Jan 28, 2009

SENTI, KESO O EMO?

Sa totoo lang, wala akong maisip isulat ngayong araw na ito. Di ko alam kung magpapakasenti ako, magpapakaemo o kaya naman ay magpapakakeso. Ganito talaga ako pag alam kong malapit na ang kaarawan ko, ika nga eh nagdadaan sa crossroads. Nagmumuni-muni kung ang ika-26 na taon ng aking pananatili dito sa mundo eh naging fruitful ba o kaya nama'y makahulugan.

SENTI

Nitong mga nakaraang araw, nagiging adik ako sa facebook. Talagang buong araw sa trabaho eh hinahanap ko ang mga kaklase ko noong high school at college. Pati na rin ang lahat ng mga naging katrabaho ko sa lahat ng kumpanyang pinasukan ko. At syempre ang mga kras, hindi mawawala sa mga sinesearch ko. Kaya lang, ang jojologs ng mga kras ko at ni isa eh walang account sa facebook. Langya, hinanap ko na lahat ng maaaring gamitin nilang pangalan pero wala pa rin. Pangfriendster lang ata sila. Jologs!

Tapos, ang ikinatutuwa ko pa sa facebook, eh yung chat feature nila. Dahil dito, nakakachat ko yung mga taong ilang taon ko na ring hindi nakakausap. Kasama na dun yung mga kaklase ko nung hayskul.

Sampung taon na rin pala simula ng huling tapak ko sa paaralan namin. Ganun na ako katanda, shyet!!! Napag-usapan namin na sana magkaroon ng pagkakataon na magkasama-sama kaming buong klase muli ngayong taon. Para malaman lang kung ano na ang ginagawa ng bawat isa sa buhay. Sino yung may asawa na? Sino yung tumaba? Tsaka para makumpirma kung totoo ba yung balita na yung isang kaklase namin eh nakabuntis ng katulong nila.

Di naman ako mahihiya na makipagkita sa kanila kasi alam ko sa loob ng sampung taon matapos na magkahiwalay ang klase namin, eh marami akong naabot. Nandun na yung makarating ng ibang bansa, maging supervisor ng isang account (at magkaroon ng aktibong sexlife). Pero seryoso, gusto kong malaman kung ano na ang kinahinatnan ng lahat ng naging mga kaklase ko. Sana matuloy.

KESO

Ngayong weekend eh lalabas muli ako kasama nung kadate ko noong isang buwan. Granted na disaster yung naging unang labas namin, nagulat talaga ako na pumayag siya na lumabas ulit kami. Siguro dahil as friends lang naman talaga yung date na yun kaya okay lang.

Di naman ako umaasa na magiging kami, at sa ngayon wala akong balak na manligaw. Siguro kelangan ko lang lumabas paminsan-minsan para naman masabi ng mga tao na di ako workaholic at meron akong social life. Tsaka nga lalabas kaming dalawa bilang magkaibigan.

Ang tanong nga lang, ano gagawin namin?

Sinabi ko na sa kanya, wala akong balak na samahan siyang magshopping ulit. Oo, kaibigan niya ako, pero kung gusto niyang mamili ng damit o kung anu-ano eh babae ang dapat kasama niya. Maaaring manuod kami ng sine, di ko nga lang alam kung ano ang magandang palabas ngayon. Tsaka ayus yun para maiwasan yung mga awkward silent moments sa isang date. Tapos kakain kami sa Jollibee o McDo (hehehe) o magkakape kung saan para pag-usapan yung pinanuod namin. Tapos iuuwi ko na siya samin (biro lang).

Pwede rin namang activity date. Tipong dadalhin ko siya sa Manila Zoo, para sabay kaming madepress sa makikita namin. O kaya naman sa Star City para naman masabi ko na sa buong buhay ko eh at least once, nakapasok ako ng Star City. Ewan. Bahala na si Tarzan sa Sabado.

