Gabi. Alas dose. Pagod akong sumakay sa fx galing sa gimik na hindi ako masyadong nag-enjoy. Napagastos nanaman ako. Ayokong gumagastos ng malaki sa mga bagay na hindi ko naman talaga gustong gawin. Mainit ang ulo ko. Gusto kong matulog.
Tididudut Tidududuuut... Tididudut Tididududuuut...
May nagtext sa katabi ko. Ang ingay ng cellphone niya.
Nilingon ko ang katabi ko. Parang sekyu lang sa tabi tabi. May angas ang mukha. Mukhang mayabang tong ugok na to ah.
Nilabas ko ang cellphone ko. Pumunta sa applications, at nag-internet gamit ang phone ko. Gago ka, ang angas mo... may ganyan ba ang 3210 mo? sa isip-isip ko.
Itinago ng katabi ko ang telepono niya. Yan... matuto ka.
Tama na pagyayabang, nanalo na ako. Itinago ko na ang telepono ko. Sa wakas pwede nako bumalik sa pag-idlip.
Ilang saglit lang, nagising muli ako, di dahil sa ingay ng telepono pero dahil sa sakit na naramdaman ko sa aking tagiliran.
"Putang-ina mo ka, pag nagsalita at gumawa ka ng hindi ko gusto, ibabaon ko sa'yo tong icepick ko." bulong ng katabi ko. "Gawin mo lahat ng sasabihin ko puta ka at makakababa ka dito sa fx na 'to ng walang butas sa katawan. Naiintindihan mo?!"
"O-o-opo." nanginginig kong sinabi.
"Akin na ang wallet mo, cellphone tsaka yang bracelet mo. BILIS!!!"
"Kunin niyo na po yung pera, iwan niyo na lang sakin yung mga id ko. Kailangan ko po yun." Tiningnan ko ang paligid ko. Walang nakakaalam sa nangyayari samin dito sa likod. Malakas ang radyo ng drayber na nakikinig ng mga kwentong kabastusan ng mga tagapakinig nito. Mahimbing naman ang tulog ng nag-iisang pasahero sa gitna ng sasakyan.
"Tarantado ka, sinabi ko bang pwede kang magsalita?!" Idiniin ng mama ang nakatusok sa tagiliran ko.
Gustuhin ko mang sumigaw, hindi ko magawa dahil sa takot na tuluyan ako nito. Ginawa ko ang gusto niya. Kinapkapan ako ng mama, tila naghahanap pa ng mga makukuha sakin. Pati bayag ko kinapkapan.
"'Ina mo, nakita mo mukha ko... pag nagsumbong ka sa pulis, alam ko kung saan ka nakatira. Hahantingin kita putang ina ka!!!" binulong niya sa akin. Tuluyan niyang idiniin yung ice pick sa gilid ko. Naramdaman ko ang dugo na tumutulo na palabas ng katawan ko. Pero hindi ako pwede masaktan. Gusto ko pang mabuhay.
Hinugot ng lalaki ang patalim at sinaksak akong muli sa tagiliran. Mas malakas ang pagtusok sa ikalawang pagkakataon at ramdam kong mas malalim ang baon. Hindi ko gustong mamatay ng ganito. Diyos ko tulungan niyo ako, tanging dasal ko.
BANG.
Naramdaman kong huminto ang sasakyan. Naririnig ko ang mga sigawan. Maraming tao ang nakita kong nagkukumpulan sa sasakyan. Pero nagdidilim na ang paligid. Wala na akong nararamdaman.
Gumising ako sa kwartong hindi ko kilala. Biglang nagsisigaw ang isang pamilyar na boses. Ang nanay ko, natatarantang tinatawag ang tatay ko.
Wala na ako masyadong naalala noong gabing iyon. Pero sabi nila, pulis daw yung isang pasahero ng fx. Nung nakita na daw niyang sinaksak ka na, binunot na niya yung baril at pinaputukan ito sa mukha.
Hindi na ako mag-aangas ulit.
***********
Wala ako makwento... maglalaba pa ako... magsasaing at bibili ng kakainin namin ng mga aso ko. Next week pa ako liliban sa opisina ng isang linggo. Sigh.
waah!akala ko napano ka na kuya,pinagalala mo ako kuya..
ReplyDeleteTotoo ba yan tol? nakakakaba na yata ngayong mag commute ng gabi... sana ng post ka ng picture mo..para mas realistic..hehe
ReplyDeletejaid: uy... thanks... buti na lang fiction to.. naiisip ko lang, kung ano maaari mangyari kasi never pako nahold up.. na sana di mangyari sakin...
ReplyDeletemoks: fiction lang yan... wala lang ako maisip na isulat... kaya ayun... hehe
kasi. kasi kasi hahaha
ReplyDeletekala ko nakita mo na ang superhero mo! lolz!
ReplyDeletebuti na lang fiction... naku ka!!!!
woah, buti na lang hindi to totoo. pero kung ako mahoholdap, baka manginig na lang ako sa pwesto ko. nkakatakot.
ReplyDeleteAkala ko naman totoo na! Hehehe, katakot yun ah!
