Jul 10, 2010

PINAKATAGU-TAGONG LIHIM

Kapag ako'y nagsabi sa inyo ng sikreto ko, mapagkakatiwalaan ko ba kayo? Mahirap magkwento ng todo dito dahil masyado nang publiko ang pagkatao ko. Marami sa inyo ay kaibigan ko sa facebook, o kaya'y nakilala ko na ng personal. Baka madulas kayo. Ang bagay na sasabihin ko'y di dapat malaman ng lahat.

Gayunpaman, dahil matagal ko nang gustong ilabas itong lihim ko, pagbibigyan ko ang sarili ko. Kailangan kong ilabas ito. Para rin naman siya sa akin. Kaya eto't aamin na ako.

Kung akala niyo ay swabeng swabe ako pagdating sa 'dating', nagkakamali kayo. Hindi ako ipinanganak na matinik. Hanggang ngayon nga ay hindi ako ganun. Yung tinik ko hindi matalas. Pudpod. Sa tanang buhay ko, dalawang beses na akong na-indian ng mga ka-eyeball ko.

********************
Yung una, excited siyang makilala ako. Alam niyo yung kapag makikipag eyeball, itetext mo suot mo. Honest pa ako noon, ganun ginagawa ko. Sinabi ko yung totoo. Sabi niya noon, malapit na siya, at magkikita kami dapat sa Sbarro. Sinabi ko kung saan ako nakaupo at kung ano ang suot ko. Ganun din siya. Sabi niya limang minuto darating na siya. Sa mall na daw kasi. Kelandi at may pa message message pa na sobrang excited daw siya sa date namin dahil tagal na daw niyang di lumalabas. Tagal na daw niyang walang boyfriend. So ako itong si teen-ager na malibog naexcite din.

Tatlong minuto. Dalawa. Isa. Wala pa ring pumapasok ng kainan. Dalawang minuto. Limang minuto. Sampung minuto. Wala pa rin. Nagtext na ako. Aba ang walang hiya, hindi na nagreply. Nagpamiss call pa ako nun, tapos out of reach na ang lecheng number niya. Sabi ko sa sarili ko, baka andun siya sa may arcade sa may lower ground floor ng megamall. Walang signal dun.

Tatlumpung minuto ang lumipas at walang dumating na date. Galit na galit na may halong kalungkutan at inis sa sarili, sumuko ako. Inindian ako ng date ko.

********************
Mas malala ang ikalawang pagkakataon.

Siguro'y dumaan din naman ang iba sa inyo sa pagkabinata. Alam niyo na, yung panahon na tayo'y mapusok. Madaling madala sa bugso ng damdamin. Hinahayaan ang maliit na ulo ang mag-isip.

Ikalawang taon sa kolehiyo. Adik sa #Ateneo chatroom sa Mirc. Dun ko nakilala si Ivy. Witty magpost ng mga mensahe. Mukhang Atenista. So ako itong si excited, ni-PM kaagad siya.

Mabait naman, friendly, madaldal. Naging interesado ako, kaya't hiningi ko ang kanyang numero, binigay naman ni Ivy. At dun kami nagsimulang maging textmates/phonepals. Ang saya niyang kausap sa telepono. Di nauubusan ng kwento. Medyo malandi, parang kolehiyala/sosyalera talaga, kahit sa La Salle Dasma lang siya nag-aaral.

Syempre tuwang tuwa din siya sakin dahil Bedista nga ako. May accent mag-ingles. Kahit papaano marunong din naman akong makipagflirt. In short, nadevelop kami sa isa't-isa sa telepono.

Oo. Naging mag-on kami sa text!!! Nakakahiya.

So sa ikalawang linggo naming mag-on nagdecide kami pareho na sa wakas ay mag-eyeball na. So eto ako, si excited nagahanda. Pagwapo. Nag-ehersisyo ng dalawang araw. Pampatigas ng muscles. Nagpagupit.

Imperness sa kanya, sumipot siya. May hitsura siya. Maputi. At hindi siya pandak. May pagkamalaman siya, pero hindi mataba. May boobs. At higit sa lahat ang sarap kagatin ng leeg niya.

Kumain kami sa Wendy's. Nag-usap naman kami. Pero napansin kong ang bilis niyang kumain. Habang ako itong binabagalan ang pagnguya dahil gusto ko pa siya makasama. Yung tipong nakakadalawang kagat pa lang ako sa burger ko, siya ubos na.

Fast forward, so natapos na kaming kumain. Sabi niya lakad lakad muna kami. Lam niyo naman ang mga babae at ang mall diba. Dahil eto't patay na patay ako sa girlfriend ko, sige sinamahan ko. Habang naglalakad lakad kami, pinapauna niya ako. Sa harap lang daw ako dahil mas kabisado ko ang Glorietta kesa sa kanya (palibhasa taga Dasma Cavite).

