Feb 28, 2011

ISANG MILYONG PISO

Dito nakasalalay ang kinabukasan ko. Ng pamilya ko.

Isang milyong piso.

Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mapapanalunan ko. Pambayad ng utang. Mabibili ko na ang matagal ko nang inaasam na cellphone. Maibibili ko na rin si nanay ng computer. Hindi na kami mag-aagawan para makapagfacebook. Ang tatay ko makakabili na rin ng traysikel.

Sabihin na natin mababawasan ng tax, sapat... hindi... sobra sobra pa yun sa kakailanganin ko at ng pamilya ko.

Isang milyong piso.

Isang tanong.

Isang sagot.

All or nothing.

Kampante ako sa sagot ko.

Sigurado ako.

Panalo ito.

Kinakabahan ako. Pero dapat relax lang. Saka ko na iisipin. Pag nasa kamay ko na ang pera. Kapag pumasok na sa bank account ko ang mapapanalunan ko.

"B ang sagot mo sa one million peso question. Locked in na ang sagot. Hindi na pwedeng baguhin. Madadagdagan na kaya ang circle of millionaires natin?"

Tumingin siya sa akin.

Ang lakas ng kaba sa dibdib ko.

Tama ako. Tama ako. Tama ako.

Pinikit ko ang mata ko.

Nagdasal sa Panginoon.

"B nga ba ang tamang sagot? Computer... Show us the correct answer!!!"

Bumaligtad ang mundo ko. Hindi ako makahinga. Natawa.

Hindi makapaniwala.

Narinig ang sigawan ng mga tao.

Wala akong marinig kundi ang kabog ng sumasabog kong puso. Ganito pala ang nararamdaman ng mga umaabot dito. Ng mga nananalo. Ganito ang nararamdaman pag alam mong mapapasakamay mo na ang isang milyong piso.

Nakangiti ako. Masaya.

Minulat ang mata at tumingin sa board.

C.

*****************
Ang hirap ng walang maisulat. Kwentong piksyon lang muna. Salamat sa lahat ng bumati sa akin noong Huwebes!!!

Feb 24, 2011

CHECKLIST

On my 29th year I am going to…

Bohol with the Kid to celebrate his birthday
Be more spontaneous
Lose 20 lbs
Open a bank account
Boracay!!!
Be clear of all debts (even if I don’t own a credit card)
Party more
Meet at least 5 new friends
Keep those 5 new friends
Have more sex
Give in to the Kid’s insistence on going to Malate (but just once)
Be a more supportive boyfriend
Buy less comics
Buy only quality video games
Dance more
Get my trinkets from Ruddie and Kane (belated Happy Birthday Rudeboy!!!)
Sing my heart out
Work harder (aim for another promotion, perhaps)
Stop slouching around and start working out
Get my desktop fixed!!!
Look forward to turning 30

This is what’s nice about having two blogs, you get to write as many birthday posts as you want, and it’s fine.

Happy birthday to me!

29 BAGAY NA HINDI NIYO KAILANGANG MALAMAN PERO ISUSULAT KO PA RIN

1. Dalawang beses ako nakatanggap ng increase ngayong taon. Pero hindi ko naramdaman salamat sa tax. Panalo ang tax. Ang laki laki. Hindi ko naman nararamdaman.

2. Sa sobrang hindi ko maramdaman ang itinaas ng sweldo ko, araw araw na akong nagbabaon ng lunch sa opisina dahil hindi ko na kaya bumili ng thigh part ng chicken ng Mini Stop.

3. Pero sa laki ng tinipid ko sa mga pinaggagawa kong pagbabaon ng pagkain, hindi pa rin ako pumapayat. Kailangan ko pang magsayaw ng madalas yata.

4. Ang una kong trabaho ay bilang isang outbound telemarketer. Nagbebenta ako noon ng linya ng telepono. Scammer ako noon. Pero hindi ako magaling bumenta. Scammer lang talaga.

5. Sentimental akong tao. Lalo na pag kras ko. Kahit na ‘ok’ lang ang text sa akin, kapag may lihim akong pagnanasa sa isang tao, ay tinatago ko. Feeling ko hindi na nila kasi ako itetext ulit. Loser lang.

