Para icelebrate ang araw ng aking regularisasyon sa aking trabaho naisip kong ilathala ang aking mga karanasan... hindi ganung klaseng karanasan!!! Sa opisina, bilang isang call center agent.
Unang trabaho ko matapos kong magtapos ng pag-aaral sa San Beda ay maging isang Customer Service Associate sa eTelecare noong panahon na isa ito sa pinakamagandang call center sa Pilipinas. Isa akong outbound agent noon, ibig sabihin ako yung isa sa mga pumepeste sa mga araw ng mga Amerikano para magbenta ng telephone lines sa kanila. Pagkatapos kong magsawa sa eTel, lumipat naman ako sa napakaprestihiyosong call center (umaapaw sa sarcasm) na nagngangalang ICT para naman kulitin ang mga Canuck para bumili ng credit card insurance.
CULTURE SHOCK
Dahil nga simula ng pagkabata ko eh galing ako ng all-boys school, nagulat talaga ako dahil sa larangan ng trabahong pinasok ko eh umaapaw ang mga kababaihan. Sobrang dami ng babae at mga nagpapakababae. Pero girls galore talaga sa eTel noon. May makukulit, may mga mahihinhin, may mga babaeng bakla at marami ring tibo. Noon, ang akala ko lang sa tibo eh yung mga mukhang lalake, pero pagtungtong ko sa call center andami kong kilalang tibo na sobrang ganda. As in sana tunay na babae ka na lang. Isa pang ikinagulat ko eh meron ding mga babae na nagpapahawak ng mga dibdib nila sa akin, kasi daw napakamukhang inosente ko daw. Akala lang nila yun.
Hindi lang siyempre sa mga babae ako naculture shock, pero pati na rin sa trabaho ko. Noong nasa kolehiyo ako, ang pinakaayaw ko na klase namin eh yung sales. Dahil nga likas na mahiyain ako, sabi ko ang pagbebenta ng kung anu-ano eh hindi para sakin. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana at doon ako inilagay ni Lord, o nung tarantadong taga-HR na nagrekumenda sa akin para magtrabaho sa kumpanya nila. Sa final interview ko sa eTelecare, ang final question sa akin: HOW MANY LIGHTBULBS DO YOU THINK ARE THERE IN THE PHILIPPINES? Anung klaseng kalokohan naman yan diba?
HELLO CUSTOMERS
Anyway, balik sa trabaho. Kaya siguro sanay na akong nirereject ngayon ng mga nililigawan ko eh dahil namanhid nako dahil ilang taon ko ring ininda ang malutong na NO, I'M NOT INTERESTED ng aking mga customer. Minsan may kasama pang FUCK YOU o PAKKKYU (pag Vietnamese) ang kanilang pandededma. Naaalala ko pa yung una kong irate customer, lola na kaboses ni Minnie Mouse. Noong mga panahon na yun, feeling ko ang mga matatandang customer ko ang mga pinakamadaling utuin so uber pabibo at rapport ako kay lola. Sabay pagkatapos kong magpitch, sinabihan akong "WHY DON'T YOU TAKE THAT PHONE AND SHOVE IT UP YOUR ASS!!!"
Tapos meron ding mga mga panahon na ang mga nakakausap ko eh nasa gitna ng kanilang pagtatalik sa kung kanino man. "WHAT THE FUCK MAN, I'M IN THE MIDDLE OF FUCKING MY WIFE HERE..." hindi niya binaba yung phone, kaya dinig na dinig ko ang kanilang halinhinan. At dahil papansin ako noon, inispeaker ko sila habang ginagawa nila yung kanilang paglalaro ng adult version ng bahay-bahayan.
Aliw din ako noon, kasi maaari kang gumamit ng call name. Dahil isa akong malaking geek, eh ang call name ko ay Sam Fisher (bida sa larong Splinter Cell). Tapos kapag bilog ang buwan, ginagamit ko rin ang mga alyas na Peter Parker, Clark Kent, Benjamin Barry, Bruce Banner at Agaton Muhlach.
BENTADOR
Medyo matagal-tagal ding panahon bago ako naging isang ganap na bentador. Dumaan ako sa panahon ng depresyon dahil sa isang linggo 1 o 2 lang ang benta ko, sabay ang mga kasabayan ko ay 40 o 50 ang mga nauto. Pag minamalas pa, kapag nakipagpalit ako sa mga teammates ko para bentahan nila ako, madalas ako pa nakakabenta para sa kanila. Hay. Inaaway ko noon yung anak ni Rio Locsin dahil feeling ko lahat ng tinatransfer ko na dapat na sale, pag napunta sa kanya eh nalalaglag. Kahit na maganda siya at kras na kras ko noon eh pag nakikita ko naghahalong paninigas at poot ang nararamdaman ko sa kanya.
