Jul 29, 2011

ASSUMPTIONS

A recent conversation with some friends got me thinking of some of my most embarassing moments.

It was way back when I was still renting in Marikina. You see, I used to travel from apartment to our home on weekends. But there was this one night that I had to go home late because of some gimmick I went to with my housemates.

I didn't want to take the bus back because it was a very long ride from Cubao to Baclaran. And I had to run from LRT2 to the MRT to reach the last ride.

Fortunately, I made it. And as it was the last train for the night, the cart was practically empty. A station later, a guy came in. He's cute if you're into guys who look like strippers. He certainly dressed like one. I still remember he's wearing a black see-through sleeveless shirt.

Upon entering, we immediately made eye contact. I was not into the guy, but apparently for him it may have meant that I was. So, in the midst of an almost empty cart he decided to stand up in front of me. It was a very uncomfortable ride. Me, seated, and his growing cock starign right back at me.

Station after station people started going down, yet he still did not move. I was afraid to look at the guy because he might take it as a sign that I'm into him.

But the moment I did, I saw him immediately purse his lips. Did he signal me to give him a kiss? Did I look obvious that night? Did I look like the type who'd make out with a guy who makes out with people he meets on a train?

I am now. But four years ago, I was the virginal type. I gave him a look of disgust. But he still pursed his lips, pointing towards my crotch.

That time I got really scared so I left my seat and transferred a couple of benches away from him. After Buendia Station, he sat beside me.

He whispered, "butas brief mo. Bukas din ang zipper mo." He smiled, then got off on Magallanes.

So that's why he was pointing his lips on my crotch.

Yes, I wear holey undies. I'm an exhibitionist that way.

Jul 28, 2011

MY 7 LINKS PROJECT:

Dahil siguro napapansin ni Chyng na hindi nako masyadong aktibo sa blogosperyo nitong mga nakalipas na mga buwan, eh naisipan akong bigyan ng assignment. Medyo marami-rami na rin akong nakikitang mga post na gaya nito sa paglilibut-libot ko. Magsisilbi ata itong paraan para makita ulit ng mga mambabasa ang ilang mga post na karapat-dapat na mabasa ng mga walang magawa kundi makibalita sa buhay ng ibang tao.

Pasensya na kung wala akong link-link mula sa pinanggalingan nitong proyekto na ito at kung hindi ko na itatag yung ibang mga kapwa ko blogero. Busy kasi ako sa trabaho.

Anyway, simulan na natin 'to.

MOST BEAUTIFUL POST
Kwentong Ondoy
Kung meron akong isang post na ipagmamalaki ko, ito na siguro yun. Inspirado akong magsulat lalo na nang makabasa ako ng isang post tungkol sa kanyang karanasan noong bagyo mga 2 taon na ang nakakaraan. Naisip kong gawan ito ng kwento. Hindi ko inakala na maraming maaantig dun sa kwentong sinulat ko. At mas lalo akong nagulat na maraming nag-akalang totoong kwento ko ito. Sa totoo lang, hindi kami binaha nung dumating si Ondoy. Ni di man lang pumasok sa gate namin yung tubig. Gusto ko lang noon magkaroon ng maikukwento noong panahon na iyon.

MOST POPULAR POST
Para Dumami Ang Blog Hits Mo
Kung paramihan ng hits ang pagbabasehan, masasabi kong Ang Kwento Ng Gabi ang may pinakamaraming nagdaan. Ito ay nakita ko nang ipinaskil sa iba pang mga blog. Pero hindi siya para sakin ang pinakapopular. Ang basehan ko nito ay kung gaano karami ang naging mga malalaman na kumento ang dumating sa post na iyon. Basta nagsulat ako tungkol sa pagsusulat o pagbablog, medyo marami ang nagbabasa nito. Pero sa lahat ng blogging post ko, ito ang may pinakamaraming response. Hindi ito seryosong post. Sa ingles ito'y isa lamang satire. Pero mukhang merong mga sumeryoso sa mga pinagsususulat ko.