EMO

Gaya nga ng sinabi ko malapit na ang kaarawan ko. Mga apat na linggo na lang. Ibig sabihin nito, eh pag napag-isip-isip ko na wala akong masyadong napala sa buhay ko, eh baka magpakaemo nanaman ako.

Tapos nako dun sa tinatawag nilang quarter-life crisis na yan. Ika nga, I'm in a better place right now. Pero di natin maiiwasan na minsan eh mapansin na meron pa ring kulang. Aaminin ko, nitong mga nakaraang araw eh hinahanap ko yung magkaroon ng mga kilig moments sa buhay.

Di pa naman ako desperado, matagal pa yun. Ang mga lalake, ang sabi ng iba, habang tumatanda, lalong sumasarap. Unless of course, yung lalakeng yun eh pinapabayaan ang sarili nilang maging bundat.

Pero sa ngayon, wala pa naman talagang dahilan para magpakaemo ako. Medyo may naiipon naman ako. Madami akong narerealize na nagagawa ko ngayon na di ko nagagawa noon. Marami naman akong kaibigan. Tsaka unti-unting nagkakalaman yung facebook ko. Ano pa ba dapat hanapin ko?

Anak? Hindi pa ako handa. Syota nga, matagal pa... anak pa kaya.

29 comments:

  1. subukan mo kayang dalhin sya s Luneta?
    eh ano naman gagawin nyo dun? titigan si Rizal? naisip ko ring yun ang maari mong isagot sa suhestiyon ko na pagpunta sa luneta..
    mas matino na nga yung naiisip mo na manuod kayo ng sine...
    pede ring kumain muna kayo tapos manuod kayo ng sine, pagktapos nun stroll ng onti... magkape..pag-usapan ang napanuod nyo at kung ano-ano pang gusto nyong pag-usapan tas uwian na....
    wala lang... pinahaba ko lang pero yun din naman yun naisip mo eh...

    advance haba berdi na lang sayo...
    at least kahit pano, may nararamdaman kang fulfillment sa buhay...maaring its a good sign na ure maturing and youre living your life the way you should..

    masyado nang marami ung nainga-ngakngak ko dito.. gusto ko lng naman sabihin eh
    napadaan lang ako dito mula sa kuta ni kosa..yun lang... ahihihihi

    ReplyDelete
  2. Advanced pee birt day tol..

    Natawa ako dun sa sinabi mo na "habang tumatanda, lalong sumasarap". Parang inumin. Lol..

    Idol talaga mga post mo tol. Nakakarelate ako. Lol. Hehehe.. Keep it up!

    ReplyDelete
  3. wahhhhhh. . . ang yabang mo! wala dina cong account sa face book! hmmm. . . makagawa nga. . lol

    pwede bang ganun? lalabas lang kayo as friends? tapos gagastos ka? sus! kalokohan! baka nga iuwi mo na sa bahay mo un! haha. . good luck!


    baka tumanda ka ng binata. . hehe. . meron nga talagang taong ganyan. . hindi ka lang kasi nagmamadali tsaka siguro marami ka pang gustong gawin sa buhay mo o ewan co sayo, . . buhay mo yan!

    happy beerday nga pala. . magpapainom ka ba? tamang tama oh! mag pa eb ka sa mga bloggers tapos painom ka. . malaki naman sweldo mo eh. . wag ka magdamot ok?

    ReplyDelete
  4. yanah: salamat yannah sa pagbisita, at pakisabi na rin kay kosa na salamat, at dahil sa kanya eh napadpad ka sa munti kong tahanan. hehe. di pako mature... kaya nga di ko pa kaya magsyota.

    death mark: salamat sa mga magagandang salitang namutawi sayong mga daliri.. lolz!!!

    ReplyDelete
  5. manyikang papel: iniisip ko nga kung manlilibre ako... pero syempre dahil ako nag-aya, malamang bayad ko. kaya jollibee lang kami kakain.. para tipid... hahaha

    as for yung eb... hmm... pag-iisipan ko pa. hehehe. aus lang ba senyo pumunta ng las piƱas?