Merong mga araw na lumuluhod talaga ako sa customers ko para lang umoo sila sa inooffer ko. "Mr. Smith, if you could only see me now, I'm on my knees begging you to try this out sir. Please!" ang drama noh? Nakalibing na yang Gillboard na gumawa niyan ngayon. Pero dun sa pangalawa kong trabaho, medyo magaling nako.
SLEEPY MOMENTS
Di maiiwasan sa trabahong ito, dahil baligtad ang mundo ng mga katulad ko, na minsan ay tamaan ng antok habang nasa trabaho.
"and as a valued customer Mr. Customer, we will send you a brown death package..."
"Hello, Mr. Smith, my name is Gillboard and I thank you."
"I understand that you're not interested Ms. Customer... ... ... nyum nyum nyum... ... ... hay... ..." recorded ng QA yan.
Sino bang mag-aakala na balang araw eh nagkaroon ng pagkakataon yan na maging Operations Supervisor?
**********
Ngapala, ngayon ko lang nalaman, ako po ay nominado ni kaibigang ronturon bilang isa sa maaaring gawin niyang featured blog for February. Gusto ko lang sabihin ay isang MARAMING SALAMAT!!! Di naman sakin mahalaga ang mapansin at mabigyan ng parangal, pero nakakataba ng puso ang maging isa sa nominado. Nakakatuwa lang na malaman na may nagbabasa sa mga sinusulat ko, kahit na walang kagarbo-garbo nitong mumunting blog ko. =)
Kung may bumoto man, eh ako po ay nagpapasalamat din sa inyong suporta!!! Thank you.
hayyyy..
ReplyDeleteang saya nman pala ng trabaho mo..
yan yung mga tipo ng trabaho na dati kinababaliwan ko.. maging ahente ng kung anu anung anik anik....lols pero salamat nman at hindi ako pinagbigyan ni lord.. mahirap din pala...
pero ang lupit mo
nakayanan mo yun!
hahaha..
congrats
regular ka na pala..
kitakits
Wow.
ReplyDeleteDude congrats sa pagiging regular.
Masarap ang may trabaho di ba? lalo na when i pays well.
Alam mo tama ka sa mga nabanggit mo e... like yung sleepy moments at yung paggawa at pagsabi mo ng kahit ano para lang makakuha ng customer o kliyente! wahahaha
natawa ako sa im on my knees effect mo! haha.. emo na may halong kaewanan! (LOL)
Teka, hindi ba ako yung isang caller mo? wahahaha...tsaka pahawakin din kita ng dib dib ko gusto mo? wahahaha
peas out!
kosa: yep, kinaya ko yun, kasi nung mga panahon na yun mahal ko pa yung trabaho ko... noon yun
ReplyDeleteron: totoo... masarap magwork pag lam mong well compensated ka..
teka, pag-isipan ko yang offer mo...lolz
Sa Shell ka pala? Ahahaha. Suntukan na lang! Jowk. = P
ReplyDeleteYep... wag ka mag-alala, wala akong balak tawagin sarili ko gasoline boy o gasoline dude... hehe sayo yan!!! hahaha
ReplyDeletehoy agaton muhlach. sobrang napatawa ako dito sa post mong to.
ReplyDeletemahirap na masaya pala ang buhay call cen'ah.
lol.
dapat ang sinagot mo kay minnie mouse granny eh, actually, you're speaking to my ass right now, asswipe.
haha
di ko nga siya nasagot.. natrauma ako dun... unang beses na minura ako sa matandang ale pa...
ReplyDeleteFunny, in a matter of day, regular na din ako dito@! haha
ReplyDeleteNararamdaman ko talaga na malapit na tayo magkita...
Congratulations!!!
ReplyDelete"Nararamdaman ko talaga na malapit na tayo magkita..."
-natawa ako dito.. parang may forces of evil lang na pumipigil.. hahaha
Wow... congrats!!!
ReplyDeletecongratulations! pa-burger ka naman, padala mo dito.. hehehe.
ReplyDeletenabanggit ko na ba na nag-try ako sa call center sometime in 2004? ayan. nabanggit ko na. :p
ReplyDeleteuhmm.. Oct. 18, 2004 ko nai-blog yung karanasan na iyon. (gaya ng sabi mo, hindi "yung karanasan" na yun ang tinutukoy ko... call center experience din po)
very short blog post kase very short lang din ang stint ko sa call center industry. not a lot to tell.
bigla akong nainggit dun sa trabaho mo dati pare, lalo na dun sa nagpapahawak ng dibdib sayo ang mga katrabaho mong babae. hahaha! siguro nagpapanggap kang bading? uuuy style! hahaha! =D
ReplyDeletetagal kong di nakagala dito--musta kana?
