Gaya ng napapansin ng karamihan, maraming mga blog ang nagsusulputan sa world wide web ngayon. Mayroong mga blog kung saan nilalathala ng mga manunulat ang ginawa noong araw na yon ng iniistalk nilang artista. Meron ding mga makabayan. Maraming nagpupumilit na maging kagaya ni Bob Ong magsulat. May mga bumabalik mula sa pansamantalang pagkawala. At merong mga manunulat na naglalabas ng kanilang tunay na saloobin.
Matagal tagal na rin akong nagsusulat dito at naisulat ko na rin lahat ng mga napapansin ko tungkol sa mundong trip na trip kong balikan tuwing nagtatrabaho ako. Pero eto lang napapansin ko, lalo na sa mga baguhang mga blog... kadalasan sa kanila ay nais agad na sumikat sa blogosperyo. Yung tipong mahalaga ang bilang ng hits sa isang araw. O binibilang ang dami ng kumento sa kanilang post.
Hindi ko sila pupunahin, dahil minsan naging ganun din ako. Naging mahalaga ang mga numero para sa akin. Di pa rin nawawala yung ebidensya, dahil di ko pa tinatanggal yung hit counter ko hanggang ngayon. Actually, tutulungan ko pa nga sila sa pamamagitan ng post na 'to. Gaya ng titulo... eto ang kelangan niyong gawin para tumaas ang hit ng blog ninyo.
1. MAKISAKAY SA ISYU
Tuwing may bagong balita na sasabog sa bansa o sa mundo, tiyak sikat ang mga yan, at maraming mga taong maghahanap ng mga balita tungkol dun.. sa google na lalo. Kaya pag may lumabas na bagong iskandalo, bagong virus, o kaya'y mga isyu sa showbiz isulat ninyo. Kahit wala kayong alam tungkol sa problema sige go lang, lumabas lang sa link sa google yung blog ninyo. Tiyak ko madami bibisita senyo.
2. KUMENTO LANG NG KUMENTO
Magblog hop kayo tapos magkumento kayo sa mga post ng mga binisita ninyo. Kahit di niyo na basahin yung sinulat nila, magsabi lang kayo ng "nice blog... visit mine..." siguradong may bibisita sa inyo... eventually. Kung tinatamad ka namang magclick ng mga comments page kasi masyadong pahirap magpacomment ang ibang mga blogger, eh maghanap ka ng cbox at dun ka maglagay ng mga mensahe mo gaya ng "just checking your blog... visit mine too". Wag kakalimutan ilink yung blog mo... At habang andun ka na rin at naglalagay ng comment, itanong mo na rin kung pwede kayo mag link exchange... kahit di mo ilalagay yung sa kanya, makasiguro ka lang na nalink sa blog niya yung page mo... Dadami talaga magiging mambabasa mo, lalo na kung sikat yung pinagpaalaman mo.
3. PAGANDAHIN ANG BLOG
Lagyan mo ng kung anu-anong widget yang blog mo. Decoratan mo ng kung ano-anong litrato, makaattract ka lang ng mambabasa. Kahit tig-isang paragraph lang mga sinusulat mo, ayos lang basta maganda tingnan yung blog mo. Lagyan mo ng pichur ng mga hubad na artista. Tapos ikabit mo na rin yung twitter widget mo, para masabi ng mga tao na techie ka at hindi nahuhuli sa uso. Lagyan mo rin ng mga kanta yang blog mo. Para hindi boring at masaya basahin pag may naririnig na musika. Kung fan ka nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, ilagay mo litrato nila... yung mga nakahubad para panalo talaga.
4. MAGKWENTO KA TUNGKOL SA $3X
Aminin man ng karamihan o hindi MARAMING MAKAKATI sa blogosperyo. Kahit wala ka pa karanasan... isulat mo na lang yung mga pantasya mong mangyayari sa'yo ng kras mo o ng pinagpapantasyahan mo. Kung may mga bidyo kang nahagilap ilink o kaya naman ipost mo dyan. Kung gusto mo naman, bidyohan mo ang sarili mong nagsasarili o may kasama at ilink mo dun sa blog mo. Maaaring kumita ka pa. Isa sa pinakamadalas hanapin sa Google eh mga kwentong ganun. Siguro 3/4 ng nakakarating sa blog ko yun yung hinahanap, kaya nakatitiyak ako na pampataas ng hits mo yan.
5. MANGHAMON NG AWAY SA IBANG BLOG
Hindi lang darami ang mambabasa at bibisita sa blog mo, pag-uusapan ka pa. Nothing brings more hits to your blog than a good controversy. Punahin mo ang grammar ng ibang blogero o kaya'y salungatin mo ang paniniwala ng isa pa, siguradong di lang kontrobersya ang papasukin mo, sisikat ka talaga!!! Madami nga lang makakaaway mo... pero for the sake of hits, sulit naman ito.
