Nov 29, 2011

THE BEST OF 2011: ANG MGA NOMINADO

Hanggang bukas na lang naman ang Nobyembre, at sa Huwebes ay Disyembre na, at dahil pasulput-sulpot na lang ang mga blog post ko kaya ngayon ko na ialalathala ang mga nominado para sa aking taunang Best of the Year Awards.

Sa mga bago lamang dito, tuwing huling araw ng taon ay naglalathala ako ng mga naging paborito ko sa taong nagdaan mapapelikula, telebisyon, musika, comics, video games at blogging. Wala lang, gusto ko lang. Blog ko kasi 'to. Tsaka para na rin matakpan yung post kung saan nagpost at nagbura ako ng concert video ko.

At dahil mayroon pa ngang isang buwan bago matapos ang taon, maaaring hindi man makasali sa listahan ng mga nominado, merong mananalo na shoe-in lamang.

Kung sa tingin ninyo, may nakaligtaan ako, let me know, idadagdag ko.

MOVIE OF THE YEAR (INTERNATIONAL)
Bridesmaids
Drive
Harry Potter and the Deathly Hollows Part Two
Source Code
X-Men First Class

MOVIE OF THE YEAR (LOCAL)
Ang Babae Sa Septic Tank
No Other Woman
Thelma
Zombadings: Patayin sa Shokot Si Remington

GAME OF THE YEAR
Batman: Arkham City 
Dance Central 2
Deus Ex: Human Revolution
Gears of War 3
LA Noir
Portal 2
The Elder Scrolls V: Skyrim
Uncharted 3: Drake's Deception

TV SHOW OF THE YEAR (INTERNATIONAL)
Community
Game of Thrones
Once Upon A Time
Shameless
Suits
The Good Wife
The Walking Dead

TV SHOW OF THE YEAR (LOCAL)
100 Days to Heaven
Budoy
Reputasyon

COMIC EVENT OF THE YEAR
DC's 52 Initiative: DC Reset their entire comic line
Fantastic Four: Three - The Death of Human Torch
Spider Island: New Yorkers start having Spider-Man's powers
The Dark Angel Saga: Archangel the heir of Apocalypse
X-Men Schism: X-Men Civil War between Cyclops and Wolverine

COMIC BOOK SERIES OF THE YEAR
Amazing Spider-Man
Detective Comics / Batman (The Scott Snyder run)
Fantastic Four / FF (Future Foundation)
Morning Glories
The Walking Dead
Uncanny X-Force

SONG OF THE YEAR
Ako Na Lang - Zia Quizon
Give Me Everything - Pitbull Feat Neyo
Party Rock Anthem - LMFAO
Rolling in the Deep - Adele
Someone Like You - Adele
Super Bass - Nicki Minaj

NEWS OF THE YEAR
Miss Universe and Miss World
The Arroyo's
The Norway Massacre
The Revilla's / Bautista's
The whole KC/Piolo debacle

BLOG OF THE YEAR
(Blog must at least have one post  per month... hindi pasulpot-sulpot lang... previous winners not included)
Escape Islands
Human, All Too Human
Mood Swings
Ms. Chuniverse
No Spam, No Virus, No Kidding
Same Shit Different Day
Sentimiyento de Patatas
Soul Jacker
The Creative Dork
The Daily Panda
The Gasoline Dude
The Great Maldito
Wickedmouth

Hindi pa tapos ang taon, marami pa pwedeng magbago lalo na sa mga pelikula (andyan ang aking childhood favorite na Adventure of Tintin, Muppets, Mission Impossible).

Kung meron akong nakalimutan, o kung meron sa tingin niyo na dapat kasama sa listahan ng mga nominado sabihin niyo, malay niyo yun pala yung dapat manalo nakalimutan ko lang kasi ulyanin ako.

Nov 27, 2011

GUSTO NIYO MAISKANDALO

Bago kayo maiskandalo at mawindang sa post na ito, ilang bagay lang na kailangan gawin:
  1. Not Safe For Work ito. Kung ayaw niyong masira ang mundo niyo, don't open the video!!!
  2. Hinaan ang video at wag ilapit sa tenga kung nakaheadset kayo. 
  3. Oo, pinakita ko mukha ko dito (although di ito first time, pero ito unang pagkakataon in a long time).
  4. Mukha lang oily ang mukha ko, pero nagmomoisturize kasi ako, kaya medyo makintab. 
  5. Panget ang boses ko, wag niyo nang ipamukha sa akin.
  6. Pag puros negatibo ang mabasa kong kumento dito, tatanggalin ko ang video.
  7. Oo, magulo ang bahay namin, tamad yung katulong, bakit ba.
  8. Ang kinanta ko ay Blue Eyes Blue ni Eric Clapton. Ngayon pa lang, nagsosorry na ako sa pagbaboy sa kanta niya. 
  9. Go lang ako, kahit hirap na ako kumanta!!! That's perseverance.
  10. Kung nagtatanong kayo anong topak ang pumasok sa akin at nagganito ako, hindi ko rin alam. Pero marami pa akong concert videos sa phone ko!!! Somebody stop me!!!
  11. Kung matuwa man kayo o hindi sa video, wala na pong bawian sa paglike sa FB Page at pagfollow sa twitter. LOlz
  12. I'm so sorry. 
Promise, hinaan niyo lang ang volume. At sabihan niyo ako kung kailangan kong tigilan ang kahibangan ko na isa akong singer. 

