Nov 11, 2011

KUNG ANIM NA TAON KA NANG BLOGGER... (MAGPAPACONTEST KA)

Kung anim na taong blogger ka na...
  • Nakapagpakilala ka na sa iyong mambabasa (whether personally o sa iyong mga kwento tungkol sa sarili mo).
  • Nakapagsulat ka na tungkol sa tinatawag na "quarter life crisis"
  • Naipagmalaki mo na ang mga lugar na iyong napuntahan (lalo na kung ika'y nangibang-bansa).
  • Nalagyan mo na, at inalis mo din ang mga maiingay na music apps sa blog mo.
  • Nakagawa ka na ng anonymous blog
  • Nakapag-hiatus ka na. Hindi lang once, twice pero maraming beses na.
  • Hindi ka na nagugulat kapag ang akala mong straight blogger ay straight na lalake din ang hanap.
  • Naging emo ka na dahil single ka. 
  • Nakapanligaw ka na, nagkasyota o naligawan ng kapwa mo blogger.
  • Naging keso ka na dahil may kasintahan ka.
  • Naging bitter ka dahil hiniwalayan ka ng kasintahan mo.
  • May ex kang blogger, o naging blogger pagkatapos niyo maghiwalay.
  • Nagkaroon ka na ng creepy stalker.
  • Nabanggit o naifeature ka na sa ibang blog.
  • Yun nga lang minsan ay hindi maganda ang naisulat tungkol sa iyo.
  • Mahahanap ang blog mo sa Google pag nagsearch sila ng mga katagang "unang j@kol", "kwentong s3x ng magpinsan", "paano makipag-usap sa dwende", "masakit ang condom", "lalakeng nakikipagtitigan sa Santolan"
  • Naplagiarize na ang ibang sinulat mo.
  • Nakasali ka na sa iba't ibang pacontest/pakulo ng ibang mga bloggers.
  • Nanalo ka na kahit isang beses lang sa isang pakontest.
  • Nakatanggap ka na ng "award" mula sa ibang blogger.
  • Alam mong ang "award" na ito ay isa talagang tag.
  • Naabutan mo ang panahon na dahil walang maisulat ang mga tao, kung ano-ano na lang na klase ng tag ang pinatulan mo gaya ng "litrato ng binti" tag.
  • Naadik ka din sa paghihintay ng kumento. Refresh every 30 minutes ng page para malaman kung may nadagdag na kumento.
  • May mga hindi sumang-ayon sa iyong mga opinyon at nang-aaway sa'yo sa pamamagitan ng mga kumento.
  • Hopefully, hindi ka pumapatol sa mga ito.
  • Nakapagpacontest ka na...
***************
Dahil ngayon ang araw ng aking pakapanganak sa mundo ng blogosperyo, magpapakontes ako.

Mamimigay ako ng 3 jacket (picture to follow) mula sa kumpanya ng gasolina na aking pinagsisilbihan. Wala masyadong kailangang gawin, just follow below:

  1. Hanapin sa iyong blog ang pinakamagandang post na nagawa mo. Walang tema, basta yung post na proud na proud ka nang isulat mo. Yung tipong kung 1st time kong pumunta sa blog mo, mapapabalik talaga ako sa ganda ng ginawa mo.
  2. I-repost ang sinulat na ito. 
  3. Ilagay sa dulo ng post, ang link sa blogpost kong ito. Kayo na ang bahala kung ano ilalagay ninyo. Kung within the last month lang ang post, i-edit mo na lang yung dulo at ilink ang post na ito.
  4. Para malaman ko na lumahok ka sa pacontest ko, magcomment lang dito at ilink ang blog post mo.
  5. 1 post = 1 entry. More repost = more entries.
  6. Matatapos ang contest sa Dec. 31, 2011.
  7. Announcement of winner, Jan. 15, 2011.
Ang mga entries ninyo ay gagawan ko ng sariling links sa gilid ng blog ko. Ang gusto ko lang naman ay mabigyan ng pagkakataon na mabasa ng ibang tao ang husay ninyo sa pagsusulat. Added bonus na rin, mamimigay ako ng kopya ng paborito kong libro at paborito kong comics sa pinakamagandang post na mababasa ko at sa pinakamagandang post sa opinyon ni Kasintahan. 

