na matapos ako para makapagfacebook ulit siya. Ang sakit sa ulo.

Minsan pakiramdam ko, kapag wala ako, nanunuod na ng mga makamundong mga videos yung mag-asawa.

Hay.

Gusto ko nang makahawak ulit ng computer ng malaya.

Ang hirap magpalaki ng mga magulang.

Jul 13, 2010

KWENTONG NATULOY NA DATE

Sa ngayon, hindi ako available (matagal-tagal pa bago ako malibre ulit... mga ten thousand years siguro).

Feeling ko lang kelangan ko iredeem ang sarili ko after niyo maawa sa akin sa mga nangyari sakin dun sa huling post ko. Parang loser lang kasi. Pero di na naman ako loser. Di na ako nakikipag eyeball or blind date gaya noong teen-ager / early twenties ko. Yun yung desperate/maniac years ko. Nakaraan na yun. Nakabaon na sa limot. Nagmature na ako. SEB na lang agad. Joke!!!

Bago pa kayo maniwala sa huling pangungusap, eh masimulan na nga ang gusto kong isulat ngayon. Gusto ko sana magbuhat ng bangko, kaya lang naisip ko, mahirap magsinungaling. Sobrang hirap!!! Kaya ikukwento ko na lang ang ilan sa mga date ko na natuloy at walang indyanan na nangyari.

DATE 1
Isa sa mga dates ko na hindi ko makakalimutan ay yung date namin ni Joy. Si Joy ang ultimate crush ko noong unang panahon. Pero hanggang kaibigan lang talaga kami noon.

Ang totoo niyan, noong panahon na yun, ako lang ang nag-iisip na date yung ginawa namin. Para sa kanya kasi hang-out lang yung paglabas namin. Katrabaho ko si Joy noon, dapat kasi tatlo kami, pero no-show yung isa pa naming kaibigan kaya dalawa na lang kami.

Mababaw lang naman ako. Basta nagkaroon ng malaman na usapan ang isang lakad o 'date', masaya na ako dun. Lalo na kung gusto ko ang kasama ko. At gustung gusto ko si Joy. Masarap kasi siya kasama. Kahit walang kwenta pinanuod namin noon (Doom), ayos lang bawi sa kwentuhan habang nagkakape. Mas lalo ko siyang nakilala, kasi sa programa namin noon, tahimik lang siya (actually maingay siya), pero pagdating sa kwentuhan, di na siya masyado nagsasalita. Pero nung unang date namin, ang dami niyang na-open tungkol sa buhay niya. Sa pamilya niya. Sa trabaho. Mga bagay na hindi niya sinasabi sa iba, na alam kong mga tunay lang niyang kaibigan ang nakakaalam. Memorable sakin yun, kasi nga matagal na akong humahanga sa kanya. At nung mas lalo ko siyang nakilala, minahal ko na siya.

Pero yun nga, hanggang kaibigan lang talaga kami.

DATE 2
Sino ba naman ang makakalimot sa una mong date. Ako din di ko malilimutan yun. Unang date ko sa una kong girlfriend, si Love. Di pa kami nun. Eyeball yun. Siguro dalawa o tatlong linggo na kami magkaphonepal noon ni Love.

Naisip namin na finally magkita na. Nagkita kami nun sa National Bookstore sa SM Southmall. Noong panahon na yon, yun pa lang ang mall na pwedeng tambayan sa may Parañaque/ Las Piñas area. Naalala ko pa, sabi niya description niya'y kulot siya, pero yun pala straight ang buhok niya.

At dahil high school pa lang kami, at kinupit ko lang sa bag ng nanay ko yung pangdate namin, sa Jollibee lang kami kumain. Hindi kami masyado nagkwentuhan, dahil pareho kami nahihiya sa isa't-isa. Pero kilig dahil lagi namin hinuhuli ang isa na tumititig sa isa. Parang tanga lang.

Syempre, di ko malilimutan yun, kasi dun ako unang nanligaw. Dapat yun yung date kung saan tatanungin ko siya kung pwede ko bang maging girlfriend, pero di ko nagawa dahil naunahan ako ng hiya. Noong pauwi na kami, ang tanging nagawa ko lang ay kamayan siya at sabihing 'nice meeting you.'

Noong gabi ding iyon, naging kami.

********************
Tama na muna ang dalawang date. Baka may magselos na.

Kayo, ano mga di niyo makakalimutang date ninyo?

