Oct 28, 2010

SHORT AND SWEET WEEKEND

Noong nakaraang Linggo ay sumabak nanaman ang inyong lingkod sa isang blog meet-up. Hindi na ito kasinglaki kumpara noong isang linggo.

Naaalala niyo ba noong summer nang iannounce ko na meron nagset-up sa akin para makipagdate sa isang chick, pero hindi natuloy? Pinakilala siya ng isa ko ring kaibigang manunulat na dalawang taon na ring nadadala ng mga sinusulat ko. Ngayon after 10 years natuloy din namin ang aming lakad.

As it turns out, si supposed date ay isa na ring blogger. Ang aking mga bagong kaibigan ay walang iba kundi sina Jayvie, at ang rising star ng wordpress na si SSF.

Ulitin natin 'to guys. Sobrang nag-enjoy ako!!!

***************
As usual, dahil may bagong nakilala, meron din akong mga bagong natutunan:

  • Kapag ang isang tao, sinabing nakaget-over na siya ng mga 85% sa ex niya, malalaman mong nagsisinungaling siya pag nagvideoke na kayo.
  • Masarap pag konti lang ang ka-eyeball mo, mas maganda ang bonding at mas nakikilala mo ang mga bagong kaibigan.
  • Mukhang kelangan kong gumawa ng blog sa wordpress.
  • Masarap ang cake na pulutan sa inuman (by the way, kahit may liquor ban, okay lang uminom kung sa pribado lang ito gagawin).
  • Mas mahal ko na ang pangalan ko ngayon.
  • Kelangan ko nang maglinis ng kwarto, nakakahiya sa mga bisitang pumapasok, dahil ang baho ng kwarto ko.
  • At syempre, gaya ng sa litrato, mas cute si SSF sa personal. (Single pa siya, kaya lang parang fasting ata siya ngayon sa mga lalake…). Kung straight lang ako, matagal ko nang dinate siya.

***************
Ang alam ko sa mga susunod na mga araw ay may dalawa pa akong masugid na sinusundang mga manunulat na makikilala. Excited ako dun. Kasi, unang-una mayaman yung mamimeet ko, kaya inaasahan kong malilibre ako (joke!!!). At ikalawa, kung matuloy man ang plano, out-of-town ko pa makikilala yung isa.

Ang saya saya!!!

***************

Siyangapala, huling linggo ngayon ng aking Pacontest. Hanggang sa katapusan na lang ng buwan yun. Kaya kung nais niyong manalo ng Power Balance na bracelet, Starbucks Mug at isa pang product na di ko pa naisip kung ano, baka libro na lang. Sali na kayo. Iclick niyo ito.


***************
Higit sa blog meet-up, ang talagang nagpasaya sa akin noong weekend, eh yung nakasama ko si Kasintahan. Espesyal yun syempre, dahil nung Linggo, tatlo ang aming sinelebrate. Una, eh yung kanyang kaarawan. Pangalawa, ay ang pagkapanalo ni kasintahan sa isang patimpalak kung saan kalaban nila ang iba’t-ibang bigating mga pamantasan (nakasecure din siya ng magandang trabaho mula sa programang iyon… oo secure na ang future ko!!!). At pangatlo, ay noong araw ding iyon kami’y isang taon nang magkakilala, at limang buwan nang magkasintahan.

Pumunta kami nung una sa Chinatown para mamili ng hopia at kumain sa Tasty Dumplings. Marami pa sana kaming gustong gawin noon, pero sa Tasty pa lang, busog na busog na kami. Nagsimba din kami sa simbahan ng Sta. Cruz. Sinubukan naming magsimba kay St. Jude dahil instrumental siya sa aming pagsasama (pero dahil may event, di namin nagawa).

Masaya, kasi noong araw na yon, pakiramdam ko ako ang pinakamaswerteng tao ngayon.

Well, ako naman talaga.

28 comments:

  1. naaliw ako dun sa videoke part. haha.

    congratulations din sa ani/monthsarry niyo!

    ReplyDelete
  2. Haha, agree ako dun sa videoke thing. Siguro nga naka get over na pero merong mga tidbits na natira na lumalabas pag nakanta. Ehem!

    Ang sweet nyo naman ni Kasintahan! Ang sarap kaya pag andaming cincelebrate!

    ReplyDelete
  3. ikaw na ang maswerte! Well, ikaw naman talaga, hehe. XD kainggit naman ang sweetness.

    maligaya ako sa inyo ng iyong kasintahan. humaba pa sana samahan nyo. XD

    ReplyDelete
  4. ikaw na ang pinagpala!

    ikaw na! lol

    ReplyDelete
  5. reminds me of the book "Orosa-Nakpil". nabasa mo na yun? ask your jowa, alam nya yan.. hehe it's a love story of a student and a yuppie. o diba, relate!

    ReplyDelete
  6. sige sila na ang cool. kame na ang hindi. Jowk!

    At ang picture mo ah hindi naka blurred ang face mo?! Daya! LOL

    Sali nga ko sa contest na yan. Teka checking...

