Jun 18, 2009

KWENTONG TATAY

Dahil nalalapit na ang Araw ng mga Ama, eh nais ko nang maunang magpost tungkol dito dahil wala namang online na blogger kapag Linggo. Tsaka baka mawala pa yung mga naiisip kong isulat kapag pinatagal ko pa ito.

Hindi ako masyadong close sa tatay ko dahil lumaki ako na ang nanay ko madalas ang kasama ko, dahil labingdalawang taon din siya sa Saudi nagluluto bilang isang cook. Wala ako masyadong alaala sa kanya noong bata pa ako, dahil kadalasan nga eh nasa ibang bansa siya, at kung andito naman siya sa Pilipinas, kadalasan ay dun siya sa probinsya namamalagi. Sa tingin ko, alam naman niya ang mga pagkukulang niya kaya nung nagdesisyon siyang magretiro, eh bumawi naman siya sa akin. Siya ang naging tagahatid ko sa eskwela buong high school ko, at tuwing meron kaming di pagkakasundo ng nanay ko, sa akin siya kumakampi. Wala lang... Pero ang tatay ko, mas nakikilala ko ngayon...

*************
Frustrated singer yang tatay ko. Gabi-gabi nagcoconcert yan. Tipong mula alas onse hanggang ala-una ng madaling araw. Ewan ko, kaming 3rd generation sa angkan namin eh halos lahat marunong kumanta, hindi nga lang namin alam kung saan namin nakuha yung talentong iyon, kasi judging sa boses ng mga magulang ko... wala talaga. Ang tatay ko boses syokoy na paos!!! Basta masakit sa tenga pakinggan boses nun, pero pag nagcoconcert siya kelangan talaga nakafull speaker. Kaya minsan putol ang tulog ko. Mahilig pa yan, pag may bisita, siya mamimili ng ipapakanta sa mga pinsan/pamangkin ko, pero pag ayaw nila siya kakanta... kesehodang Strangers In the Night pa yan o kaya'y Hit Me Baby One More Time ni Britney. Buti na lang mababait mga bisita... at mga kapitbahay namin.

**************
Ang tatay ko, siguro nasa Top 100 na fans ni Manny Pacquiao. Meron siya lahat na pirated na DVD ng lahat ng laban ni Pacquiao, kahit simula pa nang mukhang uhuging bata pa si Manny, meron siya. Hindi talaga siya papatalo sa mga pumupuna sa kanya. Muntik na nga niyang isumpa yung pinsan ko dati nang sabihin ng pinsan ko na luto ang laban ni Pacquiao at ni dela Hoya. Palagi pag may bisita kami, kung hindi nakasaksak yung Magic Sing, ang dibidi ng huling laban ni Pacquiao ang palabas sa tv namin. Kahit pa puros babae ang bisita. Noon pa ngang hindi pa ako bumibili ng sarili kong dvd player eh lagi kami nag-aagawan ng ipapalabas. Naaalala ko pa nga na inggit na inggit siya nang malaman niyang nakapasok yung nanay ko sa mansyon ni Pacquiao sa Mindanao. Nakaframe yata yung pichur ng bahay ni Manny sa wallet niya.

***************
Ang tatay ko, lagi akong sinesermonan kapag may binibili akong bago. Matuto daw akong mag-ipon. Malapit na yata akong palayasin sa bahay, dahil madalas na itong magparinig kung bakit dun pa rin ako sa bahay namin nakatira. Anyway, pero kahit ganun lagi ang sinasabi sa akin ng aking ama, pag nakikita niya yung mga pinamimili ko, pagkatapos lumamig ang ulo niya, namamangha siya. Kagaya na lang nung bumili ako ng Xbox 360 ulit, pinagalitan ako tapos ng makitang kamukha talaga ni Pacquiao yung sa Fight Night... ako pa nagsara ng bibig niya. O kaya nung bumili ako ng MP3 player, pagkatapos litanyahan ng tungkol sa krisis, hiniram ito't tinanong kung mas marami pang lamang kanta yung player kesa dun sa binili niyang 100 in 1 cd ng chacha.

***************
Si tatay eh madalas din akong litanyahan tungkol sa pagmamaneho ng tama. Mapabisikleta, scooter o kotse. Ang ratio ng aksidente naming dalawa sa mga sasakyan... 10:1. Sampung beses na siyang nabangga, tumilapon sa sasakyan at naaksidente, habang ako eh isa. Actually 1/2 nga lang yung sa akin kasi muntik lang ako bumangga nun sa rumaragasang sasakyan.