6. Ang sabi nila, malandi ako online… sa chat o kaya sa text… pero ang totoo niyan, hanggang dun lang ang gawa ko. Tahimik ako sa personal. At hindi ako dapat sineseryoso. Ika nga ni Ternie, dalisay akong tao. Binatang Pilipino talaga.

7. Antukin akong tao. Ang unang oras ko sa trabaho ay ginugugol ko sa pagtulog. Pero after ng first hour, masipag na ako.

8. Hindi ako mahilig umattend ng mga party, kasi isa akong introvert. Pag maraming tao akong kahalubilo, usually nakaupo lang ako sa isang tabi. Kunwari nakikinig. Minsan nagtetext, o kaya naman ay nakabaling ang atensyon sa iisa o dalawang tao lamang. Pero mahilig ako magpaparty.

9. Hindi ako maarte sa pananamit. Nakakadiri man pero minsan kayak o magsuot ng isang t-shirt lang sa isang linggo. Hindi naman kasi ako pawisin at wala akong BO.

10. Sabi nila, ang mga pinanganak ng Pebrero kulang kulang… ano kaya ang kulang sa akin? Hmmmm… Pagkalalaki siguro.

11. Mahilig akong kumanta habang nagtatrabaho. Balladeer nga ang tawag sa akin sa opisina. Hindi sa pagbubuhat ng bangko, pero marunong naman ako kumanta. Medyo malamig daw ang boses ko. Wala lang ako sa tono.

12. Isa pang hidden talent ko ay ang pagdodrawing. Kung makikita mo ang mga post-it ko sa opisina, punung-puno ng mga doodles ko. Di ko lang masyado pinapakita kasi baka madiscover ako.

13. Oo. Ilusyonado ako.

14. Alam kong may mga malulungkot. Pero sa mga hindi nakakaalam, taken na po ako. Hindi lang masyado halata.

15. Noong nagbibinatilyo ako, pinangarap kong maging Hollywood action star. Promise, totoo ito.

16. Kaya lang hindi naglaon, nainlove ako sa isa ring action star. Alam ko, ang cheap lang.

17. Hindi ako dancer, pero nahihilig ako ngayon sa pagsayaw dahil sa panunuod ng So You Think You Can Dance.

18. Kung may isang babaeng magpapatuwid sa akin, si Georgina Wilson lang yun. ANG GANDA GANDA NIYA!!! Sana mabasa mo ‘to Georgina. I love you!!! Nagpupuyat ako araw araw makapanuod lang ng Showtime dahil nandun ka!

19. Madami kaming alagang hayop sa bahay. Isang parrot. Anim na aso. Anim na parakeet (dalawa sa kanila bading). Dalawang pato. Noong bata ako, nagkaroon na kami ng mga alagang kuneho, pusa, pagong at isang bulate sa tiyan.

20. Alam kong alam ninyong paborito kong mangolekta ng pabango, pero ang pinakagusto kong pabango sa koleksyon ko ay ang Polo Black ng Ralph Lauren. Amoy upos siya ng yosi na mabango. Lalaking lalaki ang amoy ko pag yun ang inispray ko.

21. Hindi ako iyakin sa totoong buhay, pero pag pinanuod ko na ang Marley and Me, Toy Story 3, My Sister’s Keeper at Hachiko, hindi ninyo ako mapapatigil sa paghagulgol. Hindi iyak ha, hagulgol.

22. Ewan ko ba, pero medyo lapitin ako sa mga magagandang babaeng mahilig magkwento ng mga sex life nila. God’s way of saying, ito ang mga pinalalampas mo!!! Pero strong ako. Di ako papadala sa temptation.

23. Kakatext lang sa akin ni Kasintahan. Kinikilig ako.

24. Mababaw lang akong tao. Promise.

25. Ang hirap mag-isip ng 29 things, wala na nga ako maisip ngayon. Apat na lang!!!

26. Sa totoo lang, natutuwa ang mga magulang ko kapag may pumupunta sa bahay na mga bisita
ko. Hindi kasi sila naniniwala noon na may mga kaibigan ako. Akala nila puros imaginary lang ang mga friends ko.

