Oct 3, 2009

MY TOP FILMS: PINAKAPANGET NA MGA PELIKULA

Normally, nag-iingles ako pag mga ganitong klaseng post ang sinusulat ko. Pero dahil adik ako ngayon, at dahil hindi magagandang mga pelikula ang nakasaad dito tatagalugin ko na. Mas madaling maiparating ang poot na nararamdaman ko kapag sa wikang tagalog ang pagkakasulat nito. Sa mga apektado, opinyon ko lang ito. Blog ko 'to kaya kahit anong gusto kong isulat, isusulat ko. Kung hindi kayo sang-ayon, gumawa rin kayo ng blog ninyo at doon ninyo ako siraan. Wala po akong balak na makipag-away kanino man.


So itong listahan na ito ay ang listahan ng pinakapanget na mga pelikulang napanuod ko sa buhay ko. Unahin ko na ang mga pelikulang Pinoy kasi marami naman talagang pelikula na hindi maganda. Meron tayong mga iilang may katuturan na napapanuod, pero kadalasan, wala talagang kwenta ang mga ginagawang pelikula. Maipares lang si Dingdong kay Marian ayos na. Mapagsama lang si AiAi at Piolo, go na. Magkaroon lang ng pelikula ngayong taon si Richard Gutierrez, papatusin na. Kaya bumagsak ang industrya, gawa lang ng gawa, akala mo naman quality. Ayan, di nako natahimik.


Sisimulan ko na ang listahan ko ng pinakapanget na mga pelikula. Salamat nga pala kina Lawstude, Joshmarie, Curbie at Gas Dude na sumagot ng tanong ko sa plurk.


10. Villa Estrella
Napakawalang kwenta ng pelikulang ito. Horror siya pero hindi nakakatakot. Drama, pero hindi nakakaantig. Action, pero ang lamya lamya. Palpak. Nanuod ako nitong pelikulang ito sa sinehan pa. Hindi man lang ako nagulat. Naasar ako sa kwento. Napakapredictable tsaka walang direksyon. Halatang hindi man lang pinaghandaan ang pelikulang ito.

9. Yamashita
Nagtataka ako sa Metro Manila Film Festival. Paano nakakapasa at nananalo ang mga pelikulang gaya nito. Hindi naman siya maganda. Dahil ba medyo mukhang ginastusan yung effects nito kaya 'to nanalo ng Best Picture. Wala namang sense yung pelikula. Nakakabwisit. Gusto niyang makiuso sa mga historical fiction na kwento na hindi naman talaga kapani-paniwala. Kumita ba ito?

8. Rollerboys
Aaminin ko, pinanuod ko ito sa sinehan. Paano noong bata pa kami, yung mga kapitbahay ko ay numero unong fan ni Patrick Garcia. Noong panahong payatot pa ito at mukhang bungo. Hindi ko alam kung ano nagustuhan ng mga batang iyon kay Patrick, pero patay na patay sila dito. Kaya nung unang araw ng palabas nito, hinila kami ng mga kapitbahay namin para panoorin itong pelikulang ito. Hindi ko siya nagustuhan. Ang corny. Ano ba naman ang magagawang kakaiba sa roller blades ng mga bata? Umiinit ang ulo ko.


7. I Do I Die Diyos Ko Day
Noong dekada nobenta, maraming pelikula ng Star Cinema ang maaari nating i-classify sa mga pelikulang wala talagang kwenta. Magbigay lang ng matinong lesson sa kwento, kahit pa basura yung istorya, ipapalabas nila ito. Habababa doo - Putiputi poo. Tong Tatlong Tatay Kong Pakitong-Kitong. Isprikitik something something Walastik. Salamat sa Cinema One napapanuod ko ang mga ito. Ang panget ng pelikulang ito. Pinoy version ng War Of the Roses (na gustung gusto ko). Basta ang masasabi ko lang, hindi siya nakakatawa.

6. Super B
Granted na medyo nakakatawa ang Booba (medyo lang), eto yung mga tipo ng sequel na hindi naman kailangang gawin pero para sa pera, gagawin pa rin. Hindi pinag-isipan, kung ano lang ang nakakatawa para sa lumikha nito, ipapalabas na. Walang kwenta ang pag-arte. Walang saysay ang kwento. Nakakaburaot ang mga artista. Hindi ko alam kung bakit pagkatapos ipalabas itong pelikulang ito, binigyan pa rin ng trabaho ang direktor. Kaya siguro hindi tuluyang sumisikat ang mga gaya ni Ruffa Mae, kahit na magaling silang komedyana. Kasi pumapatol sila sa mga ganitong proyekto.