****************
Noong mga araw naman na wala akong trabaho, dalawang beses sa isang buwan niya ako kung lecturan sa pagmamahal sa trabaho. Medyo kapag ganito na ang usapan, nagbibingi-bingihan ako. Paano ba naman labingdalawang taon lang siya nagtrabaho sa Saudi. Labinglimang taon na siyang tambay sa amin. So... nakikita niyo naman siguro kung ano yung di tama dun sa pangungusap na yon, di ba? Hindi ko nga alam kung san niya nakukuha yung mga pinambibili niya ng mga pinamimili niya eh... Sa tingin ko, may nakatagong kayamanan yang tatay ko eh..

*****************
Isa pa, yang tatay ko lagi akong pinapagalitan pag hindi ako humaharap sa mga bisita. Kung nagkukulong ako sa kwarto, talagang hihilahin ako niyan palabas para ientertain ang mga bisita nila. Tapos pag baba ko, mga ilang saglit lang, pagtingin ko sa likod ko wala na siya. Ang tatay ko na ang nagtago!!! Lilitaw lang yan ulit pag gusto na niyang isaksak yung Magic Sing o kaya yung mga dibidi niya ng mga laban ni Pacquiao.

Marami pa akong mga kwento dyan. May pagkapasaway talaga yang tatay ko. Buti na lang di ako masyado nagmana sa kanya...

HAPPY FATHER'S DAY sa lahat ng mga tatay diyan!!! Sa mga magiging tatay!!! At sa mga tatay ng mga wala pang anak!!!

40 comments:

  1. swerte mo naman!

    i never had a chance na maging papas boy kasi maaga siyang bumigay.

    madami kang memories with him...ako yata pinaka tanda ko na yung nagpupumilit akong magpagawa ng bitag ng ibon gamit yung goma na laruan ng mga bata. pinipilit niyang hindi yung gomang yun ang kailangan hehehe

    tapos ano pa ba? basta konti lang!

    pero nevertheless, masaya pa rin naman...happy father's day to all dads

    ReplyDelete
  2. wahehe. ang aga ah gil. ewan ko pero ako nahihiya magkwento tungkol sa aking family. para kasing iba ang mundo nila at dito sa blogosphere na nde pwede magsama. hehe.

    ReplyDelete
  3. mulong: ok lang yan.. ako nga alaala ko sa tatay ko ngayon lang na malaki nako... wala nung bata pa ako.

    jin: maaga talaga.. ayoko magsulat sa linggo.. ayoko makiuso.. hehehe.. ok lang yan...

    ReplyDelete
  4. Hehe.

    Kinaiinisan natin (madalas) ang mga bagay na ginagawa ng mga magulang natin na alam nating gagawin rin natin kapag magulang na rin tayo. :)

    ReplyDelete
  5. ikaw, gill? kelan kita pwedeng batiin ng happy father's day? hehe

    happy father's day sa tatay mo.

    :)

    ReplyDelete
  6. acrylique: naku.. mukhang malabo gawin ko yan.. unang una wala ako balak maging ofw.. hehehe

    ate bech: saka ko na yan problemahin... unahin ko muna pagiging boypren.. hehe

    ReplyDelete
  7. at singer ka pala? hehe. pareho ang mga tatay natin sa pagiging frustrated singer at dun sa pagpipilit sakin na humarap sa mga bisita. pero hindi siya nagtatago. haharap lang ako tas magtatago na uli.

    ReplyDelete
  8. wow.. huli man ang magaling... late pa rin..hehehe atleast bumawi naman pala ang tatay mo parekoy... kaya oks na oks!

    Happy Fathers day sa lahat ng Tatay na wala pang anak? meron ba nun?lols

    sige sige,
    HAPPY FATHER's day na rin sayo parekoy!

    ReplyDelete
  9. badong: hindi naman ako magaling... pero kung ikukumpara sa tatay ko.. hands down... ako na panalo.. hehehe (kulog!!!)

    kosa: sa iyo rin!!

    ReplyDelete
  10. happy father's day sa tatay mo...

    di rin ako close sa tatay ko kaya wala akong maikwent tungkol sa kanya... :)

    ReplyDelete
  11. Diko rin hilig lumabas pag may bisita kami. Mas gusto ko na lang magkulong sa kwarto. Buti tatay ko wapakels. Ahihihi

    Happy Tatay's Day sa iyong ama! :)

    ReplyDelete
  12. marco: okay lang yan... Happy Tatay's Day pa rin sa erpats mo!!

    oracle: wala naman kasi tayo napapala pag magpapakita sa mga bisita diba? para namang mag-aabot yang mga yan ng pera.. hehehe

    ReplyDelete
  13. Natatawa ko sa kwento mo sa tatay mo.. Kakatuwa.

