Jun 11, 2010

KWENTONG FIRST DAY HIGH


Pasukan nanaman pala. Nakalimutan ko yun pala ang isa sa mga pangyayaring associated pag dumarating na ang buwan ng Hunyo. Una kasing naiisip ko ay kasal (hehehe). Kaya ngayon gusto kong ishare ang ilang alaala ng aking mga araw bilang isang mag-aaral.

Dahil matagal-tagal na rin akong hindi nakakapagsulat para sa aking kwento series naisip kong dagdagan ito ngayon. Para naman hindi na lang palaging repost o maiikling post ang nababasa ninyo dito. Nais ko lang magkwento.

Kung magbabalik-tanaw ako, medyo malabo na sa utak kong magtetrenta ang mga nangyari sakin noong unang araw ko sa elementarya at hayskul. Elementary, malamang kasi sobrang tagal na nun (ang naaalala ko lang eh yung hindi ako sinundo ng nanay ko pauwi). Sa hayskul, wala talaga akong maraming alaala dun. Boring hayskul life ko. Sobra!!!

Medyo matagal-tagal na rin akong nagtapos ng kolehiyo, at hindi rin naman marami ang mga alaala ko noong unang araw ko doon, pero marami akong naiisip na nangyari sa akin noong unang araw ng klase bilang isang college student.

FIRST DAY
Alala ko noon gusto akong ihatid ng nanay ko papunta sa paaralan noon. As in!! Handa na ang nanay ko nung araw na yun para dalhin ako sa Beda na parang bata lang. Mega-bihis pa siya nun, nang maabutan ko siya sa sala namin nung paalis na ako. Nawili yata kasi nung enrollment namin binitbit ko siya, kaya gusto sigurong maulit ang bonding moments namin. Pambawi sa di niya pagsundo noong first day ko sa elementary.

Ngalang, ang tinuro sakin ng nanay kong paraan papasok at pauwi ay palpak. Sabi niya mula samin, sumakay ako ng jeep na papuntang LRT, tapos sumakay ako LRT at bumaba sa Central Terminal kung saan ako pwede sumakay ng jeep papuntang Baste, tapos lakarin ko na lang. Meron naman palang FX samin na diretso na hanggang Lawton. Tapos pauwi, ang tinuro niya eh kailangan kong pumunta ng Quiapo, maglakad ng malayong malayo papunta sa LRT pauwi. E pwede naman akong pumunta sa Doroteo Jose, papuntang LRT o kaya'y bumalik ng Lawton at sumakay ng Sucat na FX at mas mapapadali ang buhay ko. Kaya dumating ako't umuwing pawisang pawisan.

SAN BEDA FOR THE FIRST TIME
Parang wala lang nagbago. Galing ako ng all boys school. Puros lalaki pa rin ang nakikita ko. Although ngayon, meron na ring mangilan-ngilang may boobs (yung tunay). Kaya lang, wala kaming pag-asa noon sa kanila kasi Law Students yung mga yun.

Ang nagbago lang sa mga naging kaklase ko, napansin kong andami kong kaklaseng coño. Noong high school kasi kami, 4 lang sa buong klase namin ang medyo kunyotic. Halos lahat kami noon jologs. May mga pakonyo pero bading. Noong kolehiyo, ganun talaga. Nakawheels. Nakashades. Japorms (lumalabas talaga ang panahong kinalakhan ko!!! yak). Diretso mag-ingles, walang uhms magsalita. Nakakaaliw.

At saka andaming makulit. Palibhasa yung kurso ko ang isa sa pinakamadaling kurso sa eskwelahan namin noon (Marketing Management ako), marami akong kaklaseng galing Row 4. So sobrang kulit ng mga kaklase ko. Balasubas. I felt right at home.

PERO ANG DI KO TALAGA MALILIMUTAN
Normal naman ang unang araw ng klase. Hindi siya espesyal. Maraming pagpapakilala sa mga guro, pero parang normal na araw lang. Kaya kung tatanungin niyo ako kung may mga specific na alaala ako sa unang araw ko sa kolehiyo, malamang isa lang masasagot ko. Yung nilapitan ako ng mga kaklase ko at tinanong ako kung balikbayan or amboy daw ako. Galing ko daw mag-ingles. Promise pumalakpak tenga ko't lumaki ang ulo ko nun.

Pero di yun yung hindi ko talaga makakalimutan. Ang hindi mawawala sa isip ko tungkol sa unang araw ko sa kolehiyo. Eh yung pakiramdam na malaya na ako.

Pagtapak ko sa St. Maur's Hall, naramdaman ko agad na nagbago na ako. Bagong Gilbert. Clean slate lahat. Wala na yung loser na Gillboard noong high school na hindi marunong makibagay sa mga tao. Na nabawasan na yung jologs na Gillboard na hindi marunong mag color coordinate ng mga damit pamporma. Na yung dating binatilyo ay binata na talaga.

Buong araw hindi nawala yung ngiti ko sa mukha. May mga bago akong kaibigan. Bagong katauhan. Lahat bago.

Tsaka mas malaki na ang baon ko by 200%.

13 comments:

  1. kamusta naman ang Holy Spirit, CEU at La Co sa matinik mong kamandag noong college hihihi...

    Parang nainspired tuloy akong mag sulat tungkol sa first day ko sa college. Pahiram ng title ha, pag sinipag ako mag susulat din ako ng katulad neto. :-D

    ReplyDelete
  2. Nakakamiss naman ang Beda. Hindi ko din makakalimutana ng 1st day ko dahil late ako sa 1st subject ko dahil ang traffic pala sa Legarda kaya tambay nalang din ako sa St. Maur's Hall.

    ReplyDelete
  3. San Beda ka pala. Baka kumakain ka sa amin noon sa may dulo sa 2nd street, hehe.

    ReplyDelete
  4. aba eh magkatapat lang pala tayo ng eskwelahan e. isa ka palang bedista.

    Anyways, nakakamiss talaga ang buhay estudyante. :D

    ReplyDelete
  5. cool! ora et labora and that in all things God may be glorified. hahaha! ;)

    ReplyDelete
  6. sa mahigit isang taon kong pagtambay... ang 3/4 siguro ng oras na iyon lahat sa pagkamiss ko sa pagiging estudyante...mabuti na lang at nahinto din at takot ko lang baka mag full bloom depression ito...

    ReplyDelete
  7. magkaibang siglo tayo pero ceu ako - at mahilig kaming mag spot ng cute na taga beda. kaya enjoy pag may mendiola consortium activity eh.

    buti naman at naaalala mo pa first day mo. ako ni isa walang matandaan. talagang matanda na nga. happy wikend.

    ReplyDelete
  8. naks bedan ka pala!
    namis ko tulog mag aral ulet.

    ReplyDelete
  9. Naalala ko tuloy nung nag-talk ka sa class namin sa 1AMC sa Beda without knowing you as Gillboard, honga magaling ngang mag-english! hehehe! Saka ko na lang nalaman na ikaw yun nung makita ko ang plaque of appreciation na binigay namin sayo after 7 years. hehehe!

    ReplyDelete
  10. Drool...

    Beda boys, especially in the Arts and Sciences College.

    Again,

    Drool.

    ReplyDelete
  11. sa isang catholic school ako naghighschool at sa probinsya pa so nung first day ko sa college na-culture shock ako kase halos lahat ng kaklase ko nagmumura. hahaha

    nahawa na din ako kalaunan ni dati nga kahit salitang sex di ko kayang sabihin. Totoy na totoy ang puta.

    ReplyDelete
  12. buti na lang sa skul ko konti lang konyotic at bihira silang pinakikinggan.

    ReplyDelete