Wala na yung video!!! Salamat sa mga nanuod at nagkumento, wala na ang dangal ko!!!

Hanggang ngayong gabi na lang ang video, nahihiya nako. LOL.

Nov 22, 2011

SA AMING GASOLINAHAN

Sa katapusan ng buwan, magiging opisyal na... ang kumpanya ko ngayon ang pinakamatagal kong pinagsilbihan sa buong karera ko.

Kung tutuusin, 3rd choice ko itong trabaho dito. Habang masarap pakinggang nagtatrabaho ako dito sa gasolinahang ito, noong una di ko talaga nakikita ang sarili ko na magtatagal dito. Hindi maaalis sinabi kong sa **e** ako nagtatrabaho, ang itatanong nila, 'tagalagay ka ng gasolina sa mga sasakyan?' Sagot ko na lang, 'di po window wiper lang ako.'

Hanggang ngayon, marami akong reklamo sa kumpanya, sa trabaho pero hindi ko pa rin makita ang sarili kong nagsasubmit ng resignation letter.

Naranasan ko man noon na paglabas ko ng building na mayroong mga aktibistang namamato ng itlog dahil sa kumpanya namin, dagdag na lang yun sa mga nakakatuwang anekdota sa buhay gasoline boy ko- este taong grasa na pala ako ngayon.

Napaisip tuloy ako kung bakit ako tumagal ng higit tatlong taon dito sa kumpanyang ito:


NAPADPAD AKO SA IBANG BANSA
Ito ang dahilan kung bakit ako nagstay sa kumpanya. Noong nag-aapply ako, 3 ang hinihintay kong offer, at 2 sa mga ito ay nangangako ng trabahong may kinalaman sa pinag-aralan ko sa kolehiyo. 2 dito ay nangangakong magiging tunay na 'yuppie' na ako. 2 dito, na kahit maliit ang sweldo ay alam kong magugustuhan ko. Pero isa lang ang nagsabi sa akin sa unang araw ng trabaho ko na "you'll be training in New Zealand for four weeks." Isusuko ko pa ba ang pagkakataong ito? Wala naman ibang kayang mag-offer ng ganito.


NATUTO AKONG MAGING MAYABANG
Sa dami ng mga nagawa ko sa kumpanyang ito, sigurado ako napakaganda na ng resume ko. Hindi sa pagmamayabang, pero alam kong lahat ng mababasa ng HR sa mga ginawa ko dito ay magiging kaaya-aya sa paningin nila. Kasi dito pa lang, kailangang ganun ang gawin mo. Hindi ka uusad sa karera mo, kung sa isang bagay ka lang magaling, kailangan sa lahat ng aspeto ay may naiambag ka sa Team mo o kaya sa Line of Business ninyo. Tuwing anim na buwan, kailangang maiupdate mo lahat ng accomplishments mo, dahil sa galing ng mga katrabaho mo, kung pagplace lang ng order ang alam mo, hanggang doon lang ang magiging lugar mo.

MARAMI AKONG NATUTUNAN
Noong nagsimula ako, akala ko sapat na ang dating experience ko sa pagiging Supervisor sa isang Call Center para umusad. Nanliit ako, dahil ang totoo, wala pala akong alam sa maraming bagay. Nagsimula ako, Manage Order Scheduler, pero natuto din ako magresolba ng mga complaints ng mga customer ko. Nag-ayos ng mga invoice ng mga nagrereklamo. Natuto akong maging lider. Natuto ako ng ilang administrative work. Natuto ako mag-MS Excel, Powerpoint at kung anu-ano pang kailangan sa trabaho na noo'y wala naman akong pakialam. At dahil ngayon, isa akong Subject Matter Expert, dapat lang marami na akong alam sa trabaho ko.

HINDI AKO NABORE
Gaya ng sinabi ko sa taas, sa dami ng posisyong nahawakan ko, bilang isang Gas Boy at ngayo'y Taong Grasa, hindi ko naranasan yung magkaroon ng routine sa trabaho. Araw-araw iba ang nagiging experience ko. Minsan sobrang sakit sa ulo, pero napapag-isip ako. Hindi ako pwedeng magreklamo na nabobobo ako sa trabaho ko, dahil hindi yun totoo. At kung may mga araw na petiks ako, laking pasalamat ko at pwede akong mag-internet, magsulat ng post at magbasa ng blog ng ibang tao. Hindi lahat ng empleyado may ganitong pribilehiyo, magrereklamo pa ba ako. Dito sa kumpanyang ito nabuhay ang blog life ko.