    My father died when I was 9, mas malapit ako sa tatay ko during those times. Marami rin akong unforgettable memories about him.
    Ngayon, biniyayaan ako ng maraming tatay! Hahahaha! Pero syempre di kasing close ng tunay.

    Ewan ko rin ba ba't ganyan ang mga magulang, matapos kang sermunan eh pupurihin ka rin. Ang sarap sigurong magluto ng tatay mo!!!

    Kaw kelan ka magiging tatay??? ^__^

    ReplyDelete
  14. Thanks pala sa greetings Gill..

    ReplyDelete
  15. Happy Father's day. sana sa susunod kaw na babatiin ko. haha

    ReplyDelete
  16. Happy Father's day Gil!
    haha
    sa tatay mo pala...

    namiss ko naman tatay ko..:(

    ReplyDelete
  17. happy father's day sa cool mong dad...

    ReplyDelete
  18. namiss ko naman bigla ang tatay ko....

    cool ang tatay mo, were lucky to have our father regardless how weird and odd they maybe... and we love them because of it...

    hampey fathers day sa iyo

    ReplyDelete
  19. yan ang maganda sa mga tatay. kahit ano pang galit alam pa rin natin na lagi namang para sa ikabubuti natin ang gusto nila.

    kakatuwa... videoke king pala tatay mo. tatay ko pacquiao fan din.

    ReplyDelete
  20. qualified na ko sa greeting mo, hahaha! salamat. ako kase ang tingin ko, pwede lang tawaging tatay ang isang mayasawa kung may anak na sya. pero siguro mali rin yung nasa isip kong yun :p

    ReplyDelete
  21. Namiss ko yung tatay ko bigla. Pagnaemo-emo nga ako eh magsusulat ako ng tungkol sa dad ko. (Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.)

    ReplyDelete
  22. Hehehe, kakatuwa naman ang tatay mo. Teka para makilala mo rin kung anong klaseng tatay meron ako subukan mo itong link na ito:

    http://utaknidrake.blogspot.com/2008/12/malapit-na-bertdey-ng-tatay-ko-december.html

    Birthday kasi nya nun kaya ginawa ko yun, pero isip pa rin ako para sa "Father's Day"

    Ingat

    ReplyDelete
  23. awww.. naaliw naman akoh sa kwento nang tatay moh... nakakatuwa...nakakaaliw 'ung relationship nyoh sa isa't isa kahit 'ung iba don eh puno nang sermon lang... kakaaliw 'ung pagiging mahilig nya sa pagkanta at kay Pacquiao.... kakaaliw 'ung huling story moh na pilit kang pinapaharap sa mga bisita.. lolz... aliw kah tlgah magkuwento.. *apir*.. so yeah Happy Father's day sa kanyah... =) Godbless! -di

    ReplyDelete
  24. hep hep hep...isa ako sa mga online na blogger tuwing linggo..maghapon pa tol..hahah adik! Nakarelate ako sa iyo nung madalas kang pagalitan ng tatay mo sa tuwing nagtatago ka sa kwarto sa tuwing may bisita. Gawain ko din yan, homeboy din kami ako nung bata. At sandamakmak din ang collection ko ng dvd..ang kaaway ko hindi si tatay, kundi si misis at si annay!!! 2-in-1 sermon yan...HAPPY FATHER'S DAY SA LAHAT NG TATAY NATIN!

    ReplyDelete
  25. I dont have a father anymore, but today ako yung pumapapel na father and mother sa nag iisa kong anak na ewan ko ba bakit ako nilalabanan ganong ang bait kong ina at ama na rin sa kanya.madalas pa nya ako kupitan ng konting kita ko,napagtapos ko naman sya pero eto sya ngayon patuloy pa rin akong nag iipon ng pera para pag nag apply syang work me ibibigay ako, pero patuloy din nyang kinukupit ito, ang hirap maging isang ama at isang ina na rin sa isang anak na matigas ang ulo.
    Ang father ko noon ang madalas kong maalala, kapag uuwi yan sa amin galing sa babae nya, maglalasing yan, magpapatugtug ng radio phono at kukuyakuyakoy habang umiinom ng isang boteng beer, at kapag papagalitan kami nayn, isa isa kaming sinisikmuraan,un ang natatandaan ko sa kanya, ska ung time na gagaraduate na ako pero hindi nya ako binigyan ng pera kaya natuto akong maghanap ng pagkakakitaan para lang makagraduate. wala akong matandaan gano sa kanya kasi nandun sya nakatira sa number two nya, ang tanda ko lang, pag uuwi ng lasing yan, sumesemplang sa kanal. sumulangit nawa ang tatay ko. san ka man naroroon. Ako na lang ang babati sa sarili ko happy fathers day to me kasi single parent ako.