27. Wala akong balak umalis ng Pilipinas. Minahal ko ang New Zealand noon, I’m sure marami pa akong mamahalin na ibang bansa, pero kuntento na ako sa traffic ng Maynila, sa mga basura, sa kurakot na pamahalaan. I love this country.

28. Positibo akong tao, minsan mababa ang expectations ko. Siguro dahil madalas gusto kong ginugulat ako. Mas maganda kasi yun, kesa nadidisappoint ako.

29. Birthday ko ngayon.

Feb 19, 2011

MAHALAY

Babala: Medyo mahalay.

JERJER

Hindi ko alam kung alam ninyo, pero hindi naman talaga ako bading. Nagbabading badingan lang ako para makahagilap ng mga magagandang tips tungkol sa pagjerjer.

Sa opisina lalo na, ang team ko ay composed ng mga babae. Tatlo lang kaming lalaki out of ten. Kaya pag sumasama ako sa lunch, hindi maiiwasang minsan mapag-usapan ang mga bagay tungkol sa pagjerjer.

Kagaya kanina, nasabi sa akin na ang babae, kapag hindi nadidiligan ng dalawang linggo, medyo sumisikip agad ang kanila. Masakit na daw ito. Masikip. Masarap.

E paano pa daw kaya pag longer than two weeks, alam niyo na.

CONDOM

Kuya Aajao, ipopromote ko ang dating pinagtatrabahuan mo.

Minsan napag-usapan ang condom. Maraming babae ang hindi nasasarapan sa dotted condoms. Medyo masakit daw ito. May feeling na hindi kumportable para sa kanila.

Pero sa mga condom, ang napagkasunduan ng mga pinakinggan ko, ang pinakamasarap daw para sa kanila ang pinakamasarap daw sa sensation eh yung twister na condom. Panget daw tingnan ang putotoy natin, pero may kakaibang kiliti ito para sa kanila.

Takot sila sa earthquake, pero mukhang masarap daw. May nagsabi din dati na panalo daw ang may vibrator na condom.

*************
Ayoko na. Baka kung sino sino nanaman ang mapadpad sa blog ko at kung anu-anong search nanaman ang makita kong hinahanap ng mga napapadpad dito.

Hindi talaga ako mahalay. Pasensya na kung hindi kayo sanay makabasa ng ganito dito. Sa totoo lang, wala ako choice. Kailangan ko itong isulat nang mawala na siya sa isip ko. Buong gabi ito lang ang naglalaro sa mapaglarong utak ko. Nagkataon lang na puros girl talk ang naririnig ko sa opisina these days.

Nagkakamigraine na ako sa dami ng girl talk.

Ang lilibog talaga ng mga babae!!!

Ayan. Bi na ako ulit.

Feb 17, 2011

NINE MONTHS

In nine months...
  • I knew how it felt being a teen-ager again
  • I received and sent love letters (more received than sent)
  • I felt happy finally knowing how it feels when couples argue and fight.
  • And I feel happier that all the fighting and arguing are settled
  • I became someone's first time
  • I learned about philosophy
  • And was lectured on saving money
  • We've met 'our friends' not just his or mine... but ours
  • I am, have been and will always be happy.
He said we shouldn't count. But honestly I don't care. This is the longest relationship I have had. And it's nice.
He may not be with me on my birthday, but he knows, he is already the best birthday gift.

Feb 16, 2011

MABILISANG KOMENTARYO

BLACK SWAN
Maganda. Nakakaintriga. Naging straight ako kina Natalie Portman at Mila Kunis.

THE KING’S SPEECH
Ang galing ni Colin Firth bilang si King George VI. Pero maganda yung movie. Hindi nga lang daw accurate sabi ng mga historian.

THE GREEN HORNET
Naging bading ulit ako dahil kay Kato.

AMERICAN IDOL
Pampatulog. Nakakaantok!

