Jul 28, 2009

KWENTONG KUNG ANU-ANO LANG

Sa tingin ko, nagbalik nanaman sa available ang status ko mula sa dating. Simula nang huli kaming nagkita ni Singer, hindi pa kami nagkakatext o nagkakausap. Sigurado akong wala akong nasabing mali noong huli kaming nagkita, kasi hindi naman kami talaga masyado nag-usap nun.

Marahil nga walang spark.

Minsan tuloy naiisip ko, katawan ko lang ang hanap ng mga ito.

Yak!!!

**********
Noong weekend, naranasan kong maglaba sa unang pagkakataon sa buong buhay ko. Mahirap. Masakit sa likod. Hindi maganda sa pakiramdam ng sabong panlaba, nakakangilo. Inabot ako ng dalawang oras sa paglalaba ng limang pirasong underwear (alam ko too much info).

Mayroon pa akong ilang piraso ng t-shirt, shorts at polo na nakababad. Hindi ko pa alam kung ano mga dapat kusutin sa mga iyon. Kailangan ba yung buong damit? O pwede ba na kahit yung mga gilid lang, kwelyo at manggas?

Malapit ko nang sukuan yang paglalaba na yan. Leche.

**********
Noong Biyernes ngapala, nagpadentista ako. After almost two years, nahawakan ulit ng dentista ang mga ngipin ko. Natrauma kasi ako noong halos dalawang taon na ang nakakaraan nang imarder ng dati kong dentista yung wisdom tooth ko.

Abnormal kasi yung tubo noong dalawang wisdom teeth ko, pagilid imbis na pataas. Yung isa, dahil nakakasakit na ng bibig, eh kailangan kong ipabunot. At dahil medyo aanga-anga yung dentista ko, at dahil na rin ayaw iwan ni wisdom tooth yung gilagid ko, nasira yung katabing ngipin nito. Kaya yung dapat na isang ngipin lang ang tatanggalin, naging dalawa.

Pero di naman ako nagalit, naiintindihan ko, dahil kita naman sa ebidensya (ngipin ko) na ayaw niya talagang iwan yung mga gilagid ko. Yung korte ng ngipin eh parang hook. Tsaka nung tinanggal yun, kita ko pawis na pawis siya. Kaya matagal-tagal din akong nawalan ng lakas ng loob na bumalik sa mga dentista.

**********
Ang kwento ko talaga ay tungkol kay Monday. Kanina kasi, nakasabay ko siya sa FX papuntang Baclaran nung papasok ako. Nakatabi ko siya sa harapan. Noong una, hindi ko siya namukhaan, kasi hindi naman talaga ako tumitingin sa mga nakakatabi ko sa fx. Matagal na rin kasi nung huli kong makasabay sa sasakyan si Lunes. Kung di ko nga siya nakasabay ngayon, malamang nakalimutan ko na siya.

Napansin ko lang na si Monday nga yun, kasi nakita ko yung cellphone na gamit niya. Naaalala ko na yun din yung gamit niya noong huli ko siyang nakasabay, nung nagbabay lang ako sa kanya.

At dahil maysa pagkachismoso ako, sinisilip ko kung sino yung katext niya sa ganitong oras. Mukhang hindi naman boypren dahil walang bahid ng kaswitan sa mga text. Kasi nga, katabi ko siya, mahirap siyang masilip, dahil obvious kung titingnan ko siya, so sa sidemirror na lang ng fx ko siya sinisilip. Alam ko tinitingnan din niya ako. Kahit nakaharap yung ulo niya, nakikita ko ang mga mata niya na gumigilid sa may side ko.

Ewan ko ba, kinikilig ako.

35 comments:

  1. so wala nang usang usap sa inyo ni Lunes?lols

    taena... pareho tayo parekoy.. may takot pa ako sa mga dentist sa ngayun..hehe.

    pero ok yan! atleast eh nakayanan mo ng bumalik ulit at magpakalikot ulit ng bunganga!

    ReplyDelete
  2. kailangan na eh.. mukhang malaki na foundation ng tartar sa gilagid ko... nung nalinis nga eh, parang lumuwag mga ngipin ko.. lolz

    ReplyDelete
  3. langya parekoy... pakiramdaman na lang? wag mo nang hintayin na si monday pa ang maunang gumawa ng move... o kaya naman ay maunahan ka pa ng iba...

    go parekoy! kaya mo yan!