Malamang merong mga tinamaan nito. Di ko nais na mang-away o mamuna. Naiintindihan ko kayo. Gaya ng sinabi ko, ako man dumaan sa ganyang stage. Pero over time, pag may mga naging kaibigan ka na. Kapag meron nang regular na bumibisita sa iyo, o kapag may mga nawawalang mga mambabasa, marerealize mo, di nila binibisita yung tahanan mo kasi maganda yung mga larawan na nakapost dito. O kaya'y naghahanap din sila ng magkukumento sa mga sinusulat nila. Bumabalik sila kasi nakakarelate sila sa sinusulat mo. Minsan pa nga, nagkakaroon ka ng mga tagahanga.
Sa mundo ng blogosperyo naman, hindi mahalaga ang sikat ka. Darating din ang point na dadami ang magbabasa sa blog mo, basta naging totoo ka lang sa mga sinusulat mo. Ang tunay na dahilan naman talaga kaya naimbento ang blog ay para ilabas ng isang tao ang saloobin nito. Hindi para pasikatin ang sarili, kundi upang gawing outlet ng mga frustration, kaligayahan, lungkot, galit at kung anupamang hindi kayang sabihin sa real world.
Ang hits... darating din yan... Hindi mahalaga na napakaganda ng blog mo.. kung ang nakasulat naman walang laman. Parang lobo lang na magandang tingnan pero hangin lang ang laman.
ngapala tinanggal ko na yung music sa blog ko.. kasi naiirita na ko tuwing binubuksan ko yung blog ko't sabaysabay tumutugtog yung mga kanta sa iba pang site na binubuksan ko... hehehe
ReplyDeletehehe. tama ka sa sex na yan ah. mag kwento ka lang sa mga sexcapades mo maraming dadalaw sa site mo.
ReplyDeletemang-away ka ng ibang blogger sikat ka dahil susubaybayan ka.
aray ko naman hindi naman siguro lobo yung blog ko dahil nagsusulat ako ng aking mga kwento at hindi dahil dikta ng tao kung anu ang isusulat ko. wala naman akong pakialam sa kanila dahil blog ko iyon.
aawayin ko mamaya si jin para sumikat ako.. haha. blog hopper talaga ako. mas nauna ako naging hopper kaysa blogger.
ReplyDeletesiguro me kanya-kanyang dahilan kung bakit nagawa ang blog at me kanya-kanyang interpretasyon din sa mga nagsulputang blogs o nagawang posts.
Lagi ,pa rin kita dadalawin at magcocomment kung gusto ko ang blog entry mo. haha. magsusulat pa rin ako, sasakay sa mga isyu at di magsasawa sa blog hopping. dahil yun ang gusto ko at hindi pinipilit ng iba. I DON't OWe anyone an explanation.
Apir tayo pareng gillboard!
by the way, nice post..exchange link tayo? hahaha...lol
panalo yung number 4. hahaha.. tingin ko nga dyan din dumami ang hits ng blog ko eh. may kaugnayan kase sa condoms at kauri nito ang karaniwang post ko tungkol sa trabaho. :p
ReplyDeletenice blog...
ReplyDeleteexchange links? lols
taena parekoy... pinakagusto ko yung number 5! yung ang the best para sumikat pero lahat yan kakasa..lols
apiiiir!
jin: uy, di naman ikaw yung pinatatamaan ko nito... dami lang ako nabisita noong mga nakalipas na araw...
ReplyDeletebampira: di pinipigilan ng post na to ang gusto gawin ng mga blogger.. hehe.. wag ako seryosohin.. hehehe
aajao: haha panalo nga yang trabaho mo... penge pa epektos!!! hahaha.. joke!!!
ReplyDeletekosa: salamat.. magawa nga yang number 5!!! hehehe
Ouch...tinaman ako tol ah...hehehe!
ReplyDeletePero tama ka nga daming blogsite ngayon ang nagko-comment sa kaka-bloghop, tapos sa dulo ng comment may plugging pa ng blog link nila...
Dami ngang blog ngayon ang natutulad sa style ni Bob Ong...pag tagalog ang isinusulat mo sa blog nahahawig ka kay Bob Ong.
Salamat din at inalis mo na rin yung music player mo..kasi ako din naiinis..hehehe!
Thanks for this post man!!!
Pahabol..may kilala kong blogger...nasa link ko nga sya...di ko na sasabihin kung sino... halos lahat ng issue about sex scandal nasubaybayan nya sa blog...puro sex scandal na nga yata ang blogsite nya... hehehe
ReplyDeletewahahah!