5. ALL Bong Revilla Filmfest Movies

Oo na. Pinagkagastusan na ang mga effects ng mga pelikula niya tuwing filmfest. Kumbaga kung ikukumpara mo sa iba, pwede pang hollywood yung mga effect effect ng pelikula. Pero dahil sa sobrang gastos sa mga effects, nakalimutan nang gastusan ang mga manunulat, kaya kung ano-anong kwento na lang ang isinusulat nila. Resiklo, yung Enchanted Kingdom na movie, tapos may isa pa, tsaka yung Panday (na ipapalabas ngayong taon). Buti na lang at hindi na masyado kumikita ang mga ganitong pelikula. Patunay lang na nagiging matalino na ang mga Pinoy sa pagpili ng pelikulang papanuorin. Hindi lahat nadadala sa style. Kailangan din ng substance.


4. My Best Friend's Girlfriend
Napanuod ko ang kabuuan ng pelikulang ito sa bus. Aaminin ko, sumakit ang ulo ko. Ang sakit sa tenga pakinggan ng boses ni Marian Rivera. Hindi ko naintindihan ang kwento nito dahil sobra akong nadidistract sa boses ng artista. Aaminin ko maraming kinilig dun sa pelikula. Yung katabi ko, number one fan ata ni Richard Gutierrez. Kapag may kilig scene yung dalawang bida, talagang pinupukpok niya yung hita niya. Parang tanga lang. Nasa listahan itong pelikulang ito dahil napakababaw at sadsad na sadsad na ang kwento nito. At saka ang sakit sa ulo pakinggan ni Marian Rivera.

3. I.T.A.L.Y.
Napanuod ko ito kasi yung isang kaibigan ko patay na patay kay Dennis Trillo. At dahil hindi pa niya napapanuod yung pelikula, bumili ito ng piniratang dvd sa isang bangketa sa Quiapo. At dahil wala kaming magawa noong araw na yon, pinanuod namin ito. 15 minutes into the movie, naasar kaming pareho, napagdesisyunan naming manuod na lamang ng porn. Iyon na lang pala ang ginagawa ni Jolina ngayon. Sayang, tuwang tuwa pa naman ako sa love team nila ni Marvin dati. Panahon nga naman. Ewan ko ba ano meron itong pelikulang ito. Ang baduy!!!

2. Scaregiver
Hindi ko alam kung bakit na greenlight itong pelikulang ito. Hindi siya nakakatawa. Hindi ko kilala ang mga artista. Sabog sabog ang kwento, na parang nakadrugs ang nagsulat ng pelikulang ito. Nagpakita ang halos buong cast ng Eat Bulaga sa kabuuan ng pelikula, pero imbis na nakatulong, lalong sumakit ang ulo ko dahil sa kanila. Eto nanaman si Marian Rivera. At mas malala ang role niya. Buong eksena niya ata, wala siyang ibang ginawa kundi magbunganga. Seryoso, yun yata yung dahilan kung bakit nilagnat ako noong isang linggo. Napanuod ko rin ang kalahati ng pelikulang ito sa bus.

1.Payaso
Posible bang ang bata ay makaramdam ng depression. Normally dapat hindi, pero noong napanuod ko ang pelikulang ito noong bata ako, sobrang nadepress ako. Tungkol ito sa mga payaso pero hindi ito nakakatawa. Maraming bata sa kwento, pero ni minsan hindi ako naexcite. At si German Moreno ang bida dito. WTF?! Hindi ko na maalala kung tungkol saan itong pelikulang ito, basta ang naaalala ko gusto ko nang mamatay yung payaso dun sa pelikula. Tinatanong ko yung tatay ko palagi, bakit wala pang bumabaril sa kanya.

Marami pang pelikulang ganito Dream Boy, mga pelikula nina Judy Ann at Wowie, Apoy Sa Puso ng Samar (yung pelikulang may linyang saging lang ang may puso), mga pelikula ni Mark Lapid at ni Mikee Arroyo, Pacquiao, at karamihan ng mga pelikulang komedya sa Pilipinas. Mga dahilan kung bakit ilang taon kong iniwasang manuod ng mga pelikulang Pilipino. Dagdagan mo pa ng mga soft porn na pelikulang nagkukunwaring indie films. Juno at 500 Days of Summer, yan ang halimbawa ng indie film. Hindi Torotot o Silip.

