Aug 30, 2009

KAUNTING UPDATE

Natutuwa ako sa mainit na pagsalubong ninyo sa pagbabalik ko. Akala ko nung nagpaalam ako eh mawawala yung iilang mambabasa ko, pero marami sa inyo ang nag-iwan pa rin ng mga mensahe ng pagkalugod sa desisyon kong bumalik (kahit dalawang linggo lang naman talaga ako nawala). Pasensya na kung di na ako masyado makapagbloghop dahil medyo busy sa trabaho. Pero sinusubukan ko namang basahin yung mga sinusulat niyo kahit hindi ako nakakapag-iwan ng wala kong kuwentang mga kumento.

Hindi talaga ako nahuhuli sa mga bali-balita at goings on sa mundo ng blogosperyo. Natatawa nga ako at meron akong nababasang mga kaguluhan. Hindi na ako makikisawsaw bilang respeto na rin sa mga taong involved. Tsaka hindi ko rin naman kasi kilala yung mga taong may mga hindi pagkakasundo.

Tapos napapansin ko rin na maraming nagsisimulang umibig ngayon sa blogosperyo. Merong mga sawi (hindi naman ata mawawala yun), pero mayroon ding mga sinuswerte. Nagsisimula na nga akong mainggit eh... biro lang.

***********

Marahil alam ninyo ang dahilan ng desisyon kong gumawa ng iba pang tahanan. Meron akong mga personal na mga kaganapan na gustuhin ko mang ishare, eh marami nang nakakakilala sa akin dito na kilala ko sa tunay na buhay. Mga pamilya at kaibigan. Medyo sensitibo yung ilang bagay na iyon kaya di ko kaya isulat dito. Kaya gumawa akon ng panibagong mundo.

Pero syempre dahil marami na rin dito akong kilala, at nasubaybayan yung buhay ko, so magseshare na lang ako ng ilang mga bagay bagay na nangyayari sakin ngayon. La lang, baka interesado lang kayo malaman.
  • Bukas, officially Taong Grasa na ako. Nakilala ko na yung mga bago kong makakatrabaho, yung kras ko dun sa ibang department dati, kasama ko na ngayon. Ang bango bango kasi niya!!!
  • Sa kasamaang palad, teammate ko yung isang kablog ko. Joke lang LJ!!!
  • Wala na kaming maingay at malanding renter!!! Natutuwa ako't tatahimik na ang mundo namin.
  • Mukhang alam ko na ang bibilhin ko sa pagdating ng 13th month pay ko... PS3 Slim!!! yay!!! Nerd!!!
  • Iniisip ko kung idedelete ko na yung Friendster ko o kung magbabawas ako ng mga friends dun...
  • Medyo pinapaalala ng katawan ko na may UTI ako. Kinakatakot ko nga baka lumala yung sakit kong yun, kasi nahihirapan nanaman akong umihi.
  • Medyo nananaba nanaman ako. Paano ba naman, pagkatapos kong sabihan ang mga magulang ko na magpapapayat nako saka naman sila sinipag na magluto ng mga masasarap na putahe.
  • Napanuod ko last week yung District 9. Ang ganda!!!!
  • Ewan ko ba, pero naaadik ako sa mga kanta ni Taylor Swift ngayon. Sinisisi ko ang Myx at tuwing napapadaan ako sa channel na yun, iyon ang pinapatugtog... yung may cheerleader...
  • Nagpapakaloser pa rin ako dahil paminsan ang ginagawa ko lang eh maglaro ng XBox. Kahit wala akong bagong game.
Wala pala ako masyadong ikukwento. Sa susunod, medyo matinong post naman isusulat ko.

27 comments:

  1. > astig ang ps3 slim pero mas gusto ko pa rin ang nintendo wii. gusto lang naman. walang pambili. hehe.
    > iniisip ko rin i-delete ang friendster account ko. mahigit isang buwan ko na di pinapasukan.
    > ganda nga ng district 9. galing!