Maraming salamat sa mga sumusunod at nagbabasa sakin kahit noon pa. Maraming salamat din sa mga naglike ng Facebook Page ko (ang dami sa inyo, di ko kilala at sobrang nagulat ako). At sa lahat ng mga sumunod sakin sa Twitter thank you thank you thank you!!! 

39 comments:

  1. Might not be around the sphere at that time, so advanced happy anniversary to your blog! I wish you more years of writing. :)

    ReplyDelete
  2. Dagdag ko lang: Naging subject ka ng chismis ng ibang bloggers.

    LOL!

    Sumali ka naman sa pa-contest ko! Hahaha! Tapos sasali din ako sa pakulo mo. :)

    ReplyDelete
  3. Yay! Congrats!!!

    5 years na din akong nagbblog next April 2012 at syempre magpapacontest ako. wahahaha!

    ReplyDelete
  4. tuloy tuloy lang ang pagsusulat :) ang saya saya.

    kaasar minsan pag nininenok yung sinulat mo.. wala ba silang originality? pero yung mafeature yung entry sa ibang blog.. yon. sarap nun.

    ReplyDelete
  5. kumplwto na yata yung list mo. haha. happy anniBLOGsary in advance! :)

    ReplyDelete
  6. hahaha, mukang madami na ang karanasan ng blogger na 6 years na sa industry...

    natawa ako sa mga nasa listahan mo..... :D

    yey! may contest!!!! wohhoooo

    ReplyDelete
  7. Wow, 6 years!!!


    Wala akong masaveh.



    Mwahchupa! :)

    ReplyDelete
  8. 6 years ka ng blogger? Wow! Astig ah. Sana malampasan ko din yan. :D

    ReplyDelete
  9. Congratulations, gillboard! Aaasahan ko yang promo mo (Per DTI-NCR Permit No. 27819, series of 2005).

    ReplyDelete
  10. huwaw! kungratz!.... 6 years.. woah... ipagpatuloy mo pa ang iyong pagsusulat.. :D

    ReplyDelete
  11. two words --

    Happy Blogversary!!!

    Yun lang.

    ReplyDelete
  12. hahaha, anim na taon k na paa sir, ehe. nice.. madami na akong naranasan sa ganyan. hahahahaha..halos lahat n ata

    ReplyDelete
  13. eekie ng keywords mo sa google ha. hehe

    sali ako sa pacontest mo!

    ReplyDelete
  14. sa taon kong pagblog halos naranasan ko na lahat yan hahahaha. ayun.. happy 6 yrs sir

    ReplyDelete
  15. Naaliw naman ako dito. Hahaha. Naalala ko yung time na nagpupumilit ako maglagay ng music video sa gilid ng blog ko. Andaming nagugulat don tapos mabagal mag load. Haha. Winner.

    Nakakatuwa. Dumaan na ko dun sa time na ineexport ko ang blog ko papunta sa Facebook at Twitter para makahagilop ng followers. Sa stage na naging importante ang comment count. Na ginagawang discussion board ang comments section. Sa stage na nauumay na ko sa pagsusulat pati sa mga tao sa blogosphere. Hanggang sa stage na natatamad na ko makipaginteract sa ibang bloggers at makakilala ng bago at hindi na masyadong mahalaga ang daily clicks at comment count. Pakshets antanda ko na pala sa pakikipagshitan sa mga cyberpeople. Umaygad.

    Oy anonymous blog! Yey!

    Pero hindi ko pa natatry yang makipaglandian at manligaw ng kapwa blogero. Pero lahat naman may oras. Hehe.

    Hello Gillboard! :)

    ReplyDelete
  16. ito si Bill Tumor nag kalat. Nakakaintriga ahahah

    Advance happy Anniv sa blog mo. Naalala ko pa isa 'tong blog mo sa binabasa ko parati bago ako mag blog tapos ngayon 3 years na rin pala akong nag blog. LOL Ang daming hiwaga sa blogging, mula sa stage na kinikilig ka pag ang comments malapit nang mag 100 na hindi ka naman nag rereply. Makipaglandiaan sa comments field hanggang sa YM hanggang sa yun na alam na ahahhaha

    Pero higit sa lahat hanggat nag eenjoy ke may nag babasa o wala basta sulat lang ng sulat. Nasa dugo na eh.

    Happy Blogsary! More years and kwento to come...