MOST CONTROVERSIAL POST
Epic Fail: Mga Kwentong Kamunduhan
Alam naman ng karamihan na ang dalawang blog ko ay wholesome. Na hindi ako nagsusulat ng mga kalaswaan para sumikat di gaya ng ilan-ilan dyan. Kaya marami ang nagulat ng isang araw ay nagpost ako ng aking mga kwentong kamunduhan. Di naman talaga ito kwentong aabot sa punto ng "kamunduhan" kaya nga may Epic Fail. Pero hindi ito yung tipo ng post na manggagaling sa isang manunulat na kagaya ko.

MOST HELPFUL POST
Anong Gusto Ng Mga Lalake
Naipaskil ko ito noong mga panahon na baguhan pa lang ako, at ang nais ay sumikat sa blogosperyo. Noong mga panahon na feelingero ako at nagpapaka-Joe D'Mango. Di ko alam kung sa totoo ay helpful nga ito, pero pag sinisilip ko kasi minsan kung paano napapadpad dito ang mga galing sa Google, ang mga inquiries nila ay "Paano Ako Magugustuhan ng Lalake." "Anong Gusto ng Lalake" "Type ng Lalake". In fairness naman sa post na ito, medyo sang-ayon naman sa mga sinabi ko ang mga nagkukumento tungkol dito.

A POST WHOSE SUCCESS SURPRISED YOU
Travel With Jaja
Noong mga panahon na baguhan pa lang ako, ito yung unang post ko na nagkaroon ng pinakamaraming kumento. Ito ang dahilan kung bakit noon ako ay nagkaroon ng tag for Featured Friend. Siguro hindi naman ako dapat magtataka kasi isang magandang dalaga ang fineature ko. Dito yata nagsimula akong magkaroon ng mga regular na mambabasang maton. At noong mga panahong iyon, sobrang saya ko na na may napapapadpad at napapadalas sa aking tahanan.

A POST YOU FEEL DIDN'T GET THE ATTENTION IT DESERVED
Pop Culture
Ito ay iisa lamang sa mga post na kung ako ay masusunod ay sana napapansin. Sa mga post na ganito lumalabas kung sino ako. Isang geek na mahilig sa pop culture. Dito ko pinupromote ang mga paborito kong palabas sa telebisyon. Pelikula. Video games. Alam kong ang karamihan ng mga tao ay walang panahon sa mga ganito dahil may iba silang pinagkakaabalahan. Hindi naman lahat ay makukumbinsi natin na gustuhin ang hilig natin. Pero nararamdaman ko ang tunay na saya sa pagiging isang blogger tuwing merong nagsasabi na "nabasa ko sa blog mo nung prinomote mo yung Game Of Thrones o Walking Dead... tapos nung napanuod ko, tama ka astig nga."

THE POST YOU ARE MOST PROUD OF
Bulalakaw
Marami akong post na maipagmamalaki ko. Yung nga lang mga post na pinaplagiarize ng isang blogger dyan hanggang ngayon, kahit walang paalam sakin, the fact na ninanais niyang angkinin yung mga sulat ko ay nakakapagpataba na ng puso. Ibig sabihin meron akong mga sinusulat na may sense. Pero itong post na ito, isang kwentong kathang-isip lamang ay natutuwa ako. Isang araw kasi, may nagkwento sakin na nagkalat sa opisina nila ang sinulat kong ito. May naglink sa facebook ng post ko. At nakakatuwa pa yung mga kumento nila. Naiintindihan ko kahit Cebuano yung mga kumento. Ito ba ang pinakamagandang naisulat ko? Hindi naman siguro. Pero yung the fact na alam mong umiikot sa labas ng blog mo yung gawa mo, that's something to be proud of.

Di nako magtatag. Pasensya na Chyng ha. Alam mo naman na hindi ako ma-tag na blogger. Gusto ko lang magsulat. Kung gusto niyong sumali sa proyektong ito. Go lang. Ang sarap balikan ng mga post nating may laman.