JUNIOR MASTER CHEF AUSTRALIA
Ang bagong palabas sa telebisyon na kinababaliwan ko. Pero hindi yata siya bago.

FEBRUARY 24
Kaarawan ko. Sana batiin niyo ako sa araw na ito. Walang party. Wala akong pera.

REGALO
Hindi ako manghihingi ng regalo sa inyo. Sumali na lang kayo sa reader’s community ko. Nagiging interactive naman siya kahit papaano.

BUWIS
Dahil napromote ako noong nakaraang buwan, nagkaroon ako ng increase. Sa buwis lang napunta lahat iyon. Hindi ko maramdaman.

CHARICE
Parang yumayabang. Ewan ko lang. Parang hindi na siya masyadong nakakatuwa.

MANO PO: A MOTHER’S LOVE
Gigil na gigil ako sa asar habang pinapanood sa Cinema One. Pero tinapos ko pa ring panoorin. Ako ang may hawak ng remote control.

SELECTA ICE CREAM REESE’S PIECES
Pinakamasarap na ice cream sa Pilipinas na nakain ko. Yum. Pero wala paring tatalo sa ice cream ng New Zealand.

SIOPAO BOLA BOLA
Kinaaadikan kong pagkain ng 711 ngayon.

AMBER’S PICHI PICHI
Kinecrave ko. Pero dahil walang pera, kailangan maghintay ng aking kaarawan bago makatikim ulit nito.

BALITA
Sign of aging: nagiging interesado sa mga balita. Hindi naman ako ganito dati!!! Feeling ko pagtungtong ko ng trenta magiging isa ako dun sa mga tumatawag sa radio balita para magbigay ng mga walang kwenta kong opinyon.

POKER
Isang araw napanaginipan ko na magaling akong maglaro nito. Parang naiintindihan ko na kung paano ito laruin salamat sa panaginip ko. Tsaka sa Chinese film na Poker King.

ROSAS
May natanggap akong rosas noong Araw ng mga Puso. Kinilig ako. Galing siya sa kumpanya naming. Hangsweet!!! Oo sarcastic ako. Sana pinera na lang nila.

JACKET
Itong kumpanyang pinagsisilbihan ko ang pinakamahal ko sa lahat ng pinagtrabahuan ko. Nakaka-apat na jacket, isang polo shirt at isang gym bag na ako sa kanila. Haylabet! Di na ito sarcastic. Mababaw lang talaga ako.

BAON
Dahil nga walang kwenta ang sinahod ko noong Balentayms, at sa dinami na rin ng aking bayarin at utang, nagsimula nanaman akong magdala ng baon na pagkain sa opisina. Tocino. Yum. Parang grade school lang!!!

BLACKBERRY
Buti na lang at may bago akong phone. Pinuno ko ito ng mga kanta. Kailangan ko siya sa trabaho dahil saksakan ng ingay sa nilipatan kong lugar. Parang palengke lang. Nakakapikon. Ang sarap lang pasabugin. One time big time lang. Kung pwede lang talaga.

TULOG
Dahil malamig lamig pa rin ang panahon ngayon, napapasarap madalas ang tulog ko. Sa sobrang dalas ay hindi ko na nasasagot ang mga tawag ni Kasintahan. Kaya ang laki ng tampo niya sa akin noong Valentine’s Weekend. Sad lang. Pero okay na kami. Bilang ganti, di niya pupuntahan ang birthday party ko. Quits lang.

Feb 12, 2011

DESPERATE MUCH (EDITED)

Taong 2000.

Bago lang ako nagkacellphone.

Walang katext. At adik sa text channel sa cable.

At ilang araw bago mag araw ng mga puso may nakilala.

Kakulitan sa text. Kalandian. Kapalitan ng mga pangarap. Mga pangako.

Tapos isang araw bago magValentine's Day, nagyaya siya makipagdate.

Magkita na raw kami nang matuloy na ang mga nabitawang salita.

Na makapagyakapan.

Makapaghalikan.

Makapagniig.

At dahil bata. Desperado. At gustong makilala ang taong kalandian.

Ako'y umoo.

Araw ng mga puso.

Galing kolehiyo.