    ReplyDelete
  2. napaisip ako sa teammate mo na si LJ kasi yun din initials ko... pero di ako yun... di ko alam kung bakit napaisip ako...
    damihan mo lang ang paginom ng tubig, huwag kang magpipigil ng ihi... matagal naman yan mag progress pero huwag mong balewalain, masakit yan pag grabe na...

    ReplyDelete
  3. parang hindi yata ako sanay na matino ang post mo..peace!
    welcome back..kailan mo ba kami ipapakilala sa new blogsite mo? naiinit na ako..hahaha

    ReplyDelete
  4. Pre bihira sa lalaki ang magkaroon ng UTI, kasi mostly sa babae yun. Uhmm hindi kaya TULO yan pre?hehhe! O kaya sakit sa bato, try mong magpacheck-up kasi unusual talaga yun sa mga lalaki!hehhe

    Ingat

    ReplyDelete
  5. hindi ka nag-iisa sa pagtangkilik kay taylor swift. taylor is love! haha. she belongs with me. lol

    ReplyDelete
  6. meron pa palang nagfri-friendster. kala ko nakalipat na lahat sa facebook =)

    ReplyDelete
  7. Huwaw! Konting update nga. *insert sarcasm here* LOL

    ReplyDelete
  8. sarap cgrong amoy amoyin yung kras mo na mabango.hmmm..bango nga..hehehe..lolz

    ReplyDelete
  9. welcome back parekoy.
    oo nga medyo matagal kong hindi naramdaman ang presensya mo.

    astig ang konting update ahhhh... kulang nalang ang lablayf.

    haaaaa? saan ang bago mong kakukutaan? yan na nga ba ang sinasabi ko... buti nalang iilan lang ang nakakakilala sa akin dito sa totoong buhay.. mahirap talaga yun.. mababantayan ka nila.

    kaya naman sana masilip pa rin namin ang bago mong lilipatan...lol

    ReplyDelete
  10. hehehe kakatuwa naman. Mukhang ok na buhay buhay natin.

    ReplyDelete
  11. Wuuuuuuuy!!! Namiss nya toh! Ahahaha! Kala ko tuluyan mo nang iiwan tong bahay mo dito.. Thanks for updating us, at least alam naming buhay na buhay ka pa talaga sa pagbblog..

    Taylor Swift neh?! Nyahahaha!

    Inom ka maraming tubig iwas UTI.

    Cheers!

    ReplyDelete
  12. Nagkaroon ako ng UTI dati, kelangan mo ng gamutin yan. Wag mo nang hintaying ikateter ka! SObrang sakit, Imagine mo na yung hotdog tinutusukan ng barbeque stick. You know what I mean. At Oo naranasan ko iyon at na tadyakan ko ang nurse na nag kabit 'nun dahil sa sobrang sakit. Kaya wag ipag sawalang bahala mag gamot na kagad para maalis ang infection

    ReplyDelete
  13. yey! 'ur back nah tlgah... na-miss namen mga kwento moh... isa kah sa sa magaling na blogger ditoh.. labz koh kadalasan ang entry moh... may kwentz man or wala.. eniweiz.. friendster moh hwag moh delete kuyah.. baka magsisi kah... bawas ka na lang nang friends gusto moh.. or abandon mo muna for a while para nde moh makita ang pagmumukha nang ayaw moh makitah... ahehe.... and naks! kasama moh ang isang kras moh.. yahoo... amuyin moh lagi parah inspired kah lagi...ingatz... Godbless! -di

    ReplyDelete
  14. ahaha!
    may kilala akong di makarecover sa love story na kanta ni taylor.
    :P

    hello po!
    bumibisita!
    sana mapabilang ako sa mga taong ipapakilala nyo sa bago nyung blog.

    para kahit papano, hindi ko man lubusang nakabonding itong blog nyo na 'to...

    magiging close pa rin tayo!

