Napapaisip ako nitong mga nakaraang mga araw kung mabait nga ba talaga ako?
Kung naaalala niyo yung huli kong post (basahin niyo na lang sa ibaba). Ginawan ko kahapon ng paraan na makamot yung kati sa katawan ko. Sinubukan kong lambingin kahapon buong araw si Singer para kami'y magkita ulit.
Mahaba-habang bolahan at text textan bago ko siya napa-oo na makipagkita sa akin ngayon.
Ngayong hapong ito dapat talaga kami magkikita. Manunuod ng The Proposal sana tapos diretso kung saan. Pero sa huling minuto, nagtext ako. Ayoko nang ituloy ang pagkikita. Sinabi ko na lang dahilan ay ang bagyo kahit na dalawang jeep lang ang pagitan ng mga tahanan namin.
Wala lang, nananarantado nanaman ako. Yung init na nararamdaman ko kahapon at noong isang araw nawala lahat, at kasabay nun ang interes ko sa kanya.
"Ayos ka rin no, after mo akong bolahin kahapon, you'll bail out naman ngayon." text sakin ni Singer.
"I'm sorry. Ayoko talagang lumalabas ng bahay kapag naulan."
"Gil, alam natin pareho na bullshit yung excuse mo. I think it's better if you remove my number sa phone mo." huli niyang text sakin.
Napapaisip nanaman tuloy ako kung mabait ba talaga ako. Alam kong na gawain ng isang certified tarantado talaga yung ginawa ko ngayon. Pero alam ko rin na mali kung tinuloy ko yung pakikipagkita ko sa kanya.
Kung alam ito ng mga kaibigan kong barako, malamang nabatukan na ako. Andyan na yung palay, tutukain ko na lang, lumayo pa ako. Tapos, iyon pa ang hinahanap hanap ko. Kung tutuusin, wala talaga akong karapatan na magreklamo, kasi lahat naman ng ginagawa ko, desisyon ko lahat ito. Ang talikuran ang pagkakataon na makipagtalik. Ang hindi magpakilala sa natitipuhan kong kasabay sa sasakyan. Ang pagiging single hanggang ngayon.
Hindi talaga ako mabait. Tarantado ako. Suplado. Mas uunahin ko ang mga wisyo ng katawan ko, kesa kapakanan ng ibang tao. Wala akong ibang iniisip kundi ang sarili ko. At hangga't hindi ako nagbabago, malamang mananatiling ganito ang buhay ko.
Mag-isa at walang nakakasama.
Narealize ko, ito maaari ang dahilan kung bakit hanggang ngayon eh single pa rin ako.
**********
This is not a rant post about me being single. Like I've been saying, I'm not desperate. This is not a post about me wanting to be with someone. I'm writing this, in the hopes that I'll get to know myself better. And in doing so, I hope that this'll help me to become a better person.
Again, I'm not sad. I'm not lonely. Maybe I'm a little bit confused. But still I am happy. I am blessed with having a job that I like. Having friends who love me. And things that occupy my lonesome time.
the fact that you back out on your date, after realizing that what your motive was bad, already makes you a good person..just live your life the way you wanted to live it, as long as your your motives aint bad at all then youre not bad..Ü
ReplyDeletelahat ng tao may itinatagong pangit na ugali. wala namang perfect e. ako mabait ang unang impression sakin, pero aminado ako, marami rin akong masamanag ugali. ayos lang yun!
ReplyDeleteNgayong alam mo na ang iyong kahinaan, ano ang gagawin mo to set things right?
ReplyDeleteMarami akong ideya, pero hahayaan kitang dumiskarte parekoy.
minsan natutunan na lang natin ang mga bagay bagay sa mga desisyon natin. d2 din natin mas nakikilala ng lubos kung sino talaga tayo. kaya cguro nag decide ka na wag na ituloy hindi dahil nag power trip ka lang kundi sa kalooblooban mo na d lang talaga tama ang balak gawin mo kay Singer. you're growing bro, congrats. :P
ReplyDeleteWell if your date only knew na gusto mo lang ilabas yang kati sa katawan mo then she would think of you more as someone who could resist a temptation. So that's something to feel better.
ReplyDeleteOn second thought, sayang! ehehe! :D
makakhanap ka rin at darating din taong tatapat sa iyo..at least kasing ugali mo magkakasundo kayo...
ReplyDeleteMabait ako. Self-proclaim.
ReplyDeleteBasta yun ang pagkakakilala ko sa sarili ko. At yun ang minsan ayaw ko. Dahil kung minsan wala na sa lugar lalo pag di ko pa masyadong kakilala ang kakaibiganin ko. In the end ako rin magsisisi.
Dapat pala makilala mo ko, LOLZ!