Pormang porma.

Nagspray ng paboritong pabango.

Handa na.

Naghihintay na daw siya sa 711 sa kanto ng katabi naming village.

Umalis nako.

Pagdating ko siya'y aking nakita.

Nakapula. Tight fit jeans.

May hearts sa t-shirt.

At ang kapal kapal ng foundation.

Natakot ako.

Nagkita kami sa mata.

Nginitian niya ako.

Nginitian ko siya.

Tapos...

Nilagpasan siya.

Pinatay ang cellphone.

Sumakay ng jeep. Bumaba sa kabilang kanto.

Tumawid at sumakay ulit ng jeep pauwi.

Puchang balentayms yan.

Ang sakit sa singit.

********************
Hindi ko alam kung nahack yung account ko. Kanina hindi ko mabuksan yung blog ko. Nawala daw siya. Ayos na naman. Nakakalog-in na ako. Nagpalit ng password.

Pero ang problema ngayon, hindi ako makapasok ng dashboard ko. So hindi ko mabuksan yung links ng mga sinusundan kong blog na hindi ko nilink.

May makakatulong kaya sa akin?

Feb 11, 2011

FOR CLARENCE

The one thing that's scary when someone updates you on what's happening with people you haven't been in touch with for a long time, is finding out that they died.

This morning I was informed by a classmate/colleague that one of our batchmate in college was murdered two weeks ago.

I personally don't know Clarence very well. We were never classmates, we did have common friends but we were never friends. We do say hi to each other. I remember he's one of the meek gay people from our course. The one who was almost always bullied or harassed by friends. But he was nice. He often greets me when we stumble upon each other.

After college I never really heard from him again. I know he works for a telecommunications company. But other than that, I have nothing.

Apparently he was murdered by two teenage boys he met in Malate. He was found naked and was robbed of his personal belongings.

The suspects already surrendered to the authorities but said that they only did it because they were just protecting the younger brother from being molested by Clarence who held him at knifepoint.

Honestly, I never saw in Clarence's personality as someone who can threaten another person at knifepoint. But even if it was true, he did not deserve to be butchered and stabbed 13 times. He was a good person.

My prayers to his family and to everyone he left behind. I hope he finds peace and justice.

Feb 10, 2011

KWENTONG COMMUTE

May nangyari kanina sa aking pagcocommute kaya medyo nabasag yung pagkakaroon ko ng writer’s block. Okay naman ako. Hindi ako napahamak. Hindi naman masama yung nasaksihan ko kanina. Pero karapatdapat lang siyang ikwento.

Tahimik yung fx na sinasakyan ko. Halos lahat ng pasahero maliban sa akin tulog. Sinusulyap sulyap ko kasi yung nasa harap ko. Cute kasi. Pero hindi siya yung kwento.

Yung ikukwento ko eh tungkol dun sa mamang nakasakay sa gitna.

Ang himbing himbing ng tulog ni kuya. Sa sobrang lalim, eh feeling ko lumampas siya dahil nung naalimpungatan siya bigla itong napasigaw.

“Baragadumbadumbum!!”

Nagulat kami lahat. Pero si manong fx driver hindi, “bababa?”

“Para!” sabi ulit nung mama.

Wala lang. Weird.

**********
Napareminisce tuloy ako sa lahat ng epic fails ko sa buhay commute.

Sigurado ako, nakasakay na kayo sa fx driver na lahat na lang ng taong madadaanan hinihintuan, kahit di pinapara.

One time last year, napasakay ako sa ganun. E hindi yata napansin ni manong drayber na yung hinintuan niya, special child na naging taong grasa. At sakto dun siya umupo sa likuran kung saan ako nakaupo tsaka yung cute na kasabay ko.

Nung una, sakin siya tumabi. Pero dahil madirihin ako, lumalayo talaga ako sa kanya sabay may pandidiring face. Dahil nakakatakot naman talaga si ate. Madaming galis, tapos gustong kunin yung ear phones ko. Kaya kahit malaki akong tao, nagsusumiksik ako dun sa gilid ko.