ReplyDeleteIngat pre
Kung sa Maalaala Mo Kaya episode to, ang title nito ay "3210"
ReplyDeleteHe he he. Nice post.
kala ko totoo to...
ReplyDeleteano kaya feeling ng ma-hold up?..lolz
LOL minsan mahirap din talaga maging mayabang, nagbaback fire. ang cute mo naman naglalaba ka at animal lover din!
ReplyDeleteWow nice naman! Maaksyon! :D Gumagawa ka din pala ng fiction.. hehe! :)
ReplyDeletefiction pala??!
ReplyDeletehahaha!!
ok pagkakagawa mo!
pero tama ka, di kailangan maging maangas! nice post!
nth time ko na dito, di ka pa pala na-add sa akin... pa-ex link parekoy! tnx!
ReplyDeletewhew! kala ko totoo na. makatotohanan kasi hehehe. Kaya mag-ingat sa pagpapakita ng mga cellphone. ipakita na lang yung mas mura para tabangan ang magnanakaw. heheheh
ReplyDeletefiction o hindi..sana hindi mangyari sa akin...nakakatakot!!!
ReplyDeleteeeeeeh! namiss ko na mga fiction mo, yung tipong ganito na nakakakaba! Ü
ReplyDeleteayun..at pinangarap pa ni b1 mahold-ap
ReplyDeletehahahaha....
naniwala ako ng wanport sa kwento mo
akala ko totoo...
tsktsk...
may gumagamit pa pala ng icepick. ano
ReplyDeletehehe
sa bagay sa malibay
may mga namamana pa din
=P
Yan talaga mapapala ng pag nakaita mo ng maangas eh pinatos pah, at nakipagkumpetisyon pa sa angasan, kaya ako kuntento na ko sa 5110 kong nokia at least ebandera ko man sa sasakyan bato ko man sa kanya hehehe, malamang sa cia pa magalit sa akin, fiction lang din..pala.. okie cia, laba ka na...
ReplyDeletetakot naman ako..buti fictional lang! hay kaw kang bata ka :)
ReplyDeleteEMEGED!! langya ka gillboard! hahaha. binasa ko to sa blog feed ko, tapos akala ko totoo. akala ko kung ano ng nangyari sayo, buti na lang hindi totoo. sos.
ReplyDeletesana wala naman mangyari sayo pag buma-byahe ka sa gabi. apir!
tisay: wala naman sanang mangyayari sakin.. mukha kasi akong mahirap... hehehe
ReplyDeletezaizai: sorry naman.. sa susunod na gagawa ako ng fiction ilalagay ko sa title.. lolz
seaquest: may 5110 ka pa? ows?!
raft3r: hindi pa ako nananakawan kaya di ko alam kung ano ginagamit nila.. hehehe
jen: kung naniwala ka't naconcern ka... salamat.. hehehe
ReplyDeletejayvie: yaan mo, gagawa ako ng horror na kwento pag may naisip ako... ;p
krisler: kahit sino, ayaw mangyari ang maholdap... ako din.. ayaw ko mangyari sakin yan...
klet: kahit mumurahin pa yan, ayoko magpakita ng cellphone pag nakakatakot hitsura ng mga kasama ko.. hehehe
indecent mind: salamat po.. inadd na din kita...
ReplyDeletehomer: paminsan lang... pag wala akong maikwentong interesting sa buhay ko... gaya ngayon.. hehe
prinsesa m.: cute talaga ako... kahit di ako maglaba at mag-alaga ng hayop.. hehehe.. salamat sa pagbisita.
pogi: ipaalam mo kung kelan ka dito sa pinas... hoholdapin kita.. hehe..
yodz: pwede... o kaya ice pick... hehehe
ReplyDeletedrake: salamat... di naman ako maangas sa fx talaga... paminsan lang...
badong: ako nga, baka maihi eh.. wag naman sana mangyari yun..
azel: sensya na.. kung makita kong mangyari yan.. baka lumayo lang ako.. di ako tange...
herbs: honga.. kasi kasi kasi..
katakot
ReplyDeletetotoo ba to
at least may lesson learned
ahehe
tae akala ko nm ikaw yun.
ReplyDeletehaha.lol.
kakakabog ng dibdib. haha.lol
taena, gill!
ReplyDeletepwede ka ng magsulat ng tagalog pocketbooks!
LOL.
ayos ka tlg gillboard. wala man lang disclaimer.
ReplyDeletenakakadala parekoy!
ReplyDeletemay katapat talaga ang kayabangan..
kaya ako hinding hindi magyayabang! hehe. natural lang na mayabang!
padaan ulit
ReplyDeleteHello:
ReplyDeletewhat does MANG-AANGAS mean?
I haven't heard this word before.
Bagong IMBENTO ba ito?
taena ganda ng kwento mo. hahah bading ata iyon, pati bayag mo kinapkap hahaha
ReplyDeletenice fiction, may dating ah :)
Akala ko totoo. Buti na lang nakita ko sa ilalim "Labels: Fiction"
ReplyDeleteNice. Galing. Makatotohanan. Kinabahan ako bigla eh. Hehehe! :D