ReplyDeleteepektib yan..
lalu na yung no. 5
proven and tested ;)
"... gawing outlet ng mga frustration, kaligayahan, lungkot, galit at kung anupamang hindi kayang sabihin sa real world."
ReplyDeleteYan din ang pananaw ko sa purpose ng blog..
Pag hindi ko nagustuhan yung nabasa ko, it's either magtatanong ako o aalis ako ng walang bakas. Mahilig at mahaba akongmag kumento depende sa topic na nabasa ko, lalo pat malaman at makabuluhan. Madalang na lang ang mga sensible ang sinasabi ngayon.. Pero site nila yun, choice ko naman kung bibisitahin o babasahin ko di ba?
effective ang no. 5... sabi nga nila... hehehehe!!!
ReplyDeletepero maganda din ung no. 4... kaso baka-mablock ang site sa Arab countries pag ganun ng ganun ang topic.. lolz!
Nice. Link exchange? LOL! Joke lang.
ReplyDeleteAgree ako sa lahat ng yan. Sa dami ba naman ng blogs na naglipana sa world wide web ngayon. Aba, kelangan talaga ng kanya-kanyang gimik para lang mapansin ang mga blogs nila. :D
Pero wag naman sanang mawala yung tunay na essence ng pagba-blog dahil lang sa mga numero na ito. ;)
yUP yUP! if you write for a wrong reason, darating ang araw na kakatamaran mo ng mag-update ng blog mo. Kaya nga back to basic tayo. Bakit ba tayo nagsusulat?Ito ay para magpahayag ng ating saloobin. May bumasa man nito o wala ang mahalaga nailabas mo ang hinanakit, kasiyahan at lungkot mo sa buhay.
ReplyDeleteSa huli hindi nman mahalaga kung ilan ang dumaan at bumasa sa blog mo, ito ay kung gaanong tao ang naniniwala sa iyo, kung gaano tao ang nabigyan mo ng aral at napasiya mo sa pamamagitan ng mga natutunan mo sa buhay at karanasan mo sa araw araw
Ingat
Drake
sa 141 ko pa lang na sinulat na kuwento, poems, at tula ay ipinagmamalaki kong basahin mo ang new post kong PINAGTIBAY NG PANAHON at www.arvin95.blogspot.com
ReplyDeletetama ka dadami nga ang counter sa blog kapag gumanun..madami talaga tatamaan nito sa post mong ito..kasama na siguro ako..hehe..sana ma add mo ang blog ko sa blog list mo..
don't wori kuya most of d' time naka-mute ang volume kah kaya most of d' time wala akong naririnig na music... wehe...
ReplyDeletehmmm... syempre isa akoh sa mga suki nang blog moh.... naalala koh pa noong bago den lang akoh... 'ung advised moh na inadvised den sau na write to express not to impress... so 'unz... 'un ang isang nakatulong saken para magsulat lang nang kahit ano sa blog koh... may kwentz man or walah... pero ti think most of d' time eh walah.. wehe...
natawa akoh sa number 2. ang dmeng ganyan.. walang ginawa kundi mag-blog hop lang... loz...
sige nah... dme pa akong hihiritz pero hwag nah.... yeah minsan outlet koh ren tong blog na toh... therapy... nagpapasmile saken kapag emo akoh and stuff... so yeah... ingatz kuya... uy! touched naman akoh follower na kitah... ang famous Gillboard... saya... sige.. hanggang sa muli...
Godbless! -di
oh yeah number 2 works den palah... totoo 'un... magkometn ka lang nagn magkomentz... kahit la kwentz ang koment... magkomentz ka pa ren... gaya nga nagn sabi moh kahit nde moh basahin at kahit walang connection ang komentz moh sa post eh magkomentz ka pa ren... so basically magkomentz ka lang... gaya nitoh... wehe... ingatz! =)
ReplyDeletemokong: mukhang gusto kong bisitahin yang sinabi mong kablog mo... hehehe... basta... bato bato sa langit ang tamaan wag magagalit.. hehehe
ReplyDeletejenskee: yang mga nababasa ko sa mga blog niyo inspirasyon dyan!!! hehehe
dylan: actually may point ka din... hehehe... ganun din naman ginagawa ko pag di ko gusto nababasa ko... wag na lang pansinin... mahirap lang manahimik.. hahaha
ReplyDeleteazel: buti na lang nasa pilipinas ako... hahaha.. parang marami akong kwentong ganun!!!
wayne: ang hirap lang kasi may mga taong ginagawa business blog nila.. anyway gaya ng sabi sa taas... la na tayo pakealam sa kung ano dapat isulat nila dun.. kanila yun eh...