Nagsawa siya sa akin, dahil mas cute sa akin yung katapat ko kaya dun naman siya tumabi. Hindi naman siya lumalandi, pero kinakalabit niya si kuya. Sabay bukaka. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang ipahiwatig, pero pag bumubukaka siya ng legs, nakikita ko kuyukot niya.

Pag may pumapara sa fx namin at sakto sa likod uupo, pag bukas niya ng pinto at nakita si ateng special child, nagmamadali itong umalis at lumipat ng sasakyan. Hindi rin naman kami makalipat dahil puno yung sinakyan namin, at di kami makaalis dahil nakapagbayad na kami.

Yun ang pinakamahabang 30 minuto sa buong buhay ko.

**********
Sa bus hindi talaga maiiwasan na may makasabay kang weirdo. May lasing. May nagpepray-over. May namamalimos. May magnanakaw. At merong nananantsing.

Hindi ako gwapo. Hindi rin ako obvious na kakaiba. Pero one time talaga, pinursue ako ng isang bading sa bus. Nung una kinalabit niya ako, so okay naman. Friendly naman ako so pinansin ko. Tsaka kahit papano naman di naman mukhang holdaper si kuya. Mas mukha pa akong mandurukot sa kanya.

Kinakausap niya talaga ako with matching touch touch sa braso. Ang cute ko daw. Sarap yakapin. So ako naman medyo nagpauto. Tinanong niya kung bababa ako sa binababaan niya. Sabi ko hindi. Sa Baclaran ako, sa LRT siya. Niyaya niya akong magbreakfast, pero tumanggi ako. Hindi ako cheap na pumapatol sa nangangalabit sa bus. Hiningi niya number at pangalan ko. Nanghula ako ng mga number. Ibibigay ko sana number ng kinaasaran kong tao, kaya lang di ko memorize eh.

**********
Nakasabay ko siya ulit noong isang linggo. At kahit may balbas na ako at kamukha ko si Grissom ng CSI, namukhaan pa rin niya ako. Pagpasok ko ng bus at pagkita sa kanya ay mega ngiti siya sa akin. Hindi ko pinansin.

At talagang tinabihan niya ako. Pero dahil nasa tamang katinuan ako, wala lang. Alam ko tinititigan niya ako, kasi sa gilid ng mata ko nakikita ko yung ulo niya nakaanggulo sa akin. Kinalabit niya ako one time sa aking love handle. Tiningnan ko siya ng masama. Sabay growl parang aso.

Pero hindi parin lumipat ang beauty ni kuya. Persistent. Talagang tinititigan lang ako. Buti na lang may music ako. Kanta kanta lang hanggang bumaba siya sa may LRT.

Ang creepy ni kuya sa totoo lang. Parang loser. Pero ang lakas ng loob niya ha. Pano pa kaya kung naging basag-ulo ako. Baka nasaksak ko yun. O kaya nagkaroon ng bus bombing part 3.

**********
O siya, yan na muna ang kwento ko. Kayo, ano mga weird o unforgettable moments niyo sa pagcocommute?

Feb 6, 2011

DAHIL MALAPIT NA ANG ARAW NI KUPIDO

Dahil malapit na ang araw ng mga puso, naisip kong magsulat ng tungkol sa pag-ibig. Para ito sa mga taong nagturo sa akin kung paano nga ba magmahal. Repost muli dahil wala talagang pumapasok sa utak ko ngayon.

Sila ang mga humubog sa pagkatao ko. Ang nagturo sakin kung paano ba ang maging kalahati sa isang pares. Ang mga minahal ko... at sa huli, ang nagpasakit sa ulo ko.

SI UNA
Nabanggit ko siya sa isa sa mga posts ko ngayong taon. Si Una, o si Love ang pinakauna ko. 3rd year hayskul ako noon, at ilang buwan lang kami nagkasama.