KASAMA MO MGA TAONG GUSTO MO
Syempre hindi lahat ng makakasalamuha mo sa trabaho, magugustuhan mo. Andyan yung mga jologs na asal skwater, merong mga bading na sobrang ingay, andyan yung dating nakaflirt mo, at meron ding mga kapwa mo blogero na nakakaalam ng sikreto mo. Wala namang perpektong lugar ng trabaho. Lahat may pulitika. Lahat may isyu. Kami pa nga, minsan pag inabutan ka ng aktibista kailangang magtago ka. Pero lahat yan, kung gusto mo ang trabaho mo, lalo na ang mga kasama mo, pagtityagaan mo. Minsan pa nga, suswertehin ka, kasi ang kasintahan mo kapareho ng kumpanyang pinagsisilbihan mo.

Gaya ko.

************************
Ito ang aking entry sa pakontes ni Gasul na Blogversary Writing Contest. Gusto ko kasi manalo ng 1TB na Hard Drive.

Nov 17, 2011

KWENTONG LAITERO AKO

Gusto ko lang ilabas. Nag-init talaga ang ulo ko kanina.

I'm mean today.

Sa mga nag-follow sakin sa Twitter, medyo nabanggit ko na to kanina.

Anyway, kwentong commute nanaman ito.

Dahil kagagaling ko lang ng 2 hour overtime sa trabaho, ninais ko nang matulog habang bumibyahe.

Paidlip nako nun. Nakakatatlumpong puting tupa na ang nabibilang ko.

Biglang may nag-ingay sa harap ko.

Babae. Tumitili.

"Excited nako sa Breaking Dohwn (pronounced d-own)!!!"

Tas tumili din yung katabi niyang bading.

At sabay sabay nang umingay sa harap ko. Apat silang excited sa Twilight.

Kaya di nako nakatulog.

Nang tingnan ko yung pinakamaingay sa kanila, napatutok agad ang mata ko sa isang medyo kakaiba.

Sinipat ko si ate mula ulo hanggang paa.  

Ate naman siya. Pero shet, bakit ganun? May balbas siya.

Yung tingin kong iyon ay di pumigil sa kanilang pag-iingay.

Yung curiosity ko bumalik sa galit.

Tapos nakita ko yung katabi niyang bading. May goatee.

Pero shet, mas makapal yung goatee ni ate.

Lalong lumala ang pagiging laitero ko.

Habang tumitindi ang asar ko sa kanya, ganun din ang level ng ingay niya.

Sabay tawa pa.

Kaya pala minsan pasusyal ang salita niya, may braces siya.

Tanginaaaaaaaa!!!



Ate may pang braces ka, pero pangwax ng balbas mo di mo magawa!!!!

********************
Inhale. Exhale.

Yun lang. I'm okay now.

Nov 11, 2011

KUNG ANIM NA TAON KA NANG BLOGGER... (MAGPAPACONTEST KA)

Kung anim na taong blogger ka na...
  • Nakapagpakilala ka na sa iyong mambabasa (whether personally o sa iyong mga kwento tungkol sa sarili mo).
  • Nakapagsulat ka na tungkol sa tinatawag na "quarter life crisis"
  • Naipagmalaki mo na ang mga lugar na iyong napuntahan (lalo na kung ika'y nangibang-bansa).
  • Nalagyan mo na, at inalis mo din ang mga maiingay na music apps sa blog mo.
  • Nakagawa ka na ng anonymous blog
  • Nakapag-hiatus ka na. Hindi lang once, twice pero maraming beses na.
  • Hindi ka na nagugulat kapag ang akala mong straight blogger ay straight na lalake din ang hanap.
  • Naging emo ka na dahil single ka. 
  • Nakapanligaw ka na, nagkasyota o naligawan ng kapwa mo blogger.
  • Naging keso ka na dahil may kasintahan ka.
  • Naging bitter ka dahil hiniwalayan ka ng kasintahan mo.
  • May ex kang blogger, o naging blogger pagkatapos niyo maghiwalay.
  • Nagkaroon ka na ng creepy stalker.
  • Nabanggit o naifeature ka na sa ibang blog.
  • Yun nga lang minsan ay hindi maganda ang naisulat tungkol sa iyo.
  • Mahahanap ang blog mo sa Google pag nagsearch sila ng mga katagang "unang j@kol", "kwentong s3x ng magpinsan", "paano makipag-usap sa dwende", "masakit ang condom", "lalakeng nakikipagtitigan sa Santolan"
  • Naplagiarize na ang ibang sinulat mo.
  • Nakasali ka na sa iba't ibang pacontest/pakulo ng ibang mga bloggers.
  • Nanalo ka na kahit isang beses lang sa isang pakontest.
  • Nakatanggap ka na ng "award" mula sa ibang blogger.
  • Alam mong ang "award" na ito ay isa talagang tag.
  • Naabutan mo ang panahon na dahil walang maisulat ang mga tao, kung ano-ano na lang na klase ng tag ang pinatulan mo gaya ng "litrato ng binti" tag.
  • Naadik ka din sa paghihintay ng kumento. Refresh every 30 minutes ng page para malaman kung may nadagdag na kumento.
  • May mga hindi sumang-ayon sa iyong mga opinyon at nang-aaway sa'yo sa pamamagitan ng mga kumento.
  • Hopefully, hindi ka pumapatol sa mga ito.
  • Nakapagpacontest ka na...
***************
Dahil ngayon ang araw ng aking pakapanganak sa mundo ng blogosperyo, magpapakontes ako.