Jul 18, 2011

MY TOP FILMS: HARRY POTTER

By this time, I'm pretty sure that everyone who's read the series have already seen the last installment of the Harry Potter film franchise.

I'm not going to write a review anymore as I'm sure that everything that needs to be said a bout the movie has already been written. And I'm a few days too late, if I wanted to write a review, I should've done it when it opened last Thursday.

But I still like to write something about Potter. And since all of the films have already been shown, I thought why not list the order of my favorite Potter films. So here's how I would rank the Harry Potter movies.

8. HARRY POTTER AND THE CHAMBER OF SECRETS (2002)
This is my least favorite of the film franchise. It's not at all that bad. I thought that the film was funny. It had some great effects specially towards the end when they were about to fight the basilisk. And Kenneth Branagh as Professor Gilderoy Lockhart was just comedic gold. I think he stole all of the scenes where he was in, in this movie. It was pretty much loyal to the book, but I thought that there were alot of important scenes from the book that did not make it in the film version. But the thing about the first sequel is that it's forgettable. Or I just didn't like this story. It's also possible that Dobby was really annoying in this movie.

7. HARRY POTTER AND THE GOBLET OF FIRE (2005)
Yeah, this film is notorious for introducing Robert Pattinson to the whole world. Not that I'm a fan (because I'm not), but apart from his stint as Cedric Diggory, I thought that this film is one of the most disappointing adaptation from the novel. The book is one of the longest in the series, yet the film is actually one of the shortest in the franchise.That basically means that alot of scenes in the book did not have a film version. As annoying as Dobby was in the books, he had quite a large role in the story. He didn't even show up in the movie. I was also hoping for some scenes with Viktor Krumm trying to woe Hermione, but none of it were made. The film was just so disappointing.

6. HARRY POTTER AND THE ORDER OF THE PHOENIX (2007)
The book version is one of my favorites in the whole Potter lore. This was a very important book. But the movie was very disappointing. Just like in the fourth, alot of important scenes from the book did not make it in the film. Alot of scenes felt disjointed, and some of the more important ones felt rushed. They hyped first kiss between Harry and Cho was supposed to make us feel all jittery and excited. But for me it was more meh. Even the death of Sirius Black did not have that gut wrenching feel that it should've had. I had a lot of expectations for this one, and I was let down big time. But I loved how this feel started to be dark and grim. The one thing from the book that David Yates got correctly.

5. HARRY POTTER AND THE DEATHLY HOLLOWS PART 1 (2010)
For the length of this film spent with Harry and friends trying to find Voldemort's Horcruxes, this films still missed alot of really important scenes. They left out some nice scenes prior to Bill and Fleur's wedding. They left out Tonks' parents. In the book, Harry and friends stayed at Sirius's place for a number of chapters, but in the film they were only there for a few minutes. I haven't actually finished reading again the last book so I'm sure I missed some things, but after seeing the film I was left wanting more. And I guess that's also it's film's strength. It made me want the conclusion more. This film has beautiful locations and for the first time, it made Harry's mythology feel grand. And for the first time in Harry Potter history, this film made me care for the characters that died. Even if it was just the bird or that annoying elf. 

4. HARRY POTTER AND THE HALF BLOOD PRINCE (2009)
People said that this film was boring. I agree, in terms of storytelling, the sixth film in the franchise was done basically to set-up the pieces for Harry and Voldemort's last battle. This is not an action packed film. I think it only had about two or three big fight sequences. By this time I've let go of my expectations about death scenes. The Harry Potter films don't really make a big deal about the death scenes, so I wasn't that disappointed when Dumbledore died in this film. But what I liked about this book is that it's really beautiful. I love the shots from the castle. The cinematography. The darkness of this film. This isn't necessarily the best film, but for me it is one of the most loyal to the book. I'd say of all the films in the franchise, this was the one that could be described as artsy. And that is the strength of the Half Blood Prince.

