Jun 14, 2010

KAPIRASONG LANGIT (KAFFE RAZZO)

Sumilip ako sa bintana at nakita ko ang kotse niya na pinaparada sa harap ng coffee shop na pinalalagian ko. Nakita niya ako, at alam niyang galit ako.

Nagmamadali siyang lumabas at lumapit sa akin.

Hinalikan ako at umupo sa tapat ko. "I'm sorry I'm late, Tracy. Traffic."

"You're always late Ian. You know how important today is..." magsisimula sana akong maglitanya sa mga problema namin sa relasyon namin.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "I'm sorry. I'm here na. We'll talk."

Tinawag niya ang isa sa mga crew ng cafe. "Ako na ang oorder para sa'tin okay? Ate bigyan mo ako isang order ng Dory Fish Fillet, padamihan ng tartar sauce, isang order ng Mongolian Rice and dalawang Mango Shake. Yung pinakamatamis na mangga na meron kayo. Thanks."

Nakuha niya lahat ng gusto ko.

Si Ian, ang boyfriend ko. Di man siya perpekto, pero laging napapangiti niya ako.

-Kaffe Razzo
Tikman ang kapirasong langit.

********************
Maraming nakapunta sa soft launch noong Sabado sa cafe ni Kuya Chinggoy na Kaffe Razzo, ilan lang ang naabutan ko dahil maaga akong dumating doon at may lakad pa ako. Pero hindi tungkol sa akin ang post na ito.

Sabado ng umaga nang sa unang pagkakataon sa linggong nagdaan ay nasira ang diet ko. Bumisita ako sa mumunting coffee shop ni Kuya Edsel sa may Sta. Mesa para tikman ang pagkain sa pinagmamalaki niyang negosyo, ang Kaffe Razzo.

Dory Fish Fillet, iced coffee at mango shake lang ang natikman ko, pero sobrang nabusog ako. Normally, hindi ako kumakain ng isda, pero ang sarap nung kinain ko, lalo na kung isasawsaw mo dun sa house sauce nilang may secret ingredient.

Ang maganda sa lugar na ito, dahil sa target market ng lugar, ay lahat ng pagkaing hinahain nila ay kayang kaya ng bulsa. Kung saan ika'y gagastos ng malaki para sa matabang na kape, sa kanila mas makakatipid ka na, masarap pa siya.

Medyo iniba ko konsepto ng post ko kasi alam ko sa mga susunod na araw eh maraming magsusulat para sa'yo. Naisip ko lang kung sakaling lumaki ang business mo ganito concept ng tv ad mo.

Bukas nga pala ang grand opening ng Kaffe Razzo. Matatagpuan siya sa may Sta Mesa paglampas lang ng SM Centerpoint. Sa pagitan ng UERM Hospital at Caltex Station. Para sa mga techie, libreng Wi Fi ang coffee shop na ito.

Kung gusto niyong malaman ang ilan pang detalye tungkol sa Kaffe Razzo, click niyo ito at ito. Marami pang lalabas sa blogosperyo sa mga susunod na araw.

Salamat Kuya Edsel at good luck sa iyong business!!!

30 comments:

  1. bro, salamat... salamat... sa iyong pagpapaunlak sa aking imbitasyon...

    ang ganda ng bagong bihis ng iyong bahay... :)

    ReplyDelete
  2. wow new look and i love green! Hehe : )

    ReplyDelete
  3. Hihi salamat sa link... AT ano kaya ang secret ingredient na yun parang nakakatakot ah...

    ReplyDelete
  4. ang sosyal ng bagong look! parang nasa condo lang! ang ganda. hehe.

    akala ko fiction pa din yung baba. ay ang shonga ko. :p

    ReplyDelete
  5. nice new look!

    lalo na akong naiinggit at 'di ko pa mapuntahan ang bagong tambayan ng mga bloggers na magpapataob sa starbucks!

    mukhang masarap at affordable nga ang mga matitikman sa kapirasong langit. \m/

    ReplyDelete
  6. nyahahaha ako ng na on diet NAPASUBO din eh..

    ang sarap kasi ng mga bloggers...

    ay ng pagkain pala heheheheehe

    ReplyDelete
  7. Kuya Anton tagged me also with the pics. Haha, na-inggit tuloy ako. Idk Kuya Chinggoy and that's my ultimate task now, to keep in touch with him. Para may libre akong Dory Fish Fillet every weekends. Haha!