    ReplyDelete
  17. Hello brader jepoy superman! Penge nyang Twix sa picture mo naman! Haha. Feeling close enoh. Lols.

    Pasinsya na Gillboard nagkakalat na me. Haha.

    ReplyDelete
  18. wow.. ang tagal na.... congrats sau sir.... more blog post to come....

    ReplyDelete
  19. yown oh! 6 years na. elementary pa ako that time ng magsimula ka.

    tama si kuya jepoy. may magbasa man o wala sa post mo, sulat lang sulat.

    congratz and more 6 years to come.

    ReplyDelete
  20. natuwa ako dito. tagal mo na!!!! institusyon!

    ReplyDelete
  21. halos magkaidad pala blog natin at halos totoo mga obserbasyon mo :) happy birthday :)

    ReplyDelete
  22. congratz 6 yrs. nah!... nov. 30th pa naman makakasali pa cguro akoh... gusto koh ren sumali kay kuya dude pero bz bzhan daw kc akoh eh.. tsk!.. k ingatz! Godbless!

    ReplyDelete
  23. gusto ko ng jacket! sasali ako :P

    ReplyDelete
  24. natamaan ako sa ibang nakalista. Hahaha! :P

    ReplyDelete
  25. hahaha matatawag ka na namaing sensie...

    ReplyDelete
  26. happy anniversary din mula nang una kaming nakilala in person ni moret! hehe!

    ReplyDelete
  27. bata pa ang blog ko 3 years old. hehehe. But happy anniversary sayong blog! Susulat ka pa ng isang librong kababalaghan, kwento ng buhay and sexcapades.. hehehehe. Good Luck!

    ReplyDelete
  28. kung naka anim na taon ka nang blogger... nakatanggap ka na ng award sa ibang blogger. hahaha... konti na lang gumagawa nito ngayon.

    ReplyDelete
  29. Kilala ko ba ung ex mo na blogger? Bwahahaha.

    Parang ayokong sumali. Emo post na naman kasi ang maisasali ko tiyak. Hehe.

    ReplyDelete
  30. buti nalang hindi pa ako nakapag 6 years...
    dahil..masasaktan ako sa sinabi mong naging cheezy dahil may lovelife..ahahahaa.....affected?
    wala akong paki sa jacket..na excite ako dun sa comics at libro!!!
    count me in!!

    ReplyDelete
  31. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  32. HAHAHA :D
    6years ka na pala ..
    happy Blogversary :)
    1month pa lang akong blogger,
    --- like kong magbasa ng mga posts mo ^^

    ReplyDelete
  33. nyahaha di ko alam yung process . sa susunod na lang ako magjoin :D

    ReplyDelete
  34. belated happy birthday, gibo!
    ang blog mo ay isang paboritong kong tambayan
    pramis!
    =P

    ReplyDelete
  35. more or less 9 years na ako sa blogosperyo. di pa yata uso si blogger noon. kaso wala akong post na maipagmamalaki ko. hehehe :P sa dami ng blog ko, hindi ko na din alam kung nasan yung iba hahaha

    ReplyDelete
  36. dahil wala namang sinabi sa mechanics na bawal mag-ante-date, eto ang best posts ng ssdd ayon sa tagakwentang kwentista ng buladaspir:

    http://thessddmantra.net/2011/11/30/the-best-of-ssdd-beerday/

    http://thessddmantra.net/2011/11/30/the-best-of-ssdd-balahibong-pusa/

    http://thessddmantra.net/2011/11/30/the-best-of-ssdd-tikoy/

    http://thessddmantra.net/2011/11/30/the-best-of-ssdd-number-cruncher/

    http://thessddmantra.net/2011/11/30/the-best-of-ssdd-salbakuta/

    http://thessddmantra.net/2011/11/30/the-best-of-ssdd-mejakol-exam/

    http://thessddmantra.net/2011/11/30/the-best-of-ssdd-tie-a-yellow-ribbon/

    pareng gillboard, sori sa pag-i-spam. hahaha! sabi mo kasi, the more entries you send, the more chances of winning. blogenroll! \m/

    ReplyDelete
  37. wow! 6 years ...

    Lupit mo sana umabot din ako jan.

    eto po pla ang entry ko para sa inyong patimpalak.


    http://www.bagotilyo.com/?p=447

    more power sa pacontest mong ito :)

    ReplyDelete