Jul 8, 2010

REMINISCING

Ang sarap magback read sa sariling blog mo. Dahil sa dito nakasulat ang buhay mo, pag binasa mo ulit ang mga dating sinulat mo, magugulat ka kung gaano karami ang nagbago sa buhay mo.

Ang sarap lang magbalik tanaw.

Ayoko ng mga long weekends. Hindi dahil sa ayaw ko ng bakasyon, pero normally, kapag walang nakaplano kapag mga araw na ganito, sa bahay sobrang nabobore ako.

Ngayon, lagi ko nang hinahanap ang bakasyon. Parang ang konti ng 15 available Vacation Leaves. Kagagaling ko lang sa four-day weekend, at kulang na kulang pa rin iyon para sa akin.

Tanginang tag-ulan kasi yan!!! Dinedepress ako masyado... kahit walang dahilan!!! Nyeta..

Ngayon, hinahanap-hanap ko na ang ulan. Hindi lang dahil lumalamig ang panahon kapag may ulan, pero sa di malamang kadahilanan, gusto ko lang siya.

Ayun nga, nung Huwebes, nauto ako ni Kuya salesman na bumili ng DVD player. Wala naman talaga akong balak pa sa ngayon na bumili ng DVD.

Hindi ako nauto ng salesman muli na bumili ng DVD, pero medyo nauto ako ni Ate kahapon na kunin na yung condo unit na malapit sa amin. Di kagaya ng DVD player na di na kailangang pag-isipan kapag gusto mo, ito'y dapat more than three times bago pagdesisyunan.

Kaya ko bang bayaran yung monthly payments. Mabigat sa bulsa ang pambayad dito lalo na't hindi naman kalakihan ang sweldo ko. Tapos kapag nagsasarili nako, marami pang dadagdag dyan. Kuryente. Tubig. Idagdag pa sa ibang binabayaran ko gaya ng internet, cellphone, cable at funeral plan ko. Di siya pang impulse purchase lang.

Yung cellphone naman, sa totoo lang, buong linggo last week ko pinagnanasahan yung telepono na binili ko. Natutuwa ako kasi Qwerty yung phone. Tsaka mura lang.

Noong isang taon, bumili ako ng LG na phone. Ngayon hindi na siya nagagamit. Nagsend na ng message si Sun na tuluyan nang mabubura ang account ko kung hindi ko siya loadan bago mag July 10. Hindi ko na siya ginagamit ngayon. Di ko na nga siya dinadala sa opisina. Ibenta ko na kaya?

You're one of the reasons I'm excited to go home from work. Thinking that there'll be a chance that I'll get to ride with you on my way home is reason enough for me to come to work.

Sulat ko yan para kay Monday. Natatandaan niyo pa ba siya? Siya yung crush ko na palagi kong nakakasabay sa fx tuwing Lunes. Hindi ko na siya nakakasabay ngayon dahil iba na ang schedule ko, kaya tuluyan ko nang hindi nalaman ang pangalan niya.

Hindi ko na rin naman kailangan pang malaman pa ang pangalan niya. May inspirasyon na ako ngayon, di lang pag Monday, everyday pa.

14 comments:

  1. wow parekoy, ang ganda ng ganitong idea. tama, check ko nga ang mga pinaggagawa ko dito sa saudi last year bago ako magbakasyon. \m/

    ReplyDelete
  2. asus! busyng busy lang sa lablyf. nagiiba tlaga ang perspective pag nagkakalovelife no? haha

    ReplyDelete
  3. ako din kulang na kulang ang three day weekend lalo na yung ordinary weekend. kaya pag weekend kung walang byahe sinusulit ko sa pahinga at pag blog.

    ReplyDelete
  4. "Hindi ko na rin naman kailangan pang malaman pa ang pangalan niya. May inspirasyon na ako ngayon, di lang pag Monday, everyday pa."

    -love love love. love is in the air. :) whew! haha

    ReplyDelete
  5. nyahaha
    mabuhay ang mga impulse buyers
    hehe

    ReplyDelete
  6. hindi talaga nauubos ang ating mga wants. kelan kaya tayo makukuntento.

    hay...

    :-)

    ReplyDelete
  7. We are running a contest for Real Home Ideas 5: Small Space Solutions. Hope you can make a little mention on your next post or tweet.

    You may find it here: http://www.houseofonika.com/2010/06/small-space-solutions-by-real-living.html

    We really appreciate it. Thanks a lot!

    All the best,
    House of Onika Team

    ReplyDelete
  8. perfect ang background music dito na reminiscin'. ako nga din na-aamuse kung pano nag evolve ang blog ko from a personal and law blog to travel and photography blog. sarap mag reminisce. :)

    ReplyDelete
  9. tama na ang pagrereminisce magkwento ka na ng hapi moments mo! hehe

    ReplyDelete
  10. ay ako ayokong basahin back pages ng blog ko kc lagi akong nakukunsumi. sinasabi ko sa sarili ko ba't naishare ko pa yun.

    ReplyDelete
  11. photo cache: may ganung moments din naman ako... pero natatawa na lang ako. kasi alam kong mas mature na ako ngayon.

    roanne: ayoko masyadong magkwento sa lablayp ko. kasi baka maudlot. pagtyagaan nyo na lang muna ang pagiging senti ko.

    lawstude: mukhang kelangan kong magbackread sa blog mo. naabutan ko ang yong blog na travel blog na.

    ReplyDelete
  12. onika: ermm.. no promises. but thanks for considering my blog.

    abou: tagal mong nawala sa blogosperyo. welcome back.

    raft3r: hahaha... di na tuloy. nung dinala ko ang tatay ko sa site, may dumaang malaking eroplano. ang ingay. di pwede sakin ganun. kaya pala mura.

    ReplyDelete
  13. pamela: ay napansin ko din yan. daming bloggers ngayon ang inlab.

    dong ho: meron ka palang weekend na hindi gumagala. akalain mo yun.

    ReplyDelete
  14. doc ced: di naman masyado. konti lang.

    nobenta: mabuti naman at may napupulot pala ang ibang mga mambabasa ko sa mga sinusulat ko. hehehe

    ReplyDelete