Hindi talaga ako nahuhuli sa mga bali-balita at goings on sa mundo ng blogosperyo. Natatawa nga ako at meron akong nababasang mga kaguluhan. Hindi na ako makikisawsaw bilang respeto na rin sa mga taong involved. Tsaka hindi ko rin naman kasi kilala yung mga taong may mga hindi pagkakasundo.
Tapos napapansin ko rin na maraming nagsisimulang umibig ngayon sa blogosperyo. Merong mga sawi (hindi naman ata mawawala yun), pero mayroon ding mga sinuswerte. Nagsisimula na nga akong mainggit eh... biro lang.
***********
Marahil alam ninyo ang dahilan ng desisyon kong gumawa ng iba pang tahanan. Meron akong mga personal na mga kaganapan na gustuhin ko mang ishare, eh marami nang nakakakilala sa akin dito na kilala ko sa tunay na buhay. Mga pamilya at kaibigan. Medyo sensitibo yung ilang bagay na iyon kaya di ko kaya isulat dito. Kaya gumawa akon ng panibagong mundo.
Pero syempre dahil marami na rin dito akong kilala, at nasubaybayan yung buhay ko, so magseshare na lang ako ng ilang mga bagay bagay na nangyayari sakin ngayon. La lang, baka interesado lang kayo malaman.
- Bukas, officially Taong Grasa na ako. Nakilala ko na yung mga bago kong makakatrabaho, yung kras ko dun sa ibang department dati, kasama ko na ngayon. Ang bango bango kasi niya!!!
- Sa kasamaang palad, teammate ko yung isang kablog ko. Joke lang LJ!!!
- Wala na kaming maingay at malanding renter!!! Natutuwa ako't tatahimik na ang mundo namin.
- Mukhang alam ko na ang bibilhin ko sa pagdating ng 13th month pay ko... PS3 Slim!!! yay!!! Nerd!!!
- Iniisip ko kung idedelete ko na yung Friendster ko o kung magbabawas ako ng mga friends dun...
- Medyo pinapaalala ng katawan ko na may UTI ako. Kinakatakot ko nga baka lumala yung sakit kong yun, kasi nahihirapan nanaman akong umihi.
- Medyo nananaba nanaman ako. Paano ba naman, pagkatapos kong sabihan ang mga magulang ko na magpapapayat nako saka naman sila sinipag na magluto ng mga masasarap na putahe.
- Napanuod ko last week yung District 9. Ang ganda!!!!
- Ewan ko ba, pero naaadik ako sa mga kanta ni Taylor Swift ngayon. Sinisisi ko ang Myx at tuwing napapadaan ako sa channel na yun, iyon ang pinapatugtog... yung may cheerleader...
- Nagpapakaloser pa rin ako dahil paminsan ang ginagawa ko lang eh maglaro ng XBox. Kahit wala akong bagong game.