3. HARRY POTTER AND THE DEATHLY HOLLOWS PART 2 (2011)
David Yates directed four of the eight films, and this was his best one. The last one. I don't know, maybe it's because of the emotions it brought out (specially because this was the final Potter movie). It could be because the action and adventure in this film were really epic. It might be because alot of characters had their moment to shine in this movie (Neville was really a bad ass in this one). It's possible because Alan Rickman delivered his best as Snape as well as Maggie Smith as Professor McGonagall. It could also be because this film almost made me tear up a little. Or it could be simply because this is a great movie. It's not a complete film, and would be better seen together with the first part, but it did not fail to capture the Potter magic one last time.

2. HARRY POTTER AND THE SORCERER'S STONE (2001)
To be honest, all in all, this film cannot hold a candle against alot of the sequels made after this was done. But it is high in my list simply because this introduced me to the world of Harry Potter. It left me awestruck just like the young wizard as he took his first step in King's Cross' platform 9 3/4. It made me believe in magic. It made me wide eyed with wonder upon seeing Harry ride the broom for the first time. It left me in awe watching the game Quidditch for the first time. I was 19 when I saw this and I remember feeling like a kid again. And this was the only film that I've seen in the theaters nine times. This ranks high in my list because this is where I fell in love with J.K. Rowling's opus. 

1. HARRY POTTER AND THE PRISONER OF AZKABAN (2004)
Maybe I'm biased for Alfonso Cuaron, but this really is my favorite Harry Potter movie. For me, this was the first time in film that I felt that the Potter Universe is epic. It introduced us to one of the series' most important character in Sirius Black. It was a film that has depth and is heavy in characterization. This was probably the last film to see Harry, Ron and Hermione's innocence. I loved this movie because of a lot of things. It's a very complex movie involving time travel and werewolves. It's the only film that had me literally jumped out of my seat. Whereas alot of the books' film adaptations felt like we are shown vignettes of what were originally written, this was the first film that gave us a solid fluid story. It's also visually haunting and is actually smart. This was the first time Harry Potter felt like a film that's not for kids anymore.

What's your favorite Harry Potter movie?

Jul 12, 2011

INSPIRADO

Bilang may-ari ng isang personal na blog, mayroong mga bagay tungkol sa ating buhay na nais natin na ibahagi sa mga nagbabasa sa atin. Itong post na ito ay naisulat ko kanina sa isa kong tahanan at nais kong ibahagi din sa ilan-ilang napapagawi dito.

**************
May isang buwan na ang nakakaraan ako ay nagtungo para kunin ang aking ikatlong Annual Physical Exam. Kailangan ko sa trabaho ito dahil kung hindi, pagbabawalan akong pumasok sa loob ng aming opisina.

Normal naman yung mga pinagdaanan ko. Kukunin yung dugo. Sample ng ihi. Ng dumi. ECG. AIDS test. Yung pinaghuhubad ka ng doktor para malaman kung gaano kalaki yung putotoy mo.

Gaya ng sabi ko, normal lang yung araw na yun. Dapat normal lang. Pero iyon yung araw na pinakaayaw kong dumating. Iyon kasi yung araw na ako ay titimbangin.

Matagal-tagal na rin nung huli kong nakita ang bigat ko. Nakakadismaya. Alam ko kasi at di ko tinatanggi na nitong mga nakalipas na buwan ay napapabayaan ko ang aking sarili. Pero kailangan kong harapin. Kailangan kong tanggapin na yung nag-iisang goal ko na pumayat ngayong taon ay hindi ko matutupad.

Nanlaki ang aking mata nang makita ko ang numerong tumambad sa timbangan. 201 pounds.

Hindi ako gaanong katangkaran kaya nung nakita ko ang numero, alam kong wala na ako sa kategorya ng chubby o stocky. Malapit na o marahil maaari na akong tawaging OBESE. Baboy.