    ReplyDelete
  7. at ganun, benta kung benta!!! kaya pala may peace kang sinabi nung nabasa ko kinabahan ako. sure uulitin lang pala, alam mo naman isang text lang takbo na kami...well sorry Jayvie ako lang ang cute wahaha...love din namin si kasintahan hihihi

    ReplyDelete
  8. Mukhang humahabol ka kay Jepoy bilang Hari ng Blog EB ah. LOL

    ReplyDelete
  9. sige na nga, 84% lang akong over kay ex! hahaha.

    sushal ang SSF, rising star ng wordpress! hahahaha. bentang benta ang ateng ah.

    ay basta, super nag-enjoy kami ng SSF. ulitin natin pero gusto daw ng SSF mas maraming boys hahaha. peace! :)

    belated happy limang buwan sa inyo!! yey! happiness! :)

    ReplyDelete
  10. ang landi mo. hahaha. kinikilig ako habang nagbabasa.

    ReplyDelete
  11. naks kaw na inlab hehehe..congrats sana tumagal pa kau..

    ReplyDelete
  12. wow nameet mo na si SSF! huwwwwaaaw inggiiitttt! hahah

    ReplyDelete
  13. doc ced: hay naku, ikaw lang naman ang ayaw makipagkita. tagal na kita niyaya lumabas. hmp.

    rico: salamat. yaan mo tatagal talaga kami. hehehe

    bob: di naman malandi. tama lang. ayus lang kiligin, umiiyak ka kanina sa post ni coldie. hehehe

    ReplyDelete
  14. jayvie: onga, kawawa si ssf nung linggo, dami nga boys, la naman siya mapapala. pero type siya ni kasintahan. sabi niya sakin. yiiiii. lolz

    gasul: di naman. nagkakataon lang. syempre, matagal na din ako nandito, kelangan nang magpakilala. :)

    ssf: oo nga. napatunayan ko na talagang kaladkarin kayo. gusto ni chris mag out-of-town daw tayo. sama kayo? :D

    ReplyDelete
  15. jepoy: sige lang, sali lang. di na naman ako anonymous. asus. tama lang. at wala akong sinabing di kayo cool noh!!! ang saya kaya nung geb natin nung isang linggo!!!

    chyng: mahanap nga yang libro na yan. malabong nabasa ni kasintahan yan. di nagbabasa ng tagalog yun. hehehe

    coldie: sino kaya sa atin ang may secret admirer, stalker at manliligaw? mahaba lang hair ko. hahahaha

    ReplyDelete
  16. yffar: maraming salamat. wag ka mainggit. i'm sure magkakaroon ka rin niyan, baka nga meron ka na. di ko pa lang nabasa. lolz

    half crazy: oo naman. no reason para mag-away. hehehe

    spiral prince: salamat. totoo yun. promise!!!

    ReplyDelete
  17. ngayon ay hinahanap ko si SFF n yan. bwahahahaha

    ReplyDelete
  18. Eh ikaw din pala mansary eh, haha.. Congwats sa inyo. Ang saya nuh? Perstaym ku eh, lol. All the best! :]

    ReplyDelete
  19. haha nabasa ko nga kay ssf. siyet dami ng followers. butal lang ako neto :))

    ReplyDelete
  20. out of town?!!! yey!!! go go go kami jan! surfing na hehe...ayiiiheee :D

    ReplyDelete
  21. wow naman happy monthsary sa inyo..^^

    aheeem..medyo totoo yung sa videoke part pero minsan trip kong kumanta ng sad songs kahit na masaya ako kasi minsan sadyang maganda yun kanta hehehe

    ReplyDelete
  22. Marami nga ang nagsasabi maganda ang wordpress kesa sa blogger... pero mahirap magpalit.

    Nakikipag-EB ka na par ah, enjoy ang EB masarap makipagmeet sa mga taong ka-commentan mo lang. Next makikipag-EB nako...

    ReplyDelete
  23. Kapag ang isang tao, sinabing nakaget-over na siya ng mga 85% sa ex niya, malalaman mong nagsisinungaling siya pag nagvideoke na kayo.>>> hahaha... tumpak.

    dami ngang nangyayaring meet up ng mga bloggers at online friends. ayos sa binondo magkikita. nandun kami nung sabado.

    ReplyDelete
  24. aba,aba
    sino naman kasunod mong i-EB, ha?
    hehe
    sobrang eventful buong linggo mo, ha
    all i did was work
    hehe

    ReplyDelete
  25. denoi: malamang ikaw. ililibre mo pa ako no!!! hahahaha. kelan mo ba balak magpakita?

    dong ho: sayang linggo kami nagpunta dun. sana pala nakita kita. magkatabi lang building natin.

    indecent: oo naman. ako talaga!!! hahaha

    ReplyDelete
  26. moks: pag napadpad kayo ni misis ng maynila, mag-aya ka lumabas. kaladkarin naman ako. hehehehe

    superjaid: salamat sa bati. oo totoo yun. ngayon ko yun napatunayan.

    ssf: kelan ba maganda magsurfing. sa jan?! la pa kami plano for january. game!!!

    ReplyDelete
  27. mots: sus. ala yun. numbers lang yan. tsaka di naman lahat ng nagfofollow, nagbabasa. ;)

    bientot: naks. ikaw pala dapat icongratulate!!! happy monthsary senyo ng mahal mo!!!

    kikilabotz: hinahanap ka din niya. hehehe

    ReplyDelete