ReplyDeletewow----regular kanapala ha---burger naman dyan. keke
nways---congrats. makakabuti yan---lalo ngyn lahat takot sa economic crisis.....
alala ko rin karanasan ko bigla sa call center, natrauma ako don sa lat---2 christmasses ago---sangkatutak na mura inaabot namin---xmas pamandin. mula nun dinako bumalaik---maybe I was not fit for such kind of job.......
wahaha! lol. babaeng nagpapahawak ng dibdib.=)
ReplyDeletemy first job was also with a callcenter, and true, madaming babaeng bakla.masaya silang kaibigan. super aliw kasi natuto ako ng gay lingo haha.
haha, grabe naman yang natawagan mo, while fucking his wife. haha. pwedeng wag sagutin ang phone diba.
marco & eben: maraming salamat sa pagbati!!!!
ReplyDeletekuya jon: kung di iisipin ang schedule at kung anumang negatibong nakadikit sa industriya, masaya naman ito. di naman ako magtatagal dun, kung di ako nag-enjoy.
ardyey: hahaha... di naman... nagpapanggap lang na virgin!!! lolz
ReplyDeletepusanggala: yep, hindi nga para sa lahat ang call center. dami mo kasing isasakripisyo, kung nagkataon.
gravity: okay din yun, pampalipas oras din yun...libreng entertainment. hehehe
heyyy congrats sa regularization!!
ReplyDeletei was from a call cen'ah too, ibm daksh represent!!
kaso di ko kinaya ang sched, ni trigger niya ang hika ko, it's a fun environment kaso it's not for me...
congrats uli!
"...napakamukhang inosente ko daw. Akala lang nila yun."
ReplyDeletenatawa naman ako dito..
teka, basa mode ulit..
ang cool ng post mo. nawala antok ko. hehe.
ReplyDeletealiw!
ReplyDeletenapansin ko lang na mabait ako sa mga nagbebenta sa phone. recently nabentahan ako ng accident insurance. so gullible!
wow! naaliw aco dito. . madami na rin nakapagkwento sakin ng mga anumalya na mga gnagawa ng kel sener agent. . pero naaliw acong basahin to. . madami nga daw talagang agresibo sa ganyang trabaho. . meron bang BI jan? penge naman #. . lol. .
ReplyDeletesi rio locsin ba ung namatay o bangag lang aco?
nga pala. . nakita co nga pangalan mo dun eh. . hulaan mo sinong binoto co? hahaha. . kahit di ka manalo isa ka na sa kapitagpitagang blogistang nakilala namin. . wow! laki tenga nyan! haha. .
alex: tama yan, unahin ang iyong kapakanan, bago ang pera. dami naman mas magandang trabaho dyan...
ReplyDeletedylan: salamat po... pero totoo yun, mukha talaga ako inosente... hanggang ngayon
the scud: thank you. yan ang silbi ko sa buhay, ang manggising
mksurf8: Kung sales lang ako ngayon, baka hinanap ko number mo, bentahan kita condo... hahaha
ReplyDeletepaperdoll: uy, wag mo namang pinapatay si Rio Locsin, buhay pa yun. Rio Diaz ata yung patay na.
Nakzz---roller coaster din pala yung job experience mo ah---! na-Culture women shock ka pala? Hahaha
ReplyDeleteBiruin mo ba naman--pinahawak pa sayo? lol---!
Anyway--congratzz--
hahaha. . oo nga pala. . so rio locsin. . kala co sya un eh. . hahaha
ReplyDeletecongrats sa regularization..akalain mo un,na regular ka pa eh puro pag petiks lang ang gawa,hahah! joke lang.
ReplyDeletena miss ko magbasa dito..hehe!
Astig! Nakakatuwa ang post. Hehehe.
ReplyDeleteCongrats sa iyong regularization!
lyk meeh: yeah... those were good times.... good times indeed.
ReplyDeleteteresa: uy, di lang naman pagpepetiks ang ginagawa ko dun... every once in awhile, nagwowork din ako... lolz
mugen: thank you sa lahat my blog friend!!! i appreciate it...
Great post by the way; looking forward to reading more cool stuff in the future. Kudos man! :-)
ReplyDeleteHmmm, dahil sinabi mo, naniniwala ako..;)
ReplyDeleteNasubukan ko na ring mag-apply noon sa Sitel sa Baguio pero hindi ko itinuloy.. wala lang. trip.
Matindi ang nakakatagal sa trabahong gaya nyan..
Congratz! and Good luck pa rin..
cheers!
andy briones: thank you.
ReplyDeletedylan: di naman masyado... enjoy naman yung trabaho... minsan petiks pa.