Matagal ko nanamang alam yan. Hindi ko na maisuot ang medyas ko sa aking paa. Ang hirap nang abutin yung mga kuko ko sa paa pag ginugupitan ko ito. Hindi ko na maisara ang butones ng aking mga pantalon. Kalahati ng mga damit ko ay hindi na kasya sa akin. Tuwing tinataas ko ang aking mga braso,  nagmumukha akong si Nutty Professor. Hindi na ako makatingin sa salamin. Pagkagaling namin sa Boracay, in-untag ko ang sarili ko sa karamihan ng mga litratong pinost sa wall ko. Ayoko nang magpapicture dahil dalawa na ang baba ko.

Baboy na talaga ako, at hindi ko matanggap ito.

************************** 
Sa totoo lang, bago ko nalaman yung bigat ko, wala naman ako masyadong pakialam kung tumaba ako. Tanggap naman kasi ni Kasintahan kung ano ako. Madalas pa nga, ako pinapakain niya ng mga tira niya. Parang kaning baboy lang talaga.

At mas lalo na sa bahay. Noon, sa tuwing sasabihin kong magpapapayat ako, dun magsisimulang maghanda ang mga magulang ko ng mga ulam na gusto ko. Kaldereta. Pork Steak. Carbonara. Yang Chow Fried Rice. Beef with Mushroom.

Sinasabotahe nila ang mga plano ko.

Sa opisina naman ay mas malala.Simula nang lumipat ako ng team sa kumpanyang pinagsisilbihan ko, walang araw sa isang linggo na hindi ako lumamon. Army Navy burgers, Amber's, Chickboy, Mercatto, Banchetto, Salcedo Market, Yellow Cab, Jollibee, 2 piece Mini Stop chicken, McDonald's, KFC, lahat ng pagkaing mayaman sa sebo at kulesterol ay pinatulan ko.

Bumili nga ako ng Kinect noong simula ng taon, pero matapos ng birthday party ko ay hindi ko na iyon ulit nabuksan. Limang buwan na siyang nakatengga sa aming sala. Inaalikabok at kinalimutan.

************************** 
Nagcrash diet ako ilang araw matapos kong dibdibin ang laki ng tinaba ko. Tuwing nagugutom ako, aakyat ako sa kwarto at matutulog para lang malimutan ang gutom ko. Tubig lang ang tinutungga ko. Tinigilan ko ang mga pang-aakit ng kanin. Alam kong hindi healthy ang ginawa ko, pero kailangan kong may simulan.

Nang may nangyari na sa mga pinaggagagawa ko, unti-unti ay binalikan ko ang pagkain. Tinigilan ko ang pagkain ng tsokolate sa umaga, tanghali at gabi. Sobrang bawas na ang kinakain kong kanin. Kumakain na ako ng saging at umiinom ng mga fruit smoothies. Madalas ko pa ring pampabusog ang tubig.

May isang buwan ding tinigilan ang pag-order ng pizza (noon ay halos linggo-linggo). Medyo umiwas na rin ako sa aking mga kaopisina pag kumakain sila sa labas.  At kung may mga araw na natutukso akong kumain sa McDonald's, pancake na lang ang nilalantakan ko at di na longanisa meal with sausage mcmuffin (kung tutuusin dapat tinitigilan ko na sila dahil ang mamahal naman ng pagkain nila pero ang liit liit naman ng servings).

Ilang araw lang matapos noon ay nakayanan ko ang mabuhay sa isang araw nang walang kaning pumapasok sa aking tyan. Naging disiplinado ako. Di na ako kumakain bago matulog. Pinagbibigyan ko naman ang sarili ko pagdating sa mga pagkaing gusto ko. Kapag Sabado at Linggo, tumitikim naman ako ng pizza at ice cream. Ang sa akin lang, kung lalo kong pipigilan ang tukso, mas lalong lalapit ito.

************************** 
Nakakatuwang isipin na yung mga ginawa ko noong nakaraang buwan ay may nagiging bunga naman. Mangilang beses na akong nasasabihan na pumapayat ako. Noong isang linggo, naisuot ko muli yung ilang polo ko na sobrang tagal ko nang hindi nagagamit (medyo makati na nga siya sa katawan). Napapatingin na rin ako sa sarili ko pag dumadaan ako sa salamin.