    :P

    salamat po!

    :P

    ReplyDelete
  15. GO Taylor Swift!!! Tinatawag din ako ng PS3 slim, District 9 Da Best, UTI- inom ka ng maraming tubig, thank you man, pinapagising mo ko sa trabaho kakabasa ng blog

    ReplyDelete
  16. naku! naginggit-inggitan ka na naman! 2 weeks kang nawala, akala ko nga ikinasal ka na! lolz!

    oist, wag mong palalain yang UTI mo. mahal lang ang gamot nyan, isama mo sa budget... mahirap pag lumala yan... paalala lang po.

    ReplyDelete
  17. gege: sige, pag-iisipan ko, pag nagdecide ako na ipaalam na yung bagong tirahan ko... ill let you know.

    dhianz: actually naayos ko na yung fs ko. alam ko na kung paano nila ako titigilan sendan ng walang kwentang spam messages.

    jepoy: di naman siguro ako aabot doon, di lang kasi ako nakainom ng tubig ng isang buong araw kaya siya nagparamdam.

    dylan: buhay na buhay naman talaga ako, di nga lang dito. hehehe

    xtian: wala naman ako masyadong problema sa buhay. hehehe

    kosa: naku, mukhang di na kayo makakabasa ng love life kwento dito... hehehe...

    ilocano: masarap talaga!!!

    ReplyDelete
  18. azel: di po.. madami ako magtubig nanaman ngayon. mahirap nang hindi naiihi.

    meinrad: classmate!!!!

    gas dude: marami ba? hehehe

    chuck: yun nga eh, kasi nasa facebook na ako, parang redundant kung mag fs pa ako.. hehehe..

    badong: oo nga eh. naaadik na ako sa mga kanta niya.

    drake: di naman bihira. marami akong kilalang lalaki na may UTI. lalo na sa schedule namin, uso yang sakit na yan.

    mokong: nag-iinit o naiinip? malapit na moks... malay mo nakabisita na ako sa blog mo gamit yung account ko na bago... ;p

    ens: makikinig ako sayo ens, nurse ka eh.. hehehe

    the scud: yup yup galing nga yung District 9... sayang nga nagawa ko na yung top films ko, dapat kasama yun.

    ReplyDelete
  19. Galing ng District 9. I like movies that I know nothing about. Tapos 'pag pinanuod na okey. This is why I don't read reviews online.

    ReplyDelete
  20. sa FB status nilalagay ang updates! chos!

    ReplyDelete
  21. hello! thanks for visiting my blog. yup, happy naman ang birthday ng daddy ko. Ako rin, fave ko si taylor swift, lalo na yung song nya na "white horse". new follower mo na pala ako, hehehe.

    charmedwishes18.blogspot.com

    ReplyDelete
  22. naku---malapit na namn pala ang December---buti pa kayo me 13th month pay--hehe

    health is wealth so agapan mo na yang UTI u----payong kapatid lang--hehe

    ReplyDelete
  23. yan din reason ko kaya iniba ko name ko at mejo may pagka anonymous ako sa blogosphere so that i can write anything i want without fear na may kakilala na makabasa nito hehe

    ReplyDelete
  24. naku snaa gumaling ka from uti. mahirap un baka magka komplikasyon..

    btw, type ko din ang songs ni taylor swift! hehe :)

    ReplyDelete
  25. ayos nga yang si Taylor Swift na yan. Hehe. 'Di ako fan ng ganung klaseng mga kanta pero gusto ko siya...hehe.

    ReplyDelete
  26. we are so glad to have you back!!!
    =)

    ReplyDelete
  27. ano ka ba talagang may babalik dito kasi you've been blogging for years now :)

    delete mo na mga di mo kilalang tao sa friendster.tulad ko nilinis ko talaga hahaha XD

    cute nung video na yun na may cheerleader hahaha la lang :p

    ReplyDelete