Alala ko, una naming LQ ay dahil sa payong. Tatanga-tanga talaga ako dun sa mga kumplikadong payong, yung tinitiklop at maliliit. Hanggang ngayon, di talaga ako marunong mag-ayos ng ganoong klase ng payong. Sanay ako dun sa isang pindutan lang bumubukas na. Anyway, one time lumabas kami on a date na tag-ulan. Dahil nga di ako marunong gumamit ng payong, nasira ko yung dala-dala niya. Syempre dahil kasalanan ko kaya wala kaming payong, bumili ako ng bago para palitan ito.

Inaway niya ako kasi yung binili ko eh yung parang sa mga bumbay. Yung mahabang itim na payong na hindi natitiklop. Galit na galit si Love nun kasi nga nakakahiyang dalhin yung payong na yun, kikay pa man din siya. 3 araw niyang di sinasagot yung telepono nun pag numero ko ang lumalabas sa caller id nila.

Hindi iyon ang dahilan ng paghihiwalay namin. Nag-college na siya nung sumunod na taon, kaya naisip niya na mas makakabuti sa amin na iexplore pa ang mundo ng hindi magkasama.

YUNG DALAWANG BUWAN LANG...
Etong pangalawa eh kaibigan ng kaklase ko sa kolehiyo. Naging kami sa telepono din. Maganda daw kasi boses ko. Akala niya it will translate pati sa totoong buhay... joke.

Sa dalawang buwan na naging kami. 2 beses lang kami lumabas. Text at usapan sa telepono lang kami palagi. Yung una naming pagkikita, para lalo naming makilala yun isa't-isa. Yung pangalawa, eh para tapusin na yung relasyon namin sa telepono.

Sweet naman siya. Matalino. Marami akong natutunan. Kaya lang masyadong seryoso sa buhay. Puros aral lang ang ginagawa kaya nga dalawang beses lang kami nagkita. Tapos tuwing weekend lagi pa siyang umuuwi sa probinsya para makasama yung pamilya niya. Kaya siguro napagod din ako, dahil nga parang wala namang patutunguhan yung kung ano man meron kami kasi di naman kami nagkikita.

YUNG BATA
Ewan ko ba kung bakit ako pumatol sa sobrang mas bata pa sakin. Feeling ko kung hindi ko tinapos yung 1 buwan naming relasyon eh ginawa akong sugar daddy nito.

Mantakin mo, di ko lang nabigyan ng regalo nung monthsary namin, eh sinabihan ba naman akong hindi ako marunong magmahal!!! Tama ba yon? Siya ang dahilan kaya ayaw ko ng mga mas bata sakin. Ayaw ko ng mga masyadong nagpapababy. Nakakainis. May pinagbabagayan yan. Di nagwowork sakin yung nagpapouty lips para lang pagbigyan sa mga gusto. At ayaw ko yung laging nagtatantrums pag di nasusunod ang gusto.

(Nilunok ko rin yung sinabi ko noon na ayaw ko sa bata... si kasintahan halos siyam na taon din ang tanda ko sa kanya.)

SI DOC
Isang linggo lang naging kami ni doc. Ang hirap kasi pag wala talagang oras para sa isa't-isa. Si Doc laging on call. Yung nag-iisang date namin, kelangan pang maputol kasi nakalimutan niya meron pala siyang buntis na pasyente na magpapacheck-up.

Masaya sana yun kung nagkatuluyan kami kasi pwede nakong hindi magtrabaho nun!!! Kaya lang, di talaga pwede eh. Feeling ko lagi ko lang siyang aawayin dahil wala siyang magiging oras para sa akin. Parang mas malala pa yun sa long distance relationship kasi alam mong nandyan lang siya pero hindi pa kami nagkikita.

Ang gusto pa niya sana eh pupuntahan ko siya palagi sa ospital. Di ko gusto yun. Gaya ng sabi ko, ayaw kong nagpupunta ng mga ospital, dahil nadedepress ako. Tsaka madirihin ako... Pero ibang kwento naman iyon.

SI OPISMEYT
Siya ang dahilan kung bakit hinding-hindi ako sa ngayon maghahanap ng karelasyon na katrabaho ko. Isang malaking sakit sa ulo ang magkaroon ng karelasyon na katrabaho mo.

Masaya kasi merong mga moments na nakakatakot, at ayaw mong mahuli kayo dahil baka pareho kayong masesante. Medyo malambing siya at makulit.