Jun 16, 2010

KWENTONG KABATAAN: SALBAHENG BATA IRE

Kung ikaw ay medyo kagaya ko ang edad na nasa late 20s (honest ako, bakit ba), kadalasan mapapareminisce ka talaga sa mga araw kung kailan medyo pinakamaligaya ka. Di yung mga moments mo ng 'honey' mo, kundi yung kabataan mo.

Madalas masarap balik-balikan ang nakaraan. Noong simple ang pamumuhay. Hindi ka depressed dahil single ka o nabasted ka o matanda ka na at wala ka pang asawa. Hindi ka namumroblema sa pera. Hindi mahalagang wala kang sex life. At hindi atat ang mga magulang mo na palayasin ka sa bahay nila dahil magtetrenta ka na sa kanila ka pa rin nakatira.

Hindi ako yun. Hindi lahat.

Pero kahit na masaya itong mga bagay na 'to balik-balikan, sadyang mayroong tayong mga kagaguhan na nais nating ibaon sa limot dahil sadyang hindi ito magaganda. Konti lang yung sa akin.

ANG TEORYA NG NINE LIVES
Aminin mo, noong bata ka ganito ka rin. Kapag mayroon kayong nakikitang pusa / kuting sa bahay o sa kalsada pinagtitripan ninyo ito.

Ganoon kami noong bata kami. Sinusubukan namin patunayan ang kasabihan na ang mga pusa ay may siyam na buhay.

Ang ginagawa namin iniitsa namin sa pader, sa bubong, sa puno, sa sasakyan, para subukan kung masusurvive nga nila ito. Ang siste, may konsensya pa rin kami kahit bata pa kami. Walong beses lang namin itong ginagawa, kasi baka pag sa pangsiyam na beses, eh matuluyan ito. Naaawa pa rin kami kahit papaano.

KLEPTO
Noong bata ako, dahil nag-iisa akong anak ay medyo salbahe ako. Inggitero.

Ako noon ang paboritong pamangkin ng tita ko na naninirahan sa US. Kaya pag umuuwi siya dati madalas ako may pinakamagagarang mga pasalubong. Pinakamaraming laruan. Pinakamalaking hati sa bilangan ng chocolates at kung anu-ano pa.

Pampalubag loob sa pinsan ko, one time binigyan siya ng wallet ng asawa ng tita ko. Dun sa lalagyan ng litrato ang nakalakip na picture eh mga dinosaur. Dahil fan ako noon ng Dino Riders, eh nainggit ako.

So isang gabi, habang tulog lahat ng tao sa kwarto, kinuha ko at itinago yung wallet na binigay ng tito ko sa pinsan ko. Hindi ko siya inilabas hanggang matapos ang summer, at yun ang ginawa kong wallet nang magsimula ang pasukan. Kahit kinse pesos lang ang baon ko noon.

MAKAMUNDONG BATA
Naikwento ko na ito noon pa, maaga akong namulat sa kamunduhan. Bago kayo magreact ng bayolente, hindi ako biktima ng child molestation o kung anuman.

Siguro mga pito o walong taong gulang pa lang ako, ay nakapanuod na ako ng porno.

Meron kasi akong mga kapitbahay na bata pa lang eh napapabayaan na ng mga magulang. Kapag bakasyon, tuwing papasok ang nanay at tatay ng kapitbahay namin, ay nireraid namin ang kwarto ng mga magulang nito. Alam nila kung saan nakatago ang mga betamax tape at litratong makamundo ng tatay nila.

Sa kanila ko napanuod ang sex video ni George Estregan at saka ng partner niyang bisaya. Aguy!!! Sa kanila ko rin nakita ang mga black and white na mga litrato ng mga modelo habang ginagawa nila ang mga bagay na gawain ng mag-asawa.

Diring diri pa kami noon. Kasi yung mga babae, hinahayaan lang silang duraan ng mga lalake. At nagtataka kami kung bakit kulay puti ang laway ng mga lalakeng ito. Akala namin bago nila ginawa yung shoot, uminom sila ng madaming gatas.

Actually, di naman talaga panget na alaala ito, naisama ko lang kasi tatanga-tanga kami noon sa mga nakikita namin. Dura?! WTF diba?

**********
Kayo, ano ang mga ayaw niyong balikan na mga alaala ninyo noong bata pa kayo?