Jul 13, 2010

KWENTONG NATULOY NA DATE

Sa ngayon, hindi ako available (matagal-tagal pa bago ako malibre ulit... mga ten thousand years siguro).

Feeling ko lang kelangan ko iredeem ang sarili ko after niyo maawa sa akin sa mga nangyari sakin dun sa huling post ko. Parang loser lang kasi. Pero di na naman ako loser. Di na ako nakikipag eyeball or blind date gaya noong teen-ager / early twenties ko. Yun yung desperate/maniac years ko. Nakaraan na yun. Nakabaon na sa limot. Nagmature na ako. SEB na lang agad. Joke!!!

Bago pa kayo maniwala sa huling pangungusap, eh masimulan na nga ang gusto kong isulat ngayon. Gusto ko sana magbuhat ng bangko, kaya lang naisip ko, mahirap magsinungaling. Sobrang hirap!!! Kaya ikukwento ko na lang ang ilan sa mga date ko na natuloy at walang indyanan na nangyari.

DATE 1
Isa sa mga dates ko na hindi ko makakalimutan ay yung date namin ni Joy. Si Joy ang ultimate crush ko noong unang panahon. Pero hanggang kaibigan lang talaga kami noon.

Ang totoo niyan, noong panahon na yun, ako lang ang nag-iisip na date yung ginawa namin. Para sa kanya kasi hang-out lang yung paglabas namin. Katrabaho ko si Joy noon, dapat kasi tatlo kami, pero no-show yung isa pa naming kaibigan kaya dalawa na lang kami.

Mababaw lang naman ako. Basta nagkaroon ng malaman na usapan ang isang lakad o 'date', masaya na ako dun. Lalo na kung gusto ko ang kasama ko. At gustung gusto ko si Joy. Masarap kasi siya kasama. Kahit walang kwenta pinanuod namin noon (Doom), ayos lang bawi sa kwentuhan habang nagkakape. Mas lalo ko siyang nakilala, kasi sa programa namin noon, tahimik lang siya (actually maingay siya), pero pagdating sa kwentuhan, di na siya masyado nagsasalita. Pero nung unang date namin, ang dami niyang na-open tungkol sa buhay niya. Sa pamilya niya. Sa trabaho. Mga bagay na hindi niya sinasabi sa iba, na alam kong mga tunay lang niyang kaibigan ang nakakaalam. Memorable sakin yun, kasi nga matagal na akong humahanga sa kanya. At nung mas lalo ko siyang nakilala, minahal ko na siya.

Pero yun nga, hanggang kaibigan lang talaga kami.

DATE 2
Sino ba naman ang makakalimot sa una mong date. Ako din di ko malilimutan yun. Unang date ko sa una kong girlfriend, si Love. Di pa kami nun. Eyeball yun. Siguro dalawa o tatlong linggo na kami magkaphonepal noon ni Love.

Naisip namin na finally magkita na. Nagkita kami nun sa National Bookstore sa SM Southmall. Noong panahon na yon, yun pa lang ang mall na pwedeng tambayan sa may Parañaque/ Las Piñas area. Naalala ko pa, sabi niya description niya'y kulot siya, pero yun pala straight ang buhok niya.

At dahil high school pa lang kami, at kinupit ko lang sa bag ng nanay ko yung pangdate namin, sa Jollibee lang kami kumain. Hindi kami masyado nagkwentuhan, dahil pareho kami nahihiya sa isa't-isa. Pero kilig dahil lagi namin hinuhuli ang isa na tumititig sa isa. Parang tanga lang.

Syempre, di ko malilimutan yun, kasi dun ako unang nanligaw. Dapat yun yung date kung saan tatanungin ko siya kung pwede ko bang maging girlfriend, pero di ko nagawa dahil naunahan ako ng hiya. Noong pauwi na kami, ang tanging nagawa ko lang ay kamayan siya at sabihing 'nice meeting you.'

Noong gabi ding iyon, naging kami.

