Nov 17, 2011

KWENTONG LAITERO AKO

Gusto ko lang ilabas. Nag-init talaga ang ulo ko kanina.

I'm mean today.

Sa mga nag-follow sakin sa Twitter, medyo nabanggit ko na to kanina.

Anyway, kwentong commute nanaman ito.

Dahil kagagaling ko lang ng 2 hour overtime sa trabaho, ninais ko nang matulog habang bumibyahe.

Paidlip nako nun. Nakakatatlumpong puting tupa na ang nabibilang ko.

Biglang may nag-ingay sa harap ko.

Babae. Tumitili.

"Excited nako sa Breaking Dohwn (pronounced d-own)!!!"

Tas tumili din yung katabi niyang bading.

At sabay sabay nang umingay sa harap ko. Apat silang excited sa Twilight.

Kaya di nako nakatulog.

Nang tingnan ko yung pinakamaingay sa kanila, napatutok agad ang mata ko sa isang medyo kakaiba.

Sinipat ko si ate mula ulo hanggang paa.  

Ate naman siya. Pero shet, bakit ganun? May balbas siya.

Yung tingin kong iyon ay di pumigil sa kanilang pag-iingay.

Yung curiosity ko bumalik sa galit.

Tapos nakita ko yung katabi niyang bading. May goatee.

Pero shet, mas makapal yung goatee ni ate.

Lalong lumala ang pagiging laitero ko.

Habang tumitindi ang asar ko sa kanya, ganun din ang level ng ingay niya.

Sabay tawa pa.

Kaya pala minsan pasusyal ang salita niya, may braces siya.

Tanginaaaaaaaa!!!



Ate may pang braces ka, pero pangwax ng balbas mo di mo magawa!!!!

********************
Inhale. Exhale.

Yun lang. I'm okay now.

24 comments:

  1. ginilitan mo sana ng neck. hahahaha

    ReplyDelete
  2. Hahaha... Nakakainis, pero nakakatawa!:D

    ReplyDelete
  3. haha baka naman di tunay na babae si ate?! waaaa!

    ReplyDelete
  4. haha minsan talaga tyempo sa ganito eh no? pero minsan maingay din ako. pero minsan lang kasi madalas tulog ako sa byahe eh haha pero lamang pa din si ate kasi siya may balbas ako wala. haha.

    ReplyDelete
  5. Nakakatuwa talaga yun mga babaeng may balbas. haha

    pag pinagsabihan mo sila na

    tangalin yung balbas nila -

    sila pa ang galit.

    Ang number one na reason kung bakit ayaw nila patanggal

    KAKAPAL DAW.

    hahaha

    sige, sila na may mustache.

    ReplyDelete
  6. i can't seem understand this twilight craze. chos!

    ReplyDelete
  7. Eh napasagana ang male hormones niyan. Hahaha. KALMA Kuya.

    ReplyDelete
  8. hahaha... baka transgender... hehehe

    ReplyDelete
  9. Simply say, dude I'm trying to sleep. Tatahimik yung mga yun. :)

    ReplyDelete
  10. nangyari na rin sa akin yan sa PUV's. wala naman ako magawa kundi magmura sa aking isipan habang binibigyan sila ng nakamamatay na mga tingin kung nakamamatay ang mga iyon.

    ReplyDelete
  11. naiimagine ko ang itsura nya.wahahaha.. medyo mild ang pagiging laitero mo sa laitero meter ko.hahahaha

    ReplyDelete
  12. malay mo naman, ganun lang talaga ang peg ni ate/kuya. lol nga pala, happy 6th anniv kuya gillboard. :)

    ReplyDelete
  13. LOL... may balbas at goatee ang mga ate. hehehe.. Sila na! :P

    ReplyDelete
  14. kaloka!goatee at balbas?tsk kaloka talaga

    ReplyDelete
  15. Winner ang Breaking Dohwn! Haha. Wagi award! Haha. Baka naman may kinky reasons ang pagbabalbas nya. Baka akala ng buypren nya lalake sya. Ngi!

    ReplyDelete
  16. Nyahaha tawa naman ako sa Breaking dohwn hahaha! Relax lang pre ang puso mo! Ok lang nakalait ka naman na eh! Quits b?

    ReplyDelete
  17. nyahaha
    sakit ng tyan ko kakatawa dito
    hehe

    ReplyDelete
  18. buti walang nagtulak sayo na bumunot ng isa hahaha

    ReplyDelete