Jun 9, 2010

SAKALAN

reNaranasan mo na bang masakal? Hindi ka makahinga. Nasasaktan. Nanghihina. Pakiramdam mo, mamamatay ka na (actually mamamatay ka talaga). Ang hirap diba?

Sa isang relasyon, nararamdaman din natin yan, paminsan. Nasasakal. Hindi makahinga. Nasasaktan. Nanghihina. Pakiramdam mo mamamatay ka na. Pero bakit, masasaktan kung ang ginagawa lang naman ng kapares mo ay ang mahalin ka?

Kung minamahal tayo, bakit natin nararamdaman na tayo'y nakakulong, na tayo'y hindi makagalaw, hindi makahinga? Kung hindi naman nakakasama sa atin ang ginagawa nila, bakit tayo nasasakal?

Mali ba yun? Nagiging unfair ba tayo kapag nararamdaman natin yun? Nagiging madamot? Iniisip ang sarili? Naghahanap ng growth? O marahil hindi lang talaga para sa atin yung ating kapiling kaya natin nararanasan iyon? Kasi diba dapat pag nakilala mo na siya eh kumpleto ka na?

Ang dami kong tanong. Hindi ko naman nararamdaman iyon.

**********
Hindi ako nasasakal o nananakal ngayon. Naisip ko lang yung mga nakaraan kong relasyon. Kasi ilang beses nasabi ko na yun ang dahilan kaya natapos ang aming pagsasama.

21 comments:

  1. hmm. simpleng volleyball routine lang yan eh.

    give and take; mine or yours. ;)

    ReplyDelete
  2. ako gusto ko sinasakal ako per sa bandang babae, joke!

    Uhhhm matutu nalang tayo sa pelikulang one more chance, feeling ni basha na sasakal na sya tapos nung nawala sa kanya na kita nya yung importance ni Popoy. Pero ang buhay ay hindi naman Pelikula kaya dapat lang siguro eh malawak na pang unawa ang open communication para walang sakalan. Yun lang naman ang aking two cents.

    Parang blog ko na 'to. LOL

    ReplyDelete
  3. interesting.. i think ang sagwa lang talaga ng feeling ng sinasakal but if u try to analyze it, mostly galing siya sa insecurity. insecure siya na mawawala ka, kaya ka niya hihigpitan. sabi nga nila, baka matauhan pa 'yan. hehe wala lang.

    ReplyDelete
  4. nakaksakal tlaga pag lahat ng galaw dapat nakareport ka sa kanya, kapag di ka nakatawag o nakatext, magtatampo, kapag laging gus2 nya sya ksama mo sa lakad..haysst...di ka nga makakahinga..kelangan ng espasyo :P

    ReplyDelete
  5. cguro kapag pumasok k sa isang relasyon kasama n s obligasyon mo yung magpasakal..tama b? haha

    ReplyDelete
  6. nasakal literally?...yeah (epal kasi e) pero sa relasyon hindi pa naman! :D

    ReplyDelete
  7. sa gaganda ng mga posts mo about your past, nagtataka tuloy ako kung gaano karami yang past na yan :)

    ReplyDelete
  8. Because we need to grow too as individuals, to progress and evolve. So we're better equipped and grounded to handle the relationship. It would be unfair to both of the partners if either had their lives precesing around the other. Growth as people, and thus growth as a couple.

    This, I think, is something we all must learn. Either the hard or the easy way.

    ReplyDelete
  9. mukhang malalim ang pinaghugutan ng mga sinasabi dude..

    ReplyDelete
  10. pa comment na nga rin po... hayz, yan ang dahilan bakit ako nawalan ng bf, hehehe... nasakal daw sya... masama bang magtanong kung nasan sya? kung kumain na sya? nagtatanong lang naman e... siguro mas maganda kung sabihin na lang nya kesa magtanong ako... mejo demanding nga siguro ako... pero ano magagawa ko loves ko sya e... hayz uli

    ReplyDelete
  11. hindi talaga advisable ang sakalan na yan. nakakasira minsan ng relationship. tama sabi ni jepoy, matuto tayo sa pelikulang one more chance.

    ReplyDelete
  12. insecure at immature ang mga sakalero. sorry sa matatamaan. hehe.

    mukhang series ito ah. joe d' mango, is that you? :p

    ReplyDelete
  13. minsan sa isang relasyon, eto ang itinuturo nating dahilan ng hiwalayan, "nakakasakal na"..

    masarap sa una na may nagbabawal sa atin na gawin ang mga bagay na nakasayan na.. pero dumadating ang punto na masyado nang maraming bawal, at tingin natin nawawala na ang ating identity..

    realisasyon, kung alam mo naman na ganun ang mangyayari sa huli bakit pa rin natin pinipili ang desisyon na magpasakal?

    ReplyDelete
  14. Kasal.
    Sakal.
    Lakas.
    Kalas.


    Fascinating how changing the arrangement can make the same letters mean vastly different yet oddly-related things.

    ReplyDelete
  15. by nature, girls are smothering.. hate it too.

    ReplyDelete
  16. naranasan ko na yung ganyang situation. first and last ko yun sa ex ko bago ako magpakasal. ang hirap ng ganun dahil parang nakakulong ka nga. dictated ang lahat ng gagawin mo.

    isang araw, nagising ako sa katotohanan. noong sinabi niya na iiwanan niya ako kapag 'di ako pumunta sa kanila, nakipag-break ako kaagad. through SMS lang. para maramdaman niya yung ginagawa niya. siyempre hinabol niya ako (kapal) pero it's too late dahil napagdesisyunan kong bumalik sa gf ko dati na asawa ko na ngayon!

    ReplyDelete
  17. communication and give and take and kailangan sa ganitong sitwasyon.

    Nice post! =)

    ReplyDelete
  18. sakal, lakas, kasal, sakla, aklas :)

    ReplyDelete
  19. sakal, lakas, kasal, sakla, aklas, kalas. bad trip hehe/ ayun. maghanap ng hindi nananakal hehe

    ReplyDelete
  20. compromise...

    yan ang kinalimutan ng dalawang nagmamahalan kaya humahantong sa sakalan...

    trust...

    ito ang nabasag, kaya bumigay ang pader ng pag-ibig...

    ReplyDelete
  21. Hehe
    madalas akong masaka
    Kaya ayoko ng commitment
    hehe

    ReplyDelete