    ReplyDelete
  26. i really love this post. :D napatawa ako hehe. hay nako..i wish i had a dad- well, i do have my papitoes now :)

    ReplyDelete
  27. Bisita ka sa coloring book ko. may CRAYOLA akong ibibigay sayo. :)

    ReplyDelete
  28. "Kagaya na lang nung bumili ako ng Xbox 360 ulit, pinagalitan ako tapos ng makitang kamukha talaga ni Pacquiao yung sa Fight Night... ako pa nagsara ng bibig niya."

    natawa ako dyan gillboard!

    papa ko rin mahilig sa boxing. amateur pa si pakyao noon pinapanood na niya sa tv. ptv4 pa ata yun.

    buti ka pa pinapayagan mag-manahe. sa akin bawal. masyado daw mainitin ulo ko. gusto ko nga sabihin - nagmana ako sa yo. hehe.

    ReplyDelete
  29. parang pareho lang ugali ng mga tatay naten ha.

    baka maalis din si papa ko sa xbox with pacquaio playing! haha

    ReplyDelete
  30. wui happy father's day sayo..

    ay mali, sa tatay mo pala. haha kakatuwa naman yung pagkahilig ng tatay mo sa pagkanta kahit boses syokoy at paos pa talaga uh.. haha pero ayos yan, kung ako ang anak nyan, mag eernjoy ako kasi mahilig din akong kumanta.. pero bakit ganun? bakit hanggang madaling araw ang concert nya? hehe

    ReplyDelete
  31. dylan: bago niyo ako tanungin niyan... tanungin mo muna kung kelan ako magkakasyota.. lolz

    bampira: malapit na yan.. hehehe

    jen: okay lang yan... umuwi ka kasi... isama mo yung syota mo at ipakilala kay tatay... hehehe

    ReplyDelete
  32. azel: salamat!!!

    ewwik: yup.. that's true... Happy Dad's day din sa tatay mong pulitiko!!!

    dong: sana nga sa ikabubuti ko rin... hahaha... joke!

    ReplyDelete
  33. kuya jon: yup, qualified ka nang mabati sa linggo!!! hehehe

    joms: sige aabangan ko yang isusulat mo...

    drake: babasahin ko yan mamya... pero kung marami ka pa naman maisusulat tungkol sa tatay mo, sige lang... sulat lang.

    ReplyDelete
  34. dhianz: hehe... salamat.. yan ang silbi ko dito sa blogosperyo.. mang-aliw.. hehehe

    mokong: mas gusto ko tatay ko magsermon kesa nanay ko... dahil yun, pinapublicize!!!

    anonymous: you learn to be a good father from your experiences with your dad.. sa anak mo naman, matututo din yan.

    ReplyDelete
  35. herbs: ok lang yan... ano yung papitoes? hehe

    acrylique: nakita ko na po... salamat!!!

    the scud: kahit payagan niya kasi ako... ayaw ko rin... ikamamatay ko lang pagdadrive...

    ReplyDelete
  36. chyng: oo, tatay ko, sa ps2 pa lang nun, di na lumalabas ng kwarto ko pag naglalaro ako ng fight night.. hehehe

    kheed: gabi yan magconcert kasi.. pag wala na mapanuod sa tv...

    ReplyDelete
  37. Nakakatuwa ang tatay mo. He's a walking contradiction but he is endearing in that way.

    Lucky you because he's present in your life; other fathers are merely sperm donors.

    Happy Father's Day to your dad. :p

    ReplyDelete
  38. Advanced kasi utak ko eh.. Isa pa magttrenta ka na noh! Nyahahaha! Ubo!

    ReplyDelete
  39. great post...singer pala tatay mo... very cool.

    ReplyDelete
  40. hehe
    happy father's day sa erpats mo
    he seems to be one cool guy
    at mahilig pa kumanta
    "my way" ba yan?
    hehe

    btw, online ako kahit linggo
    hehe

    ReplyDelete