Kahapon ng umaga, isang buwan pagkatapos ng aking APE, nagtimbang muli ako. Napangiti. 21 pounds ang nawala sa akin.

Sa totoo, malayu-layo pa ang lalakbayin ko para makuha yung hinahangad na timbang. Marami pa akong dapat gawin. Di lang sa pagdidiyeta nakasalalay ang aking pagpayat.

Sinusulat ko ito para may magpaalala sakin kung dumating ang panahon na sumuko nanaman ako. Para maalala ko na nagawa ko ito. Nakayanan ko. At hindi dapat ako agad bumigay. Ibabalik ko ang katawan ko noong nag-aaral pa ako sa kolehiyo.

Kaninang hapon, noong nagbibihis ako papasok. Sinubukan kong isara ang butones ng pantalon ko.

Sa unang pagkakataon matapos ang napakatagal na panahon, naisara ko ito.

Ang sarap ng pakiramdam.

Jul 4, 2011

BULLET POINTS 2

Mabilisang post dahil wala akong maisip isulat nitong mga nakaraang araw.
  • Medyo nabubuo ang araw ko nitong mga nakalipas na araw. Marami-rami na rin kasi ang nagsasabi na pumapayat ako. After 6 months, ngayon pa lang natutupad ang nag-iisang goal ko ngayong taon, ang mabawasan ng timbang. As of writing 15 pounds na ang nawawala sa akin. Sana magtuluy-tuloy na 'to. Kaya ko naman pala kahit di ako sumali sa The Biggest Loser. Naiinggit kasi ako pag napapanuod ko na ang laki ng nababawas sa mga contestant dun sa palabas.
  • Dahil nadelay kami sa flight noong pumunta kami sa Boracay nung isang buwan. Nagkaroon kami ng libreng round trip flight sa kahit anong lugar sa bansa. Kaya sa Setyembre o Oktubre, kami ng barkada ko ay magtutungo sa Camiguin!!! Kung meron kayong mairerekumendang murang matitirahan at gagawin, pashare naman. Alam kong madaming travel bloggers dito. 
  • Konting rant lang. Madalas ko ngayon napapanuod sa tv ang trailer ng bagong pelikula ni Melai na Pureza Queen of the Riles.  Di ko alam kung sino ang nag-approve ng pelikulang ito, pero ang tanong ay bakit?! BAKIT?! Gusto ko si Melai. Pero hindi sa kanya bagay umarte. Walang maski anong eksena sa trailer ang nakakatawa. Hindi siya nakakatuwa. Good luck na lang sa pelikula niya.
  • Napaisip ako habang nagsusulat nito. Ang hirap palang mag-update kung wala naman masyadong nangyayaring bago sa buhay mo. Medyo status quo na ako ngayon. Ang nagbago lang ay mas napapadalas na kami magkita ni Kasintahan ngayon dahil medyo pareho na kami ng pinagsisilbihang kumpanya ngayon. Medyo, dahil Pilipinas ang pinagsisilbihan niya, habang Estados Unidos naman ang sa akin. 
  • Kahapon ay nagtungo kami ni Kasintahan sa Manila Ocean Park para iclaim ang libre kong tickets na nakuha ko mula sa kumpanya noong Pasko. Marami akong nakuhang litrato, at napagtanto ko na medyo mahusay pala akong kumuha ng mga litrato. Photographer noon ang tito ko, kaya naturuan niya ako. Naisip ko tuloy na kailangan kong magkaroon ng DSLR. Kaya ngayon, yan na ang project ko. O HDTV. O treadmill. Teka, ang dami ko pala gustong bilhin.
  • Medyo marami-rami na pala akong dinadownload ngayon. Sa palagay ko mabilis mapupuno ang 500Gb na hard drive ko dahil puros tv shows lang ang pinaglalalagay ko. Falling Sky, Franklin and Bash, Necessary Roughness, Wilfred, True Blood at Suits ang mga pinapanuod ko. Saka na ako magrereview ng bawat show, pero lahat sila ay maganda at nakakaadik.