So ayun nga, ako itong utu-uto nauna. So tinanong ko siya kung saan niya gusto pumunta. Naghahanap ba siya ng sapatos. Damit. Bag. Make-up. Hindi sumasagot. Nung medyo napansin kong matagal tagal nang walang pumapansin sa akin, lumingon ako. Wala ng babaeng sumusunod sa akin.

Binalikan ko ang mga dinaanan ko, baka may nakita lang siyang something shiny sa mga dinaanan namin, pero hindi ko nakita si Ivy. Dinial ko ang phone niya. Cannot be reached na.

Hindi niya nga ako inindian. Tinakasan naman ako. Ng putang inang girlfriend ko!!!

Andami kong text sa kanya. Hinahanap ko siya. Pero nung sumuko na ako, tinext ko siya.

"Break na tayo?"

********************
Kayo ba, na-indian na kayo?

37 comments:

  1. Kahit kailan ata eh hindi ko pa naranasan ang ma-Indian at mang-Indian. Takot kasi ako sa karma.

    Dumaan din ako sa stage na ganyan na nakikipag-chat sa IRC. Meron akong mga na-meet dati sa chatroom na hanggang ngayon eh matalik na kaibigan ko pa din. :)

    ReplyDelete
  2. oUCH... SAKIT NAMAN TOL.
    hINDI AKO MAHILIG MAKIPAG-eb DAHIL TAKOT AKO SA DISSAPPOINTMENT.
    Hanga pa rin ako sayo dahil nagagwa mo to pare. Antayin lang nila matinding karma nila tol...

    ReplyDelete
  3. sus sanayan lang yang ma reject.

    i should know hahaha

    ReplyDelete
  4. ang sakit naman niyan... hindi ko yata kakayanin kapag ako ininjan at tinakasan. baka makapatay ako. LOL

    ReplyDelete
  5. hahaha... nangyayari naman talaga yan.

    ReplyDelete
  6. awwtss!! may mga tao lang na ipinanganak na yatang mapaglaro sa damdamin ng iba.later in their lives, marealize nila na wala sa itsura yun, nasa karakter.. at ang mga kagaya nila walang karakter, mga mapagpanggap!

    kanya kanyang karma lang yan tol..
    (ampalaya mode)

    ReplyDelete
  7. ang dami kong tawa LOL

    haist teen years, sobrang adventurous at mapusok days...

    ReplyDelete
  8. kita tayo! hehe pramis di ako injanera at di din kita iiwan. basta libre mo lunch ko ahh :D

    ReplyDelete
  9. na miss ko nang bumisita dito at ayun naman, na-aliw ako. =)

    nakarma ako dati kasi may in-indian ako =( i-blog ko na lang ang kwento

    ReplyDelete
  10. grabe naman yung pangalawang kwento. :(

    maiba tayo, naranasan mo na bang yung babae naman ang magtapat sa iyo ng nararamdaman niya para sa iyo? yung tipong ikaw ang niligawan?

    ReplyDelete
  11. yep..ako rin na indian na..badtrip talaga.
    pero naka kana-dian din nman ako sa eyeball.

    ReplyDelete
  12. hindi pa naman ako na-indian, at kahit sablay yung in-eyeball ko, hindi ko pa rin inindian. hehehe. nakakatawa na lang tuloy yung mga ganyan ganyan. hehehe. oks lang yan. pagdating ng panahon pagtatawanan mo na lang din yan. hehehe.

    ReplyDelete
  13. Ngayon alam mo na bakit ako nagbubuhat ng bakal? :)

    ReplyDelete
  14. una, i never tried blind dates. kasi nga takot ako mareject. hehe

    pangalawa, sorry natawa tlaga ako, hahaha. pero oks lang yan. lesson learned na rin siguro! :P

    ReplyDelete
  15. Hahaha! Unfortunately, yes I admit I did that before way back in high school. Mga three times din siguro. The same thing happened to me. Kaya I have learned my lesson.

    Gillboard, thanks ha. You made me relive my high school and college years katangahan. Hahaha!

    ReplyDelete
  16. hahaha. ako nung bata ako takot ako mkipag eyeball eh. kasi mahiyain ako sa personal..wahahahahaha.. ayun bndang huli sa dami ng nirereto sa akin medyo nasanay n rin. hehe..

    ReplyDelete
  17. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  18. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  19. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  20. pag nakikipagdate ako, i always bear to mind na may chance talaga na hindi siya sisipot. I just give the girl 30 minutes to show up. then I will leave. Marami pa iba jan:)

    Btw, xlinx please?

