Feb 28, 2011

ISANG MILYONG PISO

Dito nakasalalay ang kinabukasan ko. Ng pamilya ko.

Isang milyong piso.

Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mapapanalunan ko. Pambayad ng utang. Mabibili ko na ang matagal ko nang inaasam na cellphone. Maibibili ko na rin si nanay ng computer. Hindi na kami mag-aagawan para makapagfacebook. Ang tatay ko makakabili na rin ng traysikel.

Sabihin na natin mababawasan ng tax, sapat... hindi... sobra sobra pa yun sa kakailanganin ko at ng pamilya ko.

Isang milyong piso.

Isang tanong.

Isang sagot.

All or nothing.

Kampante ako sa sagot ko.

Sigurado ako.

Panalo ito.

Kinakabahan ako. Pero dapat relax lang. Saka ko na iisipin. Pag nasa kamay ko na ang pera. Kapag pumasok na sa bank account ko ang mapapanalunan ko.

"B ang sagot mo sa one million peso question. Locked in na ang sagot. Hindi na pwedeng baguhin. Madadagdagan na kaya ang circle of millionaires natin?"

Tumingin siya sa akin.

Ang lakas ng kaba sa dibdib ko.

Tama ako. Tama ako. Tama ako.

Pinikit ko ang mata ko.

Nagdasal sa Panginoon.

"B nga ba ang tamang sagot? Computer... Show us the correct answer!!!"

Bumaligtad ang mundo ko. Hindi ako makahinga. Natawa.

Hindi makapaniwala.

Narinig ang sigawan ng mga tao.

Wala akong marinig kundi ang kabog ng sumasabog kong puso. Ganito pala ang nararamdaman ng mga umaabot dito. Ng mga nananalo. Ganito ang nararamdaman pag alam mong mapapasakamay mo na ang isang milyong piso.

Nakangiti ako. Masaya.

Minulat ang mata at tumingin sa board.

C.

*****************
Ang hirap ng walang maisulat. Kwentong piksyon lang muna. Salamat sa lahat ng bumati sa akin noong Huwebes!!!

15 comments:

  1. sayangs. letter c ang lumabas. ehehe. oks lang kahit fiction, masaya naman ang wento. nakaka-excite, napapapikit ka kung tama nga ba ang sagot

    ReplyDelete
  2. Inspired by Slumdog Millionaire ba ito? LOLs.

    ReplyDelete
  3. Inspired by Slumdog Millionaire ba ito? LOLs.

    ReplyDelete
  4. ang tunay na kayamanan ay ang kayamanan ng puso at isipan :) Hehe

    ReplyDelete
  5. ay powtekkk.... hay... nandun na eh... di pa nakuha.. wala talaga nakukuha ng madali,,

    ReplyDelete
  6. hahaha kakaibang kasabawan to.. kala ko totot.. wahehhe

    ReplyDelete
  7. Naaalala ko tuloy yung propesor ko noon. Nagkokopayahan kami ng katabi ko sa likod... dikta ako nang dikta, "B! B! B ang sagot dyan!" nang biglang sumabat ang propesor, "C!"

    ReplyDelete
  8. sayang naman... hehehe...
    yun na sana.:)

    ReplyDelete
  9. si Sharon Cuneta na mayaman na, nanalo pa sa WW2BAM. buhay nga naman hehe :D

    belated! :D

    ReplyDelete
  10. ipambibili ko ng bday gift mo ang one million (kung ano ang nanalo - hehe)

    ReplyDelete
  11. habang binabasa ko ito, nagpo-formulate na ako ng mga ipapabili ko. lech. fiction pala. LOL

    word verification : firding

    ReplyDelete
  12. ako gusto ko ring manalo ba! pang canon kasi.

    ReplyDelete
  13. habang binabasa ko sumasabay yung isip ko kung anong klaseng game show ito. kala ko totoo eh. hihingi sana ako ng balato hehehehe

    ReplyDelete