    I hope makadaan ka rin sa blog ko. ^^

    ReplyDelete
  8. pumunta ka rin pala. i was at the sort of after party sa moa. haha

    ReplyDelete
  9. bagong layout din si GB! :D

    may pang diet ba dyan sa Kaffe Razo?

    ReplyDelete
  10. doc ced: hmmm... may mga fruit shakes dun, kung ayaw mo ng mabigat sa tyan.

    nyl: ako, pumunta nung umaga... til hapon lang kasi may lakad after..

    .poot: wala naman ako sa picture na yun... di ko na sila anton naabutan. but in any case welcome sa blog ko.

    ReplyDelete
  11. yj: masarap ba yung mga bloggers? hehehe

    nobenta: affordable talaga. yaan mo pagbalik mo ng pinas, palibre ka kay chingoy!!

    jayvie: di.. pinapractice ko lang magconceptualize ng tvc... hahaha

    ReplyDelete
  12. glentot: alam ko actually kung ano, pero pag sinabi ko.. di na secret... hehehe

    ahmer: salamat. i'm green minded kasi. hehehe

    chingoy: at salamat din sa paanyaya, nakalibreng chibog ako nung sabado. yung project ha, wag kakalimutan.. hehe

    ReplyDelete
  13. Ka inggit... Nice home :)

    ReplyDelete
  14. pag inlove, naiiba ang layout eh? Ü

    ReplyDelete
  15. ayun o! feed me...nung napag-usapan nyo ;)

    ReplyDelete
  16. PS. salamat pala sa pag-link. teka ano ba ito, bloggers event para sa marketing ng kaffe razzo? hahaha ang husay ni kuya edsel o! :p

    ReplyDelete
  17. at talagang me segway pa na ganun, creative. hehe. Di ka na namin naabutan...masyado ka kasing busy---madaming lakad pag weekeneds. hehe

    btw--I like your new template. gives readers this cosmopolitan feel.

    ReplyDelete
  18. so ikaw pala ang umorder ng mango shake na nakakatakam. mukhang good choice. kakagulat naman ang new design ng blog mo. di na sheep.

    ReplyDelete
  19. hindi ka rin kuamakain ng isda?
    hehe

    ReplyDelete
  20. May food review na, may commercial idea pa. Ang ganda naman ng post na ito.

    ReplyDelete
  21. kakatuwa naman tong post na to.

    ReplyDelete
  22. Nice one sna makapasyal ako sa Kaffee Razzo! hilig ko rin kasi tumambay sa coffee shops!

    ReplyDelete
  23. nag diversify ka ah. pwede pang sideline ah, advertising :) and conceptualizing.

    liking the new template.

    ReplyDelete
  24. hmmm. malapit lang ako dito ah. mapasyalan nga minsan. :)

    ReplyDelete
  25. pamela: sige punta ka, tas sabihin mo nabasa mo mula sa blog ko, para masabi naman na effective tong post ko. hahaha

    photo cache: di naman masyado. gusto ko lang maiba, para di naman masayang yung pinag-aralan ko noong kolehiyo ako.

    dorm boy: bisitahin mo kung minsan. welcome nga pala sa blog ko. balik ka!!

    ReplyDelete
  26. the dong: salamat!!!

    jaypee: parang dishwashing liquid lang. hehehe

    ayie: maraming salamat at welcome sa blog ko! balik ka!! hehehe

    ReplyDelete
  27. raft3r: ganun ka din ba? sa tingin ko ikaw nga nawawala kong kuya!!! hehehe ampon lang daw kasi ako..

    reviewer: eksperimento lang. nakita ko kasi may something new ang blogger.. nawawala nga yung gusto kong template. hay

    anton: cosmopolitan? parang inuming pambabae lang... hehehe

    ReplyDelete
  28. kuya jon: sabi ni kuya edsel, padalhan mo daw ako ng sample ng nagawa mo na, para magka idea ako kung tungkol saan ang ishare ko. hehehe

    chyng: nung pebrero, di naman ako inlove noon pero nagbago layout ko... hehehe

    roanne: thanks.

    ReplyDelete
  29. ako na lang ba ang hindi nagpupunta sa coffee shop na ire?

    ReplyDelete