    ReplyDelete
  21. hi.. long time since....
    anyway...

    ako dahil siguro probinsyano ako...
    wala pa namang nang indian o tumakas sa akin...
    ay di pa naman kasi ako nakipagblind date o eyeball kahit kailan/kanino...

    grabe... boring boring paala talaga ng buhay ko...

    at may narealize na naman ako sa post mo...

    ReplyDelete
  22. ang dami kong times na nakipag-EB noong kabataan ko. may times na na-indian ako at meron din namang times na ako ang nang-indian. sanyan lang yan eh.

    'yung tumakas sa'yo, 'di ko yata kakayanin 'yun kung sa'kin nangyari. hirap kaya magkaroon ng imaginary girlfriend! \m/

    ReplyDelete
  23. many times na rin ako na indian haha. chatter din ako sa IRC.. nth time ako nakipagmit hahaha! joke lang. kung di ka mapili meet tayo ok lang yun sakin wag ka lang matakot haha. text me 09212669419. :)magpakilala ka po ha! :)

    ReplyDelete
  24. I have. So much so I've decided to stop counting altogether. My take on it: their loss.

    ReplyDelete
  25. natawa naman ako dito >> "Yung tipong nakakadalawang kagat pa lang ako sa burger ko, siya ubos na."

    mukha ng nagbabadya..grabe naman yun.. ayos lng yan, masaya lang tayo dapat ;)

    ReplyDelete
  26. yon ang kinatatakutan ko talaga pag mag eyeball kasi di mo alam kung sisipot o hindi.

    ReplyDelete
  27. Ang sakit naman nung pangalawang nangyari I can just imagine the self-pity na mararamdaman ko kung sa akin nangyari yun... At least may lesson learned ka naman siguro dun hehehe.

    ReplyDelete
  28. sori na gill...natawa ako.pasensya na talaga.

    ahahahaaa....

    i hope naka get over ka na. dont worry charge to experience nalang,

    ReplyDelete
  29. hahahaha.. Natawa ako.hehe. Napadpad lang ako dito gawa ni salbe, nakalink sa new post nya..

    Mahilig din ako makipag-eb na kung san san nauuwi..hehe.minsan disappointed minsan solve. 1time na gusto ko din yung girl, pero ayaw nya saken, reto ng hs classmate. Ang reason, mukha daw akong babaero.haha. :D

    ok lang yan, ganun talaga..

    ReplyDelete
  30. it's their loss
    not yours
    naks
    =)

    ReplyDelete
  31. wala nang sasaklap pa sa sinapit ko, eto sabi ng ka-aybol ko: "ansama naman ng itsura mo, wala ka bang kakilalang iba?"

    ReplyDelete
  32. haha..grabe naman ang mga karanasan mo sa chick. puro magugulang nadadale mo :-)sayang ang load.

    ReplyDelete
  33. at dahil talagang may nagplug-in sayo.. napabasa ako dito sa blog mo. ayun, super natuwa naman ako sa nabasa ko :D babalik ako dito. pramis.

    anyway, ang sama ng mga nakadate mo. tsk.tsk. pero malay mo next time swerte ka na.

    ReplyDelete
  34. sabi nga ng kuya ko, hindi mo kawalan, kawalan nila...


    kainis yun ha... nagmamaganda...

    ako na lang i-date mo? hehe pwamiz... di kita iindiyanin... kaya lang gudluck kasi malakas ako kumain.. nyahaha...

    at pwamiz.. mapapagod ka kasi madami ako naiisip na pwede nating gawin sa mall... para pag uwi mo pagod ka na at matutulog na lang.. pero syempre mabibitin ka... kaya mapapaniginipan mo ako.. nyahaha..


    peace bro... ako yata yung nang indyan sayo.. joke... ako kasi ang naiindyan o iniiwan ng kadate. kasi may chaperon ako.. hehe

    padaan...

    wag sana mawala yung comment ko.. agn haba pa man din nito

    ReplyDelete
  35. weh di nga? me ganun pala. ano ung chat?

    ReplyDelete
  36. natamaan naman akech dun kuya.kaso ako naman kuya nakipagkita ako, actually hinatid pa kami ng bstfriend ko ng car niang ang ganda kaso after that di ko na sya tinext... at hindi na din ako nakipagtextmate at lalong-lalo hindi na ako naki2pag-eyeball.

    ReplyDelete
  37. hmmmmm salamat kay salbehe at napadalaw ako dito :D infairness, hindi ko ini indian ang mga ka textmate ko o ka chat, hindi lang ako nkikipag eyeball :D LOL

    ReplyDelete