Aug 3, 2009

DAHIL GALING AKONG ALL-BOY'S SCHOOL...

... natuto akong makisama sa lahat na klase ng tao.
... matakaw ako.
... nalaman kong pwede kang lumaban kapag alam mong ikaw ang nasa tama, at sadyang tanga lang yung titser mo.
... naging magaling akong mambola sa mga love letters.
... maaga akong natuto sa mga makamundong bagay.
... hindi ako marunong masyado na makihalubilo sa mga babae, na hindi nagmumukhang manyak o bastos.
... naging medyo maluho ako sa mga gadgets.
... natuto ako kung paano hindi mahahalata na hindi ako nagbayad sa jeep.
... naging magaling magtago sa mga taong hindi ko gusto.
... natuto akong uminom.
... narealize kong suspension ang kapalit kapag pinahiram mo yung ID mo sa ibang tao.
... nalaman ko ang mga pinaka-effective way ng paninipsip (pero syempre di ko ginagawa yun).
... medyo in-the-know ako sa mga gay lingo noong panahon na nag-aaral ko.
... napatunayan kong wala talaga akong pag-asang maging sports superstar.
... marunong akong gumawa ng pinakacreative na excuse para lumiban sa paaralan / trabaho.
... nakapag road trip ako.
... natuto akong kapalan ang mukha pagdating sa mga bagay na gusto/kailangan ko.

Buong buhay ko, all boys school ang pinag-aralan ko. Sa totoo lang, dapat alam ko kung paano manligaw, o kahit magpakilala man lang sa aking mga natitipuhan.

Pero bakit pagdating kay Monday, tumutupi kaagad ako?

34 comments:

  1. Magpakilala ka na kay Monday.... baka maunahan ka pa...o kaya para malaman mo kung pwede pa siya... hehehe!

    ReplyDelete
  2. may paraan na ako para magpakilala actually... di ko lang makasabay.. hehehe...

    nagrarant lang ako...

    ReplyDelete
  3. ang natutunan ko sa all boys school..magjakol hahaha. ambastos no? eh.. :-p

    ReplyDelete
  4. Monday na naman! Ang saya mo siguro? hahaha. Ayan tumutupi naman yang puso mo.

    WV - sulays

    ReplyDelete
  5. herbs: ako din... natutunan ko yan noong Grade 2.. hehehe...

    bampira: di ko pa naman siya nakakasabay... naalala ko lang kasi kelangan ko ng inspirasyon dahil 8 araw na sunud-sunod nako pumapasok...

    ReplyDelete
  6. buti hindi ka nabading 'tol?

    ReplyDelete
  7. you met your match siguro kay monday.

    ReplyDelete
  8. ilang mondays pa ba ang palilipasin mo?

    hehehe...
    aba kilos na pare!
    baka maunahan ka pa ng iba...:)

    ReplyDelete
  9. ok yung ganun, lagi kang may inaabangang araw no?

    galingan mo brod, baka may ibang makadagit ng monday mo...

    goodluck!

    ReplyDelete
  10. indecent: naku... pag-uwi lang... pero papasok.. nakakatamad kaya ang lunes...

    jenskee: eto lang, if it's meant to be.. it's meant to be... naniniwala ako sa signs.. hehehe

    ReplyDelete
  11. jerick: mukha nga... sigh...

    ardyey: mukha nga nababading nako... umuurong na bayag ko... hehehe

    ReplyDelete
  12. at natuto kang magint torpe? lols
    lalo na pagdating kay monday.hehe

    ReplyDelete
  13. Sabi nila pag galing ka daw all boys school ay malamang kundi ka magiging manyak eh magiging bekla ka daw! Ganun daw yun!

    Pero isa lang ang ibig sabihin sa akin pag galing ka sa all boys school, ibig sabihin nun............ mayaman ka!hehehe

    Ingat

    ReplyDelete
  14. kosa: sinadya ko talagang kalimutan yan... hehehe... pero sa totoo, torpe talaga ako... lumalapit na yung manok, ako pa yung lumalayo...

    drake: kung yaman at yaman lang ang pag-uusapan, wala nang tatalo sa'yo dyan!!! hehehe

    ReplyDelete
  15. kasi tol hindi mo naranasan o nasanay ang sarili mong mangbola sa kaklase mong babae...hehe

    ReplyDelete
  16. nung high school ako muntik na kong mapunta ng all-boys school. pero ok na ring hindi kasi masaya naman yung naging high school life ko.

    ReplyDelete
  17. It's all in the mind parekoy! Ang huling sabi mo..... "natuto akong kapalan ang mukha pagdating sa mga bagay na gusto/kailangan ko." So kaya mong magpakilala sa kanya. Nandito kaming lahat sa likuran mo! Go pare!

    ReplyDelete
  18. pag-ibig ang tawag dyan! hehe.

    ReplyDelete
  19. ganun ba yun? kala ko baligtad---pag co-ed okay sa social skills pero pag sa all boys school medyo introvert---hehe--peace

    ReplyDelete
  20. wag mo nang paabutin pa ng tuesday! lolz..

    ReplyDelete
  21. pogi: pag nakasabay ko na... alam ko na ang gagawin ko...

    pusang-gala: naku, wala akong kilala masyadong from all-boys school na introvert... kahit medyo ganun ako.. hehehe

    scud: di naman siguro.. pwede rin, pero di ko alam... hehe

    ReplyDelete
  22. ron: naks... salamat ha... hopefully, sa susunod na makasabay ko si Monday, makikilala ko na siya.

    badong: napapaisip tuloy ako kung ano buhay ko kung napunta ako sa coed na hs...

    moks: posible... pero kapitbahay namin all girls school... so kahit papano medyo nagawa ko na rin mambola.

    ReplyDelete
  23. hhmm, parang si aldo lang! haha
    gusto ko hulaan pero itatanong ko nalang kung san ka nag-aral.

    ReplyDelete
  24. malamang kung san nag-aral si Edward, dun din ako.. la lang... kupal mode lang.. hehehe

    ReplyDelete
  25. sa batch namin unang naging co-ed ung school namin hehehe... dami girls...

    ReplyDelete
  26. dahil galing ka sa all boys school... tumupi ka kay monday?hehe
    wala lang.

    go ka lang kay monday! walang mawawala hehe

    ReplyDelete
  27. good luck kay Monday. parang andaming negative mong natutunan sa school nyo ah waheheheheh

    ReplyDelete
  28. nyahaha
    i feel you, man
    all boys din si raft3r

    yun sa kaso ni monday
    kasi dahil true love?
    kilig ako
    hehe

    ReplyDelete
  29. Take the risk na dude. Baka type ka rin nya. Hinahanap-hanap ka kapag di ka nakikita. :)

    ReplyDelete
  30. Susme, until now si monday pa rin aba, ano pa inaantay mo sunday...naku brod, baka may makasilo pa nian kaw rin...

    ReplyDelete
  31. bilisbilisan mo pare, bka kasi mauwi k sa pagsisisi. ilang monday p b ang kelangan mong antayin?bilis, huwebes na naman ngaun!

    ReplyDelete
  32. tama yung sa natuto ka ng makamundng bagay. good yun :)

    buti nga't nasa all boys school ka, teka taga cavite ka ba?


    iba talaga pag sa babae. kaya mo yan

    ReplyDelete
  33. naku, nakarelate ako dyan, good luck kay Monday, kausapin mo lang, d naman cguro alam na gusto mo cya

    ReplyDelete