May bisita kami kani-kanina lang. Di ko siya kilala. Pero buwiset na buwiset nako sa kanya.
Nanay: Ay, eto nga pala ang anak ko si Gillboard.
Bisita: Bakit, andito ka pa? (tanong sa akin)
Ako: (Tahimik lang)
Bisita: Bakit hindi ka pa nag-aasawa? Ilang taon ka na ba?
Ako: (ngiti lang, sa loob loob ko gusto kong sabunutan si ate. Feeling close ang potah!!!)
**************
Noong weekend, nagpagawa ako kay kasintahan ng isang sulat para sakin na ipopost ko sana dito o sa isang bahay ko.
Naghahanap ako ng something sweet. Tipong kwento ng lablayp namin pero sa kanyang point of view.
Kaninang umaga, nagtext siya. Tapos na daw. Kaya lang, umamin siya. Iba yung naisulat niya. Philosophical side ng pagiging isang tao. Natural Law. Mga bagay na ni minsan ay hindi ko naiintindihan.
Kasintahan: Blah blah blah… existentialism… blah blah blah… natural law… blah blah blah… the point of being human…blah blah blah…
Ako: Hon, nasaan ako sa sinulat mo?
Kasintahan: Ay oo, ilalagay ko sa dulo. Isusulat ko dun, ikaw ang inspiration ng essay ko.
Ako: Ang nasa isip ko kasi sana yung tungkol sa love story natin isusulat mo.
Kasintahan: Ganun nga dapat, kaya lang nung nasimulan ko, nagtuluy-tuloy na eh. Ilalagay naman kita sa dulo eh.
Ako: Ermmm. Okay. I love you?
Ang sweet niya no?
**************
Noong isang araw…
Nanay: Anak, halika nga dito at tandaan mo ang sinulat ni Kuya ano mo. Di ko kasi maintindihan.
Ako: Ano yan? Tungkol saan?
Nanay: Sa Skype.
Ako: Ha? Wala nga akong Skype!
Nanay: Hindi. Ako meron na. Dinownload kagabi. Hindi ko lang alam kung paano tumawag.
Ako: Tambling!!!
Mas techie na ang nanay ko sa akin. Feeling ko, mauuna pa siya sakin matuto magphotoshop.
sosyalin si mader, techie!!! :) na mis ko tuloy nanay ko at ang nobela nya na emails
ReplyDeletehaha. enjoy!
ReplyDeletehaha! ayos nanay mo ah!
ReplyDeletesi nanay mo e hip and cool! hahaha.
ReplyDeletebuti hindi mo nilagyan ng lason ung inumin nung bisita. kaasar nga yang mga ganung tanong.
Ang galing naman ng nanay mo. Tama yan, malaking tulong talaga ang teknolohiya. Favorite subject niya siguro dati, science o agham :)
ReplyDeleteEh cool si Mommy. Haha. Pambihirang Hon mo, kadami siguro sinasabi nun pag kakwentuhan mo. Haha.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteNatawa ako sa pangalawang kuwento. Ang sweet nga. At least hindi siya jejemon.
ReplyDeletehaahahhaa..eh sabi nga na panghuli ka...ikaw ang pang finale! bravo.aahhahaa
ReplyDeleteok lang yan, kumbaga sa js prom - ikaw ang last dance (na sa tingin ko ay mas espesyal kesa sa first dance). XD
ReplyDeletefeeling ko magkaklase nanay mo at nanay ko dati. XD
hahaha, ang cool ng mom mu. My mom doesnt even know how to use the mouse, pero nung pinag-open ko sya ng FB account nya, ayun na-addict sa farmville at hotel city. haha.. :]
ReplyDeletenakakanose bleed talaga yan kasintahan mo. mga philosophical churchur! pero sweet pa din hihi.
ReplyDeleteaba groovy groovy talaga ang madir mo. nung nagpunta kami dyan, tutok na tutok sa pc. at ngayon, skype naman! sushal!
natawa ako sa mom mo.. yung mom ko naman, mahilig mag-email. minsan inaabot sya ng isang oras sa pagta-type ng isang paragraph. lol
ReplyDeleteang kulit ni nanay... lumulevel up na... paskype skype na lang ha hehe :D
ReplyDeleteokay si mami ah..parang si lola techie lang hehehe..baka next time alam narin niyang mgdota..laro kmi hehehe
ReplyDeleteAng kulet ni nanay pati si gf kulet din... ang kukulet ng mga babae mo sa buhay par ah...hehehe
ReplyDeletehahaha si kasintahan talaga oh, di maarok tisssuuuueee pleeeease!!!
ReplyDeletesi madir eh puyatan galore sa fb ngayon skype naman hanep talaga hehe
mamya meron rin syang singsnap hahaha
ReplyDeletechingoy: ako yung meron nun. di si nanay. hahahaha
ReplyDeletessf: onga no. nung andun kayo samin, deadma lang siya nung nagcoconcert tayo. fb lang siya ng fb. hahaha
moks: hula ko either di mo binabasa ilang post ko, o nagskip read ka. :P
rico: feeling ko nga eh. buti na lang hindi ako nagdodownload ng mga games sa computer. baka lalo akong hindi makagamit. hehehe
ReplyDeleteaxl: onga. kakatakot, baka kung anu-ano pang matutunan nun. marunong na din siya mag-ym.
sob: ganun din siya magsulat. palibhasa one finger lang ginagamit sa pagtype. hehehe
jayvie: naku, kung mababasa mo yung sinulat niya. finally. hehehe. naiyak nga ako kanina nung binabasa ko yun. :)
ReplyDeletebientot: di pa naman niya nadidiscover mga fb games. pero feeling ko, di rin naman niya maiintindihan. lolz
yffar: gusto ko yang comparison mo. :)
taga leyte ba nanay mo? hehehe
maldito: onga naman. makitid siguro utak ko. hahaha
ReplyDeletegasul: anong di jejemon. kung alam mo lang kung pano magjejetext yan. sakit sa ulo basahin. hahaha
yow: sinabi mo. minsan, matutulog na lang kami, ang daldal pa din. kelangan takpan bibig. hehehe. kaya love ko yun. :)
ok, time's up! nov na. sino ang winners! =)
ReplyDeleterah: ang alam ko math. wala lang, sineryoso ko yung tanong mo. hehehe
ReplyDeletedoc ced: naku muntik ko nang lasunin yun. atribida. kakaasar!!!
bloiggster: thank you. welcome sa blog ko!!!
chyng: sa birthday ng blog ko iaannounce kung sino nanalo. Hindi ko pa nga nabibili yung prizes. hahaha
ReplyDeletemikel: maraming salamat sa pagbisita. balik ka!!!
roanne: awwww. umuwi ka na kasi, para makasama mo na siya. :)
Nakakainis talaga yung mga taong di mo kakilala pero kala mo close na close kayo at nakikialam ng personal mong buhay ...
ReplyDeleteButi pa si nanay mo meron nang skype ako ni hindi ko alam kung ano yun wehehehehe
oo nga... ilalagay ka naman sa dulo eh...
ReplyDeletetumbling! napaka sweet nga!
I love the second storyyyy! Hahaha sobrang benta sakin e.
ReplyDeleteAnd nagulat rin ako nung ininvite ako ng nanay ko sa facebook. -_-
sosyal si mader... marunong magdownlod ng skype!!!
ReplyDeletepanalo tong post na to.. :)
i really should meet your mom
ReplyDeletehehe