    ReplyDelete
  4. hahahaha,,..
    ako naman eh hina-hunting na ng dentist ko dahil hindi pa ko nabalik para sa check-up ng braces ko
    (eh masakit kase pag hinigpitan ulit)..
    kaya mag-antay sya sa wala!
    hahahaha...

    So, hindi mo pa rin nakuha number ni Monday?
    aabangan ko pa din ang susunod na kabanata ..:)

    ReplyDelete
  5. nyahaha! dalawa lang ibig sabihin nung pagtingin tingin niya sayo. either may gusto rin siya sayo o naghihinala siya sa pwedeng gawin mo.

    ReplyDelete
  6. Dropping by pare! Been so long!
    Hahahahaha! Sa susunod direct to the point ka na. Kausapin mo na.

    ReplyDelete
  7. maglaba ba kamo
    nako nagenjoy ako nung college nyan
    lahat ng naging gf ko pinaglalaba ko

    ReplyDelete
  8. Nagkita ulit kayo ni Monday pero di pa rin kayo nagusap, wala man lang exchange of pleasantries, OMG... sige sa susunod lakasan mo na ang loob mo, talk to her....

    And speaking of dentists, I hate dentist, may phobia ako sa kanila.

    God bless.

    ReplyDelete
  9. kinilig din ako parekoy... sana magkasabay ulit kayo... :)

    ReplyDelete
  10. ihulog mo sa kumukulong washing machine ang iyong mga labahin. walang ka hirap hirap.

    - ako din di ako naglalaba. gustuhin ko man, sila na nag lalaba. pero one time nainis ako kase ang bagong bili kong shirt may pag ka mahal pa naman napatakan ng zonrox. hmp.

    ReplyDelete
  11. naguguluhan ako.. gusto mo ng "spark" at di mo naramdaman un kay Singer.. ngayon na magkadikit na ang siko nyo ni Monday, wala kang nasabi?

    bro, abot sa Dubai ang kilig mo! lolz!

    ReplyDelete
  12. kausapin mo na kasi si monday para siya na katext mo.

    hindi pa ako nagkatrauma sa dentista kasi usually papacleaning lang ako.

    ReplyDelete
  13. may laundry shop naman, dapat dun ka na lang! Kaso dyahe nga lang kasi underwear mo nga pala yun!

    Teka alam mo kung bakit ka sinisilip ni Monday, kasi baka bigla mo raw isnatchin ang cp nya!heheh! Joke lang

    Ingat pre, give more updates ha!

    ReplyDelete
  14. haha chismoso nakikibasa ng text, dati may nahuli na kong gnyan tumitingin sa mga tinetext ko, ayun tinignan ko hndi mkatingin sakin,haha

    ReplyDelete
  15. pipiliin ko pang maghugas ng pinggan kesa maglaba..hehe...

    ReplyDelete
  16. dalin mo na ko sa laht ng doktor..wag lang sa dentista...hehe

    saka ang paglalaba... ayaw na ayw ko yang gawin nakakainit ng ulo at gutom!

    ReplyDelete
  17. lakas lang ng loob pards. yan ang pinaka nakaka-excite na part sa magiging relation kung sakali. kilig moments. hehehe. =D

    ReplyDelete
  18. natawa ako dun sa dentista at sa kilig waheheheh... baka naman duling kaya gumigilid ang mata waheheheh katakot!

    syanga pala...nakakamiss din yung may tumutugtog sa blog mo. yung dating mga songs mo dito. kahit medyo nakakagulat minsan... nafefeel ko kung kaninong blog yung binabasa ko... :P

    ReplyDelete
  19. hala, nakikibasa ng text. hahahaha. so, pano ba yan. hanggang lambingan na lang ba sa sidemirror ng fx? :) tama si donG. kausapin mo na para ikaw na ang ka-text.

    ReplyDelete
  20. ang paglalaba ay nakakaubos ng lakas! never ko pa na-try, pero pagpiga palang ng damit, naubos na nag energy ko.