Siguro nga sa sobrang bait ko kung bakit single pa rin ako till now, waaaaaaah! Ayoko rin namang magpaka tarantado..
parang ang oa ata ng reaction ni singer? ewan, baka she's really offended. pakabait ka na kasi. hehe. parang ang bait ko e.
ReplyDeletetrue, you need to know yourself better before you enter into a relationship.. siguro nga tama yung sinasabi ko sayo dati pa, hindi ka pa talaga ready. but at least, you know in your heart that you're not desperately looking. chill lang muna Ü
ReplyDeletemahirap naman talaga na masabing mabait ka, lalo na kapag alam mong uve done so many stupid things in ur lyf and you cant accept the fact na naenjoy mo yun, kasi uulit ulitin mo pa din uin.
ReplyDeletewala namang mabait na tao na mabait everytime all the time..
ReplyDeleteso yes, mabait ka din...
hindi lang nga ngayon...
pero sa tingin ko mabait ka...
dahil tao ka...i always believe na lahat ng tao mabait...
tinutopak lang paminsan minsan...
kaya lang... may talent ka sa pagtotopak... timing eh!!
be happy... even when it rains...
ens: may point ka ens... pero sa totoo lang, madalas mahaba at matalim ang sungay ko.. di ko lang nasusulat dito...
ReplyDeletejoco: i guess, advantage ng youth yan, pwede tayo gumawa ng 'stupid things' at dun tayo natututo.
jayvie: di naman ako looking ngayon, sabi ng kaibigan ko, walang masama na minsan maghintay.
badong: tama lang yung reaksyon niya... kung alam mo lang kung paano ko siya kinulit nung Thursday para makipagkita, tapos iindianin ko the last minute.. maaasar ka rin...
dylan: are you flirting with me? hehehe joke!!! yung pasalubong ko ha, wag kakalimutan!!!
ReplyDeletemoks: sana nga...
homer: alam niya... pero di yata ganun naging conclusion niya sa pagkatao ko... sayang nga... hehehe
xtian: yeah... i think so... sana magtuluy-tuloy na to..
joms: yaan mo joms, isusulat ko next week kung ano man ang balak ko gawin sa buhay ko para magbago...
ReplyDeletekuri: naku, kuya jay matagal ko nang alam na may sungay ka... hehehe
jaid: could be ha... you have a point... salamat!!!
hehe
ReplyDeletemasamang magpaasa ng mga babae
matindi magalit ang mga yon
hehe
ewan ko sayo!!!!
ReplyDeleteMaiba ako, isasali na kita sa blogroll ko ha kasi naaliw ako sa post mo.
Salamat Pre happy weekend narin sayo!
ayos yan pre, at least nakita nya na di ka atat sa kanya! hanggangda mong lalaki brod!! hehehe!!
ReplyDeletepero mas ok na yung ginawa mo brod,dinahilan mo yung malakas na ulan, kaysa naman kung kailan pareho na kayong "basa" e saka ka pa aayaw!! LOLZ
wag na lang pilitin ang sarili brod pag ayaw mo talaga... andyan naman si monday, am sure nasa kanya yung hinahanap mong kaligayahan...
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteBro ngayon mo lang ba nahalata na di ka mabait, ako noon ko pa alam eh!hehehehe joke lang! Mabait ka tol!! (hindi nga lang halata,hahahha)
ReplyDeletePre tingin ko you're just inlove of being inlove (hope you got my point). Inlove ka sa idea ng pagiging inlove. iyun yun eh
Try to loosen up, bro! Wag mong isipin ang magkaroon ng GF kung magkaroon eh di magkaroon pero wag kang maging atat para mas dumating ang tamang tao para sa iyo.
Ingat
ewan ko pare
ReplyDeletekahit ako sa sarili ko,
sinasabi kong masamang tao ako kahit na alam kong maraming tumututol pag sinasabi ko yun....
tsktsk...
mabuti na lang ginawa mong english yung last part...
hindi ko naintindihan..
hahahhaha
=))
aabangan ko pa din ang susunod na kabanata nyo ni Singer..
:D
kalimutan mo na si singer. kay monday ka na lang. btw, lahat naman ata tayo tarantado. may topak. thats what makes us interesting, methinks. hehe.
ReplyDeleteAm I? Wahahaha! Patawa toh.
ReplyDeleteIt pays to be kind you know..
tama si Kuri!
ReplyDeletehaha
taena parekoy...
HINDI ka MABAIT?
siguro,
salbahe ka.hehe
apiiir dylan!
para sa akin. oaky na yung mawala si Singer sa buhay mo.
ReplyDeletesa ngayon, try to find yourself. hanapin mo kung saan ka nagkakamali then list down things kung papaano ito maisasaayos. kaya mo iyan.
I've been there, we all have been, so don't feel down Gilbert.