    ReplyDelete
  6. Ang cheapips naman kung sa Jollibee mo lang dadalhin 'yang date mo. Wala ka ba talagang malisya d'yan at duon mo lang dadalhin? *LOLz*

    Haberdei sa 'yo in advance. Manlibre ka naman! = P

    ReplyDelete
  7. syempre joke lang yun.. hehe... iniisip ko pa kung papatol yun sa turu-turo...

    ReplyDelete
  8. ayan.. your welcome muna kase pinag-uusapan nyo ako ni Yanah..
    taena... sinu ba kadate mo? teenager o kaedad mo?
    lols kung teenager kase madali pang mabola yung mga yun.. hahaha. magdrive kaya kayo papunta ng batangas.. magaganda mga bitch dun.. este beaches pala..
    tapos magpakalasing ka!
    hahaha
    wala ng uwi-uwi nxt month may anak ka na! hahaha
    suggestion lang
    nyhahaha

    para kapag nagkitakits kayu nung mga former classmates mo masabi mong malapit ka ng maging dadi.. sabi kase nila sa aking nung huli naming jamming ng mga highschool tropa ko napupudpud na daw yung bayag ko wala pa akong SARILING PAMILYA... tama ba yun! taena eh bata-bata pa ko nun.. lols

    ang haba nman ng comment ko..
    pasensya na..
    napasarap eh

    ReplyDelete
  9. pansin ko nga eh, ang hahaba ng mga comments ng mga tao ngayon.. hehe ok lang yan..

    mas matanda ako ng konti... la ko kotse, di kami lalabas ng Maynila, una nagtitipid ako at may gagastusan ako...

    la pa rin ako naisip na gagawin... hehe

    ReplyDelete
  10. una, advans happy bday! manlilibre ka ba? hahahah

    sunod, panu kung simula ka pa lang masarap ka na? mas payummy ng payummy? ahhehee

    tapos, ahiiii. date eto! bui pa sya. nakakinggi naman!

    huli! yay go facebuk! gusto ko din ung chat feature nya. a madaming application. hehehe. naawa ko sa sinabi mo na nagfriendster. ang purpose na lang sa akin nun e to check sino may bdays. hehehe

    ReplyDelete
  11. onga no... may silbi pa pala friendster... dun ko nalalaman sino may bday... sige... sulat ko muna lahat ng bday ng frens ko, bago idelete!!! hehe

    salamat sa maagang pagbati.

    ReplyDelete
  12. dami nga ngayong nagfefacebook. ako ganun pa rin hanggang sa pag open ng accoutn lang. kulang na kasi oras ko dito palang sa blog.

    lapit na pala birthday mo. may party ba? hehehe...

    ReplyDelete
  13. iniisip ko pa... medyo seryoso ako sa pagtitipid mode ngayon.. pero ewan, pag nauto ako ng kung sino man... hehe

    ReplyDelete
  14. hmm... sa Ocean Park na lang parekoy... hehehe

    oyy... magbbday ka na? hapi birthday ha... :)

    ReplyDelete
  15. ang Ocean Park, for me, one time ka lang pumunta okay na. Nung bumalik nga ako dun, earlier this month, 2nd time pa lang, nagsawa na... Pano pa pag 3rd time. hehe

    salamat sa maagang pagbati.

    ReplyDelete
  16. dahil mo tol sa overlooking. Dun sa may Kelly Heights/Cloud 9 sa antipolo. Dun kayo magsentihan. :D

    Aga mo naman magsoulsearching. Isang buwan pa bago ka magbirthday ah! :)

    ReplyDelete
  17. ang layo ng antipolo pareho kaming taga south... pero joms, ayoko na muna isipin yang date na yan.. sa sabado na lang para spontaneous.