    ReplyDelete
  21. chyng: sinabi mo... patutuyuin ko na nga yung mga binabad ko tas dadalhin sa laundromat..

    moonsparks: nasilip lang.. lagi rin siya kasi may katext pag nakakasabay ko...

    klet: di naman siya duling or banlag... normal naman mata niya.. hehe.. nakakainis kasi minsan pag bloghop ako sabay sabay mga tugtog.. sakit sa tenga.

    ardyey: honeymoon stage ba yun.. di ko muna iniisip yun.. di ko pa nga alam kung paano ako magpapakilala sa kanya...

    ReplyDelete
  22. moks: sa dentista kelangan na talaga, medyo nangingilo na ngipin ko. pareho tayo di pwede sa gawaing bahay.. hehe

    krisler: ayoko pareho... masakit sa likod... hahaha

    sablay: di naman ako ganun, pero pag alam ko, tinatype ko sa phone "alam ko nakatingin ka sa message ko"

    drake: yung undies pwedeng ako na maglalaba... pero ipadala ko na sa laundromat yung iba... di na talaga kaya ng powers ko...

    ReplyDelete
  23. hindi naman sa katawan gilbert. ganito kasi ang babae, naghihintay ng effort from us, ganun yun eh.

    ako nga eh umaabot ng 3 hours para maglaba.

    hehehe kakakilig nga XD

    oh btw, I tagged you :) http://oh-wheezers.blogspot.com/2009/07/tag-game-story.html

    ReplyDelete
  24. dong: minsan, kahit gaano mo kagusto yung isang tao, pag dumating na yung panahon na kakausapin mo siya, uurong talaga yung bayag mo.. or ganun ako.. hehe

    azel: ako din litong-lito na sa sarili ko.

    pablo: di kasi ako sure kung ayos yung washing machine namin... pero check ko nga mamaya...

    marco: sana... lagi ko rin hinihingi yan... hehehe

    ReplyDelete
  25. boris: sorry, di ako sumasagot ng tag.. pero tingnan natin, pag wala akong maisulat.. hehehe

    pope: wag naman phobia, di naman talaga sila nananakit.. kailangan din natin sila para mas maganda ngipin natin... hehehe

    mars: wow, ambait naman... di ko ata kaya yan..

    ron: welcome back!!! oo nga, it's been a LONG time...

    ReplyDelete
  26. badong: hindi naman sana yung pangalawa... kasi nginingitian naman niya ako... dati...

    jen: oo na... torpe na ako... walang backbone... pero abangan mo pa rin ha.. hehehe

    indecent mind: mas gusto ko nga kung sya na magfirst move... para la nang paghihirap sa dibdib ko... hahaha

    ReplyDelete
  27. ay lagi kong inaabangan ang kwento mo at ni "Monday". yiheee!

    ReplyDelete
  28. magwashing machine ka na lang kasi!

    haha! kinikilig ka na naman ah. bitin yung huling kwento mo tungkol kay monday!

    ReplyDelete
  29. hindi naman kaya akala niya eh snatcher ka ng phone? LOL hmmm... interesting naman yung unang kwento mo. hirap talaga humanap ng fireworks no?

    ReplyDelete
  30. > hindi mo kinausap? inaantay lang niya first-move. pagawa ka na lang kaya ng calling card tapos bigay mo sa kanya. hehe.
    > mahirap talaga maglaba. lahat ng de-kolor pinapalbhan ko. mga puti ako na. nag-iiba kasi ng kulay.

    ReplyDelete
  31. oo nga po. nagsasabay sabay yung tugtog. La lang nakakamiss weheheh... ano na ba title ng mga kanta mo before?

    ReplyDelete
  32. klet: hmmm... ang naaalala ko, please don't stop the rain, say it all over again tsaka paper planes ata yun...

    the scud: iniisip ko ngang ipost yung balak kong gawing letter na ibibigay ko sa kanya... kaya lang tinatamad ako mag-isip.

    prinsesa m: di naman siguro.. dati pa naman kami nagkakasabay... wag naman sana...

    ReplyDelete
  33. jayvie: wala naman kasing makwento... sinusulat ko naman tuwing nakakasabay ko siya... abang abang lang... para nako stalker...

    kuya jon: sana may patunguhan, diba... para magka aya jr na din ako.. joke

    ruffles lady: yes... parang si Ruffa Mae lang...

    ReplyDelete
  34. next time makasabay mo uli si monday
    dapat nakashades ka
    para di nya alam kung nakatitig ka o hindi
    umaga man o gabi, astig nakashades
    hehe

    ReplyDelete