********************
Tama na muna ang dalawang date. Baka may magselos na.

Kayo, ano mga di niyo makakalimutang date ninyo?

21 comments:

  1. si Joy ba ay taga carlson??hehehe

    ReplyDelete
  2. Mas unforgettable ung mga date na nauwi sa disaster hehehe... tama ba?

    ReplyDelete
  3. Oo mas gusto ko ung date na naging disaster mas entertaining hihihihi

    ReplyDelete
  4. Sa ngayon, hindi ako available (matagal-tagal pa bago ako malibre ulit... mga ten thousand years siguro).

    Nako kung isa ako chick at nabasa ko ito, unang sasagi sa isip ko eh,

    "so umaasa ka pa palang maging single?"

    ReplyDelete
  5. ausu bumabawi! mas maganda pa din ang disaster dates! hehehe

    pero congrats ulit. at seryusohin na si gf ah! haha para di na maging available everrrrr. heheh

    ReplyDelete
  6. mas gusto ko din yung disaster dates. LOL

    ReplyDelete
  7. walang tatalo sa unang date. makita ko pa lang at masagi ng siko ang siko niya eh parang lalabasan na ako. sorry pero totoo talaga - manyak years yun eh. hehehe. \m/

    ReplyDelete
  8. akala ko may happy ending to hehehe...

    ReplyDelete
  9. mico: kelangan bumawi... mukhang ang dami naawa sakin nung huling post. hehehe

    jag: happy ending naman ako ngayon. hehe

    nobenta: lahat naman ata ng lalake dumaan sa ganong stage sa buhay.

    ReplyDelete
  10. karen: ay wala na akong disaster dates. hehehe

    doc ced: oo naman mahirap mag-emo pag single.

    joms: di naman. wala naman akong balak. contented na ako ngayon.

    ReplyDelete
  11. jepoy: magkwento ka ng iyo, nang maentertain naman kami!!! hehehe

    glentot: memorable kasi mapapaisip ka kung paano ka napasok sa ganung situwasyon.

    moyie: yup. pero di mo na naabutan yun. 2005 pa yun. hehehe

    ReplyDelete
  12. gusto yan---mga mapusok years---sabay SEB. nyahaha. uo, nga, next level of maturity naman. ang bilis mo pala ha. unang pagkikita palang pinapasagot mo na.haha

    familiar ako dyan sa Southmall, nagwork ako dyan dati nung year 2000.

    ReplyDelete
  13. hahaha mas maganda ngang basahin yung mga disaster date..hahaha

    ReplyDelete
  14. wala akong maalalang important or memorable date ---- ay di nga pala ako nakikipag date noon. pa hard to get kc :D

    ReplyDelete
  15. di ko makakalimutan na date ay yong hinatid ko ang gf ko sa kanila... pero bago ko siya hinatid... tumambay muna ako sa tabing dagat at nagkwentuhan. :)

    ReplyDelete
  16. di ko makakalimutan na date ay yong hinatid ko ang gf ko sa kanila... pero bago ko siya hinatid... tumambay muna ako sa tabing dagat at nagkwentuhan. :)

    ReplyDelete
  17. ayos, pero malay mo naman kayo pa rin ni joy pagdating ng panahon. :)

    di malilimutan na date? too many to mention pero mas marami disaster syempre. marami ako kinuwento sa isa kong anonymous blog hehehe.

    ReplyDelete
  18. lawstude: meron akong disaster na valentines date. pero saka ko na ikukwento. hehehe

    marcopaolo: kasama mo naman yung date mo sa tabing dagat, right? hehe

    photo cache: ayos lang. may asawa ka na naman, di na pwede mag date.

    ReplyDelete
  19. superjaid: sa valentines na lang. para napapanahon. hehehe

    anton: 2000s di nako natambay dun. batang sm manila, robinsons manila at glorietta ako noon.

    ReplyDelete
  20. pakilala mo naman ako ke joy
    please
    hehe

    ReplyDelete