Sinubukan kong maglagay ng mga litrato dito, ngunit nagloloko nanaman ang internet connection ko. Salamat Globe Broadband!!!

34 comments:

  1. additional lang...
    yung peilikula ng mga anak ng presidente.. except sa fengshui at magkaibigan b yun, yong wento ni daboy. the rest are in peace..

    ReplyDelete
  2. ayaw ko ng mga pelikula ni carlo j caparas

    yun lang

    ReplyDelete
  3. tama si scofield jr...
    hahaha.
    pinoy movies nga naman!
    isa din sa naisip ko dito ay ang DreamBoy talaga..lols isa yun sa walang kakwenta-kwenta.

    ReplyDelete
  4. Ako din lahat yata ng nabanggit mo hindi ko nagustuhgan...same taste a pelikula pare...
    Saka mga movie ni Carlo J. Caparas, pangit...hahah!

    Isama mo na yung bagong ovie ngayon, yung kay aljur at saka yung sa ka-love team nya..hindi ko lang makilala at matandaan yung title ng movie, flop kasi!!!

    ReplyDelete
  5. musta gilbert?

    buti nalang wala akong napanood sa mga binaggit mo.kung hindi malamang ganyan din ako kaasar gaya mo.

    ingat pre sa bagyo!

    ReplyDelete
  6. sukdulan sa pinakapanget na pelikula ay ang pelikula ni MANNY PACQUIAO!!! Kasuka!

    Saka ang pelikulang kasama si AMAY BISAYA! Tumodo yan sa kapangetan!

    ReplyDelete
  7. i do, i die, juskoday, habababadoo-putiputipoo, isprikitik walastik kung pumitik, tatlong tatay kong pakitong-kitong. actually, gusto ko ang lahat ng yan dahil lang kay babalu. the rest, basura.

    babalu rules! hehehe.

    ReplyDelete
  8. haha, sumakit ulo ko kakatawa.
    c marianne,ok cia pag naka two piece, tapos hindi na cia magsasalita, dun lang cia, nakatayo. ang taklesa. lol.

    sayang talaga pera pag nanood ka ng low quality movies. cgurado marami pa jang lalabas sana lang wag mo na mapanood at baka malunod ka na sa poot.

    ReplyDelete
  9. villa estrella.. haha sobrang ayoko din nyan. dinownload ko yan sa torrent at talagang naghintay ng matagal para mapanuod lang yang walang kwentang palabs na yan. adik ang gumawa nyan eh

    ReplyDelete
  10. Bwahahah
    nakakatawa tong listahan mo Gil...karamihan ndi ko napanood pero base sa reaksyon mo sa mga pelikula, parang flop nga sila..

    hay naku
    =))

    laftrip dito gil!
    :))

    ReplyDelete
  11. yan din ang mga dahilan kung bakit di ako nanunuod ng tagalog movie sa sinehan pwera na lang kung movie na kasama si eugene domingo... kasi manghihinayang ka lang... napanuod(nakita) ko ang 2 o 3 sa listahan mo sa tv na... pero mga movie ni nino mulach, kambal na gutierez at aiza nung mga bata pa sila entertaining sakin ngayon... sa cinema one minsan pag nagagawi... minus lang yung kantahan...

    ReplyDelete
  12. Aliw kaya yung Super B. :P

    ReplyDelete
  13. hwag kang ganyan
    napanood ko ang my best friend's girlfriend
    at natawa ako don
    granted di maganda ang timbre ng boses ni marian
    kurso sa speech lang ang kelangan nya
    maganda si marian
    i'm in love
    hehe

    ReplyDelete
  14. you forgot to include t2 (ni maricel soriano)
    that movie sucked
    BIG TIME!!!

    ReplyDelete
  15. lito lapid movies nakalimutan mo. hehehe.

    ReplyDelete
  16. nakakatawa naman yung pagkakasulat! nice:D
    grbe tlga un scaregiver, sa sinehan ko pa napanood un eh, nakkapanghinayang!

    ReplyDelete
  17. hahaha.... ni isa dito ko pa napapanood.

