Nov 22, 2011

SA AMING GASOLINAHAN

Sa katapusan ng buwan, magiging opisyal na... ang kumpanya ko ngayon ang pinakamatagal kong pinagsilbihan sa buong karera ko.

Kung tutuusin, 3rd choice ko itong trabaho dito. Habang masarap pakinggang nagtatrabaho ako dito sa gasolinahang ito, noong una di ko talaga nakikita ang sarili ko na magtatagal dito. Hindi maaalis sinabi kong sa **e** ako nagtatrabaho, ang itatanong nila, 'tagalagay ka ng gasolina sa mga sasakyan?' Sagot ko na lang, 'di po window wiper lang ako.'

Hanggang ngayon, marami akong reklamo sa kumpanya, sa trabaho pero hindi ko pa rin makita ang sarili kong nagsasubmit ng resignation letter.

Naranasan ko man noon na paglabas ko ng building na mayroong mga aktibistang namamato ng itlog dahil sa kumpanya namin, dagdag na lang yun sa mga nakakatuwang anekdota sa buhay gasoline boy ko- este taong grasa na pala ako ngayon.

Napaisip tuloy ako kung bakit ako tumagal ng higit tatlong taon dito sa kumpanyang ito:


NAPADPAD AKO SA IBANG BANSA
Ito ang dahilan kung bakit ako nagstay sa kumpanya. Noong nag-aapply ako, 3 ang hinihintay kong offer, at 2 sa mga ito ay nangangako ng trabahong may kinalaman sa pinag-aralan ko sa kolehiyo. 2 dito ay nangangakong magiging tunay na 'yuppie' na ako. 2 dito, na kahit maliit ang sweldo ay alam kong magugustuhan ko. Pero isa lang ang nagsabi sa akin sa unang araw ng trabaho ko na "you'll be training in New Zealand for four weeks." Isusuko ko pa ba ang pagkakataong ito? Wala naman ibang kayang mag-offer ng ganito.


NATUTO AKONG MAGING MAYABANG
Sa dami ng mga nagawa ko sa kumpanyang ito, sigurado ako napakaganda na ng resume ko. Hindi sa pagmamayabang, pero alam kong lahat ng mababasa ng HR sa mga ginawa ko dito ay magiging kaaya-aya sa paningin nila. Kasi dito pa lang, kailangang ganun ang gawin mo. Hindi ka uusad sa karera mo, kung sa isang bagay ka lang magaling, kailangan sa lahat ng aspeto ay may naiambag ka sa Team mo o kaya sa Line of Business ninyo. Tuwing anim na buwan, kailangang maiupdate mo lahat ng accomplishments mo, dahil sa galing ng mga katrabaho mo, kung pagplace lang ng order ang alam mo, hanggang doon lang ang magiging lugar mo.

MARAMI AKONG NATUTUNAN
Noong nagsimula ako, akala ko sapat na ang dating experience ko sa pagiging Supervisor sa isang Call Center para umusad. Nanliit ako, dahil ang totoo, wala pala akong alam sa maraming bagay. Nagsimula ako, Manage Order Scheduler, pero natuto din ako magresolba ng mga complaints ng mga customer ko. Nag-ayos ng mga invoice ng mga nagrereklamo. Natuto akong maging lider. Natuto ako ng ilang administrative work. Natuto ako mag-MS Excel, Powerpoint at kung anu-ano pang kailangan sa trabaho na noo'y wala naman akong pakialam. At dahil ngayon, isa akong Subject Matter Expert, dapat lang marami na akong alam sa trabaho ko.

HINDI AKO NABORE
Gaya ng sinabi ko sa taas, sa dami ng posisyong nahawakan ko, bilang isang Gas Boy at ngayo'y Taong Grasa, hindi ko naranasan yung magkaroon ng routine sa trabaho. Araw-araw iba ang nagiging experience ko. Minsan sobrang sakit sa ulo, pero napapag-isip ako. Hindi ako pwedeng magreklamo na nabobobo ako sa trabaho ko, dahil hindi yun totoo. At kung may mga araw na petiks ako, laking pasalamat ko at pwede akong mag-internet, magsulat ng post at magbasa ng blog ng ibang tao. Hindi lahat ng empleyado may ganitong pribilehiyo, magrereklamo pa ba ako. Dito sa kumpanyang ito nabuhay ang blog life ko.

KASAMA MO MGA TAONG GUSTO MO
Syempre hindi lahat ng makakasalamuha mo sa trabaho, magugustuhan mo. Andyan yung mga jologs na asal skwater, merong mga bading na sobrang ingay, andyan yung dating nakaflirt mo, at meron ding mga kapwa mo blogero na nakakaalam ng sikreto mo. Wala namang perpektong lugar ng trabaho. Lahat may pulitika. Lahat may isyu. Kami pa nga, minsan pag inabutan ka ng aktibista kailangang magtago ka. Pero lahat yan, kung gusto mo ang trabaho mo, lalo na ang mga kasama mo, pagtityagaan mo. Minsan pa nga, suswertehin ka, kasi ang kasintahan mo kapareho ng kumpanyang pinagsisilbihan mo.

Gaya ko.

************************
Ito ang aking entry sa pakontes ni Gasul na Blogversary Writing Contest. Gusto ko kasi manalo ng 1TB na Hard Drive.

18 comments:

  1. naks. may entry ka na sir.......

    kelan kaya ako makakagawa ng entry ko sa blogversary ni gasul. :p

    ReplyDelete
  2. love for work! at dahil diyan, isipin mo na kung anong mga ilalagay mo sa 1TB mo na hard drive :)

    goodluck.

    ReplyDelete
  3. Hahaha. Naiisip ko nga ang pacontest ni Kuya Gasdude nung binabasa ko yung simula dahil sa gasulinahan. Hahaha. Tama pala me. Good luck po. :)

    ReplyDelete
  4. buti ka pa you have a job na you love...i still have to find mine...daanan kita sa office mo minsan! hahaha!

    ReplyDelete
  5. gudluck sa iyong job...new follower mr837.blogspot.com

    ReplyDelete
  6. Title pa lang alam ko nang entry ito LOL good luck

    ReplyDelete
  7. dyos ko, may batuhan mode talaga? sayang naman ang mga itlog. tsk tsk tsk. sana manalo ka gb! good luck. :)

    ReplyDelete
  8. i heit you, ang ganda ng entry mo. *bitter*

    ang hirap kasi ng topic, gasolinahan. ehb uti kung taga shell din ako. haha

    ReplyDelete
  9. eh di dapat may celebration? hihihi

    ReplyDelete
  10. hahha gudluck naman sa gasolina.... hahaha

    ReplyDelete
  11. kay kuya gasul pala ito. sayang bago lang ung blog ko di pa ko makasali :)

    good luck!

    ReplyDelete
  12. isa lang masasabi ko... Ayos!

    ReplyDelete
  13. nyahaha
    contest piece pa talaga, ha

    dumating na bonus nyo?
    treat naman dyan!

    ReplyDelete
  14. Hula ko SHELL 'yun? LOL. Goodluck sa contest. Medyo nag-iisip din ako ng entry e. HEHE!

    ReplyDelete
  15. After more than a month of reading and putting scores on each entry, FINALLY! Check my blog for the list of winners. Salamat sa paglahok at pagsuporta sa aking munting patimpalak. :)

    ReplyDelete