Ang problema lang, grabe magselos. Pinagseselosan lahat ng nilalapitan ko. Laging naghihinala pag nagiging mabait ako sa isang tao. Laging nagsasabi na katawan lang niya ang hinahabol ko (in fairness sa kanya sexy siya).

Isa't kalahating buwan lang kami. Pero parang ayaw ko nang gumawa ng ganyan ulit. Nakakatakot. Masaya, pero malaking sakit talaga sa ulo.

SI JOY
Ahh... si Joy. Hindi naging kami. Pero siya yung nag-iisang tao na hanggang ngayon siguro eh hindi mawala-wala sa isip ko. Siya yung taong sinulatan ko ng Goodbye Letter.

Talagang halos mabaliw ako dahil nadepress ako nung aminin ko sa kanya yung gusto ko sa kanya, tapos hanggang kaibigan lang daw talaga ang kaya niyang ituring sa akin. Tapos tuwing nawawala siya sa isip ko, nagtetext siya. O kaya nagsesend ng message sa ym.

Siya lang yung talagang iniyakan ko. Hanggang ngayon siguro, kahit sabihin ko pang okay na ako, eh paminsan-minsan sumasagi pa rin siya sa isip ko. At naglalaro sa utak ko kung ano kaya ang mangyayari sa amin kung sakali mang naging kami. O kaya kung nakipagkita ako, noong araw na niyaya niya akong makipag-date.

Feb 2, 2011

UPDATED SA SHOWBIZ HAPPENINGS

Hindi ito tungkol sa showbiz. Hindi naman talaga ako updated sa showbiz happenings. Matagal na nang huli akong nanuod ng Showbiz Lingo at S-Files.

Wala lang akong maisip na maisulat. Walang kwentang post. Update ko lang kayo sa buhay ko. Kunwari interesado kayo.

**********
Pebrero na. Buwan ng mga kulang-kulang. Ibig sabihin malapit na ang kaarawan ko. Hindi ako manghihingi ng picture greeting. Di kasi ako nagpapadala pag may nanghihingi. Iba rin naman kasi ang gusto ko.

Gusto ko regalo talaga.

Joke.

Half meant.

I-like niyo na lang pala yung Readers Community ko. Sapat nang regalo para sakin yun.

**********
Sa aking palagay meron akong lahing intsik. Lagi akong sinuswerte tuwing Chinese New Year.

Katulad kanina, bumaba na.

Bumaba na ang papel na nagsasabing ako'y naglevel up ulit sa aking trabaho.

Nakakatuwa lang.

Pwede nang mag-apply sa iba.

Joke ulit.

Not half meant.

**********
Malapit na pala ang araw ng mga puso. 12 days na lang. May mga date na ba kayo? May nahanap na kayong kapalit sa bumasted sa inyo nung isang linggo? May kalandian na ba kayo sa chatroom? Ipinagluto niyo na ba yung pinupormahan ninyo?

Ako wala. Bawal muna lumabas. Wala na kasing pera.

Pero pwede rin siguro kami magpunta ng Manila Ocean Park. Kasi may libre akong 2 tickets para sa lahat ng attractions nila. Pamasko ng aking butihing gasolinahan.

Sa mga sumagot ng no sa mga tanong ko, wag kayo malulungkot. Masarap maging single.

Gawain ko dati, pag Valentine's Day, dinuduro ko yung mga may kadate at pinagtatawanan. Wala lang. Bitter. Hehehe

**********
Kung Hei Fat Choi sa mga Kapatid nating singkit!!!

Feb 1, 2011

:)

I have never questioned how much the kid loves me. I am certain he does.

Sometimes he tells me that he loves me more than I do him (that's not true by the way).

They say love makes you do crazy things. Things you've never done before. Things you thought you'll never do.

Last weekend was a step forward in our relationship.

Something we've never done in the last eight months we've been together.

He broke a promise that we agreed he'll never do.

He changed for me.

For us.

For the first time.

He let me in.

I'll never question how much he loves me.

Never ever.