    ReplyDelete
  18. 'Yung kaibigang mong me crazz ke Dennis Trillo, babae ba 'yun? Tapos sabay kayong nanuod ng porn pagkatapos niyong manuod ng I.T.A.L.Y.? LOL

    I have to disagree with your opinion regarding My Best Friend's Girlfriend! Peyborit ko kaya 'yun! Hahaha. Natuwa kasi ako sa revival ng All I Need, memorable kasi sa 'kin 'yung kanta. Saka the movie's not that bad, mas napangitan pa ko dun sa movie ni Richard at Angel dati, 'yung ang story eh pumunta sila ng America...

    ReplyDelete
  19. buti na lang hindi pinagtiyagaan yung mga pelikulang yan (pero aaminin ko napanood ko yung BFGF, super B, yamashita at ilang elikula ni bong. haay.)in peyrnes, pwede na ring masali dyan yung yaya and angelina.

    ReplyDelete
  20. akala ko ako lang ang nakapanuod ng apoy sa puso ng samar...ahahaha

    the moment i heard the line saging lang ang may puso, i knew it would be a part of pinoy pop culture..as a form of ridicule...

    actually, critically acclaimed yung payaso..ang galing kasi ng irony..it's all about a payaso pero instead of being a light and funny movie, depressing siya...

    nanalo din ata si kuya germs ng award dahil dito

    ReplyDelete
  21. wahaha kaya ayokong manuod ng pinoy films eh..nakakabadtrip kasi madalas..lalo na yung mga action at comedy..naku naman!!

    ReplyDelete
  22. Korek ka dyan. Pero natawa ako sa sinabi mo about Marian. Totoo bang pangit at masakit sa tenga ang boses nya? di ko kasi sya pinapanood at di rin naman ako kapuso.

    Nakakapanood din ako ng mga ganyang pelikula kasi hinila kami ng kapatid ko noon ng mga katulong namin. Buti na lang di na kami ganun ka-easy hilahin sa mga ganyang movie sayang ang pera.

    ReplyDelete
  23. maygudnes. inabot mo pala si kuya germs sa payaso? documentary yun actually ng fiesta carnival LOL. anyway, please research on Virginia P ni alma moreno, i'm sure hahataw 'yun sa #2 spot.

    ReplyDelete
  24. LOL panalo ka.

    wala ako napanood ni isang movie nasa list hehe

    ReplyDelete
  25. petix mode ka no? may time ka pag maglist ng chakkang movies. haha
    Inferness kahit 1 jan wala ako napanood.

    Btw, yung Juno gusto ko! Sa GB lang yang showing before di ba?

    ReplyDelete
  26. what? walang carlo caparas movie? joel lamangan? wenn deramas? at yung isprikitik walastik kung pumitik? :D

    ReplyDelete
  27. i am not really a fan of local movies. sabi ng mentor ko ang yabang ko daw LOL

    ReplyDelete
  28. hehe---kaya ako di mo mapapanuod ng Pinoy films basta basta---pinipili ko lang. mahirap nang mawalan completely ng respeto sa locxal films natin kasi marami rin namang magaganda---kailangan lang talaga pumili.

    ReplyDelete
  29. sa totoo lang ang mganabanggit mo ay di ko pa napapanood. di kasi ako mahilig manood ng pelikula. palagi akong inaantok, pero true yong ibajan boring daw sabi ng katabi ko.

    ReplyDelete
  30. napanood ko ang my best friend's girlfriend.... di maganda ang dubbing.

    ReplyDelete
  31. Bwahaha pinanood mo talaga lahat yan?! Tyaga mo din ah...

    Can't wait for 500 Days Of Summer na ipalabas dito...

    ReplyDelete
  32. pre bobo ka. wala akong pakialam sa opinyon mo. ang masasabi ko lang, ang paghatol sa kaledad ng pelikula ay ndi sa istorya lamang. ang tunay na nakakaunawa, maiintindihan ultimo ang mga anggulong kinukunan ng camera. bobo ka pre. istorya lang alam mo. nood ka enteng kabisote

    ReplyDelete
  33. Gaya gaya kasi ang karamihan sa pinoy na director, writer, producer kaya walang pelikulang maganda, sinasabi nila na world class, pang-hollywood, sa panaginip lang nila yun.

    ReplyDelete