Mamimigay ako ng 3 jacket (picture to follow) mula sa kumpanya ng gasolina na aking pinagsisilbihan. Wala masyadong kailangang gawin, just follow below:

  1. Hanapin sa iyong blog ang pinakamagandang post na nagawa mo. Walang tema, basta yung post na proud na proud ka nang isulat mo. Yung tipong kung 1st time kong pumunta sa blog mo, mapapabalik talaga ako sa ganda ng ginawa mo.
  2. I-repost ang sinulat na ito. 
  3. Ilagay sa dulo ng post, ang link sa blogpost kong ito. Kayo na ang bahala kung ano ilalagay ninyo. Kung within the last month lang ang post, i-edit mo na lang yung dulo at ilink ang post na ito.
  4. Para malaman ko na lumahok ka sa pacontest ko, magcomment lang dito at ilink ang blog post mo.
  5. 1 post = 1 entry. More repost = more entries.
  6. Matatapos ang contest sa Dec. 31, 2011.
  7. Announcement of winner, Jan. 15, 2011.
Ang mga entries ninyo ay gagawan ko ng sariling links sa gilid ng blog ko. Ang gusto ko lang naman ay mabigyan ng pagkakataon na mabasa ng ibang tao ang husay ninyo sa pagsusulat. Added bonus na rin, mamimigay ako ng kopya ng paborito kong libro at paborito kong comics sa pinakamagandang post na mababasa ko at sa pinakamagandang post sa opinyon ni Kasintahan. 

Maraming salamat sa mga sumusunod at nagbabasa sakin kahit noon pa. Maraming salamat din sa mga naglike ng Facebook Page ko (ang dami sa inyo, di ko kilala at sobrang nagulat ako). At sa lahat ng mga sumunod sakin sa Twitter thank you thank you thank you!!! 

Nov 4, 2011

BULLET POINTS: GEEKY FRIDAY

Before I go straight to work mode, I just wanted to update this blog. Short things that's been keeping me off blogging and the blog community in general.

UNCHARTED 3
Great game. I don't know how many times I jumped off my bed while playing this game. It's like you're watching a big Hollywood Summer Popcorn Action Flick, with you having control of the main character. Will make a full review soon.

DANCE CENTRAL 2
I'm pretty sure I'm going to start losing weight again. Haven't found the time to dance yet, but any invite for a Kinect Party at my place, I'm game!!! I need to unlock all songs!!!

ONCE UPON A TIME
Let me promote another series that I am currently enjoying and that's Once Upon A Time. The show is about our favorite Disney characters (Snow White, Prince Charming, Pinocchio, etc.) cursed to be stuck in our world frozen in time with no memories of who they are. When I said Disney, I really mean the Disney characters from the cartoon flicks from our childhood. Watch it, it's a great show.

JIU JITSU
I want to congratulate a good friend of mine Max Nadin for winning the Gold Medal for the Master Category 57.5 galo weight in the recently concluded Rickson Gracie Cup 2011 International Jiu Jitsu Championship held in Japan. He's the only Pinoy who participated in the competition!!! Good job Max!!! Here's to hoping Sports Unlimited will take notice!!! Lolz

SOME GOOD NEWS
I'd also like to take this time to welcome back a prodigal blogger who became a friend of mine New Year's Eve last year. He disappeared for the last ten months because he had to fight off a health condition. I was able to talk to him earlier this morning, and am glad to know he's doing okay. My prayers will be with you, hoping for your complete recovery.

NOVEMBER 13
The date marks my sixth year of existence in the online journal community. I was thinking of a 'pakulo' to celebrate this milestone. My original plan was for another contest, but everyone's already started one, and I want to be different. But I might give away some swag from our little Fuel Company. We'll see.

Hope you all have a great weekend!!!

Good vibes!!!