ReplyDeletedrake: sumasang ayon ako sa lahat ng sabi mo 100%
ako rin medyo tinamaan dito! pero medyo mabait pa rin naman ako at hindi nang-aaway ng ibang bloggers o kayaay nagku-kwento ng ng mga kamunduhan.
ReplyDelete@mokong: at talagang nag-chismis pa o! haha
arvin: sige bisitahin ko blog mo.. heheh
ReplyDeletedhianz: lam mo ikaw favorite commenter ko.. hehehe... madalas mas mahaba kasi comment mo sa post ko... hahaha!!!
badong: dapat di kayo umaamin... napaghahalata tuloy kayo!!! hehehe
ReplyDeletehaha! oo nga. next time pag sapul ako, comment na lang ako kunwari hindi affected. lol.
ReplyDeleteI agree. When I started I was not even aware that other people read my blog pero now I am. :)
ReplyDeletearay ko!!!andami ko na bukol kasi sapul ako laht ng sinabi mo!LOLLLLLLLLLLL
ReplyDeletehaha buti wala na sound ayoko din ng may sound un blog na visit ko kasi im listening to my own music while browsing e naghahalo halo
Tara Gillboard, Blog War tayo. Hahahahaha.
ReplyDeletedi ko pa nasubukan manghamon ng away at seyosohin ang pagpapaganda ng pahina ko.. bagong sibol pa lang ako dito e..
ReplyDeletenice blog! ex-links? LOL
salamat kung seryosohin mo.. add na kita, sunod lang ako sa tip mo e... wehe!)
nakakatawa lang talaga yung mga bloggers na nag-aaway ngayon. parang hayden kho scandal. buti na lang at taga-lupa lang ako.
ReplyDeletegagawa sana ako ng ganitong post eh pero napadaan ako dito kaya hindi na
ReplyDeletehahaha...
nice post po very helpul..
makagawa nga ng sexperience story lolz
ingat palagi parekoy
nice blog,,, .. exchange Links_..? hehehe...
ReplyDeleteayos ka pareng gillboard..
Hahaha. Nadale mo dude!
ReplyDeleteMagawa nga ang lahat ng ito. di ko alam to eh. haha
At iyon din ang dahilan kung bakit walang music ang blog ko. kairita kapag sabay-sabay kumakanta ang ibang blogs. :)
NICE! VISIT MINE! :)
tristan: i think you're pretty much a popular blogger... hehehe
ReplyDeletemac: ayan less panggulo sa music mo... tinanggal ko na..
knox: i'm never going to fight with you... i'm not ever going to win.. dami ka kakampi... hehehe
ReplyDeleteindecent mind: sige check ko din blog mo..
jin: yeah... buti pa tayo.. low profile.. wala mang-aaway satin.. dahil ala mapapala yung magkakamali..
ReplyDeletepablo pabling: ayos lang gawa ka ng katulad na post... usually naman pansin ko nagkakaroon ng pareparehong theme ang mga post sa blog..
kua thedz: sure.. pag may link ka papunta sa blog mo... hehehe
ReplyDeleteacrylique: sure sure..
wahahay!
ReplyDeleteWhew! tama! magawa ko nga yang mga sinasabi mo parekoy... :)
ReplyDeletehuli kah! online kah noh? aheheh... nakitah lang kitah sa page ni Marco Paolo... musta kuyah? 'la eh.. 'la kang cbox eh... nanggulo lang d2... ingatz! Godbless! -di
ReplyDeleteKaya ba nakuntento na lang ako sa pagbabasa ng blog ng may blog. hehehe
ReplyDeleteThe most important is to blog to express yourself rather than to impress everyone. :p
Nyahaha. Effort ang number 5.
ReplyDeleteMagsulat nalang. Kung magaling ka talaga, madidiscover ka naman talaga. :-)
hahaha... kulit. yung number 5 hindi ko pa ginagawa. parang astig nga yon. kaya lang pag ganun intriga blog na ang labas ng blog mo para maging consistent. hehehe...
ReplyDeletehahaha! natawa ako sa no. 3, lalo na sa last sentence. (lmao)
ReplyDeleteat natamaan naman ako sa no. 5. hohoh.
i miss reading your blog! (hug)
based on experience ba yan? nagawa ko na ata lahat yan pero milder. purpose ko lang mag-comment at di para bisitahin nila ang blog ko. naks. baka tamaan ako ng kidlat. umuulan pa naman. :D
ReplyDeleteganito ba:
ReplyDeletejust checking your blog... visit mine too
=P
Ganun?? :P
ReplyDeletehihihi.. nakakatuwa naman.. informational tz medyo nakakatawa... testing testing nga...
ReplyDeletenice blog... visit mine too... wahahahaha... =)