    ReplyDelete
  18. yan... yan ang magagandang post... sori ha nde koh tlgah binasa 'ung last time... nakitah koh palang comic... 'la nah... etohhhh... masaya... may date si kuya gillboard... abah naki-kuyah akoh... 'la lang... feeling close... wehehe... ang sayahh.... naks naman... hihhee... kuletz eh noh... oh yeah hirap nga kung sasama kah lang para mag-shopping 'ung girl... mabobored ka lang... usually nabobored tlgah 'ung mga guyz eh... mga babae naman nde minsan gano makapagconcentrate... kc parang may sunod nang sunod... lolz... or akoh lang yatah minsan ang ganon?.. mas trip koh kc minsan pag nag-shoppin' akoh 'la istorbo... eniweiz... diz is not about meeh is about ur comin' up date.. naks naman... star city na lang... tapos mag-rides kayo... at magtititili kayoh... heheh... 'un ang masayah.... tapos... kain kayoh... usap usap... oh devah... ang sweet... hihhee... tapos kung trip nyoh pah... 'un ngah... nood nang movie... malamig sa sine... kelangan nang hugness... heheh.... tapos puwedeng kung gutom pah kayoh sige mcdo or jollibee... tapos kumanta nang huling el bimbo... lolz... tapos 'un nah... iuwi moh nah sa bahay.... nyoh?... lolz... hehe... naaliw naman akoh.. hiheee... parang akoh ang kiligz for u?.. lolz... oh yeah advance happy birthday.... well nde pah feb... next time na nga ang real bati... don't worri age is juz a number... enjoy lang ang buhay... sige sobrah na akong maepal... wehe... ingatz kuya gillboard... sendali... wat do u wanna be called bah?... gillboard?...ano nick moh... 'la lang... oh sige na nga... kuya gillboard na lang muna for now... take care po... GODBLESS! -di

    ReplyDelete
  19. wuuuy, may date!

    pre-valentine date ba yan? lolz
    ah, wag na sa Manila zoo, pareho nga kayong maddepress dun. Suggestion: try arcade, worlds of fun, maglaro kayo ng street fighter dun o basketball or racing... well, at least something you can both enjoy..

    anf purpose lang ng friendster ko is to keep in touch with my old friends na dun ko nga lang nakakatagpo ulit. makagawa nga ng account sa facebook minsan, hehe..

    sabi ko nga sa isang kaibigan ko, hindi pag-aaksayahan ng oras ang taong hindi interesante sa kanya..kaya, hope you enjoy your date.

    dahil jan, isang umaatikabong CHEERS!

    ReplyDelete
  20. dhianz:hindi lang bored... pagod pa... lam mo ba kung gano kalawak ang mga tindahan ng sapatos sa mga department store?!

    dylan: salamat... ewan ko pa. la pa rin akong plano sa sabado. pag tinamad ako, sine na lang ito. kahit walang magandang pelikulang palabas.

    ReplyDelete
  21. Same here Gilbert, Facebook is great dahil sa chat at updates!

    Hhmm, can I suggest na magphotography date kayo. Bring camera tapos practice photography skills uhm sa Intra! :D (tipid it is!)

    ReplyDelete
  22. there's no such thing as a friendly date!!! :P


    Facebook ang pinakagusto kong social networking site.

    ehehe, tanda mo na. :P

    ReplyDelete
  23. haha. natawa ako sa last line mo. :)

    ReplyDelete
  24. yoshke: meron... amin... kami magpapauso nun!!! hahaha

    josha: salamat

    ReplyDelete
  25. birthday blues lang yan! advance happy birthday! =)

    ReplyDelete
  26. Nakss--totoo ka talaga ---real na real...ung blog mo--napaka real---hindi peke!

    Anyways, four days from now---it's my birthday---

    However, age is just a number and tears is just a water...lol---

    ReplyDelete
  27. That last line---about age and water is according to One Other blog---I like her blog---quirky and witty!

    ReplyDelete
  28. thanks. Advanced Happy Birthday to you!!!

    ReplyDelete